NERD SPARKS

By haztowrites

27.1K 963 49

Lovely Martha Celestine Martinez a high schooler who is known for her typical boyish aspect, dark personality... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Nerd Sparks Sequel

Chapter 21

465 23 0
By haztowrites

Pagkatapos ko yung sabihin ay dahan dahan ko ng pinunasan ng bahagya ang pisnge ko dahil sa maliit na butil na nangilid sa mukha ko. Marahan naring sumisikat ang araw Kaya napagdesisyunan ko ng tumayo na at umuwi na ng bahay.

Nagsimula ng humakbang ang paa ko pero parang hindi ko naman nararamdaman ang buong katawan ko. Kanina ko pa iniinom ang tubig na dala ko dahil hindi ko na nakain ang ramen na binili ko. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko pero hindi ko ininda ito. Nakita ko nalang ang sarili sa tapat ng malaking bahay na pagmamay-ari ko na. Walang Celestine at Martha na nagmamay-ari. Ako nalang mag-isa ang nandito sa malaking bahay na ito. Dinala man ako ng mga paa ko sa ika tatlong palapag ng bahay pero parang wala ako sa ulirat habang patungo kung saan ang kwarto na pagmamay-ari ni lola...ni Celestine.

Napabuntong hininga ako...

Diretsyo kong binuksan ang kwarto niya at hinanap ang bagay na yun. Hindi naman ako nahirapan at nakita ko ang box na lalagyan ng singsing na gawa sa tanso. Parehong-pareho talaga ang disenyo nito sa singsing na suot ko. Hanggang ngayon ay malaki parin ang pagdududa ko kung totoo talaga ang nangyari nang makalipas na tatlong buwan na yun pero palaging tumatatak sa isipan ko na walang hindi totoo sa nararamdaman ko kapag alam kong totoo ito...

Nanginginig man ang mga kamay ko habang nakatingin sa singsing na gawa sa tanso ay sinusubukan ko parin itong pukpukin gamit ng music box na pagmamay-ari ni lola.

Hindi ko man intensyon ito pero kailangan para makuha na itong sumpa na ito. Gusto ko ding maging masaya...

Magiging masaya pa kaya ako?

Isa-isa naring lumalabas ang mga nag-uunahang butil sa mata ko pero patuloy ko parin winawasak ang singsing na gawa sa tanso.

Napahagulgol ako habang winawasak ang singsing na pagmamay-ari ni lola.

Dust... sorry pero kailangan ko...

Patuloy ko itong pinupukpok hanggang sa tuluyan na itong masira.

Sorry...

Masakit man para sa akin ang ginawa ko pero alam kong hindi na mauulit pa ang sakit na nagdulot na rin sa akin ng pagdusa.

Tatlong buwan? nahihirapan na ako dust...




Pagsapit ng alas sais ay walang ganang tumayo na ako para magbihis na ng uniform at sapatos ko. Diretsyo kong sinuyod ang paaralan na ang scooter ang naging transportation ko. Marami din akong nakasalubong na mga tao pero Katulad ng ginagawa ko ay hindi ko wisyo ang batiin sila. Walang kibo ko'ng pinasok ang loob ng silid namin at katulad ng palagi kong inuupuan ay sa likod ako dumiretsyo. Pagtungtong ng alas syete ay nagsimula na ang klase na hindi ko naiintindihan lahat ng sinabi ng guro.

Kakatapos lang ng pangalawang subject kaya recess na. Linigpit ko lang isa-isa ang lahat ng mga gamit ko at tumayo na nang harangan ako ni Chelseah.

"Bagong buhay ahh? Mag-isa kanaman ulit? nasaan yung manliligaw mo? Wag kanang mag-asa Lovely! walang kahit sino ang sasamahan ang madilim mong buhay! hoy—"

Mahirap man palagpasin ang mga sinabi niyang hindi magaganda ay nagawa ko paring hindi siya pansinin. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakayukong naglalakad na nangingilid ang mga luha sa pisnge ko. Narinig ko pa siyang nainis sa ginawa kong paglagpas sa kanya pero hindi ko na ininda yun at patuloy lang na tinungo ang Cr.

Mas dumoble ang kirot na nararamdaman ko sa dibib ko at mas napahagulgol ako ng todo nang mapansin ko ang singsing na gawa sa kahoy na bigay sa'kin ni Dust.

Bakit hindi ko nasabi sa kanya hangga't maaga pa ang lahat? Huli na ba ang lahat para sabihin ko sa kanya na g-gusto ko siya? kung kelan wala na siya ngayon sa tabi ko?

Napaka-tanga ko talaga!

Mas bumilis ang pag-tulo ng mga luha sa buong pisnge ko, mahirap man pero nakuha kong punasan at lumabas na ng cubicle. Lumabas na ako ng cr pero hindi pa ako nakakailang hakbang ay may humigit na ng mga braso ko.

Dahan-dahan man akong napatingin sa taong kaharap ko ngayon ay hindi ko napigilan ang panginginig ng mga kamay ko dahilan para hawakan niya ng mabuti ang braso ko at pakalmahin ako.

"What happened? bakit ka umiiyak? sin—"

Hindi niya na natuloy ang kanyang sinabi pero naramdaman ko nalang na hinigit niya ako papalapit sa kanya at niyakap. Doon ko na naramdaman ang dagliang paglabas ng mga nag-uunahang luha sa mga mata ko.

Napakasakit...

"Calm down, Love... just tell me what happened?"

Marahan kong inangat ang tingin ko sa kanya, nanginginig man ako ngayon ay ramdam ko naman ang paghimas niya ng likod ko para ma patahan ako.

"Shshsshshssh..." dahan-dahan niyang sinandal ang ulo ko sa balikat niya para ma-ipahinga ko ang ulo ko.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak lang sa balikat niya.

Maya't-maya pa ay nahimasmasan na ako, nasa bench ako ngayon nakaupo. Dito niya ako dinala para walang tao. Yun ang sabi ko sa kanya kanina. Napatingin naman ako sa bote ng tubig na inaabot niya sa akin at fish ball na mukhang bagong luto. Parang ngayon lang naman bumalik ang pagkamalay ko. Hindi man ako nagugutom pero kinuha ko ang binibigay niya. Ningitian ko lang siya ng pilit.

"Kumain ka, namumutla ka kanina pa... hindi ka ba kumain ng agahan kanina?"

Marahan naman akong napa-iling habang binubuksan ang tubig na binigay niya. Hindi pa naman kasi ako nagugutom kaya ito nalang ang iinumin ko.

"Lovely..."

Napatingin ako ng bahagya sa kanya nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Ngayon niya lang kasi ako tinawag sa totoo kong pangalan kasi kadalasan ay Love yung tawag niya. Tiningnan ko naman siya na nagtatanong ang buong mukha ko.

"Hindi man sa nangingi-alam ako sa inyong dalawa ni Seco pero ahh...O-ok kalang ba? ano ba ang nangyari?..."

Inubos ko ang isang bote ng tubig bago ko napagdesisyunan na magsalita. Tiningnan ko pa muna ang singsing na nasa daliri ko.

"Gu....g-gustong-gusto ko siya p-pero hindi ko man lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ko bago siya umalis..."

Napatingin ako sa kawalan habang nararamdaman ko naman ulit ang dahan-dahan na namang pagtulo ng mga luha ko sa buong pisnge ko. Narinig ko siyang huminga ng malalim kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Huwag kang mag-alala... hindi pa naman siya patay eh... umalis lang saglit... babalik din siya sa tamang p-panahon..."narinig ko pa ang pag-crack ng boses ko habang sinasabi ko sa kanya yun.

"Pero...love, kung kailangan mo ng kausap... nandito parin ako para samahan ka..." napatango ako sa sinabi ni Ricco.

"S-salamat..." napahinga ako ng malalim. "Alam mo bang maliban kay Dust ikaw lang yung taong naging malapit lang sa akin?"Hindi siya nakapagsalita. Pinagmasdan ko siyang napa-ngiti sa akin ng kaunti.

"Hindi naman talaga natin kailangan ng maraming kaibigan diba? kung ako lang at si Seco ang naging malapit sayo..."napabuntong hininga siya. "wala namang problema dun—"

"H-indi yun ang ibig kong sabihin pero... Iiwan mo din ba ako kung sa oras na kailangan mo ng umalis?" Agad niyang pinunasan ang luha sa mata ko gamit ng panyo niya.

"Hmmm...Hindi ko alam"

Napasinghot ako sa hangin at tsaka muli ko siyang tiningnan.

Ano ba ang iniisip ko? Na... sasamahan niya ako hanggang sa magkita kami ulit ni Dust?

Ayaw kong umasa siya sa akin pero babalik na naman ba ulit ako sa dati?

Parang hindi pa ako nasanay...

"M-mahal mo ba siya?"

Agad napawi ang pagkatulala ko nang marinig kong tinatanong niya ako. Tiningnan ko siya.

"Mahal mo ba siya?"

Hindi ko alam.

Mahal ko na kaya siya?

"Ikaw lang ang makakasagot nyan Lovely pero tandaan mo, kapag nalaman mong mahal mo na nga ang isang tao, lahat ay ibibigay mo at gagawin mo para sa kanya kahit sa pinakahuli mo pang hininga..."

Yun lang ang nasa-isip ko habang naglalakad ako patungo sa bahay. Katulad ng dati ay ako lang mag-isa, tanging sulyap lang ng hangin at tunog ng music sa earphones ko ang naririnig ko. Pinapadyak ko naman sa lupa ang isa kong paa para makapag-free wheeling ako gamit ang scooter ko.

Katulad ng palagi kong ginawa ay dumidiretsyo muna ako sa convenient store at bumili ng ramen at tubig pagkatapos ay pumunta ako sa lugar na iyon. Mamaya nalang ako magpapalit ng damit at maliligo dahil alas kwatro palang ng hapon. Katulad din ng palagi kong ginagawa kapag nandito ako ay kinakausap ko ang hangin kapag hindi ko pa nakikita ang buwan sa gabi.

Minsan kahit umuulan ay pumupunta ako rito para lang kausapin ang buwan pero kung minamalas ay hindi lumalabas ang buwan kapag umuulan ganon din ang ibang mga bituin. Kaya kahit nababasa ako ng tubig ulan ay nakaupo parin ako dito sa swing para nalang kausapin ang hangin. Minsan nga sapalagay ko ay kahit wala naman akong nakikita ay may tumitingin sa akin. Hindi ko man alam kung sino iyon pero komportable ako sa presensiya niya.

Madalang talaga ang mga pumupunta rito sa lugar na ito at hindi ko din alam kung bakit. Minsan ang iba ay nakikita ko nalang na nagdadala sila ng mga bulaklak dito at hindi naman magtatagal at aalis din sila.
Parang nakasanayan ko na siguro na ang hindi pagbati sa mga tao ay naging normal na din para sa kanila.

Kakadating ko lang galing sa paaralan at katulad din ng ginagawa ko ay may dala na akong ramen at tubig. Napaupo ako at nagsimula ng kumain sana nang bigla kong maramdaman ang kakaibang presensiya ng hindi ko alam na bagay na nakatingin sa akin. Napahinto ako at marahang tumingin sa hindi kalayuang bahay, nasa iisang linya ito ng bahay ko. Maige ko itong tiningnan at tsaka bumuntong hininga.

"Ang weird..."bumalik nalang sa ramen ang atensyon at agad na kinain ito. "Ahhh ang anghang" agad ko namang hinanap ang tubig ko.

"Kunin mo na yan, your lips are getting red you know?"

Napatulala ako sa bote ng tubig na hawak ko. Na-alala ko yung sinabi niya nang pangalawang beses kami magkita sa convenient store. Hindi ko naman naitago kaya medyo napangiti ako sa naiisip ko.

Napakakulit niya ng mga oras na yun...

Binuksan ko naman ang tubig at tsaka ako napainom. Kanina ko pa talaga napapansin na may nakatingin talaga sa akin, kung bibilangin ko... siguro kada araw na pupunta ako dito sa lugar na ito.




Kinaumagahan ay napagisipan kong pumunta ulit dito pagkatapos ng klase. At hindi nga ako nagkamali may mga mata talaga nakatutok sa akin. Matagal ko narin kasing napapansin ang bahay na iyon kaya sapalagay ko'y taga doon ang taong nakatingin sa akin. Inubos ko lang ang hapunan ko, alas kwatro palang ng hapon pero kumakain na ako ng hapunan ko dahil mag-isa nalang akong namumuhay at wala ng dapat pang intayin. Uminom muna ako ng tubig bago ko napagdesisyunan na tumingin doon sa bahay kung saan ko batid na may nakatingin din sa akin.

Bumuntong hininga pa ako habang pinagmamasdan ang bahay na iyon. Ewan ko rin kung may nakatira ba talaga doon dahil walang kahit anong ilaw ang makikita mo hindi kumpara sa bahay ko ay kahit isang ilaw ay meron ako sa bahay pero doon sa bahay na yun ay wala. Napalunok ako ng sunod-sunod habang nakatingin lang doon. Wala naman akong ibang nararamdaman na masama pero nakakapagtaka lang talaga dahil parang may mga mata talagang nakatingin sakin dito.

Pero nagulat ako nang bigla itong umilaw ng sabay.  Akala ko pa naman ay walang tao doon. Parang dahan dahan namang nagsitaas ang balahibo ko nang dumaan ang malamig na hangin sa balat ko. Unti-unti na ding lumulubog ang araw at napapalitan ng dilim ang buong kalangitan.Siguro uulan ngayong araw dahil ang bilis naging itim ang kalangitan. Wala din akong may nakitang bituin at buwan. Narinig ko pa ang tunog ng kidlat sa itaas kung saan maraming maitim na ulap ang nakapalibot dito.

Nararamdaman ko na din ang isa-isang pagpatak ng naguunahang butil ng tubig ulan sa ulo ko. Umuulan na. Agad kong niligpit ang mga dala ko at nagpagsilong lang sa malaking puno ng balete pero hindi parin ito sapat para hindi ako mabasa ng ulan. Basa na lahat ng gamit ko. Nilalamig na rin ang buong katawan ko at nararamdaman ko namang nanginginig na naman ang mga kamay ko.

Alas singko na at mas bumuhos pa lalo ang ulan samahan pa ng malamig na hangin. Hindi parin ako naka-uwi ng bahay.

"Babalik ulit ako dito... dust"

Sinikap kong umalis nalang para makapagpalit ako ng bagong damit pagkadating ko sa bahay pero nahirapan lang ako sapaglakad dahil napakalakas ng ulan at ng hangin na galing sa norte. Kahit mahirap ay dahan dahan akong naglalakad pero nagulat ako nang bigla akong madulas kaya dumiretsyo ako sa may putik. Agad kong naramdaman ang pagsakit ng likod at pwet ko dahil sa nangyari kaya dahan dahan naman ulit akong bumangon.

Nakatayo na ako na basa at puno ng putik ang uniporme ko. Mangingiyak na ulit ako sana nang bigla kong naramdaman na may humigit sa akin at gulat nalang akong makita na may isang tao na katabi ko ngayon at may dala itong payong, hindi ko alam kung saan kami ngayon pupunta pero dinala niya ako sa bahay kung saan kanina pa parang may mga mata na nakatingin sa akin. Binitawan niya din ako pagkadating namin sa terrace ng bahay. Nanginginig ang buong katawan ko kaya napatingin naman ako nang bigla niya akong bigyan ng tuwalya. Hindi ko na kayang kunin pa yun kaya siya nalang mismo ang naglagay sakin non.

Napansin ko ding nabasa din siya dahil siya yung kumuha sakin dun kanina sa putikan. Naka-white long-sleeves siya at naka black pants at naka sapatos na itim. Hindi ako pamilyar kung saang eskwelahan siya.

"pasok ka"

Dahan-dahan naman akong nagangat ng tingin sa kanya at tsaka tumango.

"Bilis, napakalakas ng hangin"

Sa buong lakas na makakaya ko ay sinikap kong maglakad papasok sa loob ng bahay. Sa kanya siguro tong mansion na ito. Halos parehos din ang disenyo sa bahay ko.

"Umupo ka dyan—— ay hindi pala...sandali lang"

Pinagmasdan ko siyang pumasok sa isang kwarto at pagkalabas niya ay may dala na siyang damit.

"Maligo ka muna at ito muna ang gamitin mo ha? wala kasi akong ibang damit dito..."

Napatango nalang ako sa sinabi niya.

Sinamahan niya ako kung saan ako magbi bihis at kung saan ang cr dito.

"doon lang ako sa sala, pumunta kalang doon pagkatapos"

Tumango lang ako sa sinabi niya, pumunta na akong cr at tsaka naligo gamit ang mga gamit niya dito sa loob. Pagkatapos ay hinahanap ko naman yung damit na binigay niya. Agad kong sinuot itong puting t-shirt na katamtaman lang sa akin ang laki nito. At itong pajama na kulay black and white na checkered. Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos. Nakita ko siyang nagaayos ng lamesa at mga pagkain sa lamesa.

Lumapit ako ng bahagya sa kanya para malaman niya na nandito na ako. Agad naman siyang napatingin sa akin nang maramdaman niya ang paglapit ko.

"How are you?"

Tumango ako ng kaunti.

"Ok na, s-salamat"

"Umupo kana, samahan mo akong kumain ng hapunan"

"Nakakain na ako ng hapunan...salamat nalang"sabi ko at naibaling ko agad sa iba ang paningin ko.

"hmm sige, pero pwede bang dumito kalang sa lamesa umupo kasi ayaw ni lolo na——ahh sorry... I shouldn't have to ask you..."

"sige, ok lang, sasamahan nalang kita kung ganon ang tradition niyo sa pagkain"

"Thank you"

Umupo na ako at magkaharap kaming dalawa ngayon.

"Kumuha kana,..."

Tumango lang ako at tsaka nagsimula ng kumuha ng mga pagkain na kaya ko lang kainin. Dalawa lang kami dito pero yung pagkain namin ay nasa tatlong putahe mahigit.

"bakit hindi natin kasama si Lolo mo?"ani ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"nagpahinga na si lolo..."

Napagod siguro siya sa pagluluto nitong mga putahe para sa apo niya. Kakadating lang siguro ng apo niya galing paaralan.

"Taga saang school ka?" Tanong niya. "Ahh alam ko na, doon kaba nagaaral malapit sa proper?" tumango ako sa sinabi niya.

"Ikaw taga saan ka?"sabi ko.

"Taga dito" nakangising aniya at tumawa. "Ikaw taga saan kaba?"

"Ibig kong itanong ay taga saang school ka? taga dito din ako sa village na ito"

"Siliman University ako nag-aaral, high school ka palang siguro no?"

"Oo, ikaw?"

"Nasa college na ako, First year college to be exact."

"Grade 10" sabi ko.

"One year ang gap natin, not bad, seventeen?"

"hmmm"

"Nice..." tango-tangong sabi niya. "Ano pala ang ginagawa mo doon sa puno ng balete? bakit nagpapaulan ka doon?"

Tama nga ako at siya itong kanina pa nakatingin sakin.

"May iniintay lang..."

"Sino?"

"someone..." tumango siya sa sinabi ko.

"Kung hindi siguro kita kinuha doon kanina sa putikan siguro tinangay kana ng baha no?" nakangising aniya.

Tch tinangay talaga ng baha?

"At kung hindi ka sana panay tingin sa akin mula dito sa bahay mo sana hindi ako naulanan doon."

"Ahh? haaa?"

"totoo naman ah! kanina ko pa nararamdaman na nakatingin ka sakin simula nang pumunta ako dito. Diba?"

"What are you talking ms?"napailing siya. "Kakadating ko lang nung makita kita na nasa putikan kana nakaupo... kaya agad kitang pinuntahan dahil hirap na hirap kang tumayo——"

"Pakiulit nung sinabi mo?"

"Ang alin don?" Nakataas ang isang kilay niya.

"Yung una mong sinabi bago dyan"hindi makapaniwalang sabi ko.

"hmm, Kakadating ko lang?"

"YUN!...ulitin mo yung sinabi mo kanina"

"Kakadating ko lang nung makita kita na nasa putikan kana nakaupo... kaya agad kitang pinuntahan dahil hirap na hirap kang tumayo? ito ba yung——"

"Kakadating mo lang nung makita mo ako sa putikan?" agad siyang tumango.

"Oo bakit?"marahan kong kinagat ang ibabang labi ko. Hindi Pwede na walang tao dito!Alam kong may mga mata na nakatingin sakin kanina pa mula sa bahay na ito!

"Sigurado ka?"agad na sabi ko. Napaisip ulit ako. "Si lolo mo? baka siguro si Lolo mo ang nakatingin sa akin no?"

Hindi ko siya narinig na nagsalita. Walang kibo-an ang naganap matapos ko iyong sabihin sa kanya. Dahan dahan ko siyang tiningnan. Naka-ukit na sa kanyang mukha ang pagka-gulat at takot. Agad naman akong napayuko dahil sa naging reaksyon niya.

"Nagpahinga si lolo pero hindi ibig sabihin nun ay nandito parin siya..."dahan dahan akong napatingin sa kanya. "Matagal ng patay si lolo ko..."

Parang agad na sinakop ng takot at gulat ang buong pagkatao ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"H-hindi ko alam, Sorry..."

"Ok lang, madalas naman kasi kapag ganon ang sabihin ko ay akala nila ay nagpapahinga lang talaga si lolo... pero yung sayo... hindi rin ako makapaniwala na merong tao dito?"

Agad akong tumango.

"Nagulat pa nga ako kanina na sabay na umilaw ang mga ilaw dito..."

Hindi siya nakapagsalita.

"Ako ang nagsindi ng mga ilaw dito nang dumating ako ng alas singko ng hapon."

"Alas kwatro ang tanda ko nang sabay umilaw ang lahat ng ilaw dito..." pagsasabi ko ng totoo.

Agad siyang napatingin sa akin at tiningnan ako ng diretsyo sa mata.

"Nakakakita kaba ng multo?"

"Hindi bakit?"

"Alam mo bang minsan narin kitang nakitang may kinakausap kahit wala ka namang kasama..."

"k-kelan pa?"

"Simula siguro nung, ahh hindi ko na masyadong tanda pa pero palagi kong naririnig na may kausapa ka at palagi mo itong tinatawag na..." napa-isip muna siya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa mga pinagsasabi niya sa akin pero merong parte sa pagkatao ko na gusto ko iyong marinig.

"Dust ba?"

Agad naman siyang napailing sa sinabi ko at napa-isip ulit. Napabuntong hininga ako.






"Sun... Sun yung tawag mo sa kanya"

Agad nagsitaas ang mga balahibo ko dahil sa lahat ng mga narinig ko sa kanya.

HINDE PWEDE!

Hindi multo si Dust!

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 66 23
SI GIRL OK NAMAN SYA PERO SA KASAMAANG PALAD SYA AY TINAWAG NA "CRAZY GIRL" SA DI MALAMANG DAHILAN AT IYON NGA ITO AKO NGAYON NAG MUMUKMUK CHARGOATT...
1.6M 110K 26
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
902K 30.8K 110
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...
248K 9.9K 32
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚