Rubiks Heart [Completed]

De capitalsawi

283K 11.1K 1.5K

"My life is a game that nobody wants to play. I am Jander Devera and if you'll solve this puzzle in my heart... Mai multe

RH1 - Jander
RH2 - Kinsley
RH3 - Peter
RH4 - Girlfriend
RH5 - Ex
RH6 - Damn
RH7 - Sweet
RH8 - Flower Vase
RH9 - Concerned
RH10 - Janjan and Kinkin
RH11 - Super love
RH12 - Poster
RH13 - Toothless
RH14 - Diana
RH15 - Jail and Jaile's wedding
RH17 - Not this time
RH18 - Fur Elise
RH19 - I can see you
RH20 - Paasa
RH21 - Selfish Daughter
RH22 - Kung kailan..
RH23 - Sinungaling
RH24 - Court you
RH25 - Lalaban ako
RH26 - Accident?
RH27 - Champ
RH28 - La Musica Enchantre
RH29 - Happy birthday
RH30 - Happy ending?
Book 2
Unwritten Destiny
Kinsley

RH16 - I like you Kinsley

7.6K 338 46
De capitalsawi

Lumingon ako pero nakita kong papalapit sa akin si ate Jaile. Hala. "Tara na." Inalok niya ang kamay niya sa akin..



Wala na akong nagawa kundi tanggapin 'yon. Awkward na pumunta ako sa harapan at naki-pwesto sa tabi ni Jander.



Hinila niya ako sa waist pero tinanggal ko rin. "Smile!!!" sabi nung photographer.



Ngumiti ako ng pilit at umalis rin agad. "Reception ng kasal." Utos ko sa driver ko.



Nag-drive na ang driver ko tsaka nag-beep ang phone ko. A text from Jander.



"Sa'n ka?" Yun ang text na nakalagay doon.



Binura ko na lang at hindi pinansin. Pupunta ako ng Reception para sa pagkain at kay ate Jaile. Hindi para sa kaniya.



Pagkarating ko doon ay mga nag-aayos pa lang ang mga tauhan na kinuha nila ate Jaile. Nakakita ako ng isang piano doon at umupo muna panandalian.



Nag-try akong tumugtog ng fleur de lis. Dun daw kinuha nila mommy ang second name ko eh.



May biglang pumalakpak sa likod ko. Tumigil ako saglit at tiningnan kung sino. Guess who? It's Jander.



"Really impressive." he said while clapping slowly his hands. Lumapit siya sa akin pero tumayo ako. "CR." Maikli kong sabi tapos tumakas ako sa mga mata niya.



Looks like nandito na sila ate Jaile. Inayos ko ang sarili ko sa pamamagitan ng Salamin. "Galing, Kinsley! Galing!" I cheered to myself happily.



Nakakaiwas na ako kay Jander. Tama 'yan. Minsan kailangan mo ring magpamiss at magbreak sa mga ginagawa mo eh diba?




Lumabas na ako ng CR at tama nga ako. Nandito na ang bride at groom. Naghanap ako ng seat sa may dulo. Nakihalubilo ako sa seat nila Mr. Private. Kilala ko 'yan hehehehe.




Nagsimula na ang program kuno nila doon sa gitna. Hindi ako masyado nakinig kasi hinahanap ko si Jander.. 'Di ko siya makita.



I bit my lower lip. Akala ko ba Kinsley hindi mo na siya iisipin? Hindi na nga diba?




Pero hindi eh. Tumayo ako at nagmartsa papunta sa CR ng mga babae. Pagkadaan ko doon ay napansin kong bukas ang pintuan sa isang room. Nakalagay don ay "Unauthorized person is not allowed."



Ang ingay kasi sa loob pati.. Napatigil muna ako saglit. Opening this door won't hurt.



Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at nakita ko si Jander. May kahalikan siya doon.



Agad agad akong umalis. Pinigilan ko ang mga luha ko na tumulo pero wala eh, tumulo lang talaga ng tumulo. Ang sakit naman talaga.




Mas masakit pa rin ang umibig kaysa sakit na mayroon ako. Takteng pagmamahal naman ito. Kasalanan mo rin naman kasi Kinsley eh, sumugal ka kaya eto ang karma mo. Tanga ka kasi Kinsley.




"M-manong uwi na po tayo." 'di ko alam kung saan ko nakuha ang boses na 'yon. Hinang hina ako sa pagsasalita.




'Di talaga ako mahal ni Jander. 'Di talaga at alam ko namang hindi niya ako mamahalin.



Pero kasi kahit 0.1% na lang yung paniniwala na mamahalin niya ako pabalik kumakapit pa rin ako. Gan'yan ka na ba talaga katanga, Kinsley?



Pagkauwi ko ay nagtataka si mommy kung bakit ako umiiyak pero hindi ko siya sinagot. Dire-diretso lang ako sa pag-akyat hanggang sa marating ko ang kwarto ko.


Agad kong pinunit ang kaisa-isa naming picture. "I guess you don't have to be a memory after all." Natawa pa nga ako pagkapunit ko non.



Tinapon ko sa basurahan. 



Gusto ko magpakamatay pero para sa Pamilya ko.. sinusulit ko ang mga araw na gusto ko sila makasama..



Gustuhin ko mang magpakamatay ngayon hindi ko kaya. Alam kong maraming malulungkot pero gusto ko ang Diyos lamang ang papatay sa akin.



"Anak?" kumatok si mommy sa pintuan ko.




Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago pagbuksan. "Hi." Nakangiti kong bati.




"Anak naman..." Hinawakan niya ako sa balikat ko at minasahe. Hinakawan ko rin ang kamay niya na nasa balikat ko. "I'm okay, mom." I said. Mas lalo kong nilakihan ang ngiti ko para umayos ang pakiramdam ni mommy.




"We need to bring you in the hospital." She said to me.




Nanginig bigla ang mga tuhod ko. "M-mommy, alam mo namang ayaw ko malaman 'yun diba? A-ayoko.."




"Ipapacheck up ka namin ng daddy mo.. Gusto naming malunasan sakit mo."




"A-ayoko po! Ayoko.. Ayoko nang mabuhay.. Please m-mom..." Naluha na si mommy sa sinabi ko.. at ako rin naman. Just like a water in the river that flows..



"Why are you like that, Kinsley? We want you to live but you don't want to. Don't you love us?"




"Mahal ko kayo mommy.. Pero eto po ang kapalaran ko.."



**


Martes ngayon at nagdecide na akong pumasok ng klase ko.




Maraming beses na ako tinamaan ng katotohanan pero ngayon lang ako nagising. Ayoko na magpakatanga kay Jander. Kung ayaw niya? Ayaw ko na rin dapat. Simple lang 'yun diba? Pero bakit ang hirap gawin?




"Hi Peter!" Bati ko sa kaniya habang nakangiti.



Math namin ngayon at classmate ko 'tong si Peter.

Nakanganga siya tila nagulat yata sa inakto ko. Tumawa na lang ako sa isip isip ko.




"Himala, hindi na Jander?" sabi nito sa akin.




Tiningnan ko lang siya at inisnob. Ayoko sagutin. Dumating na ang guro namin sa Math at nagpatuloy sa pagtuturo.




Sinusundot sundot lang ako sa tabi ni Peter. Ang kulit! "Ssshh." sabi ko sa kaniya nang mapalingon ako sa kaniya.




Hindi ako masyado nakapakinig sa Math class ko dahil kay Peter. Kulit kulit niya kasi. Sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko.




Kasabay ko si Peter na lumabas ng room namin. "May party bukas sa bahay namin. Baka gusto mo sumama?"




"Uhm.. 'Di ko alam eh." Sagot ko habang naglalakad palayas ng building namin.




"Pwede mo isama friends mo. Dali na, Kinsley! Gusto kitang makita na nandoon. Pati miss na kita." Tumigil ako saglit at tiningnan siya.




"Pag-iisipan ko." utas ko't iniwan ko na si Peter sa hallway.




Pumasok ako sa CR ng mga babae. PE class namin ngayon kaya kailangan ko magpalit ng PE uniform.



Nilapag ko ang bag ko at kinuha ang uniform ko, pero may nakita akong isang laruan. Minion to be exact.




Kinuha ko 'to. "Ang cute naman. Sa'n galing 'to?" Utas ko sa sarili ko. Pinindot ko ang isang button na nasa dibdib ng minion.




"Peter likes Kinsley! Peter likes Kinsley!" sabi nung minion. "Hala baliw yata 'tong minion na 'to?" Umiling iling ako at itinago sa loob ng bag ko.




Si Peter yata may bigay sa akin nito.




Nagbihis na ako ng pang PE ko't lumabas ng CR. Nagulat ako ng may biglang sumabog na confetti.




May nakapaligid na tao sa akin. Tiningnan ko sila at humawi ang nasa gitna. Dumaan si Peter sa hawi na 'yon at may hawak hawak na maliit na piano.




"The piano keys are black and white but they sound like a million colors in your mind." Napatawa ako doon sa sinabi niya. Ewan ko kung bakit.




"I would like to tell you that I like you Kinsley." He held both of my hands. I looked at him in his eyes.




"Please give me a chance to like you.. Can I show you? Alam ko kasing si Jander lang ang nasa isip mo lagi.. Kaya eto ako, kahit alam kong bigo ako sa huli.. umaasa pa rin ako." So he's asking me kung may chance siya sa akin or what?




Tiningnan ko ang lahat ng tao na nasa paligid namin. Daming kinikilig at puro kababaihan 'yun.




Namataan ko ang presensya ni Jander. Nakatingin siya sa amin ng seryoso. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya't ibinaling kay Peter.




"Kinsley?" He asked once more.




Natauhan agad ako sa realidad. Kailangan ko pa lang sagutin si Peter. Bibigyan mo ba siya ng chance Kinsley o Jander pa rin?




ANO BAAAAAAAAAAAA

Continuă lectura

O să-ți placă și

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...