TAMING A CASANOVA (Published...

By fedejik

18.5M 331K 16.4K

Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at total Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at... More

Author's Note
Teaser
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3.1.2
Chapter 3.2.2
Chapter 4
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6
Chapter 7.1.3
Chapter 7.2.3
Chapter 7.3.3
Chapter 8.1.3
Chapter 8.2.3
Chapter 8.3.3
Chapter 9.1.2
Chapter 9.2.2
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12.1.2
Chapter 12.2.2
Chapter 13.1.3
Chapter 13.2.3
Chapter 13.3.3
Chapter 14.1.2
Chapter 14.2.2
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 16.2.2
Chapter 17.1.3
Chapter 17.2.3
Chapter 17.3.3
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21.1.3
Chapter 21.2.3
Chapter 21.3.3
Chapter 22.1.3
Author's Note
Chapter 22.2.3
Chapter 22.3.3
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.3
Chapter 24.2.3
Chapter 24.3.3
Chapter 25
Chapter 26.1.3
Chapter 26.2.3
Chapter 26.3.3
Chapter 27.1.2
Chapter 27.2.2
Chapter 28
Chapter 29.1.2
Chapter 29.2.2
Chapter 30
Chapter 31.1.3
Chapter 31.2.3
Chapter 31.3.3
Chapter 32.1.2
Chapter 32.2.2
Chapter 33.1.2
Chapter 33.2.2
Chapter 34.1.2
Chapter 34.2.2
Chapter 35
Chapter 36.1.2
Chapter 36.2.2
Chapter 37.1.2
Chapter 37.2.2
Chapter 38.1.3
Chapter 38.2.3
Chapter 38.3.3
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Announcement
Published under Pop Fiction

Chapter 15.1.3

220K 4.2K 87
By fedejik

#JanTon

CHAPTER 15.1.3

JANELLA RAYNE's POV

Papasok na ako sa opisina ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mapangiti. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. But I'm in love with Dalton Ace. My Ace. Nababaliw na nga yata ako at nagagawa kong sumugal sa isang taong hindi ako sigurado kung kaya ba talaga akong mahalin na ako lang. Pero ano nga bang dapat gawin? Sa ilang buwan na nagkahiwalay kami ay walang nabago sa nararamdaman ko. Hindi naman ako naging ganito kay Bernie kaya alam kong iba itong kay Dalton.

Pagsakay ko sa elevator ay hindi ko inaasahang makakasabay ko si Danzel na tila kakarating lang. Agad kong naamoy ang kanyang pabango at naalala ko na naman ang amoy ni Dalton. Magkaiba sila nang bango pero alam na alam ko ang amoy ni Ace ko. Haist Janella! Malala ka na!

"Good morning, sir Danzel." Nakangiting bati ko naman. Shit! Hindi nga pala maganda ang huling paalaman naming dalawa! Bakit ko ba nakalimutan 'yun?!

"Good morning, Janella." Tipid naman siyang ngumiti at wala rin naman akong makitang bakas ng galit sa kanyang mukha.

"So, how are you?" Kaswal lang na tanong niya matapos na makasakay kaming dalawa sa elevator.

"O-okay naman..." Tipid na sagot ko lang lalo pa nga't hindi ko sigurado kung dapat bang may malaman pa siya tungkol sa amin ni Ace. Jeez... 'yun na nga yata ang endearment ko sa kanya. Wala kasi akong naririnig na tumatawag nang gan'un sa kanya kahit pa barkada niya.

"So, are you two together now?" Biglang sumeryoso ang kanyang mukha at parang may selos ang boses niya. Hindi ko naman siya masisi dahil noong mismong magtapat siyang gusto niya ako ay mismong pagtatapat din ni Dalton sa stage.

"N-no..." Bahagya pa akong umiling at ang hirap pala talaga magsinungaling!

"Hmmm..." Hindi naman na siya kumibo at sa halip ay humugot lang siya ng isang malalim na buntong-hininga.

Nang makarating kami sa 40th floor ay naramdaman ko pa ang paghawak niya sa aking siko. Gentlemanly naman talaga si Danzel. Malayong-malayo kay Dalton na puro kamanyakan ang laman ng utak.

"Powder room lang ako." Paalam ko pa at bahagya lang siyang tumango.

Naglihis kami nang daan at nagdiretso siya sa loob ng kanyang opisina. May pailan-ilan na ring mga empleyado roon na huling-huli kong nakatingin sa akin at parang alam ko na ang tumatakbo sa isip nila. Mga tsismosa talaga! Kunsabagay, kahit saan naman yata ay mayroon.

Nang makapasok ako sa powder room ay saglit akong nagsuklay at nagpabango ulit. Pero hindi pa man ako nagtatagal sa pagharap sa salamin ay may kung sinong unknown number ang tumatawag.

"Hello?" Alanganin pang sagot ko.

{Hi Pumpkin!}

"Dalton Ace?" My God! Sa simpleng pagtawag pa lang niya ay kumakalabog na ang puso ko! Shit! Namimiss ko na siya!

{I miss you...} Malambing pang sabi niya.

"Grabe ha. Kakahiwalay pa lang natin." Hindi ko na talaga mapigilan ang mangiti. Kung alam lang niya.

{I think I'm addicted to you. This is crazy,} Natatawa pang sabi lang niya at parang nai-imagine kong kinakagat-kagat niya ang kanyang mapulang labi.

"Forte mo talaga ang pambobola 'no?" Ngumuso ako sa harap ng salamin at pakiramdam ko ba ay sobrang lapit lang niya.

{Well, I'm an Ace on that matter. Pretty good actually. I don't use it that often with girls but with you I think I have given it all but failed a lot too.} Natatawa pang sabi lang niya sa kabilang linya at naalala ko kung gaano ko karaming beses na sinupla ang pag-flirt niya sa akin.

"Parang gusto ko ngang magbago nang isip."

{No way!} Mabilis pang sagot niya na para bang nakikinita ko na agad na namimilog ang kanyang mga mata! Ang cute lang siguro! {You can't do that to me, pumpkin.} Tila sumeryoso ang kanyang boses at hindi ko naiwasang kiligin nang husto. This is bad, Janella.

"What if hindi pumayag ang parents mo?"

Hindi siya nakasagot agad pero rinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya.

{Basta hintayin mo ako. I'll do something about it, okay. I am just waiting for the right time.}

"Magagalit si Eleonor."

{It's not her I am worried about.} Matabang pang sagot niya at gusto kong pagsisihan na inopen ko pa 'yung topic. {But anyway, let's not talk about it, okay? Can you have lunch with me then? I'll pick you up?}

"'Di ko pa sure kung makakalabas ako ng office. Ang daming trabaho ngayon."

{Really?} Malungkot pang tono niya sa kabilang linya. {Sana kasi dito ka na lang nagtrabaho. Sana anytime nakikita kita rito.}

"Heh! Tumigil ka nga!" Umismid ako at narinig ko ang kanyang manipis na pagtawa.

{Damn! I really miss you!} Mariin ko lang ulit kinagat ang labi ko dahil parang hindi ko na marinig ang sarili ko sa lakas ng kalabog ng puso ko. Ibang klase talaga ang epekto niya sa akin!

"Sige na, kailangan ko na bumalik sa table ko." Iwas ko na lang dahil baka kapag hindi ko napigilan ang sarili ko ay lumabas na lang ako ng opisina at puntahan siya!

{Why? Where are you?}

"Powder room."

{Alone?}

"Yeah, I think so." Pinasadahan ko nang tingin ang paligid ko at mukhang ako lang naman talaga ang narito.

{I wish I'm there and I will kiss you 'til you beg for more.} Nakakaloko pang sabi lang niya at napatawa na lang ako sa kanyang kalokohan.

"Manyak mo talaga!"

Napahalakhak lang naman siya at wala akong choice kundi ang putulin na ang pag-uusap naming dalawa. Mahirap na! Baka pati pagtambay ko rito sa powder room ay mapag-usapan pa.

"Kailangan ko na bumalik."

{Okay, Call me then if you're free for lunch?} Malungkot pang sabi niya at parang gusto ko nang pumayag sa lunch. Pero hindi talaga puwede! Haist!

"Okay, tawagan kita."

{I'm burning for you, pumpkin...}

Hindi ko nakuhang sumagot sa sinabi niya lalo pa nga't tulad ng sabi niya 'I love you' ang ibig sabihin n'un para sa kanya.

"I need to go." Iwas ko pa.

{Hindi mo man lang ba ako sasagutin?} Nanghihinampo pang aniya at kahit hindi ko siya nakikita ay para bang nai-imagine ko ang pagnguso niya.

"Goodbye, Ace." Noon ko na pinutol ang pag-uusap naming dalawa. But no, Dalton Ace... Hindi mo na nga ako niligawan, puwes maghintay ka!

Ipinasok ko na ulit ang cellphone ko sa bag at sinimulan ko ang araw ko na sobrang ganda!

Sa buong maghapon kong pagta-trabaho ay hindi naman nagpakita nang kakaiba si Danzel. Mabait at malapit pa rin siya sa akin tulad nang dati. Niyaya din niya ako kaninang lunch at wala naman din akong nakikitang mali kung paunlakan ko siya dahil puro trabaho pa rin naman halos ang aming pinag-uusapan.

Mag-aalas cinco na noon ng hapon nang muli akong puntahan ni Danzel sa aking table at ngayon naman ay isasama lang daw niya ako sa nare-schedule niyang dinner meeting with a client. At dahil trabaho naman iyon ay pumayag pa rin ako sa gusto niya.

Tulad nang dati ay sa Royal Country Club kami pumunta. Sa pagkakataon nga na iyon ay nandoroon na rin 'yung ka-meeting niya kaya't mas maaga silang nakapagsimula.

Halos hindi ko namalayan ang oras sa dami ng kanilang pinag-usapan at may mga ilang papeles din kaming pinapirmahan d'un sa client niya. Sa pustura pa lang ay mukhang mayayaman at puro mga de alahas na naglalakihan.

"You have a very beautiful secretary, Danzel. Required mo ba talagang maganda?" Nakangiting tanong pa n'ung medyo may edad na lalaki. Isa rin siya sa mga pumirma at aura pa lang ay nagpapakita na siya ng karangyaan.

"Nah. She just happened to be very pretty." Nakangiting sagot naman ni Danzel at ibig kong mahiya sa klase nang pagtitig nila sa akin.

Mabuti na lang din at hindi naman na nila ako pinag-usapan at umikot na kung kani-kanino ang usapan nila. Pero hindi pa man nagtatagal ay agad na nag-ring ang cellphone ko. Si Dalton!

"Excuse me," tumayo ako at bahagya namang tumango si Danzel.

Nang medyo makalayo na ako ay tsaka ko sinagot ang tawag niya.

"Hey," kumalabog ang puso ko hindi ko pa man naririnig ang boses niya.

{I've been calling you. Where are you, pumpkin?} Base sa tono ng kanyang boses ay mukhang nag-aalala siya. Saglit kong tiningnan ang cellphone at may mga missed calls at messages din siya.

"May meeting si Danzel. Sinamahan ko lang."

{Meeting? Where?}

"Royal Country Club."

{Aren't you done?} At kahit 'di ko pa siya nakikita ay parang naiinis siya or something.

"Almost." Napatingin ako sa aking relo at halos mag eight o'clock na rin pala!

{Jeez, pumpkin. I'm going there. Wait for me!}

"Ace! O-"

{I'll see you!} Agad na rin niyang pinutol ang tawag! Ibang klase rin talaga!

Bumalik ako sa table at tipid pang ngumiti sa akin si Danzel. Wala naman na siyang sinabi pero parang may kakaiba sa tingin niya na hindi ko maipaliwanag.



Continue Reading

You'll Also Like

30.1M 465K 54
│PUBLISHED│ Tigers #5 Luke Palermo
19M 202K 76
This story is now published under Summit Media's SIZZLE. Available in all leading bookstores and stores nationwide.
Mine Again By JTSOTIC

General Fiction

3.8M 2.5K 2
Kathryn Delos Santos has amnesia. She forgot all the important things that she got even his fiance that she used to love. Because of an accident, eve...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy