Darcy, The Breaker of Chains:...

By piedraijada

1.1K 175 5

TIS #2 TRIGGER WARNING : Obsessive-Compulsive. Psychotic Thriller. Have you ever experienced incarceration... More

DONT SKIP!
HEY.
SNEAK PEEK
PHASE 01
PHASE 02
PHASE 03
PHASE 04
PHASE 05
PHASE 06
PHASE 07
PHASE 08
PHASE 09
PHASE 10
PHASE 11
PHASE 12
PHASE 13
PHASE 15
PHASE 16
PHASE 17
PHASE 18
PHASE 19
PHASE 20
PHASE 21
PHASE 22
PHASE 23
PHASE 24
PHASE 25
PHASE 26
PHASE 27

PHASE 14

31 5 0
By piedraijada


I just stared his massive back. Walang lingun-lingon siyang naglalakad, pasimpleng humihimig at tila kampante pa yata siyang magpapahatid na ako sa kanya dahil nanalo siya sa kakulitan niya. He fished for his car keys with his right hand.

I heavily sighed. Para bang huminto ang kaluluwa ko kahit na may sariling utak ang katawan ko sa patuloy na paglakakad—dagling may natanto. Honestly, I could ditch him and he wouldn't know.

I hesitantly followed him until he stopped and glared his gaze at me.

Naaligaga sa loob-loob dahil sa laki niyang tao habang napapatingala ako, naputol na rin ang binabalak.

"C'mon, hop in."

I glanced at him. "Oh..." and I was like whimpered like a fucking kitten.

Seryoso na ito ngayon at nawala ang pilyong ngiti sa labi nang sinimulan niyang paandarin ang kotse nang makapasok na siya sa loob.

"Finally..." he said at saglit siyang mapaglarong sumipol nang pasadahan niya ako nang tingin at binigyan nang tipid na ngisi, na para bang mahihimigan na nanalo siya sa lotto.

Humigpit naman ang hawak ko sa paper bag na may lamang mga pinamili.

Kinakabahan pa rin at nagdududa, nag-isip naman ako na maaaring ipanlaban ko sa kanya. I immediately became attentive of this mysterious man. Saglit ko inisip ang mga bagay na meron ako. Ah... may ballpen naman ako sa bag ko, pulbo—pwede naman siyang mapuwing sa mukha sakaling sabuyan ko siya para makatakbo ako sa kung anumang gawin niyang masama sa'kin. Pwede ring sanitizer, i-spray ko sa kanyang mata. Pwede ko ding ihampas sa panga niya ang dalawang bote na may lamang stick-o sakaling marahas na pigilan niya man ako kapag tatakas ako.

"You, okay?" untag niya sa'kin dahilan nang pagkurap at pagbalik ng reyalidad ko.

Napalunok naman ako sa biglang naisip. Ano ba 'to... bakit ko ba 'to iniisip sa kanya? Sobra naman yata... nagmamagandang loob lang naman yung tao para ihatid ako. Kaya ano itong karumaldumal na iniisip ko?

"Y-Yea..." mahinang tugon ko at tumango na lang sa kanya.

Kumunot siya saglit at tumango na lang rin sa'kin kahit na may kaunting pagdududa sa kanyang tingin. Mas nagdududa pa rin talaga ang loob-loob ko sa kanya.

Isang beses nitong pinasadahan ang tsokolateng buhok, at sa banig na nakalatag na kadiliman mula sa kalangitan, ay sumidlak muli ang kanyang metal piercing sa kanyang dila nang ako'y kanyang saglit na nilingunan at nginitian.

"Put on your seatbelt." utos niya. "O kung gusto mo pang ako ang magkabit niyan sa'yo, hm?" he chuckled a bit, mukhang kanina pa yata ako hinihintay kaya hindi kami agad makalarga sa pag-alis.

Napakurap ako sa pagtawa niya dahil sa daming umaakupado sa utak ko at tila lumulutang na naman ang kaisipan ko. I sighed. Pambihira naman Celestina! Simpleng pagsuot lang nang seatbelt, napaka-basic na, hindi mo pa magawa at naiwala mo sa isip mo pa!

I sighed again. Gutom na siguro ako kaya nagkakaganito ako.

"A-ah, right, oo nga, sige, kaya ko na," I cleared my throat para tabunan ang hindi napigilang tarantang naramdaman. "Thanks..."

Agad na nanuot sa ilong ko ang naghahalong vape at panglalaking amoy sa loob ng kanyang kotse nang magsimulang mabuhay ang air con sa loob, and when he had also started to operate the engine of his car.

I sucked a deep breath when I could close my eyes for a moment because of the addictive smell that was engulfing my nostrils.

It smells good in here.

We were driving by the highway in just a few seconds after the car pulled out of the parking lot. I nibbled my lower lips before rolling down the window and letting the cool night air in.

Halos tahimik lamang ako habang nagmamaneho siya. He was simply humming without uttering the lyrics, and the only sound was coming out of his mouth. I don't know what he was singing, but his voice made me, somehow—calming.

Later on, a quick glance at his dashboard reveals that it's half past eight o'clock in the evening.

"Here we go..." mahinang bulalas niya habang abala ang kanyang mga mata sa pagtingin sa gilid, likod, at unahan. At habang ang ekspertong maugat rin niyang braso at kamay ay abala sa pag-abante nang manibela.

Parehas kaming napasaludo nang tingin sa condo. He licked his lips and glazed me once again.

"So, you really live around here,"

Sa tono niya, hindi siya tanong. Hindi rin isang pahayag.

Napakunot pa ako sa sinabi niya.

Mukhang may nalalaman siya tungkol sa'kin, ah? Nakita niya ba ako? Paano? Coincidence lang ba talaga? At sa dinamiraming nagko-condo rito, paano naman niya nalaman na isa ako sa naninirahan dito? Paanong... sa puntong ito ay natatandaan niya pa ako?

My lips parted as I licked my lips.

Naramdaman ko agad ang kagaspanganan ng aking labi dahil sa panunuyot ng aking lalamunan. Umiwas ako nang tingin ng mapansin kong lumapat ang karagatan niyang mata sa labi ko—na agad naman ding ikinatikom ko nang magparte 'to, dahilan na umangat papunta na naman pabalik sa mata ko ang paglapat nang kanyang tingin. Para bang nasusubaybay niya ang bawat maliit na detalye't galaw nang reaksyon ko.

Damn it...

I mentally shook my head and slapped my face.

Agad ko pinalis ang kung anumang naiisip ko at baka kung saan pa humantong 'to.

Napabuntonghininga ako ng malalim nang ngayon ko lang natanto ang aking kaibahan sa kasuotan ko sa kanya. Hindi na ako nag-abala pang mahiya kahit na simpleng Stranger Things oversized black shirt with The Hellfire Club episodic poster print, high-waisted white-washed shorts, and Nike Dunk Lows lang ang suot ko. Laging nakamessy-bun ang aking buhok at dahil bibili lang naman sa store, ay hindi na ako nag-abala pang maggayak sa mukha.

Naisip ko lang naman kanina bago umalis, ang mahalaga ay naligo naman ako.

Kaya bakit ako nag-iisip ng ganito? Ano naman kung simple at parang nasa bahay lang ako kahit na may gwapo at pormadong lalaking nasa tabi ko? At inihahatid pa ako?

Pero naisip ko rin, magmumukha yata akong bata kapag kasama ang lalaking 'to. Sa tindig at tangkad pa lang niya, mapapasaludo ka na lang talaga. He's wearing a black leather jacket, a black shirt na tamang yumayakap sa kakisigan ng kanyang katawan, the same with his pants, and his Giuseppe Zanotti high-top sneakers.

He looks brooding, mysterious, tattooed, and badass. Everything about him is dark. Pero gayunpaman, para pa rin siyang lumiliwanag sa latag ng kadiliman. Nagmistulang taong buwan. Mabuti na lamang ay may kaputian siya kaya mas lalong naniningkad ang kulay karagatan niyang mga mata. Naramdaman ko ang lalagukan ko sa leeg nang ako'y lumunok nang aksidente lumapat ang mata ko kanyang labi.

And his red lip... which resembled a moon, and was super lustrous, really made him look like a vampire drinking the fresh blood of a mortal victim.

Mukha siyang supladong tingnan pero dahil kinakausap niya ako, malayung-malayo sa interpretasyon ko. He looks very unpredictable. Masasabi kong... isa siyang mapilyo't gwapo't makulit na lalaki.

"But the way, how did you know that I'm staying here?" naningkit ang mata ko na ikinaangat naman agad nang isa niyang kilay dahil sa naging reaksyon ko.

Para bang sinasabi nang mga mata nito na 'huwag-kang-mapanghusga'

"Coz I live around here too." aniya at nagsimula muli siyang humipak nang vape na nakasukbit sa kanyang leeg.

"Talaga?"

Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya dahan-dahang tumango. His lips lifting in a smirked.

"Bakit? Anong akala mo? Por que alam ko kung nasan ka, inii-stalk na kita?" natatawa niyang tanong na agad din namang ikinainit ng pisngi ko.

"H-Hindi naman sa ganun... hindi ko naman 'yan naisip sa'yo!" dipensa ko agad.

"I may be nice to you but I'm not a creep, woman. It's not what you think. Nagkataon lang siguro. Nagmagandang loob lang ako... kasi mabait ako."

My lips automatically pouted. Ilang beses na ba niya nababanggit ang salitang 'yan? Pinangangalandakan niya talaga.

"Seriously, I've never noticed you before. Bago ka lang ba rito?" pagpapatuloy niya sa pagdaldal.

"U-Uhm, yup..." hindi na alam kung ano sasabihin. Pinipilit na lang ang sarili na maging tipid sa pagtugon.

He's facing me again. Resting his elbow on the seat. "If you live over there, then who's with you? Siguro magkatabi tayo ng room? Which floor are you? Are you with your family?" sunud-sunod na tanong niya na halos muntik na akong mapahilot sa sentido ko.

I bit my lower lip and frowned. Napailing ako nang isang beses kaya inakala niyang iyon ang sagot ko sa mga tanong niya. Ang pag-iling ibig sabihin ay maaaring senyales na hindi ko kasama ang aking pamilya pero ang totoo... bigla na lamang ako napabuntonghininga nang malalim sa naging tanong niya. Pagod lang ako sa araw na ito at dahil na-mention niya pa lalo ang pamilya ko, hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko dahil sumagi sila bigla sa isip ko.

Siguro kung normal lang na araw ito, saktong pasado alas otso, maririnig ko ang tawag ni Mama mula sa baba habang nasa kwarto ako—senyales na tapos na siyang magluto sa aming magiging hapunan, at paglabas ko ay kadarating lang rin ng Papa ko at sasalubungin niya ako ng kamusta at yakap, kumakain, magkakasama sa hapag.

"Boyfriend...? Or something?" pagpapatuloy niya pa.

"I uh...nope." umiling agad ako at pinatay ang usap. I bit my lower lip and sighed. "Thanks for the ride. I appreciate it... H-Have a goodnight." imbes ay paumanhin ko siyang tiningnan at binigyan muli nang tipid na ngiti.

His lips parted and licked his lower lip. He blinked a few more times before he nodded slowly and it didn't seem to escape my sight as the moment passed with disappointment washed over his face and finally just gave me a small smile.

"Yea..." aniya'y sa namamaos niyang tugon habang pinagmamasdan niya ang paggalaw ko para hintayin na makalabas na ako. "You too..."

I gulped. Sa isang tango ay agad nang tumalikod ako. Handa na akong lumabas at buksan ang pinto nang kanyang kotse nang bigla siyang magsalita dahilan nang paglingon kong muli.

"You know what? Fuck it."

My lips parted and stunned by his sudden reaction. He slightly cursed under his breath na kahit mahina iyon ay hindi nakatakas sa pandinig ko. Saglit niyang inihilamos ang palad sa kanyang mukha, natatawa't napapailing sa kanyang sarili.

"I'm already ruining this so I just gonna keep goin'." now, his lips twitching. Para bang may gustong sabihin pero mukhang nagpipigil at nagdadalawang isip pa ito.

"H-ha? Anong problema?" nalilito kong tanong sa kanya.

He paused for a while and licked his lips. "Do you think I could have your phone number?"

"P-Phone... num...ber?" dahan-dahan, namamaos, at laglag ang pangang sambit ko sa kanya.

I am too stunned to say anything right now. What is he trying to say?

"It really just uh... you know," he chuckled a bit at base sa istura niya ay parang nahihiya na siya't 'di na makatingin sa'kin habang ako—nanatiling nakaamang lang sa kanya. "I want to say a lot. I want you to know me and want to know more about you... I think we were gonna talk about why pocky is my favorite snack, and I'll also find out what your favorite snack is as well." aniya niya pa sa kalagitnaan nang kanyang tawa. "And..." patuloy niyang sinasalba ang sarili sa mga sinasabi niya.

At ako nanatiling nakaamang sa mga pinagsasabi niya. He looks flushed a bit, and his candy eyes twinkled.

Is blushing?

Bumaba saglit ang mata niya sa paper bag na dala ko, umarko saglit ang gilid nang kanyang labi sa tipid na ngiti, bago muli bumalik ang namumungay niyang nakangiting mata sa akin.

"Why do you like Stick-o and Chuckie so much?" sa huli ay kumagat ang ngipin niya na lalong nagpapula sa kanyang labi.

'Dude, are you sayin' let's talk about what the two of us have cravings for?'

O tamang palusot lang talaga 'to para landiin na naman niya ko?

Tsk. Para-paraan...

Nagawaran ko siya nang imposibleng tingin. Gusto ko sana ito isatinig sa kanya ngunit alam kong... kapag ginawa ko iyon lalo lamang hahaba at kung saan pa mapunta ang usapan. Masyado rin ako nanghina sa mga pinagsasabi niya.

Natutulala at napapaamang na lamang ako. Seriously? Ano bang gusto niyang palabasin. Is he really... trying to flirt me? I think... it's only now that I've encountered a man this way just to get attention.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Gustuhin mang mainis pero hindi ko alam kung bakit halu-halong emosyon ang nararamdaman ko, biglang natatawa sa loob-loob habang naririnig ang paraan nang pagsasalita niya. Hindi mo alam kung seryoso o nakikipagbiruan lang ba talaga.

"B-Bakit..." tumikhim ako saglit para tabunan ang namumuong halakhak sa lalamunan ko. "... bakit mo naman hinihingi ang number ko?"

Tanong ko pa rin, kahit na nasabi na naman niya ang mga mabulaklak niyang dahilan. I don't know... I just can't believe it. I just asked so I will know the truth. I just... want him to be straight forward or honest with me. Hindi na yung pinaliliguy pa dahil wala akong oras sa ganito.

"Hmm... sakaling para maihatid rin ulit kita?" he bit his lower lip.

I bet he's just bored kaya niya ginagawa ang mga ito kaya ako pa ang napagdiskitahan na landiin niya?

"Bakit...?"

"Can't you see? Do I still have to be at your service just so you can notice me?"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi dahil sa kinikilig ako. Kundi dahil hindi ko matagalan ang mga ibinubulalas niya. It's cringey. Super corny.

Then a throaty laugh vibrated on his chest as he rested his back on his car seat, while I am fuming red!

Suminghap ako at kinalma ang sarili.

"Kung hindi pa rin malinaw sa'yo kung bakit ko nga hinihingi ang number mo, hmm..." saglit pa siya tumingala na para bang nag-iisip habang may naglalaro mula sa kanyang tono. "...bakit nga ba? Bukod sa interesante ako sa'yo. Bakit ko nga ba hinihingi?"

"Kasi bibigyan mo ako ng load?" 'di nakatakas sa'kin ang sarkasmo dahil sa panunudyo nito.

Binigyan niya ako nang imposibleng tingin at natawa pa siya sa'kin na lalong nagpairita sa'kin. It's like the way na tingnan niya ako ay para bang dino-dogshow lang ako nito!

"You're impossible!" he licked his lips and dramatically sighed after he let out a momentary laugh. "Fine, all on me. Makausap ka lang..." aniya at sinakyan pa niya ang inakalang pagbibiro ko, kahit na ang totoo ay inililihis ko lamang ang usapan dahil may ideya na ako sa isip ko kung saan na papunta iyon.

Ayoko nga lang ibulalas at baka pa sabihing ang assuming ko.

"Anong sabi mo?"

"Wala." painosenteng sagot niya.

Pero ayoko lang rin talagang maging assuming at baka pinagti-tripan lang talaga ako nito.

"You're impossible." napuna ko na lang rin.

"But seriously, this may be fast for you, I uh... I like you,"

With someone you will see unexpectedly—he admitted.

Like out of the blue. Like rain or a rainbow suddenly popping up in the middle of normal weather. It was like a movie... as if it were fast-forwarded. It was like a book, as if the scene between the two of us had loopholes. It was exciting at first, but as time went on, it got too messy or something was missing and not enough. Very confusing, really. Maybe this is just for some simpleminded. And if I didn't know too much, a normal person might be happy, contented or thrilled right away without thinking about how it was started or what would happen at the end. But this... I don't know... I couldn't feel anything. It's not like in the books that your world will suddenly slow down, birds chirping will sing, and music will suddenly play around you—but it doesn't. This is the truth and reality.

"I don't wanna wasted time, but I am very much interested in you..." sa huling mapaglaro niyang himig ay unti-unti umarko ang pagsugat nang ngiti sa kanyang malastikong labi.

My eyes widened.

"What are you laughing at?"

Napakunot ako dahil sa dagling paghalakhak niya habang nanatili pa rin ang mga titig niya.

I shrugged a bit. "W-Why do you keep staring at me? I wasn't weird, was I?" natataranta na namang tanong ko.

I keep trailed off and swallowed 'cause of my nervousness. My god, this man.

"Oh, my..." he shook his head. "No, no... you—" he cleared his throat and sighed. "...you're just... being cute and damn, I can't stop."

It's as if he doesn't hesitate to just say what suddenly comes to his mind...

I bit my lower lip. "Why are you being like that...?" this is so awkward.

"Listen, I don't want to sound corny or anything, but... you are the most beautiful girl I've ever seen. That's why I'm interested."

Okay, that was speed and so smooth.

Nagparte ang labi ko sa bilis ng paraan niya. Ngunit agad ding naputol ang tingin ko nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Then I saw Mickey's name pop up on my caller ID.

"Mickey?"

"Jesus... Finally!" agad naman akong napakunot dahil sa nahimigan kong taranta sa kanyang boses mula sa kabilang linya.

"What?" untag ko dahil nadidinig ko ang malalim niyang paghinga, na para bang hapung-hapo ito at galing sa pagtakbo.

"Can you fucking tell where are you right now, Celestina? Are you in my condo, ha?" aniya't parang nagmamadali niyang tanong sa'kin. "Tell me."

"N-nan... nandito ako sa..." napasulyap ako sa katabi ko at na napansin na mukhang nakikinig ito at nakatutok ang atensyon sa'kin. Binigyan ko naman siya nang paumanhin na tingin at unti-unti na ring bumaba sa pagkakaupo nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto habang bit-bit ang pinamili. Hindi na nagawang harapin, magpaalam muli ng maayos, at magpasalamat sa lalaki. "Galing ako sa store, bumili lang ako ng snacks dahil na-crave ako—"

"Good!" agad ko din namang nadinig ang kanyang mura at na marahas siyang nagpakawala nang malalim na buntonghininga. "Oh, my God! Thank God!" naputol ako sa dagling reaksyon niya at hindi nakatakas sa'kin ang sunud-sunod pang mura ulit niya.

Lalong kumurba ang noo ko sa pagkakakunot dahil sa mga reaksyon niya. Siguro kung nakikita ko siya, malamang, nakikita ko na, na parang meron siyang ibabalitang problema.

"Teka, ano bang nangyayari sa'yo, Mickey? May problema ba?"

Matagal bago siya nakasagot. "We have a problem."

Hindi pa man ako nakakasagot ay mas lalo namang hindi agad ako makasagot sa sunod na ibinalita niya.

"Wag ka munang bumalik ngayon sa condo, ah?"

Ilang beses ako napakurap. "H-Ha? Bakit? Magluluto pa ko. T'saka gutom na rin ako."

"Please, mamaya na. Wag muna—"

"Ha? Eh, pa'no yon? Saan ako pupunta kung ganon? Gabi na rin t'saka bakit ba hindi pa ako pwedeng bumalik?" nalilito ko pang tanong.

"Dahil hinahalughog ka na ng magulang mo papunta sa condo ko!"

Napasinghap ako. Agad na tumirik ang tingin ko sa kataasan ng condo na para bang makikita ko sila at maaaninagan ang kwarto ko. Agad naman akong nataranta't kinabahan.

"S-Sina Papa? Bakit... Paanong..." malalim akong napalunok. "...paano nila nalaman 'yun, Mickey?"

"I'm sorry, Tin..." tanging nasabi niya sa gitna ng linyang sumaglit na katahimikan.

"M-Mickey..." bumuntonghininga ako ng malalim. "Sinabi mo ba sa kanila?"

"What? No!" agad na sagot niya. Nadinig ko muli ang buntonghininga niyang malalim sa kabilang linya. "Ang totoo... mismong magulang ko ang nakahuli sa'kin. Mabilis ang pangyayari pero naiparating na agad nina Mommy sa magulang mo... I'm really sorry, Tin. Galit na galit rin ang Papa mo sa nalaman..." mahihimigan ang kanyang pagsisisi.

Napapikit ako nang mariin sa nalaman. Naisapo ko ang noo ko at halos 'di na mapakali sa kinatatayuan."I'm sorry din, Mickey... Pasensya ka na at nadadamay ko kayo. A-Ano pa bang sinabi nila papa? Kinausap ka pa ba nila? May mga sinabi ba silang..." I paused for a while. "...masama sa'yo?"

"I expected your Dad to say something, Tin. G-Galing na rin mga magulang mo kina Becca. Gusto ka na nila talagang umuwi at... at..."

"Ano, Mickey?"

"Pauuwiin ka na nga daw sa probinsya." she paused for a while. I can almost feel her guilt and her pleading apology to me. "Totoo ba talaga 'yon, Tin? Kaya 'di ka pumapasok kasi aalis ka na? I can't believe your parents!"

Mariin akong napapikit kasabay nang aking pagmura. Nalukot ang puso ko at talagang desidido ang magulang ko sa plano na pinakakinalalabagan ko talaga sa loob-loob ko. Mas lalo tuloy sumama ang loob ko sa nalaman.

"Do you think it's the right time na bumalik ka na sa kanila?" aniya'y sa maliit na tono't parang nang-aagap na narinig kong boses mula kay Mickey.

"M-Mickey..." mahigpit akong umiling.

She heavily sighed, tiredly. "Please, Tin. Umuwi ka na. Baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon mo—"

But still, I remained determined even more, and the annoyance grew in my heart because of my parents' desperate desire to lock me up and continue to control my life.

"No... Mickey. Ayoko! Alam mo namang sa oras na makita nila ako, desidido na talaga nila akong isipa sa malayong bukid na hindi ko gusto! Ayoko... ayoko..." paulit-ulit akong umiling habang naiisip iyon, sa natutulog na galit sa puso ko, na akala ko ay humupa na, mali pala ako—muling umusbong ito dahilan ng pag-init muli ng mga mata ko sa namumuo kong pagluha. "At hindi ko hahayaan 'yon mangyari sa'kin—kaya ayoko!" my voice became higher and almost broke. Parang nararamdaman ko ang kawalang pag-asa ngunit 'di pa rin susuko.

She heavily sighed again. Para bang pinipigilan na lang niya ang sarili na mainis sa akin. "Stop being so stubborn! Please... please, umuwi ka na muna, hmm? Don't worry, susunduin na lang kita d'yan at ako mismo ang maghahatid sa'yo sa magulang mo, okay? Sasamahan kita kung gusto mo pero wag ka muna agad magpapakita sa magulang mo para makausap ko rin muna sila—"

"What? You're just kidding, right?" sa kalagitnaan ng inis at kaba, ay sarkastiko akong natawa sa sinabi niya.

Hindi makapaniwala sa naririnig ko mula sa kanya.

"Bullshit! This is for your own good. Please, Celestina—"

Marahas akong bumuntonghininga nang malalim at sa inis ko ay pinatayan ko ang kaibigan ko nang tawag dahil hindi ko na matalagan ang kung ano pang maririnig ko mula sa kanya.

Seriously? For my own good?

Nakabubuti ba talaga yung ilayo ako nang magulang ko sa kanila? Sa mga kaibigan ko? At patigilin ako sa eskwelahang pinapasukan ko? Makabubuti ba 'yung sapilitan ang lahat sa'kin? Makabubuti ba 'yung sundin ko ang ikasisiya ng mga magulang ko kahit pa... labag sa loob ko? Yung maging masaya na lang para sa kanila... kahit hindi naman talaga?

Ang ideyang 'yon. Kahit kailan ay hindi ko talaga gusto. Hinding-hindi ko talaga magugustuhan. Hanggang kailan na lang palaging ganito?

Marahas akong bumuntonghininga nang malalim nang maramdaman ko ang pangingirot sa may bandang dibdib ko, kasabay nang pagtubig na namuo sa bawat gilid ng mata ko.

"Hey..."

When I heard a familiar voice from behind me, I immediately stopped sniffing and looked up at him. I could hear his heavy footsteps and smell his manly scent.

His hand bit my arm, causing me to look up and hit our eyes. He is now looking at me seriously.

I gasped and lips parted. "May problema ba?" aniya.

I bit my lower lip. Umiwas agad ako nang tingin sa kanya at palihim na sumighap nang malalim.

"Bakit parang sumisigaw ka kanina?" he paused for a while and frowned nang makita ko ang paggala ng mata niya sa buong mukha ko. "Sorry for being nosy, but are you okay?" usisa niya pa.

What is he doing here? I thought he left already.

"B-Bakit nandito ka pa?" I didn't mean to sound rude, but I was shocked dahil sa lalim na rin ng aking mga naiisip.

"Want to go somewhere?" he asked huskily, ignoring my question.

Hindi ko napansin na naririto pa pala siya sa likod ko. Hindi pa rin pala umaalis. At dahil may natanto, saglit kong sinulyapan ang seryoso na niyang mukha.

Iniisip na narinig niya kaya iyung... kanina?

I laughed a bit and looked away. Kapaitan ang nanunuot sa loob-loob ko kahit na tinatabunan ko nang tawa ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung mali, swerte, o tama ba ang timing niya gayong hindi pa ako makakauwi at 'di alam kung saan ako pupunta dahil ako'y nag-iisa. Pero dahil tumama ang tingin ko sa kanya ay napaisip rin ako. Siguro kung hindi talaga siya nangulit na ihatid ako, at na matindi na tumanggi ako sa kanya... baka hindi ko na rin alam ang gagawin ko at mag-isang bagsak ang balikat kong tatalikod sa condo'ng pansamantalang inuuwian ko. Hindi alam kung saan mananatili at baka kanina pa ako nahuli ng magulang ko at sapilitang iuwi.

Kahit papano, sinuswerte pa rin pala 'ko.

Tumikhim ako saglit at malalim akong lumunok upang matabunan ang aking kaba.

"Mabait ka, 'di ba?"

His lips parted. Tumaas ang kilay niya sa naging tanong ko. Then I can see the ghost smile penetrated from his lips. Agad na namakat sa mapungay niyang mga mata nang babadya iyon sa pagngiti kahit na pinipigilan niya.

"A-Ayoko pa kasing umuwi and uhm..." I paused for a while and bit my lip. "Saan mo naman ako ipupunta kung ganon?" patuloy na pagtanong ko kahit na naniningkit saglit ang mga mata ko, medyo nagdududa pa rin sa kabaitan niya.

"You?" aniya na parang nakadepende pa sa'kin kung saan man niya ako dadalhin.

Napakibit balikat ako at napansin niya iyon.

"It depends on you. Where do you want?" pagpapatuloy na tanong niya.

Medyo nakakahiya pero okay lang ba talaga sa kanya? Kaysa naman na mag-isa ako. Lalo pa't... nagtalo pa kami ni Mickey. At malamang bukod kay Mickey, siguro ganun din ang sasabihin sa'kin ni Becca. Naiintindihan man nila ako, ngunit alam kong magkapanig pa rin silang dalawa sa isa't-isa. Pare-parehas lang rin, at iisa ang desisyon nila, katulad ng mga magulang ko. Ang iuwi ako at tuluyang makulong sa lugar na hindi ko gusto.

"I don't know, really... Just take me a-anywhere..." still bit hesitant, pero tinatagan ko na lang loob ko at baka anytime ay makita na ko ng magulang ko.

He just nodded quietly. Hindi na siya nagtanong pa, mukhang naintindihan na niya 'yon. I was still embarrassed when he took my paperbag and he was the one carrying it, and opened the door for me. I slid in.

When the blinking lights of Alcohology Bar pulsated from a distance, the car slowed. Isang beses lang akong nakapunta rito dahil kila Mickey at mas madalas nga kami sa Club Icon noon, bukod sa bar na 'yon ay halos naging tambayan na namin madalas iyon dahil mas marami kaming may kakilala don, kumpara dito, kaya naninibago ako masyado sa lugar na 'to.

I turned to him, when he parked the car and killed the engine.

Tahimik pa rin ako nang makatigil rito at na malingunan niya kaagad ako.

"Come..." he said in his baritone voice.

I slowly nodded my head and silently stepped out of the car. The cool wind greeted me as I waited for him to lock his vehicle. Nauna naman siyang naglakad kaysa sa'kin nang tanguan niya ako. Sumunod lang ako at nanatiling nasa likod niya, medyo giniginaw na rin dahil sa malamig na panahon.

"What are we doing here?"

Bahagya siyang kumunot saglit nang lingunan niya ako. "Iinom?"

I paused for a while and blinked twice. "N-Ng tayong dalawa lang?"

"Yep. Bakit? Sino pa ba?" tumigilid nang kaunti ang ulo niya at pinakaigihan niyang masdan ako habang may naglalarong himig sa kanyang sinabi. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" then he let out a chuckle.

Pilosopo. "Tss..."

"Just come with me. May gig lang ako saglit rito." he paused for a while, and even though his face was amused, he gave me a warning look when he narrowed his eyes for a moment. "Sabi mo ako, kaya bawal magreklamo."

Napanguso ako. "H-Hindi naman sa nagrereklamo..."

He pulls his bottom lip in and chews on it for a second. "Good. Saying no to me was more dangerously, baby."

Did he just call me...

I mentally shook my head. Gutom ka na talaga, Celestina!

We entered the bar.

Marami na mga tao ngayon ngunit 'di pa naman gaanong siksikan. Most of the people are already drunk, some have passed out in the tables, make-out, or have started snoring, sobrang hyper na rin dahil sa nakakaindak na tugtog.

Nanatili na lang rin akong nakaupo at naging abala ang lalaki sa pag-order nang inumin, habang ako ay nalulunod na sa kakatingin sa mga nag-eenjoy na tao. Siguro sa mga normal na araw, baka isa na kami sa kanila na nakikisayaw at puma-party.

Then, after a few minutes, I jumped a little when someone blew a warm breath on my nape—again, causing me to be held by the nape of my neck due to the sudden erection of my hair.

Siya na naman ulit. Mapungay ang kanyang mata nang aking sinalubong.

Bakit ba ang hilig niyang hipan ang batok ko?

"Let's drink?" he said after he set down the two glasses of beer then glanced at me.

"Hmm... I'd rather die of thirst, but thanks." sabi ko kahit na napapalunok ako sa inuming nilapag niya.

Ayoko lang naman mapahiya ako lalo na't hindi ko kaibigan ang kasama ko. Mahirap na. Baka mahirapan lang rin siya kapag tinamaan ako. At baka kung ano pa mangyaring hindi maganda.

He smirked and rolled his eyes. Itinukod niya ang kanyang isang braso sa sandalan nang upuan at tinaasan ako nang kilay. Hindi naniniwala sa pagtanggi ko at kinaayawang naglapag pa ng paborito kong alak. Shit.

"Hmm,that's suprising... denied a favorite drink." panunukso niya, sabay inom ng kanya.

"Sorry, I'm not in a mood to drink," napairap na lang ako sa kanya na ikinangisi lalo niya.

He chuckled at pinakatitigan lalo ako, nailang nga lang ako ng tumagal ito ng ilang segundo ng walang sinasabi.

"What?"

"Do you realize how fucking stunning you are?"

My brow raised a bit. I shut my mouth tight. Natigilan sa naging bulalas niya at nabigyan siya nang imposibleng tingin.

Napakalutong at hilig niya talagang magmura. At napakagaling niya pang lumandi. Pero hindi niya ako madadala.

Dinig ko ang mahinang halakhak niya sa'kin habang napapailing na lamang ako. I sighed. Sa totoo lang, wala ako sa mood mag-inom lalo na itong lalaki pa ang kasama ko. Ano namang mangyayari 'pag kaming dalawa lang? Anong mapag-uusapan kung ganon? Mag-e-enjoy naman kaya ako?

"You certainly look good walking away from me. Well... I'll take that as a challenge." aniya pa niya sa patuloy niyang paglandi at tila wala lang talab sa'kin. At sa huli, saka niya ako dagling tinalikuran.

Muntik na ako mapatayo sa kinauupuan ko.

"H-Hey!" tawag ko, nang dire-diretso siyang magmartsang maglakad palayo sa kinauupuan ko.

Nilingon niya ako.

Galit ba siya sa'kin dahil hindi ko pinapansin ang pagpapapansin niya?

"Where are you going? I-Iiwan mo na ba 'kong mag-isa rito?" alanganing tanong ko nang saglit kong pasadahan nang tingin ang kapaligiran gayong ni isa, wala akong makilala.

At least siya, pamilyar ako sa kanya at na may interaksyon na kaming dalawa. Hindi ko na yata kakayaning kumilala pa ng iba...

He shook his head, frowned a bit and chuckled. "Just relax, baby."

"P-Pero..."

"Mabait ako at 'di kita iiwan. Magpe-perform lang ako. Babalikan kita pagkatapos kong kantahan ka."

"Fine." I sighed in relief at tumango na lang sa kanya.

At nang may matanto ako ay dagling umangat ang tingin ko pabalik sa kanya.

"What?" napakunot ako sa sarili nang umulit sa isip ko ang huling linyang binitiwan niya.

What did he say? Tama ba 'yung narinig ko?

Huli na at hindi ko na siya matawag pa dahil ang layo na niya. Tuluyan nang natabunan ang maliit na boses ko mula sa malakas na tugtog, kahit naaaninagan ko pa rin ang kanyang mataas na bulto.

Until he stepped into the stage, an electric guitar on his back. The crowd suddenly screams when the name of a band is mentioned. Kaya mas lalong lumakas ang tilian nang mga tao. Na parang kay tagal nilang hinintay ang oras na 'to—ang pagdadating niya.

My heart hammered inside of my chest. Hindi matanggal ang tingin dahil hindi ko pa rin inaasahang ang lalaking sikat na tinitiliang bokalista—ay pilit akong hinahatid pauwi at laging nagpiprisinta habang kumakain ng pocky, nilalandi ako, at hinihingi pa ang number ko kanina! At ngayon, halos ang mga tao ay sambahin s'ya nang magsimula siyang mag-strum saglit sa kanyang gitara.

"Good evening, everyone, it's me again..." he said in a raspy voice. It sounded so sensual that I almost blushed because of my successive blows.

Epeko siguro sa tapang ng alak na 'di napigilang pagsimsim ko.

Humigpit ang hawak ko sa aking baso, nag-imbak nang hangin sa aking baga at nagpakawala nang isang malalim na buntonghininga.

"Everyone, could I have your attention, please?" he cleared his throat and paused for a moment. Agad din naman tumahimik ang madla sa kaguluhan. At nang marinig ang buntonghininga nang lalaki ay halos umalingawngaw sa buong loob nang bar iyon. "Remember that woman I always admire and always sing my song for even when she's not even here?" he bit and licked his lips.

May impit na tili ang dagling umalingawngaw sa kanyang sinabi. Saglit niyang pinasadahan nang daliri ang kanyang magulong buhok, umirap siya saglit, napatingala't mahinang humalakhak sa pagtaas-baba nang lalagukan niya sa leeg, at unti-unting sa huli—nagsugat ang ngisi sa kanyang mapulang labi.

"Damn... she's here right now. Kasama 'ko, at ngayon ay pinapanood ako."

I bit my lower lip for a moment when his gaze drifted to me and gave me a sensual smile.

Lalong lumakas ang tili na narinig ko.

"Feels like a fucking dream come true, huh?" dugtong pa niya.

Nagparte naman ang labi ko sa dagling pagsulyap at sinabi niya. Parang natuod na lamang ako sa kinauupuan ko. Ayoko naman magmukhang tanga. Ayoko rin magtanga-tangahan na narinig ko mula sa kanya.

Pero ako ba ang tiningnan at tinutukoy niya? Ako ba talaga? P-Paanong...

"And I'd like to tell you that we're gonna do a vibe song for you. This song is one of the most up-beat songs we've ever heard that will suit and warm your cold night. "

The crowd laughs. Nagsisigawan na ang mga babaeng halos sinisilaban ng mabagang apoy, habang siya'y unti-unti na namang napapalibutan.

"It's uhm... beautiful lyrics that shit bangs to your souls. And it goes something like this..."

Then a cruel smirk grew lazily on his lips.

Saka siya nagbigay ng senyales sa kanyang mga kabanda upang masimulan na. He adjusted his electric guitar while neared to his standing mic. Nanatili siyang nakatayo at mukhang handa na.

He grinned at the audience. Sinimulan muna niyang ipinamalas ang kanyang malamig at namamaos na boses nang siya ay kumanta kahit wala pang tunog.

"I don't wanna take it slow... I just wanna get know your body... Every inch of you..."

And when the song sounded as if he started strumming his electric guitar after he sang the first line, it was like he lit a fire... and everyone went wild.

P I E D R A I J A D A

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
476K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
2.6M 98.6K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...