Arts and Goodbyes

By becauseitsja

1.7K 145 16

Coping with the death of her grandfather, devastated Krayola rekindles her dead dreams together with a bizarr... More

Work of fiction
Arts and Goodbyes
Simula
Kabanata 1 : Arts
Kabanata 2 : Plaza de Roma
Kabanata 3 : Binibini
Kabanata 4 : Mansion
Kabanata 5 : Eclipsar
Kabanata 6 : Aburrido
Kabanata 7 : Desgraciado
Kabanata 8 : Tree House
Kabanata 9 : Aceptación
Kabanata 10 : Kayumanggi
Kabanata 11 : Aking Guro
Kabanata 12 : Aklatan
Kabanata 13 : Kasintahan
Kabanata 14 : Emosyon
Kabanata 15 : Inconsistente
Kabanata 16 : Delicioso
Kabanata 17 : Invulnerable
Kabanata 18 : Sampaguita
Kabanata 19 : Museo
Kabanata 20 : El Amor Duele
Kabanata 21 : Competitive Erin
Kabanata 22 : Exhibit vs. Enrico
Kabanata 23 : Tu Amor
Kabanata 24 : The Confession
Kabanata 25 : Aking Binibini
Kabanata 26 : Sunset and Rain
Kabanata 27 : Nuevo Comienzo
Kabanata 28 : Maestro
Kabanata 30 : Goodbyes
Wakas
Karagdagan : Liham

Kabanata 29 : Pagitan

13 2 0
By becauseitsja

"PERO hindi pa ako handa na mawala ka," malakas na pagtutol ni Krayola para mapalayo ito sa kanya kaya nilapitan niya ito. "Hindi pa ako handa na pakawalan ka. Hindi pa a-a-ako handa na mamuhay nang hindi ka kasama."

"Wala tayong magagawa," dugtong ni Enrico para mas mapaluha siya habang lumalapit rito.

Her tears keep crawling out from her eyes as she plead him to stay. "Pakiusap, hindi ko kakayanin na mabuhay nang wala ka..."

"Kakayanin mo. Kailangan mong kayanin. Nakaya mo noon, alam kong magagawa mo ulit iyon," giit ni Enrico para mapailing-iling siya sa harap nito at mapahagulgol.

"H-Hindi..." pagmamatigas ni Krayola at umiling. "M-May iba pang paraan. Maghahanap tayo ng ibang paraan para makasama natin ang isa't-"

"Wala. Wala ng ibang paraan," asik nito para bahagya siyang mapaatras. "Lahat nang nangyari simula una pa lamang ng iyong buhay, nakataga na iyon na mangyari at hindi na natin iyon mababago. Hindi tayo... hindi tayo puwede magsama. Itinakda akong mamuhay sa iyong nakaraan at ikaw naman sa aking hinaharap. Ilang dekada ang pagitan natin sa isa't isa. Una pa lamang mali na ang pagsasama nating ito. Datapwat hindi ko pinagsisihan na minahal kita. Na mas pinili kong sumaya sa piling mo kahit alam kong may wakas. Alam kong hindi dapat maari pero nilabanan ko at sinunod ang aking kagustuhan dahil alam kong pagsisihan ko kung hindi ko bibigyan ang sarili ko nang pagkakataon. Pero hindi ibig sabihin niyon na hahayaan ko na masira ang iyong kasalukuyan, aking mahal. Dahil kung maari na puwede akong bumalik ngayon, hindi ako magdadalawang-isip para sa kapakanan mo at ang mga taong mahal mo sa buhay."

Lumapit siya rito at inakap ito nang mahigpit. Bahagya itong kumawala sa kanyang pagkayakap pero kalaunan ay sumuko na ito nang hindi niya ito binitawan at nanatili sa kanyang bisig bago humikbi.

"Hindi ako puwede manatili pa rito nang matagal..."

"Alam ko, aking mahal... alam ko. Pero... pero hayaan mo ako na yakapin ka nang ganito kahigpit at huwag mo iyong ipagkait sa akin gaya ng ginagawa sa atin ng tadhana ngayon. Hayaan mo akong maramdaman ang init ng iyong katawan at masaulo iyon at itaga iyon sa aking isipan," aniya sabay ibinaon ang baba sa balikat nito. "Hayaan mo akong aliwin ang sarili ko sa iyong halimuyak na tiyak na hindi ko mahahanap sa iba. Hayaan mo akong lubusin ang iyong presensya habang nandito ka pa sa aking harapan... dahil tiyak na nanaisin ko iyon lahat kapag wala ka na."

Enrico's shoulders dropped to his side before he snake his arms on her back for a tight hug. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang narinig nila ang pagkatok sa kusina. It was her mother smiling at them.

"Everything okay here?" tanong nito sa nag-aalala na tono pero hindi pinahalata sa kanila. "I unintentionally overheard but not all of them."

Nagkatinginan sila ni Enrico at sabay na napangiti. Napahawak ito sa batok habang siya naman ay lumapit sa ina.

"Uhm, should me and your father... go home and eat dinner some other time with you two?" tanong ng ina at binigyan siya nang matamis na ngiti. "It's fine with us. We can eat outside."

"No, mom. Stay. Everything... everything is fine," Krayola answered and then sniff to hold back her tears. "We just... had a little quarrel but we are fine now. We can eat now since the viand was cooked."

"Paumanhin po sa aming naging maanghang na sagutan. Hindi po namin sinasadya na magbigay sa inyo ng pag-aalala..." paumanhin ni Enrico at magalang na yumuko. "Hindi ko sinasadya na saktan ang iyong anak, Ginang Tolentino. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo."

Tumingin sa kanya ang ina at makabuluhan na tumingin sa kanya bago ibinalik ang tingin sa kanyang kasintahan. "Huwag kang mag-aalala, hijo. Ganoon talaga ang magkaibigan, nag-aaway rin paminsan-minsan. Natural lamang iyon sa posisyon niyo na nagmamahalan. Alam ninyo, mabuti na lang talaga at pumunta kami rito ngayon. May pumasok na pangyayari sa utak ko na maari kong gawing libro."

Natawa si Krayola sa ina at napangisi. "Katulad naman ng ano, Ma?"

"Katulad ng lalaki na galing sa nakaraan tapos napadpad sa kasalukuyan ng babaeng na mamahalin niya. Maganda ang tema na iyon, anak," wika ng ina at nanlaki ang mga mata sa pagkamangha sa sarili. "Oh my! Kailangan ko na iyon isulat at baka mawala sa isip ko. Natitiyak kong magugustuhan iyon ng aking mga mambabasa."

Magiliw na tumalikod ang kanyang ina bago bumaling sa kanya nang makalampas ito sa hamba. "Salamat pala sa pag-alok nang hapunan, pero kailangan ko na itong isulat kaya sa susunod na lang kami makikikain rito." Tumingin ito kay Enrico at ngumiti nang matamis sa binata. "Maraming salamat pala sa pagmamahal nang lubos sa anak ko at sa pagbibigay sa akin ng ideya kung ano ang aking isusulat sa susunod. Masaya kami na ikaw ang minahal ng anak namin na si Krayola."

Tumalikod na ang ina at hinila ang kanyang ama paalis. Sa pagmamadali ng ina, ang tanging nagawa na lamang ng kanyang ama ay kumaway sa kanya senyas bilang pagpapaalam bago ang mga ito makapasok sa sekreto na daan. Nang mawala na ang mga magulang sa kanyang paningin ay tinungo niya si Enrico at niyakap ito mula sa likod.

"Tatlong araw na lang ang natitira sa atin, hindi ba?" tanong niya rito at inihilig ang pisngi sa malapad nitong likod. "Kung ganoon ay gawin natin ang lahat nang makapagpapasaya sa ating dalawa sa loob ng tatlong araw?"

Bumuntong-hininga si Enrico at hinarap siya. "Ngayon pa lamang ay nalulungkot na ako. Kagaya mo na nag-aalala kapag hindi mo na ako kapiling, ganoon rin ang nararamdaman ko. Gusto ko na manatili rito, na mawakan ka nang ganito, na halikan ka sa labi sa tuwing ikaw ay masaya, makungkot, at kapag ikaw ay galit. Alagaan ka kapag ikaw ay may sakit. Palakpakan k kapag ikaw ay nanalo sa eksibisyon at mga kompetisyon. Magpinta kasama ka, aking mahal. Gusto kong manatili rito dahil nandito ka, dahil nandito sa oras na ito ang minamahal ko... pero ipinagkakait sa akin iyon ng tadhana. Sa atin. Nakakagalit dahil ang ang lupit sa atin ng tadhana, aking mahal. Nagagalit ako kung bakit magkaiba pa tayo ng oras na nabuhay."

That made her cry again. Crying with him has become a habit now. And it was clear that she would still be crying when he's gone. When he would go to sleep because he'll miss him. When she will paint a new masterpiece because every stroke of her brush on the canvas will reminds her of him. When she'll eat Pizza and remember how he liked it the first time he tried it. But Enrico was worth all of that. He was worth her tears, her pain... her grieving. He was worth all the pain because a thing isn't beautiful if it doesn't made to hurt.

It was all worth it.

It was all worth it... for him.

"Pero wala naman tayo magagawa, hindi ba?" tanong-sagot ni Krayola at marahan na hinagod ang likod nito. "Wala naman tayong kalaban-laban o kakayahan... kakayahan para baguhin ang tadhana, hindi ba? Wala tayong ibang magagawa kundi magpaubaya."

Sinapo ni Enrico ang kanyang ulo at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. "Pero kung tutuusin, kung hindi tayo pinagtagpo, hindi ko malalaman kung gaano kasarap sa pakiramdam kapag nagmahal at may nagmamahal sa iyo. Ang lahat ng karanasan ko na kasama ka ay hindi mangyayari kung hindi dahil sa tadhana. Kahit papaano... kahit papaano ay may maganda rin itong idinudulot sa tao kahit na mas marami itong nasasaktan."

"Sa lahat nang masakit na ipinaramdam ng tadhana, ikaw ang aking laging panghahawakan. Iyon ang laging tatandaan mo. Isasapuso ko iyon hanggang sa huling hininga ko," wika niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak. "Kapag nawala ka na sa piling ko, ang lagi kong alalahin ay ang mga panahon na lagi kitang kasama. Pero ngayong may tatlong araw na lamang tayo... puwede ba sa tatlong araw na iyon huwag muna nating isipin ang pagwawakas ng pagsasama natin? Puwede bang ang lahat ng gawin natin sa tatlong araw na nalalabi ay hindi makakasakit sa ating dalawa? Magsama tayo sa tatlong araw na iyon na masaya, aking mahal."

Tumango si Enrico. "Sige, iyon ang gawin natin sa tatlong araw na natitira, aking mahal. Sa pamamaraan na iyon ay masasabi natin na masaya ang naging pagsasama natin bago tayo mahiwalay ng landas."


MAINGAT na tumayo sa pagkakahiga si Enrico at nilingon ang kasintahan nang makatulog na ito. Tinakpan niya ang hubad ng katawan ng kasintahan bago umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay nito nang mahigpit. Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama, ipinatong ang ulo sa kanyang braso at nagmuni-muni sa gitna nang napakalalim na gabi.

Mayamaya ay tumulo na lamang ang kanyang mga luha at tinakpan niya ang bibig para hindi niya maabala ang kasintahan sa mahimbing na tulog. Habang siya ay umiiyak ay ipinikit niya ang mga mata at nagdasal. Na sana kapag nakabalik siya sa kanyang oras ay magiging maayos ang buhay nito. Na sana kapag nawala siya ay hindi ito magsawa sa pagpinta at habulin ang pangarap gaya ng kanilang nasimulan. Marami pa siyang hiniling sa Diyos para sa dalaga pero sa tuwing naalala niya na paunti na ng paunti ang kanyang oras na makakasama ito ay tila ba ay tumatangis ang kanyang puso.

Napakalupit ng tadhana para gawin iyon sa dalawang taon nagmamahalan nang lubos at walang pag-aalinlangan. Ngunit, ang kanyang oras na kasama ito ay tila ba ay may hangganan. At sa tuwing maiisip niya ang kahahantungan ng kanyang buhay na hindi na kapiling ang dalaga ay mas lalo lamang siya na nagdadamdam. Dahil ngayon pa lamang ay nahihinuha niya ito na may kasamang iba at makakasama nito hanggang sa pagtanda. Mag-aalaga sa mga anak nito at kinakantahan ito ng masamyo na pampatulog. Tatandang dalaga kasama ang asawa niyo.

At iyon ay napakasakit para sa kanya dahil hindi niya iyon masasaksihan. Dahil hindi siya ang magiging asawa nito. Hindi siya ang magiging ama ng mga anak nito. Hindi niya makakasama ito hanggang sa pagtanda at hindi niya mabibilang kung ilan ang obra nitong maiipinta. Lahat ng iyon ay nahinuha niyang mangyayari sa kanila simula pa lamang nang inamin niya ang nararamdaman dahil dahil tiyak niyang ito na ang babae na kanyang gustong makasama habang buhay. Handa siyang maging kabiyak nito at makasama itong hanggang sa kanyang pagtanda subalit hindi iyon maari.

Hinigpitan ni Enrico ang pagkakahawak sa kamay ng pinakamamahal bago siya napahagulgol nang walang tunog at nahirapan na huminga dahil sa pagkukubli ng ingay ng kanyang hagulgol. Kahit na nasasaktan siya sa kanyang ginagawa na pag-iyak nang palihim ay hindi siya tumigil hanggang sa hindi siya nauubusan ng luha, dahil alam niya balang araw na mas mahirap pa ang kanyang haharapin sa oras nang pagbabalik niya sa kanyang oras.

Mahirap para sa kanya ang maghinuha ng mga ganoon sapagkat wala siyang magagawa. Itinakda silang na mawalay sa isa't isa.

Continue Reading

You'll Also Like

112K 514 19
If you want or seeking for some stories na TAGUAN NG ANAK, Check out this stories and read! Hope you like it:)
206K 14.6K 41
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
446K 10.5K 87
I may not be the epitome of a perfect guy, but I promise to be the best father for her and no one will ever love, care, protect and cherish her bette...
41.4K 1.2K 21
Who says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.