How to Seduce a Hunk Again [B...

By xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... More

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

Chapter 20: The Plan (Part 1)

13.4K 666 69
By xxxRavenJadexxx


Alex's POV


"La-La- Love Me Like You Do, La-La Love Me Like You Do.... Love Me Like You Do La-La Love Me Like You Do..... Touch Me Like You Do Ta-Ta-Touch Me Like You Do Oooohh.... What Are You Waiting For?" pasimple kong kinakanta ang song ni Eli Goulding habang papasok kami ng kwarto ng asawa ko este ng soon to be boyfriend ko. Deadmabels lang ang Papa Joaquin na 'to kahit nagpapahaging na 'ko sa kanya sa pamamagitan ng kanta. O diba? A landi lang ng Lola niyo? E sino ba namang hindi maaactivate ang Uterus 'pag kasama mo sa iisang kwarto ang Hunky Papa na 'to?


"Lock the door," utos niya sa 'kin nang huli akong pumasok ng kwarto. Medyo natuwa slash kinilig slash nilibog (Charaught!) ang Lola niyo nang utusan niya akong i-lock ko raw ang pinto. Dahil sa sobrang wide ng imagination ko e naisip ko kaagad na baka may something na gagawin sa 'kin 'tong Papa Joaquin na 'to. OMG, I'm singing, I give MY ALL to have, just one more night with you......


"Lock the door?" ulit ko sa sinabi niya. "Why?" pa-seductive kong tanong.


Umupo siya sa gilid ng kama na gawa sa kahoy at hinubad ang kanyang sapatos. "Lock mo 'yung pinto 'pag nakapasok ka na. Bakit ayaw mo?"


Ano raw? Anong ayaw ko? Of course I love it! Grabe 'tong Papa Joaquin na 'to! He's killing me with excitement. Ba't ba gusto niyang ipa-lock ang pinto while I'm with him? OMG!


"Okay?!" Inilock ko ang pinto na may guhit na ngiti sa aking malalanding labi. Nakaka-sense na 'ko na gusto niya akong ma-solo or ayaw niyang makita kami nung dalawa sa kabilang kwarto during our hot session kaya siguro niya pinapa-lock ang pinto.


Matapos kong mai-lock ang pinto, pa-slow motion akong pumunta malapit sa kanya na abalang hinuhubad ang kanyang sapatos. Grabe lang, ang linis ng Paa ng Lolo niyo, parang ulam! Gravy please?


"Isa lang ang kama Alex, tabi tayo? Kung ayaw mo dito na lang muna ako sa lapag matutulog," ani niya.


"No!" medyo exaggerated kong sagot. "I mean.... medyo malaki naman 'yung bed kaya.... kasya ka pa naman. Baka mapulmon ka pa 'pag natulog ka sa sahig," pa-sweet kong sabi with pa-concern effect.


"Talaga? Okay lang sayo? Sabi ko nga sayo malikot akong matulog... bahala ka!"


"Okay lang! Pero ano lang ha.... make it soft muna," sabi ko.


"Ha?!"


"I mean... 'wag masyadong malikot. Hinay-hinay lang."


"Ha? Okay?! Dibale ilang oras lang naman tayo matutulog tapos larga na. Konting pahinga lang. Marami pa tayong gagawin 'pag nagsimula na 'yung misyon," nakangiti niyang sabi.


Umupo ako sa kama opposite sa kinauupuan niya preparing na humiga sa medyo matigas na hihigaan namin. "Take your time lang Joaquin, ikaw ang driver at kidnapper namin kaya kailangan mo ng lakas. Baka mapasubo ka sa 'min niyan? Lalo na sa 'kin."


"Ha?!" sambit niya sa sinabi ko na parang may double meaning. "Okay lang 'yan, sanay na 'ko sa action-adventure!" sabay higa niya sa kama. Ginawa niyang pamatong ang kanyang dalawang braso sa ulo dahil maliit lang ang unan na hihigaan niya. OMG lang! His armpit is so.... yummy?! Grabe ang buhok! Oh My God? Para niya na akong iniinvite to get inside his heaven sa posisyon niyang 'yun.


"Okay ka lang?!" tanong niya sa 'kin dahil nahalata niya ata 'yung reaksyon ko. Medyo tumalikod kase ako sa kanya para hindi niya masyadong makita 'yung facial expression ko when I saw him on that position showing his delicious armpit.


"O-okay lang ako," medyo pautal kong sabi na tipong napalunok pa ng laway. Pa-demure effect muna ang Lola niyo para hindi muna mapaghalataan. Dapat lalaki ang gumawa ng move, hindi ako. 'Pag dating sa pagsasanib pwersa ng katawan, kailangan si boy muna ang manseduce sa girl para si girl e uminit na parang plantsa. Tama ba 'ko?


"Wag kang mag-alala Alex, manyakis lang akong tingnan pero wala naman akong gagawin sayong masama kaya 'wag kang mag-alala."


"ANO?!!!!!!!!!!!" medyo OA kong sagot sabay harap sa kanya.


"Anong ANO?" pakunot noong sabi niya. "Sabi ko 'wag kang mag-alala, good boy ako kaya walang mangyayaring masama sayo."


OMG. Did I hear it right? Good boy daw siya? Ano 'to? Pabitin? What's the purpose of Locking the door kung walang mangyayari sa 'min? OMG I don't like the signs.


"P-pero, bakit walang mangyayari?" medyo tanong kong nakakaloka.


"B-bakit Alex, ano bang ineexpect mo?" sabi niya sabay napabangon. Ako nama'y parang loka-lokang tumalikod muli sa kanya to hide my facial reaction na sobrang disappointed. Teka nga, ano nga ba talagang ineexpect ko? Ineexpect ko ba na sa pagkakakulong namin sa kwarto e may uusbong na pagmamahalan sa pamamagitan ng pagniniig? Oh Lord, don't tell me I'm a flirt?


"Ikaw naman, 'di na mabiro," pagharap ko sa kanya sabay tapik sa brusko niyang braso. I need to shift my emotion dahil na-realize kong para akong beking inagawan ng Barbie Doll. "I'm expecting na... magkwentuhan man lang tayo sa mga bagay-bagay and all. Sabi mo kase walang mangyayari sa 'tin e."


"Hala? Hindi ganun 'yung point ko. Okay lang na magkwentuhan tayo hanggang sa makatulog, pero ang gusto ko lang sabihin, secured ka sa 'kin. Wala akong gagawin sa pagkababae mo, baka akala mo kaladkarin akong lalaki na magte-take advantage sayo. I just want to make you feel na..... safe ka sa 'kin," medyo sincere naman niyang pahayag.


Secured daw ako sa kanya? E pwede naman siyang mag-condom para mas secured ako. Kaloka! Hindi ko alam kung bakit naghihimutok ang butsi ko dahil wala raw mangyayari sa 'min, at talagang pinagdiinan pa niya. OMG!


"Salamat naman Joaquin," medyo plastikada kong pagkakasabi. "May katulad mo pa pala na marespeto sa babae."


"Hindi mo pa ako kilala Alex," sambit niya pulling up a mysterious smile. Para lang siyang si Papa Jace at ang Step Mom niyang parang mga Rosary, full of mystery. "O siya... pahinga na tayo. Sigurado ako malapit ng magising ang Tiyuhin mo kaya malaking trabaho ang gagawin natin. Kailangan nating magre-charge," sabi niya sabay higa sa matigas na kama.


Hindi ako makahiga dahil hindi ko alam kung anong tinatakbo ng isip ko. Para akong natalo sa isang pustahan o pumalya sa isang napaka-importanteng misyon. Akala ko type ako ng Papa Joaquin na 'to dahil meron pa siyang nalalaman nung pahalik-halik sa 'kin dati. Nag-expect tuloy ako na madali ko siyang masusulot. Pero ano nga ba talagang ineexpect ko? Lovelife with him? Oo! I want to have a lovelife with him. Ayoko ng plastikan, I just wanna love this Hunk. Pero love na ba talaga ang nararamdaman ko? O libog lang? 'Yung totoo Alexandra?!!!


**


Jace's POV


Kunwa-kunwa akong walang malay sa harap ng nuo'y nagkaroon na ng ulirat na si Zanmiks. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya umakto na lamang akong wala sa sariling mundo. Pilit niya akong ginigising ngunit hindi ako magising dahil ang totoo niya'y wala akong maisip na gagawin o ipapaliwanag sa kanya kung bakit ganun ang sitwasyon namin. Ramdam ko 'yung nerbyos sa tono ni Mick lalo pa't nakatali 'yung dalawang kamay niya sa kanyang likuran gamit ang lubid. Pahapyaw kong dinidilat ang aking mga mata upang siya'y matingnan at kita ko 'yung pagkabalisa niya na tipong pilit hinahanap ang sagot kung bakit kami naroon.


"Jace!" sigaw niya sa pangalan ko sabay tapik sa 'kin ng malakas sa bandang likuran. Ilang porsyento na lang ay aakto akong magkakaroon na ng malay ngunit hindi ko magawa dahil mahirap umaktong nababalisa sa harap niya. Hindi pa naman ako magaling umarte kaya hirap akong gumising upang sana'y tulungan siya.


Mabilis niyang natanggal ang tali sa kanyang likuran dahil niluwagan ko ito kanina. Pilit siyang nagmonitor sa loob ng kwarto, sumilip sa bintana, tiningnan ang mga cabinet na nuo'y walang laman, sumilip sa ilalim ng kama at kung anu-ano pa. Wala siyang ka ide-ideya na ang nangyayari sa kanya'y taliwas sa iniisip niya. Ilang saglit lang ay bigla niyang binuksan ang pinto at lumabas ng bahay. Hindi pa rin ako gumagalaw ng ngunit tumayo na rin ako nang hindi pa rin bumabalik si Mick makalipas ang limang minuto. Marahil ay hihingi ng saklolo o kaya'y tatakas upang..... iwanan ako?


Sumilip ako sa bintana ng kwarto at nakita ko si Mick sa labas na papalayo sa lugar. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya kaya't minabuti kong puntahan ang kwarto kung saan naroroon sina Joaquin at Alex. Medyo kinakabahan ako habang patungo sa kwarto nila. Naka-lock ang pinto kaya malakas akong kumatok upang pagbuksan nila ako. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan pa nilang i-lock ang pinto, siguro may maitim na plano nanaman 'tong si Alex kaya naka-lock ito?


"Tok Tok Tok"


Agad naman akong pinagbuksan at si Alex ang nagbukas nito.


"Bakit Papa Jace?" tanong niya sa 'kin habang ako'y nababalisa sa biglang pag-alis ni Mick.


"Yung Kuya Mick mo biglang umalis ng bahay," medyo natataranta kong sabi.


"What? Paanong nangyari 'yun? Magkasama kayo diba? How come? Please explain!" sunod-sunod na tanong niya na nakapamewang.


"Anong nangyari?" sabat ni Joaquin na biglang tumayo sa kama at sinamahan kami ni Alex.


Inorganisa ko muna ang aking utak para isalaysay ito sa kanila.


"Bigla siyang nagising e," una kong sabi. "Tapos hindi ko na alam ang gagawin ko kaya umarte akong walang malay. Hindi ko talaga alam kung paano magpapaliwanag kaya ayun, ginigising niya 'ko pero nagkukunwari akong wala sa sarili. Bigla na lang siyang umalis ng bahay nung hindi niya ako magising. Siguro hihingi ng tulong, mukhang takot na takot e. Anu na? Anong gagawin natin?"


Nagkatinginan ang dalawang kaharap ko na animo'y hindi makapaniwala sa aking sinabi. "Naku patay na!" turan ni Alex. "Malamang humahanap na ng tulong 'yun. O kaya baka nagtatawag na ng pulis para hulihin 'yung dumukot sa kanya..... na tayo naman ang may gawa."


"Ganun din ang naiisip ko Alex," pagsang-ayon ko sa kanya. "Patay na talaga tayo niyan. Siguro kailangan mo nang umuwi Alex. Hindi na rin siguro ako magpapakita sa Kuya mo," malungkot kong tugon.


"Wag kayong mawalan ng pag-asa," ani Joaquin. "Hindi pa 'yun nakakalayo. Hindi 'yan pamilyar sa lugar na 'to atsaka malamang wala 'yung pera. Sigurado ako babalik 'yan dito 'pag wala siyang mahanap na pagtutulungan. Babalikan ka niya Brad para gisingin ka," ani Joaquin sa 'kin na tila may pinupunto.


"Tama ka Joaquin!" masidhing diin ni Alex. "Malamang babalik 'yun dito, pero sana walang mga pulis o kaya mga tao kundi lagot tayo."


"Babalik at babalik 'yun dito maniwala kayo sa 'kin," assurance sa 'min ni Joaquin.


"Pero paano na 'yan Pare kung bumalik siya? Anong gagawin natin?" nababalisa kong tanong.


"Ano pa? E di 'yung napagkasunduan," papilyo niyang pagngiti. "Watch en Learn kayo mga 'Tol. Tingnan niyo kung paano manginig sa takot ang Mick na 'yun. Galingan niyo na lang 'yung pag-arte niyo para atleast maniwala sila sa inyo."


"Teka Joaquin? Anong gagawin mo?" ani Alex sabay hawak sa balikat nung isa.


"Ako ang bahala....."


Bago pa makabalik si Mick, na hindi pa sigurado kung babalik o babalik na may dalang mga tao, ay naghanda na kami. Ang mangyayari'y gagawin kaming kunwang hostage ni Joaquin na gaganap bilang kidnapper habang kami'y nakagapos at takip ang aming mga bibig gamit ang panyo.


Pasilip-silip kami sa bintana ng sala para subaybayan ang pagbalik ni Mick. Para kaming naghihintay sa taong hindi namin alam kung babalik pa. "Sigurado bang babalik uli dito 'yung tarantadong 'yun?" sabi ko kay Joaquin habang nakatago kami sa may sala pasilip-silip sa bintana.


"Sigurado 'yan Tol, manalig ka lang!" kumpyansa niyang sabi.


"I love you este I believe you Joaquin," dagdag ni Alex.


Siguro'y trenta minutos din kaming naghintay kung darating ba ' yung Zanmiks na 'yun o hindi pa hanggang sa napansin namin na may paparating na dalawang tao.


"Ayan na siya este sila...." sitsit sa 'min ni Joaquin. Na-curious ako kung bakit 'sila'. Nang matanaw ko 'yung dalawang taong lumalapit sa 'min e nakilala ko kaagad ito. Sina Mick at Joaquin version 1. 'Di ko naisip na pwede niyang matunton ang nuo'y nakakulong sa likod ng kotse na si Joaquin. Ngayo'y pupunta sila rito para siguradong tingnan ako. At the back of my mind, ang sweet naman ng Mick na 'to para balikan pa 'ko? O siguro'y napipilitan lang siyang balikan ako para tulungan dahil kargo na niya ako nung mga oras na 'yun?


"Naku-naku, buhay pa pala 'yung butete? 'Diba sinoffocate na natin siya?" paiinis na sambit ni Alex. Nagmadali kaming mag-ayos ni Alex, ibinalik namin ang mga panyong pantakip namin sa mga bibig sa tulong ni Joaquin ver. 2.


"Malapit na sila. Humanda na kayo!" bilin sa 'min ni Joaquin sabay pumosisyon kami ni Alex sa kabilang dingding sa may living room. Ang magpapanggap na kidnapper nami'y nakaposisyon na sa may main door na may dala-dalang baril at hinihintay na lamang ang pagpasok nung dalawang walang malay na bisita.


Medyo kinakabahan ako sa ginagawa namin. Hindi ko alam kung magiging success 'to o epic fail. Ano ba naman 'to? Parang naiisip ko e mas malaking problema ang pinapasok ko ngayon para lang mahanap 'yung kayamanan. Ang dating e mas lalo kong naperwisyo ang nananahimik na buhay ni Zanmiks dahil sa kalokohang misyon na 'to.


Sobrang tahimik ng lugar kaya rinig na rinig ko ang mga yabag ng paglakad nung dalawang papasok sa bahay. Nang makapasok ay agad na sinorpresa ni Joaquin version 2 ang dalawang kaawa-awang nilalang sabay tutok ng baril.


"Huwag kayong magtangkang gumalaw sa kinatatayuan niyo dahil kung hindi, SASABOG ANG BALA NG BARIL NA 'TO SA MGA BAO NG ULO NIYO!" nakakatakot na banta ni Joaquin sa dalawang panauhin namin ng gabing iyon ala Robin Padilla/Fernando Poe Jr.


"SIYA NGA.... SIYA NGA.... SIYA," natatakot with matching nginig na sabi ni Joaquin version 1 kay Mick na siguradong ang patukoy ay tungkol sa taong dumukot sa kanya.


"Arghhhhfffhhhhhhh" kunwa kunwang daing ni Alex na kunwa'y humihingi ng saklolo but unfortunately ay nakagapos at nakatakip ang kanyang bibig.


Ang galing umarte nitong sina Joaquin version 2 at Alex habang ako nama'y NGA-NGA. Hanggang walang malay na lang ang kaya kong i-portay dahil hindi ko kayang umakting ng kasinungalingan sa harap ng Zanmiks na 'to.


*****


Uy, don't forget to vote or comment!

Continue Reading

You'll Also Like

103K 3.3K 74
"You're a Part of me, and I'm a Part of You. We're Best Friends... like Brothers. But I Love You More than that." ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~...
562K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
16.3K 841 22
Sabi nila, 'love is blind and one of a kind'. Kakayanin niyong dalawa ang mga pagsubok na darating sa inyong buhay dahil sa may pinanghahawakan kayo...
13.8K 386 15
JD is a discreet bisexual who decided to go to Baguio City to study and avoid the ex-boyfriend who caused him pain. At the new place that he is at, c...