In Love with the Beast [ABWC...

By Missflorendo

85.9K 3.3K 1K

Alfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new... More

About the Story
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55

Chapter 4

1.5K 70 3
By Missflorendo

Honey

"Makaslag village? Saan ulit 'yan?” tila wala sa sarili at kagigising lang ng boses ng kaibigan.

“Gosh, Madell Delle! I repeated the direction to you for 2 times already! Bangag ka ba?” iritable si Honey na napabuntonghininga.

“Pakitignan mo ang oras at saka mo 'ko tanungin ulit kung bakit bangag ako.”

Masunurin na tsinek ni Honey ang oras at napatikhim siya nang makitang alas dos na pala ng madaling araw. Ngayon lang kasi umayos ang signal dahil nagkaroon daw ng problema ang mga network kanina.

“Fine. Sorry for calling you this late okay? But I need you,” papahinang sabi niya. Nakalabing sinulyapan niya ang pintuan ng kwarto na pinasukan ni Ali kanina. “I'm currently in trouble. And if you don't come to me right now, I'll be done in this hell of a place.”

Marahil sa antok na rin ng kaibigang si Madelle ay hindi na ito nakipagdiskusyon pa at pumayag na lang na sunduin ito. Yun nga lang, wala itong sinabi kung anong oras niya ito aasahang dumating. Wala siyang choice kundi ang matulog sa sofa. Matutulog siya sa sofa for the first time in her entire life!!

“This is really a nightmare....” antok at nakapikit niyang bulong. Yakap niya ang sarili sa sobrang lamig at wala man lang kumot na ipinahiram sa kanya ang magaling na lalaking inakala niya'y maginoo. Wala na talagang gentleman sa mundong 'to.

Paggising niya kinabukasan, inaasahan niya na ang pagsakit ng ulo at buong katawan. Sanay lamang kasi siya sa malambot na higaan at kailanman hindi pa siya natulog sa sofa! But to her surprise, nagising siya na sobrang relax. Walang sakit ng ulo. Walang kahit anong pangangalay sa katawan. At higit sa lahat, isang napakapayapang umaga ang sumalubong sa kanya.

Dahan-dahan siyang bumangon at amoy ng mabangong kape sa umaga ang agad na naamoy niya. Mula sa loob ng bahay, rinig din niya ang huni ng mga ibon na isa sa pinaka-ineexpect niya sa kanyang soul-searching kung hindi sana siya naligaw.

“Am I still dreaming?” mahinang tanong niya sa sarili.

Sinampal-sampal niya ng mahina ang mga pisngi at dito niya lalong napagtanto na hindi siya nananaginip. Alas sais na sa orasan na nakitang nakasabit sa pader at maagap siyang tumayo para hanapain si Ali. Ngunit pagkatok niya sa kwarto nito, wala ng tao. Umalis na ba 'yon ng gan'to kaaga?

“Ang bango naman...” bulong niya pagkaamoy ulit sa kapeng kanina pa humahalimuyak. “May coffee shop kaya rito? Gosh I want one.”

Sinundan niya ang amoy kahit nagmukha siyang aso sa ginagawa. Pero hindi siya sa coffee shop nito dinala, kundi sa likod bahay kung saan niya inabutan si Ali na nagsisibak ng kahoy habang kumukulo ang kape sa kalan sa tabi nito.

“Oh God I thought I was alone!” Napasapo siya sa dibdib sa gulat. Sinulyapan siya ni Ali ngunit agad ding ibinalik nito ang tingin sa mga kahoy.

Hindi man lang siya binati ng good morning!

“Good morning,” pagkukusang bati ni Honey. “Uhm...is that coffee yours?” she stupidly asked as if there is someone else with them right now. Pero malay niya ba kasi kung pinapakiluto lang sa kanyang 'yang kape ng mga weird na tao sa lugar na 'to.

“Yes.”

“Can I have a cup??” excited at walanghiyang tanong niya. Hindi na siya nagpaliguyligoy pa dahil gusto niya talaga ng kape. “You can charge me. I'll transfer the payment na lang to your account.”

“Serve yourself.”

Oh yes! Napasuntok siya sa ere at tumakbo agad papasok ng bahay para sa tasa. Hinanap niya ang kusina at nakita niya ang napakametikoloso ring ayos nito. Wow! Isang lalake lang ang kilala niyang gan'to ka-OC, pero ngayon ay mukhang dalawa na sila. Nilibot niya ng tingin ang paligid at ngayon niya mas na-appreciate ang napaka-peaceful na ambiance ng lugar. This is the kind of place she's been looking for!

Maingat siyang kumuha ng tasa at siniguradong wala siyang tinamaan. Hindi naman siya pinansin ni Ali pagbalik niya kaya nagkusa na lang siyang nagsalin ng kape at umupo. Pumwesto siya sa maliit na bench sa 'di kalayuan kung saan tanaw niya ang pawisang si Ali na abala pa rin sa pagsisibak ng kahoy.

“Why do you do that? You have stove naman here and I saw in your kitchen that you have induction cooker too.” Sumimsim siya ng dahan-dahan sa kanyang kape at napapikit siya ng marahan sa sarap nito.

Oh God! Parang biglang nagbago ang tingin niya sa lugar na kating-kati niyang lisanin kahapon pa.

“It's for the elders here who use wood for cooking.”

“Ah binabayaran ka nila?”

“Hindi.” What?

“Bakit hindi?? Nagpapawis ka ng ganyan para lang sa wala? Kawanggawa lang gano'n?” Napailing si Ali sa napaka-prangka niyang tanong.

“It's just a little help.”

“Little help?! Yang pawis mong 'yan you call that just a little help?! ” Napangiwi siya. “Eww. May balak ka bang maging santo?”

“That won't suit me for sure.”

“Why not? Sigurado namang sasambahin ka ng mga tao rito dahil d'yan sa ginagawa mo.” Sumimsim muli siya sa kanyang tasa. Inenjoy na lang niya ang kape habang ineenjoy rin ang tanawin sa paligid.

Nagliliwanag ang mga dahon ng mga punong natatamaan ng sikat ng araw. Hindi siya makapaniwala sa nakikitang kagandahan ng lugar na ito ngayon kumpara sa lahat ng kapangitan na nakita niya rito kahapon. May mahika kaya itong kapeng ininom niya? Napatingin siya sa tasang hawak.

Sa sobrang relax niya sa pagkakasandal at pagkakataas ng mga paa, hindi niya na namalayan na may hinihintay nga pala siyang susundo sa kanya.

“Honey Love Mendez, lumabas ka na d'yan!!” Napatayo siya sa eskandalosang sigaw ng kaibigan na kadarating lang.

“Madelle!”

“Walanghiya ka!” Hinampas agad siya sa balikat ng kaibigan pagkakita. “Akala ko hindi na 'ko makakarating ng buhay rito! Paano ka ba napadpad sa lugar na 'to?! Sure kang Pilipinas pa rin 'to??”

“Pilipinas pa rin 'to, Gaga.”

“Osya tara na bilisan mo! Ayokong gabihin dito baka mamaya may mga masasamang hayop pang gumagala rito!”

Hindi niya na nagawang makapagpaalam pa kay Ali dahil umalis ito kani-kanina lang. Nag-iwan na lamang siya ng note at saka sinalinan na ng gasolina ang sasakyan. Gabi na nang makabalik sila ng Maynila.

“Ohhhh finally!” Patalikod niyang ibinagsak ang kanyang sarili sa napakalambot na kama pagkatapos mag-shower ng dalawang oras. Sinigurado niyang naalis lahat ng germs at duming nakolekta niya sa Makaslag Village.

“Ma'am Honey, handa na po ang dinner niyo,” katok ng kasambahay sa kwarto niya.

“Yaya, padala na lang dito!”

“Okay po, ma'am.”

Bumangon siya nang nakahanda na lahat ng paborito niyang pagkain sa kanyang harapan. Mangiyak-ngiyak niyang pinagmasdan ang mga ito. Hanggang ngayon ay tila bangungot pa rin sa kanya ang naranasan niya sa Makaslag Village, maliban lang sa huling part ng kanyang stay roon. Kamusta na kaya si Ali? Nakauwi na kaya ito?

“My gosh, Honey? Don't tell me may crush ka sa lalakeng taga-bundok???” sigaw na tanong niya sa sarili. Napahawak siya sa magkabilang pisngi. “Well he's gwapo...hot and he kinda resembles King Dary—oh stop mentioning that guy anymore, dear self.” Sinampal-sampal niya ang mga pisngi.

Pagkatapos niyang kumain at magpahinga, wala siyang gustong gawin kundi ang humiga lang sa kama at titigan ang kisame.

“Nababaliw na yata 'ko. Why do I keep on seeing Ali's face?” nagpapanic na tanong niya sa sarili. “Di kaya he really put something on my coffee earlier? Like...some kind of potion?!” Tinakpan niya ng unan ang mukha at natatawang inimagine ang reaksyon ni Ali kung sakaling naririnig lang nito ang mga iniisip niya. “Susungitan na naman ako n'on panigurado.”

Since nag-resign na siya sa trabaho, wala siyang maisip na pagkakaabalahan sa mga sumunod na araw. Naghahanap pa rin siya ng lugar na pagbabakasyunan ngunit wala siyang magustuhan ni isa sa mga nakikita niya. Maging iyong nasa original plan niya na pupuntahan sa Pampanga ay ayaw niya ng ituloy.

“Agawin ko na lang kaya ulit si King sa Yuka na 'yon? Ugh. I miss him na pa naman.” She tried calling him kaso ay 'yong makulit na anak nitong kambal ang sumagot.

[Is that you, Tita Honey?? I heard you!]

“No it's not me. I'm a bad person and if you don't stop talking I'll cut your throat.”

[Hihihihi. Really? Will I have 2 throats then?! That's cool!]

Binabaan niya na ng phone ang paslit na anak ni King bago pa siya tuluyang masiraan ng bait sa pagkausap sa batang 'yon. This is why she hates kids and she never thought having her own kids in the future. Hinding-hindi niya gagawan ng sakit ng ulo ang sarili niya, 'no!

“Have you seen the profiles of the men I want you to meet?”

“Papa?!” Napabangon siya mula sa ikaapat na araw ng pakikipagtitigan niya sa kanyang kisame. “What are you doing here??”

“Checking on you.” Lumakad ito papasok ng kwarto niya. “Look at yourself, Honey. You should start dating guys instead of wasting your time here in your room. Check those guys I prepared for you.” Napanganga siya sa sinabi ng ama. Para lang itong may pinapa-check na bagong project kung makapagsalita!

Nagkunwaring interesado na lamang siya sa mga profile na ipinadala para lubayan na siya nito.

“Oh ito anak ng may-ari ng ospital!” Inilapag ni Madelle ang profile ng lalakeng ito sa harapan niya. Tinignan lang naman 'yon ni Honey at mas piniling damputin ang kanyang kape kaysa sa profile nito.

“Are you blind? Tignan mo nga ang panget! Malayo pa lang kinikilabutan na 'ko sa itsura niya.” Umakto siyang napangiwi sa picture nito.

“Ito na lang mas maayos itsura. Same age, but he has his own company already.”

“Still no. Tignan mo nga 'yung mata mukhang manyak.”

“Ha?” Confused na pinakatitigan ni Madel ang mga mata ng lalake sa picture. “Parang hindi naman. Judgmental ka.”

“You can't just see it, but I can clearly see it! Malakas ang kutob ko sa mga lalakeng ganyan ang mata.”

“Ang sabihin mo, wala lang kase na kamukha ng King Daryl Smith mo. Tss.”

“He really wouldn’t look like one of those, kase nag-iisa lang siya.”

“Kaya nga ang malas mo. Nag-iisa lang siya tapos hindi pa ikaw ang pinili.”

“You think I can't fire you even if you don't work for me anymore?”

“Let's proceed to the next candidate!” pag-iiba agad ni Madelle sa usapan.

“No that's enough. Those 5 you introduced have ruined my day already. Mas gugustuhin ko pang i-date ang taga bundok kaysa sa mga 'yan. Tsk.”

“Wow talaga? Magagawa mo 'yan?”

“Oo naman!”

“Bakit? May nakita ka bang gwapo ro'n sa isinumpang lugar?” Nanlaki ang mga mata niya at nasamid sa iniinom na kape. Pa'no niya sasabihing hindi lang basta gwapo kundi sobrang hot na nilalang ang nakita niya ro'n? Siguradong hindi siya titigilan ng babaeng 'to lalo kapag nalaman nitong he can even be compared with King Daryl Smith!

“W-Wala, 'no! Just in case lang hindi ko naman sinabing meron. Tsk.”

The next day ay nakarating agad sa Chairman na wala siyang napili sa mga ipinadala nitong profile ng iba't-ibang lalake. Kaya naman imbes na ulitin nito ang ginawa, totoong tao na mismo ang mga gusto nitong ipa-meet sa kanya.

“No way, Madelle! There's no way I will meet those guys! Gosh, what is he thinking?!”

“Ako pa malalagot dito kapag hindi ka sumunod! Dali na kasi, Honey, kikitain mo lang naman! Edi kapag ayaw mo edi sabihin natin na wala kang nagustuhan sa kanila!”

“So you want me to waste my precious time to meet those ewww guys? I'm sorry, but no. At saka bakit ka ba takot na takot kay Papa eh alam mo namang ako pa rin ang masusunod sa lahat ng gusto ko?”

“Not this time, Honey. Dahil kapag hindi ka sumunod, siya mismo ang magdadala sa 'yo sa kanila!”

“A-Anong sinabi mo?”

Frustrated na napasuklay ng buhok niya si Madelle gamit ang mga daliri.

“Ang bilin sa 'kin ng Papa mo dalhin kita sa resto kung saan mo sila kikitain by hook or by crook! As in kung kailangan daw kitang kaladkarin papunta ro'n gawin ko! Seryoso na this time ang Papa mo!”

Kahit hindi niya aminin ay halata sa mukha ni Honey ang pagkabahala sa sinabi ng kaibigan. Ngunit imbes na magmadali siyang sumunod, nagmamadali siya umuwi para tumakas. Oo tatakas siya.

“What the heck saan ka pupunta?!” Sinundan siya ni Madelle papasok sa kanyang kwarto.

“Wag ka ng magtanong.” Kinuha niya ang pinakamalaking maleta at pinaglalagay doon ang mga damit at mga gamit na tingin niya'y kakailanganin niya. “Mas mabuti nang wala kang alam kung saan ako pupunta para mas safe. Para kahit torture-in ka ni Papa walang mangyayari sa 'yo kase wala ka namang alam.”

“So papayag kang torture-in ako?!”

“He will surely just torture you with questions, okay? Hindi ka naman sasaktan ni Papa!” Inabot niya ang kaha mula sa kanyang drawer at kinuha lahat ng cash na meron siya ro'n. “Just tell him na wala kang alam kung nasaan ako. Basta tatawagan kita once he already stop searching for me.”

Pinatungan niya ng isa pang malaking bag ang kanyang maleta. Pero kahit mapuno na pareho ang mga ito, tila hindi man lang nabawasan ang laman ng kwarto niya. Bahala na! Ang importante may mga gamit siyang aalis! This time ay sinigurado niyang full-tank ang sasakyan niya at may reserbang gulong din at fuel. She left without telling anyone where she's really going, but the truth is, nag-check in lang muna siya sa hotel na walang access sa security nito ang pamilya niya. Dito niya pansamantalang pinili na manatili habang wala pa siyang naiisip na pupuntahang lugar.

“I'm so hungry shit.” Napahawak siya sa tiyan na kumakalam. Gusto niya sanang magpaakyat na lang ng pagkain pero baka mabaliw na siya sa kaka-stay sa loob ng kwarto.

Lumabas siya ng room pagka-settle ng mga gamit niya. Nagsuot pa siya ng shades para umiwas sa mga pwedeng makakilala sa kanya.

“Do you want here, Wife? Or you wanna check their food first and then you decide?” Napatigil si Honey at napaupo sa katapat na table. Alam na alam niya kung kanino ang boses na 'yon.

“Sige dito na tayo, Hubby. Gutom na 'ko, eh.”

Napalunok siya saka dahang-dahang nag-angat ng tingin. Nakita nga niya ang mag-asawang King Daryl at Yuka na inokupa ang lamesa sa kaparehong resto na pinasukan niya.

“Kapag minamalas ka nga naman,” bulong niya sa sarili at napatingingala siya sa waiter na lumapit sa kanya. “What?”

“May I take your order, ma'am?” Napatingin ito sa menu book na hawak niya. Nagturo na lang siya ng kung anu-ano para lang umalis na ito.

“Bilisan mo umalis ka na!” mahinang singhal niya sa waiter. Inirapan niya ito at nanatiling hawak ang menu book na ginawa niyang pantakip mukha.

While waiting for her food, she couldn't help but watch the two laugh at whatever they were talking about. They look so happy, kabaligtaran sa sitwasyon meron siya ngayon. Parang may kumurot sa kanyang puso nang makita niya ang labis na saya sa mga mata ni King. Ganoon din ang mga mata ng asawa nitong si Yuka habang pinagmamasdan nila ang isa't-isa. Malamang kung siya rin ang nasa posisyon ngayon nito ay sobrang saya rin niya.

Mabilis na napaiwas siya ng tingin nang makitang hahalikan na ng lalakeng kinabaliwan niya ang asawa nito.

Hindi niya namalayan ang dalawang magkakasunod na luhang pumatak mula sa mga mata niya. Natawa siya ng mapakla habang pinupunasan ang mga ito gamit ang nanlalamig na kamay. Siya kasi dapat 'yon, eh. Siya dapat ang masaya pagkatapos ng mahigit limang taon na pagbubuhos niya ng lahat ng pagmamahal niya sa lalakeng ito. She gave him everything even though there was nothing left for her. Pero sa huli...kulang pa rin. Hindi pa rin siya ang pinili.

Binayaran niya lahat ng inorder niya at umalis nang walang ginalaw ni isa sa mga ito. Wala na ang gutom na nararamdaman niya kanina at tanging sakit na lamang ng loob ang mayroon siya sa dibdib niya.

Nakayuko siyang bumalik sa kwarto at kinuha ang mga gamit niya. Nag-checkout siya at mabigat ang dibdib na nag-drive nang walang pupuntahan.

“Siya ba 'yung bagong lipat?”

“Oo yata. Siya 'yung bagong uupa sa paupahan ni Vice Chairman.”

“Ang dami niyang gamit.”

“Mukhang mayaman.”

Nilingon ni Honey ang kumpol ng mga taong animo'y nanonood ng shooting. Nginitian at kinawayan niya ang mga ito kahit tagaktak na ang pawis niya sa sobrang init.

“Hello, neighbors!” bati niya.

“Helloooo,” sabay-sabay na tugon naman ng mga ito saka awkward na nginitian at kinawayan siya.

“Okay na po ba ang lahat, ma'am?” tanong ng staff na nag-deliver ng mga gamit niya gaya ng kama, cabinet, lutuan, at iba pang kakailanganin niya sa pamumuhay rito ng mag-isa.

“Yes, thank you so much for agreeing to come here with me.”

“Welcome, ma'am. Pero sobrang layo pala nito. First time namin mag-deliver sa bundok.”

“Here's your payment. I doubled that for your great service.”

“Thank you, ma'am.” Malapad ang ngiti ng mga staff na sumakay sa kanilang mini truck at umalis na para bumalik ng Maynila.

Proud na pinagmasdan ni Honey ang maliit na bahay na uupahan niya. Wala siyang alam na ligtas niyang pwedeng mapuntahan kundi sa lugar lang na ito. Dito sa lugar na malayo sa sibilisasyon at tiyak na hindi siya agad makikita ng ama.

“Woah woah woah! Nakikita mo ba ang nakikita ko, Boss?! Parang may naliligaw na nilalang na naman sa kagubatan.”

Nakataas ang kilay ni Honey na nilingon agad ang nakakairitang boses ng nagsalita. Pero doon siya bumaling sa katabi nitong lalaki. May dala itong bag na may lagari, martilyo, at iba pang gamit pangumpuni. Pero gwapong-gwapo pa rin ito sa suot na black dri-fit tank top.

“Hi, Ali!” magiliw na bati niya rito at nilapitan pa.

“Why are you here again?” walang emosyon na tugon nito sa kanya. Malapad ang ngiti niyang itinuro ang bahay sa kanyang likuran.

“Because I'll live here na!”

“You'll...what?”

“Dito na 'ko titira!” Umikot siya na parang nagsasayaw sa harapan nito habang hawak sa magkabila ang suot na dress. Humahangos siyang tumigil nang nakangiti. “Naisip ko na kailangan ng lugar niyo ng magandang katulad ko, so I'm donating myself!”

“Ay sus Diyos ko po.” Napa-sign of the cross ang nakakainis na Leo!

“You can leave if you don't wanna be my neighbor. Simple!”

“Ako pa talaga mag-a-adjust?”

“Can you please stop being annoying? Ang annoying na nga ng face mo, pati attitude mo gano'n din.”

“Aba't!!”

“Fine! Sige sige!” Itinapat niya ang palad niya sa mukha nito. “Since mas mabait naman ako sa 'yo, I'll invite you na lang to my housewarming party.” Lumiwanag ang mukha ni Leo.

“Boss, narinig mo 'yon? Ininvite ako.”

“Wag kang feeling. Lahat ng tao sa village na 'to iniinvite ko.” Nawala ang ngisi sa mukha ni Leo at parang papel na biglang nilamukos ito.

“You'll invite the whole neighborhood?” pag-uulit na tanong ni Ali. Hindi naman kase friendly ang pagkakakilala nito kay Honey.

“Yes! So please tell me you're coming!” Nagpa-cute siya sa harapan ni Ali para lang tanggapin ang imbitasyon niya at inis na inis naman siyang tinignan ni Leo.

Malamang sa lahat ng pupunta ay si Ali lang talaga ang pinakainaasahan niyang darating. Kaya kung hindi rin ito dadalo, mabuti pang uminom na lang siya mag-isa.

“Okay. I'll come.”

OMG! Yes!

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 27.1K 39
Skyler Anthony Fajardo, also known as Kyle is the lead guitarist of the famous rock band, Black Slayers. Over 10 years of rocking, he got used to a...
Wild One By dstndbydstny

General Fiction

6.4M 184K 63
The forbidden fruit that everyone wants to have a taste, a woman of the world, liberated, wild, and without a doubt, gorgeous - Odine Beateressa Sant...
27.2K 959 34
The Stevens Series #1: Thunder and Heaven | Warning: Mature Content (sensitive topic ahead) When Thunder is in pain, the heavens cry for him. Thunder...
1.5M 25.9K 65
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #1 Highest Rank: #13 in General Fiction ** Eunice Dizon met Nathaniel Marquez when th...