SILAKBO

By starjeizing

45.7K 2K 3K

A sudden outbreak of a zombie disease astounded the people in Tierra del Sol. It was the last thing they expe... More

Note
Sypnosis
Prologue
01
02
03
04
05
06
08
09
10
11
12

07

1.6K 81 219
By starjeizing

Chapter 7: Bite

Winter Madrigal.

I saw how his lover betrayed him. Wala na kaming nagawa. It was heartbreaking to see Jay in that situation. But I know he's happy until his last breath.

Matagal na niyang nakukwento sa'min si Wayne. He joined our team to find him. Nagkahiwalay kasi sila matapos kumalat ang virus sa lugar nila. Jay promised Wayne he'll find him no matter what it takes.

At ngayong natagpuan na niya, hindi siya nagdalawang-isip na lumapit dito kahit alam niyang delikado.

"Huwag niyong babarilin!" pigil ni Yuan. Ibinaba niya ang mga baril naming nakatutok sa direksyon nina Jay. We saw how Wayne begged for him to come closer. Hindi namin alam kung ano pa ang mga bagay na kaya niyang gawin.

Yuan was already crying. Kahit sa maikling panahon, napalapit na rin kami kay Jay. He's a good friend. Kaya naman agad siyang pinigilan ni Seth nang tangkain niyang lumapit.

"Yuan..." he warned. "Infected na sila parehas. Hindi na tayo pwede lumapit."

Lili sighed. Itinapon niya ang lollipop na kanina niya pa hawak. Dinurog niya iyon gamit ang paa niya.

"Jay already chose his death," she whispered. "And that is to be with his lover."

I took a glance at Katarina. Umiiyak din siya at nakayuko nang bahagya. She's been with me since the start. We're bestfriends since highschool.

And believe me when I say our hearts are already connected with each other. Mayroong something sa pagkakaibigan namin na hindi ko kayang ipaliwanag. Probably deeper than the other friendships I had.

Kaya naman napapaisip ako sa sinabi ni Lisa. If things go wrong, am I willing to die for her? Aabot ba ako sa puntong ganoon para sa kanya?

"Tara na. Marami pa tayong dapat gawin," ani Lili saka tumalikod. Nauna na siyang maglakad palayo sa amin.

I gazed at Jay and Wayne's direction. Zombies run towards them. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang simulan na nilang pagpyestahan ang katawan ni Jay. I shouldn't feel bad for him. Alam kong pinili niya kung saan siya masaya.

Binilisan ko ang lakad para magpang-abot kami ni Katarina. Tahimik lang siya habang mahigpit ang hawak sa katana.

"Ayos ka lang?" I asked.

She smiled a bit. "Jay wants to be with Wayne. I know he's happy."

Hindi na ako sumagot. Kung ako naman siguro ang nasa posisyon ni Jay ay baka nagawa ko na rin 'yon. I would choose the person I love over and over again even if it means death.

Just like Katarina, my bestfriend. And I hope she's aware about that. I'd rather die protecting her than live the rest of my life without her.

***

Lili Manjarez.

My heart broke the moment I turned around. Pinipilit kong ihakbang ang mga paa ko palayo. Sinubukan kong huwag lumingon pabalik. I did everything to stop myself from looking back.

Alam kong ito ang gusto ni Jay. Ang tagal na niyang hinahanap si Wayne. Kaya wala na rin akong karapatan para pigilan siya.

Letting him die breaks my heart. Pero mas pinipili kong magmukhang matatag. I still have a lot of people behind me that I must protect. Kung magiging mahina ako, sino na lang ang magiging malakas para sa kanila?

When I met all of them, alam kong may mangyayaring ganito. I knew someone will die but I still promised to protect all of them. Pero paano ko naman gagawin 'yon kung umpisa pa lang ay alam ko na ang desisyon ni Jay?

This is a matter of survival. Kapag mahina ka, mamamatay ka.

We continued walking towards the opposite side of the road. Binilisan namin ang lakad hangga't busy pa sila sa katawan ni Jay. I wouldn't let something like this happen again.

"P-Paano na tayo niyan?" Katarina said in between sobs.

I swallowed the lump in my throat. Ayokong marinig nila ang panghihina sa boses ko. "What do you mean paano na tayo? We'll continue living. Jay chose to die."

"Paano kung hindi na tayo makalabas?" Seth asked all of a sudden making me stop from walking.

"Lalabas tayo. Hindi pwedeng hindi," sagot ko nang may pinalidad sa tono.

We were headed to a dark street. Walang kailaw-ilaw sa paligid. Yuan used his phone's flashlight. Dahan-dahan ang bawat hakbang namin habang nagmamasid sa paligid.

"Ano nga ulit pangalan nung hinahanap natin?" Winter asked in a low voice.

"Haji at Sandra," sagot ni Seth.

"Shit. Nakalimutan ko na kung anong itsura. May picture ba kayo?" medyo nagpapanic na sabi ni Karina.

"We'll know eventually if it was them. Ayos lang 'yan," I replied.

Isa 'yon sa mga bagay na hinding-hindi ako papalpak—ang mag-eksamina ng tao. I will know at first glance kung anong pakay mo. I can read people's body language. Not because I am curious or what, but because I was trained to do so.

Importante rin 'yan sa sitwasyon namin ngayon. Maraming umaasa sa'kin. Hindi ko pwedeng isugal ang buhay ng mga kasama ko.

***

Sam Alonzo.

Kanina pa kami naglalakad. Kaunti na nga lang ay sisigaw na ako ng taympers dahil sa pagod. Ilang kilometro na ang nalakad namin ngunit hindi pa rin namin nakikita sina Haji at Sandra.

Pumasok kami sa loob ng Magsaysay Tunnel. Dito madalas ang taguan ng mga hindi pa infected. Mahirap kasing puntahan at malalaman mo agad kapag may mga zombie sa paligid dahil nage-echo siya sa loob.

"Wala pa rin bang signal?" Nixon asked while looking at his phone.

Tinignan din ni Yael ang cellphone niya saka umiling. "Wala pa rin. Mukhang hindi na rin nagana lahat ng cell tower."

Narinig ko ang pagmumura ni Evan kahit na nasa bandang likod siya. "Balak talaga tayong ikulong dito."

Napabuntong-hininga na lang ako. Ilang araw na simula nang magsimula ang epidemya ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring dumadating na tulong. Maging ang mga sundalo ay nasa labas lang at nagmamasid upang walang makalabas sa siyudad.

Maski relief goods o kung ano mang pwedeng iabot na tulong para sa mga na-trap sa loob, wala. How are we supposed to stay alive?

"Huwag niyo na lang muna gamitin ang phone niyo hangga't walang signal. Save your batteries," sambit ni Atlas.

Napatingin ako sa dulong bahagi ng tunnel. Mayroong labasan doon dahil konektado ang Tierra del Sol sa kabilang siyudad sa pamamagitan ng tunnel. Ito na rin ang nagsisilbing shortcut para hindi na mapahaba pa ang byahe.

Minsan na rin kaming dumaan dito noong bukas pa 'to. Pero nang may umupong bagong presidente, ipinasara na lahat ng underground tunnel sa Tierra del Sol. Hindi ko alam kung bakit. Kung tutuusin, mas efficient ang mga underground tunnels sa syudad. Iwas traffic.

"'Di ba may labasan sa dulo nito?" tanong ni Evan.

Atlas shook his head. "Sigurado akong sarado at may nakabantay."

"Wala namang masama kung susubukan natin," Bambi replied, he sounds hopeful.

Nilakad namin ang tunnel hanggang sa makarating kami sa dulo. My eyes narrowed when soldiers and barricades welcomed us. Their guns are pointed at our direction. All of us raised our hands.

"Hindi kayo pwedeng lumabas." May pinalidad sa tono noong sundalo.

"Hindi naman ho kami infected. Kung gusto niyo ho hubaran niyo pa kami rito para masiguradong wala kaming kagat," Jax replied.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng sundalo.

"Pasensya na. Hindi talaga namin kayo pwedeng palabasin."

Evan took a step forward. "Parang awa niyo na oh—"

"Umatras na kayo kung ayaw niyong paulanan namin kayo ng bala," dagdag pa noong isang sundalo. Ikinasa nila ang mga baril na hawak dahilan para mapaatras kami.

Kabog. Mga siga pala 'to, e.

"Wala ba kayong pamilya sa loob?" I raised an eyebrow.

"Hindi kami taga Tierra del Sol," they answered.

I rolled my eyes. "Kaya naman pala wala kayong pakialam. Gusto niyo ho ba panindigan ang pagiging sundalo? Sumama ho kayo sa amin sa loob. Marami kayong mababaril dito."

"Gago 'to, ah!" Mukhang napikon ko ang isa sa kanila dahil nagtangka siyang sumugod sa'kin. Kung hindi pa pinigilan ng kasamahan ay baka naatake na niya ako dahil sa galit.

"Sam, tama na..." ani Nixon mula sa likod ko.

But I didn't stop. Ipapamukha ko sa mga 'to kung gaano sila katindi. They're so selfish for letting us stay here inside and fight for our lives tapos sila andito lang sa labas at bumabaril ng mga nagtatatangkang lumabas.

"Wala kayong puso sa bayan! Mga hampaslupa!" pang-aasar ko pa lalo.

Jax laughed. "Gagi. Naging historical movie ampeg."

Hinila ako pabalik sa tunnel. Nakipagsagutan pa ako roon sa napikon na sundalo. Hindi ako tumigil hangga't hindi siya nawawala sa paningin ko. Kakagigil. Public servant pero gobyerno pang ang pinagsisilbihan?

"Kapag ako naging zombie, sila una kong kakagatin," Bambi snorted.

Tuluyan na kaming nakalayo sa mga sundalo. Pabalik na ulit kami sa loob.

"Baka nga zombie pa matakot sa'yo," Yael scoffed.

Bambi gasped dramatically. "Wow! Coming from you na may dalang holy water sa zombie apologize!"

Atlas clicked his tongue. Disapproval was flashed on his face. "Apocalypse. Stupid."

Imbis na ma-offend sa sinabi ni Atlas, lumawak lang lalo ang ngisi sa labi ni Bambi. Pabiro niya pang binangga ang balikat nito.

"Pre kapag minumura mo ako, natu-turn on ako," aniya.

Atlas gave him a disgusted look. Magtatawanan na sana kami nang makita ang eskpresyon niya nang makakita pa kami ng panibagong grupo na papunta sa direksyon namin.

Umagaw ng pansin ko ang babaeng singkit na may highlights na fuschia pink sa buhok. May hawak siyang machine gun. Marami pa silang kasamahan na nakaalalay sa isa pang babae na maikli ang buhok at naka-ponytail. Mayroon itong hawak na araro.

Napansin din nila ang grupo namin kaya napatigil sila sa paglalakad.

Matapang na itinutok noong singkit ang machine gun niya sa amin. Kung papaputukin niya ito ngayon, lilikha iyon ng malakas na tunog sa loob ng tunnel at maaagaw ang pansin ng mga zombie sa labas. Walang takas lahat.

"Sino kayo?" tanong niya.

Mayroong tatlong kalalakihan sa likod niya, iyong babaeng nakaponytail, at isa pang babae.

"Survivors," Atlas answered. His eyes went down to the other woman's knee. Mukhang may tama sa tuhod ang isang 'to.

"Infected?"

Umiling sila. "Tinamaan ng baril. Daplis lang naman pero dumudugo."

I gave Nixon a side-eye. Nakatingin din siya sa sugat noong babae. Base sa bawat galaw at pagkurap ng mga mata niya, ineeksamina niya iyon. Gumagana na naman ang pagiging doctor niya.

Mukha ngang daplis ng baril ang tama sa tuhod noong babae. Malinis kasi, e. Hindi din nangingitim kaya sigurado kaming hindi ito galing sa infected.

Pasimple kong siniko si Atlas. "Isasama ba natin?"

Hindi siya sumagot. He's probably thinking of what he should do. Mahirap din kasi magpapasok sa grupo ng mga taong hindi mo alam kung dapat ba talagang pagkatiwalaan.

"Join us," he said after a few seconds.

Napatingin sa kanya lahat ng kasamahan noong babaeng singkit. Nagulat yata sila sa narinig.

"At bakit namin gagawin 'yon? May mapapala ba kami—"

"One of us is a licensed doctor. He can treat your friend's wounds," Atlas added.

It's also a good thing. We should recruit people as much as we can. Not just for alliance but for their own safety too. Kapag mas marami, mas malaki ang tyansang maligtas.

"We'll join."

Jax smiled. "Yown! Alright! Daming shawty!"

Agad naman siyang binatukan ni Evan.

"Puro ka shawty. Nandito naman ako," aniya.

Bambi turned around and closed his eyes, parang ayaw na makita kung ano mang nangyayari sa dalawa. "Wala akong naririnig."

"Tanga. Tainga ang tinatakpan. Bingi ba mata mo?" Evan scoffed.

Napailing na lang ako. Wala na talagang magagawa sa tatlong 'to. Ganyan talaga sila noon pa man, e. Binansagan na nga naming tatlong itlog ng Roborats.

Nixon cleared his throat to change the topic. Tumingin siya sa mga taong nasa harapan namin.

"What's your name?" he asked.

Feeling ko talaga, si Nix ang pinakamatino sa amin. Siguro dahil doctor siya? Tahimik lang pero nag-oobserve. Ang hot niya rin tignan kapag inaayos niya yung salamin niya.

Pero hindi ko siya crush, ah.

Lumapit ang babaeng may highlights sa buhok. She offered a hand. "Yeji Herrera."

Kinamayan siya ni Atlas. The latter gave her a small smile.

"Atlas Salvatore."

Sumenyas si Yeji sa mga kasamahan. Her friends look cautious. Naiintindihan ko rin naman kung bakit. Ganoon din naman kami.

"Ryu Santiago." Tinuro niya ang babaeng may tama sa tuhod.

Lumapit ang dalawang lalaki.

"Samuel De Castro," the guy with fox eyes said. May hawak siyang baseball bat at medyo blonde ang buhok. Mukha tuloy siyang kpop idol.

Tumango ang kasama niya pang isa na mas matangkad. May hawak naman itong crowbar at halos parehas sila ng buhok nung Samuel. "Riki Natividad."

Matapos magpakilala ng lahat, naagaw ng babaeng nasa likod ang pansin namin. Siya na lang kasi ang hindi pa nakakapagpakilala at mukhang wala siyang balak. Nakatingin lang siya sa kuko niya at kinakalikot ito.

When she noticed the sudden silence, she lifted her head. Napansin niya yatang hinihintay namin siyang magpakilala kaya agad-agad siyang lumapit.

"Sorry," she laughed. "Roseanne Pinagpala nga pala."

Yael frowned, he looks confused. "Pinagpala saan?"

"Apilyido ko 'yon," Roseanne replied.

I almost lost my shit when I found out it was her surname. Pinigilan kong tumawa dahil baka mag-isip pa siya ng masama. Shit, akala ko nagbibiro lang siya. Hinihintay ko pa naman ang malupitang punch line.

She rolled her eyes. "May nakakatawa ba?"

Jax chortled. "Wala, Pinagpala."

Bambi touched his chin as if he's thinking about some logic. Then he said, "Isipin mo. Pinagpala ang apilyido mo pero na-stuck ka sa zombie apocalypse."

Evan chuckled. "Ayos lang. At least hindi Bambi ang pangalan."

"Pakyu, E-bano."

Nanahimik na lang ako. Usapang pangalan, e. Alam kong aasarin na naman ako sa apilyido ko at tatanungin kung ano-ano ko si Bea Alonzo. Baka 'di ako makapagpigil at masagot ko sila nang mala-Bobby ang salitaan.

"Sumama na kayo sa'min. But we still need to find our friends. Bukas pa kami makakabalik sa headquarters," sabi ni Atlas.

Yeji heaved a sigh. "Ayos lang naman pero... pwede bang pakigamot muna ng sugat ni Ryu?"

Sumenyas si Atlas kay Nixon. The latter understood what he was trying to say kaya inilapag niya ang backpack na dala sa sahig. Dahan-dahang pinaupo nina Yeji si Ryu sa sahig.

Nixon prepared the tools. Binantayan namin ang paligid para masiguradong ligtas kaming lahat.

"This will hurt pero kailangan mong tiisin," sambit ni Nixon bago niya sinimulang tahiin ang sugat ni Ryu.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang manood ng gano'n. Hindi naman ako ang ginagamot doon pero nararamdaman ko yung kirot.

Pigil na pigil si Ryu sa pagsigaw. Kinailangan niya pang kumagat ng bimpo dahil sa sakit. Medyo kinakabahan na rin ako dahil baka may makarinig sa'min dito sa loob.

It took Nixon at least half an hour. After stitching the wound, tumulong na rin kami sa pag-alalay kay Ryu. Sabi ni Nixon ay baka ilang araw pa bago iyon tuluyang maghilom.

Matapos iyon, sabay-sabay kaming lumabas sa tunnel.

***

Jace Pascual.

Ang buhay ay parang saging. Minsan, kailangan mong mawala para lumipad ang lobo at maging blue ang araw.

Hindi ko alam kung anong connect ng saging sa motto ko. Basta ang alam ko, kumakain ako ngayon ng saging.

Saging na prutas, ha. 'Wag madumi ang isip.

Kanina pa kami naghahanap kina Haji. Sobrang layo na ng nalakad namin pero syempre hindi ako nagcocomplain. Buti na nga lang ay natakasan namin ang mga zombiengina kanina. Akala ko mamamatay na ako.

Anyways, pumitas kanina si Atreus ng saging sa nadaanan naming puno kanina. Super gutom na kasi kaming lahat. Hindi pa kami nagtatanghalian at hapunan. Kanina nga naiisip ko what if sa gutom ako mamatay at hindi sa virus. Inaantok na rin ako pero sa sitwasyon namin ngayon, malabong makatulog  pa ako. Kailangan namin mag-ingat.

"Sa tingin niyo ba, saan madalas magpunta sina Haji sa ganitong sitwasyon?" tanong ni Atreus. Nauuna siyang maglakad sa amin.

Napaisip ako. Pinagana ko lahat ng braincells ko. Sigurado naman akong napakain ko sila ng saging kanina kaya magfufunction sila nang ayos. Hanggang sa may parang bumbilya na umilaw sa utak ko.

Ting!

"Sa simbahan."

Devi frowned. "Bakit sa simbahan? Ano namang gagawin nila roon?"

I shrugged. "Base lang sa pagkakakilala ko kina Sandra, baka sa simbahan ang diretso nila para magpakasal. Kilala mo naman yung mga 'yon—"

"Manahimik ka na lang Pascual," sabat ni Monica.

I gave her a peace sign before zipping my lips. Siguro nga dapat manahimik na lang ako. Baka ratratin pa ako nitong si Monica na kahapon pa hindi maganda ang mood.

"Magjowa ba 'yun?" tanong ng bago naming kasamahan na si Sally.

"Hindi. Magkaibigan lang na may feelings sa isa't-isa. Basta complicated," sagot ni Naya.

Before we could even notice, nakarating na kami sa isang abandonadong playground. I doubt they're here. Sino namang pupunta sa playground sa dis oras ng gabi at sa gitna pa ng zombie apocalypse?

Atreus took a step back. "Gago, creepy. Baka mamaya the conjuring pala 'to."

Devion rolled his eyes. "Duwag ka ba?"

Biglang umayos ang tindig ni Atreus. "Hindi ah!"

Sa kagustuhang patunayan na hindi siya duwag, nauna na ulit siyang maglakad. Kumapit ako sa braso ni Naya dahil iba rin talaga ang pakiramdam ko sa lugar na 'to.

"Nakakatakot naman—"

"Shh..." Monica put her index finger on her lips.

Nakarinig kami ng kaluskos.

"G-Guys... I t-think this is not a good idea. Tumakbo na k-kaya tayo?" kinakabahang bulong ni Naya. I can feel her shaking dahil nakakapit ako sa braso niya. Natatakot din tuloy ako.

Shuta kasing mga zombie 'to. Bakit mas matalino pa sa'kin?

But instead of going back, Atreus went near the playground. Tahimik ang bawat hakbang niya at halos wala na kaming marinig.

Ang iba naming mga kasamahan ay nanatili lang sa likod tulad nila Dahlia at Sally. Naiintindihan ko naman ang takot na nararamdaman nila. They wouldn't stay in that room for days kung may sapat silang lakas ng loob. But for us, we're desperate. Gagawin namin ang lahat makita lang ang mga kaibigan.

Umulit pa ulit ang kaluskos na parang may naglalakad sa mga tuyong dahon. Kinilabutan ako sa takot. Kung sakali mang zombie iyon, baka ano mang oras ay may lumitaw na sa paligid. Pinilit kong makakita sa dilim. I squinted my eyes to see better.

Mas lumapit pa si Atreus sa pinanggagalingan ng kaluskos. Monica stayed in front of us. Nang makarating si Atreus sa likod ng slide, agad niyang itinutok ang baril. But instead of hearing gun shots, isang pag-ubo ang narinig namin.

"Haji..."

The moment we heard his name, dali-dali kaming tumakbo patungo sa likod ng slide. Wala na kaming pakialam kung makalikha ng ingay ang bawat hakbang namin.

Nakita ko si Haji na nakaupo at puro galos. May hawak siyang arnis at hinang-hina habang nakasandal sa likod ng slide. My heart broke for him. Akala ko'y hindi na namin siya makikita ulit.

"S-Sandra..." Bakas ang panghihina sa boses niya.

Para akong napako sa kinatatayuan habang nakatingin sa kanya. I can't feel anything but pity and relief. Dinaluhan siya nila Naya at inakay patayo.

"O-Oh my God, Haji..." nanginginig ang boses na sabi ni Naya.

Devi bit his nail. Bakas ang pag-aalala sa mukha habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Are you okay? Nasaan si Sandra?" tanong niya.

Haji winced in pain. "S-She's... missing."

"H-Huh? What do you mean?" Monica asked.

"N-Nagkahiwalay kami n-noong lumabas kami sa h-headquarters..."

Napamura ako nang malutong. I trust Sandra. Pero sa ganitong sitwasyon, siya ang pinakamahina sa amin. Natatakot ako... dahil baka sa oras na matagpuan namin siya ay hindi na siya ang Sandra na nakilala namin noon.

My heart broke because of that thought.

"Saan kayo huling nagkita?" tanong ni Atreus.

"S-Sa may a-abandonadong b-building..." Dumaing siya sa pagsagid ng kirot sa tyan. "M-Malapit sa headquarters."

Lumapit ako sa kanya dahil sa pag-aalala. Mukhang marami siyang natamong sugat ngunit hindi ko matukoy kung dahil saan ang mga 'yon.

"Are you okay? Nakagat ka ba?" I asked.

He slowly lifted his head. Tumingin siya sa amin habang bakas ang pagdadalawang-isip. His lips are trembling.

Unti-unti siyang tumango bago ipinakita ang kagat sa kamay niya.

Continue Reading

You'll Also Like

770 82 31
Chasing dreams. Past encounters. Unexpected moments. Well, that's what life is. ***** After her tragic experience, Arianne Jade Umali promised...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
208 40 5
A girl with a mysterious personalities, an untold story can unfold; secrets are everywhere that can put you on danger. Jash Kim is a student to the...
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.