Better than words (Tagalog lo...

lovethewayithurts tarafından

2.9M 24.2K 5.4K

Highschool. diba dito mo malalaman kung sino ang tunay mong mga kaibigan? dito mo rin malalaman kung ano ang... Daha Fazla

Better than words
Chapter 1 (First Day)
Chapter 2 (Rude Boy, New friend?)
Chapter 3 (Ang sama mo/ Acquaintances)
Chapter four (I'm here for you)
Chapter 5 (Blush/Anong number mo?)
Chapter 6 (Jealousy)
Chapter 7 (One Thing)
Chapter 8 (Almost)
Chapter 9 (Smile)
Chapter 10 (surprise, surprise)
Chapter 11 (I need you)
Chapter 12 (Confession)
Chapter 13 (Ako na lang)
Chapter 14 (Ako na lang part2)
Chapter 15 (Kiss me)
Chapter 16 (So Close)
Chapter 17 (I love you)
Chapter 18 (The Plan)
Chapter 19 (Hurt)
Chapter 20 (hidden feelings)
Chapter 21 (Just a little bit of your heart)
Chapter 22 (Why Try)
Chapter 23 (Wanted)
Chapter 24 (Speed Limit)
Chapter 25 (Step up)
Chapter 27 (I don't know)
Chapter 28 (broken)
Chapter 30 (done)
Chapter 31 (New Life)
Chapter 32 (Him)
Chapter 33 (Him Again)
Chapter 34 (Only one)
Chapter 35 (Protective)
Chapter 36 (Effort and Heartbreaks)
Chapter 37 (You're my...)
Chapter 38 (Little Things)
Chapter 39 (Better Left Unsaid)
Chapter 40 (Fool For You)
Chapter 41 (Blind)
Chapter 42 (Never Enough)
Chapter 43 (Regrets)
Chapter 44 (Love you goodbye)

Chapter 26 (Risk It All)

18.2K 268 56
lovethewayithurts tarafından


"Something's telling me that you're the one..."

Mich's POV

Mga ilang minutes na kami naglalakad dun sa gubat. Nakakatakot nga eh. Madilim tas medyo malamig pa. Pero sabi ni Louis na wala daw dapat ikatakot dito kasi lagi daw siyang pumupunta dito at may maliit na cabin daw yung pamilya niya dito.

"Malayo pa ba?" tanong ni Liam.

"Onting tiis na lang po, Ma'am and Sir." Natawa ako at umiling lang si Liam pero halatang natatawa din siya.

"Andito na tayo!!" sigaw ni Louis. Baliw talaga kahit kelan.

"Wow" sabi ni Liam. Hindi ko papala nakikita kasi nakatingin lang ako kay Louis pero nung nag wow si Liam, napatingin ako ng diretso. Grabe, ang galing ng ginawa ni Louis dito. (AND NASA TAAS YUNG PICTURE NA GINAWA NI LOUIS PARA KILA MICH.) Napa woah ako sa nakita ko. Ang ganda ng ginawa ni Louis. may isang lamesa at dalawang upuan. May candle din dun sa gitna nung table. May mga nakapalibot naman ng mga maliliit na candila dun at may parang heart shaped na binubuo ng mga maliliit na candles dun. May mga ilaw naman na nakasabit sa mga puno dun. Grabe sobrang effort naman. Napatingin ako kay Liam na nanlaki yung mata sa nakita niya. Mukhang na-amaze din siya sa nakita niya.

"Sir, Ma'am, please follow me so you can now be seated." Sabi ni Louis at nag bow siya. Huh? Tinaas na lang ni Liam yung kilay niya kay Louis pero sinundan din namin siya. Umupo na kami dun sa upuan at may binigay samin si Louis na parang menu

"Sir, what will be your order?" natawa si Liam nung binuksan niya yung menu, dahil nacurious ako binuksan ko yung menu at napangiti ako kay Louis at kinindatan naman niya ko.

"Baliw ka ah. Tatanungin mo pa kung ano yung gusto namin eh ang available lang naman ay creamy fish fillet with white sauce!" sabi ni Liam na mukhang natatawa sa sitwasyon. Natawa ako at mukhang na disappoint si Louis sa sinabi ni Liam.

"We apologize, sir. Medyo nagkulang po sa budget eh." Sabi ni Louis. Natawa kami parehas ni Liam.

"Oo na sige na. Yun na lang." sabi ni Liam sabay bigay dun sa menu niya.

"Uhm, Sir? Ano po yung gusto ninyo?" natatawa ako sa sitwasyon habang si Liam naman ay mukhang naiirita na.

"Yun nga. Yung nakasulat diyan."

"Eh sir—-"

"Badtrip ka, Louis isa lang naman yung nakasulat diyan sa menu! Yung bwisit na fish fillet!" si Louis naman nanlaki yung mata niya at tiningnan niya lang ng masama si Liam.

"Okay..." kumuha siya ng papel at ballpen at sinulat yung gusto ni Liam. Nasa tamang pag-iisip pa ba 'to?

"How about you, Ma'am?" tumingin sakin si Louis.

"Yun din, Louis." Ngumiti si Louis at sinulat din yun. nag excuse samin si Louis at umalis na. Hindi ko din alam kung saan yun napunta eh. Napatingin ako kay Liam na nakatingin na pala sakin.

"So..." sabi niya. Awkward naman.

"Ahm, ganda ng ginawa ni Louis ah." Sabi ko. Tumawa si Liam.

"Oo nga eh. Ano kaya kapalit nito?" natawa ako sa sinabi ni Liam.

Maya maya pa ay dumating na si Louis dala dala yung mga pagkain namin. Nag thank you kami tas maya maya ay may dala si Louis na isang bote ng red wine.

"Ah Louis..." sabi ko. Underage pa kami, ah?

"Louis..." sabi ni Liam.

"Bago kayo mag react, relax! Iced tea lang laman nito, okay?"

"Weh?" sabi ni Liam. Tiningnan siya ng masama ni Louis.

"Alam mo, nakakailan ka na ah. Isa pang ganyan mo papaalisin kita dito tas kami ni Mich yung mag-d'date." Nag smirk si Louis kasi hindi na nakasagot si Liam. Napangiti na lang ako.

After 30 minutes ay natapos na din kami kumain ni Liam. Bigla namang pumunta uli si Louis samin.

"Sir, Ma'am, did you enjoyed your meal?" tumango ako at ngumiti si Louis.

"Sir?"

"Oo na lang, Louis." Tiningnan uli ng masama ni Louis si Liam.

"Liam" cold niyang sinabi.

"I mean, Yeah.. masarap yung pagkain. Good job!" sarcastic sinabi ni Liam at ngumiti si Louis. Hindi siguro niya napansin yung pagka sarcastic na tono ni Liam.

Tumayo na si Liam.

"Ah, sige ah? Mauuna na kami ni Mich." Tumayo na din ako at maya maya ay sumigaw si Louis. Wth?

"NO! HINDI PA KAYO AALIS! HINDI PA TAPOS YUNG ADVENTURE NINYO!!" Gulat na gulat yung expression ni Liam samantalang ako naman, ay nagtataka kung rinig ba sa buong gubat yung boses ni Louis.

"Pare, kalma." Sabi ni Liam at ngumiti naman si Louis na namula yung cheeks niya.

"Sir, and Ma'am...please follow me!"

"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Anong oras na ba?

"Pupunta tayo sa Neverland." Bulong ni Louis sakin sabay kindat. Ang childish niya. Nakakatuwang isipin na isa sa mga kaibigan ni Liam ay childish na ewan.

Avan's POV

"Claire..." mahina kong sinabi. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya.

"Avan, please." Naluluha na siya. Nakaramdam ako ng pagka-guilty.

"Claire, may flight ka pa bukas... gabi na." napayuko si Claire at tumango.

"So this is our closure?" nag shrug ako ng shoulders at mukhang pinipigil niyang umiyak.

"Wow, Avan. Naging girlfriend mo ko for two years. Two years, Avan. Now I'm standing right in front of you, asking you one simple question... and you can't even answer it? Huh, I guess that its true that people change and nothing stays the same forever." Walang forever, Claire.

"Claire—-"

"No, please let me finish. Avan, I still love you. I'm always here for you, and I know that deep in your heart; you still have feelings for me. Please, Avan. Let's go back to the way it was. Let's go back to the times that we both loved each other. Please?" shocks. Hindi ko alam kung ma nonose bleed ako o maguguluhan eh. Mahal ko pa ba si Claire?

"My flight leaves tomorrow night. 8pm. You still have some time to think about it." Lumapit si Claire sakin.

"Please. Choose me. Please." Tumulo yung luha niya at gustong gusto ko punasan yun.  nag smile siya sakin at umalis na. napa upo ako at nireplay ako ang mga pinagsasabi ni Claire sakin. Napahawak na lang ako sa ulo ko. Ughhhhh.

Liam's POV

"Louis, ilang minuto na tayo naglalakad. Saan mo ba talaga kami dadalhin?" sabi ko habang napabugtong hininga si Louis.

"Relax. Malapit na tayo" excited niyang sinabi. Pasimple akong tumingin kay Mich. Mukhang pagod na siya. Naka heels pa naman siya.

"Mich? Okay ka lang? gusto mo wag na lang tayo tumuloy?" concern kong sinabi sa kanya habang si Louis naman ay humarap sakin at binatukan ako.

"Aray!"

"Hindi pa tapos yung adventure ninyo kaya hindi pa pwede umalis!" sigaw ni Louis at nag pout. Nak ng... pano ko ba to naging kaibigan?! Natawa na lang si Mich at wala akong nagawa kung hindi sundan na lang si Louis.

10 MINUTES LATER.

PAGOD NA PAGOD NA AKO. AYOKO NA. SA PANAHON NGAYON MAS GUSTO KO PANG HUMIGA AT MATULOG KAYSA UMAKYAT SA PARANG HILL NA MALAPIT DUN SA GUBAT. Napatigil si Louis sa paglalakad. Kasi nakarating na kami dun sa taas ng hill.

"Sir, and Ma'am... welcome to Neverland!!" excited na excited siya. Tiningnan ko yung mga pinagsasabi niya, wala naman siyang ginawa dito, ah? Kaming tatlo lang dun sa taas ng hill. Madilim pa.

"Louis—-" bigla niyang kinuha yung phone niya.

"Guys? Okay na!" sabi ni Louis dun sa kausap niya sa phone.

"Sir, and Ma'am, please look up."

"Louis—-"

"ANO BA LIAM?! TUMINGIN KA SA ITAAS!" Sumigaw siya at natawa naman si Mich. Kinamot ko na lang yung ulo ko at tumingin sa taas.

"And in 3... 2.... 1..." nagbilang si Louis. Huh?!

"Woahhhh" sabi ni Mich. Napatulala din ako sa nakita ko. Nag set up pala si Louis ng isang fireworks display para samin. Mukhang tuwang tuwa si Mich at ng dahil dito, ay napangiti ako. Sa totoo lang, hindi ako naka focus dun sa fireworks... nakatingin ako kay Mich. Grabe nagrereflect yung mga ilaw ng fireworks sa kanyang mukha. Ang ganda niya. Simple pero sobrang ganda. No words can describe how perfect she is.

"Ang ganda." Sabi niya habang nakatingin pa din dun sa mga fireworks.

"Oo nga eh. Ang ganda." Sabi ko pero nakatingin ako kay Mich. At wala siyang kamalay malay na siya yung tinutukoy na maganda at hindi yung mga fireworks.

"Sir, it is required that you must look the Fudge UP PARA MAKITA NIYO PO YUNG KAGANDAHAN NG FIREWORKS AT HINDI YUNG KAGANDAHAN NG KA-DATE NINYO!" Biglang sumigaw si Louis kaya nagulat si Mich at napatingin samin. Tiningnan ko siya ng masama.

"SIR NAMAN!—-"

"ANO BA?! FEEL NA FEEL MO YUNG PAGKA WAITER SLASH TOURIST GUIDE, AH?!" Sigaw ko kaya naman natawa na si Mich. Pokerfaced naman si Louis at ngumiti lang ako sa kanya ng pang aasar.

Tumingin na lang ako sa taas at inintay matapos yung fireworks display.

Mich's POV

Grabe nag enjoy ako. Ang ganda nung mga fireworks. Infairness natuwa ako sa effort nila Louis at Liam para sakin. Ang swerte naman ng magiging gf ni Liam. Bigyan mo na kasi ng chance. Bulong ng konsensya ko pero hindi ko pinapansin. Naguguluhan pa ko kay Avan eh. Natapos na yung fireworks.

"Okay sir and Ma'am did you enjoy the surprise?" tanong ni Louis.

"Yep." Sagot ko.

"YES! SUCCESS!" Sigaw ni Louis sabay talon. Napailing na lang si Liam at napangiti.

"Mich, 10pm na. uhm... hatid na kita pauwi?" tanong ni Liam. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Okay Sir and Ma'am. Thank you for an amazing time. I hoped that you guys have enjoyed our little adventure!" sabi ni Louis habang paalis na kami dun sa gubat. Nakarating na kami dun sa tabi ng sasakyan ni Liam.

"Maypart two yung adventure natin, next time." Bulong sakin ni Louis sabay kindat. Natawa na lang ako at nagpasalamat.

Eyy, nagustuhan niyo ba yung surprise ni Louis kila Mich? Hahaha, vote and comment! Xxx

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

9.2K 546 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
4K 204 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
255K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
2M 45.8K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...