HER EYES TELL Season 1

By RLeightfinity

1.9K 814 36

Zeus couldn't understand how he would feel when he found out that his beloved childhood friend, his Queen, wa... More

DISCLAIMER
PROLOGO - H.E.T Season 1
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50 - PROMISE
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60 - QUEEN
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 65

KABANATA 64

11 3 0
By RLeightfinity

*SIERRA SELESTINE SANDEJAS*

Nagising ako dahil sa ingay ng mga boses sa paligid ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko para makita ang ginagawa ng mga tao sa paligid. Naramdaman ko ang pagkataranta nila. May naririnig akong boses na tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko alam kung kaninong boses 'yun galing.

"Sierra? Sierra? Please come back..."

"Sierra, how are you feeling?"

"Sierra..."

"Gising na, Sierra."

"Huwag mo na ulit kaming tatakutin ng ganoon, Sierra."

Nang tuluyan ko nang nabuksan ang mga mata ko ay sumalubong sa akin ang nag aalang mukha ng mga kaibigan ko. May isang taong hinahanap ng paningin ko pero nabigo akong makita siya.

"A-ano'ng nangyari?" Naramdaman ko ang panunuyo ng labi ko.

Lahat sila ay natigilan at nagkatinginan. Nagtaka naman ako at sinubukang bumangon. Dali dali silang tumulong sa akin para makaupo. Nilagyan ni Yohan ng unan ang likod ko bilang pagsuporta. Napasapo ako sa ulo ko nang may dumaang kaunting sakit.

"Ano bang nangyari sa'yo?" Panimula ni Lili na agad pinatahan ni Xhris. "Pinag alala mo kami ng sobra!" Dagdag niya.

"H-huh?" Tanong ko at tiningnan sila isa isa.

Nagkatinginan ulit sila. Ano bang nangyayari sa kanila? Bakit parang namumutla sila? Okay naman ako, ah?

"We found you in the library. You were shaking and can't move, you can't even talk. What happened?" Tanong ni Aishel kaya napaawang ang labi ko.

"Pa'ano ka ba kasi napunta sa library, eh naka locked yun?" Sunod na tanong ni Yohan.

"Buti na lang at nahanap ka ni Lexzues. Baka napano kana dun kung hindi niya nabuksan yung pintuan." Dagdag ni Cloud.

"S-si Lexzues?"

Tumango silang lahat sa akin. Pa'ano?

"Ano? Ayos na ba ang pakiramdam mo? May naaalala ka ba? Sabihin mo sa'min kung ano'ng nangyari sa'yo." Umupo si Lili sa kama para maharap ako.

Napayuko ako at dahan dahang napailing. "W-wala akong naaalala... hindi ko nga alam kung bakit ako nandito..."

Lahat sila ay napasinghap. Nang inangat ko ang paningin ay may nakita akong awa sa mga mata nila. Hinaplos ni Xhris ang balikat ko at mapait na ngumiti.

"Her condition are getting worse." Narinig kong bulong ni Cloud pero nagpanggap akong hindi iyon narinig.

"Are you okay, Seirra?" Marahang tanong ni Aishel sa akin. "We're here. Huwag kang matakot. May problem ba?"

Kumislap ang mga mata ko at ngumiti na lang kahit peke iyon. Pasensya na kayo... pero may pinoprotektahan ako.

"Huwag na kayong mag alala, ayos naman na ako. Baka mamaya maalala ko na yung nangyari." Sabi ko sa kanila.

Tumango ulit sila pero alam kong hindi ko sila nakumbinsi. Bumuntong hininga ako at sumulyap sa pintuan.

"May pinuntahan pa si Lexzues. Baka mamaya makalabalik na sila dito." Sabi sa akin ni Xhris. Nahiya tuloy ako dahil pakiramdam ko'y iniisip nilang siya ang inaabangan ko sa pintuan ng clinic.

"Nandito kanina si Lunar." Sabi sa akin ni Yohan.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ni Lunar. Akala ko ba hindi siya pupunta?

"Ano'ng ginawa niya? Asan siya ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Pinuntahan sina Lexzues at Zeus." Nagkibit balikat siya.

Kinakabahan ako sa posibleng mangyari ngayong nandito siya. Paniguradong alam niya na.

"Tapos na ba ang Inter High?" Baling ko sa kanila.

"Pagkatapos ka naming makita sa library sa tingin mo may pake pa kami sa Inter High na 'yan?" Pagalit pang sabi ni Lili kaya napanguso ako.

"You should rest, Sierra. Huwag ka na munang um-attend sa Inter High." Sabi sa akin ni Cloud na agad naman naming sinang ayunan. Kahit naman hindi niya sabihin 'yun, alam ko namang hindi ako papayagan ni Lunar lalo pa't magkasama na kami ulit.

Inaya ko silang lumabas na sa clinic dahil maayos na ang pakiramdam ko. Sinabi nila sa aking sa canteen na daw kami dumiretso dahil hindi pa kami kumakain at pasado ala 1 na. Tulad ng inaasahan ko ay walang ibang estudyante sa canteen kung hindi kaming magkakaibigan lang.

Napatigil ako nang makita si Lunar na seryosong nag aabang sa amin sa table. Katabi niya si Zeus na may binubulong sa kaniyang kung ano. Dumoble ata ang kaba ko nang magtama ang paningin naming dalawa ni Lexzues. Nakahalukipkip siya at pinasadahan ako ng tingin. Kailangan pa akong hatakin ni Aishel para mabalik ako sa katinuan.

"How are you feeling?" Umayos ng upo si Zeus nang makalapit kami.

"Ayos na ako." Mahina kong sagot.

Si Yohan at Cloud ang um-order ng tanghalian namin kaya dumiretso na kaming apat sa upuan.

"She can't remember anything. Is that still normal?" Nag aalalang tanong ni Aishel sa kanila.

Nakita kong natigilan si Zeus at Lexzues. Si Lunar naman ay nagkatinginan lang sa akin, walang emosyon ang mukha. Umiwas ako ng tingin at tumungo na lang.

"What? You should consult a doctor, Seirra." Sabi ni Zeus. "Lunar, your family should know about this. Sierra is not acting normal when we found her." Bumaling si Zeus kay Lunar.

"Alam na nila."

Gulat silang napatingin kay Lunar dahil sa sagot niya. Hindi na ako magtataka pa dahil marami siyang koneskyon. Marahil ay nag alala na naman si Tita ngayon. Siya kasi ang pinaka maaalahanin sa pamilya.

Nang dumating ang pagkain ay hindi na ako nagsalita at kumain na lang kahit ako yung pinag uusapan nila. Kinuwento nila kung pa'ano sila napunta sa library at kung pa'ano sila nakapasok. Doon ko nasiguradong tama ang natagpuan naming kaibigan ni Lunar.

Hanggang sa matapos kami ay hindi ko pa rin narinig si Lexzues na nagsalita. Mukhang dumoble ang pagiging tahimik niya ngayon. Kapag sumusulyap ako sa kaniya ay naabutan ko siyang malalim ang iniisip habang nakatingin sa pagkain niya. Minsan pa ay naabutan ko siyang sumusulyap sa akin. Hindi ko nga alam kung ano'ng nangyayari sa kaniya dahil sa tuwing umiiwas siya ng tingin sa akin ay nanlilisik ang mga mata niya.





ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE›

"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ko nang makalabas kami. "Iuuwi ko na 'to." Inginuso ko si Seirra.

Sa parking lot na kami dumiretso pagkatapos naming kumain. Nagsitanguan sila.

"Susunod rin kami sa inyo maya maya," sumulyap si Lili kay Sierra. "Magpagaling ka, ah?"

"Oo, salamat sa inyo. Siguro mabigla lang ako sa nangyari kaya hindi pa malinaw sa kin ang lahat." Rinig kong sagot ni Sierra habang kinukuha ko ang motor.

"Take a rest." Seryosong sabi ni Lexzues.

Nawala sa kanila ang atensyon ko nang may naaninag akong isang lalaking nakasilip sa amin sa hindi kalayuan. Bumuntong hininga ako bago lumingon sa mga kaibigan kong pinagsasabihan si Sierra. Kumuyom ang kamao nang bumalik sa isipan ko ang lalaki kanina.

"Mag iingat kayo." Sabi nila bago kami pumihit pauwi.

Nag overtake ako kay Sierra dahil alam kong sa bahay ang punta niya. Alam kong naguguluhan siya kung bakit ko ginawa yun. Saka lang ako nagpahuli ulit nang sa mansion na ang daang tinatahak namin. Tulad ng dati ay sumalubong sa amin ang mga guwardya sa labas at loob ng mansion.

Nagtataka akong tiningnan ni Sierra nang makababa kaming dalawa sa motor. Bago pa man siya makapagsalita ay naglakad na ako, sumunod naman siya sa akin.

"Teka, Lunar!" Kinalabit niya ako kaya napatigil ako. "Bakit dito?" Nagmamakaawa ang mga mata niya.

"Bakit hindi?" Tinaasan ko siya ng kilay bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit mo naman sinabi sa kanila? Alam mo namang mag aalala sila." Pagsusumamo niya ngunit hindi ako natinag.

Tanging mga kawaksi lang ang naabutan namin sa unang palapag kaya kailangan pa naming umakyat sa pangalawa dahil baka nandoon sila. Tinungo ko ang meeting place ng pamilya habang nakasunod sa akin si Sierra. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa pintuan ng opisina ay bumungad agad sa amin sina Mamá, Papá, Bright, Levi at Abuelo na seryosong nag aabang sa amin. Umayos sila ng upo nang humakbang kami papasok.

Nang naramdaman kong hindi kumibo si Sierra sa likuran ko ay nilingon ko siya. Maluha luha siyang nag iwas ng tingin at lumapit sa isang upuan. Umupo na rin ako dahil naghihintay na silang lahat.

"Cuéntanos qué pasó. (tell us what happened.)" Ayun na ang maawtoridad na boses ni Abuelo.

Nagmamakaawa akong tiningnan ni Sierra pero umiwas ako ng tingin. Nagkatinginan kami ni Levi at umiling iling siya dahil sa nangyari.

"No tengas miedo, hija. (Don't be afraid, hija.)" Hinawakan ni Mamá ang kamay ni Sierra na ngayon ay nanginginig.

"P-pero, Abuelo-"

"No me hagas esperar. (Don't make me wait) Tell us what happened." Utos ni Abuelo na tila'y kulog na dumadagundong sa buong silid.

Nang tiningnan ko si Sierra ay nakita kong pinipigilan niya ang sariling maluha. Ngunit hindi niya napigilan ang sariling manginig.

"Papá, déjala pensar primero. (Dad, let her think first.)" Singit ni Papá na presentableng nakaupo sa upuan niya. "Let's make this slowly." Dagdag niya nang nakatingin kay Sierra.

"Okay, bibigyan kita ng dalawampung segundo para ihanda ang sarili mo, Nieta." Bumuntong hininga si Abuelo at napasulyap sa akin.

Natahimik ang buong opisina dahil sa segundong binigay ni Abuelo. Inabutan ni Bright ng tubig si Sierra at agad niya naman iyong tinungga. Maya maya lang ay muli siyang humugot ng malakas na hininga habang pinapanood namin siya.

Tinuktok ko ang mga daliri sa lamesa bilang pahiwatig na naiinip na ako. Napansin nila iyon kaya biglang naalarma si Abuelo at muli na sanang magsasalita nang nagsalita si Sierra.

"H-habang nanonood ako ng basketball sa court, may nakita akong isang lalaking nakatitig sa akin. Akala ko... akala ko noong una wala lang yun... pero tumagal 'yung titig niya." Humugot siya ng lakas at nasa ibaba ang paningin. "Nagsimula na akong matakot noong naglabas siya ng baril. Sumenyas siya sa aking sumunod sa kaniya dahil kapag hindi ko gagawin yun... babarilin niya si L-lexzues."

Nakikinig lang kami sa kaniya. Matagal bago niya nadugtungan ang sinasabi dahil sa emosyon.

"Dinala niya ako sa library. Hindi ko nakita ng maayos ang mukha niya dahil nakasumbrero siya at may suot na mask. Pagkapasok ko sa library ay hindi ko na siya nakita. Naglakad lakad ako para hanapin siya pero biglang namatay yung ilaw. Wala akong nakikita kaya nag simula akong manginig..." Bigla siyang huminto para pigilan ang sarili. Hinaplos ni Mamá ang likuran niya para pakalmahin siya.

"Sa takot ko ay napaupo ako sa sahig at tinago ang mukha sa tuhod. Naramdaman kong may naglalakad sa paligid ko na lalong nag patakot sa akin. Narinig ko siyang nagsalita... tinanong niya ako kung may alam ba ako sa libro. Ang sabi ko wala." Umiba ang tunog ng pananalita niya dahil sa emosyon. "Nabigla ako nang hilahin niya ang buhok ko patayo at bigla na lang akong tinutukan ng baril..." Tuluyan na nga siyang umiyak habang inaalala ang lahat.

Lahat kami ay nagpakatatag. Alam kong pilit tinatago ni Papá ang nararamdaman niya samantalang pinipigilan naman ni Mamá ang sariling maiyak. Nakatungo si Levi habang lakas loob na nakatingin si Bright kay Sierra na may halong gulat at awa ang mga mata. Si Abuelo ay nakatingin lang sa umiiyak na apo ngunit hindi niya naitago sa akin ang dumaang awa sa mga mata niya.

Ibinaba ko ang kamay sa lamesa para itago ang pagkuyom nito. Hindi ko alam kung anong maramdaman ko gayong halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Gusto kong manuntok at gusto kong basagin itong lamesang gawa sa salamin na nasa harap ko mismo. Nagtatagis ang bagang ko habang iniisip ang nangyari kay Sierra.

"Pinilit niya akong sabihin kung nasaan ang libro kahit hindi ko naman alam kung nasaan. Ni hindi ko nga alam ang librong tinutukoy niya." Pinahiran niya ang mga luha bago nag patuloy. "Tinakot niya ako... sabi niya papatayin niya raw ako at ang mga kaibigan namin kapag nalaman niyang may kinalaman ako sa libro." Dagdag niya.

Napalunok ako at napayuko. Kapag nalaman ko kung sino ang may kagagawan nito, idadamay ko buong angkan ng demonyong 'yun.

"Binuksan niya ang isa sa mga bintana para magkaroon ng kaunting ilaw. Pero kahit ganoon hindi ko pa rin alam kung nasaang sulok ako ng library. Iniwan niya ako doon saka ko narinig ang pag locked ng pinto. Hindi ako nakasunod dahil natatakot ako sa dilim. T-takot na takot ako... hindi ko ma control yung sarili ko. H-hindi ako makagalaw dahil sa takot. Nanginginig ang buong katawan ko..."

May nyctophobia si Sierra kung saan takot siya sa madilim at takot na mag isa sa dilim. Kaya sa tuwing natutulog siya sa kuwarto niya ay kailangang maliwanag ang buong silid. Kapag napunta siya sa lugar na sobrang dilim ay inaatake siya. Nalalaban niya ang sakit kapag hindi masyadong madilim ang paligid niya, pero kapag nasa puntong hindi niya na nakikita ang nasa paligid ay aatakehin na siya. Yun ang ikinakatakot ko. Pero ngayon ay nagtitipon kami dahil yung kinakatakot, nangyari na naman.

"Stop there." Utos ni Abuelo nang makitang nahihirapan na si Sierra sa pagkukuwento.

Tumayo si Papá para aluin si Sierra. Ganoon din ang ginawa ni Mamá. Walang reaksyon si Levi habang nakatingin kay Sierra. Si Bright ay awang awa habang nakatingin kay Sierra. Bumuntong hininga ako at nagkatinginan kami ni Abuelo. Umiling siya sa akin bilang pagpapahiwatig na hindi niya na nagugustuhan ang nangyayari.

"I guess, it's not good for Sierra to be in here. She should consult her doctor again." Suhestiyon ni Levi.

"Iyan nga ang problema. Ayaw niya." Sagot ni Abuelo.

Hindi namin pinipilit si Sierra sa mga bagay na ayaw niya, baka mas lalo lang iyong magpalala sa kaniya. Ayaw rin naming isipin niya na kami ang nagdedesisyon sa buhay niya. May kalayaan siyang magdesisyon sa sarili niya. Kahit minsan, hindi tama ang mga naging desisyon niya.

"For what? To make her condition get worse?" Pagalit na sabi niya at bumaling kay Sierra na mas lalo pang umiyak. "Is that what you want, Seirra? You can get but nothing for being a stiffest. You are only making your situation worse if you are still holding on to your fear." Pabagsak niyang isinandal ang likod sa upuan at hinilot ang sentido.

"I don't get it why you don't want to go to the doctor, hija." Kalmadong sabi ni Mamá.

Iyan rin ang malaking katanungan sa akin. Walang masama kung magpatingin siya sa doktor, pero kahit anong gawing pangangaral namin para sa ikakabuti niya ay nagmamatigas pa rin siya.

"Tama ba na tumigil siya sa therapy?" Tanong ni Papá kahit alam niya ang sagot.

"Of course not. It only make her condition worse." Sagot naman ni Mamá.

Wala pang dalawang buwan sa pagkokonsulta sa doktor ay tumigil na si Sierra. Minsan pa nga sa loob ng buwan na iyon ay hindi niya sinisipot ang terapruta.

Napatingin ako sa kapatid kong tahimik na nanonood sa pagsasagutan ng pamilya. Napakabata niya pa para sa mga sensitibong pangyayari, pero kailangan niyang malaman ang mundong ginagalawan niya.

"Nieta, maaari mo bang sabihin kung bakit ayaw mong magpakonsulta?" Mahinahong tanong ni Abuelo at pinagsalikop ang mga daliri.

Nanatiling nakatungo si Seirra at hindi kumibo. Tumikhim ako dahilan para maagaw ko ang atensyon nilang lahat. Napaangat ang mukha ni Sierra sa akin at agad kong nakita ang takot sa mga mata niya.

"End of the sympathy. Mamili ka, ipadala ka sa ibang bansa at doon magpagaling... o dito sa pilipinas ka magpapagaling."

Natahimik silang lahat sa sinabi ko. Napaluha si Sierra at hindi mapakali sa upuan niya. Lalong lumakas ang pag iyak niya na pinakaayaw kong pakinggan sa lahat.

Nirerespeto ko ang desisyon niya. Pero kung hahayaan ko siya sa gusto niya... baka mas lalo niyang ikasama iyon.

Kailangan niyang gumaling agad. May trauma, phobia, anxiety siya. At ako mismo ang nahihirapan kapag naalala ko kung gaano iyon kahirap ang mga iyon para sa kaniya. Hindi ko maisip kung pa'ano niya iyon napagsabaysabay lahat.

"Tahan na." Hinaplos ni Mamá ang likuran ni Sierra para patahanin.

"Huwag mo akong paghintayin." Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili. "Huwag mong ubusin ang pasensya ko." Para iyon sa taong nanakit kay Sierra. Pero dahil kay Sierra ako nakatingin ay akala nila'y para iyon sa kaniya.

"P-pangako... pupuntahan ko ang doktor ko at kakausapin siyang magpapagaling na ako. P-parang awa mo na, insan. Huwag mo akong ipadala sa ibang bansa..." Hagulgol niya at pinaglapat ang dalawang palad bilang pahiwatig na nagmamakaawa siya.

Ginawa ko ang lahat upang hindi makitaan ng awa para sa kaniya. Kumuyom ang mga kamao ko habang pinagmamasdan kung gaano siyang nahihirapan sa binigay kong pagpipilian.

"Leave us alone." Utos ko nang nakatingin kay Sierra.

Walang ano ano'y nagsitayuan sila at walang salita na lumabas ng silid. Matagal akong tumitig kay Sierra na panay ang iwas sa akin. Tumayo ako at naglakad patungo sa sliding door ng balkonahe at pumulsa. Sinalubong ako ng malamig na hangin dahilan para lumamig ng kaunti ang ulo ko. Hinintay ko ang pagkakataon na tumahan si Sierra bago ako nagpakawala ng tanong.

"Bakit hindi mo sinabi sa kanila?"

Hindi ko agad narinig ang sagot niya.

"K-kasi... nahuli kitang nakikipag usap kay Levi. Narinig kong may balak ang mga kalaban na guluhin ang mga kaibigan natin." Sagot niya na nagpagulat sa akin.

Kinagat ko ang labi ko at inalala ang posibleng pangyayari kung saan niya kami narinig. Maraming beses kaming nag usap tungkol diyan ni Levi pero hindi ko alam na narinig pala kaming dalawa ni Sierra. Hindi ako naging maingat.

"Bakit hindi mo naman sinabi agad edi sana nakapaghanda ako..." Nadurog ako dun. "Alam mo bang binabangungot ako ng libro na 'yan? Ilang tao na ang gumawa ng lahat para lang mahanap ang libro na 'yan sa akin, pero lahat sila sinaktan ako sa huli dahil wala silang nakuhang libro mula sa'kin. Ilang beses na ring may nagtanong sa akin tungkol sa misteryosong libro na 'yan pero wala akong maisagot. May alam ka ba sa libro, Lunar?" Pagkuway tanong niya. Narinig kong lumangitngit ang upuan bilang pahiwatig na tumayo siya.

Natigilan ako at hindi lumingon sa kaniya. Biglang kumirot ang puso ko na para bang pinipiga ang bawat sulok nito. Natatakot akong malaman niyang may alam ako. Natatakot akong sisihin niya ako sa nangyari sa kaniya. Alam kong kasalanan ko lahat, pero hindi ko matatanggap na darating yung panahon na malalaman ni Sierra lahat at sisihin niya ako sa mga nangyari sa kaniya.

"Wala akong alam sa libro." Pagsisinungaling ko, nakakuyom ang dalawang kamao sa loob ng magkabilang bulsa.

"Hanggang kailangan ka ba maglilihim sa akin? Kailan ko ba makukuha ang tiwala mo?" Palihim akong napalunok sa tanong niyang iyon.

Kailan nga ba? Maraming beses kong naiparamdam sa kaniya ang mga bagay na hindi niya dapat maramdaman bilang pinsan ko. Ngayon hindi ko siya masising kwesyunin ako sa lahat.

"Huwag mong ibahin ang usapan. Bakit hindi mo sinabi sa kanila?" Inulit ko ang tanong na kadalasan ay hindi ko ginagawa.

Narinig ko siyang humagulgol ng iyak. Alam ko ang iyak na iyon. "Ayaw kong matakot ang mga kaibigan natin sa'yo. Ayaw kong iwasan nila tayo. Ayaw kong pag isipin ka nila ng masama. Ayaw kong sisihin ka nila kapag may nangyari sa kanilang masama. Ayaw kong maranasan mo ulit na layuan at iwasan ng mga estudyante dahil sa natatakot sila sa'yo. Ayaw kong–"

"At sa tingin mo kakailanganin ko pa sila kapag napahamak ka?!" Asik ko at naramdaman kong natigilan siya. Lumingon ako sa kaniya nang may galit ang mga mata. "Bakit hindi mo inisip na kapag sumunod ka sa kaniya ay mapapahamak ka?"

"Babarilin niya si Lexzues kapag hindi ako sumunod!" Giit niya.

"At sinong tanga ang magpapaputok ng baril sa loob ng Del Luna? Alam mo namang pribado at maraming guwardya ang paaralan diba? Dapat alam mo ring hindi na makakatakas pa kung sino man iyong tangang papatay sa Del Luna."

Nanghihina siyang napaupo ulit. "Pasensya na... hindi ko agad naisip 'yun. Naging pabaya ako sa sarili ko."

Napahilamos ako sa mukha at tumalikod ulit pagkuway mahigpit na kumapit sa railings.

"Tang*na... pinoprotektahan kita... pero sarili mo lang rin 'yung naglalagay sa'yo sa kapahamakan."

—RL∞

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...