Guilty Pleasure 01: Pain Afte...

By dimples_eyebrow

173K 2.7K 260

Ero-romance | R-18 "A night with the bottle of vodka is where it all started." Inside the peaceful province o... More

Disclaimer
Prologue
Pleasure 01
Pleasure 2
Pleasure 3
Pleasure 4
Pleasure 5
Pleasure 6
Pleasure 7
Pleasure 8
Pleasure 9
Pleasure 10
Pleasure 11
Pleasure 12
Pleasure 13
Pleasure 14
Pleasure 15
Pleasure 16
Pleasure 17
Pleasure 18
Pleasure 19
Pleasure 20
Pleasure 21
Pleasure 22
Pleasure 23
Pleasure 24
Pleasure 25
Pleasure 26
Pleasure 27
Pleasure 28
Pleasure 29
Pleasure 30
Pleasure 31
Pleasure 32
Pleasure 33
Pleasure 34
Pleasure 35
Pleasure 37
Pleasure 38
Pleasure 39
Pleasure 40
Pleasure 41
Pleasure 42

Pleasure 36

1.8K 45 4
By dimples_eyebrow

Hindi ako makatulog sa gabing iyon. Madaming paraan na ang ginawa ko para makatulog ngunit hindi ko magawa. Kailangan ko pang pumunta kay Nick kinaumagahan para mag-usap para sa aking trabaho.

He sent me a pic that I can follow for my dress. Alanganin pa ako dahil baka hindi bagay sa akin. Masyadong fitted at lantad sa cleavage ang halos lahat ng nasa larawan.

Ngunit ang pinag-aalala ko talaga ay ang mensahe na aking natanggap sa aking cellphone. Ilang minuto rin akong nakatitig, nag-iisip kung ano ang plano na aking gagawin. Kung ano ang gagawin ko, kung sasabihin ko ba kay Arthuro ang text ng kanyang magulang o makikipagkita ako sa magulang niya.

His mother already sent a date, I don't know if I am available that day. Hindi muna ako nag-reply sa kanya dahil hindi talaga ako sigurado.

Inumaga na akong natulog. Pagkagising ko ay sabog ang aking mga mata dahil sa puyat. Inaantok parin ako ngunit kailangan kong bumangon para sa pagkikita naming ni Sir Nick.

Kailangan kong abalahin ang aking sarili, kailangan kong gawin iyon para hindi maisip ang lahat ng sakit na aking naranasan sa pagkawala nila mama at papa at ang paghihiwalay namin ni Arthuro. Hindi ko nga alam kung totoo ba ang nararamdaman ko para sa kanya, alam kong masama iyon pero naguguluhan ako. He was my first, and he came to my life in the middle of my darkness, nalilito ako kung mahal ko ba talaga siya o sadyang kailangan ko siya. Naiinis ako sa aking sarili dahil mismong sarili ko ay hindi ko na kilala, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. I am afraid, and I don't want to disappoint myself, I can't afford it because it that happens...I'll lost myself.

Ginugol ko ang aking oras sa loob ng banyo, naglinis ako ng aking katawan dahil hindi ko naman alam kung paano ang mangyayari, kung titingnan ba ang lahat ng parte ng aking katawan. Kung pati singit ba ay kailangang tingnan.

I wore tight leggings that I bought in a mall, binili ko 'yon kasama si Arthuro. I wore a cropped black tight dress with one flower in front. Nagdala rin ako ng hindi kataasang pointed heels dahil iyon ang nakalagay sa sinend ni sir Nick. As usual, I made my hair in a ponytail.

Naka-running shoes akong nagtungo sa building ng modeling agency ni sir Nick. Ginakabahan ako at pinagpapawisan dahil hindi ko alam kung ano ang pinasok ko. Maganda ang building, halatang sikat ito dahil sa eleganteng disenyo nito, it's a combination of white, gold, and little bit of black kaya mas nagmumukhang mamahalin.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako pumasok. I tried my best to look cool, I don't want people to see me nervous, baka iyon pa ang dahilan kung bakit hindi ako matanggap.

Kaagad akong nagtungo sa bulwagan at nakita ang isang counter malapit sa may elevator.

I asked for sir Nick and I told my name to the lady in corporate attire.

"Oh my! Ang aga mo! I love that, ayaw ko ng late sa building na 'to!" kaagad siyang tumayo sa kanyang swivel chair nang makarating ako sa mismong opisina niya. Sinalubong niya ako ng yakap.

I forced a smile in front of him. I don't even know if it was an awkward smile.

"Tingnan mo nga naman. Bulag ba ang ibang modeling agency at hindi ka nakita?" tanong niya sa akin ngunit hindi ko alam ang isasagot ko.

Ngumiti na lamang ako.

"Alam mo lahat talaga ng mga na-da-date ni Juakin puro model ang datingan. Look at you! Mukha palang panalo na." I was overwhelmed. Hindi ko alam kung nambobola na siya sa akin para hindi nalang ako masaktan.

Nag-usap pa kami ng ilang bagay. About sa kontrata, kung ano ang trabaho, mga expected na gagawin at mga maaring disadvantages.

Pinasubok niya rin akong maglakad.

Nanginginig pa ang tuhod ko noong una dahil hindi ko napaghandaan. Halos matumba na rin ako dahil wala akong balanse sa katawan.

Pinapanuod lamang ako ni sir Nick habang nakahawak siya sa kanyang baba habang ako ay naglalakad.

"Hija, listen to me," kinabahan ako bigla.

"You have the shape, ano diet mo?

Nagulat ako sa tanong niya kaya napakamot ako ng aking batok, "wala po. Stress lang," natatawa kong saad at narinig ko nama ang malakas niyang tawa.

"Ang funny mo!"

"Okay seryoso na. You have the shape, and kailangan mong i-tone down pa ang shape mo para lumabas ang abdominal muscles mo. May alam akong gym na malapit! And then the walk, I think you have to improve that especially when you want to try the runway modeling. May social media accounts ka ba?" tanong niya sa akin habang tango naman ako nang tango.

"Kailangan mong i-improve at mag-post ka ng picture, kailangan na 'yan ngayon para mapansin ka ng mga brands."

At doon kami tuluyang nag-usap pa ni sir Nick.

I learned a lot from him and that made me inspire more to do push my work. I signed a contract and sir Nick gave me a gig from a small business brand. Maliit lang ang naging sahod ko pero sapat na iyon para sa aking pang-araw-araw.

Noong una ay hindi ko pa gamay ang tamang pagtayo at pag-post sa harap ng camera. Tuwing gabi ay nag-eensayo ako sa harap ng salamin na binili ko. Malaki ang salamin para mas makita ko ng buo ang aking katawan tuwing naglalakad palapit roon. Sinubukan ko rin magpose gamit ang iba't ibang anggulo. May workshop naman akong pinupuntahan, tuwing sabado iyon at libre, sa management ang may gastos ng lahat.

Mababait rin naman ang mga kasamahan ko sa loob ng ilang linggo na kasama ko sila. May mga mata akong nakikita ngunit may mga iba rin naman na mabait na kagaya kong baguhan lang din.

Mabilis kong pinulot ang aking towel sa bench ng gym kung saan ako nag-enroll. Apat na araw pa lamang akong nag-enroll at medyo masakit pa ang aking katawan dahil hindi ako nasanay.

Noong unang pangalawang araw ko ay wala akong magawa kundi mag-hire ng gym instructor baka raw mabali ang aking katawan kung ako lang ang mag-isa.

It's been a month since I signed the contract at Nick Modeling Agency. Naging maayos naman ang mga naunang araw ko kaso hindi ko maiwasang hindi ma-overwhelmed dahil hindi ko naman iyon kinalakihan. Para akong sumalang sa isang lugar na hindi ko alam kung ano ang makikita ko. At sa unang buwan ko na iyon ay natutuwa naman ako sa kinakalabasan. I've been more conscious to my body, to the way I dress, the way I walk and the way I saw some instances in life like modeling is an uncertain process. Madami akong natutunan at masaya naman ako doon.

"It's getting hot in here," pang-aasar ni Juakin sa akin nang makita ko siya sa gym.

"Hello!" pagbati ko sa kanya, "ngayon lang kita nakita dito." Dagdag ko.

Tumango siya at ngumuso, "Yes. Ngayon ko lang nakita na may mas malapit palang gym dito. Ikaw? I heard you're into modeling now?" tanong niya nang hubarin niya ang zip-up hoodie jacket niya.

Tipid akong ngumiti at tumango, "yes, thank you pinakilala mo ako kay sir Nick."

Tumango rin siya. "Talaga namang agaw atensyon ang ganda mo." Ngumiti siya sa akin.

"Nambola ka pa." wika ko na lamang at nagpatuloy na.

Tagaktak na ang aking pawis nang tumigil ako. I just improved my core muscle.

Dalawang oras ang aking inabot. Saktong patapos na ako nang matapos rin Juakin.

Nakabihis na siya at nakabihis na rin ako. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at nagtanong.

"Pauwi ka na?" tanong niya sa akin habang nag-aayos ng kanyang basang buhok. Amoy na amoy ang panlalaki niyang pabango.

Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"Do you have plans for today? Can we have...lunch together? Bago kita ihatid pauwi?" Hindi ko iyon inaasahan sa kanya. Sinulyapan ko siya ng ilang segundo, mukha naman siyang seryoso at hindi nagbibiro.

"Sige," wika ko na lamang. Hindi naman siguro masama kung sasamahan ko siya at ito na rin siguro ang pagkakataon ko para opisyal na magpasalamat sa kanya.

Dahil wala naman akong sasakyan ay nakisabay na lamang ako sa kanya. Malapit ang pinuntahan naming at mukhang madalas siya roon dahil kilala na siya ng mga staff roon.

Namili akong ng makakain. Vegetable salad and avocado shake. Diet ako ngayon at kaunti lang dapat ang aking kakainin, noong unang mga araw ay mahirap sa akin dahil kinalakihan ko talaga ang karne at kanin na mataas sa taba at carbo.

"Rabbit ka na ngayon ah," pang-aasar ni Juakin sa akin. Sinamangutan ko siya.

"No choice, baka pagalitan ako ni sir Nick." sagot ko.

"Kamusta naman ang syudad sa'yo? Ilang buwan rin tayong hindi nagkita ano?" tanong niya sa akin.

"Ayos naman ang Maynila sa akin ngayon." Natatawa kong saad dahil sa tanong niya. Inisip ko rin kung kailan ang huli naming pagkikita.

"Last meet natin noong pinakilala mo ako kay sir Nick at mga kaibigan mong model." Wika ko sa kanya at parang nagulat siya sa sinabi ko.

"Yeah. I was so drunk that night. Adi almost beat me up that night because I stole you from him—" hindi natuloy ang sinabi niya nang may mapagtanto.

Bumagsak ang kanyang balikat.

"I'm sorry," bawi niya sa akin at tumango na lamang ako. Alam kong alam naman niya kung ano ang nangyari sa amin ni Arthuro.

"It's okay," at sumipsip ako sa aking inumin. "kamusta na siya?" tanong ko dahil wala nadin naman kaming contact sa isa't isa. Hindi ko na din siya nakikita pa.

"He's doing...okay?" tanong iyon mula sa kanya kaya mas lalo akong naguluhan.

"I don't really know but his company is doing well kaya baka ayos lang din siya. Bumalik lang siya sa dati." Dagdag niya at umiling-iling pa ito.

Kumunot ang noo ko. "Dati?" tanong ko.

"Yeah," bumuga siya ng malalim na hininga, "he's back being a beast." Natatawa niyang saad.

"I'm sorry for what happened to the both of you," tahimik niyang saad.

"Ayos lang iyon." I sighed. "Salamat nga pala ulit. Dahil sa'yo nakita ako ni sir Nick."

"Come on, Andra. You're very much welcome. Isang thank you lang ayos na ako and thank you for coming with me here." Tumango pa siya sa akin.

Nang matapos na kaming kumain ay kaagad kong tinawag ang waitress.

"Dalawa kami." Sabay abot ko sa card ko.

Kumunot noo ang waitress at sumulyap sa lalaking katabi ko.

Sumulyap rin ako sa kanya ng isang segundo bago binalik sa babae.

"Bayad na po ni sir, ma'am." Nakita ko pang nag-blush ang babae.

"Salamat." I mouthed at Juakin.

Hinatid na ako ni Juakin sa aking apartment. Malapit lang iyon, three minutes' drive lang mula sa gym.

"Salamat sa paghatid," pasasalamat ko sa kanya nang makababa ako sa kanyang sasakyan. Sumilay ang ngiti sa seryoso niyang mukha.

"Thank you. I had fun. See you again soon." At kumindat siya sa akin. Umiling na lamang ako nang sinarado ko na ang binatana.

Nagpahinga na lamang ako noong naghapon dahil kailangan ko ng lakas para bukas. May gig ako sa isang papataas na clothing brand sa bansa at isa ako sa napili ni Nick at sa may ari ng brand.

"Go girls! Ilaban niyo 'yan!" sabay palakpak ni Nick nang nakapili na kami sa back stage. Puno na ng tao sa labas at malakas na din ang runway song ng event. Hindi parin ako nasasanay sa kaba kahit nasubukan ko na ang runway. Hindi madali ang aking naging ensayo ngunit iba parin kapag nasa mismog entablado ka na at pinagmamasdan ka ng mga fashion icon.

Bumuga ako ng malalim na hininga at tiningnan ang aking damit. Since it was a denim theme runway, lahat kaming mga models ay nakasuot ng denim clothes.

I wore a shirtwaist denim dress with two pockets above my knee pared with black stiletto heels. My hair was in a tight high ponytail. And a little bag in my right hand as an accessory. The make-up artist made my face.

Nang magsimula na ang show ay tinahan ko na ang aking sarili. When it was my turn. I poised my body. I started walking with my fears look. Walking towards the end of the stage. Habang papalapit ako nang papalapit sa dulo at habang deretso ang aking tingin ay nahagip ng aking mga mata ang isang lalaki mula sa pinakarahap na upuan sa dulo ng runway stage. Malalim ang kanyang tingin at dereksa siya sa aking mga mata na nakatingin.

Kaagad akong hinabol ng kaba. And when I was about to turn I felt my ankle twisted and then I fall.

Iyon ang una kong pagkahulog sa harap ng maraming tao. Hindi ako kaagad na nakatayo dahil sa pagkabigla ng aking katawan. I was about to get up when I felt a hand on my arm. Hinanap ko kaagad iyon at nakita si Arthuro sa aking harapan. Laglag ang aking panga habang ang aking mga mata ay kumurap-kurap. Hindi kaagad na proseso ng aking utak ang nangyari.

"Kaya ko." Mariin kong saad. Mabilis naman siyang bumitaw sa akin. Kahit na masakit ang aking paa ay pinilit kong maglakad hanggang sa makarating sa dulo.

Napahagulgol na lamang ako hindi dahil sa sakit ng aking paa kundi sa kahihiyan na nangyari. I fell in front of many people at hindi ko nakita kung ano ang reaksyon nila, malamang may tumawa.

I apologized to sir Nick and the brand owner. Tinawanan lang nila ako dahil normal lang daw iyon.

Hindi na ako tumuloy sa sumunod na runway namin.

Nang matapos at aalis na sana ako ay biglang may sumulpot na naman sa aking harapan.

Umiwas kaagad ako ng tingin. Ayaw ko siyang tingnan mula sa mata, I was not ready to face him but it seems like I don't have a choice. Hindi ako makatakbo para lumayo sa kanya.

Hanggang sa kaming dalawa nalang ang natira. Nasa bandang malayo ang aking mga kasamahan. Naupo siya sa aking tabi. Kaagad na nabalot ng aking pang-amoy ang mamahalin niyang pabango na gustong-gusto ko. I tried so hard not to smell it but it was so addicting.

"Is your foot, okay?" pangunang tanong niya sa akin.

"Oo." Tipid kong saad at umiwas ng tingin.

"Good. You seem so happy here. I'm happy for you," he said. Hindi ako kumibo.

"Can we talk?" tanong niyang muli sa mahinang boses. His voice sounds so tired.

"Nag-uusap na tayo. Ano pa bang pag-uusapan natin?" tuluyan na akong humarap sa kanya habang nakataas ang isa kong kilang.

"About us....c-can I have you back? Please?" he asked. I can barely hear him.

"Tapos na tayo 'di ba? At kahit gustuhin kong bumalik ako sa'yo. Hindi puwede—"

"Why not?" sabat niya sa akin.

"Kasi hindi pa tayo okay. Hindi pa okay ang buhay natin. Hindi magiging maganda ang relasyon natin kung hindi tayo okay," paliwanag ko sa kanya.

Nasa point na naman ako ng pag-iisip tungkol sa amin. I was hurt also, kahit gusto kong mag-work ang relasyon naming sa isa't isa.

"But we can fix each other, right?"

"Hindi nga, Arthuro!" mahina ang aking pagkakasabi dahil maraming makakarinig.

My eyes were blur. But I can see his face clearly, he was in pain also like me. Pinilit ko lang maging matatag noong naghiwalay kami dahil alam kong wala akong masasandalan na tao. Wala akong ibang kaibigan sa syudad bukod kay Mika. I was alone.

"Hinding hindi tayo magiging okay sa isa't isa. Kailangan muna nating ayusin ang ating sarili bago ang iba. Kailangan muna nating mahalin ang ating sarili bago tayo magmahal ng iba. Kasi kung gagawin natin ang gusto mo...mauubos lang tayo."

My tears fell. I tried so hard not to sob but I couldn't help it.

"Is it because I lied to you? I promise I won't do that again. I swear. Please, just come back to my life,"

"Hindi 'yon ang rason. Alam kong matalino kang tao pero hindi mo ba naiintindihan. Hindi pa tayo okay, maaaring...maaaring magkabalikan tayo pero hindi pa ngayon. Hindi kita puwedeng idamay sa buhay ko na walang saysay, wala pa akong nararating buhay at nasa punto palang ako ng paghahanap ng tamang direksyon sa buhay ko. Nagsisimula palang ulit ako, kaya gawin mo rin iyon sa'yo."

"I—I don't know where to start. I am afraid to start over and over again. I am sorry if my life was a mess but I want you to know that...I'll wait for you, okay? Look at me." hinawakan niya ang aking kamay. Tumingin ako sa kanyang mata, may nakitang luha sa kanyang pisngi. I never saw him so down like this before.

"I'll wait for you no matter what happens. You're the best thing that happened to my life. I am so happy for you, really, and I am so proud of you. I should go now. Hindi dapat ako pumunta rito. I'm sorry." Kaagad siyang tumayo at nagpunas ng luha.

Naiwan akong tulala.




-----------------

I had fun writing this chapter and I have a good news for you guys! Baka sunod sunod na akong mag-update dahil why not char. Na-adjust kasi deadline ng aming collab na fantasy kaya focus muna ako dito para wala na ako iisipin sa susunod hihi.

Thank you for un-ending support. Mahal ko kayo! Sana maisa-isa ko kayong mapasalamatan. Sorry ngayon lang ako nakaupdate ha.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...