I'm In Love With Ms. Author (...

By _jennex

30.3K 1.6K 138

It all started with a 'Hi Miss!' Until followed by many messages that until now I still do not reply. "Ms. Au... More

Author's Note
Introduction
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
EPILOGUE

Chapter 14

722 41 2
By _jennex

Tala POV


Sa tuwing naaalala ko ang mga lumipas na araw na magkasama kami ni Blake, kusa na lang gumuguhit ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko mapigilan ang saya na aking nararamdaman. Para bang ayaw ng tumigil sa pagtibok ng malakas ang aking puso. Pati na rin ang saya na nararamdaman nito.

Sa tuwing kasama ko siya, para bang bumibilis ng kusa ang oras. Hindi ko namamalayan ang paglipas ng bawat oras na para bang minamadali nito ang araw.

At sa bawat araw na iyon, hindi ko rin mapigilan ang makaramdam ng takot. Takot na baka lalo na akong malunod sa kung ano mang aking nararamdaman para sa kanya. Takot na baka hindi na ako tuluyang makaahon pa, hindi ako mahilig sumugal, pero minsan napapaisip ako, kung sa kanya ako susugal, bakit hindi ko subukan, hindi ba?

Manalo o matalo, ang importante ay sinubukan ko. Kaysa naman mauwi ang lahat ng ito sa mga what if na wala naman ng magagawa pa kapag pinalampas ko ang maraming pagkakataon na binigay sa akin, sa amin. Tama?

Kaya nakapagpasya na ako, kung hindi siya ang magtatanong, ako na ang gagawa ng paraan.

Gustong-gusto ko na talagang magkaroon ng kalinawan ang lahat ng ito. Isa pa, dalawang linggo na lang ang naiiwan bago kami tuluyang babalik ni Lexie sa totoong buhay namin sa Manila. Matatapos na ang summer kaya ayoko nang sayangin ang pagkakataon na ito.

Pero bakit gano'n? Napapangiti na lamang ako ng kusa, lalo na kapag nakikita kong papalapit na siya sa akin, hanggang sa tuluyang mawawala na lang na naman sa aking isipan ang mga bagay na gusto kong itanong sa kanya. Haaaay.

"Ang ganda naman ng ngiti mo, pwede ba akong maging dahilan n'yan?" Kagat labi na napaharap ako kay Blake at tinignan siya ng masama. Awtomatiko ko ring naramdaman ang pamumula ng buo kong pisngi.

Naglalakad kami ngayon papunta sa hindi ko alam. Basta ang sabi lamang niya may ipapakita siya sa akin. At ano naman kaya ang ipapakita nito gayong nandito kami sa gitna ng kagubatan?

Kanina pa rin ako hinihingal sa paglalakad. Mabuti na lang at siya ang kasama ko dahil kung hindi, kanina ko pa siya inalisan at hindi nagdalawang isip umuwi na lamang.

Nagulat ako sa biglang paghawak nito sa kamay ko at ipinagdikit ang aming mga daliri. Dahan-dahan na napayuko ako sa kamay namin na ngayon ay magkahawak na, habang siya naman ay nakatutok lamang ang mga mata sa mukha ko.

"Hahawakan lang kita." Sabi niya. "Pero kung gusto mo rin na hawakan ko ang kamay mo habambuhay eh wala namang problema." Dagdag pa niya dahilan para maramdaman ko ang pangangamatis ng buong mukha ko.

Hindi na lamang ako kumibo. Pinipigilan ko kasi yung kilig na aking nararamdaman. Ayaw ko namang mangisay dahil sa kilig sa harap niya tapos hawak pa niya ang kamay ko, 'no?

Tahimik na muli naming ipinagpatuloy namin ang aming paglalakad.

"Alam mo ba kung anong nagustuhan ko sa mga kwento mo?" Muli akong napalingon sa kanya dahil sa itinanong niya.

Awtomatikong napangiti ako.

"Yung kung papaano ka mag-isip. Iniisip ko nga minsan, tayong dalawa 'yung bida sa mga ginagawa mong kwento." Nakangiting sabi nito halatang nahihiya but I found it's cute at the same time kaya mas lalong naging malawak ang pag ngiti ko.

"Gusto mo bang gumawa ako ng libro at tayo ang character?" I teased.

Agad naman na namilog ang mga mata niya at amazed na napaharap sa akin. Iyong kislap ng mga mata niya na alam mong gusto niya ang ideya na sinabi ko.

Napatawa ako kaya naman agad na napabusangot niya.

"Pinagtitripan mo ba ako?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya. Napailing ako.

"Nope! Ang cute mo kasi kapag naaasar." Pagkatapos ay mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi. Agad naman na namula ang kanyang mukha.

"Lalo kapag nag-bu-blushed ka. Tulad ngayon." Dagdag ko pa at napatawa na naman ng mahina..

Hindi nagtagal ay narating na rin namin sa wakas yung gusto nitong ipakita sa akin. Isa pala itong talon kung saan walang ibang tao kundi kami lamang.

Mayroon ding maliit na kubo na pwedeng silungan, doon namin inilagay ang aming mga pamalit na damit at agad na dumiretso sa tubig.

Mabilis na napatalikod ako noong walang sabi na naghubad ito ng kanyang damit sa aking harapan. Kusa ko na lamang ding nararamdaman ang pang iinit ng mukha ko, lalo na noong napatawa ito at humakbang pa talaga palapit sa akin kung saan naka bra na lamang ito.

"B-Blake pwede ka namang maligo nang may damit bakit kailangan---"

"Eh ayaw kong maligo nang may damit eh." Dahilan nito habang nagpipigil pa rin ng kanyang pagtawa. Napairap ako.

"Masyado ba akong hot para matakot ka sa katawan ko?" Pagkatapos ay niyakap ako. Agad naman na nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Come on, tayo lang dalawa ang nandito. Wag ka ng mahiya, Ms. Author." Sabay kindat na dagdag pa niya bago tuluyang nag-dive sa tubig.

Maliit lamang ang taon kaya hindi masyadong malaki ang place. Ngunit ramdam na ramdam ang lamig ng tubig at ng buong paligid. Pero sa halip na lamigin ako, bakit parang pinagpawisan pa ako dahil sa ginawa ni Blake?

Tsk.

Napapailing na lamang na nagtanggal ako ng suot kong maong shorts at pang itaas na damit.

Narinig ko naman si Blake na napapasipol habang pinanonood ang ginagawa ko.

"Pervert!" Sigaw ko sa kanya ngunit natatawa naman. Pagkatapos ay nag-dive na rin sa malalim na parte ng tubig at nagtungo kung nasaan si Blake.

Habang nagtatawanan kami ni Blake eh bigla na lamang akong natigilan at napatitig sa magagandang mga mata niya. Hindi ko alam pero sa tingin ko ito na ang pagkakataon na ibinigay sa akin para malaman at magkaroon ng kalinawan ang lahat ng mga nangyayari sa amin.

I mean, hindi pwede na ganito lang kami palagi. Pero walang label.

Yes!

I want clear intention.

I want LABEL.

Hindi ba iyon naman talaga ang gusto nating lahat? Iyon bang no more mix signals.

"Blake, ano bang tawag sa ginagawa natin?" Basta na lamang iyong lumabas sa mga labi ko, dahilan din upang matigilan siya. Halatang nagulat ito sa itinanong ko pero wala na akong balak na bawiin pa.

I want an answer right now.

Isang mabagal na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi bago napaiwas ng tingin sa aking mga mata.

"Naliligo?" Sagot nito. Napalunok ako.

"I-I mean...why are we doing this? Mag ano ba tayo?" Dagdag na tanong ko pa at pagbibigay ng klaro sa aking katanungan.

Ilang segundo akong naghintay sa kanyang kasagutan hanggang sa umabot na ito ng minuto, hindi pa rin bumubukas muli ang kanyang labi na tila ba hindi alam ang kanyang sasabihin sa akin.

Muli itong nagbaling ng tingin sa akin, bumukas ang kanyang bibig ngunit walang salita ang kumawala mula rito. Hanggang sa bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Wala kaming choice kundi umahon sa tubig sa takot na baka biglang lumakas ang agos.

Hindi na lamang din ako kumibo at mabilis na nag-walk out sa harapan ni Blake.

Oo, masama ang loob ko dahil unang-una siya itong nagpakita ng motibo sa akin na gusto niya ako tapos ngayon simpleng sagot lang ang gusto kong marinig sa kanya hindi pa niya magawang sagutin?

Ano 'to? Lalandi lang siya kung kailan niya gusto, tapos kapag gusto na ng isang tao ng level up natatakot siya? Duwag ba siya or what?

Handa naman akong tumaya kung para sa kanya eh!

At unang-una ayaw ko sa mga babae pero dahil sa kanya willing akong pasukin ang ganitong klase ng relasyon dahil gusto ko siya. Oo, binaliko niya ang tuwid kong pagkatao.

"Tala, wait." Narinig kong pagtawag nito noong makarating ako sa kubo para sumilong.

Hindi ako kumibo at nagkunwari na lamang na walang naririnig.

Naisip ko tuloy isa siyang red flag na naglalakad ngayon sa harapan ko.

Hays! Hindi ko maiwasang mainis at masaktan at the same time. Pero bakit gano'n? Mas nangingibabaw pa rin na gusto ko siya.

Continue Reading

You'll Also Like

47.4K 4.8K 55
After reading Wizard of Oz, seven-year old Olivia fell asleep only to be awakened by invisible melodious wind chimes. Following a big white dog, it...
177K 4.9K 54
Book 1: TGWOTC Book 2: Be with you Book 3: Unforgettable love Book 4: No more second chances Makalipas ang mahabang panahon ay muli naming nakita ang...
1M 25.6K 37
Pangarap ni Peach ang makapasok sa Hashford University. At nang magkaroon ng himala, tinanggap siya doon bilang scholar at nabuo na agad sa kanyang i...
991K 34K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.