Drowning Emotions (Isla Serie...

By sintamis

38.5K 996 140

ISLA SERIES #5 
Marco, the luckiest surfer in the island but was unlucky when it comes to love. Rejected cou... More

Drowning Emotions (Isla Series #5)
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
35
EPILOGUE
Author's note

34

930 26 6
By sintamis



MARCO

This is the first page of our story... Where it all began.

"Ay, ano! Iyong pink! Gin watermelon! Iyon!"

First time I heard her voice, I loved how sweet it sounded in my ears. It was very alluring, like a song that I wouldn't get bored of putting on loop.

Hindi siya mapakali dahil nahuli ko siyang pinagpapatansyahan ako. Gumanti rin naman ako kaya pantay lang.

Chinita with deep dark eyes. Maputi, straight caramel hair, pink cheeks and lips. She had a vibrant vibe. I wasn't sure if she was wearing heels but she was tall, probably on my eye level. Very blessed body. Halatang mayaman dahil sa balat. Walang peklat. Walang pores.

Ito iyong babaeng alam kong hindi mapapasaakin. Hindi ko abot. Mahirap lang ako. Sureness wala ako sa standards nito. Hindi ko rin naman siya type.

"Veronica," pagpapakilala niya.

Smile. The gummy smile plastered on her face was beautiful. She also had a small dimple on the right that appeared along with it. It suited her.

"You don't look like a Veronica."

"What do you mean?"

"You look more like an angel," banat ko. Gago, banat na ba iyon?! Tinalo pa ako ng elementary sa galing pumick-up! Pero namula siya. Naks! May hatak pa pala 'ko!

Zychela didn't make my heart beat fast the moment we met. I flirted, eyed, and kissed her simply due to boredom.

"Ang kapal mo! Hindi ka naman yummy pero ang choosy mo! Hindi na nga gwapo, hindi pa masarap humalik! Ulol!" She stride out of the bathroom angrily, leaving me in shock while holding my cheek.

Sinampal niya ako. Tinanggihan ko siya dahil first time niya... tapos sinampal ako?! Kasalanan ko pa na hindi ako nag-take advantage?! Ampucha!

Yup. It certainly wasn't love at first sight.

Sobrang natamaan ego ko roon. Hindi naman kasi ako nasasampal! Sa sarap, oo!

Mas lalo naman akong nairita nang humagalpak ng tawa si Echo at Sasy. Hindi ko kasi talaga matago. Kailangan ko ng mapagsabihan para makamove on na sa pangyayari na iyon!

"Hindi mag-plant ng anger for today, Quinito!" Kinakapos na ng hininga si Sasy, tinuro-turo pa ako.

"Gagi, hindi raw yummy... Sampal... Sapol..." Echo slapped me lightly on the face. Magkaakbay silang dalawa para gabayan ang isa't isa na hindi mapaupo sa sahig. "Hahaha!"

"Napakatangina n'yo." I rolled my eyes, inhaling on my vape. They gasped and laughed more. Ano pa ng ba'ng inaasahan ko sa dalawang 'to? Minura na nga, sumaya pa!

Sa sumunod na linggo, natuon ang pansin ko sa acads tsaka kay Ylona, fling ko. I rarely sleep with people more than once because they always want attachments after the first time. In my defense, I never intend to intentionally hurt them. That's why I liked having Ylona around because we had similar perspectives on this setup.

"Magaling ba 'ko humalik?" Binabagabag talaga ako nito dahil sa mananampal na iyon.

"Duh, Marco! I don't think you even have to ask that!" Ylona smirked, blushing a bit. Natawa ako. "Why?"

Umiling lang ako at nagpatuloy sa paninigarilyo, nagtatago ng ngisi. Hah... Magaling ako!

"Wild tides today... Nice..." While watching the sunrise in the beach, I did my morning stretch to prepare myself. Nagmumuni-muni pa ako roon nang may tanginang bumatok sa akin. "Tarantado ka, Jericho Luis," mura ko.

"Tangina ka naman, Beaumont Marquenzo. Ganda ng pangalan, panget ng may ari," he roasted, laughing. "Hay! Ang lamig... Parang ang sarap mag..."

"Mag?" Tinaasan ko siya ng kilay habang pinuputok ang buto sa knuckles ko, nakangisi nang kaunti. "Kung ano man iyang iniisip mo, tapos na ako kagabi."

"Damn, someone had a nice night then." Sinapak pa niya ako kaya natawa ako. "Hindi ka pa ba pagod diyan?"

I shrugged. "I have no one else to be with," I replied. "Magsasawa rin ako sa ganitong lifestyle. Huwag kang mag-alala."

"I was just asking. You do you, bro," he replied, chuckling.

We both went to the sea. Nagsasalita pa siya nang nag-paddle na 'ko para makuha iyong alon na kanina ko pa tinatantya sa malayo. It was such a wild wave. I swiftly did a cut back before the wave collapsed on the other side, trapping me inside as I did a barrel. It was a famous trick.

Nauna siyang natapos dahil magba-barista pa sa café ni Esme. Ang supportive sa jowa! Minsan nga, naiingit na ako dahil lahat sa barkada ko masaya ang lovelife habang ako, ito nakikipagrelasyon sa sandamakmak na libro ko! Ano iyon? Hindi ba parang unfair?!

But I wasn't in a rush. I believed I have all the time in the world. Meanwhile, Zychela... she felt the opposite.

"The tides are nice today, Ma'am. Surfing?" I offered to a woman while she was taking a picture of the sunrise, making her turn to me.

This is our second chapter. Second time we crossed paths.

"No, thanks." Tinalikuran niya kaagad ako.

Nalaglag ang panga ko. Hah! Kapal ng mukha! Hindi naman ako galit, naiirita lang! Magkaiba iyon, oy!

Nabwisit ako bigla dahil kaibigan pala ni Cali! Ang bait ni Cali tapos kaibigan niya itong nananampal na ito?! Ang liit ng mundo! Pwede bang palakihin kahit saglit?!

"Sino 'to? Daming dada." I gave her a judgmental stare while leaning over the counter. Ganoon pa rin hitsura niya. Mukhang sasampalin pa rin ako mayamaya lang.

"Excuse me? I'm Veronica Marquez! Don't you know me?!" She was so exaggerated, holding her chest as if I offended her whole being.

"Hindi. At ayaw kitang kilalanin."

I meant it when I said those words, alright, but I just found myself helping her catch her cat! Tinulungan ko siyang maghanap dahil naawa ako sa pusa at baka mapaano. Cute pa naman. Hindi ako naawa sa babaeng iyon. Ba't ako maawa sa kaniya? Hindi nga siya naawa noong sinampal niya ako.

"Ayos! Thank you sa tulong!" sarkastikong sigaw ko noong umalis siya agad pagkapulot sa pusa.

"You're welcome!" sigaw niya, walang pakialam. Ayos! Wala siyang manners!

Kinagabihan, nag-DJ ako saglit sa bar bago nag-focus sa pagiging bartender. Making drinks relaxes me. It took me a long time to learn how to do this because I wasn't interested at first. But I gave it a shot and eventually fell in love with it.

A smirk crept on my lips when I saw Zychela. Hindi siya lumapit para mag-order. Ang isang kaibigan kong si Finley ang isang bartender ngayon. Pasimple ko siyang siniko habang gumagawa ng margarita kaya sumulyap siya sa 'kin.

"P're, huwag mong lapitan iyong babaeng nakaputing long sleeves na nasa dulo," nakipagswabtan ako. Ganti ko 'to sa kaniya! Lalapit din naman iyan sa 'kin. Sureness!

"Bakit? Ex mo ba, tol?" pang-uusisa ni Finn habang binubuhos ang tinimplang mojito sa baso.

"Ew," I joked.

Bahagya siyang natawa at pinasadahan ng tingin si mananampal. "Sabagay ang ganda. 'Di ka papatulan niyan," panggagago niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Baka gusto niyang hindi ko siya swelduhan ngayong gabi!

Tama ako. Lumapit nga siya, umaaktong matapang. She challenged me by saying different names of drinks, the dirty ones. She looked so lost when she finished the names on the menu. I have a lot more in mind.

I bit the insides of my cheeks to stop myself from laughing when she flashed me a sarcastic smile and ordered gin watermelon. Her favorite.

Nalasing na naman siya sa bar ko. Ako ang huling kasama niya. Hindi ko na mahanap sila Manu, at hindi ko alam saan siya nagse-stay kaya wala akong choice kung hindi iuwi siya sa bahay. Kung masama lang akong tao pinagulong ko na ito sa daan na parang pakwan. Pero may manners ako, hindi tulad niya.

"Sayang na sayang talaga! Dating pag-ibig na alay sa 'yo!" Ang kapal ng mukha ng babaeng 'to kumanta kahit na sobrang sintonado ng boses!

"Kuya?" Saniella, my sister, covered her mouth while pointing at me with accusation. Nagpaliwanag ako nang wala sa oras dahil ayaw kong masira ang image ko sa kapatid ko.

Binuhat ko na lang si mananampal papuntang kwarto dahil nakakatamad siyang guyurin. I cursed when she forced herself to go down and vomited just as we went in. Pinagbihis ko siya mag-isa. I didn't want to invade her. I then made her gargle some mouthwash in the bathroom, washed her face, and threw her in my bed.

"Mukhang anghel 'pag tulog. Hindi halatang mananampal." Natawa ako nang na-realize na nakatatak na iyon sa isip ko.

Nilinis ko muna ang sahig bago naglatag ng banig dahil ayaw kong tumabi. Kinaumagahan, nagising ako nang may tumama sa mukha ko. I opened my one eye, just to see her foot in front of my face. Sinipa ba niya ako?! Trip niya talaga mukha ko!

"Kulit matulog," bulong ko dahil baliktad na ang posisyon niya. Para naman itong orasan matulog!

Napakamot ako sa ulo ko nang nakita ang butil-butil na pawis sa noo at leeg niya. Wala kasi kaming aircon. Nang tumingin ako sa electric fan ay full na iyon. Kinuha ko ang isang bintilador sa kabilang kwarto. Sana lamigin na siya.

Kahit na maaga pa, ang laki na ng alon kaya nagsurf ako saglit. Pagkabalik ko, binasa ko ang shortboard ko para hindi matuklap tsaka nilagay sa rack bago nagtungo sa open-kitchen. Inuna kong maghanda ng almusal kaysa maligo.

"Nako, nak! Ligo na muna at baka magkasakit ka!" Hinampas ako ni Mama sa likod ng abaniko kaya nagulat ako.

"Ma, ouch," pag-iinarte ko kaya hinampas niya ako ulit.

"Ligo na!"

"Maya na. Tapusin ko muna 'to tapos maglilinis pa ako. Huwag kang mag-alala, hindi maasim itong anak mo. Amoy baby ako, Ma!" Pinaamoy ko sa kaniya ang kili-kili ko kaya nahampas na naman ako ng abaniko.

"Diyos ko, Marquenzo! Hindi ko alam kung saan ka nagmana! Normal naman akong tao!" Suminghap siya bago kinuha ang walis.

"Ma! Huwag kang violent! Tama na iyong abaniko!" Niyakap ko ang sarili, umaaktong natakot.

"Siraulo," pambabara niya kaya bahagya akong natawa. "May bisita ka pala, ha..."

"Wala kaming ginawa!" depensa ko kaagad.

"Hindi ka anghel sa utak ko, nak!"

"Si Mama naman! Wala nga!" Napakamot ako sa ulo ko, nahihiya sa iniisip niya. Tingin niya talaga magdadala ako ng babae rito sa bahay para gawin iyon?! Bakit ko gagawin iyon kung may lodge lang diyan sa tabi!

Nagkwentuhan kami tungkol sa paninda namin sa palengke. Mayroon kaming maliit na pwesto roon. Kami lang ni Ares ang namimingwit ng isda kada gabi. Mamaya may tuturuan kaming mga touritsa ng surfing. Malaki na rin ang kikitain dahil five hundred per hour ang standard rate ng surfing lesson. I also teach snorkeling, swimming, diving—anything water-related. Minsan tour guide pa 'ko kung may oras.

May sakit kasi ang bunsong kapatid naming si Soleil kaya dumodobleng kayod kami dahil kailangan niya ng medicine maintenance.

Ama namin? Sumalangit na. Not literally.

Niloko niya si Mama at nagpakasarap kaya nakabuo ng tatlo at binaliwala kami. Binigyan niya kami ng kotse, apartment, at bar bilang kapalit. Kung hindi ba naman tarantado.

If I'll have my own family, I will not hurt them. Because if I do, even in little ways, I know it will never be the same again. I promised myself I would never be like him. A liar, a cheater. I won't lie. I despise liars. So much.

Nakatitig lang ako kay Zychela habang nakikipagtawanan siya sa pamilya ko. Nakataas pa ang isang paa niya habang komportableng kumakain ng sardinas. Hindi pala siya... maarte.

I started to think that maybe we could be friends. We have the same vibes. Parang masarap siyang maging best friend!

Pero tangina, kung kailan nagbabago na pananaw ko sa kaniya, iniwanan ba naman ako ng pera pagkatapos ng unang gabi naming dalawa noong bagong taon! May note pa!

'Thanks for the night. I had fun, Beaumont. Take care.

Truly, Ica.'

Tangina! Nagtunog gigolo naman ako roon! That woman... knows a lot of ways to offend me!

"Four thousand ka lang pala, Quin!" Umiiyak na si Sasy sa kama ko, masayang-masaya. "Wala na bang higher?!"

"Saan aabot ang four k mo?! Sa isang Marquenzo!" Paulit-ulit ni Echo hinampas ang lamesa, mamamatay na sa kakatawa. "Kung ako magbibigay sa 'yo four k, p're, payts ba?" pang-aasar niya at ngumuso. "Come here, baby. I love you."

"Umalis ka sa harapan ko at nandidilim ang paningin ko sa 'yo," iritang sabi ko. Hindi na ako nadadala! Kailangan ko na ng bagong kaibigan!

I kept on seeing her everywhere. Sa coffee shop, mall, book store! Pati sa billboard! Parang multo na ayaw akong tantanan! Worst? Lumipat siya sa katabi kong apartment! Suggest ni Cali... Eh, ako rin ang nag-inform kay Cali na may available sa tabi kong apartment dahil akala ko siya ang lilipat! Tinorture ko ang sarili ko!

"Can you please just stop for one night? Grabe, mas consistent ka pa sa grades ko! Gabi-gabi, beh! Try resting!" Tumalikod siya nang tuluyan. Napatabon ako sa bibig ko bago siya tinawag. Masungit siyang lumingon.

Tinuro ko iyong pwet niya. "Cute ng panty mo. Powerpuff girls," pang-aasar ko bago pumasok kaagad sa apartment, tawang-tawa for some reason. Puma-powerpuff girls naman pala!

Here? Nah, I was still not in love with her.

I liked her, alright... as a friend.

Masaya siyang maging kaibigan. Ang sarap niya kausap. Magaan. Kaya ko siyang asarin at i-prank ngunit hindi siya napipikon. Gumaganti nga lang. Ang ganda ng friendship namin. Genuine.

Isang gabi, tinamad akong mag-aral kaya binuksan ko ang laptop para manuod ng movie ni Ica. Magaling siyang umarte pero natatawa ako habang nanunuod dahil, p're, kaibigan ko iyong nasa screen! Alam ko ang tunay na ugali kaya hindi ko maseryoso!

Kumuha ako ng litrato at pinadala sa kaniya sa IG.

makisldv: tinamaan yata ng kamatis ang pagmumukha natin blossom

icamarquez: HAYOP KA BLUSH IYAN BASHER KA KAHIT KAILAN MARQUENZO HAHAHAHA IHY

Kinagat ko ang daliri ko para pigilan ang tawa. Pinindot ko ang litratong pinadala niya. Kumawala na ang tawa sa labi ko habang nakatingin doon. Nakasingkit ang singkit na niyang mata at nakataas ang gitnang daliri. May mga roll pin pa sa buhok niya, naghahanda sa shooting.

Nagpadala din ako ng pareho na litrato sa kaniya bago nagpatuloy sa panunuod. Hindi ko alam kung bakit ako nanunuod imbis na mag-aral. Paano na lang kung may surprise recitation? Ano'ng isasagot ko? Iyong linyahan niya sa pelikula?

"Ano'ng pinapanuod mo?" Nagulat ako nang sumilip si Ares kaya nasapak ko siya kaagad. Nagmura siya at napahawak sa panga niya.

"Bakit mo kasi ako ginugulat?!" napasigaw ako, nag-aalala.

He groaned. "Nagtanong lang naman ako!"

On the nights when I was under the most pressure, I would spend the night with Ica. We were flings. That was our relationship. Nothing romantic.

"Salamat, Yohan. Balik ko ito bukas." Nagmamadali kong nilagay ang mga libro sa loob ng bag. Pati highlighter, sticky notes, binder, balot ng candy natapon ko lang.

"Okay ka lang, tol? Nagmamadali ka, ah? Date ba kay baby girl?" Ngumisi si Yohan.

Inirapan ko siya. "Hindi ko nga baby girl. Kaibigan," pamimilit ko. Paulit-ulit 'to, eh!

"Oh my gosh!" Ylona covered her mouth, jumping. "Jowa mo na si Veronica?! I'm a fan of her! Can you ask for a video greeting for me please?! Ang ganda!"

Kinuha ko ang hawak ni Declan na papel at nirolyo iyon bago tinama sa ulo ni Ylona. Ang lakas ng boses ng babaeng ito! Baka may makarinig! Kaya siguro naiirita si Ica sa kaniya!

"Bro! That's my illustration!" Declen gasped and pushed my shoulder. Agad kong binalik sa kaniya ang papel. "Hays! Buti na lang hindi nalukot! Dahil diyan, Lord, sana maging jowa na niya iyong kaibigan niya!" Walang connect iyong dasal niya. Nagtawanan silang tatlo.

"Sana mabilaukan kayo," sarkastikong sabi ko at tinuro ang sila isa-isa bago minasahe ang sentido ko para maibsan ang sakit.

Kanina pa ako inaantok habang sumasagot ng exam. Hindi pa ako makakatulog dahil may lalakarin pa ako tsaka birthday ni Zy. Gusto ko ako ang unang babati sa kaniya sa alas dose. Paniguradong mag-isa iyon sa apartment niya. Napansin ko wala siyang sobrang close na kaibigan. O baka mayroon pero hindi ko kang nakikita.

Pagod na pagod na ako pagkatapos asikasuhin iyong mga pinapakuha ni Mama na papels sa Marikina. Pinilit ko ang sarili ko maging mulat habang nagmamaneho. Nakikinig pa ako ng audio book ng isang lesson ko.

As I closed the door of my car, my phone beeped so I looked at it. One of my reminders flashed on screen.

'birthday ni buttercup. surprise with cake'

"Shit, cake!" Paulit-ulit kong tinama ang palad ko sa noo, nakalimutang bumili. Sumakay ako ulit at naghanap ng bakery pero close na lahat! Bumili na lang ako sa convenience store ng cupcake as alternative. Babawi na lang ako bukas!

Shocked filled Ica's face when she saw me outside her door, singing for her. Kumurap-kurap siya habang nakaawang nanag kaunti ang mapulang labi, hindi makapaniwala.

I noticed her eyes were red... Did she cry? Bakit siya umiyak? May nangyari ba? Ano?

"Thank you, Beau." She sounded so... fragile.

"Happy birthday, love." I tightened my embrace to show her I was here for her. I liked the warmth she gave me, so I savored it, smiling as I sniffed her hair.

Dinate ko siya sunod araw bilang pambawi. Kabang-kaba ako dahil baka may makakita sa amin pero umakto akong normal para hindi siya nerbyosin. Hindi ko tanggap kung masisira ang pinaghirapan niyang spotlight ng dahil lang sa akin. I cared as a friend.

"Ganda naman kahit bwisit minsan," natatawang bulong ko habang nakatitig sa wallpaper ko. Iyong kinuha naming litrato kanina. Halos siya lang ang kita roon.

One day, she wasn't home on her usual time. I grew worried for her and I couldn't focus on studying. Dapat binabagabag na niya ako rito sa apartment habang nanghihingi ng pagkain dahil hindi naman marunong magluto iyon. Gusto ko rin siyang bigyan ng pagkain. Hobby ko na.

I saw her walking near the gate. Then... she fell. Akala ko nadulas dahil umuulan pero hindi siya tumayo at pinabayaan ang sariling maligo sa ulan. Mabilis kong kinuha ang payong at tumakbo palabas, nag-aalala.

"Wala pero umiiyak ka?" She kept on denying that she had a problem. But her eyes cannot lie. She cannot deceive me. I had mastered the art of reading her emotions.

"Ulan lang iyan..." She laughed to mask her pain. It broke my heart and made me feel weak when she began wiping her cheek to prove her point... To force herself to be okay.

"Maniniwala lang ako kung kaya mong sabihin sa akin na wala kang problema."

Tuluyan na siyang nalugmo sa tapat ko. Mabilis ko siyang niyakap. Nababasa na ako ng ulan dahil tumabingi ang payong pero wala akong pakialam.

"Shush. Ano iyon? Sabihin mo sa akin. Makikinig ako," I whispered sincerely.

When she put her defenses and let me in without hesitation, as if she had her whole trust in me, where I saw her fully with nothing but vulnerability and agony as she shared her life with me, I wanted to look out for and protect her.

May tumamang kakaibang patak sa dibdib ko habang inoobserbahan siyang matulog sa tabi ko. I pushed some strands of her hair out of her face. Nagsalubong ang kilay niya kaya unti-unti ko iyon pinaghiwalay.

"Cute." I laughed softly.

She looked peaceful. Sana tulog na lang siya palagi para hindi niya naiisip ang mga problema. Hindi siya nakakaramdam ng sakit. If only... I could take away her pain, I would.

"It'll be okay," I whispered, kissing her forehead before I closed my eyes to sleep.

You may think my love began there, but no. Not yet.

But everything she does, everything she is... I unconsciously took note and remembered. Paborito niya ang luto ko, pati ang gawa kong blueberry latte, matcha as alternative. Mahilig sa lavender at rosas. Palaging naka bun at hoodie. Tamad sa gawaing bahay. Mahilig mag-shopping.

"Don't judge, ah! Kapag hindi masarap, sisihin mo si Youtube kasi sinundan ko lang lahat ng naroon! Promise! I measured the spices pa!" Pinakita niya sa akin iyong mga measuring spoons niya na ginamit bilang pruweba. Pinagluto niya ako kahit na hindi siya marunong.

"Sureness, masarap ito!" Kinuha ko ang kutsara at tumikim. Ang alat, p're! Pinigilan ko ang ubo ko at pinakita ang thumbs up sa kaniya. "Yummy!" Inubos ko pa rin para mas ma-encourage siyang magluto next time. She wanted to grow. I'll help her.

Ganoon ang kaibigan... 'di ba?

Kapag umuuwi siya, palagi siyang pagod at puno ng kalungkutan ang mga mata na hindi ko maatim na panuorin siyang ganoon.

I had the urge to make her happy every day, so I could see my favorite gummy smile suffice on her lips. It was so precious. Priceless. And based on observation, I only see that whenever she is with me.

Do I make her happy?

My lips rose up, forming a genuine smile at my thoughts. I made someone happy. My little ball of sunshine when I was lost in paradise. Her.

And one day, I woke up and realized... she was the cause of my euphoria too.

I was hesitant to admit it though. I yearned for love—the kind of love that makes me want to stroll over the sky and that fills me with a sense of comfort, certainty, gentleness, and warmth. A love that's real... A love that's mine.

I yearned love... but I feared to be in love with another again. Why risk falling into the ocean's depths and drowning until I'm unable to swim back to the surface, right? And what if once again it is unreciprocated?

"Solid kang kaibigan, 'no?" Ang ganda ng ngiti na ibinigay niya sa akin pero wala akong naramdamang kasiyahan.

Kaibigan na naman ako. Buti pinigilan ko ang sariling malunod sa kaniya.

"Solid ka ring kaibigan," mapait na pagbalik ko na lang.

Pinipilit kong walain ang nararamdaman sa kaniya, pero lumalala lang. Baliw na ang tibok ng puso ko. Her kisses started to taste sweeter than usual. Her voice was enough to wash my irritation away. And with a touch of her warm hand on mine... I just don't feel like letting go.

I no longer consider sex with her as my comfort. Because all it took was for her to give me a hug to make my day full of rainbows. Making cocktails, cooking, and watching movies together... felt intimate to me at this point. Our hearts felt closer... Certainly for me.

"When you're over her... Are you going to love again?" Ica asked me, hopeful.

I recognized the look of hope in her eyes. It was the same as it had been whenever I confessed to Sasy, and I realized why she had asked... She also liked me.

Gusto niya rin ako... Totoo?!

"Do you like me? Do you have feelings for me?" diretsong tanong ko. I needed words to confirm it before my heart would start beating again... This time, to someone else.

"Oo, Marco. Gusto kita. Masyado ba akong halata?" Tumawa siya at napatabon sa mukha, nahihiya. "It felt nice to say it aloud but can you forget I said that?" Bakas ang pagsisisi sa tono niya.

My heart crumpled with pain. "I'm sorry..." Mahirap ba akong mahalin na kinailangan niyang bawiin iyon?

"Huwag kang mag-sorry. Hindi mo naman kasalanan na hindi mo ako gusto."

Gusto kong umamin... pero hindi ko tinuloy. Hindi ko alam kung bakit naduwag ako. Pero tamang desisyon iyon dahil noong lumapit sa 'kin si Sasy nang umiiyak, naging apektado kaagad ang puso ko.

Kung umamin ako kay Ica... ang manloloko ko tingnan. Kasi parang sabay ko silang gusto. And Ica doesn't deserve a half-hearted love. I didn't want to give her mix signals. She was so pure, and hurting her in any way was something I cannot afford.

"Akin na nga iyan!" Natatawang kinuha ko kay Esme ang bote ng beer dahil hindi siya marunong magbukas gamit ang kutsara. Nasa isang resort kami para mag-overnight dahil birthday ni Cali. Nasa Paris si Raya, si Echo sa Australia.

"Thank you so much, Maki!" masayang sabi niya sabay tanggap ng bote.

"Me too! Thanks in advance!" Cali giggled, giving me a bottle. "I have to get something from the room. My cake and balloons. Samahan mo 'ko, please?"

Hinatak nila ako para gawing utusan. Walang problema sa 'kin iyon. Sino pa ba'ng tutulong sa kanila kung hindi ako. Kami ni Echo at Kito nagbabantay sa mga ito, eh.

"Smile na, oh! Nangangawit na ako. Shet! Mamamatay na 'ko!" Umakto akong mahihimatay kaya natawa silang dalawa bago nag-pose. Kinuhanan ko sila ng picture. "Oh, isang backflip nga sa pool, Esme. Tapos Cali, dapa," panggagago ko kaya sinamaan nila ako ng tingin.

Nahagip ng paningin ko si Sasy na tahimik lang na nakaupo sa pool, nagve-vape. Nabaling lang ang atensyon ko nang tumunog ang phone ko.

From: lalabs

HOY PAKINGTAPEEE MAY PALAKA NA ANMAN D2 SA SALA MARQUNXEO WER KA BA HA TULUGAN MO KOOOOO

Kinagat ko ang likod ng palad ko, nagpipigil ng tawa. Mali-mali pa typings kaya naisipan ko mang-asar.

To: lalabs

ba't kita tutulugan?

From: lalabs

bOBO TO PARANG TYPO LNG KALA KO BA MAGNA LAUDE KA TAPOS YAN LANG HINDI MO G PERO SHET YUNG FROGLETS MARKINITO!

From: lalabs

Umuwi ka na pls d naku galit xD mwahmwah tsuptsup <3 help

Pinatong ko ang phone sa bibig ko para pigilan ang tawa noong may pahabol na umiiyak na emoji. Rupok ko naman! Tuwang-tuwa kaagad ako! Clown ko yata 'to si Ica!

"Someone's smiling." Esme's tone was filled with malice. Kilig na kilig din si Cali.

After taking pictures, they went for a swim. Naghubad ako ng sando at naupo sa dulo ng pool, pinapanuod si Sasy na umahon. Tapos... napadungaw ako saglit sa phone ko, sa huling text ni Ica.

"Tinitingin-tingin mo?" Nagtaray na kaagad itong si Sariyah nang nahuli akong nakatingin sa kaniya. I chuckled. "What's your problem?"

"Ikaw." We both laugh at my unconscious yet blunt confession.

"Seryoso. Ano nga, Quin?"

"Ikaw nga." I let out a heavy sigh. "Pwede bang... umalis ka na sa puso ko para maging malaya na ako sa 'yo? Nalilito na ako, eh. May iba akong gustong papasukin sa buhay ko pero hindi ko matanggap ng buo dahil sa 'yo... Dahil minsan pakiramdam ko ikaw pa rin, Sas," I whispered, frustrated.

Gusto ko na siyang alisin sa puso't isipan ko. Gusto kong si Ica ang laman... Kaso hindi ko kayang pilitin. Ayaw kong pilitin dahil hindi niya deserve ang pagmamahal na pilit.

Still, sinigurado kong wala akong nararamdaman na katiting na romantikong pagmamahal kay Sasy bago ko nilahad ang dadamin ko kay Ica.

"No lies, no secrets."

"No lies, no secret."

And I held on to that.

Sekreto ang relasyon namin pero hindi ako nabahala. Sa totoo lang, mas gusto ko. Mapayapa. Walang nangingialam. It felt so good to experience a peaceful relationship with her. Just the two of us. No eyes watching. We were a secret... but I felt free in all ways with her.

"I hope you know I'm proud of you. As your friend and as your lover," I reminded.

"Thank you for being proud of me pero para sa akin, kulang pa ang pinapakita ko. Madami pa akong kailangan baguhin sa sarili ko, madami pa akong matututunan." The softness of her tone made me weak.

"If only you see yourself in my perspective, maybe you'll realize how beautiful you already are."

If only she was me, she'd be shocked to know how highly I think of her. How proud I am of her. How enough she was.

"How far are you willing to go for me?" Ica asked in hushed tone.

"I'm willing to go to the ends for you, Zychela." I meant those words. "You're one thing I'm certain of, and I've never been certain in my life... Never, Ica."

I promised to go to the ends for her... Ganoon din kaya siya sa akin?

"I will die someday, but that's not today," I assured her, chuckling. Umaandar na naman kasi ang pagka-exaggerated ng jowa ko. Nasa Bataan kami para sa monthsary namin.

A laugh escaped her lips, and I remained staring at her. How can she just sit there and laugh... and still look so lovely in my eyes? The little things and details about her will always make me feel in awe.

"Everybody will die. Let's just hope we'll see each other in the next lifetime."

"I refuse to believe there's such thing," pumalag ako. Corny! Walang ganoon!

We only have this lifetime, no other else. Iyon ang paniniwala ko. For Zychela, it was different. We always had different stands.

"I always have this thought that, what if we were designed for each other, but this lifetime wasn't meant for us?" Napaisip siya sa sariling tanong, na kinontra ko sa huli. Kahit saan, dapat kami.

Noong nag boat ride kami, sinuot ko sa daliri niya ang promise ring na binili ko noong isang araw. The shock in her face as she blushed was so funny, especially when she started panicking.

I gave her a ring for her to know my intentions towards her. Assurance. Hindi ko pa siyang pwedeng pakasalan ngayon dahil aside sa bata pa kami at bago pa lang, mahirap pa ako. Iyon mga mayroon ako ngayon, hindi naman iyon galing sa sariling pera ko.

I needed to stand on my own feet to provide everything she wanted for our tomorrows. I want to be better for her as much as I want to be better for myself, because she was the most certain thing in my life... I need to get everything right. She couldn't slip away through my fingers. I wouldn't allow.

"Promise, pakakasalan kita." One day.

"I love you." The way the words slurred out her mouth sounded so sweet, and certain.

Tumigil saglit ang mundo ko sa pag-ikot at tanging siya at ang ngiti sa kaniyang labi ang nakikita ng mga mata ko. My chest rumbled like a jungle, skipping beats in between as the three words she told me played in my ears. It felt great to hear those words that I always say but never receive.

"Hindi mo kailangan sumagot. I know I'm ahead, Beau, and I don't mind. Just tell me those words when you mean it," she quickly added, not wanting to pressure me.

Napangiti ako. "I like you," sabi ko kaya sumilay rin ang ngiti sa kaniyang labi.

Her love for me may be deeper, but that doesn't mean I love her less. One day, I will love her in the same level her love for me was. I will get there. I know, I will.

Hindi mapapantayan ng kahit ano ang kasiyahan ko sa kaniya. We both yearn for happiness and love. We both yearn that our today, tomorrow, and every day after would be certain. Hindi perpekto... pero sigurado.

Ang relasyon namin ay ang inaasam kong pag-ibig. It was like nothing can break us apart. We had such strong bond, I'd like to believe.

We don't always get along and real talk each other. We have fights, flaws and make mistakes, but whenever she realizes she has gone too far, she always owns up and apologizes. She's real to me. That's my favorite aspect of her.

But... will it last? Will she be real to me until the end?

"Hindi namin iyan kailangan." Namuo ang galit sa dibdib ko habang nakatingin kay Malcolm, papa ko.

"Tanggapin mo na iyan. Dagdag sa gamot ni Leil. Huwag kang mayabang," walang pakialam niyang sambit. Naglapag siya ng isang maliit na envelope. Hindi na iyon maisara sa dami ng bill sa loob noon.

Iyan. Pera. Na naman. Para sa kaniya, iyan ang solusyon sa lahat pero hindi. Minsan, presensya ng isang tao ang kailangan mo.

Kanina lang nag-away kami ni Zychela dahil binibigyan niya ako ng pera para kay Leil. Ayaw ko nang tanggappin dahil hiyang-hiya na ako sa dami ng tulong niya sa pamilya ko.

Her problems were mine, but my problems shouldn't be hers. I will lift all of her burdens, not add to them.

"Ano ba talagang kailangan mo?" diretsang tanong ko kay Malcolm, madilim ang tingin sa kaniya. Hindi ako nakikipagbiruan.

He smirked evilly. "Your Tita Rowena wants to meet her step daughters so I filed custody to get my little girls, Marquenzo."

Nagpintig ang tenga ko. "Hindi mo pwedeng kunin ang mga kapatid ko. Wala ka nang karapatan sa kanila simula noong umalis ka," mariin na sabi ko, naalarma. Ano ba ang gusto nito?!

He calmly sat down on the chair and crossed his legs. "I have all the right. You, on the other hand, can do nothing about it. Hindi kita aangkinin, pati si Ares. Pareho naman kayong walang silbi. Mga pabigat. Problema lang dinala n'yo sa buhay ko. Doon kayo sa nanay niyong walang kwenta-"

Hindi ako na nakapagtimpi at sinapak na siya kaya nahulog siya sa bangko. I yanked on his collar with all my strength and slammed him against the wall, panting in rage. As we stared at each other, tears began to well up in my eyes.

"Isang salita mo pa tungkol sa mama ko..." Hinigpitan ko ang hawak sa kuwelyo niya.

Kampante niya akong nginisian. Alam niyang hindi ko kayang manakit nang todo. Isang sapak lang ang kaya ko. Pinalaki ako ng tarantadong 'to.

"Alam mo, hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit..." Huminga ako nang malalim, ayaw nang papuntahin sa ibang direksyon ang usapang 'to. "Ang kapal mong subukan kunin ang mga kapatid ko na para bang hindi mo sila iniwan. Hindi ako papayag na makuha mo sila. Sisiguraduhin ko iyan."

Halos kakarating ko lang sa rooftop bar nang nag-text si Ica. Tuldok lang ang reply lang. Alam na niya iyon. Ayaw ko siyang makita dahil paniguradong isang tanong niya lang, ibubuhos ko kaagad ang bigat sa dibdib ko. She makes me feel safe to show my emotions. The real ones.

But I cannot distract her. BAR niya bukas... But I ruined her chance of fulfilling her dream.

"Tell me what's wrong. Tell me what I did wrong. Tell me what went wrong. Paano ko naman aayusin kung hindi ko alam kung paano tayo nasira?"

Ano ba kasing nagawa ko? Dahil ba sa BAR? Dahil nangako akong naroon ako pero hindi ako tumupad? Hindi ko naman sinasadya.

Ang sakit isipin na nahihirapan siya ng dahil sa akin, na ayaw niyang mapalapit sa akin... She was slowly slipping through my fingers.

Hindi niya ako... kayang mahalin habang siya'y nasasaktan. Hindi niya kayang salbahin ang sarili niya. Kailangan niya ako, at gusto kong naroon ako... Pero paano ko gagawin kung pati ako nalulunod na?

The timing was just not right. Suddenly, time was our conflict.

"You're right. Love doesn't solve anything. It's not everything. Because if it were... how come I'm no longer happy?" It was almost a dreadful whisper.

This is the chapter where I started drowning in a different form of love... A painful love.

"Baka kasi iniisip mong nagsisinungaling ako." Pinakita niya ang cellphone sa 'kin, inakalang pinagdududahan ko siya.

My forehead creased. "May rason ba para pagdudahan kita? May tinatago ka ba sa 'kin?"

Kitang-kita ko ang paninigas niya bago tumanggi kaya kinailangan kong titigan siya nang mabuti, hinahagilap ang kahit anong emosyon sa mga mata niya. Pero nahirapan ako.

Hindi na ba ako magaling magbasa ng emosyon niya... o sadyang magaling lang siyang magsinungaling?

"Ba't galit ka sa 'kin? Ano'ng nagawa ko? Sinasabi mo na wala pero halatang mayroon. Sabi mo pag-usapan natin pero ayaw mo naman maging totoo. Pambihira ka naman. Walang rason? Then why did everything change between us? Hindi tayo ganito dati..." Desperado na ako sa sagot.

"Pero ito na tayo ngayon." Kinagat niya ang labi. "I'm simply not happy."

"Paano naman ako?" Paano naman nararamdaman ko?

Sinusubukan kong lumangoy kasama siya kahit na kada araw, lunod ako sa pag-iisip ng solusyon aa mga problema. Sinusubukan kong bumalik kami sa dati. Sinubukan ko dahil baka kaya ko siyang salbahin... pero ayaw niyang magpasalba. Sinusubukan kong ayusin kami... pero siya, tinapos na ang istorya naming dalawa.

"Bakit ayaw mong lumaban?"

"Because I already told you-"

"Mahal mo ba ako?" mariing putol ko sa kaniya.

She swallowed as her eyes glinted with unshed tears. "Minahal naman kita," she whispered her response.

The first time she said she loved me, I was the happiest. But at this moment, I felt every part of me died with the past tense that slipped through her mouth.

How can an 'I love you' turn to this? Minahal.

I felt so drained I couldn't think straight anymore. Iyak nang iyak si Mama noong nanalo si Malcolm sa custody. Hindi ko alam ano'ng iniiyakan ko pero umiyak ako. Pati sa pag-iyak, hindi ko na alam kung ano'ng dapat unahin.

I needed Ica so bad... but she didn't care for me anymore. Kahit isang bisita lang, wala. Isang tawag, wala. Ni text.

"Please, just give us up," she begged, crying.

Nanlamig ako at pilit siyang inaabot. Lumayo kaagad siya na para bang may nakahahawa akong sakit. Hindi ko tanggap iyon.

"No, we can't give this up... Baby, we can't give up. Not now, please," I also begged as my tears poured harder with the drops of rain.

"I can't anymore. I'm giving it all up... I'm giving up on us, Marco." Nahihirapan na siyang huminga sa hikbi niya.

This woman... has lots of way of hurting me. All the time.

"Please stay... I love you." I cried louder, clenching my shirt as my knees fell into the sand. The pain wasn't bearable. Everything was eating me up. I was so tired. I wanted to rest with her... but she wanted the opposite.

"Ngayon pa? Bakit ngayon pa? Minahal kita pero hindi ko pa kayang mahalin ka ulit..."

"Minahal mo ako pero ang bilis ng lahat sa 'yo? Isang iglap nagbago tayo? Dahil ba sa isang pagkakamali ko? Dahil wala ako roon? Dahil nagkaproblema tayo? Ano iyon? Mahal mo lang ako kapag masaya? Pero kapag hindi iiwan mo na ako?" I laughed sarcastically. "Ibang klase ka magmahal, Lalique. May hangganan."

Happiness was her priority. But... that's not only what love is.

I begged... over and over again for her to stay. I didn't care if I looked so desperate. Kailangan ko nang masasandalan. Kailangan ko siya. Kahit hindi habangbuhay... kahit sandali lang.

But no amount of begging could make her stay with me.

Sa ilalim ng ulan, nilalamig, nanginginig, luhaan... pinanuod ko siyang maglakad palayo sa akin ng walang pagsisisi.

Every part of me felt empty. I yelled again... and again... until I became tired and sat lifelessly on the sand, staring at the alluring sea as a thought passed through my mind.

I just wanted to be gone... To completely drown... But I cannot just leave.

I doubted myself. Maybe I lacked in holding on tighter so she was able to slip away easily from me. I questioned my love... But mostly, her love.

I guess... It's not real.

I last saw her drenched in water... Now, she was drenched in blood as she lay on a stretcher, catching her breath and closing her eyes as she endured the pain. Anong nangyari?!

"Doc, hindi ka pwede rito!" pigil sa 'kin ng isang nurse nang pumasok ako sa E.R.

"Vital stats?" tanong ko pa rin. Sumagot naman iyong isa, inaakalang ako iyong doctor nila.

"Doctor Saldova, hindi ka nga po pwede rito!" Pinilit akong palabasin ng isa pero hindi ko siya pinansin.

Daing nang daing si Ica sa sakit. I tried comforting her as I felt coldness crept inside my system. "Stay with me, please. Zy, stay with me." Iyon ang huling sinabi ko bago nagsanib pwersa ang mga nurse para mapalabas ako.

Pinilit ko walain ulit si Zy sa isip ko noong naging maayos na siya dahil pakialam ko sa kaniya, 'di ba? Wala nang kami. Masama ang loob ko sa kaniya. Tama. Hindi ako concerned.

Isang araw, pauwi na ako pagkatapos ng duty kaso may naiwan ako sa emergency room kaya bumalik ako sa loob. Nagulat ako noong naroon ang anak ni Zychela, umiiyak.

May anak na siya. Nabuhat ko nga, eh. Nasaktan ba ako? Hindi. Wala namang kesyo sa akin iyon. Teka, may asawa na pala kasi may anak! Mayroon ba? Pakialam ko ba!

Kie, her baby, suddenly cried louder when she accidentally lay on her hand. Kahit na hindi ako ang doctor niya, nilapitan ko siya para i-check up dahil walang nurse. Hindi naman kasama itong bata sa iritasyon ko kay Zy.

"I know you! Da!" Kie suddenly said, looking at me with wide eyes.

"I'm not da, I'm Tito Marco," I introduced. Ang angas noong 'Tito!' Tumawa pa ako pero nababahala dahil kilala niya raw ako!

Kinekwento ba 'ko ng babaeng iyon sa anak niya?! 'To nga pala ex ko, baby, kaso iniwan ko kasi bobo ako.' Ganoon?!

"Be careful, don't move a lot," I said concernly and steadied the little girl on the bed. Inaabot kasi niya ang bag niya sa lamesa. Kinuha ko na lang para sa kaniya kaya humagikgik siya. Ang cute! Pero iyong nanay niya hindi.

Naglabas ng picture si Kie. Polaroid namin ni Ica. "Dada!" She smiled, pointing at me then the picture. "You're my dada! See!" Nilapit pa niya sa mukha ko ang polaroid.

Napasinghap ako sa kalituhan pero nagawa ko pa rin siyang nginitian. Naroon ang file niya sa tabi ng kama. Complete details were there but I only checked her birth year... Almost four... at halos limang taon na noong naghiwalay kami ni Zy.

No lies, no secret, huh? But Ica did both. She was not real with me until the end. I know that now.

I didn't want to be near her again. All she did was hurt me and make me doubt... But I couldn't stay away from her. She has a way of both hurting me and luring me into her world. And I was allowing myself because I am madly in love with her.

"I never unloved you. I really, really love you, Beau... Then until now," she whispered.

That was the happiest chapter in my life.

When things were starting to feel more certain between us... Conflict came our way. A big conflict that I could not accept. I warned her. She didn't listen to me!

"Zy..." I watched her fall on her knees when she got shot for the last time, blood coming out her mouth. Nagtama ang mga mata namin. Puno ng pagsisisi, sakit, at luha ang mga mata niya.

I lost her once, I cannot lose her again.

Binaril ako ni Fred kaya natumba ako sa gulat. Ininda ko ang sakit sa baywang ko bago pinilit tumayo at tumakbo papunta kay Zy. Umaalingaw ang tunog ng mga sirens, kasunod ang malalang baliran.

Mabilis akong lumuhod at niyakap si Ica sa braso ko, nanginginig. "Stay with me... Please, Zy..." It has always been my prayer. "Please... Huwag mo akong iiwan..." Nahulog ang mga luha ko dahil hindi siya gumagalaw. "Baby, wake up... Huy, gumising ka... Hindi mo akong pwedeng iwan! Zy!" I cried louder, hoping she'll hear my screams and wake up.

My one big wish was to keep on writing with her by my side, not in a form of my remnants of her.

Will she stay with me or will she leave me... like always?

She has a habit of hurting me. But this, if she's gone completely... Will be the most hurtful thing she's ever done to me.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 105 16
Wriothesley, a 20 year old, is sold off by his "parents" to work for a fisherman named Clenberie in Snezhnaya. With time, Wriothesley musters up a pl...
202K 10.4K 46
COMPLETED Lieutenant Colonel Ethan Kendrick Saldivar is a devoted soldier. He always does his best in serving his men and his beloved country. He got...
56.6K 1.6K 17
"Don't stop," I beg and lean into his touch, it was exactly what I needed. It soothes the ache and discomfort "Ivy let me explain it first," he say...
18.3K 668 66
Trixie Nicole Villamora, had everything pre-planned for her, never contest her family's decision, but had doubts when they decided a lifetime commitm...