A Vidente

By Whroxie

345K 18.8K 2.1K

Beatrix is a seer, a descendant of Genoveva-The most powerful witch of Elysian. Her capacity to glimpse into... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chpater 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 21

5.5K 402 45
By Whroxie

"Nâo!" Malakas na sigaw ni Hieronimos ang umalingawngaw sa buong kagubatan nang tumarak ang lumilipad na punyal sa dibdib ni Celtici na si Celtici mismo ang may kontrol. Ang nagliliyab na brilyante sa talisman ay nawalan ng kinang nang tamaan iyon at tumalsik. Mabilis na lumapit si Hieronimos nang bumagsak ang nanghihinang katawan ni Celtici sa damuhan.

"Celtici!" Nanginginig ang boses ni Hieronimos, sumabay sa nanginginig nitong katawan. Iniluhod nito ang dalawang tuhod sa magkabilang gilid ng katawan ni Celtici at hinawakan ang punyal, pilit inalis ni Hieronimos pero pinigil ito ni Celtici. Mariin niyang hinawakan ang kamay ni Hieronimos habang mahigpit naman nitong hawak ang punyal na nakatarak sa kanyang dibdib. Punong-puno ng lungkot ang mata ng bawat isa.

"Nâo! Não deixe que ela tenha sucesso. Ela não deve obter o meu poder." (Don't let her succeed. She should not obtain my power)

Nagtagis ang bagang ni Hieronimos sa paghihinagpis.

"Eu vou voltar... Eu vou encontrá-lo em nossa próxima vida, eu vou te amar sem obstáculos. Quérote, Hieronimus." (I will come back...I will find you in our next life, and I will love you unhindered. I love you, Hieronimos.)

"Quérote, meu amor!" (I love you, My love!)

"Celtici!" Boses iyon ni Baltazar sa hindi kalayuan. Nagmamakaawa. Pilit siyang inaabot ng kamay. Gusto siyang tulungan pero walang kakayanan kumilos hanggang sa mawalan ito ng malay.

"Você é frívolo!" galit na sigaw ng isang babaeng hindi niya makita ang mukha dahil halos natatakpan sa liwanag mula sa nagliyab na kamay nito. Nagpakawala ng isang malakas na enerhiya patungo sa kinaroroonan nila ni Hieronimos.

Humahangos na nagising si Beatrix. Tagaktak ang pawis sa noo at gilid ng ulo, dumadaloy sa kanyang pisngi. Dati na niyang panaginip ito pero mas klaro at mas detalyado ang mga salita. Mas buo ang naganap. Pero bakit ganoon? Iba ang kuwento sa panaginip niya. Hindi siya pinatay ni Hieronimos kundi si Celtici mismo ang pumatay sa sarili niya. Pero bakit? Nagbitaw si Celtici ng pangakong magbabalik...babalikan si Hieronimos pero hindi para patayin kundi para mahalin.

"Celtici." Bumaling siya sa pinto nang bumukas iyon.

"Ano ang problema?" Humakbang ito patungo sa papag. Naupo roon. Agad niyang niyakap ang lalaki. Ang takot ay lalong tumindi. Bukas na ang kaarawan ni Celtici at bukas na rin magwawakas ang kanyang buhay.

"Hieronimos, mangako ka. Kapag hindi ako nakaligtas sa kamatayan bukas. Tulungan mo si Baltazar na makabalik." Siya ang may dahilan kung bakit napadpad si Baltazar sa lugar na ito.

Mahigpit na pumaikot ang mga bisig ni Hieronimos sa kanyang katawan. "Hindi mangyayari ang bagay na iyon, Celtici. Hindi ko hahayaan." Hindi siya pinatay ni Hieronimos. Siya mismo ang kumitil sa buhay niya pero bakit? Ano ang dahilan para gawin niya iyon? At bakit may kapangyarihan si Siera? Ang sabi ni Manoela ay isang Formosa si Siera na inalisan ng kapangyarihan dahil sa kasalanang nagawa. May isa pa siyang napansin sa kanyang panaginip na hindi tumutugma sa kuwento. Bakit parang galit na galit si Siera na pinatay niya ang kanyang sarili kung iyon naman ang nais nito.

Bumaon ang mga daliri ni Beatrix sa balat ni Hieronimos nang malinaw na malala ang nakakakilabot na sigaw ng babae sa galit. Si Siera ang babaeng iyon.

"Si Siera...Nais lang naman niya akong patayin dahil sa pagiging banta ko hindi ba? Kung malalaman niyang nakakaya ko ng kontrolin ang kapangyarihan ko baka sakaling magbago ang kanyang isip." Tanging ang pagbuntonghinga ang naging tugon ni Hieronimos sa kanyang naisip na posibilidad. Para bang imposible iyon.

"Hieronimos, posible bang makausap ko si Siera? Kakausapin ko siya...papatunayan ko sa kanyang hindi na ako magiging banta sa mga tao at sa komunidad na kanyang binuo...pakiusap, dalhin mo ako sa kanya."

"Hintayin natin si Flavia. Darating siya mamaya para magdala ng balita."

***
"PINUNONG TAVORA," kinakabahan niyang bati nang mapagbuksan ito ng pinto dis-oras ng gabi. Naalala niya ang huling tagpo nila ng lalaki. Malinaw pa sa kanyang isipan ang nakitang galit sa anyo nito.

"Ano ang ginagawa niyo rito? Dis-oras na. May kailangan kayo?" mahinahon niyang tanong.

"Ilang sandali na lang ay kaarawan mo na, Celtici."

"O-oo," nauutal niyang tugon. Alam niyang nababahala ito sa maaari niyang magawa.

"Iyon ang kinatatakutan ng mga Elysian." Ikinuyom niya ang mga palad. Hindi lang Elysian ang takot sa pagdating sa araw na iyon kundi maging siya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Kapag namatay siya tiyak na hindi na siya makakabalik pa sa kanyang panahon.

"Hindi ako magiging banta sa mga Elysian, Pinuno. Pangako."

"Mabuti naman." Inilagpas nito ang tingin sa kanya para sumilip sa loob ng bahay.

"Nasaan ang kasama mo?"

"Wala siya, umalis lang sandali." Kanina pa niya hinihintay si Hieronimos. Makikipagkita ito kay Flavia pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Umalis ito magtatakip-silim. Mahalaga raw ang lakad nito.

"Hindi mo kilala ang taong iyon pero nagtitiwala ka? Paano kung may masamang pakay siya sa 'yo?" Mayroon nga. Pero nagbago na iyon. Tinutulungan na siya ni Hieronimos.

"Mabuting tao si Hieronimos, Pinunong Tavora."

Nagkibit ito. "Siya nga pala...narito ako para sunduin ka."

"Bakit?"

"Naghihintay ang iyong ama at kapatid sa 'yo. Sasalubungin natin ang iyong kaarawan. May mga pinakiusapan akong bruxo para gumawa ng ritwal para sa pagpigil ng iyong kapangyarihan. Kasama na si Columban." Hindi niya maramdaman ang sinseridad sa sinasabi nito. Nagsisinungaling. Ayaw man niyang iyon ang isipin pero iyon ang nararamdaman niya. Pero baka naman masyado lang siyang nag-o-overthink dahil sa huling nangyari sa pagitan nilang dalawa.

"Paumanhin, Pinuno, pero hindi ako maaaring umalis sa ngayon. Hihintayin ko muna si Hieronimos. Pabalik na siya marahil." Inilagpas niya ang tingin sa lalaki, sinipat ang madilim na daan. Bilog ang buwan sa gabing ito pero halos hindi tumatagos ang liwananag sa ibang parte ng gubat dahil sa mayayabong na dahon ng mga puno. Nasaan na ba kasi si Hieronimos? Bumagsak ang tingin ni Beatrix sa kanyang kamay nang biglang hawakan ni Pinunong Tavora ang kanyang palapulsuhan.

"Kung nais mong makuha ang pagtanggap ng buong Elysian ay sumunod ka sa napagkasunduan ng mga Elysian. Gusto mo bang ang magulang at kapatid mo ang maparusuhan sa pagmamatigas mo, Celtici?"

Umiling si Celtici. "Huwag kayong mandamay ng inosente." Higit pa siyang kinabahan nang makitang may dala itong espada na nakasukbit sa tagiliran.

"Kaya sumunod ka. Bilang pinuno ng Elysian ay nais kong masiguro ang kaligtasan ng mga tao ko. Mapayapa ang aming tribu, Celtici, ngunit nang dumating ka napuno ng pangamba ang mga tao. Lalo na ngayon na pinaniniwalaang magaganap ang iyong pagbabago sa iyong ika-labingwalong taong kaarawan."

Nauunawaan niya ang ikinatatakot ng mga ito. Kahit nga ang mga Lycan lalo na si Damon ay nababahala sa kanyang presensya.

"Hindi ako magiging banta, Pinunong Tavora."

"Patunayan mo. Sumama ka at sumailalim sa ritwal ng piling mga bruxo. Hindi ka mapapaano." Pumayag na lang si Beatrix sa nais nito. Isinuot lang niya ang kanyang pulang kapa at sumama siya sa pinuno hanggang sa marating nila ang batis. May ilang mga taong naroon sa batis. Pawang babae na nakaitim na hooded cloak na kumontra sa kanyang pulang suot. Anim ang naroon. May dalawang magkatabing nakatayo sa gilid ng batis, may dalawang nakatayo sa bawat malalaking bato at ang iba pa ay nasa gilid din ng batis. May magagandang mukha ito pero hindi siya kumportable sa presensiya ng mga ito. May mga sulong nakatarak sa lupa na siyang nagbibigay liwanag sa lugar at dumagdag ang sinag ng buwan. Wala si Columban at ang kanyang ama at kapatid.

"Nasaan ang aking ama at kapatid?"

"Darating sila. Maghintay tayo rito hanggang sa itinakdang oras." Wala siyang magawa kundi ang sumunod. Baka naman talagang may magandang plano si Pinunong Tavora. Hindi rin niya alam kung ano ba ang mangyayari sa oras na sumapit ang kanyang kaarawan. Ngayo ay nakokontrol niya ang kanyang kapangyarihan, pero paano kung higit pa itong lumakas kapag sumamit ang kaarawan ni Celtici at sa pagkakataon na iyon ay hindi na nga niya makontrol pa. Humakbang si Beatrix patungo sa pinakamalapit na bato at naupo roon. Inalis niya ang pagkakasalukbong ng hoodie sa kanyang ulo. Palihim niyang pinagmasdan ang mga babae na nakakalat sa batis na para bang nakaguwardiya sa lugar.

Makalipas ang may katagalang sandali ay tumingala si Beatrix sa langit. Bilog na bilog ang buwan. Para iyong nag-aapoy. Napakaganda pero alam niyang sa kabila ng ganda niyon ay may kaakibat na panganib. Nagbibigay ng lakas ang misteryosong liwanag sa mga kakaibabg nilalang sa mundo—masama man o mabuti.

"Oras na." Mabilis na bumaling si Beatrix sa pinagmulan ng boses. Agad siyang napatayo nang makita ang isang babae. Bibig lang nito ang nakikita dahil nakatalukbong sa buong ulo nito ang hoodie ng itim nitong kapa. Nang alisin nito ang hoodie na nakatakip sa ulo nito at lumantad ang buong mukha ay namangha si Beatrix. Pinakamagandang babae sa lahat ng naroon.

Sino ang babaeng ito?

Tumitig sa kanya ang babae. Ngumisi ito. Ang ngiti ay hindi nagbibigay bati kundi nagbabadya ng panganib dahilan para magbigay iyon ng kilabot sa kanyang buong sistema.

"Handa ka na ba, Celtici?" Gumalaw ang kanyang mata, sinipat ang paligid at nang ibalik sa babae ang tingin ay bahagya siyang tumango kahit hindi naman siya sigurado kung handa nga ba siya. Lalo siyang kinabahan. Wala pa rin ang kapatid at ama ni Celtici.

Bahagya nitong itinaas ang mukha. Natutuwa ang anyo na para bang panalo na ito. "Walang mapapahamak kung susunod ka lang. Kapangyarihan lang ng reyna ang kailangan ko." Unti-unti ang pagkunot ng noo ni Beatrix. Ano'ng kapangyarihan ng reyna? Sino'ng reyna?

Tumingala ang babae na sinundan naman niya. Sa parteng hindi natatabunan ng mga dahon ng puno ay sumilip na ang buwan nang tuluyan na iyong gumitna para tumawid sa kanluran.

"Ang itinakda! Lilipat na sa kanya ang kapangyarihan." Nagbaba ng tingin si Beatrix. Niyuko niya ang talisman na suot nang magliwanag iyon. Ano ang nangyayari?

"Makukuha na natin ang nais natin, Siera." Sukat sa narinig na sinabi ni Pinunong Tavora ay pinangilabutan si Beatrix. Si Siera ang taong ito.

Ibinuka ng babae ang mga braso. "Ngayon na, Hieronimos." Mula sa dilim ay lumabas si Hieronimos, hawak nito ang punyal sa kanang kamay habang nakasunod dito ang apat pang kalalakihan na ang kasuotan ay katulad ng kay Hieronimos. Itim na pantalon, hapit na damit at sa ibabaw ay vest, boots at may suot din itong itim na kapa na hindi ganoong kahaba. Gusto niyang isipin na tinaraydor siya ni Hierominos at itinuloy ang unang plano pero sa nakikita niyang anyo nito—punong-puno ng kalungkutan—ay natitiyak niyang labag sa kalooban nito kung ano man gagawin.

Humakbang si Hieronimos palapit kay Beatrix habang ang mga mata ay nakatitig sa kanya. "Patawad." Walang boses ngunit naririnig ng kanyang puso ang salitang iyon. Kahit ang paghihirap na nadarama nito ay tumatagos sa kanyang puso. Tumango si Beatrix bilang pag-intindi sa desisyong gagawin nito. Alam niyang ang pagtulong sa kanya ay labag sa misyon nito. Ikakapahamak nito kapag hindi nito tinapos ang misyon. Siya naman, kung ang kamatayan niya ang magliligtas kay Hieronimos, ay handa siyang isuko iyon.

Bigla ang paninigas ng katawan ni Beatrix nang ang liwanag mula sa asul na brilyante ay nagsabog ng liwanag. Tila may malakas na enerhiyang nagmumula roon ang pumapasok sa kanyang katawan. Hindi niya maikuyom ang kanyang mga palad. Naninigas ang kanyang mga daliri.

"Oras na, Hieronimos! Gawin mo na!" sigaw ni Siera. Itinaas ni Hieronimos ang punyal at itinutok iyon kay Beatrix. Malakas na umungol si Beatrix nang makaramdam ng matinding sakit nang ang pumapasok sa kanyang katawan na asul na enerhiya ay hinigop naman ng punyal ni Hieronimos.

"Ano...ang ginagawa mo, Hieronimos?" pilit niyang isinatinig sa kabila ng paghihirap. Unti-unti siyang nanghihina. Hindi niya maikilos ang buong katawan dahil sa ginagawa ni Hieronimos.

"Beatrix!" Mula sa likod ng malaking puno ay lumabas si Baltazar, sa likod nito ay siPeter. Umiling si Beatrix para pigilan si Baltazar sa tangkang paglapit.

"Itigil mo 'yan, Hieronimos!" sigaw ni Baltazar na hinugot ang espada na nasa tagiliran.

"No!" sigaw ni Beatrix sa kabila nang paghihirap sa kamay ni Hieronimus. Tila hinuhugot ang kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan. Hindi nakinig si Baltazar. Sumugod ito kay Hieronimos pero bago pa man makalapit si Baltazar ay hinagupit na ito ng espada ni Tavora at bunagsak sa batuhan. Tinamaan si Baltazar sa likod.

"Nooo!" Pinunit ng malakas na sigaw ni Beatrix ang karimlan. Nang makitang sasaksakin si Baltazar ng espada sa likod ay nagpakawala si Beatrix ng kuryente at pinatamaan ang pinuno. Sa lakas niyon ay tumalsik ito. Tumama sa isang puno na sa lakas ng puwersa ay naputol.

Traydor! Karapat dapat itong mamatay. Napupuno ng muhi ang kanyang dibdib.

Natigil ang paghigop ng enerhiya sa kanyang katawan ng punyal ng ibaba ni Hieronimos ang kamay.

"Ano ang ginagawa mo, Hieronimos. Ipagpatuloy mo ang pag-ubos ng kapangyarihan ng reyna!" galit na utos ni Siera.

Muling itinaas ni Hieronimos ang punyal. Itinutok muli sa kanya pero dahan-dahan nito iyong pinihit paharap sa sarili. "Patawad, Beatrix," banggit nito sa kanyang pangalan.

"Iniibig kita...at iibigan sa susunod na buhay."

"No!" pigil ni Beatrix nang makuha ang bagay na nais gawin ni Hieronimos.

"Hieronimos! Huwag mong gagawin 'yan! Pakiusap—" Hindi pa man natatapos ang kanyang salita ay tuluyan nang naitarak ni Heironimos ang punyal sa dibdib nito. Hinagpis ang agad na lumamon sa buong sistema ni Beatrix lalo na nang bumalik sa kanya ang sinabi ni Heironimos.

"Ang aking kamatayan ay sa sarili ko lang na mga kamay."

"No...nooo!" Malakas na sigaw ni Beatrix habang pinapanood si Hieronimos na napaluhod. At nang matumba ito nang tuluyan ay muling malakas na sumigaw si Beatrix. Ang sigaw na iyon ay sinundan ng malalakas na kulog at matatalim na kidlat na gumuhit sa madilim na kalangitan. Walang anuman ang kayang ibsan ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito.

"Hieronimos!" Nag-aapoy ang mata, nagliliwanag ang katawan, puno ng pighati habang isinisigaw ang pangalan ni Hieronimos. Ang pagkulog at kidlat ay sunod-sunod na tila sinasabayan ang kanyang galit.

"Hangal ka, Hieronimos!" galit na sigaw ni Siera. Bigla itong nawala sa kinatatayuan at nang muling lumitaw ay nasa tabi na ito ni Hieronimos. Hinawakan nito ang punyal at sinubukang hugutin mula sa dibdib pero hindi nito iyon mahugot.

"Hindi mo makukuha ang gusto mo. Nilinlang mo ako...ang pag-ubos sa kapangyarihan ni Celtici ay siyang magiging kamatayan niya."

"Na dapat lang...hangal ka, Hieronimos. Umibig ka sa isang kaaway. Apo siya ni Ares at magiging katunggali mo. Ibigay mo sa akin ang punyal!"

"Hindi mo makukuha ang gusto mo! Mamamatay ako kasama ang punyal na ito." Parang nasisiraan ng bait  na sumigaw si Siera. Inutusan nito ang mga kasamang pigilan ang nangyayari pagsalin ng kapangyarihan sa kanya ng brilyante. Sabay-sabay na inusal ng mga ito ang inkantasyon at itinutok sa kanya ang mga hawak na stick na naglabas ng iba't ibang kulay ng enerhiya hanggang sa tumama iyon sa kanyang talisman. Sumabog iyon at bumagsak ang nanghihinang katawan ni Beatrix sa batuhan.

Sa kabila nang panghihina ay pinilit ni Beatrix gumapang patungo kay Hieronimos. Napagtagumpayan niya. Lumuluhang hinaplos niya ang mukha nito bago hinawakan ang punyal pero mabilis siyang napigil ni Hieronimos.

"Huwag...ito lang ang paraan para mapigilan si Siera sa binabalak niya. Gagamitin niya ang punyal para makuha ang kapangyarihan ng reyna ng Formosa at para mapatay ka. Huwag na huwag mong huhugutin ang punyal na ito...ito lang ang bagay na maaaring kumitil sa buhay nating dalawa."

"Hieronimos..." Wala sa sinasabi nito ang atensiyon niya. Panay ang luha ni Beatrix.

"Mangako ka...pilitin mong makabalik sa panahon mo. Balikan mo si Romulus...balikan mo ako at ipaglaban. Mahalin mo ako ng walang pangamba, Beatrix. Mangako ka..." Humihikbing tumango si Beatrix.

"Beatrix." Boses iyon ni Baltazar pero hindi ito pinansin ni Beatrix. Nanatili siyang nakaluhod sa gilid ni Hieronimos. Naghihinagpis. Hindi niya ito gustong iwan. Parang gusto na lang din niyang mamatay.

"Nasaan ang brilyante!" Malakas na sigaw ni Siera. Puno ng galit.

"Celtici!" Malakas na sigaw ni Siera sa kanyang pangalan. Mariing ipinikit ni Beatrix ang kanyang mata nang tuluyang magsara ang mata ni Hieronimos. Kung mamamatay siya ay handa na siya. Marahil ay ito ang kanyang kapalaran. Gusto niyang samahan sa kamatayan si Hieronimos.

"Beatrix, ang lagusan!" Umangat si Beatrix mula sa pagkakasalampak nang sapilitan siyang hilain ni Baltazar patayo. Tuluyan siyang nagmulat ng mata. Nahagip niya ng mata si Peter sa likod ng malaking puno hawak ang asul na brilyante. Si Siera na galit na galit. Ang apat na lalaking nakaitim na pawang nakatitig lang kay Hieronimos. Naroon ang simatya at panghihinayang. Ang anim na babae na itinutok sa kanya ang hawak na mga stick na naglalabas ng majika at si Baltazar na pilit siyang itinutulak patungo sa lagusan sa mismong batis. Ang lagusan na dahilan kung bakit sila narito. Nilinga niya si Hieroninos na wala ng buhay.

"Celtici!" Malakas na sigaw ni Siera, naglabas ng enerhiya ang kamay nito. Naghanda para pakawalan. Nagsabay-sabay ang pagpapakawala ng kapangyarihan ng anim na babae at ni Siera. Patungo sa kanya ang lahat ng iyon.

"Go!" Huling sigaw ni Baltazar ang narinig niya bago siya malakas na itinulak ni Baltazar. Nakita pa niya ang nagliliwanag na enerhiya patungo sa kanya. Pero hindi na iyon tumama pa kay Beatrix nang tuluyan siyang itulak ni Baltazar sa lagusan.

"Beatrix! Beatrix!" She heard her name being called repeatedly. It came from a woman with an angelic voice. She struggled to get her heavy lids to open. But when she was able to open her eyes, she saw a stunning woman who was kneeling next to her and had a worried look on her face.

"Beatrix, hija, what are you doing here?" Ikinurap niya ang mga mata. Noon niya napagtanto na nakadapa siya sa malamig na sahig. Pinilit niyang ibinangon ang sarili sa tulong ng babae. Naupo siya, nalilitong tumitig sa kaharap.

"Tita Natasha?"

"What are you doing here, hija? Naabutan kitang walang malay. Humingi na ako ng tulong sa pagkataranta."

Nilinga niya ang paligid. Sa office desk na naroon at swivel chair ay walang dudang nasa isang opisina siya. Pero hindi pamilyar sa kanya. Natitiyak niyang ngayon palang siya napunta rito.

"Halika, tumayo ka." Hinayaan niyang tulungan siya nito sa pagtayo at igiya sa sofa na nasa receiving area.

"Nasaan po ba ako?" tanong niya nang makaupo. Tumabi naman sa kanya ang babae. Muli niyang hinagod ng tingin ang loob ng opisina hanggang sa maglagi iyon sa kakahuyan mula sa salaming dingding na nasa kanilang tapat.

"You are in Romulus' office." Mabilis niyang naibalik ang paningin sa babae.

"Romulus' office?" Iba ang pagkakatanda siya sa opisina ni Romulus. Ibinalik niya ang tingin sa malaking salaming dingding. Kita ang mapunong labas na malayo sa opisina ni Romulus sa Manila na nagtatayugang gusali ang makikita.

"Saang lugar po ito?"

"Sa Sorsogon, hija. Sa distillery." She once went here but never set foot in this office. Hindi naman nag-o-opisina si Romulus dito. Iba ang namamahala sa distillery na nandito sa Sorsogon; sina Fhergus at Axton habang si Romulus naman sa distribution,
marketing at iba pang responsiblidad at sa Manila ang headquarters.

"Dito na po ba si Romulus? Kailan pa?"

"Matagal na, almost a year na rin."

"A year?" takang tanong ni Beatrix. Hindi niya matandaan na lumipat si Romulus sa pamamahala sa isa mga distillery ng Lua Azul. Mas kabisado nito ang trabaho sa pakikipag negosasyon sa mga prominenteng negosyanteng katulad nito.

"Yeah. Simula nang...nang iwan mo siya," may pag-aalangan nitong sinabi sa kanya. Kumunot ang noo ni Beatrix sa sinabi ng babae. A year. Simula nang iwan niya si Romulus? Pilit niyang inunawa ang sinasabi nito pero hindi pa man ay muli itong nagtanong.

"Mabuti at dumalaw ka rito. It's been a year since you left without showing up. "I'm glad to see you again, Beatrix," she said sweetly, while Beatrix was completely perplexed.Walang ngiting nakatitig lang sa ina ni Romulus.

"A year?" usal niya.

"At bakit nga pala ganyan ang suot mo?" Niyuko ni Beatrix ang sarili. Isang pulang hooded cloak ang kanyang suot. Natatakpan ng hoodie ang kanyang ulo. Bakit nga ba ganito ang kanyang suot? Paano siyang napunta sa lugar na ito na hindi niya alam? May mga dumikit pang damo sa kanyang damit na para bang galing siya sa kagubatan.

"Sandali lang, hija." Tumayo ang babae para salubungin ang tauhan na pumasok na siyang naghanap ng tulong para sa kanya. Ipinaalam nitong maayos siya. Magalang niyang tinanguan ang magandang ina ni Romulus nang magpaalam itong lalabas lang saglit.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng opisina hanggang sa mahinto iyon nang magawi ang kanyang paningin sa painting na nakasabit sa dingding. Ang painting na nakita niya sa isang antique shop sa Eremia. Tumayo si Beatrix at nilapitan ang pamilyar na painting. Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang painting sa antique shop na pinuntahan lang nila ni Baltazar kanina. Kanina nga ba? Isang taon daw siyang hindi nagpakita. Imposible naman iyon.

Ang pagsuri sa painting ay natigil nang makita ang signature sa pinakaba ng painting. Inabot niya iyon ng daliri at marahang hinaplos. "Hieronimos," mahinang basa niya sa pangalan ng isang artist.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 46.6K 22
Teaser: May mga sekretong kahit na ano mong pilit na itago ay may makakaalam at makakaalam din. Isang sekretong ayaw niyang malaman ng ka...
36.8M 294K 21
Some battles are better fought in bed. Lia Carbonel's story.
313K 14.6K 27
Sixteen years ago, the old man of the Ferrer de Sandoval clan made a pact with the devil. It's in blood. It's the truce that ended a century-old fami...
3.9M 8.4K 6
He calls her princess since time she can no longer remember. She almost believed she was his Princess. Pero nakababatang kapatid lang pala ang turing...