Chapter 2 (Rude Boy, New friend?)

202K 1K 150
                                    

Jade's POV

Habang nasa canteen kami ni Mich ay nakita ko si James na kausap niya ang iba niyang mga kaibigan. mukhang friendly naman siya eh... "Uh Mich?" tanong ko kay Mich habang kumakain siya ng fries.

"oh?"

"Diba kaklase mo si James?"

"ah oo. hmm, bakit mo natanong?" sabi niya na parang gustong gusto niyang malaman.

"w-wala lang." sabi ko habang nag-iisip ng ibang topic. Tsk, Jade naman eh!! Yan tuloy, nacurious tuloy si Mich sayo!

"Uy! crush niya si James." sinabi ni Mich na parang nang-aasar na ewan. Inirapan ko na lang siya na pabiro at sabi ko "alam mo, kumain ka na nga lang nga, baka agawin ko pa sayo yang fries mo eh!" dinilaan na lang niya ako habang tumawa ako. hmm, James, James, James! Bakit kasi ako nacucurious sayo?!

Mich's POV

Bakit kaya tinatanong ni Jade kung sino si James??? hmm, maasar nga! haha.  umakyat na kami Jade para hindi kami ma-late. nakita namin si Ma'am na papunta na sa classroom namin kaya umupo na kami ni Jade sa aming upuan. "Good Morning class! I'm your p.e. teacher Ms. Panganiban!" sabay sabay naman kami ng mga kaklase ko na tumayo para batiin si Ma'am. pinaupo na kami ni Ma'am at alam kong maglelecture na siya. first day magtuturo na kagad?!

"Okay class! please get a bond paper at magdrawing kayo ng favorite niyong sport. pagkatapos niyo i-drawing ang favorite niyong sport ay i-explain niyo kung bakit niyo favorite ang sport na yun! after that, please get a puncher and place it in a short folder. I will be giving each and everyone of you a folder that will serve as your profile here in my subject! any questions?"

"No Ma'am" sabay sabay namin sinabi ng mga kaklase ko.

"Very well! please start!" sabi ni Ma'am samin habang nakangiti.

After ten minutes ay tapos na 'ko magdrawing at mag-explain. kailangan ko na lang ng puncher. nagtanong ako sa katabi ko. "Uy, Liam! may puncher ka?" yan si Liam. kilala ko naman siya dati eh. nakilala ko siya dahil sa kaibigan kong si Diana. Boyfriend niya eh! kaya alam kong mabait tong si Liam!

"huh? wala eh. si Avan ata meron." bigla naman akong kinabahan. teka, teka, bakit ba ako kakabahan? mukha naman mabait si Avan eh. hmmm, mukha lang ba? o mabait talaga?

"Uh, excuse me." sabi ko sa kanya habang kinakalabit ko. "May puncher ka?"

"Wala" aba! ang sungit ah! di man lang lumingon. ugh! tiningnan ko si Liam na para bang nakangiti na nang-aasar. kinalabit naman siya ni Liam at lumingon naman si Avan. ugh! asar naman si kuya!!

"Pre, pahiramin mo na" sabi ni Liam na nakangiti. bigla naman ako napangiti dito. Kaya siguro minahal to ni Diana. padabog naman sakin binigay ni Avan ang puncher. tinaasan ko na lang siya ng isang kilay at mabilis ko itong ginamit para di magalit sakin. Di ko naman namalayan na nakatingin sakin si Avan. napatingin ako sa kanya at nagkatitigan kami for 5 seconds bago siya magsalita "Tapos ka na ba? bilisan mo nga. ang bagal mo naman gumamit." Yung totoo?! anong ginawa ko sayo?! "Oh" sabi ko at nag fake smile ako sa kanya.
"Sa susunod kasi, magdala ka ha? bagal bagal gumamit eh." bigla naman siyang tumalikod sakin. Napatingin naman ako kay Liam na nagsmile sakin. "Hayaan mo na lang yan. Ako bahala sayo" ngumiti ako sa sinabi ni Liam. Baka maging bago ko siyang kaibigan :)

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon