Monasterio Series 7: The Dare...

By Warranj

1.3M 34.6K 2.9K

The start of the third generation Monasterio Series 7: The Dare Not to Fall Walang ibang gusto si Elianna ku... More

Disclaimer
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue Access
VIP GROUP PROMO

Chapter 4

19.7K 504 33
By Warranj

Chapter 4: Ulan

Dahil sanay gumising nang maaga, alas kwatro pa lang ay nakaligo na ako at handa na para sa araw na ito. Hindi nga ata ako nakatulog nang maayos sa nagdaang gabi. Marahil ay namamahay ako o dahil naiisip ko ang sinapit na kahihiyan kanina sa harap ni Dustine.

Kung bakit naman kasi doon pa ako pumasok sa banyo para sa mga babae. Nawala sa isip ko na lalaki ako at sa panglalaki rin dapat ako.

Pagkapasok ko ay may lalaki rin na umiihi doon. Nagkatinginan kami at isang tango lang ang iginawad ko bago nagkunwaring nasakit ang tiyan. Kinailangan ko umarteng ganoon ang sitwasyon para magamit ko ang inidoro sa cubicle. Hindi naman puwedeng umihi ako ng patayo ano!

Lumabas ako ng kwarto. Madilim pa sa buong mansyon. Nasisiguro kong tulog pa ang lahat. Maaaring may gising na pero hindi pa lumalabas ng kwarto.

Tahimik ang bawat yabag ko, takot na makagawa ng ingay. Mabuti na lang at bukas naman ang lampshade at kita ko ang dinadaanan. Hindi ko pa saulo ang pasikot sikot dito kaya posibleng maligaw ako.

Halos mapatalon ako nang may kumaripas na dalawang pusa sa harapan ko. Malakas ang kabog ng puso ko at mabuti na lang at hindi ako napasigaw!

"Itong mga pusang ito. Ang aga kung maglampungan. Pustahan bukas makalawa buntis na ang isa." bulong ko habang sinusundan sila ng tingin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ng kusina. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalalapit ay natanaw ko na ang makisig na bulto ni Dustine na nakasandal sa counter. Sa gilid niya ay naroon ang isang tasa ng kape.

Nakatalikod siya kaya naman hindi niya rin kita ang presensya ko. Mula sa gawi ko ay pansin ang pagkakakrus ng mga bisig niya at tila nakatingin sa kung saan.

Ang aga niya rin pala magising. Paano kaya ito? Magkakape na sana ako pero dahil nariyan siya ay mamaya na lang. Mas madalang na encounter namin, mas kaunti rin ang tyansa na mabuking ako.

Huminga ako nang malalim at maingat na tumalikod.

"You need anything?"

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang marinig ang baritonong boses niya. Nakagat ko ang labi at pumikit nang mariin. Huminga ako nang malalim saka unti-unting pumihit paharap.

Nakatalikod pa rin siya, tila napilitan lang ang magsalita dahil naramdaman ang presensya ko.

"S-Ser... magtitimpla lang s-sana ako ng kape." malaki ang boses na sagot ko.

Tumungo siya. Sandali lang 'yon bago tumunghay at bahagyang iginilid ang ulo dahilan para makita ko ang kalahati ng kaniyang mukha. Kahit sa malayo ay tanaw ang tangos ng ilong niya.

"Why don't you do it then?"

Paano ko ba sasabihin na mamaya na lang kapag wala na siya? Pero kapag sinabi ko 'yon ay baka kung ano ang isipin niya.

"Ayos lang po ba? N-Nariyan pa kasi kayo. Nakakahiya po sumabay sa isang amo." pilit na katwiran ko.

"I used to have my morning coffee with your uncle. I have no issue with my employees getting along with me as well," kaswal na sagot niya sa matigas na Ingles. "Depende na lang kung ikaw ang may ayaw na makihalubilo sa akin."

Tinamaan ako sa sinabi niyang 'yon. Pakiramdam ko tuloy ay nahahalata niya nang may itinatago ako sa kaniya. Hindi naman siguro. Baka paranoid lang rin ako.

Hilaw akong natawa. "Hindi naman po sa gano'n, ser. Medyo nahihiya lang po dahil bago pa lang ako dito. Masasanay rin po ako."

Nagkamot ako ng ulo, ramdam ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba... at estrangherong emosyon na ngayon ko lang naramdaman. Masiyadong nakakailang ang presensiya niya. Idagdag pang tahimik siya at bihira lang talaga kung magsalita.

Marahang humarap si Dustine sa gawi ko. Nagtama ang mga mata namin. Dahil sa dilim ng paligid at tanging ang maliit na panel light lang ang bukas, mas lalong nagmukhang madilim ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"Simulan mo na kung gano'n." kaswal na sagot niya.

Kumurap ako. "Ang a-alin po?"

"Ang masanay sa akin. Hindi ka tatagal kung iintindihin mo ang hiya mo."

Tumango ako at nagkamot ng ulo. "O-Opo! Sa una lang po ito, ser. Pasensya na po."

Tinitigan niya pa ako dahilan para lalo akong hindi mapakali. Hindi ko na lang ipinapahalata pero matindi ang epekto ng mga titig niya.

Ganito rin kaya siya kay Tiyoy? Pero ang sabi niya ay talagang seryoso ito.

Isang beses siyang tumango saka umayos ng tayo. Lumabas siya kusina at kaswal na naglakad. Nilampasan niya ako, hindi na tiningnan pa.

"See me outside after you grab your coffee." aniya.

"Opo, ser!" sumaludo pa ako kahit na hindi naman niya ako nakita.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya. Huminga ako nang malalim at pumikit na.

Ano kayang dahilan at kailangan ko lumabas? Aalis kaya kami? Baka may ipag-uutos siya. Sana ay may iutos na lang siya!

Kumalma ka nga, Elianna! Ikaw talaga mismo ang magpapahamak sa sarili mo. Masiyado kang apektado sa presensya niya.

Noon naman ay wala akong pakialam sa mga kalalakihan doon sa Alcantara kahit pa gwapo. Kaya nga siguro iniisip ng mga tao doon na tomboy ako ay dahil hindi nila ako nakikitaan ng interes. Sadyang kakaiba lang ang dating ni Dustine. Bukod sa napakagwapo niya, malakas rin ang dating.

Kahit ang tomboy, babalik sa pagkababae dahil sa kaniya.

Binilisan ko ang pagkakape. Nang makalabas ng entrada ay kaagad siyang hinanap ng mga mata ko. Nakita ko siya sa may palayan, kausap ang isang magsasaka. Bukang liwayway na at magsisimula pa lang ang araw ngunit heto at nasa trabaho na kaagad siya.

Dumapo ang mga mata niya sa akin kahit pa ilang metro ang layo namin sa isa't isa. Hindi nagtagal at iniwan niya na ang kausap at naglakad na palapit sa akin.

"Ser, tapos na po ako. May iuutos po ba kayo sa akin?"

Nagbaba ako ng tingin nang ilahad niya sa akin ang isang puting papel. Lito ko siyang tiningnan ngunit kaagad ko rin naman inabot 'yon. Binasa ko ang nakasulat doon. Hindi ako pamilyar pero nakasaad doon na mga sako ng fertilizer at pesticide ang naroon.

"Pumunta ka sa kabilang bayan at bilhin mo ang mga iyan. Hindi ako makakasama dahil kailangan ko bisitahin ang mga baka sa kamalig."

Trabaho ko rin pala ito? Akala ko ay ang mga magsasaka na ang nakatoka dito.

"S-Sige, ser. Limang sako po itong sa fertilizer?"

Tumango siya, blangko ang mukha.

"Sige po. Aalis na po ako kung gano'n."

Tumango siya. Bumunot siya ng kulay itim na leather wallet mula sa bulsa sa likod ng maong na pantalon niya. Kumuha siya roon ng ilang lilibuhin at iniabot sa akin.

Tinanggap ko 'yon. "Mauna na po ako."

"Tawagan mo ako kung may problema."

"Opo."

Tumalikod na ako, medyo problemado kung paano ko ikakarga ang ilang sako na 'yon sa kotse. Magpapatulong na lang siguro ako. Kaya lang ay baka isipin nilang kalalaki kong tao ay hindi ko 'yon kaya.

Bakit, kapag ba lalaki hindi na puwede maging mahina?

Iyong itim na Toyota Hilux ang ipinagamit sa akin ni Dustine. Ilang sandali pa at bumiyahe na ako patungong kabilang bayan. Nang makarating ay nagtungo ako kaagad sa bilihan ng mga fertilizer.

"Para ba ito sa palayan ng mga Monasterio?" tanong ng matandang pinagbilhan ko.

"Opo."

"Bagong empleyado ka nila, ano? Ngayon lamang kita nakita."

"Bago lang po."

"Siya, humayo ka na at mukhang babagsak na ang ulan. Kaya mo na ba buhatin ang mga iyan, totoy?"

Pasimple akong ngumiwi habang pinagmamasdan ang mga sako sa paanan ko. Hindi kaya bumagsak ang matres ko dito?

Natawa ako. "Kaya naman po."

"Sige. Dapat kasi ay idedeliver iyan sa mismong mansyon kaya lang ay sira ang aming sasakyan. Paano? Ako ay babalik na sa loob at marami pang kailangan ayusin."

Wala sa sarili akong tumango. Nang pumasok na siya sa loob ng tindahan ay luminga linga ako. May ilang mga tao na naglalakad sa kalsada, tila wala namang pakialam sa paligid. Mukhang hindi ko rin naman mahihingian ng tulong para magbuhat.

Bumuntonghininga ako at tiningnan ang mga sako.

"Alang ala sa singkwenta mil. Kakayanin ko kayo." sabi ko na para bang maiintindian nila ako.

Sa unang sako pa lang ay halos lumabas na ang litid ko sa pagbubuhat. Mas lalo pang humirap nang i-angat ko ito palipat sa likod ng pick up. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako sa lupa kasabay ng panglalaki ng ulo ko.

"Miss, kailangan mo ng tulong?"

Nanglaki ang mga mata ko nang marinig ang mga salitang 'yon. Isang matangkad at morenong lalaki na medyo mahaba ang buhok ang lumapit sa akin.

"Anong miss? Lalaki ako!" salubong ang kilay na sabi ko.

Natawa siya. "Tomboy ka pero babae ka pa rin. Hindi mo ako maloloko dahil may kapatid akong tibo. Halata sa katawan mo, miss."

Nagsimulang magwala ang tibok ng puso ko. Mukha pa rin ba akong babae? Dahil lang sa payat ako ay iisipin niya nang tomboy ako at hindi naman tunay na lalaki?

Si Dustine kaya? Naniniwala kaya siyang lalaki ako? Siguro naman. Kung hindi ay siguradong napatalsik na ako ng mansyon. Totoo nga talagang hindi lahat ay maniniwala sa ipinapakita ko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi nga ako babae o tomboy! Maaaring payat ako pero lalaki ako!" sigaw ko, mas lalong pinalaki ang boses para magmukhang totoo.

Kaya lang. Tila hindi talaga siya kumbinsido.

Pinilit kong buhatin muli ang ilang sako. Marahil ay sa kagustuhan na makaalis na doon ay madali ko itong nabuhat patungo sa sasakyan. Bago pumasok sa loob ng driver's seat ay sinamaan ko ng tingin ang lalaki at itinaas ang gitnang daliri.

Ngumisi siya, naiiling.

Nagmaneho na ako paalis. Madilim na ang paligid at tila ba kaunti na lang ay babagsak na ang ulan. Parang kanina lang ay maganda ang panahon, ah.

Sa gitna ng biyahe, sa mismong kalsada kung saan walang mga bahay at puro kapatagan lang ang matatanaw, pinahinto ko ang sasakyan sa gilid nang maramdaman na may hindi tama.

Lumabas ako at sinilip ang mga gulong. Napatapik ako sa noo nang makitang malambot ang isa mga ito at siguradong hindi na aabot ng Argao.

"Bakit naman ngayon ka pa na-flat?"

Sinuri ko ang malambot na gulong at nakitang may malaking pako ang nakatusok dito. Tumayo ako at naghanap ng pang bomba sa kotse pero wala kahit ni isang gamit doon.

"Nasa Wrangler nga pala ang mga gamit pangkumpuni. Sana kasi ay iyon na lang ang ipinagamit sa akin."

Kung sa bagay. Saan ko naman ikakarga ang mga fertilizer kung iyon ang gagamitin ko?

"Wala pa namang vulcanizing o mga bahay dito." sabi ko habang iginagala ang mga mata.

Kinuha ko ang cell phone para sana tawagan si Dustine pero nakitang walang signal sa lugar ko. Isabay pa ang malakas na kulog at ang marahas na buhos ng ulan.

Tumingala ako at sumigaw. "Sumabay ka pa talaga, ulan! Kapag minamalas nga naman!"

Sinipa ko ang gulong. Napangiwi ako nang paa ko lang ang manakit dahil sa pwersa no'n.

Bago pa tuluyang mabasa ay pumasok muna ako sa loob ng driver's seat. Walang sasakyan na dumaan kaya imposible rin na makabalik ako ng Argao. Isa pa, hindi ko rin naman basta puwedeng iwan itong sasakyan. Sana ay tumila na ang ulan. Maghahanap ako ng lokasyon para magkasignal.

Ngunit isa hanggang dalawang oras na ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Imbes na humina ay mas lalo pa itong nagwala. Malabo na rin ang paligid at halos wala nang makita.

Isinandal ko ang ulo sa silya at pumikit. Hindi ko na namalayan pang nakatulog ako. Kung hindi pa kumulog nang malakas ay hindi pa ako maaalimpungatan.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Malakas pa rin ang ulan ngunit nagawa ko pa rin maaninag ang ilaw mula sa isang kotse na paparating. Huminto ito sa bandang harapan ko hanggang sa bumukas ang pintuan ng driver's seat.

Bumukas ang isang itim na payong mula roon. Napatuwid ako ng upo nang matanaw ang paglabas ni Dustine, sa gawi ko kaagad nakatuon ang mga mata na para bang nakikita niya ako.

Bakit siya narito? Masiyado na ba akong matagal kaya sinundo niya na ako? Maaaring nagtataka na siya kung bakit wala pa ako gayong ilang oras na simula nung umalis ako sa mansyon.

Malalaki ang naging hakbang niya patungo sa gawi ko. Binuksan niya ang pinto sa gilid ko at kaagad nagtama ang mga mata namin.

"Ser! Malambot ang mga gulong ko kaya hindi ako makabiyahe!" sumbong ko. Inunahan ko na kaagad dahil baka pagalitan niya ako.

Wala naman akong kasalanan.

"Get out and leave the car here. Pababalikan ko na lang ito mamaya." maawtoridad na sabi niya.

Sunod-sunod ang pagtango ko. "May extra payong ka, ser?"

"Share the umbrella with me."

Lumunok ako, nag-aalangan pa pero tumango na rin. Ayaw ko siyang paghintayin dahil baka sabihin ay marami akong arte kalalaki kong tao.

Bumaba na ako. Medyo malaki naman ang payong at kasya kami. Mahirap nga lang dahil ang hirap sumabay nang hindi humahawak sa kaniya. Siya ang may hawak ng payong kaya kontrolado niya ang galaw at bilis sa paglalakad.

Gano'n pa man ay pinilit kong sa laylayan ng t-shirt ko na lang humawak.

Pagkarating sa kotse ay umalis na ako mula sa pagkakasilong sa payong at tumakbo na patungo sa passenger side. Dali-dali akong sumakay at sumulyap sa gawi niya. Nakatayo pa rin siya roon, nakatingin sa gawi ko. Marahil ay hindi niya inaasahan ang biglaan kong pagkatakbo.

Nauna na ako sa loob. Sumunod na rin siya at pumasok na. Medyo basa ang balikat niya sa ampyas ng ulan.

"Pasensya na, ser. Hindi ko inakalang lalambot ang gulong ko. May pako kasi akong nadaanan," katwiran ko. "Pero kumpleto po ang mga pinabili n'yo."

Hindi siya sumagot at nagsimula ng maniobrahin ang manibela. Tumahimik na ako habang pasulyap sulyap sa kaniya. Pasimple kong inayos ang piluka ko. Mabuti na lang at hindi naman nagulo.

"I can't contact your phone. Dala mo?" tanong niya matapos ang ilang sandali.

Nilingon ko siya. "Opo! Kaya lang po ay walang signal doon sa lugar na 'yon. Sinubukan ko po tumawag kaso wala talaga."

Natahimik siyang ulit. Hindi na nagsalita pa. Maging ako ay itinuon na lang ang atensyon sa labas kung saan malakas pa rin ang ulan.

Makakaapekto ba sa pagpapanggap ko bilang lalaki kung sakaling magpasalamat ako na pinuntahan niya ako?

Hindi naman siguro.

Huminga ako nang malalim at nilingon siya.

"Salamat po, ser, at pinutahan n'yo ako."

Hindi nagbago ang ekpresyon ng mukha niya, tila ba walang narinig.

"You are my employee. Kargo kita ano pa man ang mangyari sa'yo."

Tipid akong ngumiti at ibinalik na sa kalsada ang atensyon ko. Totoo nga ata ang sinabi ni Tiyoy na may malasakit ang mga Monasterio sa mga tauhan nila. Halata naman.

Napatingin ako sa hita ko nang maramdaman ang pagbagsak ng kung ano doon. Nakita ko ang isang puting towel na nakapatong.

"Dry yourself." sabi ni Dustine na ikinaangat ko ng tingin sa kaniya.

"Ikaw, ser? Medyo basa ka rin ng ulan."

Hindi gumawa ng kahit anong reaksyon ang gwapo niyang mukha bukod sa seryosong pagtitig sa dinadaanan namin.

"I'm fine, Eli. Gamitin mo na 'yan."

--

Epilogue and Special chapters are exclusive for VIPs on Patreon, Spaces, and Facebook Group. It will not be posted on Wattpad.

Completed on VIP Spaces and Patreon. To those who want to avail the membership, kindly message Warranj Novels on Facebook.

Facebook page: Warranj Novels

Facebook: Angelica Gamit - Ignacio

Facebook admin: Warranj Suarez Monasterio

Patreon: warranj

Twitter: WarranjWP

Instagram: warranjwp

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.1M 15.4K 53
Sa pangarap na binubuo ni Niya, lagi niyang sinasama si Jacob sa lahat ng plano niya. Pero hindi niya alam na hindi pala siya kasama sa pangarap na b...
826K 28.2K 69
Embry Elithea Suarez & Caspian Riley De Ayala -- Started: April 9, 2022 Ended: October 7, 2022 Completed on Warranj VIP Group