Chapter 5

19.5K 494 19
                                    

Chapter 5: Nobya

Naging maayos ang mga sumunod na araw ko sa mansyon. Tuwing linggo ang day off ko at ang sabi ni Dustine, puwede naman daw ako umuwi sa amin sa Alcantara at babalik sa Lunes ng madaling araw sa Argao.

"Mabait naman siya, nay. Tahimik lang talaga at parang hindi marunong ngumiti. Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti simula nang magtrabaho ako doon." ungot ko habang nag-aalmusal kami.

Isinawsaw ko ang pandesal sa kape habang binabalikan ang mga nakaraang araw na bihira kami mag-usap ni Dustine. Kung may uutos at may pupuntahan kami, saka niya lang ako kakausapin. Pabor naman sa akin.

Alam ko nang mabait siya at may pagmamalasakit sa mga empleyado niya dahil kung wala, hindi naman niya ako susunduin nung minsang masiraan ako ng sasakyan sa daan habang umuulan.

"Bakla ba, anak?" tanong ni nanay.

Natigilan ako at wala sa sariling nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Oo na parang hindi. Makisig siya at astang lalaki naman pero hindi ko rin masabi."

"Naku! Ang mga bakla ay magaling magtago lalo at kung hindi pa nila gusto maglantad ng kasarian nila. Hayaan mo na lang at huwag nang pakialaman ang bagay na 'yon. Ang importante ay hindi ka niya nahahalatang nagpapanggap ka lang." kaswal na sagot ni nanay.

May punto naman siya. Hindi ko na dapat intindihin kung bakla man o hindi si Dustine. Ang mahalaga ay makasahod ako ng singkwenta mil kada buwan.

Nang magtanghali ay nagtungo kami ni nanay sa ukay-ukay para mamili ng mga damit panglalaki. Mabuti na lang talaga at hindi kailangan nakauniporma doon sa mansyon. Malaya akong makakapagsuot nang malalaki at maluwag na damit.

"Oo nga pala at may bago akong piluka doon sa bahay na puwede mong gamitin. Maiba naman." si nanay habang nagkakalkal ng mga tshirt na halo-halo na.

Ngumiwi ako nang tingnan siya. "Nay, hindi ako puwede magpapalit palit ng wig! Baka sabihin naman ni Dustine paiba iba hairstyle ko."

"Oo nga, ano? Pero baka magtaka naman iyon at hindi humahaba ang buhok mo."

"Sasabihin ko na lang na palagi ako nagpapagupit. Isa pa ay hindi niya na mapapansin 'yon. Wala ngang pakialam sa akin. Kabayo is life para sa kaniya."

Nag angat ng tingin si nanay sa akin. "May kabayo?"

"Mayroon, nay. Iyon nga ang palagi niyang kasama at nagtutungo doon sa kamalig dahil naroon ang mga alagang hayop. Literal na farmville."

"Aba't haciendero ngang tunay, ano? Sayang at lalaki ang pakilala mo. Imposibleng magustuhan ka niya."

Ngumiwi ako at napailing sa mga salitaan ni nanay. Kahit pa maging babae ang pakilala ko doon kay Dustine, imposibleng magustuhan ako noon. Kung hindi bakla, siguradong mga magaganda at alta ang tipo no'n.

Kinabukasan nang madaling araw ay bumalik na ako ng Argao. Nasilayan ko kaagad si Dustine sa bakuran at naglilinis ng isa sa mga kotseng naroon. Basa na ang laylayan ng pantalon niya habang hawak ang hose ng tubig.

"Magandang umaga, ser!" bati ko sa maligalig na tono.

Tamad siyang lumingon sa gawi ko saka tumango.

"Morning." sagot niya at ibinalik na sa paglilinis ang atensyon.

"Hindi na po dapat kayo ang gumagawa niyan. Sandali po at ilalapag ko lang ang gamit ko sa loob at ako na po ang magtutuloy-"

"No need. Matatapos na rin naman ako." aniya nang hindi ako tinitingnan.

Hihirit pa sana ako pero parang ayaw niya nang makipag-usap pa sa akin kaya naman tumango na lang ako.

Monasterio Series 7: The Dare Not To FallWhere stories live. Discover now