Mantovani Maids: Caterina

By JeanRafaelle

649 80 20

A Collaboration with Raven Sanz and Darla Tverdohleb Takot mag-isa ay hindi pinag-isipang maigi ni Yna ang de... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 8

21 4 0
By JeanRafaelle

CHAPTER 8

Yna

"Your sisters are just like 20-30 meters away from here. Yet, here you are in the corner, just staring at them."

Mula sa direksyon ni Ate Kang, at ni Det na kamakailan lamang biglang dumating dito sa Palazzo, umangat ang mukha ko at nilingunan si Riguel. Napaaga yata ang pagpunta niya samantalang Linggo ngayon; weekdays lang ang paghahatid niya ng report tungkol sa company ni Dad. Hindi pa isama na alas sais pa lamang ng umaga.

"Ang aga mong manligaw. Sa hapon dapat." Ibinalik ko ang atensyon ko sa pako na pinaiinit ko sa bagang natira ni Manang Lupe sa pagpapakulo ng tubig kanina.

"I told you, already: I'm not courting you."

Ngumiwi ako. "Not courting mo mukha mo. Araw-araw kang narito at—" Bumuga ako ng hangin. Malapit-lapit na akong mawalan ng pasensya sa lalaking ito. Sobra kung magpakipot. Sobra rin kung mag-deny. Kaya nga hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil alam kong mag-rarason na naman siyang noon pa man ay araw-araw na siyang pumupunta rito, at kaya siya nagtatagal ay dahil naka-leave siya nang ilang buwan sa isang dahilan na hindi naman niya sinasabi.

Malamang sa malamang ay ako ang dahilan. Ilang ulit ko nang sinabing hindi na niya kailangang manligaw—kasi sinagot ko na siya nang sabihin niya iyon kay Emilia. Ilang ulit na rin niyang tinanong kung bakit.

"Desperado na ako. Kung ayaw mong sagutin kita, ako na lang ang manliligaw, ikaw sasagot nang oo," iyon ang tugon ko palagi sa kanya. Matapos niyon ay titingnan niya lang ako. Magtititigan kami hanggang sa magwo-walk-out na lang siya.

"Ituloy mo kung ano'ng sasabihin mo." Umupo si Riguel sa isa pang bangko malapit sa kinauupuan ko.

"Nakakasawang magpaulit-ulit." Gamit ang pliers, kinuha ko na iyong pakong pinaiinit ko saka itinusok iyon sa lumang tabo na kinuha ko pa sa basurahan kanina.

"Are you really that desperate?"

Umirap ako sa ere saka ibinalik iyong pako sa baga. "Kakasabi ko lang na nakakasawang magpaulit-ulit."

"I need an explanation, Cat. Hinihintay lang naman kitang mag-explain."

Natampal ko ang aking noo. "So, kaya ka pala nag-wo-walk-out kasi hindi ako nag-e-explain?"

Isang tango ang tugon niya. "Para saan ba iyan?" Tiningnan niya iyong tabo sa kandungan ko.

"Para sa kanila." Tumango ako sa gawi nila Ate Kang.

"Para sa kanila? O gumagawa ka lang ng excuse para hindi mo sila gaanong kausapin?"

Bumukas ang bibig ko pero hindi ako nakapagsalita. Gusto kong tampalin na naman ang sarili ko. Isang linggo at apat na araw na akong narito sa Palazzo. Samakatuwid, ganoon na rin ang bilang ng araw na nakikita at nakakausap ko si Riguel.

Pagdating sa kanya, hindi ko namamalayang nakakapag-share na ako ng mga bagay-bagay.

Napansin niya nito lang na parati kong pinanonood ang mga kapatid ko sa malayo. Tinanong niya ako, "Bakit hindi mo sila lapitan kung gusto mo silang kausapin?"

Sinagot ko naman siya: "Ayaw kong ma-attach muna. Baka malimutan ko kung bakit ako nagpunta rito sa Tarlac. Napansin ko kasing bahagyang lumalambot ang puso ko kay Ate Kang. Mahirap na. Dapat ay focus lang ako sa—"

"Sa?"

Nahampas ko siya sa balikat nang araw na iyon. Kung bakit nagdedesisyong mag-isa ang isip kong pagkatiwalaan si Riguel ay hindi ko alam. Marahil nga ay desperada na ako. Hindi kasi ako ganito. Ngayon lang. Maiintindihan ko pa kung magiging ganito ako sa mga kapatid ko dahil sabik din ako sa kapatid.

Noon ngang gabi na biglang hinika si Ate Kang ay hindi na ako mapakali. Masabi mang ganoon ay nagbigay-daan iyon para makapagkuwentuhan kaming dalawa noong humupa na ang hika niya. Sa una ay nahiya pa si Ate, pero ilang minuto lang ay nag-umpisa na siyang magtanong sa akin ng mga personal na bagay, tulad ng kung bakit ako napunta rito. Umiwas ako agad. Napansin niya siguro ang ganoong reaksiyon ko kaya hindi na umaabot ang mga usapan namin nang mas malalim pa—iyong tipong personal.

Nang dumating naman si Diletta, simpleng tanungan at kuwentuhan lang din. Sa sobrang simple pa nga ay hula namin ni Ate Kang na hindi niya alam na kapatid namin siya. Mukha rin siyang mamahalin, may pagka-maldita at maarte, siyang inaasahan ko na noong unang beses ko siyang nakita. Pero lubos kaming natutuwa ni Ate Kang sa kanya dahil lumalaban siya kay Emilia.

Masaya naman akong makasama at makilala sila maski paano. Minsan pa nga ay nag-aalala ako sa isa ko pang kapatid na hindi tinanggap ni Emilia. Nakakamangha rin ang pagkakataon dahil nagkrus ang mga landas namin, at sa bahay pa ni Dad nangyari.

Pero marahil, nasa sistema ko na ang pagiging cautious. Kahit alam kong malaya akong magtanong anong nagtulak sa kanila para pumunta rito, o kaya naman ay tanungin kung saan sila nanggaling at anong kailangan nila kay Dad, o kaya naman ay sabihin ko sa kanilang kay tagal kong pinangarap ang pagkakataong makita sila, ay hindi ko magawa.

Kinita-kita ko nang sa kanila na mababaling ang buong atensyon ko. Kapag nangyari iyon, hindi ko na matutupad iyong pangarap ko para kay Nanay. Alam kong hindi ko makikita ang magiging reaksyon niya, pero alam kong makikita niya pa rin kapag namuhay na akong hindi mag-isa at may... .

Malalim ang naging paghinga ko. Kinuha ko ulit ang pako at itinusok iyon sa tabo. "Huwag mong ibahin ang usapan," sabi ko. "Explaination ko ang hanap mo pero biglang tanong ka tungkol dito sa tabo."

Bumuntonghininga siya. Nagtitigan na naman kami. Hindi siya nagsalita kaya hindi rin ako nagsalita.

Hanggang sa hindi siya nakatiis. "I'm waiting."

"Ayaw kong ma-stuck sa kung saan ako iniwan ni Cas." Bumigat na naman ang dibdib ko. "Gusto kong mag-move forward, Riguel, at least magkaroon ako ng pag-asa ulit."

"Pag-asa saan?"

"Na..." Napalunok ako.

"Na ano?"

"Na magkaroon ng ano—" Dios mio, Yna. Mag-e-explain ka na lang din, hindi pa rektahan.

"Pag-asa na magkaroon ng ano?" tanong niya ulit.

Pero ilang segundo ang lumipas, hindi na ako nakaimik. Nang akmang tatayo siya ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko. "Magkaroon ng asawa; iyong taong tiwala ako na hindi ako iiwan at sasamahan ako sa hirap at ginhawa. Iyong sasamahan akong bumuo ng pamilya."

Corny, at cheesy. Ngiwi ang mukha ko sa mga salitang nagamit ko. Hindi ko nga rin magawang magmulat kaya inaasahan ko nang wala na si Riguel sa harap ko. Nakakakilabot nga namang pakinggan ang mga iyon kaya siguradong natakot o nawirduhan siya sa akin.


Nang magmulat ako ay hawak-hawak na iyon ni Riguel. Pati iyong pako ay kinuha na niya mula sa baga gamit ang pliers.

Ginaya niya ang ginagawa ko kanina. "That's the weirdest thing I've heard." Ngumiti siyang sinulyapan ako at sinuri iyong butas na ginawa niya. "Aunt Emilia already made a hint last time."

Nakakatunaw ng puso iyong huling sinabi niya. Hindi rektahan pero parang ipinapahiwatig niyang ayaw niya akong masaktan kung sakaling hindi niya ako seseryosohin. Pero mas nakakatunaw ng puso iyong mukha niya. Pansin ko na noon pa: mukha siyang pure Korean kapag close up. Pero kapag iniba na ang anggulo, doon na makikitang nahaluan siya ng ibang lahi.

"Ita-try lang naman natin kung uubra tayong dalawa." Namimilit ako, bakas iyon sa tonong ginamit ko.

Risky ang ginagawa ko, batid ko. Pero wala, e. kailangan kong subukan. Kailangan kong i-pursue si Riguel, kailangan kong pagkatiwalaan siya kahit takot akong magtiwala.

Iyon nga ang dahilan kaya ako iniwan ni Caspian, hindi ba—hindi ako nagtitiwala? Kung ipagpapatuloy ko ang ganoong pag-uugali, walang mangyayari sa akin.

Mauulit lang ulit ang nangyari sa amin ni Cas. Maiiwan ako sa kangkungan nang mag-isa.

Mamumuhay nang mag-isa. Worst, mahihirapan akong harapin ang lahat sa buhay nang mag-isa—parang si Nanay.

At ayokong mangyari iyon sa akin.

"Paano kung masaktan ka—ulit?"

Sa ngayon, wala nang puwang sa akin ang salitang sakit. Napag-isipan ko naman na. At muli't muli, batid kong risky itong pinapasok ko. "At least, nag-try pa rin ako."


"E, ikaw lang ang currently available. Narito ka na, bakit pa ako titingin sa malayo?"

Napangiti siya. Parang nahiwagaan siya sa narinig dahil lumitaw iyong perpektong ngipin niya. "I thought you have trust issues."

Sabi ko na nga ba.

"Oo, mayroon. Kaya napakaswerte mong desperada ako ngayon. So, ano? Sinasagot mo na ba ako? Last chance mo na ito, Riguel. Kapag nagpakipot ka pa, habambuhay mong pagsisisihan iyang pag-iinarte mo." Tumayo akong kinuha ang isa pang tabo na nagawa ko na kanina pa, maging ang tabo na hawak ni Riguel. Iniwan ko na siya roon saka nilapitan ang mga kapatid ko.

Nais kong malunod sa kahihiyan. Pinaglabanan ko na lang. Ni minsan ay hindi ko kinapalan ang mukha ko. Ngayon lang, kay Riguel. Ang kakatwa, ngayon ko lang napagtantong nakaka-enjoy rin pala kung kakapalan mo ang mukha mo minsan.

"Ito na ang gamitin ninyong dalawa kaysa riyan sa tabong walang butas," wika kong sumingit sa kung anumang pinag-uusapan ng dalawa sabay abot sa kanila ng dalawang tabo. "Medyo naglupaypay na iyang ibang plantitas ni Madame. Baka kagalitan tayo."

"Hayaan mo na iyon si Witch Emilia, Ate Yna. It's her fault, anyways. May hose naman pero pinag-igib pa tayo at pinagamit ng lumang tabo." Iyong paglukot ng ilong ni Diletta nang tapunan ng tingin ang tabong hawak niya, halatang nandiri siya.

Natawa ako, gayundin si Ate Kang na hinablot naman mula sa kamay ni Diletta iyong tabo. "Ito na ang gamitin mo. Nalinisan na ito ni Yna, o." Ibinigay niya kay Det iyong tabo na ginawa ko. "Saka nasabi ni Madame, kailangang magtipid ng tubig; ang taas ng bill na dumating."

Kay lakas ng buntonghininga ni Diletta. "Sige na nga. Kung hindi lang kayo mapapagalitan ng bruha, sisirain ko na ng tuluyan itong mga plantitas niya."

"Naku." Si Ate Kang ulit. "Wala na palang tubig itong timba." Akmang bubuhatin sana niya ang timba pero kinuha ko na.

"Ako na, Ate, bawal kang mapagod."


"'Wag na kayong magtalo." Ngumuso si Diletta sa gawi ng likuran ko.

Nabitiwan ko ang timba saka napatayo nang tuwid. Palapit na si Riguel sa amin, buhat-buhat ang dalawang malalaking timba na puno ng tubig. Ang kaninang itim na t-shirt na suot niya ay napalitan na ng itim na sando.


"Malakas talaga ang pakiramdam kong may gusto siya sa iyo, Ate Yna." Napakrus ng braso si Diletta. Hindi ko naman masisi ang kapatid ko kasi nagmistulang buntot palagi ni Emilia ang pamangkin niya.

Kung bakit, malalaman ko rin naman iyon—kung sasagutin ako ni Riguel para maging opisyal na kami.

Dios mio, Yna, nasaan ang delikadesa mo? Saan ka nakakita ng babaeng nanliligaw?

Pasimpleng ngumiwi ako. Nawawalan talaga ng delikadesa kapag desperado na.

"Same hunch, Det." Mahina ang boses ni Ate Kang na siniko pa ako sa tagiliran. "Noong ako pa lang dito ay hindi naman siya gumagawa rito sa mansion. Ngayon ay parang naging boy na siya rito't dinaig pa iyong mga ibang mga tauhan kung makapagtrabaho."

"Pero infainess, ah," pinasadahan ni Det ang kabuoan ni Riguel, "akala ko noong una, payatot siya. May muscles din pala. Sa unang tingin kasi, parang hindi siya nagtatrabaho nang mabigat."

"At ang gwapo rin niya." Hindi ganoon kahalata pero kinilig si Ate Kang. "Kahawig niya iyong bida sa pinapanood kong Kdrama."

"Hmp!" Siniko ni Det si Ate Kang. "But this one is different. Hindi retoke ang mukha. Natural din ang muscles at hindi implant."

Nasapo ko ang aking bibig. Pinigilan kong tumawa sa takbo ng usapan ng dalawa. Ganito pa lang ang lagay namin pero nag-e-enjoy na ako. Paano pa kaya kung makikilala ko sila nang mas malalim pa?

Tuluyan nang natahimik ang mga kapatid ko nang makalapit si Riguel. Mabuti na rin. Kasi kung hindi, hindi ko mapipigilan ang sarili kong hindi magkuwento nang higit pa sa kung anong dapat kong sabihin, siyang ayaw kong mangyari—sa ngayon.

"Breakfast is ready. Ako nang magtatapos nito." Sa pagbaba niya ng dalawang timba nakabaling ang atensyon niya.

Nakahinga nang maluwag si Det. "Mabuti namanBintiwan na niya ang tabo. Pero kami ni Ate Kang, atrasado sa sinabi ni Riguel. Nagkatinginan pa kaming magkapatid bago ko nilingon si Riguel.

Bigla akong nainis na hindi ko mawari. "Baka magalit ang tiyahin mo. Tutulungan na kita. Ikaw, Ate Kang, pumasok na kayo ni Det. Kami nang bahala rito."

Alanganin iyong ngiti ni Ate.

"Don't worry." Pinalibot na ni Det ang braso sa braso ni Ate Kang. "Ako ang bahala kay Witch Emilia."

Naiwan na kami ni Riguel, si Riguel na mabilis ang pagkilos at tahimik nang nagdidilig.

Padabog akong sumalok ng tubig. Noon nag-ring ang aking cell phone. Malamang ay mangangamusta siya. Minsan ko nang nasagot ang tawag niya at sinabi ko na ring hindi na ako papasok pa, na nasa Tarlac ako.

Samakatuwid, wala nang dahilan pa para makipag-usap ako sa kanya. Kung trabaho lang ang dahilan para bumalik sa Cavite ay hindi na bale. Wala na akong maituturing na mabigat na dahilan para bumalik doon.

"Hindi ko gustong inaako mo ang trabaho namin." Iritable ang boses ko, salubong din ang kilay.

"I'm not doing this to please you." Abala pa rin siya sa ginagawa.

"Talaga ba?"


"Out of guilt, ganoon ba?" Hinahamon ko siya sa tanong na iyon.

Noon niya ako hinarap, pagalit din na ibinato ang tabo sa timba. Inayos-ayos pa niya ang suot niyang sombrero "No. It just feels so right to be with you, Cat."

Tumalbog ang puso ko sa narinig. Hindi na ako nakasalok ulit ng tubig.

Siya naman ay tumalikod nang tinuloy ang ginagawa. "Stop standing there. Tulungan mo na lang ako para matapos na 'to at makaligo ka na't makapagbihis."

"Ha? Bakit?"

"Doon tayo kakain sa labas."

Laking pasalamat ko dahil nakatalikod siya, kung hindi, makikita niya iyong pagkaawang ng bibig ko. "Sino ang kasama natin?"

"Just the two of us."

"Mag-di-date na tayo?"

"Nope. Ayaw ko ng ulam kaya sa labas na lang tayo kumain."

Natawa ako. Kay tatag talaga ng lalaking ito na magpakipot.

***

Pa'no kung ikaw at ako na lang
Pa'no kung walang mangingialam
Ako ba'y hanggang tingin na lang

Sa kabila ng mataas na araw, iyong tugtugan ni Riguel sa music player ng sasakyan niya ay parang pang-ulan. Lahat ay puro rap love songs. Hindi masakit sa tainga lalo na itong kasalukuyang nagpi-play sa speaker: Heart React by ALLMO$T

Kung sana lang ay may epekto ang naririnig ko sa kasalukuyang pinagdaraanan ko. Pero wala. Tumatahip ang dibdib ko, at parang gusto ko nang maiyak. Hindi ko lang maaaring ipakita ang kahinaan ko, lalo na sa ganitong pagkakataon.

Sa nadaraanan namin ay lalong kumakapal ang mga puno. Kay tataas din ng mga burol, at may kabundukan pa sa malayo na parang kay lapit lang.

Alas otso pa lang ng umaga. Pero naobserbahan kong walang poste ng ilaw sa makabilang gilid ng kalsada. Kung sa parte ng Tarlac kung saan naroon ang Palazzo Mantovani ay magkakalayo ang mga kabahayan, dito ay ni isang bahay ay wala man lang akong nakikita. Mayroon naman. Pero kailangan pang tahakin ang kilo-kilometrong layo bago may sumulpot muli na bahay.

Masiyado ring seryoso si Riguel sa pagmamaneho. Sa katunayan ay hindi siya nagsasalita magbuhat noong umalis kami sa Palazzo. Parang hindi ko rin naririnig na humihinga siya.

Dios mio, Yna. Psycho yata ang lalaking iyan at balak na ikulong ka sa bahay niya kasama ng mga babaeng nabiktima niya.

Nasapo ko ang aking leeg, doon sa bandang collar bone. Dala lang marahil ito ng kababasa at kapapanood ko ng mga horror at psycho-thriller. Pero mas tumindi pa ang pagtaas-baba ng dibdib ko. Ayaw kong isipin ang pagkamatay ni Nanay. Kasi kung tutuusin, wala namang ibang may galit sa kanya kundi si—

Naninigas ang leeg ay nilingon ko si Riguel. Sinadya ang pagkamatay ni Nanay. Posibleng pagtangkaan din ang buhay ko.

Hindi puwede. Si Riguel lang pag-asa ko sa ngayon. At ayaw ko pa munang mamatay.

"Ayos ka lang ba, Riguel? Parang hindi ka na kasi humihinga riyan." Pinilit kong maging kaswal ang tono ko. Sa puntong iyon ay sa iba ko itinuon ang atensiyon ko.

Mabango siya, Yna. Iyong amoy na lang niya ang isipin mo. Mantakin mo iyon? Pawis na pawis siya sa pagbubuhat ng balde-baldeng tubig, nababad pa siya sa ilalim ng araw

Powdery scent. Kalapit ng pabango na ginagamit sa sanggol. Sabagay, mukha siyang baby. Seven years ang tanda niya sa akin. Pero parang magkasing-edad lang kami.

Napapikit ako saglit. Huminga rin ako nang malalim. Naghuhurumentado pa rin ang puso ko. Hindi umuubra ang pagpapakalma. Hindi kasi siya sumagot.

Noon ko akmang kakalabitin si Riguel. "Hoy, Rig—" Hindi ako nakahinga. Bago ko pa mailapat ang dulo ng daliri ko sa braso niya, mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Hindi mahigpit. Banayad. Hindi halos maramdaman pero pinisil niya ang kamay ko.

Maganda ang kamay niya pero magaspang sa pandama, tulad ng kamay ng isang taong bugbog sa trabaho.

Weird.

Nakaka-curious din.

Nilingon niya ako. "Oo. Okay lang ako." Ngumiti siya. Bumitiw na rin.

"Okay ka pero hindi ka nagsasalita?"

Nakabaling lamang siya sa daan habang sinasabi iyon.

"Oo."

Tatlong beses gumalaw ang adam's apple niya. "Hustong gumanda ka sa suot mo. It makes me feel uneasy."

Napatiim ako ng bibig saka pinasadahan ng tingin ang suot ko. Maxi-dress. Square neck. Short and garterized sleeved. Itim. Pinahiram sa akin ni Det. Iilan lang naman kasi ang dala kong panlabas. Tamad kasi akong maglaba kaya mas maiging kaunti lang ang damit.

Hindi ko naman akalaing magiging kasambahay ang siste ko pagkarating sa Palazzo. Kung alam ko lang sana, dinala ko na lahat ng damit ko.

"Itim ang favorite color mo, ano?" tanong ko, nagbabakasakaling maging komportable siya maski paano.

"Nope. Pink ang paborito kong kulay."

Ngumiwi ako. Sa ganoong sagot niya ay nawari ko nang itim ang paborito niyang kulay. "Ah, okay. Pero mahilig ka sa rap songs?"

"Love songs."

Pasimpleng natampal ko na lang ang noo ko. Akmang magsasalita pa sana ako nang lumiko ang sasakyan. Marami pa ring mga puno. Sa parteng iyon ay nagmistulang kuweba na gawa sa mga puno ang nadaraanan namin. Sipat na rin ang isang malaking gate—na sinsosyal ng gate sa Palazzo.

Villa Tuscana ang nakasulat sa pader na nasa gilid ng malaking tarangkahan. Nang makalapit pa, noon bumungad ang isang malaking bahay. Nasa mataas na bahagi iyon. At kitang-kita ang kabuuang harap ng mansyon. Modern style. Grey, white at black ang exterior at mga pundasyon. Puro salamin ang mga pader.

"Wow." Huli na para mamalayan kong halos nakanganga na pala ako. Imposibleng kainan ang napuntahan namin. "Akala ko ba... sa labas tayo kakain?" Pagkatanong ko niyon ay nilingon ko siya. Sumaktong nakapasok na kami sa gate.

"Oo nga, sa labas—sa labas ng bahay namin."

Kunot ang noo kong bumaling sa harap. Dalawa sa taong naroon ay nakadalo na sa mesa. Ang dalawa ay nakatayong kumaway pa sa amin.

Nilingon ko ulit si Riguel. "Hindi mo pa nga ako sinasagot, ipapakilala mo na ako sa pamilya mo?"

Natawa siya. "E, di, sinasagot na kita."

"Weh? Sinasagot mo na ako? Kiss nga kung totoo." Kusang lumabas ang ganoong salita, lalo na ang reaksiyon kong itinuro pa ang labi ko sa paraang hindi ko agad naunawaan ang sinabi niya—sa paraang parang isang kaswal lang ang usapan namin.

Sobrang huli na para mawari ko ang lahat nang kinuha niya ang kamay ko... at hagkan iyon.

Naiwan na nakaawang ang bibig ko.

Si Riguel? "You don't believe me, do you?"

Hindi ko akalaing makakapagsalita pa ako. Lalong hindi ko rin inakalang makakadama ako ng ganito: iyong lumundag ang puso na dumating pa sa puntong parang lilisanin ako ng malay sa sobrang tuwa. "So... t-tayo na?"

Sabay kaming ngumiti.

"Yes, Cat, tayo na."

Continue Reading

You'll Also Like

472K 13.7K 34
Isla de Vista Series #5 Cresia, The girl of perfection, emotionless, unbothered, silent, and immovable. She is used to the life dictated to her how...
1.2M 44.3K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
4.2M 245K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...