None the Wiser (Flavors of Lo...

By ForcingLaughter01

6.8K 251 144

Meilin Andres only wanted to have her first kiss with a hot guy on the night before her 25th birthday. One st... More

Prologue
1 : What A Creep
2 : Blast from the Past
3 : Have A Taste
5 : Helping Hand
6 : Just a Stranger
7 : Sudden Stop
8 : Just Say Yes
9 : World's Too Small
10 : Mistakes I Liked
11 : Just Close Enough
12 : Sweet Heavens
13 : Hot and Cold
14 : Cold Shoulder
15 : Bon Appétit
16 : What A Night
17 : No Plans
18 : Same Ground
19 : Unprepared
20 : Bubbles
21 : The Great Unknown
22 : Ease It Up
23 : Totally Safe
24 : Uncovering
25 : Down the Drain
26 : Lost in Translation
27 : Face the Music
28 : Little Bumps
29 : Resolve
30 : Finale
Special Chapter : Cameron

4 : Never Again

237 7 5
By ForcingLaughter01


Nanlalambot ang mga kamay ko nang i-type ko sa search bar ang tanong na ilang araw nang laman ng isip ko. Ngangati ang utak ko at kinakain na ako ng curiosity para malaman 'yung mga pinagsasabi ni Cameron sa akin nung gabing 'yon.



What does mango mean sexually?



I clicked 'search' and both my eyes and mouth widened to see tons of results. 



So tama ang hinala ko. That man was indeed enjoying a sex joke when we talked about mangoes. Akala ko nung una simpleng prutas lang ang pinag uusapan namin. Ang tagal nag-replay nang paulit-ulit 'yung usapan namin nung nakaraang gabi hanggang sa makumbinsi akong may gusto siyang iparating.



Lately, that man—and his kisses—have been polluting my mind a lot.



So not only mangoes increase your libido, the term mango can also represent sexual, erotic desires. Mango is a perfect euphemism for sex, which also represents female orgasm from an oral sex, and therefore, that man has been talking about sex in front of my face. 



That weird, creepy, perverted man.



Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko. I really have to stay away from him! 



Well, ganon naman na ang ginagawa ko simula nang halikan niya ako ng pangalawang beses. Mabuti rin na hindi siya nagpapakita sa akin. Mas makakapagtago at maiiwasan ko siya. Ayoko nang maulit 'yung ginawa niyang paghalik sa akin. 



He was only supposed to be my first kiss, not second, or third, or more!



That man is nothing but trouble. At ang hirap magtago kapag alam niya ang bahay at pangalan ko. 



"Meilin. Hello." Bati sa akin ni Stephanie, ang kapitbahay ko sa kabilang side. Nilingon ko naman siya pagkatapos kong mag-lock ng pinto para pumasok sa trabaho. Nginitian ko naman siya kaagad, kahit na hindi naman kami gaanong close at nakakainis ang mga maiingay niyang iyak kapag bumibisita ang boyfriend niya---



Enough about the sex, Meilin. "Hello." Sinukbit ko nang maayos ang bag ko at naglakad na pero tinawag niya ulit ang pangalan ko kaya nilingon ko siya. "Bakit?"



"Birthday ko ngayon, so..." Para siyang nahihiya. "Lalabas ako kasama ang boyfriend ko at sina kuya Jorge, at iba pa nating mga kapitbahay para kumain sa labas at uminom. Sama ka?"



Sandaling natigilan ako sa sinabi niya. 



"Ahh, may trabaho ako hanggang eleven ng gabi eh." Sabi ko. Mukha naman siyang nadismaya sa sagot ko kaya nahiya ako. "Saan ba?"



"Sa Medora, pinsan kasi ng boyfriend ko ang may-ari non kaya nakapag-reserve ng pwesto para mamaya. Diba malapit lang naman ang trabaho mo doon?"



No, not that cursed bar where I met that perverted man! 



Hindi ako makapagsalita. Stephanie looked like she really wanted me to come. Well, after the noises I heard every night, it's actually weird to be invited for a drink. 



"Please, sama ka na? Kasama sina Kuya Jorge saka ibang mga friends niya. Ngayon ka lang makakasama sa bonding ng mga tenants." 



Say no! It's healthy to say no!



"O-okay." Sabi ko. "Sunod ako after work."



She smiled and waved goodbye before I turned to leave. I was scolding myself on the way to work after that.



----



"NEXT WEEK KO babayaran ito ha." Ang lapad ng ngiti ko pagkakuha ko ng tatlong jars ng mango jam kay Merielle. Marami siyang dala ngayon dahil ilang araw siyang namahinga at nagkasakit siya ng dalawang araw. 



"No problem." Sabi niya habang busy siyang magsulat sa notepad niya ng listahan ng mga orders. As always, raketera ng taon talaga itong si Merielle. 



"Parang gusto ko rin mag-sideline. Ano kayang pwede, for another source of income?" Tanong ko, at napatigil naman siya sa pagsusulat tapos nagisip sandali. 



"Maglako ka ng peanut butter, and jams! Tapos sakin ka kumuha, porsyentuhan mo na lang kahit konti." Napangiti siya sa naisip niya. "Diba bet naman ng mga friends mo, wala pa ba silang orders ulit?"



Naalala ko 'yung sampung jars ng mango jam na binili ko kay Merielle. I bit my lip as I felt guilty for lying. They were not actually for my friends--I don't have friends. Kalahat kasi ng jams ay dinala ko kina Dad noong bumisita ako nung nakaraan. Nagpalusot lang ako kay Merielle na para sa mga friends ko ang orders.



Now that I think about it, I don't really have friends. Meron akong mga workmates pero hanggang inuman lang ang bonding at shallow ang mga usapan. So far, si Merielle pa lang ang nakaka-gaanan ko talaga ng loob kahit anim na buwan pa lang siyang nagtatrabaho dito sa amin. 



Well, that's the product of a homeschooled girl simula bata. When I was in college, I didn't have the chance to have friends either. It's because Mom and Dad were too strict and would always send me to and fetch me from the university.



Because of that, it was really just okay for me to be hanging out by myself actually. Nang magkasariling buhay ako, saka ko lang napa-practice ang pagiging friendly.



"W-wala pa silang orders eh." Matipid kong sabi. Cheer up, self! You have a friend now!



Mabilis namang umandar ang oras at natapos na ang trabaho namin. Nakakatuwa kasi sinasabay na ako ni Merielle bumaba ng building kahit hindi kami parehas ng way. I quickly snatched my phone from my pocket to check the time. Eleven thirteen.



Susunod kaya ako sa Medora? Bahala na nga. Maraming tao ngayon doon dahil weekend bukas, malamang sa malamang kahit nandoon si Cameron hindi ko siya makikita.



"YEHEY! DUMATING KA!" Sigaw ni Stephanie nang makapasok ako sa Medora at lumapit sa VIP lounge kung saan nandoon ang iba naming mga ka-tenant.



"Hello, Meilin!" Bati sa akin ni Kuya Jorge, at nagulat akong wala siyang suot na salamin. Nanlaki lalo ang mata ko nang mapansin kong nag-shave rin siya ng balbas at bagay 'yon sa itim na kulot niyang buhok na mahaba. 



"Hello, new look ah!" Sigaw ko sa kanya, dahil kinakain ng ingay ng music ang buong bar. Sinenyasan niya akong tumabi sa kanya at kaagad niya akong binigyan ng bote ng beer. "Salamat."



Nginitian niya ako tapos bigla siyang sinuntok sa tagiliran nang katabi niyang kapitbahay rin namin. "Akala ko nagloloko lang itong si Steph na niyaya ka niya."



Nilingon namin si Steph na halatang lasing na at nakikipag-yapusan na sa boyfriend niya. Buti na lang nasa harap na pwesto sila at hindi sa tabi ko. Kundi awkward 'yon. 



"Ah, oo nga eh. Pati rin ako nabigla bakit ako sumama." Natawa naman si Kuya Jorge sa sinabi ko. He raised his bottle for a toast. 



"Well, buti nandito ka." Sabi niya. Para naman akong nailang bigla sa sinabi niya kaya lumagok na ako ng beer. Marami ring nakahandang mga pagkain at finger food para pulutan. 



Nagtatawanan ang buong mga tenants ng building. May mga nakilala rin akong bagong mukha at mga pamilyar na mukha pero hindi ko alam ang pangalan. 



Nakakatuwa. Eto 'yung klase ng buhay na ayaw ng mga magulang ko dahil sa masyado silang nakatali sa tradisyon at family code na ilang generations nang sinusunod ng pamilya namin. 



This is the life I wanted to have. Out of control, but I know I am driving my own life. Some days can be unexpected or dangerous, but I know I'm living it just the way I wanted it. 



Naka-tatlong bote na ako kaya naman mabilis napuno 'yung pantog ko. I excused myself for a while. Dinaan ko ang dancefloor at sumilip sa kabuuan ng VIP lounge at napansing wala si Cameron. 



Buti naman.



I took a lot of time in the ladies' restroom, mainly because there were too many people in the line. Fully packed ang bar dahil weekend at maraming gumagamit ng CR. Siguro mga ten minutes rin akong nagpigil nang ihi bago ako nakapag-let go nang matiwasay.



Mabilis naman akong lumabas para bumalik sa pwesto. 



Hanggang sa may nahagip ang aking mga mata na sana hindi nalang naging malikot.



Si Cameron na nakapalumbaba sa counter table ng bar at abalang makipagtawanan sa magandang babaeng nakapulang dress. They looked like they're more than strangers to one another. Busy siyang ipakita ang dimples niya sa kaharap niyang babae at maya maya pa ay hinila na lang siya bigla nito para halikan.



And then they kissed some more.



I felt a pang of disgust.



Soon they we're heating up then the woman in red stood up and left him. Dapat ay kikilos na rin ako para hindi magtama ang mata namin, pero para akong nasemento na lang sa nakita ko. At sa hindi inaasahan, lumipad rin ang mga mata niya sa akin.



He was shocked for a few seconds then his face were walled up with seriousness. Hindi ko alam kung saan siya nadismaya. Sa pagkakita niya ba sa akin o pangbibitin ng babaeng nakapula sa kanya. 



Napangiti ako nang konti at binigyan ko siya ng thumbs up. Saka ako bumalik sa pwesto ko sa VIP lounge kasama ang mga kapitbahay ko.



I don't care either way..



I've always known this type of man. With a face, body, and sex appeal like that--how can he not play with a lot girls? Of course, he will play with a lot of girls!



Nakakainis dahil dapat hindi ako naiinis na nakipaghalikan siya. We're strangers. We've shared a drink and kisses--so what? That's his way. That's his way to get a woman's body next to him. He's just one of the stupid, overbearing, self-absorbed guys who chase girls for fun.



His aura is just too strong enough to occupy my mind for several nights, yes. But it didn't mean anything at all. The only reason I could think of why he had such effect on me is the fact that I chose him to be my first kiss.



Nothing more. Nothing less. Kaya wala tayong dapat i-react sa nakita natin, okay Meilin?



"Mahaba pila?" Tanong ni Kuya Jorge sa akin pagkaupo ko sa tabi niya. He handed me another bottle and I gladly took it. Natawa pa siya nang makalahati ko 'yon agad. "Easy, mamaya niyan babalik ka na naman sa CR." 



I laughed at him. Then he started talking about the new online game he wanted to try and for some reason I found him too funny. 



Nauna nang umuwi ang birthday girl na si Stephanie at ang boyfriend niya. Some of us decided to stay. Tawang-tawa ako sa mga kwentuhan nila tungkol sa ingay sa apartment ni Stephanie kapag gabi. It's too funny to know that I was not the only one!



"Minsan nga gusto ko na lang lumabas ng apartment at kumatok." Sabi ni Kuya Jorge habang tumatawa. Nahampas ko siya sa braso. "Bakit? Hindi ka ba naiilang kapag naririnig mo sila?"



Napailing ako at ramdam kong umayat ang init sa pisngi ko. "Ew! I made it a habit to play songs at night para lang hindi sila marinig."



"Kaya nga, ako nga itong sa kabilang dako ang apartment, naririnig ko eh. Ikaw pa kaya?"



Dumaan ang dalawang oras at naisip na rin naming umuwi. Pinauna ko na lang sila dahil naiihi na naman ako sa tawanan at inuman namin. Pero nabigla ako nang pagkalabas ko ng Medora, may humarang bigla sa dadaanan ko.



"Are you out here kissing strangers again?" Tanong ni Cameron sa akin nang mag-angat ako ng tingin. Tinaasan ko agad siya ng kilay. Wow?



"Tabi." Sabi ko.



He didn't move. Instead, he leaned in closer as he tried to bully me with his height. "Did you come to see me?" He asked, this time the humor drained down from his face and it felt like he's causing all the heat I feel on my face right now.



"Meilin." Nilingon ko kaagad 'yung boses ng tumawag sa akin. Si Kuya Jorge! "Hihintay kita lumabas sa CR, nandito ka na pala." Sabi niya, sabay tingin sa lalaking nakaharang sa harap namin. "Okay ka lang?"



Nginitian ko si Kuya Jorge at wala sa isip kong hinawakan ko ang braso niya at kumapit doon. "Yes, okay lang. Tara na!" Hinila ko siya papalabas ng Medora at nililingon ko si Cameron na nakatingin sa amin habang naglalakad papalayo.



Ano bang trip niya sa buhay niya?



Saka ko lang naramdaman ang akwardness nang makalayo layo na kami ni Kuya Jorge, kaya binitawan ko na kaagad ang braso niya. Napatawa naman siya. "Lasing ka na siguro, Meilin." 



Umiwas ako ng tingin. "Sorry, Kuya---"



"Jorge na lang. Mukhang magka-edad lang naman tayo eh." Sabi niya. Sinilayan ko ulit 'yung hitsura niyang bagong shave at matangos pala ang ilong niya. "I'm twenty seven. Ikaw?"



"Twenty five. May lahi ka ba?" Tanong ko bigla. 



Siya naman ang unang umiwas ng tingin. "Oo, lahi ng siraulo." Natawa ako sa sinagot niya. Halos dalawang taon na rin akong nakatira sa apartment complex ni Mrs. Locsin, at ngayon lang ako nagka-time ma-appreciate ang mga kapitbahay ko. 



Magaan sa loob kausap si Jorge. Palabiro at mabait. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na nanghuhubad kung makatingin. I think he's a nice quiet guy, who's just interested in playing online games. "Ako rin may lahi ako ng pagka siraulo." Natatawa kong sabi.



Nagtatawanan lang kami hanggang sa makarating kami sa apartment complex. At tumambad sa akin ang pamilyar na sasakyan na dapat hindi ko naman talaga dapat makabisado ang plate number at hitsura  pero sa kung anong dahilan bigla ko na lang nakabisa.



"Good night, Meilin." Nginitian ako ni Kuya Jorge at nauna na siyang pumasok sa kwarto niya. Nahinto na lang ako sa paglalakad ko at saka bumukas ang pinto ng gray na Mercedez Benz. 



Hindi yata ako titigilan ng lalaking ito.



"Hindi ka lang naka-score sa babae kanina sa bar, nangungulit ka na naman?" Tanong ko sa kanya nang deretsahan pagkababa niya. He looked dead serious at parang hindi niya ako narinig. 



"If I didn't know any better, I'd say you're jealous when you saw me kissing somebody else." Sabi niya.



Nalula ako sa sobrang taas ng kayabangan ng lalaking ito. "Please, I'm nothing but that. Natutuwa pa nga ako dahil nakita ko na kung anong klaseng lalaki ka talaga, Cameron." Nilampasan ko siya ng lakad at binuksan ang pinto. 



I heard him followed so I turned to see him. "And what kind of guy do you think I am, Meilin?"



Matagal kaming nagsukatan ng tingin. "The basic one."



Natawa siya at ayan na naman ang malalalim niyang dimples. Kanina lang ang lakas ng dating niya noong seryoso ang mukha niya tapos ngayon mukha siyang bata at ang angelic ng mukha kapag nakangiti---



No, no, erase all that. Not good, Meilin. Paalala ko sa sarili ko.



"You can be funny, Meilin." He said as he took a step towards me. "You call me a basic guy like you hate it, when it fact you've been hanging out with the most basic guy next to your house."



Nilingon ko ang apartment ni Kuya Jorge. "Ano ba kasing pakay mo?"



Huminga siya nang malalim bago niya pinaandar ang mata niya at hinagod niya ng tingin ang suot kong blouse at itim na jeans. "A woman like you doesn't belong in the streets. You don't belong here, Meilin. You look like an odd one out, it seemed to be you've been living under a pretense."



Mabibigat ang tingin niya kasabay ng mga salita niya. Heto na naman ang mga balahibo kong nagsisiangat na nagsasabi sa akin kailangan ko nang pumasok sa bahay at magtago. 



This man is looking at me like he knew my story and he knew me. The old me.



Or maybe it's just him and his smoldering look.



Napailing ako sa kanya. "Cam. You know what I think about you?" Nagtaas siya ng kilay at para siyang nagtatanong. 



"You look like a wandering, privileged, lost dog. The one who always seeks fun and toys with hearts. The one who likes the chase and gets off on the thrill of the game. Ganun ka. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo na maling-mali na hinalikan kita noong gabing 'yon. That kiss is never gonna happen again." Sinamaan ko siya ng tingin. "You come in here and suddenly you could read me just because we shared a kiss or two? You know nothing about me. You are creepy, way way creepier than I have expected. Hindi ako magtatrabaho sa'yo. Hindi mo dapat ako pag aksayahan ng oras. Hindi kita type." That one last sentence, though, I'm not sure about that.



He looked like he's taken a punch in his gut. Hindi na siya nagsalita at pumasok na ako ng apartment. Saka lang ako nakahinga ng malalim nang pagsarhan ko siya ng pinto. I am drunk, and I know I drank too much, pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng frustration.



He frustrates the hell out of me. I hate it.



But I hate myself more because somehow I liked it.



---



"You are a shame, Ameiline."  Mom said as she started whipping the same sore spot on my back for the tenth time. I gulped my cries, and urged myself not to shout. For she'd only hit me harder once she heard me cry. "Such a disgrace to this family. You never will find a good honorable man looking like this! You are a failure, Ameiline, tandaan mo 'yan. You will forever be useless if you failed to find a good husband to support you."


She hit me harder this time, and I couldn't help my tears flow down. No. No. 


Anak niyo ba ako? Bakit ganito kayo magmahal?


"Please, Mom. Please, tama na." Hinarap at niluhuran ko siya gamit ang natitirang lakas na meron ako. I only wanted my freedom. Ayoko ng ganitong buhay. "Please, Mom. Hayaan niyo na ko." Napakapit ako sa suot niyang itim na bestida nang tanggalin niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Anak mo ko, pero hindi mo ko tinuring na anak."


"It is because you never act like my child. You never tried to listen to me!" Using the thick leather whip she strikes again, and it hit my face so hard I knew it's going to leave a mark. I groaned and cried in pain. My back has been burning like hell when she continued hitting me once, twice, thrice---


I lost count and I lost my strength.


I heard heavy footsteps coming from outside and the last thing I've heard was the shout of my father. "Stop it, Melinda!" 


---


Sobrang basa ang mukha ko sa pawis at luha. Napabalikwas ako sa kama ko at parang nawawalan ako ng hininga. It seemed like anxiety has decided to attack again so I urged myself to stand and went outside.



One, two, three, heavy inhales and exhales, breathe.



Binuksan ko ang front door ko para pumasok ang mas malakas na hangin galing sa labas.



You're okay, you're fine. You're safe.



You're free. 



===

#NeverAgain

~FL01

Continue Reading

You'll Also Like

302K 7.1K 45
"I never plan of having children, let alone a pathetic mother of my child!" ********* WARNING: This story contains scenes that may be offensive and d...
2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
71.7K 3.1K 24
Doctor Xophia Claresse Del Varga is facing a lawsuit for performing a medical malpractice. So the Rella Leventis Medical Hospital provided her the b...
141K 2.8K 41
He impregnated me accidentally. We marry each other to provide a family for our child. He always ignore me like an air in his house. His only concern...