Arts and Goodbyes

By becauseitsja

1.6K 144 16

Coping with the death of her famous painter grandfather, devastated Krayola rekindles her dead dreams togethe... More

Work of fiction
Arts and Goodbyes
Simula
Kabanata 1 : Arts
Kabanata 2 : Plaza de Roma
Kabanata 3 : Binibini
Kabanata 4 : Mansion
Kabanata 5 : Eclipsar
Kabanata 6 : Aburrido
Kabanata 7 : Desgraciado
Kabanata 8 : Tree House
Kabanata 9 : Aceptación
Kabanata 10 : Kayumanggi
Kabanata 11 : Aking Guro
Kabanata 12 : Aklatan
Kabanata 13 : Kasintahan
Kabanata 14 : Emosyon
Kabanata 15 : Inconsistente
Kabanata 16 : Delicioso
Kabanata 17 : Invulnerable
Kabanata 18 : Sampaguita
Kabanata 19 : Museo
Kabanata 20 : El Amor Duele
Kabanata 21 : Competitive Erin
Kabanata 22 : Exhibit vs. Enrico
Kabanata 23 : Tu Amor
Kabanata 24 : The Confession
Kabanata 25 : Aking Binibini
Kabanata 26 : Sunset and Rain
Kabanata 27 : Nuevo Comienzo
Kabanata 28 : Maestro
Kabanata 29 : Pagitan
Wakas
Karagdagan : Liham

Kabanata 30 : Goodbyes

27 4 0
By becauseitsja

HINIGPITAN ni Krayola ang pagkakahawak niya sa kamay ni Enrico nang masipat niya ang bukal sa Plaza de Roma bago niya ito pinigilan. Tiningnan niya ang relong pambisig at pasado alas-singko na nang hapon. Parang kailan lang noong magkakilala sila ni Enrico sa Plaza de Roma at pinagkamalan niya pa itong isang hibang, ngunit ngayon ay napakabilis nang panahon dahil isang oras na lamang ang natitira para sila ay magsama.

Lumingon sa kanya si Enrico bago ito malungkot na ngumiti. "Ngayon na ang ika-siyam na araw ng Disyembre, aking mahal, ang ikatlong duyog."

Huminga siya nang malalim para supilin ang kanyang mga luha na nagsimulang mamuo sa kanyang mata at gusto nang kumawala.

"Batid ko, aking mahal. Pero ang puso ko... ang puso ko ay nagsisimula na namang sumukip. Mayroon na lamang akong isang oras para makasama ka."

"Eh 'di mag-usap tayo sa isang oras na iyon dito sa punong ito, aking mahal. Pag-usapan natin ang bagay na tatatak sa ating buhay kahit na hindi na natin kasama ang isa't isa," suhestiyon nito at umupo sa damo. Tinapik nito ang tabi kaya naupo siya sa tabi nito.

"Kinakabahan ako. Bumibigat na ang dibdib ko," pagbibigay-alam ni Krayola at nginiti niya na lamang ang sakit kahit na gusto nang kumawala ng kanyang mga luha. "Pero kanina, nang makaalis tayo sa bahay para maglibot sa Museo ay nakita ko kung paano umandap ang bahay sa ikatlong pagkakataon at sumunod naman ang tree house nang mapadaan tayo roon. Sunod-sunod itong nangyari. At aaminin ko na sa mga oras na iyon ay nais na naman kitang pigilan sa iyong paglisan. Sa tuwing naiisip ko na panatilihin ka sa oras ko ay nangyayari ang bagay na ganoon. Sa mga obra. Sa loob ng gamit sa bahay. Pati ako mismo ay umandap na rin sa paningin mo. Nasa akin ang desisyon at sinasabihan ako ng tadhana na bitawan ka na hanggang may oras pa. Pero... pero kahit na wala ka na sa tabi ko gusto kong malaman na... ikaw lang ang mamahalin ko, aking mahal. Ikaw lang ang mananatili sa aking puso."

"Bata ka pa, aking mahal. Maari ka pang magmahal ulit. Masakit rin ito para sa akin pero wala na akong magagawa. Itinakda akong mamuhay sa nakaraan at doon ako mamatay," anito sabay pagak na tumawa. "Ngunit, alam ko. Kapag nakabalik na ako ay may mamatay rin sa loob-loob ko. Dahil hindi na ako makakahanap ng isang tulad mo sa oras ko."

Nang hinigpitan ni Enrico ang paghawak sa kanyang kamay ay doon niya na pinakawalan ang munting mga luha. She cried in silent under the tree as the wind blew on their faces. The wind was so strong like it was also weeping just like them. When she heard Enrico's continuous sniffs, that's when she figured that he was weeping too.

"Nakakatawa, ano? Karamihan sa mga Pilipino ay kinamumuhian ang ginawa ng Espanya sa pagsakop ng mga ito sa bansa natin ngunit ginagamit naman natin ang wika nila paminsan-minsan," wika ni Krayola para pawiin ang lungkot sa pagitan nilang dalawa. "Hindi naman din iyon nakakapagtaka na mangyari dahil matagal din silang nanakop dito sa Pilipinas."

"Noong una nga ay nagulat ako kung bakit ka marunong mag-Espanyol, aking mahal, sapagkat naalala ko na mula ka sa hinaharap at naninirahan sa oras na ang Pilipino na ang may-ari sa ating bansa. Inaamin ko, kahit man din ako ay naiinis kapag ginagamit ko ang wika ng bansa na sumakop sa atin pero base sa mga narinig ko sa iyo mukhang nakasanayan na iyon ng ibang Pilipino," wika nito sa marahan lamang ng boses. "At wala na akong magagawa doon. Isa pa, sa kanila din tayo natutuo na mag-aral at magdasal kaya kahit papaano ay may maganda rin silang naituro sa ating bansa."

Tumango si Krayola at muling sinipat niya ang relong pambising at pinunasan ang luha. Mayroon na lamang silang treinta minuto nalalabi.

"May gusto ka bang itanong sa akin? Huling tanong bago ka bumalik sa oras mo?" tanong ni Krayola sa kabila ng kanyang pagkabalisa.

Nilingon siya ni Enrico at tiningnan siya nang ilang segundo. Ngumiti ito bago humugot nang malalim na hininga. "Tanong ko na ito sa isip ko simula pa lamang nang magkakilala tayo, aking mahal. Bakit nga pala Krayola ang iyong pangalan?"

Krayola smiled. "Si Lolo ang nagpangalan sa akin noong nabuhay ako. Siguro dahil mahilig siya pagpinta at paghahalo-halo ng mga kulay iyon ang natipuhan niyang ipinangalan sa akin."

"Matalino ang iyong lolo para bigyan ka ng napakaganda at may saysay na pangalan, aking mahal. Ito ay bagay sa iyo," papuri nito para mapangiti siya.

Si Enrico lamang ang isa sa mga tao na nagandahan sa kanyang pangalan sa totoo lang. Dahil ang iba ay napapantastikuhan kapag natutuklasan na ang kanyang pangalan ay hango sa brand ng isang gamit na pangguhit at pangkulay.

"Kapag tumuntong ang oras sa alas-sais, ikinalulungkot ko na hindi ko kayang masilayan ang paglaho mo, aking mahal..." Pinisil niya ang kamay ni Enrico at pinalis niya ang mga luha gamit ang isang kamay. "Ako ay tatalikod dahil hindi ko iyon kayang saksihan. Ako ay lalayo dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili na pigilan ka. Sana ay maintindihan mo ang gagawin kong iyon."

Hindi sumagot si Enrico at malungkot na ngumiti. "Kung iyon ang ikapapalagay mo, aking mahal, ayos lang. Titiisin ko na hindi naisin na matitigan ang mga mata mo habang ako ay babalik sa aking oras."

Hindi na nagsalita pa si Krayola at hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ng kasintahan. Ganoon rin ang binata hanggang sa narinig niya ang mahina nitong pagtawa nang umihip ang hangin nang malakas.

"Ngayon pa lamang ako nakaramdam ng preskong hangin na ganito simula nang mapadpad ako rito sa oras mo, aking mahal," nakangiting wika nito habang nakapikit at dinadamdam ang hangin. "Nakakalungkot lamang na ngayon ko pa ito naranasan gayong ako na ay babalik sa oras ko kung saan wala kaming kalayaan. Kung saan kailangan naming ipaglaban ang bansa na sa una pa lamang ay pagmamay-ari natin kung saan dapat tayo ay may karapatan. Kung saan ang buhay ng isang Pilipino ay kinikitil kapag sasalungat sa pamamahala ng Espanya."

Wala naitugon si Krayola dahil bakas sa boses nito ang lungkot, pait, at hidwa para sa naranasan nito sa nakaraan.

"Bagkus hindi ako nagsisisi na naranasan ko ito kahit ilang buwan lamang. Kung ito naman pala ang mangyayari sa Pilipinas kapag kami ay naghimigsik ay gagawin namin ang makakaya para makamtan ang kalayaan na pinakahihintay ng bawat Pilipino. At kung sinuman ang pumanaw sa rebolusyon na iyon ay tiyak na masaya na ngayon sa langit dahil sa wakas ay nabawi naman pala namin ang bansa na para dapat sa atin," wika ni Enrico sabay tumayo. "Lalaban ako at ibibigay ko ang aking makakaya sa nalalapit na rebolusyon. Kung itinakda akong mabuhay ay magpapasalamat ako sa Diyos at kung hindi ako magtatagumpay ay wala akong pagsisisi dahil alam inalay ko ang buhay para sa ating bansa at hindi iyon nasayang."

"Mabubuhay ka. Nararamdaman kong mabubuhay ka at magtatagal pa ang buhay mo," ani Krayola bago tumayo at ipinagsiklop ang kanilang kamay. "Dahil hindi ka matataga sa kasaysayan ng sining sa taong 1925 at nakakuha ng pilak sa iyong unang sabak sa eksibisyon kung hindi."

Napangiti si Enrico nang maalala niya ang tungkol doon. "Hindi ko naman ata mababago ang kasaysayan kung mas nanaisin kong manalo ng ginto sa kompetisyon na iyon, hindi ba?"

"Hindi. Ang tangi mo lang dapat gawin pagkabalik mo ay pag-igihan ang pagpipinta sa kompetisyon na iyon. Pero makakuha ka man ng pilak o ginto, mananatili ka pa rin na isang magaling na guro at ang taong mahal ko," pagtitiyak niya rito bago ito hinila papunta sa bukal. "Halika na bago pa magbago ang isip ko. Kailangan na kitang pakawalan."

Malungkot na natawa si Enrico bago ito nagpahila patungo sa bukal. Mabuti na lamang at wala masyadong tao sa Plaza de Roma at komportable siya sa kanilang gagawin sa ikatlong duyog.

"Habang naririnig ang kataga mo na iyon ay mas lalo lamang akong nalulungkot," wika ni Enrico para mapaisip siya.

Nagpatuloy siya paglalakad kahit pa nakikita niya ang pag-andap ng kanyang sariling katawan. "Nakikita mo naman siguro itong nangyayari sa akin, hindi ba? Sa tuwing ginugusto kitang pigilan, lalo lumalaki ang pag-asa na ako at mahal ko sa buhay ay maglalaho."

Nang makarating sila sa bukal ay binitawan niya ito, at puno nang kalungkutan ang nasa mga mata ng binata ng salubungin niya ang tingin nito. She shake her head and turned around to wipe her tears. Tiningnan niya ang relong pambisig at nakita na ilang minuto na lamang ay hahalik na ang buwan sa araw.

"Hindi ko kayang masaksihan ito kaya kailangan ko nang umalis," aniya sabay bumaling muli kay Enrico.

Ang plano na kanyang paglisan ay naapula nang nagmamakaawa itong tumingin sa kanya. Wala itong sinabi kundi tumingin lamang sa kanya.

"Hindi ko kayang makita kang mawala..." dugtong ni Krayola at umiling-iling. "Paumanhin pero nauubusan na akong oras na lisanin ka kaya ako ay tatalikod na."

Just like what she said, she turned her back on him. But she cannot bring her feet to step away from him. Para siyang naipako sa kinatatayuan at hinintay ang pagdilim ng araw. When the eclipse occurs, she looked up to the sky and cry. Hinyaan niyang umagos ang kanyang luha. Gusto niyang lingunin ang binata ngunit alam niyang masasaktan siya. Gusto niyang yakapin nang mahigpit ang binata sa huling pagkakataon ngunit alam niyang mas mahihirapan lamang siya sa paglisan nito kapag ginawa niya iyon.

"Aking mahal, maari bang lingunin mo ako at tingnan? Nais kong makita ang marikit mong mukha mo sa huling pagkakataon," pagsusumamo ni Enrico.

Nagmatigas si Krayola at sinipat niya lamang ang relong pambisig. Nang tumuntong ang oras ng alas-sais ay doon pa siya napalingon kay Enrico na ngayon ay nakaluhod na ang isang tuhod.

Napangiti ito at lumuluha na sinalubong ang kanyang mga mugto na mga mata. "Binibining Krayola Clementina Tolentino, maari mo ba akong-"

Hindi na naituloy ni Enrico ang kataga nang natigilan ito para tingnan ang kamay nito. Doon pa siya napatalima at nilapitan ang ngayong binata na unti-unti nang kinakain ng lilim gaya ng kung paano nangitim ang paligid.

"Enrico..." pagtawag niya at natataranta na umiling sa harap nito habang patuloy na inaapuhap niya ang binata ngunit lumalagpas lamang ang kanyang mga kamay sa hangin. "Hindi... Hindi!"

Ngumiti ito sa kanya at hinayaan na kainin ito ng dilim at umiling sa kanya senyas bilang pagsaway sa kanya sa ginagawa dahil wala na itong magiging saysay. Humagugol siya sa harap nito at patuloy na umiling-iling.

Muli itong ngumiti nang matamis bago tumulo ang luha. "Mahal na mahal kita, Binibining Krayola. Huwag na huwag kang titigil sa pag-abot ng iyong pangarap."

Nang tuluyan nang dumilim, ang bakas ng luha na lamang ni Enrico ang natira sa bukal. Dahil doon ay mas lalo lamang na lumakas ang kanyang paghikbi. Hinawakan niya ang sahig kung saan natuyo ang luha ni Enrico makalipas ang ilang segundo bago niya pinalis ang mga luha. Minuto lamang ang nakalipas nang dumami na ang tao sa Plaza de Roma at umingay sa paligid.

"Nakita mo ba iyong pinta ni Enrico Santos sa Art Museum?" tanong ng isang estudyante na napadaan sa bukal dahilan para magpanting ang kanyang tainga nang marinig niya ang pamilyar na pangalan. "Ang ganda, ano? Pati iyong title."

"Wait, ano nga pala ulit meaning no'n?" tanong ng isa nitong kasama sabay tumawa.

"'Yan! Di kasi nakikinig sa Foreign Language natin," pang-aasar ng kaibigan nito bago pumalatak. "Te Casarias Conmigo is the masterpiece name of Enrico Santos which means 'Will You Marry Me?'"

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 131 34
Our souls recognized each other before our lips met. We fell in love in a place between heaven and earth before the stars began burning...and when yo...
373K 18.7K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
103K 1.5K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...