A Vidente

By Whroxie

364K 18.9K 2.1K

Beatrix is a seer, a descendant of Genoveva-The most powerful witch of Elysian. Her capacity to glimpse into... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chpater 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 16

6.5K 369 20
By Whroxie

IMMEDIATELY after bursting out of the backdoor that led to the forest. He ran full speed in the direction of the woods.

"I'm sorry! I can't stay with you. I love someone else." Beatrix's final heartbreaking sentence raning in his mind, shattering his heart. 

He could sense the beast's anguish within him. He's roaring, ready to erupt and take over. He could feel every twitch of his muscles, every spasm that pulsed through his body as the DNA has gradually mutated, his Lycan clawed out of his human form. He increased his speed. Hindi niya inalinta ang unti-unting pagtagos ng  mga patak ng ulan mula sa makakapal na dahon ng nagtatayugang mga puno. Ang nais niya ay tumakbo hanggang sa mapagod. 

Romulus groaned when his muscles started to bulge after the claws ripped through his skin and his fangs grew sharper. He swung around the enormous three, clawing the massive trunk and bringing it to the ground. Head of him is a massive falling tree that is obstructing the path. Grey fur sprang all over his body as he made a long leap over a fallen log, totally covering him as he transformed into his Lycan form. Leaves and twigs cracked and crunched beneath his massive feet as he landed with force on the leaf-covered ground. Kung hindi masusugat ang katawan ay matutumba ang bawat punong madaanan niya sa mga kalmot ng kanyang matatalas na kuko. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang tumakbo hanggang sa marating ang hangganan ng lupain ni Manoela. Sa tuktok ng waterfall ay doon siya nanatili. 

Puno ng panibugho ang kanyang damdamin. Masama ang loob, oo… Ganoon siya kabilis na binitawan ni Beatrix para sa Baltazar na iyon. Sakit…dahil sa halos tatlong taon na pagsasama nila hindi man lang siya minahal ni Beatrix. Hindi man lang iyon naging sapat para mapigilan itong hindi siya iwan. Pero wala naman siyang magalit…sa simula palang ay nilinaw ni Beatrix kung ano'ng relasyon ang papasukin nila. There is no strings attached. Just pure physical relationships. Entering to a relationship in order to satisfy their sexual needs…but he loves her…minahal na niya ito. Matindi ang pagmamahal na nararamdaman para kay Beatrix para masaktan siya ng ganito. 

Marahas niyang itiningala ang ulo sa madilim na langit, hinayaang bumagsak ang ngayon ay malakas ng ulan sa kanyang mukha. Isang nakakakilabot na alulong ang kanyang pinakawalan. Naghihinagpis habang naglalaro sa kanyang isipan kung paanong maghintay si Baltazar kay Beatrix sa labas mismo ng kanyang bahay. 

***
The excruciating pain she was experiencing made it difficult for her to breathe. She didn't want to hurt Romulus, but she left no choice. In order to avoid Romulus's death, he would prefer to hurt him. Mas pinili niyang magsinungaling kaysa sabihin ang totoo. Natitiyak niyang kapag nalaman ni Romulus ang tungkol sa mga pagkatao nila ay hindi siya nito hahayaang umalis. Iyon ngang sabihin niyang hindi niya ito mahal ay hindi pa rin siya sinukuan, pilit pa rin siyang pinigilan. Tumigil lang ito nang makita si Baltazar na kasama siya. At higit niyang nasaktan si Romulus dahil doon. Iyon ang rason kaya isinama niya si Baltazar. Pero napakasakit din niyon para kanya. Sana ay mabigyan niya ng solusyon ang suliraning ito. Sana ay may tsansa pa sila ni Romulus. 

Inabot niya ang kanyang pisngi at marahang pinahid ang luhang dumaloy. Sumasabay ang langit sa pagdadalamhati niya. Madilim ang paligid sa lakas ng ulan. 

"S-saan tayo?" mahina at may pag-aalangang tanong ni Baltazar. Parang ayaw nitong gambalain ang kanyang pagtangis. Bumuntonghininga si Beatrix at nilinga si Baltazar na siyang nagmamaneho. 

"Eremia Village tayo. Iliko mo sa unang kanto," pagbibigay niya ng instraksyon sa lalaki. 

"Pasensiya ka na, Baltazar. Naabala ka masyado." 

"No worries. I'm always available when you need me."

"Thank you!" Muli niyang ibinalik ang tingin sa daan. 

"Mukhang mahal mo naman pero bakit ka nakipaghiwalay?" tanong ni Baltazar. Hindi niya inalis ang tingin sa daan. 

"Alam mo na ang sikreto ng pagkatao ko, Baltazar. Ako, ikaw at si Romulus ay may ugnayan sa nakaraang buhay," deklara niya ng kanyang nalalaman. Ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa hanggang sa magtanong si Baltazar ng tanong na kanya ng inaasahan. 

"Ano ang ibig mong sabihin?" Bumaling si Beatrix sa lalaki. Nakakunot-noo itong nakatingin sa kanya, naguguluhan. Ibinalik ang tingin sa daan at binagalan ang takbo ng sasakyan bago siya muling binalingan. 

"I don't get it. Ano'ng ibig mong sabihin sa sinabi mong iyon?" 

"Alam mo bang bukod sa nakita mong kapangyarihan meron ako, kaya ko ring makita ang hinaharap at nakaraang pangyayari sa buhay ng isang tao." 

Mula sa kalsada ay muling bumaling sa kanya si Baltazar. Sa ekspresyon nito at sa ginagawang pagpapalipat-lipat ng tingin sa daan at sa kanya ay tila gusto nitong ihinto ang sasakyan para maipirmi sa kanya ang buong atensiyon na siya naman ngang ginawa nito makalipas ang ilang sandali. Itinabi nito ang sasakyan sa daan. 

"For real?" 

Tumango siya at bumuntonghininga ng pagsisisi. Pagsisisi kung bakit pinangarap pa niyang magkaroon ng kapangyarihang ito. 

"Nang hawakan kita sa unang pagkikita natin, nakita ko si Baltazar sa nakaraan kaya agad kong natukoy ang pangalan mo." 

"How about Romulus? Paano siyang nagkaroon ng ugnayan sa akin." Ilang sandali siyang tumitig lang kay Baltazar. Nagtatalo ang isipan kung dapat bang sabihin sa taong halos kakakilala palang niya. Muli siyang bumuntonghininga at nagpasyang ibahagi rito ang kanyang sekreto. Magaan na magaan ang kanyang kalooban kay Baltazar at wala naman siyang nararamdamang panganib mula rito. 

"Si Romulus…ay si Gonçalo." 

Ang mga kilay nito ay halos magdikit. "Ang traydor?" That word slapped her with the fact that Romulus is an adversary of Celtici. 

"Unfortunately." Mariin niyang kinagat ang nanginig niyang pang-ibabang labi. Higit pa siyang nalulungkot dahil sa katotohanang iyon. 

"Alam niya?" 

Umiling si Beatrix sa tanong na iyon ni Baltazar. "Hindi ko kaya. Kailangan ko siyang layuan dahil alam kong sasaktan lang siya ni Celtici. Hindi titigil si Celtici hanggat hindi niya naipaghihiganti ang kamatayan niya." 

"At nasasaktan kayong parehas." 

"That would be better that way." Ipinikit ni Beatrix ang kanyang mga mata. Hinayaan naman siya ni Baltazar. Tahimik lang din itong naupo roon habang pinagmamasdan ang pag-agos ng tubig sa windshield. 

Nang medyo tumila ang ulan ay nagpatuloy si Baltazar sa pagbaybay ng daan hanggang sa marating nila ang village ng mga Paganus. Wala ng ulan ng marating nila ang lugar. Agad siyang nakilala ng security guard sa gate nang sumilip ito sa bintana ng driver seat na binuksan ni Baltazar. Ngumiti ito sa kanya.

"Ang tagakita," deklarasyon ng security guard sa kasamahan na agad na binuksan ang malaking gate ng village. 

"Tagakita?" tanong ni Baltazar habang pinapausad ang sasakyan papasok. 

"I'm their seer." Mula nang lumabas ang pagkatao nila ni Luna ay naging malaki ang pagtingin sa kanila ng mga Paganus na ordinaryo lang naman ang tingin sa kanila noon. Oh, not Luna, dahil si Luna ay kahit paano ay may malaking ambag sa lahi nila sa simula palang dahil sa pagiging hunter nito. Pero ngayon, espesyal ang tingin sa kanila ng lahat. Malaki nga sana ang nais i-provide pinansiyal sa kanilang pamilya ng matataas na opisyales ng Paganus ayaw lang ng kanyang magulang kahit pa ang palitan ang nalugi nilang investment. Galit pa rin ang kanyang mga magulang sa Paganus dahil sa ginawang pagdakip sa kanyang pamilya noon, at pagkakapatay sa kanyang kuya. 

Itinuro  niya kay Baltazar ang kanilang dating bahay. Nang mahinto sa tapat ng isang malaking kahoy na gate ay agad na siyang bumaba. Nakabukas ang gate. Humakbang siya nang ilang hakbang at muli ring tumigil. Pinagmasdan niya ang kanilang bahay at agad na nakaramdaman ng pangungulila. They used to live in this lavish log house in peace and happiness. Malaki ang, hapagkainan, ang kusina at ang bawat silid ay mayroong teresa at sarili-sariling banyo. The interior was given a rustic vibe by the exposed stone foundation and vaulted ceilings. She likes to hang out on the wide sun terrace here, which looks out over the large lawn behind the home. There is a staircase leading up to the front door and a wide covered porch. Sa baba, sa gilid ng malapad na hagdan ay basement. Nakabukas ang malaking pinto niyon. Mayroon signage na Antique Shop. Mukhang ginawa itong store ng bagong nagmamay-ari. 

"Whose house is this? Napakaganda!" Pagbulalas ni Baltazar sa pagkamangha nito. Nasa tabi na niya ito ngayon na katulad niya ay pinagmamasdan ang magandang bahay. 

"Ours. Before," saad niya habang hindi inaalis ang pagtitig sa bahay. Nabaling ang atensiyon ni Beatrix sa middle-age man na lumapit ng gate. 

"Tuloy kayo. May mga bagong dating na antique na pigurin at painting. Baka may magustuhan kayo." 

Tipid na  ngumiti si Beatrix sa lalaki na agad naman niyang pinaunlakan ang paanyaya. Iginiya sila nito patungo sa basement na ngayon ay ginawa ng tindahan. 

"Tumingin kayo at baka may magustuhan kayo. Ang gaganda ng mga bagong gamit sa bahay at karamihan ay imported mula Europa…katulad ng isang iyon," turo nito sa isang pigurin na babae na nakapatong sa maliit na bilog na mesa. Hindi siya mahilig sa mga ganitong klaseng bagay kaya hindi niya na-a-appreciate pero tiyak na kung kolektor ng mga antique stuff ay masisiyahan sa ganitong lugar. Ang buong lugar ay katulad ng vibes ng bahay nina Baltazar. 

"My grandfather will like this," ani Baltazar na nasa kanyang likuran. 

"May customer pala." Boses ng matandang lalaki ang nagpalingon kay Beatrix at Baltazar. Tingin niya ay kaedad ito ni Professor Tavarez. 

"Magandang hapon sa inyo," bati nito matapos mag-alis ng straw hat. Ipinatong nito ang sumbrero sa mesa na nagsisilbing counter. 

"Magandang umaga po," bati niya rito. Nilinga nito ang buong store hanggang sa matigil ang tingin sa kung saan naroon ang mga painting. 

"Baka may magustuhan kayo sa mga painting." Sinundan ni Beatrix ang bagay na inaalok nito. May ilan-ilang painting ang nakasabit sa dingding. Wala naman siyang makitang espasyal sa mga iyon  marahil ay hindi naman siya mahilig sa art. Parang hindi talaga siya nababagay maging archeologist. 

"Ito naman ay mga vase na may isa daang taong gulang na, may ilan pa riyan ay libong taon na ang buhay." Hindi na nabigyan pa ng pansin ni Beatrix ang sinabi ng lalaki nang makuha ng atensiyon niya ng isang painting na nakalagay sa painting stand. Natatakpan iyon ng pulang tela pero bumagsak iyon kaya humantad sa kanilang paningin ang isang landscape painting. It's a stream flowing through dense virgin forest with a huge rock in the center of the stream. Sa kaliwang bahagi ay malaking puno na nakayuko ang mga dahon na umabot sa malaking bato kaya nagmistula iyong payong niyon. Humakbang si Beatrix palapit doon at pinagmasdang mabuti ang painting. Weird that it looks familiar to her. Tumaas ang kamay niya para sana haplusin ang painting nang biglang magsalita ang lalaki. 

"Maganda hindi ba?" Mabilis niyang naibaba ang kamay at nilingon ang matandang lumapit sa kanya. 

"Alam mo ba…nakuha ko iyan sa lumang vintage shop sa Portugal. Ang sabi sa akin ng may-ari, isang demigod daw ang nagpinta niyan. Hindi ko alam kong totoo o nabudol lang ako." Sinundan nito ng marahang tawa ang sinabi. 

"Bagay 'to sa library ni lolo," si Baltazar na abala sa pagtingin sa ibang bagay. Hindi ni Beatrix inusisa kung ano ang nakakuha sa interes ni Baltazar dahil ang kanyang buong atensiyon ay nasa painting. 

"That's still working," the man informed Baltazar. Iniwan siya nito at nilapitan si Baltazar.

"Really? This typewriter?" 

"Hmm. It's a pre-1940s model and it's still working well." 

"Wow! I'll get it."

"Alright. Maiwan muna kita at ipapaayos ko lang 'yan." 

Kumunot ang noo ni Beatrix nang matuon ang kanyang  paningin sa pirma ng artist sa painting. Inabot niya ng kamay iyon at pilit binasa ang malabong pangalan habang hinaplos ng mga daliri. Hindi niya maintindihan ang nakasulat doon dahil malabo ang pagkakasulat sa ibang letra. Malinaw lang ang unang letra na G. 

Nanglaki ang mata ni Beatrix sa pagkagilalas nang ang painting ay tila maging isa tubig. Mabilis na umiikot ang gitna na parang kayang humigop ng kahit ano'ng bagay. 

"Portal," usal niya nang mapagtanto ang posibilidad. Bago pa man siya makalayo sa painting ay nakasigaw nang malakas si Beatrix nang tila may malakas na puwersang humihila sa kanya papasok ng painting. 

"Beatrix!" Sigaw ni Baltazar ang kanyang narinig kasabay nang paghawak nito sa kanyang kamay. 

Unti-unting nagmulat ng mata si Beatrix. Tila siya nahihilo na nagpaikot-ikot sa loob ng isang sasakyan. Sa pagmulat niya ay mga bato ang kanyang nakita. Matigas na bagay ang kanyang kinadadapaan. Tumutusok sa buong parte ng kanyang katawan. Mga bato. 

Umungol siya saka dahan-dahan inangat ang sarili. Hinawi niya ang kanyang buhok na tumabing sa kanyang mukha. Nanatili siyang nakaupo habang ang mga kamay ay nakatukod sa batuhan, inilibot niya ang kanyang paningin. Forest. She's in the forest. Pero saan ba 'to? Nasa Baguio ba siya? Pagbaling niya sa likuran ay isang sapa ang naroon. Unti-unti ang pagporma ng kunot sa kanyang noo nang maging pamilyar sa kanya ang lugar. Ang malaking bato sa gitna, ang malaking puno sa kaliwang bahagi ng sapa ay katulad na katulad ng nasa painting. 

Umawang nang malaki ang kanyang bibig nang maalala ang nangyari sa Antique Shop. Nakapasok ba siya sa painting? Dinala niya ang kamay sa dibdib sa kabang nararamdaman nang may makapa siya. Agad niya iyong niyuko at higit pa ang pagkamanghang naramdaman nang makitang may suot na siyang kuwintas. Hindi lang iyon simpleng kuwintas. Ito ang talisman na nakita niyang suot ni Celtici sa painting at nasa talaarawan ni Baltasar.

"Beatrix?" Marahas siyang bumaling sa pinanggalingan ng boses. 

"Baltazar?" Sa hindi kalayuan ay nakaupo si Baltazar at katulad niya ay kalituhan ang nasa mukha. 

Sa pagtayo niya ay tumayo rin ito. Lumapit si Baltazar sa kanya habang inililibot ang tingin. 

"Where are we? Nasa shop lang tayo–"

"Nakapasok tayo sa painting o napunta sa ibang panahon," agaw niya sa sinasabi nito.

"What the fuck!" bulalas ni Baltazar. 

"Is this fucking possible?" 

"Nangyari na, Baltazar."

"Damn! Paano tayong makakabalik?" Hindi niya tinugon si Baltazar dahil hindi rin niya alam ang isasagot. Pinulot niya ang kanyang bag mula sa batuhan. 

"Baltasar!" Mabilis na tumuwid ng tayo si Beatrix nang may marinig na ibang tao. Hindi niya kilala ang bagong dating na ang kasuotan ay outdated ang fashion style. Hindi traditional Philippines outfit ang suot nito kundi parang isang European– A working-class man. 
Ano nga ba ang tawag sa traditional outfit na ito? Smock-frock. A regional style for men in Europe, especially shepherds. He's wearing a felt hat and boots with buckles. 

"Baltasar," ulit nito sa pangalan ni Baltazar nang makalapit sa kanila. 

"Sua mãe estava procurando por você." Kapwa umawang ang labi ni Baltazar at Beatrix sa narinig na lengwaheng ginamit na ang ibig sabihin ay "Your mother is looking for you." At naiintindihan niya iyon kahit hindi naman niya inaral ang salitang iyon. 

"Umuwi ang infanta. Matutuloy ang pagpili," patuloy nito sa salitang lumang lenggwahe ng Portugal. 

Bumaling sa kanya ang lalaki at matalim siyang tinitigan. Para bang may galit sa kanya. Aba! Ngayon lang naman niya ito nakita galit agad.

"Celtici!" Isang lalaki naman ang dumating at higit pa siyang naguluhan sa narinig na pangalang tinawag nito. Katulad ng unang lalaki ay outdated ang fashion style nito, pero mas maganda ang sa unang lalaki kaysa sa isang ito. 

"Kanina ka pa hinahanap ni ama. Sabi na't nandito ka lang," sinabi nito iyon sa banyagang salita. 

"Sumama ka!" Hinawakan nito ang kanyang palapulsuhan at hinilang palayo sa dalawa. 

"Bakit ganyan ang iyong kasuotan?" puna nito sa kanyang damit. Sa halip na sagutin ay nilinga niya si Baltazar na hinihila na rin ng lalaki habang tinatawag siya. 

Litong-litong nagpakaladkad na lang siya sa lalaki habang iniisip ang posibleng kinaroroonan niya. Nasa Portugal siya at sa tawag ng lalaki sa kanya, ibig sabihin ay nasa pahanon siya ni Celtici. Ano'ng nangyayari? Bakit siya napunta rito? Hinila siya nito papasok sa isang kubo. Naroon ay isang lalaki. Pinasadahan siya nito ng tingin. May kalituhan sa mukha. Bumuntonghininga ito matapos siyang masuri mula ulo hanggang paa. 

"Magpalit ka ng iyong kasuotan at pagkatapos ay kumain ka na," anito saka lumabas. Agad siyang pumihit sa pinto. Naroon ang lalaking kumaladkad sa kanya rito. 

"Sinabihan ka nang huwag lalabas. Manatili ka muna sa bahay mo, Celtici, para hindi nababahala ang mga Elysian," pagkasabi nito ay tumalikod ang lalaki.

"Sandali," aniya sa tagalog na salita na ikinakunot ng noo nito. Bahagya siyang natigilan, nag-isip ng dapat sabihin. 

"Sino ka? At nasaan ako?" Namangha si Beatrix nang masabi niya iyon sa salitang dapat. Nakitaan niya ng pagkayamot ang lalaki sa tanong niya. 

"Magtigil ka sa kalokohan mo, Celtici. Ano't tila nakalimutan mong kapatid mo ako?" Umiling ito. 

"Pakiusap, Celtici! Manatili ka rito. Nababahala na ang mga Elysian dahil sa paglabas ng kapangyarihan mo. Hindi mo makontrol ang kapangyarihan mo kapag nagagalit ka. Hinala namin ay higit pa iyang lalakas habang papalapit ang iyong ika-labing walong kaarawan. Mas mapoprotektahan hindi lang mga tao kundi pati na rin ikaw kung mananatili ka dito sa gitna ng gubat."

Tuluyang umalis ang lalaki. Si Beatrix ay naiwang nakatulala. Hindi mapaniwalaan ang mga kaganapan. Totoo ba ito o panaginip lang? Mariing naipikit ni Beatrix ang mata at sinapo ang ulo nang mapagtanto ang nangyayari. Jusko! Napunta nga siya sa panahon kung saan nabubuhay si Celtici. Ang painting na iyon ang naging dahilan kung bakit sila ni Baltazar napadpad sa lugar na ito. 

Magdamag na hindi nakatulog si Beatrix. Pinilit niyang makatulog sa pagbabasakaling pagising niya ay balik sa normal na ang lahat. Umaasa siyang panaginip lang ang lahat, katulad ng halos gabi-gabing pagdalaw sa kanya ng masasamang panaginip at sa paggising niya ay balik normal na ang lahat. Pero hindi. Sa pagmulat ng kanyang mata mula sa saglit na pagtulog ay pawid na kisame ang kanyang nabungaran. Kisame na siyang tinitigan niya kagabi. It's real. She's in Celtici's world. Nag-isa sila ni Celtici sa mundong ito. 

Ngayon palang ay nakakaramdam na siya ng awa para kay Celtici. Nakatira itong mag-isa sa maliit na kubo sa gitna ng masukal na gubat. Kung ibabase niya sa mga sinabi ng ama, she assumed it was Celtici's father, at kapatid ni Celtici ay kinamumuhian ito ng mga Elysian kaya kinailingan ibukod. How cruel! Mababaliw yata siya kung mananatili siya sa loob ng bahay ng buong araw. Kailangan niyang mahanap si Baltazar. Kailangan nilang makabalik sa panahon na kanyang pinanggalingan. Hindi nila mabibigyan ng solusyon ang suliranin ito kung tutunganga siya. Kahit takot, pinipilit niyang hindi panghinaan ng loob. Kahit gusto niyang umiyak mula pa kahon ay mas pinili niyang magpakatatag. Kailangan niya ng tapang.

Nagugutom na rin siya. May mga lutuan sa bahay at may mga kung anu-anong gulay rin pero hindi naman siya marunong magluto. Tiyak na magaling si Celtici na magluto pero hindi siya. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit magaling siyang magsalita ng lumang lenggwahe ng Portugal pero hindi niya nakuha ang galing ni Celtici sa pagluluto. Wala man lang yatang balak magdala ng pagkain ang ama at kapatid ni Celtici. Poor Celtici! Hindi niya ito masisisi sa kung ano man ang nagawa nito sa panahon na ito. Eh, kahit siya kung ganito lang din itatrato baka bawat makasalubong niya ay kinuryenta na niya. 

Hindi niya kayang manatili sa maliit na bahay na iyon na tanging nakikita ay papag, maliit na lamesa at bilog na silya pati na rin ang baul na ang laman ay mga out of fashion na mga damit at wala siyang nagawa kundi ang isuot ang isa sa mga iyon na lumabas ng bahay. Itim na woollen cloaks pero nanatili niyang suot ang kanyang sneakers. Hinayaan lang din niyang nakalaglag ang hood ng kapa. Hindi na nga sana niya isusuot ang kapa pero ang astig kapag kumpleto. 

Natigil si Beatrix sa paglalakad nang may makitang komunidad sa direksyon na kanyang tinatahak. Posible kayang nariyan si Baltazar? Kailangan niyang makita si Baltazar. Nagmadali si Beatrix sa paghakbang patungo sa komunidad. May mangilan-ngilan siyang nakitang tao. Pero bago siya tuluyang makalapit ay may dalawang kalalakihan ng humarang sa kanya. Itinutok sa kanya ang hawak na polearm. Isang mahabang kahoy iyon na may matulis na bakal sa dulo at isa pang matalim na tila pangkawit. 

Sa takot ay napaatras siya. 

"Hindi ka maaari rito, Celtici. Binalaan ka na." Lumagpas ang tingin ni Beatrix sa dalawang lalaki. Tinanaw ang komunidad. 

"Elysium," mahina niyang usal. 

"Banta ka sa aming mga Elysian. Paumanhin, Celtici. Hindi ka namin maaaring papasukin." Humakbang si Beatrix paatras. Hindi niya maunawaan pero binalot siya ng kalungkutan dahil sa pagtaboy sa kanya ng mga tao. Pumihit siya para tuluyang lisanin ang lugar nang may makasalubong siyang dalawang batang lalaki at dalawang batang babae. Ang balak niyang pagngiti at pagbati sana ay hindi na niya natuloy pa nang tumili ang mga ito.

"Halimaw!" sabay-sabay na sigaw ng mga bata at kumaripas ng takbo. Sumimangot si Beatrix saka nagpatuloy sa paglayo. Napadpad siyang muli sa sapa kung saan sila napadpad ni Baltazar. 

"How can I go back to the present? Oh, my! This is frustrating!" Ipinadyak ni Beatrix ang kanyang paa sa batuhan. Bakit ba kailangan niyang mapunta sa lugar na ito? Makukulong na ba siya rito? Paano ang kanyang magulang, ang mga kaibigan niya, si Luna, lalo na si Romulus. O ito ang naging paraan ng nakakataas para iligtas ang mga mahal niya sa buhay mula sa kanya. Ang tuluyan siyang ilayo. Dinamay pa niya si Baltazar. 

Kawalan ng pag-asa ang tuluyang lumamon kay Beatrix. Humakbang siya paatras bago pumuhit pero sa pagpihit niya ay agad siyang natigilan nang may mahagip ang kanyang mata. Mabilis niyang naibalik ang tingin sa sapa. Tao. Tao nga, nakahandusay sa sapa. Nakasampa ang kalahati ng katawan nito sa malaking bato habang ang kalahati ay nakalublob sa tubig. Hindi nagdalawang isip si Beatrix na lapitan ang lalaking walang malay. Pinulsuhan niya ito, buhay pa.

"Mister," marahan niyang tawag sa lalaki. Hinawakan niya ang balikat nito at marahang niyugyog pero walang reaksiyon. Inabot niya ang mahabang buhok nitong natatabingan ang mukha at dahan-dahang hinawi iyon. Pinagmasdan ni Beatrix ang mukha ng lalaki at ilang sandali pa ang lumipas bago niya napagtantong kilala niya ang lalaki. Kasabay nang pamimilog ng kanyang mata sa pagkamangha ay siyang pagmulat naman ng mata ng lalaki. 

"R-romulus," usal niya sa nanginginig na boses. 

***
I used Tagalog instead of Portuguese. Yung time kasi, 18th century, at iba ang salita sa Portugal ng time na 'yan compare sa modern days, modern na rin ang language nila-- ang hirap hanapin ng old language na ginagamit nila-- mayroon pero isa-isang salita lang, mahirap i-construct into sentence compare sa modern Portuguese na madaling i-translate. Isipin niyo na lang translated na Portuguese ang dialogue😅

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 69.7K 51
(PUBLISHED BY LIB) His Secret Agent Pretend Girlfriend, now a published book under LIB creatives. Php 129. Available at all Precious Pages branches...
1.3M 19K 41
Dice and Madisson
789K 13.5K 18
A collection of one-shots by MsButterfly
2.3M 58.6K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...