A Vidente

By Whroxie

364K 18.9K 2.1K

Beatrix is a seer, a descendant of Genoveva-The most powerful witch of Elysian. Her capacity to glimpse into... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chpater 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 19

5.7K 393 29
By Whroxie

MATAGUMPAY NIYANG naipakita kay Romulus ang ugnayan nila sa hinaharap. Masaya siyang ang naipakita niyang scenario sa lalaki ay iyong mga paboritong tagpo nila ni Romulus. Iyong nagpi-picnic sila. Iyong magpapalipas sila ng oras sa ilalim ng punongkahoy, nakaupo siya sa pagitan ng hita ni Romulus habang kulong siya sa mga bisig at iyong ipinagluluto siya ni Romulus.

Ang kaso ay hindi niya alam kung ano ang naramdaman ni Romulus matapos niya iyong maipakita. Wala itong naging komento. Umalis din ito kagabi at hindi na bumalik pa ngayong araw. Hindi niya alam kung ano ang plano nito. Kung itutuloy ba ang balak na pagpatay sa kanya o ikukunsidera ang malalim nilang ugnayan sa hinaharap. Umaasa siyang sana ay ang huli.

Inalis niya mula sa pagkakasabit sa dingding ang kanyang kapa at isinuot iyon. Pupunta siya sa sapa para hintayin si Baltazar. Matapos niyang maayos ang sarili ay pumihit siya patungo sa pinto. Sa pagbukas niya niyon ay natigilan si Beatrix nang mapagbuksan ang isang lalaki. Hindi niya ito kilala. Hindi naman ito ang ama o kaya ay kapatid ni Celtici.

"Magandang umaga." Hindi niya tiyak kung angkop pa ba ang bati niyang iyon sa oras. Umaga pa ba o lumagpas na. Hindi niya matukoy sa pamamagitan ng panahon. Pero maganda ang panahon. Mainam sa pamamasyal.

"Celtici," mahina pero matigas ang sambit nito sa pangalan niya. Hindi niya ito gusto. Hindi niya ma-sense ang positive vibe mula rito.

"Mukhang aalis ka?" Humagod ang tingin nito sa kanyang kabuuan. Nagtagal ang paningin nito sa kanyang paa. Sa pagkakalukot ng balat sa noo nito mukhang nauusisa ito sa kanyang Gucci sneakers. Ipinasok niya sa laylaywan ng kasuotan ang isang paa at kung maaaring ang dalawa ay ginawa na niya.

"Mamamasyal lang sa may batis." Bumalik ang tingin nito sa kanyang mukha.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang pakay mo sa pagparito?"

Gumalaw ang mga mata nito sa paraan na nag-iisip ng idadahilan. "Wala naman...bilang pinuno ng Elysian tungkulin kong matiyak ang kaligtasan ng lahi." Oh, he's the leader of Elysian.

"Maayos ako rito."

Bumaba ang paningin nito sa suot niyang talisman. Instinctively she held it.

"Pinunong Tavora." Lumagpas ang paningin ni Beatrix sa lalaki at ang lalaki ay agad mamang pumihit paharap sa bagong dating, ang kapatid at ama ni Celtici.

"Alaric," bati ng pinuno.

"Pinasyalan ko lang si Celtici para makita ang lagay niya."

"Huwag kayong mabahala, pinuno. Katulad ng napagkasunduan hindi aalis si Celtici rito hanggang sa pagsapit ng kanyang kaarawan.

Tumango ito. "Mabuti." Muli siyang binalingan ng lalaki, bumagsak ang paningin sa hawak pa rin niyang talisman at kapagkuwa'y sa kanyang sapatos, muli ang pagkunot ng noo nito.

"Tutulak na ako," anito na tumitig sa kanyang mukha. Tipid niya itong nginitian. Nang tuluyan itong umalis ay pumasok muli siya sa bahay kasama ang dalawang lalaki. May dala itong pananghalian. Mabuti naman. Hindi pa siya kumakain at sawang-sawa na siya sa pagkaing niluluto niya na may hindi maintindihang lasa. Ang hirap pang bumuhay ng apoy. Sinubukan niyang gumamit ng kapangyarihan pero walang epekto. Ewan ba niya, lumalabas ng wala sa kontrol ang kanyang kapangyarihan at hindi naman mapalabas kapag kailangan. Paano niyang ipagtatanggol ang sarili at ibang karapat-dapat ipagtanggol kung ganitong wala siyang kontrol sa sariling kakayanan.

Nilagyan siya ng pagkain sa platong kahoy ng kapatid ni Celtici at inilagay sa tapat niya. "Kumain ka ng marami. Nangangayayat ka."

"Salamat," aniya na hinawakan ang kutsara at sinimulan iyong kainin.

"Masyadong tutok si Pinunong Tavora. Parang nagpapakitang gilas sa mga Elysian," ani ng kapatid ni Celtici na hanggang ngayon ay hindi niya alam ang pangalan.

"Nangangamba siya sa ibinibigay na tiwala ng mga Elysian kay Columban. Mahusay na manggagamot ng anumang karamdaman at kayang makita ang kapalaran ng tao. Nababahala siyang mapalitan bilang pinuno ng Elysian," paliwanag ni Alaric. Tumingin ito sa kanya matapos sumubo.

"Mainit ka sa mata ni Tavora kaya huwag kang gagawa ng bagay na ikakapahamak mo, Celtici."

"Opo!" tugon niya at ibinaba ang paningin sa kinakain. Nang muli siyang mag-angat ng tingin sa dalawa ay nadiskubre niyang matiim itong nakatitig sa kanya na para bang nahihiwagaan sa kanya.

"Opo?" tanong ng kapatid ni Celtici.

"Oo...error lang." Napapailing itong ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang umalis ang dalawa ay lumabas si Beatrix kahit na ibinilin ng ama na huwag siyang lalabas. Sa batis lang naman siya tutungo. Hihintayin niya si Baltazar. Pagdating niya sa batis hindi niya inaasahan ang taong madadatnan doon. Likod lang nito ang nakaharap sa kanya pero agad niya itong nakilala. Pinagmasdan ni Beatrix si Romulus na nakaupo sa malaking bato at abalang ipinipinta ang batis. May isang katamtamang laking kuwadradong kahoy ang nasa harapan nito na siyang nagsisilbing canvas, nakalagay iyon sa kahoy na stand habang hawak naman nito ang color palette. Dahan-dahan na lumapit si Beatrix. Tumigil sa pagpipinta si Romulus, mukhang naramdaman ang kanyang presensiya. Saglit lang ang pagkatigil nito at muling nagpatuloy pero hindi siya nilingon. Alam niyang alam nitong siya ang naroon.

Si Beatrix ay tuluyang natuon ang buong atensiyon sa painting na kung tutuusin ay tapos na. Mukhang ini-enhance na lang ang kulay niyon. Pagkamangha ang tuluyang nadama ni Beatrix nang masiguradong ang ipinipinta ni Romulus ay katulad na katulad ng painting na naging dahilan kung bakit narito sila ngayon ni Baltasar sa panahon na ito. Iisa ang painting. Natitiyak niya. Mas luma lang ang painting na sa antique shop kumpara sa isang ito na hindi naman mahirap ipaliwanag ang dahilan. Two hundred sixty years ang painting na iyon kung nagmula pa iyon sa panahon na ito. Ngayon niya napagtanto...nagsisimula sa letrang G ang signature sa painting na maaaring nagpapakahulugan ng pangalang Gonçalo. Hindi malinaw ang ibang letra niyon. Tama nga kaya ang hinala ni Baltazar?

Naupo siya sa tabi nito. Hindi na nagpaalam pa. Hindi naman ito nagreklamo, nagpagtuloy lang sa ginagawa.

"Hindi ko alam na mahusay ka rin palang magpinta. Akala ko ay si Baltasar ang mahusay magpinta." Iyon ang alam niya dahil sa painting na nakita niya sa bahay ni Professor Armadillo. Pero nitong pagkikita nila ni Baltazar ay mayroon siyang natuklasan. Binalak ni Baltazar na ipakita sa kanya iyon hindi pa sila napapadpad dito pero hindi na nagawa pa dahil sa pangyayari. Pero kahapon lang ay ipinakita sa kanya ni Baltazar ang larawan na kuha sa smartphone nito. Sa likod ng painting ni Celtici ay mayroon isang pirma...ang pirmang iyon ay katulad ng pirma sa painting na nakita nila sa Antique Shop na siyang napasukan nila at ayon kay Baltazar ay mukhang hindi ang ninuno nitong si Baltasar ang nagpinta ng portrait ni Celtici...ibig sabihin ay si Gonçalo.

"Alam mo bang iyang painting na 'yan ang dahilan kung bakit ako narito sa panahon na ito?" Natigil si Romulus sa ekspertong paghahod ng kulay sa canvas para higit pang pagandahin ang kulay ng mga dahon. Bumaling ito sa kanya.

"Ang painting na ito ay mapupunta sa isang antique shop sa Pilipinas. Ayon sa matandang may-ari, isang demigod ang nagpinta niyon." Mula sa painting ay ibinigay niya kay Romulus ang tingin. Nakatitig din ito sa kanya. Matiim.

"Demigod ka ba?" Hindi ito umimik pero sa nakikita niyang pagkamangha sa mukha nito natitiyak niyang totoo nga ang impormasyong nakuha niya.

Ibinalik ni Romulus ang atensiyon sa painting. Bumuntonghininga ito saka nagpatuloy sa pagpipinta. "Anak ako ng diyos ng digmaan sa isang mortal na Citanian," deklarasyon nito habang nagpatuloy sa pagpipinta. Citanian. Ito iyon ang lahing kinabibilangan nito ayon kay Manoela.

"God of war," usad nila. "Ares?" Tumiim ang panga nito na halos kita niya ang paggalaw ng buto roon.

"Kratos."

"Oh. Ares' half-brother." Kratos is a demigod who became God of war after he killed Ares.

"Ako ang isinumpang anak ni Kratos."

"Isinumpa?"

Itinigil nito ang ginagawa pero nanatili ang mata sa ipinipinta. "Maraming inosente ang pinatay si Kratos kabilang na roon ang sariling asawa at anak. Ako, bilang anak niya ay ipinanganak para magsilbi sa tao man o ibang nilalang sa pamamagitan ng pagpatay ng mga masasamang nilalang bilang kabayaran sa kasalanan ng aking ama. May kakayanan akong kitlin ang buhay ng isang imortal kahit ano'ng klaseng nilalang sa isang mabilis na paraan gamit ang mahiwagang punyal na ibinigay ng aking ama sa akin."

Bumaling ito sa kanya. "At ikaw...isa ka sa misyon na ibinigay sa akin dahil banta ka sa sanlibutan."

Nanglaki ang mata ni Beatrix. "Sanlibutan talaga? OA, ah!"

"Dugo ng masasamang nilalang ang nananalaytay sa 'yo, Celtici. Apo ka ng reyna ng mga Formosa, isang makapangyarihang itim na diwata na sumasakop sa kaharian ng ng mabubuting diwata katulad ng Moura at apo ni Ares, ang orihinal na diyos ng digmaan. Nabuntis ang reyna ni Ares sa pamamagitan ng paggamit ng espiritu ni Ares sa katawan ng hari. Nalaman iyon ng mga diyos at dahil alam nilang gagamitin lang ni Ares ang anak para sa paghihiganti, inalisan ng kapangyarihan ang iyong ina at ipinatapon sa Vila Dos Pecadore bilang normal na tao at dahil tinaglay mo ang kapangyarihan na hindi dapat kaya kailangan kang tanggalan ng kapangyarihan at patayin."

"At ikaw ang papatay sa akin." Malalim itong huminga saka inilayo ang paningin sa kanya.

"Tungkulin naming pangalagaan ang kapakanan ng tao man o ibang nilalang. Burahin sa mundo ang banta. Kapag hindi ko ginawa...ako ang mawawala sa mundo dahil ang mga diyos na mismong sumumpa sa akin ang kukuha sa akin." Muli nitong ibinalik ang atensiyon sa ipinipinta. Nakatitig doon pero malayo ang lakbay ng utak. Kilabot at kalungkutan ang yumakap kay Beatrix.

"Ilang araw na akong pabalik-balik sa lugar na ito bago mo ako matagpuan na walang malay tao. Ilang araw na rin kitang nakikita." Isinawsaw nito ang paintbrush sa kulay berde at muling maingat na ipinahid sa canvas.

"Hindi rin talaga ako nawalan ng malay-tao. Galing ako sa pakikipaglaban niyon at nagbabad lang sa tubig pero napagkamali mong may nangyaring masama sa 'kin. Ginamit ko ang pagkakataon para magkunwaring walang naaalala pero hindi ko alam na alam mo ang mga nangyayari at mangyayari," patuloy nitong pagpapaliwanag. Ikinatutuwa naman ni Beatrix ang pag-amin nito na para bang close na close na sila.

"Ito ang nabuo ko sa pagbalik-balik dito." Napangiti si Beatrix. Napalitan ang takot ng kung ano'ng emosyon. Kung gayon ay ilang araw na pala nitong ginagawa ang painting na ito. At ilang araw na lihim na pinagmamasdan si Celtici.

"Sa lihim mong pagmamasid kay Celtici—ibig kong sabihin sa akin. May nakita ka bang masama kong ginawa para magpasyang gawin ang misyon?" Muli ay natigil ito sa ginagawa. Hindi umimik na para bang sobra itong naapektuhan sa kanyang tanong. Isang malalim at maingay na paghinga ang ginawa nito at muling nagpatuloy sa ginagawa.

"Tama si Siera. Madali kitang mapapatay sa itatakdang araw...hindi ko na kailangan gawin pa ang kahibangan na ito—ang magpanggab na walang naaalala. Ang alam nila ay wala kang alam sa pagkatao ko. Na hindi mo alam ang binabalak ko.

"Kung gayun bakit ginagawa mo ang pagpapanggap? At bakit hindi mo pa ako patayin?" Nabubuhay ang kanyang interes sa sinasabi nito.

"Hindi ka nagpakita ng karahasan sa patuloy kong pagmamasid sa 'yo. Gusto kitang...gusto kitang kilalanin." Napangiti si Beatrix nang medyo mag-alangan ito sa pag-amin.

"Araw-araw mo ba akong sinisilip nang palihim?" Hindi niya man intensiyon pero lumabas ang panunukso sa kanyang boses. Mas malapad na napangiti si Beatrix nang makita ang pagtiim ng bagang ni Romulus. Mas lalo siyang natukso na magtanong pa.

"Ano ang naramdaman mo sa tuwing nakikita akong naliligo sa batis na walang saplot?" sinabi niya iyon kasabay nang paghawi sa mahabang buhok ni Romulus. Ang kanyang dulo ng kanyang daliri ay hindi sinasadyang humaplos sa balat nito. Namula iyon nang husto.

"U-umaalis na ako kapag oras nang paglusong mo. Hindi kita pinapanood sa paliligo mo."

"You sound defensive, meu bebê." She chuckled. Romulus snapped his deep, sharp eyes toward her, making her giggle even more. Technically, relatives sila nito—no! Si Celtici. Reincarnation na lang siya ni Celtici at malayong descendant  na. Half-brother ang ama nito at ang lolo ni Celtici na si Ares.

Bahagya niyang itinaas ang paa para mas umangat ang kanyang mga hita. Ipinatong niya ang mga siko sa hita at inilagay ang palad sa ilalim ng kanyang baba. May malapad na ngiti habang nakatingin kay Romulus na matalim ang titig sa kanya.

"Bakit mo pala ikinukwento sa akin ang mga balak mo?"

"Hindi ko rin alam. Nahihibang ako."

"Ano ang plano mo ngayon? Papatayin mo pa rin ako?"

"Depende," masungit nitong sabi at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.

"Ikaw ang bahala...ano nga pala ang pangalan mo?" Ibinaba nito ang paint brush sa pallet at ibinigay sa kanya ang buong atensiyon.

"Hieronimos."

"Ang ganda ng iyong pangalan. Bagay sa kakisigan mo." Muli ay tumiim ang mukha nito at bigla ang pamumula ng mukha. Bumungisngis muli si Beatrix at para mas lalo itong tuksuhin ay dinagdagan niya ang landi. Dumukwang siya at hinalikan ito sa pisngi. Hindi ito kumilos. Nanigas ito sa kinauupuan. Ni hindi siya nilinga. Hindi rin kumurap.

"Hays! Kung masama lang ako katulad ng tingin niyo sa akin baka napatay na kita. Hindi ka na nakakilos sa isang halik sa pisngi lang?" Halos marinig niya ang pagtagis ng bagang nito. Dahan-dahan ang ginawa nitong paglinga sa kanya. Mapanganib ang anyo nito dahil sa matatalim na titig na ipinukol sa kanya pero sa halip na matakot ay matamis niya itong nginitian. Malalim itong humugot at nagpakawala ng hininga na para bang kinakalma ang kung anumang tensiyon na siya ang may gawa.

"Kung gusto mong manood sa ginagawa ko hindi kita pagbabawalan katulad ng ginagawa ko sa iba pero pumirmi ka." Bumungisngis si Beatrix sa tila tatay na pananaway nito.

"Okay," pagsang-ayon niya. Nanatili siyang nakatingin sa mukha nito habang ipinagpatuloy nito ang pagpipinta hanggang sa matapos iyon. Pinirmahan nito iyon, pero hindi Gonçalo ang inilagay kundi Hieronimos, pati ang likod sa pinakatagong bahagi ay nilagyan nito ng pirma. Sa future ay hindi na Gonçalo ang makikita niyang pirma kundi Hieronimos na. Nabago iyon dahil sa nangyayari ngayon.

"Aalis ka na naman ba? Hindi ba maaaring samahan mo na lang ako sa kubo ko? Kung balak mo akong patayin, mas magiging madali sa 'yo."

Umungol ito habang inaayos ang mga ginamit. "Ipinagkakanulo mo ang sarili mo."

Hinarap siya nito. Matamis niya itong nginitian. "Kilalanin mo ako at kikilalanin din kita. Kaya tara na, mag-live-in na muna tayo." Hinawakan niya ito sa kamay. Kinuha ang mga gamit na nababalot sa itim na tela kung saan ibinabalot ang mga gamit. Wala naman itong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Bitbit nito ang painting sa isang kamay habang iniwan na muna ang stand.

"Ano ang live-in?" tanong nito habang naglalakad sila.

"Live-in. Pagsasama ng babae at lalaki sa iisang bahay kahit hindi pa kasal. Ganoon ang ginagawa namin ni Romulus."

Tumango ito. Nagpatuloy na nagpatangay sa kanyang paghila. "Ang kulay ba na ginagamit mo sa pagpipinta ay ready made painting like water colors?"

"Mahusay kang magsalita ng Ingles. Ingles ba ang pangunahing salitang ginagamit sa panahong pinanggalingan mo?"

"No. Tagalog pero hinahaluan ng Ingles kaya nagiging Taglish."

"Tagalog?"

"Hmm. Filipino. Sa Pilipinas na tayo maninirahan. Isa na tayong Filipino citizen sa susunod nating buhay. Pero ako, Portuguese pa rin ako na pinalaki lang sa Pilipinas. Itinakas lang dahil sa banta ni Siera...imagine that, hanggang sa 20th century ay nabubuhay siya para maghasik ng lagim. Pinapatay niya ang mga babaeng sanggol para lang hindi makabalik si Celtici." Natigil sa paghakbang si Hieronimos kaya maging siya ay napatigil din. Ang pagtitig nito sa kanya ay punong-puno ng katanungan.

"Iyon ang sinabi sa akin ng aking ina. Matapos mamatay ni Celtici sa mga kamay mo, ay nagbantay na si Siera sa angkan ng kapatid ni Celtici. Pinapatay ang bawat sanggol na babae sa paniniwalang muling magbabalik si Celtici sa katauhan ng kadugo nito." Humaplos ang matinding kalungkutan kay Beatrix.

"Marahil nga, karapat-dapat akong mamatay. May kapangyarihan akong hindi ko makontrol dahil para makapanakit ako sa tuwing ako ay nagagalit. Hindi kaya, kaya ako napadpad sa panahon na ito para tuluyan mong patayin. Hindi nga ako napatay ni Siera, pero mukhang ang tadhana ang naglalapit sa akin sa kamatayan." Hindi ito nagsalita. Nag-iwas ng tingin at kapagkuwa'y hinila na siya para magpatuloy sa paglalakad. Hawak na nito ng mahigpit ang kanyang kamay.

"Tempera ang ginagamit ko sa pagpipinta," balik nito sa unang topic.

"Ang pagpipinta gamit ang watercolor na sinasabi mo ay libangan ng mayayaman." Napatigil si Beatrix at Hieronimos sa paglalakad nang may marinig na murang boses. Agad niyang nakilala ang isa sa dalawang batang lalaki.

"Peter!" Mabilis na tumakbo si Peter patungo sa kanya at niyakap ito.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Sumama ako kay Thomas." Itinuro nito ang batang lalaking kasama. Lumapit ito sa kanila.

"Kumusta ka, Celtici?" bati nito sa kanya. Hindi niya inaasahang kilala siya nito.

"Kilala mo ako?"

"Oo naman. Kilala ka sa aming baryo bilang isang itim na diwata kaya ka kinatatakutan ka."

"Hmm. E, bakit mukhang hindi ka naman natatakot sa akin?"

"Kasi nagkamali naman kami. Napatuyan namin ni ina na mabuti ka nang hayaan at tulungan mo pa kaming kumuha ng halamang gamot. Inihatid mo pa kami sa bukana ng kasukalan. Bakit hindi mo na agad naalala?"

"Ganoon ba? Ahm...e, bakit kayo nandito?"

"Kukuha ulit ng halamang gamot."

"Saan ba 'yon?" Itinuro nito ang direksiyon patungo sa kasukalan, ang direksiyon patungo sa kanyang tinitirhan. Hindi naman nagtataka sa kawalan niya ng alam.

"Sige. Sahamahan ko na kayo. Doon rin naman ang punta namin." Tumingin siya kay Hieronimos at kapagkuwa'y ipinakilala ito sa mga bata. Sinamaham nila ni Hieronimos ang dalawang paslit. Malapit nga lang iyon sa kanyang bahay. Mukhang natakot siguro ang mag-ina sa unang pagkuha ng halaman gamot dahil sa pag-aakalang masama si Celtici. At sa kuwento ng bata ay mukhang mabuti nga si Celtici. Ang dalawang bata ay pinagtatalunan ang kanyang pangalan. Iginigiit ni Thomas na ang pangalan niya ay Celtici habang si Peter ay Beatrix naman. Sinabi na lang niyang parehas niya iyong pangalan kaya tumigil na sa pagtatalo.

Tinulungan niya ang dalawang bata sa pagkuha ng halamang gamot na kailangan. Gagitimin daw iyon sa amang may karamdaman.

"Sapat na ba ang mga iyan?" Inilagay niya sa dalang bag na tela ang nakuhang halamang gamot.

"Sapat na ito. Matagal-tagal na itong magagamit ni ama at ng iba pang may sakit sa baryo."

"Iba pang may sakit? Marami bang may sakit sa baryo niyo?"

"Oo. May pandemya raw. Nagkakahawaan ang mga tao."

"Wala bang doktor ang tumingin?"

"Walang doktor. Para sa mga mayayaman lang iyon." Nakaramdam ng disappointment si Beatrix sa narinig. Really? Kahit sa panahon na ito may mga tao rin talagang napapagkaitan ng karapatan pantao. How did the governments and nations of Europe respond to the demands of the less fortunate sections of their populations? Pinapabayaan lang nila? Kailangan niyang makausap si Lakon tungkol sa bagay na ito. Hindi maaaring may mga taong napapabayaan ng ganito.

"Hayaan niyo. Titingnan ko kung ano ang aking magagawa." Disappointed siyang umiling at kapagkuwa'y nilingon si Hieronimos. Pero laking gulat niya nang makitang may hawak itong espada at iwinasiwas sa kanya. Mariing naipikit ni Beatrix ang mata kasabay ng pagsigaw.

Hieronimos is gonna kill her. Mas maaga ang kanyang kamatayan sa itinakda. At imposible na siyang makakabalik sa kanyang panahon. Ilang sandali na ang lumipas pero alam niyang buhay pa siya dahil gumagawa pa ng kung anu-anong teorya ang kanyang isipan. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata. She's still alive. Ang kanyang kamay ay nakatuwid bilang pagharang sa espada habang ang isa ay nakakrus sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay at inilapat sa dibdib ang mga palad. She still could feel her heartbeat. Buhay na buhay pa nga siya. Bumaba ang kanyang paningin sa damuhan. Putol na ulo ng ahas ang kanyang nasa may paa. Automatiko niyang hinanap ang katawan na agad naman niyang nakitang nakahimlay sa ibabaw ng ugat ng punong nasa kanyang tabi. Mukhang ito ang pinaggamitan ni Hieronimos ng espada na akala niya ay sa kanya. Nag-angat siya ng tingin pero ang taong inaasahan niyang makikita sa kanyang harapan ay wala. Agad niyang nilinga ang paligid. Ang dalawang bata na nakatayo sa kanyang tabi ay tila gulat na gulat. Hintakot ang mas tamang salita.

"Ano ang nangyari?" tanong niya sa mga ito. Sabay na tumaas ang kamay ng dalawa at tumuro sa iisang direksyon. Hinayon niya ng tingin ang direksyon hanggang sa matanaw niya si Hieronimos na walang malay habang nakahiga sa damuhan.

"Ano ang nangyari?" Hindi niya gusto ang naiisip na posibilidad sa kung ano ang nagawa niya.

"Nasaktan mo siya, Beatrix," si Peter.

"May malakas na liwanag na lumabas sa kamay mo at tumalsik siya ng malayo," si Thomas ang nagpaliwanag.

"Oh, no!" Mabilis na kumilos si Beatrix para lapitan si Hieronimos. Lumuhod siya sa gilid nito at agad na inilapat ang dalawang daliri sa gilid ng leeg nito para makita kung may pulso. Nararamdaman pa niya iyon pero nang itapat niya ang pisngi sa bandang ilong nito ay wala siyang maramdamang sign ng paghinga nito.

"Oh, God! Romulus...Hieronimos, please wake up!" Ang unang aksiyon na gawin ay bigyan ito ng rescue breathing. May pulso ito pero hindi humihinga. Hindi siya nagsayang ng kahit isang segundo pa. Ginawa ang dapat gawin. She immediately performed rescue breathing by covering his mouth with hers after pinching his nose with her fingers and gently breathing into his mouth. May alam siya sa ganito kahit paano. Pinatagal niya iyon ng isang segundo at inulit pa ng dalawang beses na wala pa ring mangyari. Sa pangatlong beses, at pag-angat niya ng mukha ay nagmulat na ito. Normal ang paghinga.

"Oh, thank God!" Dumapa siya sa dibdib ni Hieronimos, yumakap at napaiyak. Kahit ang pagtawag sa Diyos na hindi naman niya ginagawa dahil sa ibang relihiyong kinabibilangan ay nagawa niya.

"Patawad. Hindi ko sinasadya, Hieronimos. Hindi ko talaga makontrol ang kapangyarihan ko!" Naramdaman niya ang kamay nitong lumapat sa kanyang likod. Magaan iyon.

"Maayos ako. Nagulat lang ang katawan ko pero maayos ako. Isa akong imortal, Celtici, at ang kamatayan ko ay nasa aking mga kamay lang at sa mga diyos." Marahang gumalaw ang daliri nito na para bang nais nitong haplusin ang kanyang likod at yakapin siya pero nag-aalinlangan.

"May malakas kang kapangyarihan, Celtici. Kailangan mo lang ng kaalaman para sa tamang pagkontrol," mahinahon nitong sinabi habang sinabayan ng banayad ng paghaplos sa kanyang likod.

"Napakahusay mong gumamot, Beatrix. Nabuhay si Hieronimos dahil lang sa halik mo." Tiningala niya si Peter at Thomas na nakatunghay sa kanila. Nasa magkabilang gilid nila ang dalawa habang ang mga kamay ay nakatukod sa mga tuhod.

"Rescue breathing o mouth-to-mouth resuscitation ang tawag sa bagay na ginawa ko. Ginagawa iyon para sa magsalba ng buhay sa mga gipit na pagkakataon. Hayaan niyo at ituturo ko sa inyo kung paanong mag-CPR."

"Gusto ko!" sabay na pagbulalas ng dalawang bata habang nagniningning ang mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 69.7K 51
(PUBLISHED BY LIB) His Secret Agent Pretend Girlfriend, now a published book under LIB creatives. Php 129. Available at all Precious Pages branches...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
Angel's Cry By 강심장

General Fiction

5.6M 24.5K 10
-- "Hindi kita papakawalan Angelica hangga't Hindi bumabalik ang kapatid mo." Ginawa ni Angelica ang lahat para makabawi sa kasalanan na nagawa n'ya...
5.3M 87.1K 51
(PUBLISHED BY LIB) He's A Secret Agent and He's Mine (Two books), now a published book under LIB creatives. Php 110. Available at all Precious Pages...