LOVE WITHOUT BOUNDARIES

By maxinejiji

39M 1.6M 3.9M

Love Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions arou... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Aking Buwan (Love Without Boundaries Official Theme Song)
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66

CHAPTER 56

202K 8.2K 8.8K
By maxinejiji


CHAPTER 56

NAGPRESINTA AKONG maghugas matapos ang hapunan. Hinatid kasi ni nanay si tatay sa sala para manood ng paborito niyang basketball team sa TV. Si Bree Anabelle ay nagpaalam na tatapusin ang tono ng composition song niya habang si Kuya Kev naman ay maliligo na.

'Yon na ang nakikita kong tyansa para makapagpaalam kay tatay sa imbistasyon ni Maxrill Won. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas, wala akong mahugot na lakas ng loob.

Panay ang lingon ko kay tatay, sa bawat baso at pinggang hinuhugasan ko. Gano'n na lang talaga ang kaba ko pero talagang desidido akong magpaalam. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang kakarampot kong lakas ng loob. Basta ang isip ko ay tutok sa kagustuhang makasama si Maxrill Won.

"Magpapaalam ka na?" nakangisi akong tinabihan ni nanay.

Nagugulat ko siyang nilingon saka nahihiyang tinuon ang paningin sa mga hugasin. "Opo, 'nay," sagot ko kasabay ng pagtango.

Nakangiti, matagal akong tinitigan ni nanay saka kami sabay na napabungisngis. "Gusto mo ba'ng tulungan kitang magpaalam sa tatay mo?"

Nakanguso akong umiling. "Ako na po, 'nay. Gusto kong kapag pinayagan ako, dahil naglakas ako ng loob."

Nakangiti muli akong sinuyod ng tingin ni nanay. "Malaki na ang pinagbago mo, Dainty, masaya ako para sa 'yo."

Napanguso na naman ako bagaman nangingiti pa rin. "Ano naman po ang pinagbago ko, 'nay?"

Pabuntong-hininga siyang sumandal sa tabi ko at pinagkrus ang mga braso. Sinulyapan niya si tatay saka inilapit ang mukha sa 'kin at bumulong. "Kasi may lakas ka na ng loob ngayon na magpaalam sa tatay mo. Dati-rati, para kang maiiyak kahit sa bakuran lang naman ang punta mo. Hindi ka pa man nakapagpapaalam ay parang alam mo na ang isasagot ng tatay mo."

Nahihiya lalo akong nagbaba ng tingin. "Masama po ba ang gano'n, 'nay?"

Nakangiti siyang umiling. "Hindi. Para sa 'kin ay maganda 'yon. Kahit papaano, nasasabi at nagagawa mo na kung ano talaga ang gusto mo. Bukod do'n, may lakas ka na talaga ng loob. Biruin mo, hindi mo na kailangan ng tulong ko."

Ngumiti ako. "Kahit ito na lang ang regalo ko kay Maxrill Won, 'nay." Hindi ko napigilang maalala ang birthday celebration niya. Nilingon ko si nanay. "Lahat po kasi binibigay niya sa 'kin, lahat po ginagawa niya para mapasaya ako. Alam kong matutuwa siya dahil ito ang hiningi niyang regalo para po sa birthday niya. Gusto ko pong ibalik sa kaniya 'yong saya na naipaparamdam niya sa 'kin, nanay."

Nakangiti siyang tumango-tango. "Oo. Sigurado rin akong matutuwa siya kapag nagkasama kayo. Gagawin ng Moon na 'yon ang lahat para sa 'yo, Dainty."

Nakagat ko ang labi sa pagpipigil ng ngiti. Hindi ko nagawang sumagot dahil para akong matatawa bagaman ang totoo kong nararamdaman ay tuwa at saya.

Wala pa man, iniisip ko na kung ano ang itsura ng Norway. Nakaplano na sa isip ko kung ano-anong damit ang dadalhin ko. Iniisip ko na kung anong oras kaya ako susunduin ni Maxrill Won. Makakatulog kaya ako sa gabi bago dumating ang araw na 'yon?

Ano-ano kaya ang mangyayari sa amin doon? Ano-anong pagkukuwentuhan namin? Ano-anong kakainin namin? Saan kaya kami pupunta? Gaano kaya kasaya ang makasama siya habang naroon kami sa ibang bansa? Ano kaya ang pakiramdam na makarating sa ibang bansa? Gaano kagaganda kaya ang mga tanawin doon?

Nakaka-excite. Napakaraming tanong sa isip ko at kahit hindi nasasagot 'yon, nadaragdagan ang excitement ko.

Panay ang lingon ko kay tatay habang tinatapos ang hugasin. Humahanap ako ng magandang tiyempo para maging matagumpay ang pagpapaalam ko. Lalong lumalakas ang loob ko kasi mukhang maganda ang mood ni tatay. Ngingiti-ngiti siya habang inuulit-ulit sa TV kung paanong nakapuntos ang paborito niyang team habang nagsasalita ang announcer.

Pinunasan ko ang mga kamay ko saka naupo sa katabing silya ni tatay. Nakangiti niya akong nilingon at muling tinuon ang paningin sa basketball na pinanonood.

"Bakit hindi ka pa magpahinga, Dainty?" tanong niya habang ang paningin ay naro'n lang sa TV. "Akala ko ba ay kinakabisa mo iyong kantang sinulat mo para sa finals?"

"Opo, 'tay, maaga pa naman," kabadong-kabado ako.

"Hindi ka naman malilibang dito sa pinanonood ko."Sinulyapan ni tatay ang orasan.

Sandali akong natahimik. "Gusto niyo po ba ng...k-kape, 'tay? Pwede ko po kayong ipagtimpla," kabadong alok ko.

Nagtataka akong nilingon ni tatay. "Gabi na at hindi maganda sa edad ko ang masobrahan sa kape."

"Juice po?"

"Hindi na."

"Kahit tubig, 'tay?"

Lalo niyang pinagtaka ang mga alok ko. Saka siya natatawang tumitig sa 'kin. "May kailangan ka ba, Dainty?"

Natigilan ako at pinamulahan. "Opo, 'tay."

Napatitig lalo sa 'kin si tatay si tatay saka malakas na tumawa. "Ganyang-ganyan ka mula maliit, Dainty."

"Ang ano po, 'tay?"

"Maganda." Tumatawa niyang ginulo ang buhok ko saka muling tinuon ang paningin sa pinanonood.

Nahihiya kong nakamot ang noo ko at nangingiting nagbaba ng tingin. Hindi ko man lang alam na ganito na ako mula pa noong bata ako. Ang natatandaan ko kasi hindi ko masabi agad ang nararamdaman at gusto ko dahil para akong maiiyak parati sa hiya, gaya ng sinabi ni nanay. Pero sa sandaling ito, kabado man, meron talaga akong lakas ng loob na sabihin ang gusto ko. Sigurado akong masasabi ko 'yon, gumaralgal man ang tinig ko, magkandautal-utal man ako.

"Sige, ano 'yon?" nakangiting dugsong ni tatay.

"Magpapaalam po sana ako...'tay." Hindi ko na pinahaba ang usapan.

Nakita kong magbago ang kaniyang itsura, tila nahulaan na ang ipagpapaalam ko. Pero hindi ako nagpalamon sa kaba.

"Nag-birthday po kasi ni Maxrill Won at...gusto niya na mag-travel kami papunta sa ibang bansa bilang regalo. Magpapaalam po sana ako sa inyo, gusto ko pong sumama, 'tay."

Matagal na tumitig sa 'kin si tatay. Akala ko nahulaan niya na ang ipagpapaalam ko pero nabasa ko pa rin ang gulat sa mga mata niya.

"Sa Norway po 'yon, 'tay," sa sobrang kaba, hindi ko nabanggit agad kung saan pupunta. "Wala pa pong...date kasi kailangan ko pa pong magpaalam sa inyo."

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si nanay, magkakrus ang braso. Hindi man siya magsalita, alam kong anumang oras, dedepensahan niya ako oras na magalit si tatay.

"Ilang araw lang naman po 'yon, 'tay," dagdag ko nang hindi sumagot si tatay. "Alam po 'yon nina Tiyo More at Tiya Maze, pati na rin po ni Lolo Mokz at Nanay Heurt. Pinagpaalam niya po kami at pinayagan. Hihingin ko lang po ang pahintulot ninyo. Kasi...g-gusto ko rin po talaga na sumama, 'tay."

Pakiramdam ko ay masasamid ako sa sobrang kaba. Nauutal na nga ako, hindi pa sumasagot si tatay sa dami ng nasabi ko. Lalo tuloy akong kinakabahan.

Minsan pang tumitig sa 'kin si tatay bago nag-iwas ng tingin at tinuon 'yon sa TV. "Natutuwa ako na nagpaalam ka pa rin, Dainty." Nagsalita siya nang naro'n sa pinanonood ang paningin. "Ang iba riyan, nagkanobyo lang, binabalewala na ang opinyon at komento, lalo na ang suhestiyon at desisyon ng mga magulang nila. May mga nagtatago at tumatakas pa, sa huli, napapahamak. Hindi ka gano'n, ramdam ko ang pagmamahal at respeto mo, natutuwa ako sa 'yo."

Nagbaba ako ng tingin at hindi mapangalanan ang tuwa. Hindi ko man ito ginawa para makarinig nang gano'n kagagandang salita, natutuwa rin ako na ganito ang sagot ni tatay.

"Kayo lang bang dalawa ang magpupunta sa ibang bansa?" tanong niya.

"Opo sana, tatay."

Bumuntong-hininga siya at matagal uli bago nagsalita. "Pinayagan kita na makipagrelasyon sa Moon na 'yon kahit pa...ayoko talaga sa kanila. Ayoko sa buo nilang pamilya,"dagdag ni tatay, nakagat ko ang labi ko at pinanatili sa TV ang tingin. "Pero..."

Natigilan ako at dahan-dahang nag-angat ng tingin kay tatay, umaasang maganda ang susunod na maririnig.

"Hindi kita mapapayagang sumama sa kaniya nang walang ibang kasama, Dainty. Pasensya na." Hindi niya galit na sinabi 'yon. Pero lalong pinabilis no'n ang kabog sa dibdib ko. "Hindi," tila nagbago ang isip niya. "Hindi kita papayagan, kahit pa may ibang kasama. Kahit pa naroon ang buong pamilya nila. Kahit pa maimbitihan ang buo nating pamilya, hindi ako makapapayag na sumama ka sa kaniya sa ibang bansa."

"'Tay..." 'yon lang ang nasabi ko.

"Sa ngayon ay respeto lang sa nararamdaman mo sa lalaking 'yon ang maibibigay ko. Pasensya na, Dainty."Minsan pang bumuntong-hininga si tatay. "Sana hindi sumama ang loob mo sa 'kin. Pasensya na ulit, anak."

Nanlumo ako at nakagat ang labi. Gusto kong ipilit. Hiniling ni tatay na huwag sumama ang loob ko pero ang totoo, 'yon na mismo ang nararamdaman ko. Nagpaalam ako nang maayos at mataas ang kompyansang papayagan. Hindi ko napaghandaan ang ganitong pakiramdam.

"Heurt," bahagyang lumingon si tatay sa kinatatayuan ni nanay. Na para bang gaya ko, alam niya na rin kung saan naro'n ito. Kahit pa nakatalikod siya sa kinaroroonan nito. "Dalhin mo na 'ko sa kwarto."

Ramdam ko ang paningin ni nanay sa 'kin ngunit natulala na ako sa kung saan. Naramdaman at nakita ko siyang lumapit para itulak ang wheelchair ni tatay pero ang paningin ko ay nakatuon pa rin doon.

Ang init ng mukha ko, lalo na ng mga mata ko. Umasa talaga akong papayagan. "'Tay..." Hindi ko napigilan ang sariling habulin siya. "Payagan niyo na po ako," maiiyak nang pilit ko. "Pangako, mapagkakatiwalaan niyo po kami"

"May tiwala ako sa 'yo," pinutol ako ni tatay. "Pero wala akong tiwala sa lalaking 'yonat sa lahat ng kadugo niya."Naramdaman ko bigla ang galit niya, kahit pa kalmado siyang nagsasalita. "At kailanman ay hindi ako magtitiwala sa kaniyao kaninoman sa kanilang pamilya. Tapos na ang usapang ito, Dainty Arabelle Gonza."

Lalong lumaylay ang mga balikat ko. Napako ang paningin ko sa likuran ni tatay. Nasundan ko sila ng tingin nang pumasok sa kwarto. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nanatiling nakatayo roon, naramdaman ko na lang na tumutulo ang mga luha ko.

"Dainty," agad na lumapit si nanay nang makalabas at niyakap ako. "Hindi nagbabago ang alok ko, pwede kitang tulungan na kumbinsihin ang tatay mo."

Kumalas ako at tiningnan siya nang may pag-asa. "Gusto ko pong makasama si Maxrill Won, 'nay." Nagkasunod-sunod na ang mga patak ng luha ko. "Gusto ko pong magalit at suwayin si tatay..." umiiyak na pag-amin ko. "Pero alam ko pong...hindi rin magugustuhan ni Maxrill Won 'yon."

Nagugulat siyang tumitig sa 'kin at saka lumamlam ang mga mata. Niyakap niya ako at hinagod sa buhok. "Tama ka, hindi ko naisip 'yon, pasensya. Tahan na."

Humihikbi akong yumakap kay nanay. "Matanda na 'ko, 'nay, dapat pinayagan na ako ni tatay."

Kumalas si nanay at natatawang tumitig sa 'kin. "Ganito ba ang matanda sa tingin mo? Umiiyak at nagmamaktol kapag hindi nakuha ang gusto?"

Ngumuso ako. "Hindi naman po ako nagmamaktol. Hindi po ako gaya ni Maxrill Won."

Tuluyan na siyang tumawa. "Bagay na bagay talaga kayo."

Huminto ang pagluha ko ngunit hindi ko siya magawang sabayang tumawa. Nalamangan ng lungkot at pagkadismaya ang nararamdaman ko.

"Hindi pa po siguro ito ang tamang panahon," malungkot kong sinabi. "Naiinis ako pero naiintindihan ko naman po si tatay." Hindi na nilubayan ng panlulumo ang tinig ko. "Nalulungkot ako, nanay."

Tulala ako nang gabing 'yon, puno pa rin ng lungkot at panghihinayang sa dibdib. Naghihinanakit ako. Pero kung may lakas ako ng loob na magpaalam, wala pa rin akong lakas ng loob na sumuway.

Ramdam ang ilangan namin ni tatay nang mag-agahan kinabukasan. Dala namin 'yon hanggang sa hapunan at sumunod pang araw. Hindi ko alam kung paano siyang kakausapin dahil masama pa rin ang loob ko. Pero hindi ako galit kay tatay. Dala lang marahil ito ng lungkot dahil gaya ng sinabi ni nanay, hindi ko nakuha ang hiling ko.

Hindi ko alam kung paanong sasabihin 'yon kay Maxrill Won, hindi kami nagkakausap at nagpapasalamat akong hindi siya nagtatanong sa mga nagdaang araw. Pero hindi ko na pwedeng patagalin pa 'yon. Baka umaasa siya na makakapag-travel kaming dalawa. Kahit hindi naman pala.

Nang sumunod na araw pa ako nagkaro'n ng lakas ng loob na tumawag kay Maxrill Won. Naro'n ako sa patio isang papadilim na hapon at iniipon sa isip ang mga sasabihin sa kaniya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago siya tinawagan.

"My Dainty Arabelle..." Gano'n na lang kasayang sinagot ni Maxrill Won ang tawag ko, napangiti rin ako. "How are you doing, girlfriend?"

Napangiti lalo ako pero muli ring nanlumo. Gaya ng sinabi ni nanay, para talaga akong batang nagmamaktol. "Maxrill Won..."panay ang pagnguso ko.

"Hmm, Dainty Arabelle?"

"Busy ka ba?"

"Sa 'yo, yes. What is it?"

Magkakasunod na buntong-hininga ang pinakawalan ko saka ako tumingala sa madilim na langit at pinanood ang kislap ng mga bituin. Malungkot kong pinagmasdan ang gasuklay na buwang natatakpan nang manipis na ulap. Ngayon ko na lang uli naramdaman kung gaano kalayo 'yon.

"Magagalit ka ba sa 'kin kung..." napapikit ako matapos bitinin ang sasabihin, kinakabahan ako at nag-aalala na baka magtampo siya. Gaya ulit ng sinabi ni nanay, isip-bata kaming dalawa.

"No." Hindi ko inaasahang wala pa mang naririnig, gano'n na ang sinagot niya. "No matter what happens, I will always understand you, Dainty Arabelle."

Napangiti ako. "Hindi kasi ako pinayagan ni tatay,"nahihiyang pag-amin ko. "Alam kong naghihintay ka kaya sumubok ako at naglakas ng loob. Confident akong papayagan ako...pero nabigo ako, Maxrill Won."

Kabadong-kabado ako pero sa isang tahimik na tawa niya ay nabawasan 'yon.

"Hindi ko maipilit sa kaniya na gustong-gusto kong mag-travel sa Norway kasama ka. Kasi...natatakot akong magalit siya sa 'kin, at nag-aalala ako na...baka iba ang isipin niya dahil dalawa lang tayong pupunta ro'n."

Matagal na natahimik ang linya niya bago uli siya natawa. "It's okay, Dainty, I knew this would happen. It was almost impossible to get his approval to date you."

"Hindi ka ba galit?"

"Hindi," ginaya niya ang tono ko, para siyang bata. Naisip ko tuloy kung gano'n din ba ako. Napanguso ako. "Instead, I appreciate your bravery and honesty. That's who you are, anyway, honest, beautiful and fragile. Akala ko nga, hindi ka makakapagpaalam dahil sa takot."

"Natakot ako talaga, ilang beses 'yong sinubukan kong magpaalam pero hindi ko magawa-gawa. Kanina lang ako nagkalakas ng loob tapos ganito pa..."

"That's why I love you." Matunog siyang ngumiti. "I love you, Dainty."

Napangiti ako. "Ano namang koneksyon no'n sa usapan natin, Maxrill Won?"

Natatawa siyang bumuntong-hininga. "Gusto ko lang sabihin."

Matagal akong tumitig sa kawalan nang nakangiti. Hindi na naman ako makapaniwala na mahal niya ako at naiintindihan ang mga bagay na kahinaan at kinatatakutan ko. Kaya kung ako talaga ang tatanungin, maswerte ako na meron akong Maxrill Won.

Pero mas gumaan ang pakiramdam ko sa pagsasabi nang totoo. Hindi gaya nang mga nakaraan na wala akong naibabalita sa kaniya kung nakapagpaalam na ba ako, para akong nagkakasala. Ang bigat sa pakiramdam na kinakabahan ako sa t'wing makikita siyang tumatawag o may texts. Pakiramdam ko pinapaasa ko siya sa bagay na alam naming pareho na hindi mangyayari. Simpleng pagpapaalam lang 'yon pero ganito ang naging epekto sa 'kin.

"Kailan uli kita makikita, Maxrill Won?" wala sa sariling tanong ko.

Ilang araw na mula no'ng huli kaming magkita, ngayon lang ako nasabik nang todo na makasama siya, dahil sa mga sinabi niya. Gano'n kababaw ang kaligayahan ko.

"Ano..." nahiya ako bigla. "Naitanong ko kasi tapos na ang sem break namin."

"My brother is going to Cebu, I have to look after the hospital for a week or two," pabuntong-hininga niyang sagot.

Napangiti pa rin ako dahil naiintindihan ko. Naisip kong kung hindi naman gano'n ang sitwasyon, paniguradong pupuntahan niya ako.

"Gano'n ba? Ano ang gagawin doon ni Kuya Maxwell?"tanong ko.

"He's going to propose to his uhm...to Yaz."

Natigilan ako at binalewala ang naramdaman kong lungkot sa boses niya. "Gano'n ba?" napabuntong-hininga ako at pinilit na ngumiti.

"Yep," kapagkuwa'y kaswal na sagot niya.

Malungkot ba siya dahil...magpo-propose si Kuya Maxwell kay Ate Yaz? Napabuntong-hininga ako sa nabuong tanong sa isip ko.

"Matulog na tayo, Maxrill Won," biglang paalam ko.

Sandaling natahimik ang linya niya. "But you just called..." kaunti pa, mabobosesan na ang pagmamaktol sa tinig niya.

"Pagod kasi ako, tumulong ako kay nanay sa maghapon."

"I see," malungkot na aniya, hindi ko napigilang ikompara sa malungkot na tinig niya nang banggitin si Ate Yaz kanina. "It's okay, I understand. I'll call you tomorrow, okay?"

Ngumiti ako. "Sige."

"I love you, Dainty."

Napatitig ako sa kawalan at malungkot na ngumiti. "I love you, too, Maxrill Won." Pinutol ko ang linya matapos sabihin 'yon.

Ipininta ko sa ulap ang mukha niya at malungkot 'yong tinitigan. Maxrill Won... Nakalulungkot na ako ang gumawa ng tanong sa isip para maging ganito ang pakiramdam ko at mag-isip lalo nang kung ano-ano. Pero mas nakalulungkot na hindi ko na mabago 'yon dahil paulit-ulit kong nahihimigan ang lungkot nang banggitin niya ang proposal kay Ate Yaz.

Ilang araw pa ang lumipas bago natapos ang sembreak. Bumalik agad kami sa klase at naging busy sa paghahanda sa finals. Magkakasunod ang quizzes at pasahan ng projects sa minor at major subjects.

Busy na rin marahil si Maxrill Won dahil panay man ang pangungumusta niya sa text, hindi siya tumatawag. Nang gabing iyon pa ang huli naming pag-uusap. Kontento na ako sa gano'n, ayaw ko nang mag-isip pa ng iba.

"Excited ako sa graduation," tinig ni Danice ang nangibabaw matapos ang ikaapat na klase, oras na para sa lunch break.

Kinuha ko ang mga gamit ko at nauna nang lumabas ng classroom. Hindi ko inaasahang maririnig pa rin ang usapan ng kanilang barkada sa likuran ko. Kaya naman nagmadali ako papunta sa cafeteria.

"Excited akong makita ang graduation dress mo, Danice," ani Herra.

"Me, too!" patiling sagot ni Danice. "Actually, naghahanap na si mommy ng sikat na couturier for me."

"Bongga ka talaga," ani Herra. "Baka naman magmukhang debutant ka sa graduation?"

Humalakhak si Danice. "Why not? At least, we can afford a luxurious dress for my graduation. Hindi katulad ng iba diyan."

Napabuntong-hininga ako. Ayaw kong isiping sinadya nila akong sundan para paringgan nang gano'n pero hindi ko mapigilan. Sa halip na patulan, nagmadali na lang ako papasok sa cafeteria at inokupa ang bakanteng mesa na nakita ko. Dali-dali kong nilabas ang baon ko at sinimulang kumain.

Mula sa di kalayuan ay naririnig ko na naman si Danice at mga kabarkada niyang nagtatawanan. Hindi na ako magtataka kung mayamaya lang, ang baon ko naman ang binubuyo nila.

Matagal na nila akong inaasar pero itinutuon ko na lang ang atensyon sa iilang buwang natitira bago makapagtapos. Madaling mangarap pero mahirap abutin 'yon. Iniisip ko na lang na kabilang sina Danice at barkada niya sa mga challenges na kailangan kong pagdaanan para maabot 'yon.

"Dainty, hi." Naupo na si Gideon sa harap ko bago ko pa man masagot ang pagbati niya.

"Gideon." Ngumiti ako.

"Mind if I join you?" gano'n na lang kaganda ang ngiti niya. "For you," pinatong niya ang canned softdrinks sa gilid ko.

"Naku, salamat." Hindi ko na nagawang tanggihan pa 'yon nang buksan niya rin para sa 'kin. "Kain tayo," nahihiya man, anyaya ko.

Bagaman masarap at espesyal ang niluto ni nanay para baunin namin ni Bree, nakalagay pa rin 'yon sa normal na tupperware. Siguradong walang matatakam, paulit-ulit ko mang sabihin kung gaano kasarap 'yon. Hindi maipagmamalaki ang pan seared salmon with lemon butter sauce kung hindi 'yon presentable sa mata ng mga mapanghusgang tao sa paligid ko.

"Yeah, let's eat together," sagot ni Gideon.

Natigilan ako nang ipatong ni Gideon ang may katabaan at itim na thermal bag sa table. Mula ro'n ay nilabas niya ang dew colored bento lunchbox. Hindi ko napigilang matawa dahil kahit pa baon 'yon, gaya ng pinagtatawanan ng iba sa 'kin, halatang mamahalin. Hugis oblong 'yon na may tatlong dibisyon at medyo may kataasan bukod sa hawakan. Nasa pinakamahabang dibisyon ang siksik sa dami niyang rice, at dalawang klase ng main dish sa magkatabi pang dibisyon. Naglabas siya ng sariling spoon, fork at knife saka ako niyayang kumain.

"Who made your lunch?" usisa niya nang mapansing nakangiti lang ako.

"Si nanay," agad na sagot ko.

Ngumiti siya. "Pareho tayo. Magaling magluto si mommy, nagmana sa grandparents ko. Actually, hindi sa pagmamalaki pero nasa lahi namin. Kilalang chefs ang grandparents at parents ko."

"Hindi na 'ko nagugulat kasi natikman ko kung gaano kasarap ang luto sa restaurant ninyo, Gideon."

"Thanks," tumaas ang kompyansa niya. "Do you want to try it?"

Nahihiya man, tumanggi ako. "Baka hindi ko maubos 'tong baon ko, pagsasabihan ako ni nanay."

Sandali siyang natigilan sa 'kin at natawa. "At your age, pinagagalitan ka pa?" biro niya.

"Pinagsasabihan lang. Bakit, ikaw ba, hindi? Swerte mo kung gano'n." Nakangiti akong bumuntong-hininga. "Hindi kasi kami mayaman, Gideon. Isa sa pinakaayaw ng parents ko, 'yong may natitirang pagkain."

Gano'n na lang katamis ang ngiti niya. "I just find it cute."Sumulyap siya sa 'kin. "You're so adorable, Dainty."

Sa halip na sagutin ay nginiwian ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Actually, since nasa food business and industry kami, ganyan din ang parents ko. No, let me rephrase that. Lahat kami, ayaw nang may natitirang pagkain. Nanghihinayang kami, Dainty."

Nakangiti siya nang deretso sa 'kin pero parang nai-imagine ang nakaraan habang nagsasalita.

"Hindi valid sa 'min 'yong reason na hindi na kayang ubusin. Bakit ka kukuha ng hindi mo kayang ubusin in the first place? Isa pa, alam natin kung gaano karami ang kaya nating kainin. Pwede kang kumuha ulit kung gusto mo pa, kaysa kumuha nang marami sa una at hindi maubos sa huli. Hindi pagkain ang mag-a-adjust, tayo, right?"

Napakarami niya nang nasabi, nakangiti akong tumango-tango sa pagsang-ayon. "Tama ka. Pero minsan, hindi 'yon maiiwasan lalo na sa mga bata. Kahit ako, aminado akong naging takaw-mata noon. Gusto ko, akin lang 'yong paborito kong pagkain. Tapos ibibigay sa bunsong kapatid ko kapag hindi ko na maubos."

Humalakhak siya. "You're right. Pero syempre, 'yong hindi na bata ang tinutukoy ko."

Inilapit niya ang mukha sa 'kin saka pinasadahan ng tingin ang barkada nina Danice na nakaupo na rin at kumakain.

"Karamihan ng students dito, hindi nauubos ang food sa plate nila. Masakit sa mata 'yon bilang cook." Nakangiti siyang bumuntong-hininga.

"Ha? Kung ako kasi ang tatanungin, kaunti ang serving dito. Bakit hindi nila maubos?" Halos bulong ang sagot ko sa hiya na may makarinig sa 'kin.

"'Yong ilan siguro sa kanila, may mini-maintain na weight. 'Yong iba naman, mahina lang talagang kumain."Tumawa ulit siya.

"May plano ka rin bang magtayo ng sarili mong restaurant, Gideon?"

Ngumiti siya at magkakasunod na tumango. "Oo." Saka siya nangangarap na tumingin sa kawalan. "Gusto kong makagawa ng sarili kong dish na babalik-balikan ng mga tao. Gaya ng sinigang ng lola ko at adobo ni mommy."

"Wow, nae-excite ako para sa 'yo, Gideon."

Natitigilan siyang tumitig sa 'kin at bahagyang natawa. "You're so cute, Dainty." Nginiwian ko siya at nagpatuloy na lang sa pagkain. "Ikaw? Ano'ng plans mo for the future?"

Ako naman ang nangarap sa kawalan at nag-imagine. "Gusto kong magkaro'n ng sarili kong veterinary clinic. All white with animal prints na designs sa interior walls. All glass na front walls and doors..." Para akong sira na nakangiti dahil tila nakikita na agad nang harapan 'yon. "Gusto ko 'yong mura lang para hindi maging hesitant ang owners na ipatingin o ipagamot ang pets nila sa 'kin. Maghahanap ako ng suppliers at professionals."

Sa dami ng sinabi ko, hindi ko napansing nakangiti akong pinakikinggan ni Gideon. Ngiti na hindi lang dahil natutuwa, nabasa ko doon ang matinding paghanga. Nakangiti akong bumuntong-hininga at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Nagkwento pa si Gideon, halos buong pamilya pala nila ay mahusay magluto. Plano niya ring magpakadalubhasa sa pagluluto at magtayo ng maraming food business sa future.

Pero nawala sa isa't isa ang atensyon namin ni Gideon nang mangibabaw ang tawanan ng mga kabarkada niya. Tawa ni Danice ang pinakamalakas sa mga 'yon.

Tiningnan ko si Gideon nang matahimik siya. Wala na ang ngiti niya samantalang tumatawa siyang nagkukwento kanina.

"Hindi mo naman kailangang sumabay sa 'kin, Gideon,"nakangiting sabi ko. "Baka asarin ka lang ng mga barkada mo."

"I don't consider them friends now, Dainty. I'm fine, don't mind me."

"Kung ginagawa mo lang 'to dahil naaawa ka sa 'kin, okay lang ako, Gideon."

Tumitig siya sa 'kin. "Sa dami ng nararamdaman ko sa 'yo, wala ni katiting na awa sa mga 'yon."

Natitigilan ko siyang tiningnan. Hindi na ako sumagot. Lalo pa at naaagaw ng nakaiinsultong tawanan nina Danice ang atensyon ko.

"Gosh, are you guys dating or what?" Sinadya pa talaga kaming lapitan ni Danice at nakaiinsultong tiningnan habang magkakrus ang kaniyang mga braso. "Sa cafeteria, seriously? Eating baon?" Ginalaw niya ang cover ng lunch box ng kaibigan. "How cheap, Gideon."

"Stop it, Danice. You're embarrassing yourself,"mahinahong saway ni Gideon.

"She's in a relationship, why are you eating with her?"

"Ano'ng masama ro'n? Tulad mo lang ang mag-iisip na may malisya sa magkaibigang kumakain nang sabay."

"May malisya naman talaga dahil alam kong may gusto ka sa kaniya."

"Ano naman kung meron nga?" hindi ko inaasahang gano'n ang isasagot ni Gideon, nagugulat ko siyang tinitigan. Tila nabigla rin siya sa sinabi at napapahiyang sumulyap sa 'kin. "I'm sorry, Dainty."

Nagbulungan ang mga nakarinig. Isa-isa ko silang tiningnan at pinagbuntong-hininga na lang ang mapanghusgang tingin nila.

Ito 'yong mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari. Kahit wala kang gawing mali sa iba, sila ang gagawa ng mali sa 'yo. Pakitaan mo sila ng mabuti, sasabihan kang hindi nagpapakatotoo. Gantihan mo ang kasamaan nila, palalabasin kang peke sa mata ng tao. Minsan, napapaisip ako kung mapanghusga lang ba ang mga tulad ni Danice? O kahusga-husga talaga ako? Kasi wala akong makitang dahilan para mapagsalitaan at buyuin nang ganito.

Lumunok ako at nilingon si Danice. "Tama na, Danice. Matatanda na tayo para sa ganitong away. Hindi kita pinakikialaman, lalong hindi kita papatulan. But I'm asking you to please stop. Tama si Gideon, sarili mo lang ang hinihiya mo sa ginagawa mo. May pinag-aralan ka pero pinakikita mong wala kang natutunan."

Umugong ang nakaiinsultong reaksyon ng mga nakarinig sa 'kin. Umawang ang labi ni Danice sa pagkapahiya at inis na nag-iwas ng tingin. Nagbago ang reaksyon sa mukha niya nang may makita. Nang lingunin ko ang papasok sa cafeteria, napatayo nang makita si Maxrill Won. Nakaputi siyang long-sleeves, nakatupi ang manggas hanggang sa kalahati ng braso. Nakapasok ang isang kamay sa itim na slacks at nakasuot ng itim na shades.

Kakabahan na sana ako nang ngumiti siya sa 'kin. "Maxrill Won..." natitigilang pagtawag ko nang lumapit siya sa 'kin.

Hinubad niya ang shades at tiningnan ang kasabay kong kumain. Tumayo si Gideon at binati si Maxrill Won. Pabuntong-hininga niyang inayos ang pagkain niya at aalis na sana nang magsalita ang aking nobyo.

"You can stay, Gideon."

Nagulat si Gideon. "Maxrill Won." Nagbaba siya ng tingin at saka ngumiti. "Nice to see you, man."

Nakangiting tumango si Maxrill Won saka tumingin sa 'kin. Inilagay niya ang palad sa buhok ko at bahagyang ginulo 'yon saka inayos. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at sapilitang iniupo.

Palihim kong tiningnan si Danice na sa sobrang gulat yata ay hindi na nakakilos sa kinatatayuan. Ang paningin niya ay nakapukol lang kay Maxrill Won.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko.

"I'm hungry." Napakalayo ng sagot niya bagaman halata 'yon lalo na nang himasin niya ang tiyan. Nilingon niya ang counter, hindi ko inaasahang makikilala agad siya ng mga cook doon at kakawayan. "I'm hungry," aniya pa na para bang alam na ng mga ito ang ihahain sa kaniya.

Mauupo na sana si Maxrill Won sa silya sa harap ko, sa tabi ni Gideon, nang malingunan si Danice.

"Maxrill," ani Danice.

Ngumiti si Maxrill Won kay Danice, sa paraang inaalala pa yata ang pangalan nito. "Hello."

"Halika na, Danice." Bago pa makasagot si Danice, hinila na siya ng isa sa mga kaibigan niya palabas sa cafeteria.

Kaming tatlong naiwan sa mesa ay nasundan na lang sila ng tingin. Nilingon ko si Maxrill Won at nakita ang naaasar niyang tingin kina Danice.

To be continued. . . 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...