Arts and Goodbyes

By becauseitsja

1.6K 144 16

Coping with the death of her famous painter grandfather, devastated Krayola rekindles her dead dreams togethe... More

Work of fiction
Arts and Goodbyes
Simula
Kabanata 1 : Arts
Kabanata 2 : Plaza de Roma
Kabanata 3 : Binibini
Kabanata 4 : Mansion
Kabanata 5 : Eclipsar
Kabanata 6 : Aburrido
Kabanata 7 : Desgraciado
Kabanata 8 : Tree House
Kabanata 9 : Aceptación
Kabanata 10 : Kayumanggi
Kabanata 11 : Aking Guro
Kabanata 12 : Aklatan
Kabanata 13 : Kasintahan
Kabanata 14 : Emosyon
Kabanata 15 : Inconsistente
Kabanata 16 : Delicioso
Kabanata 17 : Invulnerable
Kabanata 18 : Sampaguita
Kabanata 19 : Museo
Kabanata 20 : El Amor Duele
Kabanata 21 : Competitive Erin
Kabanata 22 : Exhibit vs. Enrico
Kabanata 23 : Tu Amor
Kabanata 24 : The Confession
Kabanata 25 : Aking Binibini
Kabanata 26 : Sunset and Rain
Kabanata 27 : Nuevo Comienzo
Kabanata 29 : Pagitan
Kabanata 30 : Goodbyes
Wakas
Karagdagan : Liham

Kabanata 28 : Maestro

15 2 0
By becauseitsja

"IYONG tumulong sa lolo mo noon, aking mahal, alam mo ba ang pangalan niya?" tanong ni Enrico para mapatingin siya rito habang nagpipinta.

Nag-isip si Krayola at pumalatak. "Sa totoo lang hindi ko na matandaan ang pangalan niya, pero ayon sa aking lolo ay mahaba raw ang pangalan ng nakakagalang na Ginoo. Siyam na taong gulang lamang ang aking lolo noon at hindi niya sa ulo ang pangalan nito dahil napakahirap daw sauluhin. Ang alam ko ay ang tawag niya rito noon ay maestro."

Tumango-tango si Enrico at nakita niya na nasa malalim ito na pag-iisip. Sa halip na bumalik sa pagpipinta ay tinabihan niya si Enrico.

"May problema ba, aking mahal? Nitong mga nakaraang araw ay pansin ko na palagi kang nasa malalim na pag-iisip... maari ko bang malaman kung bakit?" tanong ni Krayola.

Binasa nito ang labi bago puno nang kuryusidad na tumingin sa kanya. "Ang obra ng iyong lolo, ang Nueva Familia, Nuevo Comienzo na nangangahulugan na Bagong Pamilya, Bagong Simula, noong gabing tinanong ko ang tungkol doon... may nasaksihan akong kakaiba. Umandap ito sa king panaginip, aking mahal, nang paulit-ulit hanggang sa nawala iyon nang ilang segundo bago bumalik sa ayos. Alam ko, hindi kapanipaniwala ang bagay na ikinukuwento ko sa iyo pero alam ko ang nakita ko noong gabing iyon, aking mahal. At isa lamang ang alam ko na dahilan kung bakit iyong nangyari."

Kumunot ang noo ni Krayola dahil wala siyang naintindihan sa nais nitong ipabatid. Ngunit, base sa tono at kilos nito ay alam niya na seryoso ito at malaki itong problema.

"A-Ano ang ibig mo sabihin, aking mahal?" tanong niya rito.

"May kutob ako na sa pananatili ko rito... nagbabago na ang mga nangyayari sa nakaraan," sagot ni Enrico para mas lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo. "At hindi iyon maganda... nararamdaman kong may mali sa pananatili ko sa oras na ito."

Tumayo si Krayola at lumayo rito. "Huwag kang magsalita ng ganyan..."

"Aking mahal, hindi ko ito sasabihin sa iyo kung hindi ito importante," katwiran ni Enrico at nag-aalala na sumipat sa kanya. "May kutob akong kailangan ko nang bumalik sa oras ko sa nalalapit ang ikatlong duyog bago mahuli ang lahat."

"Ano?" tanong ni Krayola at hindi makapaniwala na tumingin rito. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo ba na kapag nangyari iyon ay mawawala ako sa piling mo? Gusto mo bang mangyari iyon sa akin? Sa atin? Gusto mo bang magdusa tayong dalawa?"

"Aking mahal—"

"Hindi, Enrico. Iyong nakita mo noong nakaraang gabi, wala iyon. Pagod ka lang," sansala ni Krayola at umiling. "Hindi iyon malaking bagay dahil hindi naman iyon nangyari ulit, hindi ba?"

"Pero isa na iyon sa babala na binabago natin ang takbo ng nakaraan. Isa iyong senyas na hindi ako dapat na manatili rito..." pagtutol ni Enrico at lumapit dito.

"Hindi mo na ba ako mahal? Wala na ba akong saysay sa iyo para magsabi ng ganito kadali sa harap ko?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Krayola para mapapikit si Enrico sa kinatatayuan.

"Nangako ako sa iyo na ikaw lamang ang mamahalin," sagot ni Enrico at malumbay na tumingin sa kanya. "Narinig mo ang pag-alpas ng kataga na iyon sa aking bibig."

"Kung ganoon ay patunayan mo. Patunayan mo sa akin. Patunayan mo sa pagpanatili rito sa tabi ko," Krayola said in between her silent sob. "Patunayan mo na kahit kailan ay hindi ka mawawala sa akin."

Nawalan ng imik si Enrico at bumalik sa kinauupuan nito. When his grandfather's masterpieces started to flicker before her eyes, Enrico glanced at her and looked straight into her wide eyes. She couldn't believe what she was witnessing. It's like it was glitching and was happening so swift her eyes couldn't pursuit it. Ilang segundo na umandap-andap ang mga obra bago bumalik ang mga ito sa ayos. Dahil sa kanyang gulat ay nawalan siya ng kataga at bumabaw ang kanyang paghinga. Nanatili siyang nawindang at pilit na ipinaparehistro sa kanyang sistema ang nasaksihan.

"Ganyan ang nakita ko noong nakaraang gabi," wika ni Enrico matapos ang ilang minuto. "At ngayon mas matagal nangyari bago tumigil. Kapag hindi ako bumalik sa aking oras ay baka mas malala pa ang mangyari, aking mahal. Ngayong nasaksihan ko iyon ulit, napagtanto ko na lahat ng nangyari sa buhay ninyong pamilya ay konektado sa pagkatao ko... dahil kung hindi ay hindi mangyayari ang ganito. Kapag hindi ako bumalik ay baka mas malala pa ang mangyari. Handa ka ba na mawala ang lahat sa iyo nang dahil lamang sa akin?"

Tiningnan niya ito bago naisipan na tumungo sa silid. She stayed on her room and cry. She thinks about her future without Enrico and it's excruciating. She won't be able to live without him. Hindi niya kaya na mawala sa kanya ang kasintahan. Hindi ngayon na mahal na mahal niya na ito. After living with him, after loving the man she swear to love forever, she can't just give him up.

Ilang minuto ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at naramdaman niya ang paghiga ni Enrico sa kanyang tabi. Niyakao siya nito mula sa likuran at hinila siya palapit. Nanatili sila sa ganoon na posisyon at walang umimik sa pagitan nila. She can feel how difficult for him to decide as well, base on his sighs and how he held her so tight. He was the same with her. For her, Enrico was her one great love and just like any ither ine great love, she was bound to lose him.

But is letting go the greatest act of love?

Is it really not worth fighting?

Is it really worth not risking all of her for the love she deserve?

"Aking mahal, kahit na nasaan ako. Kahit na hindi tayo magkasama, ikaw lamang ang isisigaw ng puso ko," bulong ni Enrico mula sa kanyang likod kaya natuptop niya ang kanyang bibig. "Ikaw lamang ang aking iibigin."

When she started sobbing, she felt him hugged her even tighter. Lumuluha, umikot siya sa pagkakahiga para harapin ito.

"Kailangan ba talagang mawala ka pa sa akin?" tanong ni Krayola habang hawak ang pisngi nito. "Napaibig pa lamang kita. Nagsisimula pa lang akong mahalin ka. Bakit kailangan na mawala ka pa sa aking gayong nais na kita makasama buong buhay?"

Napapikit si Enrico at hindi umimik. He just placed his forehead on hers and they stay in their position. Ibinaon niya ang mukha sa dibdib nito at niyakap ito nang mahigpit. Sa sobrang rahan ng pagkakahaplos nito sa kanyang buhok ay hindi niya na napansin na hinila na siya ng antok.

Mayamaya, nagising si Karyola nang wala na sa tabi niya si Enrico. The sun has set. She was alarmed but when he heard his footsteps, that made her sigh in relief. Lumabas siya sa kuwarto at hindi inaasahan ang kanyang makikita sa sala. It was her parents, smiling at her.

"Anak," bungad nang ama at yumakap sa kanya.

"Dad..." Krayola said, confused. Iginala niya ang mga mata bago ibinalik ang mga mata sa mga magulang. Nang bahagya siyang mag-aalala ay nginitian siya ng ina.

"Don't worry, he's just in the kitchen cooking..." pagbibigay-alam ng kanyang ina para makaginhawa siya nang maluwag. "I could already tell that he's a good cook base on the delicious scent the good is giving."

"He is, mom," pagsang-ayon ni Krayola sa ina at niyakap ito. "I miss you. You too, Dad."

Napangiti ang ama bago lumapit sa kanya. "I am sorry, anak. I've been thinking about this for a while and I have to admit that what I did that day was wrong. I have underestimated your talent and so has my father. I never meant it, honey. I was so mad that I... that I got carried away. I hope you can forgive me for what I did."

"Inaamim ko na nasaktan mo ako, dad. Pero tinuruan ako ni Enrico na huwag magkimkim nang sama ng loob dahil hindi naman iyon nakakatulong sa buhay ng isang tao," tugon niya sa ama at hinawakan ang kamay nito. "And I am sorry, too. I didn't want to be a bad daughter. It was never my intention to disappoint you."

"Oh, you have never been a bad daughter, Krayola. You never were, honey. It was me who stepped on the bad light and got desperate," pag-amin ng ama habang naluluha sa kanyang harap. "I should be the one understanding you since I grew up loving arts too. I was so jealous of my father's achievement and talent I abhor being his son. And I regretted all of that. And it wasn't true that I didn't suffer when he died. I did. I still was because I have been a bad son unlike you was a good daughter and a good granddaughter to him..."

Nanatili siyang nakinig sa ama habang pahigpit nang paghigpit ang pagkakahawak niya rito. She started crying in front of his father.

"The truth is, I always wanted to be a director before I venture into business where I later on successful and got successful. However, I couldn't make a film that would catch everyone's attention, I didn't excel in the film industry I wanted to work so bad and I hated it. Fail after fail, I've come to reach the point that I give up on my dreams because I think I couldn't do it anymore... but you, Krayola... my relentless daughter, you did exactly what my father said to me. You chase your dreams and now you won a gold medal in an art exhibit here in our country where standards are unmeasurable. I couldn't be prouder, honey. You make me the proudest father alive."

"I am grateful to have won your trust again, and I swear, dad... I am never going back to that bad light again," aniya sabay yakap nang mahigpit sa ama.

"It was good to see you both like this. My husband and my daughter doing best at what they do, being snugly and all that cheesy. I missed watching you two hug and smile to each other," wika ng ina bago dumalo sa kanilang yakapan.

Abot-tainga ang kanyang ngiti nang bigla na lamang umandap ang ina at ama sa kanyang harapan . Nanlaki ang mga mata ni Krayola bago siya napailing-iling nang halos mawala na ang mga ito sa kanyang paningin na lingid sa kaalaman ng mga magulang.

"No..." bulong ni Krayola bago marahas na napailing-iling sa kanyang mga nakikita. Tinakpan niya ang ulo gamit ang mga kamay at napaatras mula sa kanyang mga magulang na naglalaho-laho sa kanyang paningin. Hinawakan niya ang mga ito ngunit lumagpas lamang ang kanyang kamay. Ilang ulit niya iyong ginawa hanggang sa bumalik na sa dati ang mga magulang.

Dali-daling niyakap ni Krayola ang mga magulang bago niya nakita si Enrico na nag-aalala na nakatingin sa kanyang gawi. Nakita niya ang pagpigil nito ng luha bago ito bumalik sa kusina nang magtama ang kanilang mga mata. Sandaling nagpaalam siya sa mga magulang at sinundan ang kasintahan.

"Kailangan ko ng bumalik ngayong ika-siyam ng Disyembre, aking mahal. Nakita ko ang nangyari kanina. Ayoko na mawala sa iyo ang iyong mga magulang," anito sa mahina lamang na boses. "Ayoko na mangyari iyon sa iyo."

"P-Pero..."

"Hindi mo naiintindihan, aking mahal. Hindi mo naiintindihan ang nagyayari sa kasalukuyan," giit ni Enrico sa dismayado na tono. "Kapag nawala ang mga magulang mo, ibig sabihin niyon ay ikaw na ang susunod dahil galing ka sa kanila. Sa pananatili ko rito sa oras na ito, nababago ko ang mga pangyayari sa iyong nakaraan. Kaya dapat na akong bumalik sa ikatlong duyog dahil ayoko na pati ikaw ay mawala nang dahil sa akin."

Continue Reading

You'll Also Like

708K 13.7K 23
Book Three of Bachelorette Series ✔️ Completed (As of 11/01/19 #1 in #fixedmarriage) How do I make him love me when he's already deeply inlove with s...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
369K 18.6K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
900K 22.2K 35
Ysobel Naomi Gaviola is the living example of a rich, spoiled brat kid. She can have what she wants in just a snap of a finger. She has her own pla...