Mantovani Maids: Caterina

By JeanRafaelle

649 80 20

A Collaboration with Raven Sanz and Darla Tverdohleb Takot mag-isa ay hindi pinag-isipang maigi ni Yna ang de... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 14

8 1 0
By JeanRafaelle

CHAPTER 14

Yna

Nakasililid na ang isang kamay niya sa aking t-shirt. His hand already met my breast. We shared that soft kiss. It was soulful and devine. I was ready, so was he.

Pero naputol ang lahat nang mag-ring ang cellphone kong iniwan sa sink ng banyo. Si Rica ang tumatawag. Nangamusta siya, at kung babalik daw ako sa bangko ay tatanggapin pa raw ako—maski pa nag-AWOL na ako.

Wala akong balak na sagutin ang tawag, sa katunayan. Iyon naman ang napagpasyahan ko nitong huli. Wala namang rason para i-entertain ko pa si Rica. Pero sa hindi ko mawaring dahilan, sinagot ko pa rin.

At nagpapasalamat akong ginawa ko iyon noong gabing iyon.

Masabi mang ganoon ay parang nakadama pa rin ako ng pagkadismaya. At ang ganoong pakiramdam ay nanatili sa bawat himaymay ko maski isang linggo na rin ang lumipas.

Nakakasora talaga!

Parati ko kasing naalala ang gabing iyon. Hinahanap-hanap ko. Marahil ay dahil hindi na naman natuloy. At kulang na lang ay kamuhian ko ang sarili.

Nagkaroon kami ng kasunduan ni Riguel kinabukasan ng gabing iyon na 'No Kiss, No Touch' muna. Napagtagumpayan naman namin. Bukod sa kailangan naming hintayin si Dad, sabihin sa kanya ang tungkol sa amin, at hintaying makasal muna kami, may isang bahagi pa rin ng sarili ko ang palagi akong pinaaalalahanan ng mga 'what if' na iyon.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsasalansan sa mga damit ni Emilia na gulo-gulo na naman. Nang matapos ay inisa-isa ko rin ang mga damit niyang marurumi sa paglilipat ng mga iyon sa basket para maibaba na sa laundry room.

Dahil umalis ngayon si Emilia, at kay aga-aga pa, maaga ko ring naumpisahang gumawa rito sa kuwarto niya—at sinabayan ko na rin ng pasimpleng paghahanap sa mga gamit niya, nagbabakasakaling may makita ako.

Pasimple, dahil hindi ako sigurado kung may hidden camera ba rito. Sa mismong bedroom ay may CCTV, oo, pero sa ibang bahagi ng kuwarto ni Emilia—walk-in closet at banyo—ay wala.

Ang hindi ko pa matanggap, katulad noong mga nakaraan pa mula nang umpisahan ko ang paghahanap, ay wala na naman akong nahanap ngayon. Tiniis ko na't lahat ang pagkapuno ng pantog ko ay wala talaga. Minsan ay parang gusto ko na talagang sukuan ang ginagawa kong ito. Marahil ay talagang paranoid lamang kaming magkakapatid, at ang hinala namin ay sanhi lang ng pangmamalupit sa amin ni Emilia.

Isa ring dahilan ko ay si Riguel.

Natatakot ako para sa kanya.

Bumuntonghininga na lamang akong binuhat na ang basket. Pero noon ko naman hindi na napigilan ang aking pantog. Malayo ang lalakarin ko sa kuwartong tinutulugan ko, at malamang ay sa paglalakad na ako abutan kaya hindi na ako nag-isip pa nang takbuhin ang gawi ng banyo sa kuwarto ni Emilia.

Bawal akong pumunta sa bahaging ito ng banyo, sa katunayan. Hindi raw kasi siya tiwala sa akin kung madi-disinfect ko ang bawat sulok ng toilet tulad ng ginagawa ni Manang Lupe.

Kinalaunan ay nasanay na rin naman ako.

tiningnan ko pang maigi ang posisyon ng tissue roll sa pinagsasabitan niyon. Iyon ang klase ng sabitan na nakalubog sa pader. Ginamit ko muna ang tissue na napunit ko na at nagpunas saka inayos sa dating posisyon ang tissue roll; hindi ngayon ang schedule ni Manang Lupe sa paglilinis dito; mahirap na kung mapansin ni Emilia na may naiba sa mga gamit nito sa banyo.

Pero biglang natanggal ang sabitan. Nasira ko pa yata.

"Dios mio, Yna, patay kang bata ka!" Sinuri ko nang maigi pero wala namang putol na kahit ano iyong sabitan. Patingkayad akong umupo at ikinabit iyon muli. Sumilip pa ako. Naikabit ko nang maayos... pero bigla ay kumunot ang noo ko—isang plastic ang bahagyang nakasilip sa bandang itaas ng sabitan. May butas doon at parang ipinasak sa butas na iyon ang naturang plastic.

Tumahip nang husto ang dibdib ko, naglalaban ang puso at isip kung dapat ko bang hugutin ang plastic. Kasi nga, paano kung may hidden camera doon.

Pero isipin mo, Yna, tingin mo ay maglalagay si Emilia ng camera rito kung hubad na katawan niya ang maire-record? Hindi naman siguro siya bobo para hindi maisip na baka kumalat iyon.

At malamang sa malamang, bakit siya maglalagay ng camera kung mayroon siyang itinatago roon? Higit sa lahat, bakit hindi niya ako pinapapasok?

Dahil hindi niya makikitang may makikita ako?

Sa huli ay hinugot kong muli ang sabitan at ang tissue. Sinubukan ko ring hugutin ang plastic. Laking gulat ko nang mahirapan akong hilahin iyon na parang punong-puno ang butas doon.

Pinilit ko pa rin. Pero mas nagulat pa ako nang may pagkamahaba iyon—at may laman na mga papel. Mas nanlaki pa ang mga mata ko nang tuluyan ko iyong makuha. Maayos na naka-rolyo ang mga papel sa loob ng inakala kong plastic ay resealable bag pala.

Bakit? Bakit at naroon ang mga papel na iyon at nakatago?

Hindi ko na sinagot pa ang katanungang iyon. Ibinalik ko na lamang ang sabitan at ang tissue.

Bago ako lumabas ng banyo, inipit ko sa pantalon ko ang nahugot kong reaselable bag.

Dios mio... kung nasaan ka man Emilia, magtagal ka pa sana at mamaya ka pa dumating...

Pagkalabas ko ng kuwarto, noon tumunog ang cell phone ko. Lalong tumahip ang dibdib ko nang ang pangalan ni Riguel ang naka-rehistro sa caller ID.

Mabawasan lang ang paghuhurumentado ng puso ko ay binuhat ko ang basket, naglakad saka doon na sinagot ang tawag.

Nakakainis kasi parang kiniliti ako sa kung saan.

At doon natuon ang atensyon ko: sa kiliting iyon.

Ngiwi ang mukha ay himalang nabati ko pa siya pabalik. Naninikip ang lalamunan ko, at parang hirap akong magsalita. Masabi mang ganoon ay pinakaswal ko ang boses ko. "Kagigising mo lang?"

"Hindi. Kanina pa."

"Ahh..." Hindi na nawala ang kiliting iyon. Dios mio, Yna, umayos ka!

Araw-araw namang sumasaglit si Riguel dito. Medyo hirap ako sa sitwasyon. Because the more I couldn't get near to him, the more I wanted him. Nakakasora talaga!

"Nahihirapan ako, Cat."

Ako rin. "Saan?" Natigil ako sa pagbaba ng hagdan. Please, Riguel, huwag mo akong bigyan ng dahilan para matukso sa iyo.

"Nakailang gawa na kasi ako. Hindi ako kuntento.

Nakahinga ako nang maluwag sa sagot niya. Ilang araw na nga naman siyang gumagawa ng pieces. Bukod sa nagpapa-practice siya para sa tryout, ang mga piece na gagawin niya ay para kay Emilia. "Pressured ka siguro."

"Baka nga. Bukas na ang tryout," sagot niya.

Gusto mo bang pumunta ako riyan at tulungan ka? Laking pasalamat ko pa rin dahil iba ang nasabi ko.


"Ano?" Para akong batang biglang nasabik, umasa rin ako na—

"Can you help me chose a design? Gusto ni Aunt Emilia ang pieces na pinili mo noon. Ipapaalam kita. Susunduin kita ngayon. Okay lang ba?"

"Oo. Sige." Hindi. Iyon dapat ang sagot ko. Pero um-oo ako.

Dios mio, wala sanang mangyari sa pagitan namin. Pihado kasing kami lang sa studio niya, at malamang sa malamang din ay ...

***

Pinilit kong iwaglit iyong mga makamundong iniisip ko ay madaling nilabhan ko ang mga damit ni Emilia. Tinulungan ako ni Det at ni Rain kaya agad ding natapos.

Hindi ko sinabi kay Det ang nakita ko sa banyo ni Emilia. Hindi pa naman kasi ako sigurado. Bukod pa roon ay takot din akong makita agad ang nasa papel.

Mukhang hindi pa naman darating si Emilia kaya agaran akong nagpunta sa isang tindahan na hindi kalayuan sa PalazzoIsang ring malaking bahay iyon, pero sa first floor ay tindahan ng kung anu-ano—sari-sari store. Kay suwerte ko lang dahil may personal printer ang may-ari ng bahay. Hindi sila nagse-xerox pero nagpaunlak pa rin ang tindera.

Pinakiusapan ko rin ito na pagsunud-sunurin ang mga papel kung paano niya nakuha ang mga iyon sa resealable bag.

Mga ilang minuto lang ay natapos nang i-xerox ang mga iyon.

At hindi ako umalis agad, lalong hindi rin ako humihinga habang pinapasadahan isa-isa ang bawat xerox copy.

Bio-data ng iba't ibang tao. Puro lalaki pero mayroon ding babae. Kunot ang noo ko at may kaba pa rin. Pero tumindi ang reaksiyon kong iyon nang mabasa ang pinakahuling papel—bio-data ni Daniel Tolentino.

Naroon ang 1x1 picture niya kaya malabong kaparehas lang ng pangalan. Kilala ko siya; anak siya ng attorney ni Dad. Nakita ko na rin minsan. Pero bakit narito ang bio-data niya at nasa banyo ni Emilia?

At sino ang mga taong ito? Hindi pare-parehas ang trabaho. May isa pang private investigator.

Napapikit akong huminga nang malalim saka marahan na ibinuga ang nahigop na hangin palabas ng bibig. Nanginginig man ang mga kamay ko ay napagtagumpayan kong isalansan at i-rolyo ang mga xerox copy.

"Cat? Is that you?"

Napatda ako sa kinatatayuan pero dali-dali kong isinilid ang mga papel sa bag na dala-dala ko. Hinarap ko si Riguel. Naroon na pala nakahinto ang sasakyan niya, sa mismong likuran ko pa, nang hindi ko man lang namamalayan. Nakasilip na rin siya sa bintana ng driver's seat.

"Oy!" Pinilit kong ngumiti. "Narito ka na agad?" Sa katunayan ay hindi ko matukoy kung kaswal ba ang ikinikilos ko.

Sa reaksiyon ni Riguel na hindi naman nagtaka, mukhang kaswal naman ako.

"Nasa tindahan na kasi ako sa bayan noong tumawag ako kaya bawas ng kinse minutos ang biyahe," sagot niya. Habang sinasabi niya iyon ay naglakad na ako paikot sa passenger's side. Siya naman ay bumaba para buksan ang pinto niyon. "And you?"

Alinlangan akong ngumiti. "Ahh... ehh... Bumili ako ng sanitary napkin. Naubusan ako ng stocks."

***

Hindi ngayon ang schedule ng mestruation ko. Sa katunayan ay katatapos ko lang three days ago. Pero hindi ako nagsisising sinabi ko iyon. At least ay may rason si Riguel na hindi ituloy ang kung anumang mangyayari kung sakaling may halik na maganap sa pagitan namin.

Sexual frustration, at ang frustration ko sa mga papel na iyon... Kay hirap mag-isip at hindi ko mawari kung paano ko pagsasabay-sabayin.

Naibalik ko nang muli ang mga papel sa pinagtataguan niyon ni Emilia. Mula sa tindahan kung saan ako nagpa-xerox, napilit ko si Riguel na dumaan muna sa Palazzo bago kami tumuloy sa Costa Rio—maski pa nakaligo na ako at nakabihis na. Umubra iyong nirason ko sa kanya: parang puno na ang napkin na gamit ko.

Kailangan kong magsinungaling. Kailangan kong ibalik ang mga papel sa banyo ni Emilia. Walang makikitang senyales na pumasok ako roon. Puwera na lang kung may hidden camera siya sa loob ng banyo.

"O, natulala ka na?" pukaw ni Riguel. Nasa studio na niya kami, at ilang minuto na rin siyang nasa harap ng potter's wheel.

sagot ko, sa pagkakataong iyon ay hindi ako nag-alibi. Lipad man ang isip ko sa kasalukuyan ay mangha pa rin akong makita si Riguel. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang gumagawa sa potter's wheel. Balot ng putik ang mga kamay niya. Nakasuot din siya ng apron.

Marungis man ay napakaguwapo pa rin, lalo pa ngayong ngumiti siya saka muli ay ibinaling ang buong atensyon sa ginagawa.

Kung sana lang ay sa kanya ko na lang din ibaling ang buong atensyon ko sa kasalukuyan..."Minsan ka na bang nagalit sa tiyahin mo?" Hindi ko na dapat pang itanong iyon. Pero dahil sa mga bio-data na nakita ko ay hindi ako mapakali.

"I've always been every time I have a reason to get mad. Hindi siguro ako nagagalit; napipikon lang," sagot niyang nakatuon pa rin sa ginagawa. "She's my aunt; I do know where she's coming from. Iniintindi ko na lang. Ikaw ba namang mamatayan ng kapatid, pagkatapos malalaman mong nakabuntis ng maraming babae ang asawa mo."

May punto nga naman. Pero sa nangyari sa ina naming magkakapatid at sa pagtatangaka sa buhay ni Det, hindi ko rin masisisi ang pakiramdam ko bakit si Emilia lang ang nakikita ko na nasa likod ng lahat ng nangyayari.

"Tingin mo," hindi pa rin nagpaawat ang bibig ko, "kapag gumawa siya nang hindi maganda... kumbaga, sobrang bigat, as in... parang ga—"

"Mananakit siya, pisikal?" Natigil sa pag-ikot ang potter's wheel.

Hindi ko ide-deny na na-carried away ako sa tanong niya. "Oo. Parang ganoon nga."

"Sinaktan ka ba niya, Cat?"

Kung hindi lang iyong hinala ko kay Emilia ang pinatutungkol ko sa usapan namin dahil kung tutuusin ay mabigat na kasalanan ang pagpatay ng tao, makakaramdam ako na hinuhuli ako ni Riguel sa sarili kong bibig.

"Hindi, ah!" Huli na para mawari kong wrong move ang pagtatanong ko. "Curious lang ako kasi... kahit ganoon ang ugali niya, iyong bond niyo ba sa isa't isa... parang walang makakaputol."

Natawa siya. "It will, Cat. Mapuputol kapag nanakit at nakapatay siya ng tao. Ang mali ay mali."

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 78.7K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
1.4M 33.3K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
24.8K 1.2K 18
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...