TOUCH THE SKY

By ExWaiZhee

30.5K 1.3K 217

Averill Iris Valencia Leaño, architecture student, desperately wants to escape from her nightmares. She keeps... More

1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40

8

789 42 10
By ExWaiZhee


T A L A


Napangiti ako habang pinagmamasdan ang logo ng three-storey-building na nasa harapan ko. It's been two years simula ng maitayo ito at hanggang ngayo'y tila kumikinang pa rin sa kanyang paningin.



"Bakit ngayon ka lang?" salubong sa akin ni Manager 2 pagpasok ko pa lang ng opisina niya. "Kanina pa kita pinapupunta dito hindi ba?" taas-kilay pang tanong nito.



Nakanguso naman akong naupo sa harap ng table nito.



"Napasabit lang Manager 2, ano bang agenda natin today?" tugon ko at pilit isinisiksik sa kasuluksulukan ng utak ko ang babaeng nagngangalang Liv at ang lalaking kasama nito ngayon.



Marahas akong napahinga at napakunot. Bakit parang masyado akong affected? Hindi naman kami close, kanina nga lang kami nakapag-usap ng matagal. Hindi rin naman dapat big deal na may iba pa palang taong tumatawag sa kanya ng Liv, hindi ba?



"Para saan iyon, Manager 2?" tanong ko dito habang sapo ang noong pinitik nito.


"Mukha kasing hindi ka matatapos sa pakikipagtalo sa sarili mo." wika nito. "May nangyari ba?"



Umiling lang naman ako at umayos ng upo.



"Ano bang pag-uusapan natin? May problema ba?" I asked at pinipilit ang sariling mag-focus!



Pinagmasdan muna ako nito bago kumunot at sumeryoso.



"About the exhibit, are we gonna use the paintings in the shop?" tukoy nito sa mga paintings na nakadisplay sa first floor ng coffee shop. "May mga space pa naman for them if ever."


"Hindi na." turan ko. "Anim lang naman iyon, hindi ba? Mas okay na sila dun for public viewing.. may mga customer din kasi na iyong paintings ang binabalik-balikan."


"Okay noted." then she paused and looked at me. "About the new painting.." tila nagdadalawang-isip na wika nito. "Oh, nevermind."


"Was it bad?" I asked her. "It symbolizes hope. I wanted to express my feelings that day when I woke up without those nightmares." I smiled a little. "I tried to hold on, but it's actually fading. That was the only day it happened. Nitong mga nakaraang araw, I intentionally work my ass off to have a good night sleep pero bumalik lang sa dati. Waking up in the middle of the night while gasping for air, the feeling that someone was watching me, the throbbing pain behind the scars." napakagat ako ng labi while playing with my fingers. "I want to remember that day through that painting."


"I-I understand." Manager 2 muttered. "But Ave, don't push yourself. You're getting better."



Tumango lang naman ako at pilit na ngumiti.



"The exhibit will be held two weeks from now." muling turan nito. "Nakita mo na naman ang venue, hindi ba?" tumango ako. "Wala ka ng gustong baguhin?"


"Wala na Manager 2." tugon ko.


"Kairita talaga 'yang Manager 2 na pinagsasabi mo. Pwede namang Crista kung ayaw mo talaga ng Ate Crista." reklamo nito bago muling sumeryoso. "Make sure na andun ka sa opening at last day ng exhibit, Iris."



Napangiti naman ako upon hearing my second name, iyong malalapit lang kasi talaga sa akin ang tumatawag sa akin ng ganun.



"Do I need to paint more?" I asked, kahit ang alam ko ay sapat na naman ang mga paintings na nagawa ko para sa nasabing exhibit. "Magiging busy kasi ako Manager 2, maghahabol ako ng namiss kong classes."



Kinailangan ko kasing mag-absent sa Univ dahil sa last painting na ginawa ko. Dalawang araw ko ring ginawa iyon ng halos walang pahinga. Hindi rin naman ako nakakatulog ng maayos after kaya sa coffee shop na lang ako nagpakapagod kesa tumunganga ako sa Univ sa sobrang kabangagan. Lagot din pala ako kay coach Tim!



"Painting was your escape and therapy. It's your choice, Ave." Manager 2 stated. "Magpaint ka if you feel the need to do so. I'm just here to support you and to showcase your works. Your works inspired and touched people's hearts." she held my hands. "Just let your hands paint what you're feeling."



I smiled and nodded at her.



"You're a good person, Ave. You don't need to prove anything. Just do what you want to do, have fun and enjoy your life. We got you."



Biglang nag-flashback sa'kin ang mga pinagdaanan ko, ang rason kung bakit ganito ako ngayon, kung bakit parang naghahabol ako ng oras, ng achievements.



"Thank you Manager 2." I held her hands too at pinilit magbiro. "Pero mas bagay sa iyo ang pagiging masungit, hehe."



Binatukan naman ako nito at inirapan.



"Since you're okay now, let's talk about T.A.L.A."



The Angel's Love Association or T.A.L.A. is a private charity association whose primary objectives are philanthropy and social well-being. It provides scholarships, part-time jobs, assistance during calamities, financial support for orphanages and other charitable projects.



"If you're free umattend ka ng feeding program sa St Mary Orphanage this Saturday, nagpahanda na rin ako ng mga laruan at school supplies para sa mga bata." turan nito habang nagba-browse sa hawak na tablet. "May 2,367 applications for scholarship na kailangan ng approval mo, I'll send their application form. Kailangan din ng approval mo para sa mga newly graduates na nag-aapply sa Vega Tech."


"Pwede bang ikaw na lang ang mag-approve ng mga yan Manager 2?" nakangiti kong turan. "Inaayos ko pa din kasi ang architectural at business plan para sa Altair Electronics."



Umirap naman ito at kumunot ang noo.



"Dadagdagan mo na naman ang business mo?" tanong nito. "Kung umattend ka kaya muna ng board meeting sa Pollux, hindi iyong palagi na lang kami ni Mia. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha ng mga board members na wala namang ginawa kundi hanapin ang CEO."


"Luh. Baka kapag umattend ako magpull out ang mga iyon ng kanilang shares." turan ko. "Mas okay na kayo ni Manager, dalawang Attorney."


"Attorney na inaalila mo." irap nito. "Humanap ka kaya ng totoong manager, ano? Kawawa naman kami at hindi na namin maenjoy ang propesyon namin."


"Pa-humble. Director naman kayo pareho." banat ko.


"Whatever! Kung hindi lang–naku!"



Natawa na lang ako nang panggigilan na naman nito ang pisngi ko. I'm lucky to have them, parang Ate ko na din kasi sila ni Manager.



"But seriously Iris, you can take a rest. Malayo na ang narating mo, marami ka nang natulungan. Sarili mo naman ang isipin mo."



"Okay naman ako Manager 2, don't worry." nakangiti kong tugon.



Umiling naman ito at umirap na naman.



"Lovelife naman kaya ang pagtuunan mo ng pansin?" biglang wika nito. "Feeling ko talaga bitter ka, kaya hindi mo kami binibigyan ng bebe time ni Mia!" akusa pa nito bago ako pinaningkitan ng mga mata.


"Bebe time pa nga, magkasama na nga kayo sa bahay, tsk! Ang clingy naman Manager 2!"



Napasimangot naman ito at sinamaan ako ng tingin samantalang ako'y natatawa lang.



"Lumayas ka na ngang bata ka, panira ng araw!"

Continue Reading

You'll Also Like

326K 22.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
8.2K 421 43
-UNEDITED- Olivia Valencia is a famous actress and singer.she is 24 years old and also a heir of Valencia prime holdings.olivia has a big name in sho...
167K 5.2K 55
*** Highest Rank: #1 Lovewins .. This is a gxg story. Please be open minded and respect LGBT clan. I salute you guys. ------ Hindi ko alam kung baki...
85.5K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...