Play Pretend

By nininininaaa

2.5M 93.9K 19.8K

[OFFICE LOVE AFFAIRS #1] As his personal secretary, Chantal's next task is to marry the president. *** Not ge... More

Play Pretend
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 11

36.6K 1.4K 250
By nininininaaa

#OLAPlayPretend

Chapter 11
Credit Card

Kahit na mayroong bumubusina sa aming likuran, he didn't mind it. Hindi umalis si Xaiver sa kanyang pwesto. Nasa gitna pa rin ako ng kanyang mga braso at titig na titig siya sa akin na para bang maaaring mawala ako kung pipikit siya.

"Are you okay?" ulit ni Xaiver sa kanyang tanong nang hindi ako sumagot.

Humigpit ang hawak niya sa akin. Napasinghap ako at lumunok bago tumango-tango.

"Y-yes..."

Once he got my word, Xaiver finally calmed down. He nodded his head, then pulled himself away from me. Patuloy pa rin ang pagbusina ng sasakyan sa likod. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan, ngunit hindi siya dumiretso at itinabi na lamang 'yon sa gilid ng daan kung saang hindi siya makakaabala.

Saktong pagkatigil namin ay mayroong kumatok sa bintana. It was a traffic enforcer. Mukhang iritado siya noong una, pero nang ibaba ni Xaiver ang bintana ay napawi ang galit sa mukha ng lalaki. Instead, he smiled and shyly looked at Xaiver.

"Mr. Dela Vega, ano po ang nangyari?" magalang niyang tanong.

Napaawang ang aking bibig. I couldn't believe they recognized him, more so, knew him! His influence was so wide that almost no one could come close. If he chose to run for a position in the national government, I wouldn't be surprised if he would be elected.

Madalas siyang nababalita sa mga telebisyon dahil sa mga achievements niya kaya lagi siyang nakikita ng mga tao. Aside from that, he was also in newspapers at talaga namang matunog ang pangalan ng kanilang angkan. Dito pa naman sa Pilipinas, the famous personalities would always have a high chance of winning the elections. Basta sikat ka, sure na mananalo ka kahit na wala ka naman talagang alam sa pagpapatupad ng mga batas.

"My car acted up a bit. I think it's fine now, but I want to make sure. I wonder if you can actually escort us home?" tanong niya sa enforcer. "Just in case we suddenly stop in the middle of the road again, mayroon kaagad magreresolba ng traffic."

"Nako! Wala pong problema, Mr. Dela Vega. Pwedeng-pwede po kaming mag-ayos ng magko-convoy sa inyo ngayon din."

"Thanks. That would be very much appreciated."

Nasunod ang gustong mangyari ni Xaiver. A police motorbike convoyed us on the way home. Hindi ko alam kung pwede ba 'yon o kung wala kaming nilalabag na batas, but Xaiver was oblivious the whole time. Wala na 'yon sa isip niya. He just wanted us to get home safe, lalo na't medyo balisa pa rin siya.

It was probably the longest ride of my life on the way home. Kabado rin ako buong biyahe. Xaiver's hand were slightly trembling for the first few minutes, pero mukhang naka-recover na rin siya nang magtagal-tagal.

"Thanks sa paghatid. Mag-ingat ka please," nag-aalala kong sabi sa kanya bago bumaba ng sasakyan.

Xaiver's lips parted but he nodded eventually.

Baon-baon ko ang mga nangyari hanggang sa pagtulog ko. It took me long to lure myself to sleep and forget about the unusual happenings. Every time I would close my eyes, I could see Xaiver's hands trembling and the cold sweat trickling down from his temples. I could clearly remember how he stared at me — looking so terrified — as if he would lose me at any moment.

Napabangon ako't hinilamos ang palad sa mukha. I licked my lower lip and got off the bed. Tinungo ko ang tokador at kinuha mula sa pinakailalim na drawer ang necklace na pinatago niya sa akin, pagkatapos ay maingat kong nilagay sa ibabaw bago binuksan.

I stared at the exquisite design of the camellia flower and softly brushed my finger to trace the lines. The diamonds engraved all over made the surface feel rough and ragged. Kahit gaanong kaganda tingnan ay hindi pa rin 'yon perpekto. There were still some flaws once you looked closely... once you got to touch and feel it.

Just like Xaiver...

Sa kabila ng napakarangyang buhay, tingin mo ay wala ng kulang sa kanya. He always appeared so stern and brave, and you might think he didn't have any fears or weaknesses. Pero ang totoo niyan ay katulad ko lang din siya. Katulad lang din siya ng ibang mga tao. He's not perfect. No one's perfect.

Unfortunately for him, hindi 'yon nakikita ng karamihan. He is Xaiver Dela Vega afterall.

I was planning to be adamant with putting distance between us and avoid being the talk of the town. But recalling his vulnerable side pulled me back into that passive state. Hindi ko man alam kung ano ang gumugulo sa isipan niya o kung ano ang kinakatakot niya, I wanted to be there for him at least kahit na hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal.

Those thoughts kept me up. Dumating ang panibagong araw na kulang ako ng tulog. I only got three to four hours of sleep.

Xaiver seemed like he got to recuperate after getting enough rest. Mukhang nakabalik na siya sa kanyang sarili, walang bahid ng kahit anong takot sa mukha. He was sporting that usual stoic expression of his. Para bang panaginip ko lamang ang mga nasaksihan kong pagkakaiba sa kanya kagabi.

"Hindi ka ba papasok?"

Natigil ako sa kakaisip at pagmamasid sa kanya nang agawin niya ang atensyon ko. I quickly stopped myself from idling. Mabilis akong pumasok sa passenger seat sa harap at doon ko lamang muling napansin na wala pa rin ang kanyang driver.

"May sakit pa rin si Manong?" tanong ko kay Xaiver nang makapasok na rin siya sa loob ng sasakyan.

"Yes..." nag-aalangan niyang sagot. "He actually went home to his family in the province and won't be coming back soon."

Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata. "He did?"

"Yes," mas pormal niyang sagot.

"Bakit daw?"

"He misses his family. Ilang taon na rin siyang hindi nakakauwi kaya pinagbigyan ko na. He deserves a long break after serving me for years."

Ngumuso ako't tumango-tango. Palihim akong namangha sa pagiging considerate ni Xaiver. I mean, he was always good to his employees despite being a ruthless businessman, but it was a very commendable trait just to be overlooked.

Kaya nga lang...

Muli kong nilingon si Xaiver. Hindi ko naman siya nakikitaan ng kaba habang nagmamaneho, ngunit hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi. Why would he let his driver go home after that night? At kahit na gusto niya man 'yong pagbigyan na makasama ang pamilya, he could've easily hired a new driver.

"Uhm, hindi ka ba kukuha muna ng pansamantalang driver habang wala si Manong?" nag-aalangan kong tanong kay Xaiver.

"Why would I do that? I know how to drive," he answered right away.

I pursed my lips to stop myself from reminding him what happened last night. Tingin ko'y ayaw niya rin 'yong balikan kaya nagkukunwari siyang walang problema.

"By the way, you know how to drive, right?" sabay tanong niya sa akin.

"Oo..."

In fact, he was actually the one who encouraged me to get a driver's license three years ago. Ang sabi niya'y kakailanganin ko rin 'yon balang araw.

"Kung gano'n, I'll drive us for the day pero ikaw na ang magmaneho pauwi sa gabi," sabi niya.

"Okay lang naman pero... Paano 'yon? Ihahatid muna kita sa inyo bago ako umuwi?"

I was used to going home ahead of him. Ganoon naman lagi. Siya ang naghahatid sa akin pauwi noong mayroon pa kaming driver at kahit kagabi'y ganoon din ang nangyari.

"No. You'll drive on our way to your home, pagkatapos, ako na ang magmamaneho sa sarili ko pauwi," Xaiver explained. "What's important is that you're home safe."

Napakunot ang noo ko. Although I was touched and happy that he was thinking about my safety, why did it sound like he was indifferent to his life? Hindi ba mahalaga na safe din siyang makauwi?

"Paano ka?"

"I can take care of myself."

"Pero—"

"You should know by now that I won't allow you to go home by yourself," putol niya sa akin. "Unless you want to go home with me... You are very much welcome to stay in my house. I don't mind."

My eyes widened as my breath hitched. Naubo ako. Alam niya talaga kung paano ako mapatahimik. Kinagat ko na lang ang ibabang labi at hindi na nagsalita pa. Dapat hindi na ako nagtanong pa.

Nanatili akong tahimik hanggang sa nakarating kami ni Xaiver sa DVH. Ayon na ang napagkasunduan namin. Siya ang magda-drive at magsusundo sa akin tuwing umaga at ako naman sa gabi. After driving myself home, siya na mag-isa ang uuwi.

"Good morning, Sir!" agad na bati ni Joseph nang makita kaming dumating ni Xaiver sa office. Hindi niya muna ako pinansin at na kay Xaiver lamang ang buong atensyon.

"Mornin'," Xaiver greeted back. "Prepare for the meeting with the board. We'll go in thirty."

"Yes, Sir."

Ngumuso ako nang madinig 'yon. Mukhang si Joseph ang kasama niya sa board meeting at maiiwan na naman akong bantay at nakatanga lang sa opisina.

Matagal ko nang tanggap na si Joseph talaga ang kailangan ni Xaiver pagdating sa mga office affairs. Saka lamang ako ang kasama ni Xaiver kapag sa labas siya nakikipagkita sa mga clients or investors or business partners. Still, I also wanted to be involved. Gusto kong magamit nang husto ang pinag-aralan ko. Kaya minsan talaga, mas gusto kong nasa business trip kami dahil ako lagi ang dala niya.

"Chantal, ikaw na muna ang bahala rito. We'll be back after two or three hours. We'll just finish the agenda for today," sabi ni Xaiver nang paalis na sila ni Joseph papunta sa conference room.

Hindi ko maiwasan ang bahagyang sumimangot kahit na tumatango.

Nanatili ang titig sa akin ni Xaiver na tila parang tinitimbang ang reaksyon ko. Ilang sandali pa'y bumuntonghininga siya saka inilapag ang kanyang personal credit card na kulay black at gold. Medyo nagtaka pa ako noong una dahil hawak ko naman ang card na ginagamit for office.

"Buy yourself coffee or pastry downstairs if you haven't had caffeine yet. I'll be back to eat lunch with you, okay?" malambing niyang sabi na para bang iyon ang kailangan kong madinig sa mga oras na 'yon.

And damn it... It really did help somehow. It brought me comfort and assurance that he'd be back kahit na talaga namang babalik siya after meeting.

"O-okay..." Seriously, Chantal?!

Xaiver flashed a brief smile, but as soon as he tore his eyes off me, the gentleness in his expression disappeared. Dumiretso na siya sa paglalakad patungong elevator at bago siya sundan ni Joseph ay isang makahulugang ngiti at kindat ang iginawad sa akin ng kaibigan.

Napailing na lamang ako sa kanyang pang-iinis. Mabuti na lang din at nakalayo na sila nang bahagyang uminit ang magkabilang pisngi ko.

Nang maibaba kong muli ang tingin sa kanyang credit card na nakalapag sa lamesa ko, doon lamang nag-sink in sa akin kung ano talaga ang nangyari. Mabilis kong kinuha 'yon saka itinago sa loob ng aking drawer because I wouldn't need it anyway.

I couldn't believe I actually allowed him to leave his credit card with me. Baka isipin niya talagang may balak akong gamitin 'yon.

Habang naghihintay sa pagtapos ng board meeting, inabala ko na lang ang sarili sa pag-che-check ulit ng mga emails. Gaya ng kadalasang nangyayari'y may mga invitations for interviews galing sa mga media na gustong i-cover ang recent achievement niya. Mayroon din namang invite for a social gathering kung saang hinihintay ang kanyang RSVP.

I filtered and sorted out the emails. Itinira ko lamang ang mga ipapakita ko kay Xaiver upang hingin ang kanyang opinyon. Nag-budget na rin ako para mga gastusin ko next week. Tumaas ang mga bilihin kaya may mga adjustments akong kailangang gawin. Balik din ni Mama sa kanyang regular check up at hindi pa kasama roon ang dialysis session niya.

Habang nagba-budget, muli kong naisip kung gaano ako kaswerte dahil sa trabaho ko. Although my job description wasn't really ideal for me, grateful pa rin ako sa sinasahod ko dahil napapagkasya ko lahat ng gastusin sa bahay at sa pagpapagamot ni Mama at may natitira pa.

Kaya nga lang kahit na marami akong natutunan dito at talaga namang nag-grow ako, I couldn't see myself staying here for the rest of my career. I'm still young, and I have other plans. My adulting life wouldn't start and end at DVH.

"Excuse me."

Sa gulat dahil sa biglang nagsalita ay napatayo ako nang wala sa sarili. My eyes were wide open as I looked at Zoe Bautista, who was dressed to the nines. Her denim dress was printed with the designer brand's famous initials and four-leaf flower logo. Pati ang bag na nakasabit sa kanyang braso ay galing din sa same luxury brand.

"Miss B-Bautista," I stuttered and licked my lips in shock. "Good morning."

"Mornin', Chantal. Is Xaiver inside?" she casually asked as if she had an appointment with him.

Bakit nga ba siya pinaakyat agad ng receptionist sa lobby? Dapat ay tinanong muna nila siya kung mayroon ba siyang appointment sa kompanya. It was part of the company's protocols. O baka naman dahil sa marangya niyang pagdamit at pagdala sa sarili ay hindi na nila inabala pang harangin siya. Siguro'y akala nila magkaibigan sila ni Xaiver.

"He's currently in a board meeting. May appointment ka ba sa kanya?" I couldn't help but sound a little rude, though I tried so hard to be polite.

Kapag naaalala ko kung paano niya ako kinausap noon sa charity ball ni Hariette and how she made me feel worthless, my blood would just instantly boil.

"I don't have an appointment with him, but his mother asked me to come here."

Si Mrs. Dela Vega?

"Now, can I come in?" pahabol niyang tanong na tunog nagpupumilit pumasok.

"Sorry, Miss Bautista, hindi pwede."

"And why not?" she asked smugly. "I already told you that his mother asked me to come here."

"At kakasabi ko lang din na nasa board meeting siya. Wala siya sa loob," ulit ko dahil baka nilipad lang agad 'yon sa isipan niya. "Kahit na si Mrs. Dela Vega ang nagpapunta sa 'yo rito, you still don't have a proper appointment with him. Mahigpit din niyang ipinagbabawal ang pagpapasok ng bisita sa opisina niya habang wala siya."

Zoe bit her lip, looking slightly embarrassed. Nawala ang malakas na hangin na pinaparamdam niya sa akin kanina. Para lang siyang lobo na tuluyan nang umimpis pagkatapos magpakawala ng hangin.

"If you want to speak with him, you may sit there and wait." Tinuro ko ang waiting area sa aking tapat. "I hope you understand, Miss Bautista. I'm just doing my job. Ayokong mawalan ng trabaho dahil lang pinipilit mong pumasok sa loob."

Zoe was completely speechless by then. Without saying another word, she silently spun around and walked to the sofa. Kahit na mukhang galit at iritado ay elegante pa rin siyang naupo roon. Pinong-pino ang kanyang galaw at tila parang wala kang maipipintas. The moment she speaks, though, mag-iiba ang tingin mo sa kanya. Sana hindi na lang siya magsalita.

Dumaan ang isang oras simula nang dumating si Zoe ay hindi pa rin nakakabalik sina Xaiver. I didn't see the agenda for the meeting, but he said he would be back for lunch. Mag-a-alas onse pa lang naman kaya hindi ko na 'yon masyadong inisip.

Kahit na ayaw ko sa presensya ni Zoe, I still displayed courtesy to her as our guest. I offered her juice and a complimentary cake from the pantry. Ginalaw niya ang juice, ngunit hindi niya pinansin ang cake na nakahain. Her eyes were fixed on the elevator na para bang iluluwa noon si Xaiver kapag tinitigan niya.

I couldn't help but commend her for being patient, though. As an heiress of their chain, nasisiguro kong mahalaga rin ang kanyang oras. She might have a lot of things to do, but she chose to wait for him despite the uncertainty that Xaiver would acknowledge her presence.

Before the hands of the clock struck at exactly eleven, the elevator doors opened, and Xaiver immediately walked out from it. Kasunod niya si Joseph na hawak-hawak ang clip pad na dala kanina.

Mukhang hindi agad napansin ni Xaiver ang presensya ni Zoe dahil nasa akin agad ang kanyang tingin. Dire-diretso siyang naglakad habang maingat na tumayo si Zoe upang salubungin sana siya.

Xaiver walked past her quickly and went to me. He surveyed my table, at agad kong kinuha ang kanyang credit card sa drawer para ipabalik. Iyon siguro ang hinahanap niya.

As if he had no plans to take it back from me, he just nonchalantly glanced at his card then fixed his gaze on me. "What did you buy while I was gone?"

"Wala."

Sumimangot siya nang madinig ang aking sagot. "You didn't buy anything?"

Tumango ako upang kumpirmahin 'yon. Galit ba siya dahil hindi ko ginastos ang pera niya? 'Di ba dapat mas matuwa siya?

"Wala naman akong gustong bilhin..." nakanguso kong paliwanag.

Xaiver sighed. Wala na siyang nagawa kundi kuhanin ang kanyang card sa akin at para bang labag pa 'yon sa loob niya. Habang binabalik niya 'yon sa kanyang wallet, tuluyan nang lumapit si Zoe upang magpapansin sa kanya.

"Xaiver."

Kumunot ang noo ni Xaiver nang madinig ang boses ni Zoe. He unwillingly turned to face her with a huge frown on his face.

"What are you doing here?" he coldly asked her.

"Gusto sana kitang makausap if you have a bit of time to spare," diretsong sabi ni Zoe.

I pressed my lips together habang naghihintay ng sasabihin ni Xaiver. I caught him glancing at me, so I hastily turned away and acted like I wasn't affected nor anything. It was probably the most dreadful minute of my life. Akala ko ay magugustuhan ko ang isasagot ni Xaiver, ngunit bandang huli'y nagulat na lamang ako sa susunod na narinig.

"I'll give you ten minutes," simple at pormal na sabi ni Xaiver na hindi ko inaasahan.

Agad na napangiti si Zoe at nakahinga nang malalim. Medyo pairap pa siyang sumulyap sa akin, pinapamukha na binigyan siya ng pagkakataon ni Xaiver.

Honestly, I thought he would just dismiss her, but he actually allowed her to have some of his precious time. I couldn't help but be disappointed by his decision. But then again, it was his choice. Kung tingin niya ay dapat kausapin si Zoe, eh 'di mag-usap sila!

"Chantal."

Before the bitterness spread through my veins like acid, Xaiver injected me with some kind of cure when he held my elbow softly. Kuhang-kuha niya agad ang buong atensyon ko. Bahagyang nakaawang ang aking mga labi nang muli siyang nilingon.

"You're coming with us," he said.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 77.2K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
610 36 2
Lover Series #2 As the golden child, Arethusa Charise Contreras has tried so hard to keep her image and reputation clean. That only changed when her...
5.1M 159K 52
We tend to build a stigma to those who have done the gravest things solely for the sake of living. Kahit sa anong antas ng kabutihan, nahuhusgahan sa...
9M 219K 53
[ARDENT SERIES #1] This a dangerous kind of love. A love that is like a fire that can't be ceased and kept on spreading around your heart until you...