Tulad ng inaasahan ay galit na galit si Julian nang marinig ang sinabi niya. Agad itong nagtungo sa ospital kung nasaan sila at saka pilit na pinapauwi si Jayden.
"Are you crazy? What are you doing here?" Si Jayden ang una nitong hinarap. Halata ang frustration sa mukha nito ngunit halata rin ang matinding pagpipigil ng inis.
"May sakit ang mama ko, anong gusto mong gawin ko?"
"Ang gusto ko ay umuwi ka na, sa bahay, hindi sa condo. At tigilan mo na 'tong kalokohan mo, Jayden."
"Kalokohan?"
"Oo kalokohan, ang bilis mo namang nakalimot. Hindi mo na ba natatandaan kung anong nangyari sa iyo dati at kung anong nangyayari sa iyo ngayon?"
"Kailangan niya ako, Kuya Julian."
"At nasaan siya noong kailangan mo siya? Nakalimutan mo na ba?"
"Kuya Julian,"
"Nasa baba ang kotse, umuwi ka na at hinihintay ka ng lolo sa bahay. I don't want you to be near this place or that woman ever again, Jayden. Naiintindihan mo ba?"
"Pero Kuya Jul-"
"Naiintindihan mo ba?"
At sa halip na sumagot ay mabilis na tinalikuran ni Jayden ang pinsan at padabog na naglakad palayo.
Matapos tignan si Jayden ay si Penny naman ang binalingan ni Julian at sa kanya nito ibinuhos ang inis na hindi mailabas kanina.
"M-magpapal-"
Bago pa man niya matapos ang una niyang salita ay agad na siyang hinawakan nito sa kamay at iginiya palayo sa pwesto nila kanina hanggang sa tuluyan silang makalabas.
"N-nasasaktan ako," binawi niya ang kamay niyang hawak nito at saka niya hinawakan iyon.
"Matigas talaga ang ulo mo 'no? Hindi ba at nag-usap na tayo tungkol dito?"
"Magpapaliwanag nga ako, hindi ko rin al-"
"You know his situation, at alam mo na any time pwede siyang matrigger pero anong ginawa mo?"
Hindi na kumibo pa si Penny dahil alam niyang wala rin namang papakinggan si Julian, hinayaan na lamang niya itong matapos hanggang sa siya naman ang magkaroon ng pagkakataon na magsalita.
"I want your resignation first thing tomorrow morning."
At ikinagulat nga niya ang huking sinabi nito.
"S-sir Julian,"
"You leave me with no choice, I told you, hindi pwedeng mastress si Jayden and he's not okay. Tapos ano, dito ko siya dadatnan? With you? Ano? Dinala mo ba aiya rito? Pinilit mo pa rin iyong gusto mo despite everything that I've said?"
"Hindi ko nam-"
"Paano kung may mangyari kay Jayden while he's here? Mapapanagutan mo bang lahat iyon? May magagawa ka ba? Ang hirap kasi sa iyo lahat gusto mong pakialaman, kahit iyong mga wala ka naman nang karapatan." Hindi pa nakuntento si Julian sa mga sinasabi nito sa kanya, ikinagulat niya ang paglapit nito at paghablot sa isang braso niya habang galit ang itsura.
Nakaramdam naman siya ng takot dahil doon pero gayunpaman ay hindi siya nagpatinag.
"N-nasasaktan ako,"
Pero sa halip na bitawan siya ay lalo namang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.
At doon na tuluyang naubos ang pagtitimpi ni Penny.
"Wala akong masamang intensyon at hindi ko gustong mapahamak si Jayden. Bakit ko naman gugustuhin na masaktan siya, sige nga?"
Si Julian naman ang hindi nakaimik, niluwagan na ein nito ang pagkakahawak sa braso niya hanggang sa kusa na siyang makawala.
"Tinawagan ako ni Jayden, sinabi niya sa akin na nandito siya sa ospital kaya pinuntahan ko siya kaagad dahil alam kong pwede na naman siyang sumpungin at matrigger. Sa tingin mo ba, kung may masama akong intensyon eh tatawagan kita?" Nanginginig ang boses at mga kamay niya dahil sa inis na nararamdaman niya.
Hindi na siya nagpigil pa, at hinayaan niyang lumabas ang lahat ng gusto niyang sabihin sa binata dahil sa hindi nito pakikinig sa kanya.
"Wala... wala akong intensyon na saktan si Jayden o kahit sino at iyan ang isaksak mo sa isip mo. Oo, binalak ko na pagbatiin silang mag-ina dahil gusto kong maging okay siya. At ala ko na iyon ang kailangan niya, alam mo ba iyon? Alam mo ba ang pinagdadaanan niya? May alam ka ba sa sakit na matagal na niyang kinikimkim at tinatago? May konti ka bang ideya sa nararamdaman niya?"
"I know him, at alam ko ang pinagdadaanan niya 'coz I have known him more than you do. At hindi porket nakakasama mo siya araw-araw ay pwede mo nang isipin na alam mo na ang lahat."
"Hindi ko kailangang makasama si Jayden ng matagal just to know what he's going through, dahil alam ko ang pakiramdam ng naiwan. Nang naghihintay na balikan, na makahanap ng sagot sa mga tanong na matagal nang nakatago rito," sabay turo dibdib niya kung saan naroon ang puso niya. "Ikaw ba? Naranasan mo na bang maiwanan? Iyong tipong ang dami mong tanong pero wala kang makuhang sagot? Iyon... iyon ang nararamdaman ni Jayden at iyon din ang nararamdaman ko, kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan."
Hindi na napigilan ni Penny ang mapaiyak. Kasabay kasi ng bawat salitang binibitiwan niya sa binata ay siya namang panunumbalik ng mga bagay at alaala na gusto niya nang kalimutan.
She remembers clearly how she found out na hindi niya pala mga magulang ang kinikilala niyang mga magulang ngayon. And as much as it hurts her so much ay kinailangan niyang tanggapin ang lahat at umusad, kaya naman ganoon na lang ang sakit sa pakiramdam niya nahuhusgahan siya dahil sa mga desisyon niya at mga gusto niyang gawin.
"Don't ever question me when you don't have any idea what I've been through." Naging matigas na rin ang bawat salita niya, ganoon rin ang mga tingin niya rito.
"Penny," mayamaya pa ay may nagsalita sa gawing likuran niya at nang tignan niya iyon ay nakita niyang nakatayo na si Jared ilang hakbang lang ang layo sa kung nasaan sila ni Julian. Mabilis sila nitong nilapitan at saka siya hinawakan sa isang kamay bago siya yayain na umalis. "Let's go."
"Huwag kang bastos, nag-uusap pa kami." Si Julian naman ang nagsalita na nakapagpatigil naman kay Jared.
"Tapos na kayong mag-usap, and I've heard enough."
"Kaya lumalakas ang loob ni Penny na gawin ang mga bagay na gusto niya dahil kinukunsinti mo siya. Hinayaan mo siya kahit pa alam mo na hindi na tama, kahit na alam mo na hin-"
"At ano ang tama para sa iyo, sige nga?" Tuluyan nang hinarap ni Jared si Julian, bahagya pa nitong nilapitan ang binata dahilan para mapunta siya sa likuran nito. "Ang mandohan at diktahan ang mga tao sa paligid mo? Tulad ng ginagawa mo kay Jayden at sa mga empleyado mo sa opisina?" Nanunuyang tumawa si Jared at saka tinignan ang pinsan. "For God's sake, Julian, iyan na lang ba talaga ang kaya mong gawin?"
"Wala kang pakialam rito kaya makakaalis ka na."
"At sa tingin mo hahayaan ko pa si Penny na kausapin ka? After what you said to her? Pwede ba, Julian? Stop controlling the people around you, stop treating them as if wala silang sariling isip. Jayden's not even a kid anymore."
"Wala kang pakialam sa kung anong gusto kong gawin, besides, ano bang alam mo bukod sa magpasaway at magpaintindi sa Lolo? Look at you acting like a knight in shining armor yet hindi mo maayos ang sarili mong buhay. You're pathetic, at kung may dapat na magbago rito, ikaw iyon at hindi ako."
"Tapos ka na ba?" Muking kumilos si Jared para hawakan ang kamay ni penny at igiya ito palayo, ngunit bago sila tuluyang maglakad ay muli silang huminto, tinignan muli ni Jared si Julian at saka ito nagsalita. "By the way, expect my resignation letter first thing tomorrow morning, para naman lubusan na ang ikakasaya mo."
-----
Kanina pa sila nakasakay sa sasakyan ni Jared ngunit nananatilu lang itong nakahinto. Hindi naman siya kumikibo at tanging katahimikan ang namamayani sa loob ng sasakyan matapos ang komprontasyon kanina.
"Ayos ka lang? Naksaktan ka ba?"
Umiling siya bilang tugon. "P-paano mo nalamang narito ako?"
"Jayden told me, at sinabi niya rin na pumunta si Julian dito sa ospital."
"Si Jayden?"
"Oo, siya nga. He told me na puntahan kita dahil kasama mo nga raw si Julian. He also told me na baka mapagalitan ka, at hindi nga siya nagkamali."
"Hindi naman niya ako pinagal-"
"Huwag mo na siyang ipagtanggol, what he did to you is too much. Hindi niya dapat ginawa ang bagay na iyon."
"Hindi ko siya pinagtatanggol. Ang akin lang naman ay may karapatan siyang magalit"
"Magalit siguro, oo. Pero ang pagsalitaan ka ng kung anu-ano? Hell no, at alam na alam mo ang bagay na iyan, Penny. Alam mo how Am I when it comes to you."