Sea Without Waves (Rebel Seri...

By Ineryss

2.5M 69.8K 19.9K

hhss More

Sea Without Waves
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 12

54.3K 1.4K 185
By Ineryss

Sea Without Waves

Entertain

I don't understand how the concept of love truly works. The stages are always foreign to me.

For me, all of it are typical love stories. Mahuhulog sa isa't isa. Magkakaroon ng label. May haharapin na problema. Tapos magb-break. Siguro magkakalayo pa ng ilang taon ngunit magkikita ulit.

It's always typical. Paiba iba lamang ng desinyo at estilo ngunit katulad lang naman lahat. You will get hurt and you will lose either yourself or your that certain person on the process of loving too much.

Kahit ata anong bura ko sa aking isip sa mga sinabi ni Draven, para na silang mga ugat na nanuot sa kasuluk-sulukan at hindi na madaling putulin.

Naalala ko ang pagkakadulas ni Trison at may nabanggit na kakaiba. Siguro isa iyon sa rason kung bakit ganito umasal si Draven.

Ngunit paano naman iyong narinig ko? At sa nararamdaman ko, parang may pagdududa sa akin kung seryoso ba talaga si Draven o may plano lang talaga kaya ganito ka pursigidong paamuhin ako.

Kinagat ko ang dulo ng ballpen habang binabasa nang maigi ang mga tanong sa test papers. The whole room was silent. Seryoso ang lahat sa pagsasagot at tanging tunog lamang ng dalawang electricfan sa itaas na paikot ikot ang pumapaibabaw.

I answered some of them confidently. Sa bawat lingon ko sa gilid kahit wala naman akong planong mangopya at kuryoso lang sa katabi ko, mabilis agad akong titingnan ng guro at matamang titingnan na para bang nahuhuli niya ako kahit wala namang ginagawa.

Trison's so serious while answering his papers. Too much for being smart and top one student huh? I sighed boredly while scribbling my answer on the essay of the exam.

I need to pass. I need high grades. Lola will probably agree to my favors once she realized I'm doing well in school?

Ngunit papayag ba talaga siya? Knowing she knows everything, I'm sure she will think of it thoroughly.

But it won't scar our wealth. It won't affect us. Para lamang iyong bato sa malawak na lupain. Ang kanyang pagsang-ayon ay hindi makakaapekto at maliit lamang na bagay.

I've known Lola for being strict. Malupit daw sabi ng iba. She had done so many things in order to maintain our wealth intact. She conquered so many battles alone without my grandfather by her side.

At sa pagkakaalam ko, si Lolo pa ang nag-iwan ng problema sa kanya noong mawala ito kaya mas naging grabe ata ang tingin niya sa mga lalake.

My thoughts are uncontrollable while I'm taking my exams. Lumilipad at minsan ay lutang ako sa aking mga naiisip.

"Nakakagulat at nandito ka pa rin," the teacher said when she noticed my presence.

I smirked confidently. "Tatakbo kasi akong Valedictorian, Ma'am..."

Her sudden dramatic reaction made everyone laughed. I laughed along with them. Si Trison naman nakaangat ang kilay.

"Valedictorian saan, Ashtraia? Sa kalokohan ba? Dahil kung ganoon ay talagang nangunguna ka," my teacher said while giving the test papers away individually.

Hindi ko na iyon pinansin pa. I took another pen out to answer the test paper she put on the table of my desk. My classmates are still laughing. Nangingiti akong sumasagot habang si Ma'am ay umikot na sa likod ng row para doon magbigay ng test papers.

I started scribbling my full name. Naging seryoso na ulit lahat. Habang dumadaan ang oras, mas napagtanto ko kung gaano ako ka palaban ngayon hindi para pumasa kundi para magpa impress lamang kay Lola.

I don't really care about my grades. Kahit pa siguro maging dugo sila sa sobrang pula ay wala lamang sa akin. But the essence of education is so powerful in the eyes of students who crave for success and a wealthy life. Nakakahawa pala.

Edukasyon ang susi ng iba para sa maginhawang kinabukasan. Edukasyon ang tulay para makamit ang pangarap. Edukasyon ang tanging pag-asa sa mga taong pinagkaitan ng maginhawang buhay.

Ngunit sa mga may kaya, hindi lamang edukasyon ang susi at tulay para makamit mo ang pangarap mo. It's money.

"Trison," sitsit ko sa kanya pagkatapos naming mag-exam.

He looked at me snobbishly. Irita niyang kinuha ang tingin at padabog nang ipinaglalagay ang mga gamit sa loob ng bag niya.

Hanggang ngayon ba ay may sama ng loob pa rin ito? Ipinasok ko sa aking palda ang tanging dalang ballpen at lumapit sa kanya.

"Punta kayo ni Draven sa birthday ko," anyaya ko na ikinatigil niya sa pagdadabog.

Umupo ako sa katabing silya at humalukipkip. I examined him critically using my eyes. I don't compliment boys in my age but Trison's actually fine. Siguro dahil hindi ako interesado kaya wala siyang dating sa akin pero ayos naman pala ang isang ito.

"Eighteenth birthday ko. It's big. Maraming bisita. Pumunta kayo."

Trison sighed like it's a big problem without a solution. Ang tanging pwedeng isagot ay tumanggi.

"Magiging katawa tawa lang kami roon ni Draven," aniya at marahas na isinarado ang zipper na tumigil pa sa gitna kaya hinila hila niya.

"Nandoon din si Sanders," I said to make it convincing.

"S'yempre trabahador. Siguro magw-waiter. Kung pupunta kami ni Draven, baka tatlo na kaming mukhang waiter," he complained with a furrowed brows.

Ngumiwi ako. Sa kanilang magkakaibigan, si Trison talaga itong kakaibang breed. He's always noisy. But sometimes he's silent. Minsan mahiyan, madalas namang walanghiya. Akala mo mabait, mamaya nagiging maloko.

Maybe the reason why Draven was so silent and aloof because Trison pulled all of those cheerful characteristics. Ito 'yung madalas mukhang manggago sa grupo pero matalino pala at matino.

Napansin niya ang paninitig ko kaya naging marahan ang kanyang kilos at halos magbanggaan na ang mga kilay sa isa't isa.

"Brokenhearted si Mama. Sabi ko girlfriend kana ni Draven. Huwag mo akong tingnan nang ganyan. Hindi tayo talo," he said and arched his brow.

"Gago," suntok ko ng marahan sa kanyang dibdib.

Madramang dumaing si Trison. He pulled the straps of his bag. Tumayo ako at sumabay. Nag-amba akong magsalita nang unahan niya ako.

"Hindi nga pwede," ulit niya nang muli akong kumalma.

My other friends will be there too. Iniisip kong ipahalo roon si Draven at Trison ngunit nagegets ko rin ang dahilan niya kung bakit ayaw niyang pumunta.

Hindi ko napilit. Si Draven naman, mukhang wala ring balak. I tried to mention it but just like how Trison reacted, less the drama, he refused too.

"Nandiyan naman si Trison," I said.

"Magrereklamo lang 'yon. Naiinis siya sa mga maaarte," aniya habang nakatukod ang mga siko niya sa inuupuan naming soccer field.

Nasa gilid ako ni Draven, naka indian seat at tinitingnan ang pawisan niyang t-shirt. Kakatapos lamang ng exam at heto siya, nagpapractice dahil sa nalalapit nila na laro.

"Maarte? You mean rich kids?" I pointed out.

"Oo. Ayaw niya sa ganoon at naaartehan siya."

Ang arte rin talaga nitong si Trison! I nodded defeatedly. Hindi rin naman ganoon ka desperado ang pang-iimbita ko lalo na't naiisip ko rin ang mararamdaman nila habang naroon sila.

It's far from their status. Kahit pa sabihin kong ayos lamang, baka para sa kanila ay hindi iyon madali at maayos.

Umalis ako sa gilid at lumipat sa kanyang harapan. Kumunot ang noo ni Draven but he remained silent. Ipinarte ko ang aking mga hita at humawak sa kanyang balikat para umupo mismo sa kanyang kandungan.

He glanced from side to side. Siguro ay kuryoso kung may mga guro ba o ano. Bihirang may mapadpad na guro rito.

"Let's meet after my birthday," sabi ko habang nakatukod pa rin ang kanyang siko.

Draven nodded. He looked at me curiously. Kita ko kung paano niya hinagod ng tingin ang kabuuan ng mukha ko, tila sinusuyod ang bawat parte para kabisaduhin.

"How's your exam?" he asked softly.

"Frustrating but it's fine. Yours?"

"Fine too..." he smiled.

My eyes slowly drifted to his lips. Hindi naman ako natatakam na halikan siya ngunit dahil sa ngiting minsan ko lamang nakikita ay napapatitig ako.

I looked at him again in the eyes. His view was breathtaking. Sapat lamang ang sikat ng araw sa hapong iyon habang humahalik ang liwanag sa kanyang mukha.

"Tell me why you're not interested in relationships," he started.

Kumurap ako at napabalik sa sarili. It reminded me why I never want to fall inlove.

"It's fucked up?" I chuckled.

Umahon si Draven. Napaadjust ako sa pagkakaupo. Humawak siya sa aking siko para igiya ako papalapit ng kaonti lalo na't nag-amba akong umatras. Itinukod niya muli ang isang kamay sa likuran ngunit ang isa ay nanatili na sa aking hita at doon namahinga.

"Someone hurt you?"

The minty scent of his breath kissed my cheek. Iyon ang naging palatandaan kung gaano kami kalapit sa isa't isa.

"Family," I nibbled my lowerlip and looked down.

Sinilip niya ang aking mukha. Umahon ulit ang aking tingin kaya nagkatinginan kami.

"My sister's Mom died. May sabi sabi na ang ina ko..." I smirked flatly.

Nanatiling tahimik si Draven, seryosong nakatingin sa akin at naghihintay lamang na magsalita ako.

"That my father cheated on her and she kept my Mom hidden. Kaya noong namatay na..." I chuckled and shook my head.

His shoulder loosened. Kinagat ko ang aking labi at hinaplos ang buhok paatras.

"It's like a curse. Ganoon din ang sitwasyon sa bawat henerasyon ng mga Ferrarin. In order to break the curse, I'd rather avoid it."

"Do you think it's a curse?" he asked.

Nagkibit ako. "Whatever it is, I am not interested to know."

"Then what if you fall inlove? You're willing to walk away instead of fighting for it? Because you're afraid of the curse?"

Mataman akong tinitigan ni Draven. Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang katotohanan kaya ayokong pumasok sa relasyon. Siguro pangit lang ang ipinakita ng pag-ibig sa'kin kaya nagmarka siya sa aking isip.

"I will not fall inlove," I said seriously.

His brow arched.

"Then what if..."

Umiling ulit ako. "I'll think of ways to avoid it."

His brows furrowed. Nagtagal ang paninitig niya sa akin. He's aware what kind of relationship we have right now. Pilit ko lamang binabaon sa limot ang pinagsasabi niya noong nasa bahay nila kami at pinapanindigang hindi iyon pumatid sa desisyon at paninindigan ko.

"Kaya ikaw," hinila ko ng bahagya ang lace ng kanyang ID kaya napayuko siya ng kaonti. "Kung mahuhulog ka sa akin, pigilan mo. I am not saint, Draven. Hindi kita masasalo. Masasaktan ka. You cannot tame my heart. This isn't as soft as yours."

He didn't flinch. Hindi tumango ngunit hindi rin umiiling.

Iyon ang lagi kong nililinaw kay Draven kaysa iyong hayaan siyang mahulog sa akin. Wala dapat sa priority niya ang isang babae lalo na kung katulad ko lamang. He has dreams. He doesn't need someone to burden him. Oo at masusuportahan ko siya ngunit sigurado akong makakadagdag lamang ako sa paghihirap niya.

It bothered me for a bit ngunit natauhan din. Tumayo ako pagkatapos ayusan para matingnan ang kabuuan sa salamin.

My ball gown made me looked like a wicked younglady who's up to no good. Naka half ponytail ang aking buhok. Ang alon sa aking buhok ay malambot tingnan. The features of my face were highlighted and my lips are extra glossy.

Tiningnan ko ang parteng dibdib at kapansin pansin ang kaonting hiwa sa pakisukat na neckline ng aking gown. Inayos ko ang puff sleeves at muling pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin.

"Miss Ashtraia," I heard Merideth's voice.

Lumingon ako sa pinto. Sumilip siya.

"Pinapababa na po kayo," she smiled.

I nodded.

Just like what happened to my sister's grand birthday party, ganoon din ang nangyari sa akin. Bumaba ako sa carpeted na enggrandeng hagdan habang nasa baba lahat ang mga bisita na pumapalakpak at ngumingiti sa akin.

Nasa dulo si Bryson suot ang kanyang tuxedo at nakaatras na buhok. I smirked when our eyes met. Inilahad niya ang kamay sa akin na tinanggap ko agad.

"No wonder you're a Ferrarin," he said and arched his brow.

The party started. Father's late but he made it. Siya ang unang sumayaw sa akin. The silence between was defeaning. Ayokong magsalita sa totoo lang. Wala akong masabi.

"I hope you're tamed now," my father said.

I looked at him seriously. May mga pagkakataon na nasasagot ko siya at lumalagpas ang bibig ko ngunit kung lalagpas ako ngayon, sira ang gabi at party na ito.

"How's Mom?" I asked to divert the topic.

"She's fine," he said.

"Hope you're not cheating on her. Huwag mo na kaming dagdagan ni Arkaine, Dad," ngisi ko.

Sa huli, talagang hindi ko kontrolado ang bibig ko. My father's expression remained cold and unbothered. Iyon ang ikinakainis ko lagi. It's like it wasn't a bigdeal. Na nagsasaya lamang siya at karapatan niya iyon. But how about his kids? Ni minsan ba naisip niya ang nararamdaman namin ni Arkaine? O mismo ni Mommy? I bet not.

"Happy birthday," his last words before he let go of me.

Lutang na ata ako sa iba pang mga kasayawan ko. I just want to end it without too much drama. Hindi ko ramdam na birthday ko. At mas lalong nagulat nalang noong si Bryson na at nasa hulihan na pala ako ng pagsasayaw.

"You're off," he commented while swaying me.

"My father," I rolled my eyes.

He nodded. "At least he's still responsible. Pumunta siya rito."

Hindi na ako umimik pa kahit ang rami kong gustong ibigay na opinyon sa sinabi niya. Baka umabot ng taon kung idedetalye ko lahat ng nasa listahan ko.

Maraming guests. Hindi ko kilala ang iba at hindi pamilyar sa akin ang mga mukha. They're all my Lola's special guests.

"You okay?" lapit ni Arkaine at tiningnan ako.

I nodded. "Aalis ako mamaya. I hope Lola won't notice it."

"Draven?" hula niya at malalim ang paninitig sa akin.

I nodded. May kasunduan kami ni Draven na magkikita sa kakahuyan. I told him to wait for me in the woods. Ayaw niyang pumunta sa party at nag-iinarte rin si Trison kaya hindi ko na mapilit.

Sander's around. Lola's fond of him I guess. Ang kagaya niyang nagtatrabaho sa aming pamilya at naiimbitahan ni Lola ay malaking tiwala.

I entertained some of the guests especially my friends. Humalakhak si Rodnick at inakbayan ako.

"This summer..." pagpapaalala niya.

"Location?" I asked while some of our friends are listening attentively with a smile plastered on their faces.

"Let's try in Cebu?" sabay pasada niya sa iba pa naming kaibigan.

"Nadia bought a yacht..." he winked at her.

Their parents are my grandmother's business clients. Naging kasundo kami last year, sa party mismo ni Arkaine. Kaya napagkasunduan na rin na tuwing summer ay may mga lakad dapat kami.

"Sasama si Bryson. You two are engaged, right?" nangingiting si Elisse.

Sinipat ko ng tingin si Bryson na nasa table ng mga matatanda. His father called him to introduce him. Nakikita ko kung paano tumatango at nakikipag-usap ito.

"He has a girlfriend," sabi ko.

"Edi isama rin ang girlfriend nang magkasubukan kayong dalawa!" Victoria suggested shamelessly and they all laughed about it.

"How cheap of you to think like that, Victoria," hindi ko napigilan habang nakapaskil ang nakakalokong ngisi sa aking labi.

"Easy easy!" tawa ni Simon.

My other friends pulled Victoria and hushed her. Lalo na't sa pag-aamba niyang magsalita, alam ng lahat na taas noo ko iyong papatulan at walang pakialam kung magkainitan man kami sa mismong birthday ko.

For a daughter who experienced a broken family with cheating issues, I'm highly offended with her opinion. Sa tunog ng pananalita niya, parang nakaka entertain na mag-away ang dalawang babae dahil sa isang lalake. The fuck?

They abruptly change the topic and talked about our plans for the trip this coming Summer. It's a good excuse to escape Lola. Bukod doon, gagraduate din si Arkaine ngayong taon. Ang alam ko sa Manila siya mag-aaral ngunit tuwing Summer ay papauwiin pa rin ata rito.

"Ashtraia," rinig ko ang boses ni Lola.

Sinenyasan niya akong lumapit sa malaking table kung nasaan siya kasama ang mga VIP na bisita niya.

"This is my second apo. She's Travis' youngest daughter..." ani Lola.

Isa isa akong nginitian ng matatanda. I bowed my head a bit and smiled a little. Sa kabilang table ay nakikita ko si Daddy na seryosong nakikipag-usap na iilang lalakeng negosyante. Rinig na rinig dito sa aking kinatatayuan ang halakhakan ng ibang matatanda na naroon.

"Hindi nalalayo sa isa mong anak na si Vana..." one of them said.

"You know the blood of the Ferrarins," si Lola.

I slowly scraped the tip of my tongue on my upper lip. Nasulyapan ko si Abrielle na kinakausap si Sanders. He looked pissed while Abrielle's talking to him playfully. Bumaling akong muli kay Lola nang may sinabi ang isa sa bisita.

"What are you plans, hija? Susunod ka siguro sa yapak ni Vana."

"Oh no. I have my other plans..." sabi ko.

"You're probably doing well in school. Ang talino ng ama mo," one of them commented and sipped on her champagne glass.

"I've got low grades actually. Medyo bobo ako sa ibang subject. Sad to say hindi nagmana kay Dad," I chuckled softly.

Kita ko ang pagtitinginan nila. My father glanced at me, as if he heard what I just said.

"Excuse me," marahan akong yumuko para magpaalam na lalo na't baka mas pumangit ang tingin ng lahat sa akin.

"Don't go anywhere and entertain Bryson," paalala ni Lola na ikinatigil ko pa saglit.

I glanced at her and smiled. Hindi pa nga ako umaalis, tila alam agad ni Lola na mawawala ako ano mang oras.

"It depends if the party didn't bore me..."

Continue Reading

You'll Also Like

517K 19.2K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
11.7K 1K 83
COMPLETED Zurie Solanine Garcia a senior high student, she had a crush for a year on Dammien Israel Sandiego, the cold, private and a person who does...
5.2M 129K 60
The "cold" Irah Buenaventura is having a crush with a snob Delafuente that will push her to trick him in order to get him. She's willing to play all...
6M 179K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...