Sea Without Waves (Rebel Seri...

By Ineryss

2.6M 71.5K 20.4K

hhss More

Sea Without Waves
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 9

53.8K 1.9K 496
By Ineryss

Sea Without Waves

Rebellious Girlfriend

Walang nangahas pag-usapan ang halikang nakita ngunit humahalakhak si Trison at tinatapik tapik ang balikat ni Draven.

Nagpasya akong maligo na. Hinubad ko lamang ang suot lalo na't sa loob ay suot ko na ang two piece bikini.

Sumisid ako sa ilalim na parte at noong umahon ay nakita na rin ang muling pagtalon ni Trison sa tubig. Hinaplos ko ang aking buhok paatras at iginala ang tingin. I couldn't find Draven. Wala na rin si Alice.

"Gusto mo si Draven?" biglang lumitaw si Trison sa aking harapan.

Hindi ako makasagot kaya ngumisi lamang ako. Nakita ko ang paghila ni Sanders sa kanyang suot na t-shirt at mukhang maliligo na rin.

"Sanders!" tawag ni Trison at itinuro ako. "Girlfriend ni Draven! Naghalikan kanina!"

What?

"I am not his girlfriend!" tanggi ko at sinabuyan ng tubig si Trison.

Nag-angat ng kilay si Trison. Muling sumabog ang tubig dahil sa pagtalon ni Sanders. Ilang sandali lang ay nakita ko ang katawan nitong swabeng lumangoy.

Gumanti si Trison at sinabuyan ako ng tubig. Iyon ang naging hudyat sa akin para gumanti at sunod sunod siyang sinabuyan ng tubig.

Umahon si Sanders sa aming pagitan. Hinilamos niya ang mukha at hinagod paatras ang basang buhok sabay tingin sa aming dalawa ni Trison.

"Girlfriend na ni Draven!" turo ulit sa akin ni Trison.

Sanders looked at me with full judgements in his eyes. Kita ko ang pagiging estrikto at maldito niya. Muli kong sinabuyan ng tubig si Trison ngunit nagtago sa likuran ni Sanders at doon sumilip.

"Naghalikan kanina ang dalawa. Kita namin ni Alice," patuloy ni Trison.

"I said I am not his girlfriend," ulit ko at sinabuyan ng tubig si Trison ngunit kay Sanders tumama.

"Oh itinatanggi ang ating kaibigan!" ilag ulit ni Trison habang nagtatago sa likod ni Sanders.

Umangat ang kilay ni Sanders sa akin.

"Mga playgirl pa naman kayo," si Sanders.

Kayo? Sino pa ang tinutukoy nito sa Ferrarin?

"Oo nga. Naririnig ko pinopormahan daw 'yan ni Conrad. Tapos ngayon si Draven. Hindi 'yon mahilig sa babae!" si Trison na sinabuyan ulit ako ng tubig.

Umikot ako ngunit humawak si Trison sa katawan ni Sanders at inikot din ito. Sanders looked so lost. Nasa gitna namin habang panay kami saboy ng tubig ni Trison sa isa't isa.

Ilang minuto kaming ganoon hanggang sa si Trison na ang nakapansin na wala pa rin si Draven at Alice.

"Nasaan na sila?" kuryosong tanong ni Trison at tiningnan ang paligid.

"Sa susunod na mang-iimbita ka, ipaalam mo sa amin," iling ni Sanders.

Alice is probably sulking somewhere while Draven's comforting her? Sino bang hindi masasaktan kung nakita mo 'yung gusto mo na may kahalikang iba?

"Wala naman akong alam na may ganitong mangyayari," si Trison na tiningnan ako ng makahulugan.

Sinabuyan siya ng tubig ni Sanders. Gumanti agad si Trison at para silang naggi-gyera gamit ang tubig.

Umahon ako at nagpasyang magbihis na. Sasamahan sana ako ni Trison ngunit sinabi kong kaya ko naman.

Dala ko ang aking pamalit habang naglalakad nang mapansin ko ang pamilyar na si Draven at Alice sa hindi kalayuan.

Tahimik akong naglakad papalapit hanggang sa nagiging malinaw sa akin ang tinig ni Alice. Huminto ako sa isang puno at doon nagpasyang magtago.

"Masasaktan ka lang sa pinapasok mo, Draven!" Alice cried.

Hindi umimik si Draven.

"Ferrarin siya! Sila ang rason kaya lugmok kayo! Kaya nakulong ang Papa mo! Kaya namatay si Tita—"

"Please don't include my mother's death," ang mahinahon na tinig ni Draven.

"Dahil totoo naman! At ang nangyari sa pamilya mo, mangyayari rin sa'yo! Kaya huwag mo nalang ituloy 'yang binabalak mo! Hindi ka naman niya gusto!"

Humalukipkip ako. Bumuntonghininga si Draven.

"Nangako ako kay Mama—"

"Huminto kana, Draven! Ikaw ang kawawa! Huwag mo nang ituloy ang balak mo! Hindi na kita kayang suportahan sa bagay na 'to!"

She's right. Sapat na ang mga narinig ko para umalis doon at huwag nang makiusyoso pa sa kanila.

Nagbihis ako at noong bumalik, naroon na si Draven at Alice sa grupo. Halata ang pamumugto ng kanyang mga mata. Si Trison, nang makita ako, ngumisi pa! Nagawa pang sumenyas na isusumbong ako.

"Uuwi na ako," si Alice na biglang pinagkukuha ang gamit.

Ang ngisi ni Trison ay napawi. Tiningnan siya ni Draven habang desidido na si Alice sa pag-alis.

"Uuwi na ako, Draven," ulit ni Alice at tiningnan ito.

"Ako na ang maghahatid sa'yo. Walang lisensya si Draven," si Sanders.

"Sanders," tawag ko kaya napatingin silang tatlo sa akin.

"Ako na. Give me your keys. I'll drive her home," sabi ko.

Kita ko ang pag-ahon ng tingin ni Draven sa akin. Kahit si Alice ay nagulat.

"Wala kang lisensya—"

"I know them. They will let me pass," I smirked.

"Still," si Sanders na talagang napaka estrikto.

"Ako na," mas matapang kong saad.

Kita ko kung paano nahubog ng malalim niyang tingin ang kanyang ekspresyon. He's serious.

"Basta Ferrarin talaga," iling niya sa sarili at mukhang suko na lalo na't nakikita kong dinudukot niya na ang susi sa bulsa.

"Sasama ako," si Draven sa seryosong tinig.

"Huwag na. I want to talk to your friend," sabi ko at sinalo ang inihagis na susi ni Sanders sa akin.

Alice looked at me with doubts. Inikot ikot ko sa aking daliri ang susi at tiningnan si Alice na nagdadalawang isip pa ata na sumama sa akin.

"Come on. As if I'm gonna eat you whole," I chuckled.

Humigpit ang pagkakahawak ni Alice sa kanyang gamit at tumingin kay Draven na nakahalukipkip. Binawi niya ang mga mata at naglakad patungo sa akin.

Tahimik kaming tiningnan ng mga boys na umaalis na. Lumebel ako kay Alice. Mas matangkad ako ng ilang dangkal sa kanya. Nakayuko siya, namumula pa rin ang mga mata at walang imik.

"How old are you?" tanong ko.

Umahon ang kanyang tingin at tiningnan ako ngunit saglit lamang.

"Sixteen," mahina niyang sabi.

"You like him," ngiti ko na ikinagulat niya.

Umiling siya ngunit namumula. Tumingin ako sa aming dinadaanan at hinila siya sa hindi maputik na daanan.

"Mabait si Draven," bulong niya nang muling yumuko.

"And innocent," I chuckled.

Sumulyap siya sa akin.

"Gusto mo ba si Draven?" she looked desperate for an answer.

Umiling ako lalo na't iyon naman ang totoo. I don't like him romantically. Hindi ko rin alam kung kaya ko ba siyang gustuhin sa malalim na paraan.

"Kaya bakit mo siya hinalikan?" kita ko ang pamumuo ng panibagong luha sa kanyang mga mata.

"Because he wants to kiss me," paliwanag ko habang pinapanood ang nilalakaran niya.

Humingos siya at lumandas ang luha sa kanyang pisngi. Ah... I feel bad. Para namang ang laki ng kasalanan ko.

Kinapa ko ang suot kong pants at naghanap ng panyo.

"Bakit mo siya hinayaang halikan ka kung hindi mo pala siya gusto?" halos garalgal ang tono ng kanyang tinig.

Nagkibit ako at inilahad sa kanya ang aking panyo. Tiningnan niya iyon.

"Bakit hindi mo inaamin sa kanya kung gusto mo pala siya?" tanong ko sa halip na sagutin ang tanong niya.

Muli siyang namula. Ramdam ko ang kagustuhan niyang itanggi ang aking bintang ngunit masyado iyong klaro sa kanyang mukha.

"Natatakot kang ma-reject?" I asked.

Bumaba ang kanyang balikat. Doon pa lang, alam ko na iyon ang rason kaya ayaw niya.

"Baka masira rin ang pagkakaibigan niyo?"

She looked away again. God. This is why I hate being inlove! Parang pinuputulan ka ng kumpyansa sa sarili at naduduwag ka bigla. Nagiging kahinaan mo ang isang tao. Napapangunahan ka ng nararamdaman.

"Maybe you should try before it's too late," I suggested.

Mabilis ang tingin niya sa akin. Umiling siya at kita ko ang pagiging dismayado niya.

"Hindi 'yon gano'n ka dali."

"Kaya mas madali na pakawalan siya at hayaan siyang mapunta sa iba?"

"Hindi niya ako gusto. Kaibigan lang ang tingin niya sa akin," she said and wiped her tears.

Napatingin ako sa hawak kong panyo na hindi niya pa rin tinatanggap. Nagpatuloy kaming bumababa at nagtutunugan ang mga sanga na naaapakan namin. Hindi naman ganoon ka sakit sa balat ang sikat ng araw kaya hindi ganoon ka init para maglakad.

"At ayoko ring ipilit ang sarili ko."

Tumango ako lalo na't naiintindihan ko naman ang punto niya. I've never been inlove. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon ngunit alam ko ang pakiramdam na parang may kahati ka sa atensyon. Parang hindi mo natatanggap ang gusto mong pagmamahal sa ibang tao. Na sana umayon iyon sa gusto mo ngunit hindi pwede dahil hindi mo naman kontrolado ang pag-iisip at nararamdaman ng iba.

Tahimik na kami hanggang makarating sa ibaba. Pumasok ako sa driver's seat at si Alice naman sa front seat. Hinila ko ang seatbelt habang ganoon din ang ginagawa ni Alice.

Sinimulan kong paandarin ang Wrangler ni Sanders. Kuryoso niya akong tinitingnan.

"Marunong ka?"

I nodded.

"Sumasali ako sa drag race sa Manila. I'm one of the fastest car racer," I chuckled.

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. I started driving. Tumingin ako sa kalsada na hindi ganoon ka traffic. Tumingin din si Alice doon.

"Alam mo ba ang nangyari sa pamilya ni Draven? Malupit ang mga Ferrarin at kawawa lang si Draven kung sakaling naging kayo!"

She really cares for him. Tamad akong sumandal sa nakabukas na bintana gamit ang isang kamay, ang isa naman ay nakahawak sa manibela.

"Hindi naman magiging kami," I chuckled.

Tumingin siya ng maigi sa'kin. Kita ko ang nabubuhay na galit sa palaban niyang tingin. It's like she's willing to hurt me once I hurt his friend, his crush.

"Sasaktan mo lang si Draven kung pinagpatuloy niyo 'to. Kahit alam ko ang rason niya, hindi pa rin ako boto sa'yo."

My my. Girl bestfriend at its finest. Tumango ako.

"Then why don't you claim him?"

Agarang nag-iba ang ekspresyon niya. Itinuon niya ang tingin sa harapan. Nilingon ko siya. Namumula pa rin ang ilong ngunit magulo na ang kanyang buhok. She's actually pretty. I wonder why Draven doesn't like her romantically.

"Kung ayaw mo siyang mapunta sa iba, claim him," sabi ko.

She looked at me intently.

"Hindi nga iyon ganoon ka dali! Kaibigan lang ang tingin niya sa'kin—"

"Then what is it to you if he likes someone else? Kung kontento ka naman pala sa pagiging magkaibigan niyo, ano ngayon sa'yo kung may kahalikan siya?"

"Dahil Ferrarin ka! At... alam ko na malupit kayo!"

"I don't think so. You cried because you're jealous..."

Humingos siyang muli at tumingin sa harap. Dinukot ko ulit ang panyong ibibigay ko dapat sa kanya kanina at inilagay iyon sa kanyang kandungan lalo na't alam kong hindi niya tatanggapin.

"If you're jealous because we kissed then kiss him too," sabi ko.

Mariin niya akong tiningnan. "Wala ka bang pakialam kay Draven?"

Umiling ako at ngumiti. "I'm not into relationships. It's dramatic. Kung iyon ang magpapagaan ng nararamdaman mo then kiss him too. I don't mind."

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Mas lalo lang ata siyang nadismaya sa akin.

"Iwasan mo siya kung wala ka naman palang pakialam sa kanya," she suggested shamelessly.

Nangingiti ko siyang tiningnan. Hindi na makatingin sa akin.

"May kasunduan kami. If you want me to stay away from him then claim him as your boyfriend. That's it."

Namula siya ng kaonti ngunit hindi na umimik pa. Hinaplos ko ang sumabog na ilang hibla ng aking buhok at muling tumingin sa kahabaan ng kalsada.

Inaamin ko na wala lamang sa akin ang halikan namin ni Draven. Wala lang din sa akin kung ano man ang nararamdaman ni Alice kay Draven, o si Draven kay Alice. Nagseselos? Hindi ko rin alam kung aabot ba ako sa ganoon.

Iiyak din ba ako katulad ng reaksyon ni Alice? Ipagdadamot ko rin ba sa iba? Mafu-frustrate kaya ako? May pake? I'm curious.

Tahimik na si Alice. Hindi ata ako nakatulong sa nararamdaman niya. Wala na rin akong magagawa sa bagay na 'yon. She hates me for Draven.

"Dito na," malamig niyang sabi kaya inihinto ko ang Wrangler ni Sanders sa gilid.

Naghubad siya ng seatbelt.

"Bye," sabi ko.

The snob girl just went out without saying a word. Maldita ah? Umangat na lamang ang aking kilay at pinaandar ulit ang sasakyan. Bumusina ako na ikinagulat niya pa at napalingon sa galit na tingin. Umalis din naman ako.

Bigla kong namiss ang mga kaibigan ko sa Manila. Simula noong lumipat kami rito, halos pili nalang ang nakakasundo ko dahil na rin sa dala dalang apelyido. It's like everyone hates us. Mahirap makihalubilo nang walang natatanggap na opinyon dahil lang Ferrarin ako.

Pagbalik ko ay natanaw ko agad si Draven na naghihintay kung saan naka park ang mga kotse bago umakyat sa kinaroroonan ng Falls.

Inihinto ko ang kotse. Umikot siya at nagtungo sa may pinto ng driver's seat. Humilig siya sa gilid at naninimbang agad ang tingin sa akin.

"Ang iyakin ng girl bestfriend mo," I chuckled playfully while removing the strap of the seatbelt.

"I'm sorry. Did she give you a hard time?"

Umiling ako. "Protective sa'yo. If I were her friend I'd probably fall for her. Bakit ayaw mo sa kanya?"

"Kaibigan lang ang tingin ko."

Well, Alice needs to accept that. Kaso hindi ko rin masisisi kung masakit para sa kanya na tanggapin ito. She's always there for him. Hindi naman sa kailangang suklian iyon ni Draven ngunit alam kong hindi madaling lunukin ang ganoong sitwasyon.

"Bakit nandito ka sa ibaba?" tanong ko nang mapagtanto ang bagay na iyon.

"Hinintay kita."

Umangat agad ang aking kilay.

"Bakit? Bitin ka sa halik? Namiss mo agad ako kaya ka bumaba?"

His eyes widened and immediately shook his head. Humalukipkip ako sa upuan at nakangisi na kay Draven na namumula sa aking bintang.

"Gusto lang kitang samahan paakyat..."

"'Yun lang? Tsss. You're lame," saka ko kinalabit ang pinto para buksan iyon.

"Fine lets kiss," hamon niya at hindi ako hinayaang makalabas sa pinto.

His parted lips looked so welcoming. I learned forward so I could kiss him. He sighed breathily when I brushed my lips slowly on his lowerlip.

Umahon ang aking mga mata para tingnan siya at nakangising hinagod ang aking labi para sa tuloy tuloy na halik.

Draven started kissing me back. Malalim ang kanyang paghinga at sa bawat hagod ay ramdam ko iyon. His hot breath tickled my insides. His soft lips pushed my desire to kiss him more.

He put his other hand on the side of my neck. Iginapang ko ang aking kamay sa likod ng kanyang batok at hinagod ng haplos ang kanyang buhok.

Our kisses were slow yet taunting. He doesn't know how to kiss but he's not a bad kisser. At kahit parang walang karanasan, parang hindi iyon hadlang na maging masarap ang bawat hagod ng kanyang labi.

He doesn't need to become expert because his lips are enough for a sweet kiss.

Tumigil ako sa paghalik. Namumungay niya akong tiningnan, nakaparte pa rin ang labi at nakatingin doon, tila ba hinihintay lamang na mahalikang muli.

"Am I your first kiss?" tanong ko.

Tumango siya at parang nahihipnotismo pa, ang tingin ay hindi naalis sa aking labi.

Impatient with my next move, he attacked my lips again and kissed me tenderly. I smiled while he's slowly learning how to make it more sensual.

"Get inside. I want to sit on your lap," bulong ko at kinagat ang pang-ibaba niyang labi.

Tumigil siya sa paghalik. Sinenyasan ko siyang sa likod pumasok. Ang masunuring si Draven ay pumasok sa back seat at isinara iyon.

Umalis ako sa driver's seat at gumapang patungo sa kanyang kandungan. Kita ko kung paano namula ang kanyang tainga at kung paano niya hinawakan ang aking baywang para igiya ako sa pag-upo.

Ipiniko ko lamang sa bawat gilid ang aking magkabilang hita at muli siyang hinalikan ng sunod sunod.

"Do you like Trison?" he whispered in the middle of our heated kisses.

Tumigil ako at kuryoso siyang tiningnan. Nakaparte ang kanyang labi. Namumungay ang mga mata. Magulo ang buhok. At puno ng pagtatanong ang hagod ng kanyang malalim na paninitig sa akin.

"Answer me," namamaos niyang bulong habang pumapalupot sa aking baywang ang kanyang kamay.

"What is it to you, Draven?"

He swallowed.

"Akala ko ba si Kuya? Ba't parang ang dami naman?" reklamo niya, halos umukit ang pagiging dismayado.

Nalaglag ang aking panga at nasundan iyon agad ng hagalpak. He's... jealous? What the hell!

"Oh so you're jealous huh?" I teasingly stuck my tongue out and licked his lowerlip.

Draven sighed and shut his eyes. He looked so weak and helpless.

"Gusto ko lang malaman kung sino ang karibal ko," he admitted sincerely.

Kumunot ang aking noo. Umayos ako ng upo. Dumilat siya at tiningnan akong muli sa malalim na paraan habang nakasandal na ang kanyang ulo sa head rest ng upuan.

"I said I don't do boyfriends. Ayoko sa relasyon kaya wala kang karibal lalo na't wala akong nagugustuhan. Wala akong pauunlakan. At wala kang kahati dahil hindi mo ako pagmamay-ari."

Umahon siya sa pagkakasandal at muling hinagod ng marahan na halik ang aking labi. Saglit lamang iyon. It wasn't sensual at all. It's... sweet.

Pumikit siya at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat habang nakaharap sa aking leeg ang buo niyang mukha. Ang isa niya pang kamay ay nakapalupot na rin sa aking baywang kaya kulong na kulong ako sa kanyang mga bisig.

"Don't you want to try it with me?" ang namamaos niyang tinig ay humahaplos sa aking leeg.

Base sa narinig ko sa pag-uusap nila ni Alice, may plano siya. At sa kinikilos niya ngayon ay mas nakumpirma kong may balak siya. But why do I feel like he likes me? O parte rin ng plano na iyon dapat ang maramdaman ko?

Umiling ako.

"Do you want a rebellious girlfriend, Draven?" halos matawa ako sa bagay na 'yon.

Idiniin niya ang mukha sa gilid ng aking leeg at tumango.

"Gusto ko..."

Continue Reading

You'll Also Like

571K 20.7K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
175K 3.5K 21
Dice and Madisson
1.8K 255 73
Hit With Love (an epistolary) ╰┈➤ LIGHT SERIES #01 written by : cryden straea cover by : MajesticPrincess
16K 1.2K 151
[COMPLETED] ✓ Peacefully studying at 2:18 am, Kc suddenly received a chat from anonymous girl on internet. 𝗔𝗰𝘁𝗶�...