Rubiks Heart [Completed]

By capitalsawi

283K 11.1K 1.5K

"My life is a game that nobody wants to play. I am Jander Devera and if you'll solve this puzzle in my heart... More

RH1 - Jander
RH2 - Kinsley
RH3 - Peter
RH4 - Girlfriend
RH5 - Ex
RH6 - Damn
RH7 - Sweet
RH8 - Flower Vase
RH9 - Concerned
RH10 - Janjan and Kinkin
RH11 - Super love
RH12 - Poster
RH13 - Toothless
RH14 - Diana
RH15 - Jail and Jaile's wedding
RH16 - I like you Kinsley
RH18 - Fur Elise
RH19 - I can see you
RH20 - Paasa
RH21 - Selfish Daughter
RH22 - Kung kailan..
RH23 - Sinungaling
RH24 - Court you
RH25 - Lalaban ako
RH26 - Accident?
RH27 - Champ
RH28 - La Musica Enchantre
RH29 - Happy birthday
RH30 - Happy ending?
Book 2
Unwritten Destiny
Kinsley

RH17 - Not this time

7.5K 338 38
By capitalsawi

'Di ko alam ang isasagot ko. Ayaw kong bigyan ng chance si Peter dahil mawawala rin ako sa kaniya.


Kinsley, ano bang nangyayari sa buhay mo?! Nagkakagulo na.


Suminghap muna ako at sumagot. I've finally decided. "Sure." Ngumiti ako sa kaniya tapos hinila palayas sa mga taong nandoon.


'Di pwede. 'Di niya ako pwedeng magustuhan.


"Sorry Peter. Sinagot ko lang 'yung sure kasi ayaw kong mapahiya ka. Hindi talaga pwede.. Pati paano? Paano mo 'ko nagustuhan? Wala naman akong ibang ginawa kundi sungitan ka." Mahinahon kong sinabi.


"Bakit hindi pwede? At teka? Tanungin mo rin ang sarili mo ng gan'yan. Gan'yan ka kay Jander diba? Tinataboy ka niya pero minahal mo pa rin siya. Kaya don't ask me kung paano." Medyo tumaas na ang tono ng boses niya.


"Okay let's consider that. Pero may isa kasing dahilan kung bakit 'di mo 'ko mahalin. Pagpalagay natin mahal rin kita, pero iiwan rin kita." Tinalukuran ko na siya't inayos ang bago ko habang naglalakad papunta sa field.


PE na namin at hindi pa naman ako late. Nandun si Yvette sa isang bench. Tinabihan ko na muna siya.


"Oh? Bakit gan'yan mukha mo?" Tanong ni Yvette sa akin.


Nilapag ko na muna ang bag ko sa likod ko at tsaka humarap sa kaniya. "Si Peter kasi. Umamin. He likes me daw pero sabi ko hindi pwede."


"Kasi si Jander ang gusto mo?"


"Hindi. Kasi iiwan ko rin siya. Alam mo naman diba?" I sighed and looked at the field.


"Tama ang ginawa mo Kinsley. Pero si Jander? Ano na? Nagpapakatanga ka pa rin ba sa kaniya 'te?"


Umiling ako. "Hindi na. Sumatutal nga, tinapon ko na lahat ng litrato niya sa kwarto ko. Mainam na siguro na umiwas ako." I uttered to her.


"That's right.. That's right Kinsley. Pero magpagamot ka na kasi kung gusto mong mahalin ka ni Jander."


"Mahalin? Sobrang imposible na kasi, Yvette. For 9 years of trying wala pa rin." Naaalala ko ang mga sweet moments ni Jander sa akin these past few days. It sounded like nagiging paasa siya.


Tine-take advantage niya ako kasi alam niyang may gusto ako sa kaniya. Ang sama niya.


"Ilang beses na namin sinabi sa'yo 'yan, Kinsley diba?" Tumango ako. Tama sila dati pa. Ako lang talaga yung matigas ang ulo na hindi sumusunod sa kanilang dalawa ni Seraphina. Hinawakan niya ang likod ko't minasahe. "Maging matatag ka, Kinsley okay?"


Pumito na ang teacher namin at pina-linya na kaming lahat sa field. Naunang tumayo si Yvette sa akin. Naiwan ako sa bench at nag-isip muna.


May dalawang side kasi ang nagtatalo sa isip ko.


Side 1:


"Kinsley, gamitin mo si Peter para magselos si Jander! Naaalala mo ba yung sa mall? Nakita ka ni Jander na kausap si Peter tapos nagalit siya bigla? Oh diba? Ang saya saya n'yong dalawa non tapos biglang nag-iba? Umasa ka, Kinsley! Libre ang magpakatanga pagdating sa pag-ibig. Iba iba lang talaga tayo ng version."


Side 2:


"Kung gagamitin mo si Peter para kay Jander ay 'wag na lang.Masasaktan mo si Peter at si Jander sa ginagawa mo. May sakit ka diba? At ayaw mong magpagaling. Sa tingin mo ba matutuwa sila kapag nawala ka? Hindi. Masasaktan sila."


Inalog ko ang ulo ko sa nagtatalong ideya na nasa isip ko.


Mas mabuting layuan ko na lang silang dalawa para walang gulo diba? Pero kasi.. Tama pareho ang nasasaisip ko. Nasa akin nag desisyon kung anong gagawin ko.


It's either I choose my happiness over to their happiness.


"Prrrrrrrrrt!" Pumito na ang teacher namin sa akin. Nagising ako sa realidad na kailangan ko nga palang luminya doon.


Nanlaki bigla ang mata ko ng makita ko si Jander na nandoon din. Absent nga pala 'to last time kaya wala. Subject niya rin pala 'to?


"Kinsley and Jander."pagpapartner ng teacher namin. May mga nag 'uyyy' pa nga pero inirapan ko.


Kung dati kinikilig ako ngayon naiinis na ako. Ganito pala ang feeling kapag ang dati mong minamahal, kinaiinisan mo na kasi ang gulo ng nararamdaman niya para sa'yo.


Sasayaw kami ng waltz at si Jander ang partner ko. Hinawakan niya ang kamay ko't inilagay naman ang isa sa balikat niya. Siya naman isa sa kamay ko at isa sa baywang ko.


Nag-sway sway lang kami ng tahimik. Hindi ako umiimik sa kaniya at hindi ko rin siya tinitingnan.


Mabuti naman natapos na ang PE subject namin kahit sobrang awkward ng nangyari. "You're good, Kinsley. That's good for you." Bati sa akin ni Yvette tapos uminom ng tubig.


Ngumiti ako sa kaniya ng tipid. "I somehow like Peter for you. Diba sabi ko sa'yo dati? Bagay kayo."


"Sa tingin mo ba sasaya siya sa akin? Hindi. Kung oo man, saglit lang 'yun."


Ibinaba ni Yvette ang tubig niya't tumingin sa akin na may inis sa mukha. "Ikaw ang iniisip mo lagi 'yung kamatayan mo. Alam kong wala ng lunas ang sakit pero kahit konting pag-asa at pananampalataya sa Diyos hindi mo hinihingi. Maraming nagmamahal sa'yo, Kinsley. Pero ikaw, pinapatay mo agad ang sarili mo na parang lagi mong pasan ang mundo."


"Wala ka sa lugar ko, Yvette. Kung ako man ayoko mamamatay pero—" Cinut off niya agad ako at sinigawan. "Pero kasi 'yun ang destiny mo? Pwede mo namang labanan kaso ayaw mo! Kung ano ka ngayon, yun na 'yon. Bakit pagdating kay Jander walang imposible? Ganun ka ba talaga kabulag sa kaniya, Kinsley ha?!" Inis na inis na sa akin si Yvette.


I bit my lower lip and sighed. Yun ang opinyon niya wala akong magagawa. Pero 'wag siyang umasa na may magbabago dahil sa sinabi niya.


'Yun pa rin ang desisyon ko.


Lumapit ako sa kaniya at may binulong.


"Yvette, kung pwede lang 'wag mong sasabihin kahit kanino ang sakit ko. B-baka kasi marinig ni Jander 'to.. Ayokong mahalin niya ako dahil sa awa."


Ayan ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong babanggitin ang sakit ko. Lalong lalo na kay Jander. Pinapakita kong malakas ako para walang magtanong.


"Ewan ko sa'yo, Kinsley." Umalis si Yvette sa harap ko ng buong inis.


Napaluhod ako sa field. Bakit ba nangyayari sa akin 'to? Nagmahal lang ako diba?

Tumayo ako't nakarinig ng isang sigaw mula sa mga nagf-football. May papuntang bola sa akin.


Napahiga ako sa field at tila hilong hilo. Lumapit sa akin ang mga studyante at pinagtitingnan ako.


Nakita ko rin si Jander at Peter na nandoon. Siningkit ko ang mga mata ko para makita sila.


Umupo ako sa field at kinapa ang ilong ko.. Dumudugo ito. Gawa ng bola siguro na tumama sa akin. Ang sakit nun ah.


Nagulat ako ng biglang maglahad pareho si Peter at Jander ng kamay nila.


"Kinsley.." mahinang sabi ni Jander. Napatingin ako sa kaniya.. at sa kamay na inilalahad niya. Sinesenyasan niya akong kunin na ang kamay niya.


Kinuha ko ang kamay ni Peter at tinulungan ako makatayo. 


Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jander at pati na rin sa mga studyanteng nasa paligid na nanonood sa amin. Ang alam nila si Jander ang gusto ko at hindi si Peter.


Sorry but not this time, Jander. Not this time.



Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...