It All Ends Here (The Ravels...

By JosevfTheGreat

103K 2.6K 1.5K

The Ravels Inception #1: Timoteo Timoteo Ezra Del Levar has liked Ferah Manalastas since then. He even befrie... More

Preface
It All Ends Here
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26

Kabanata 7

2.8K 79 115
By JosevfTheGreat

Sana

I groaned a bit as I slowly open my eyes. May maliwanag na sinag ng araw ang tumama sa mga mata ko. Bahagya ko pang hindi mabuksan ang mga 'to.

Pero nang unti-unti ko itong mabuksan ay nasa kwarto ko na pala ako. Wala sina Iñigo.

Napasinghap ako nang naalala ko ang nangyari kagabi. Nawalan pala ako ng malay. Nararamdaman ko na rin ang pagkahilo no'n pero hindi ko akalain na mahihimatay ako.

Iniangat ko ang kamay ko at nakabalot na 'yon ng bandage. Wala na rin akong nararamdamang kirot hindi katulad kagabi na sobrang sakit.

Napakunot ang noo ko at napabangon nang naalala ko sina Ferih at Dorothy. Kumusta sila? Anong nangyari sa kanila? At anong nangyari do'n sa gagong manyak kagabi.

Sandali lang ako nag-CR bago ako nagmamadaling lumabas ng room. Hindi ko alam kung anong oras na at kung ano bang mangyayari ngayon para sa event ng school kaya hindi ko alam kung nasaan sila.

May mga nakikita akong estudyante sa paligid at mukhang wala pa naman silang ginagawa. Baka maaga pa.

Napahinto ako sa tapat ng office ng camp. Sa labas ay may digital clock katabi ng isang bulletin board sa may pader. It's just 8 a.m. Maaga pa nga. Baka nasa canteen sila.

Puno rin ng estudyante sa canteen pero hindi nakatakas sa mga mata ko sina Ferih at Dorothy na kumakain. Maaliwalas naman ang ekspresyon niya. Hindi katulad kagabi na halos mahimatay na rin siya sa sobrang panginginig at takot sa nangyari. That was the first time I saw her trembling so much.

"Ferih?"

Nanlaki agad ang mga mata niya at napatayo. "Timo!" Binalingan niya agad ang kamay ko at walang pasabing kinuha 'yon. "Okay na ba 'yong kamay mo? Masakit pa ba?" Bahagya pa siyang ngumiwi na may halong pag-aalala nang tanungin ako.

Tipid akong ngumiti at tumango. "Okay naman na. Hindi na siya masakit. Kayo? Okay na kayo?" concern ko silang tiningnan parehas.

Magaan na ngumiti si Dorothy. "Oo, Timo. Okay na ako. Salamat dahil dumating ka ro'n. Hindi na rin namin alam ang gagawin ni Ferih. Natatakot lang kami nang sobra."

Napasinghap ako at pinagtagis ang panga ko bago kami naupo ni Ferih.

"Bibili lang sana kami ni Dorothy ng sweets dahil manonood sana kami bago matulog. Na-boring kasi kami sa performance. Tapos bigla kaming hinarang no'ng dalawang lalaking 'yon no'ng babalik na kami sa cottage. . . " Ferih explained.

"So, what happened? Anong na ang nangyari sa kanila ngayon?"

Tipid na ngumiti si Ferih at tumango-tango sa akin. "It's fine. Sinabi namin kay Miss De Castro ang lahat ng ginawa nilang dalawa. Nagsisisigaw kami ni Dorothy kagabi habang umiiyak dahil hindi namin alam 'yung gagawin no'ng nahimatay ka. Mabuti na lang ando'n 'yung guard na nagpa-patrol."

Mahina akong natawa dahil na-imagine ko silang dalawa na kung saan-saan tumatakbo para humanap ng tulong. But I didn't find it funny, really. "Sorry. . . ako na lang sana 'yung inaasahan niyo ako pa 'yung biglang nawalan ng malay."

Umiling agad si Ferih at pinalo ako sa braso. Hindi ko naitago ang ngiti ko nang nakakunot ang noo niya sa akin habang nakasimangot. "Ano ka ba! Para kang tanga. Ikaw pa nag-so-sorry. Wala kang kasalanan."

Natawa si Dorothy. "Oo nga! At saka ang daming nawalang dugo sa 'yo. Tapos pinipilit mo pa kaming i-guide kagabi ni Ferih. Pinapakalma mo pa kami. Ikaw na 'tong napuruhan."

"Siguro nadala lang din ako ng pag-aalala ko sa inyo. Bilang kuya rin ako. Baka natural na siya sa akin. Plus. . . may kaibigan pa akong iyakin." Tiningnan ko si Ferih na tinaasan din agad ako ng kilay.

"Anong iyakin? Umiiyak lang ako kapag natatakot ako." Inirapan niya ako at binalingan ang kinakain niya.

Mahina akong natawa at saglit siyang tinitigan. I'm glad that she didn't counter it—that she is my friend. Knowing her, napapansin niya lahat ng sinasabi ng kausap niya. Pero hindi niya 'yon kinounter.

"Pero. . . anong parusa 'yung gagawin do'n sa dalawang tukmol na 'yon?" Binalingan ko si Dorothy na ngumunguya.

"Galit na galit 'yung mga teacher sa kanila. Pinauwi na sila at pinadala sa principal kasama na rin agad ang parents. Most likely, expelled. Sayang graduating pa naman na. . . " Nagkibit-balikat siya.

"Mabuti kung gano'n. At dapat lang! Dapat 'wag na silang mag-aral. Mamatay na lang sila agad." I clenched my jaw.

Patagong natawa si Ferih pero narinig ko 'yon kaya nilingon ko siya. Tinaasan ko siya ng kilay at sinundot sa tagiliran niya. "Pinagtatawanan mo ba ako?"

Tinaasan niya rin ako ng kilay. "Bakit mo ako hinahawakan? Hindi naman tayo friend." Pinagpag niya pa ang tagiliran niya na parang nadumihan 'yon.

I scoffed loudly. "Wow! Nag-standing ovation ka pa nga no'ng nakita mo ako kanina. Nag-aalala ka pa. Tapos ngayon hindi tayo friend?"

Tiningnan ko si Dorothy na tumatawa. "'Di ba, Dorothy? Itong si Ferih, porket naka-bangs ka ngayon. . . ha?"

"Hoy! Hindi ko 'yan sinasadya. Woke up like this lang." Tinago niya ang pagtawa niya kaya kiniliti ko ulit siya kaya natawa na siya.

Humalakhak ako. "Ikaw ha. . . nag-so-sorry ka nga kagabi sa akin habang umiiyak. Hindi pa kita pinapatawad kaya mag-sorry ka ulit." Ngumisi ako nang nakakaloko.

Kinunotan niya ako ulit ng noo. "Nako! Pasalamat ka niligtas mo kami kagabi. Kundi dadagdagan ko 'yang sugat mo sa kamay. Nang-aasar ka na naman!"

"Aminin! Na-miss mo rin kaya!" nakigatong si Dorothy kaya mas lumawak ang ngiti ko at makahulugan na tiningnan si Ferih na ngayon ay may malaking ngiwi sa mukha. Ready na maging in denial.

"Bakit ko 'yan mami-miss? Puro kalokohan lang naman 'yung mga sinasabi niyan sa akin."

Hindi ko alam kung saan galing sa loob ko 'yung urge pero niyakap ko bigla si Ferih habang nakangiti nang malawak. Sinandal ko pa ang ulo ko sa balikat niya at bahagyang nag-swe-sway.

"Uy! Timoteo!" Pumipiglas siya pero alam kong nagpapanggap lang siyang pinipiglas 'yon.

"Na-miss kita. . ." sabi ko kaya unti-unti na rin niyang tinigilan ang pagpapanggap niyang pagpiglas at mahina na lang na natawa.

"Ayie! Bati na sila! Omg!" Nagtakip pa ng bibig si Dorothy.

Umayos na ako ng upo. Nakaangat ang tingin sa akin ni Ferih. "Pipilitin ko na lang 'yung sarili ko sa isang bagay na hindi ko kaya para lang maging kaibigan mo, Timoteo. Pasalamat ka." Ngumisi siya ng may pagmamayabang.

Malawak pa rin akong nakangiti sa kaniya. "I hope you tell me that someday. Kung bakit gusto mong iwanan na lang 'yung friendship natin kaysa ayusin. 'Yung totoong dahilan mo kung bakit hindi mo ako kayang suportahan kay Ferah."

Tumango siya. "Oo, sasabihin ko rin sa 'yo. Hindi ko lang alam kung kailan pero. . . sasabihin ko. I owe you that. Pag-ready na ako."

"Kahit kailan! Basta ang mahalaga ngayon ay bati na tayo. Hindi ko na 'yon uulitin. At sana ikaw rin 'wag mo na rin 'yon uulitin. Alam kong ginagantihan mo lang ako sa pang-aasar ko sa 'yo pero 'yung mga limitations dapat alam natin." Ginulo ko ang buhok niya.

"Oo na. Sorry na rin do'n. Nang-aasar lang din talaga ako no'n. At hindi namin kayo sinusundan. Ano kayo hello? Artista lang? Sino ba kayo? Mga tumatae din naman kayo kagaya namin." Ang maamo niyang boses ay naging mapang-asar bigla kaya nagtawanan kami.

Ang mabigat kong dibdib kahapon ay napalitan ng sobrang gaan na pakiramdam. Hindi ko alam kung anong saya 'yung nakabalot sa akin ngayon. Maybe, I just don't want to lose her as my friend. Ayaw kong mawala 'yon. I want to remain as we are as I pursue Ferah. That's for the better.

"Sayang lang 'yung pagda-drama ko kahapon. Sobrang bigat ng dibdib ko dahil sa sinabi mo sa kusina. . ." I slightly pouted.

She giggled. "Sorry na! E kasi buo talaga 'yung loob ko no'n na i-cut ka na lang sa buhay ko. Kahit na anong sorry mo pa o kahit ilang beses pa tayo mag-usap. Pero kagabi, hindi ko kayang hindi ka pansinin after no'ng nangyari. Naisip ko na hindi ko kayang hindi ka maging kaibigan dahil masyado mo akong tini-treasure. I don't want to take you for granted." Mapait siyang ngumiti at saka sila nagkatinginan ni Dorothy.

When their eyes met, it felt more than just plain eye contact. Parang may ibig sabihin 'yung sinabi ni Ferih. Pero hihintayin ko na lang kung kailan niya 'yon sasabihin sa akin. Whenever she's ready.

"I'm glad that you consider our friendship." Magaan akong ngumiti sa kaniya.

Ginantihan niya ang magaan kong ngiti. "You're always worth considering, Timoteo. And I'm glad that I know you, and that you're my friend."

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa boses at sinabi ni Ferih. It felt so pure. It felt like the clouds were brought down so I could touch it.

"I love you," I said out of the blue.

Her eyes were gradually gone bigger. "Ha?"

I chuckled. "Sabi ko, love kita." Hindi natanggal ang ngiti kong magaan habang nakatitig sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin habang nakakunot ang noo. "Yuck. Hindi bagay sa 'yo nagsasabi niyan. Parang hindi totoo." Nanginig pa siya nang kaonti dahil sa pandidiri.

I scoffed. "Grabe ka naman, Ferih. Kapag ikaw nagsasabi ng sweet na mga salita okay lang?"

Nagtawanan sila ni Dorothy kaya kinunotan ko rin siya ng noo. "Ikaw rin, Dora?" Nakangiwi ako sa kaniya.

"Hoy! Anong Dora?! Kapal mo naman, Timoteo Ezburat!" singhal niya sa akin kaya mas naghigikhikan sila ni Ferih.

Natawa na rin ako at napailing.

"So, pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa inyo kagabi. . . ganito ang isusukli niyo sa akin. Okay lang, hindi naman masakit." Humawak pa ako sa dibdib ko at nagpanggap na nagtatampo.

"Hindi talaga bagay sa 'yo, Timo. Tigil mo na. Kaya good luck kay Ferah na nililigawan mo. Parang ako 'yung nandidiri kapag babanat ka." Tumatango-tango si Ferih sa akin at tinatapik-tapik ang likuran ko na para bang tanggapin ko na lang na wala na akong pag-asa.

"Pati 'yang kunwari nagpapanggap kang nasasaktan. Hindi rin bagay. Kay Iñigo lang siya bagay. Stop please. Thanks." She made a sassy hand gesture.

"Na-miss niyo lang ako, e. Kunwari pa kayo. Oo na, sige na, se-send-an ko na kayo ng picture ko mamaya bago kayo matulog para naman maging maganda ang tulog niyo." Humalakhak ako.

Sabay silang ngumiwi sa akin at saka umiling-iling. "Buti na lang naka-block ka sa akin," bulong ni Ferih. At may binulong-bulong pa siya pero hindi ko na narinig.

Kahit pinagkakaisahan nila ako. Natutuwa pa rin ako na okay na kami Ferih. Marami man siyang tinatago pa muna sa akin, naniniwala akong sasabihin niya rin 'yon sa akin balang araw. Ang mahalaga ro'n ay nagkaayos na kami.

Our misunderstanding made our friendship more stable. It revealed our flaws. It made us humans. We made mistakes and it led us to the lessons we have to learn.

Kung na-realize ni Ferih na hindi niya kayang hindi ako maging kaibigan, mas na-realize ko naman lalo sa sarili ko na love na love ko siya. Na kahit ilang beses pa siyang lumayo sa akin ay palagi ko pa rin siyang hahabulin.

Ang hirap mawalan ng isang mabuting kaibigan. I'll keep them both forever. Kasama na sina Iñigo kahit na puro mga kalokohan lang ang alam at kabaliwan.

The rest of the days were spent well. Naging mas masaya 'yung nagdaang araw dahil wala na akong iniisip na bigat. Nagkaayos na kami ni Ferih. Mas nag-enjoy ako sa bawat araw ng camp kasama sila. May times na abala ako kay Ferah pero may times din na pinagtutuunan ko rin ng pansin sina Ferih pati na rin sina Iñigo.

Sinigurado kong nabibigyan ko sila ng time lahat. Hindi ko 'to ginagawa dahil lang gusto kong bumawi kay Ferih. Ginagawa ko 'to dahil mas na-realize ko 'yung halaga nilang lahat sa akin. Hindi rin siya nakaka-pressure dahil kusa ko 'tong ginagawa at ayaw kong mawala sila sa buhay ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Ferih. That made me see them more—my friends. How they considered me from the beginning until now. Somehow, iniisip ko kung naging considerate din kaya ako sa kanila? Kung naging makasarili rin kaya ako at hindi lang nila sinasabi at hindi ko rin namamalayan.

Kaya gusto kong bumawi sa kanilang lahat—to appreciate them more than before. Baka masyado akong busy sa sarili kong pace, at nakalimutan ko na na baka naapakan ko na ang mga kaibigan ko. Nakakalungkot lang din sa part nila if ever. At mas lalong malungkot ang balik no'n sa akin.

Pero kahit nagkaayos na kami ni Ferih, may malaking pader pa rin sa kanila ni Ferah at hindi ko na 'yon pinakialaman. Hindi ko alam kung anong mayroon talaga sa kanila. Sila lang ang nakakaalam no'n at kung hindi sila handa sabihin 'yon sa akin, ay wala na ako ro'n. I shouldn't step on their lines.

Ang mahalaga ay may na-realize ako at gusto kong bumawi sa kanilang lahat. Para habang nililigawan ko si Ferah—ay hindi ko sila nakakalimutan. Hindi ko naiaalis sa isip ko 'yung presence nila. Kasi kahit naman ako 'yon malulungkot din ako kapag ginawa sa akin 'yon.

Na magiging takbuhan lang ako kapag may problema. At magiging present lang sila kapag gusto nila. Sakit kaya no'n. . . kapag tini-take for granted ka lang. Andiyan lang kapag feel lang nila. Pero iba talaga 'yung gusto nilang makasama.

Hanggang sa natapos na ang camp at dumating na ang exam week. Nabitin ako, sa totoo lang. Parang nakulangan ako sa araw na nakasama ko sila. Kasi sa pagkakataon na 'yon—mas na-appreciate ko sila lalo. Mas nakita ko 'yung halaga nila sa buhay ko. At kung gaano nila rin ako pinapahalagahan.

"Kuya, permanent na ba daw 'yang camp?" Ngumuso sa akin si Karia habang kumakain ng jelly beans.

Nagkibit-balikat ako habang ang mga mata ko ay nasa phone ko pa rin. Ka-chat ko kasi si Ferih. Sabay-sabay kaming papasok sa school nina Dorothy kasama si Ferah.

Ferih: Sige ha, wait ka namin sa tulay. Bilisan mo at mainit.

Timoteo: HAHAHA oo, wait lang. Nag-aalmusal lang ako tapos mag-tooth brush tapos aalis na ako. Handa na ba kayo?

Ferih: Hindi pa naman. Kain ka lang dyan. Sabihan kita pag paalis na kami. O kachat mo naman si Ferah ata? Pero basta sabihan din kita.

Timoteo: Di pa nga nagrereply. Ano bang ginagawa?

Ferih: Nagluluto ng ulam namin nina Francisco. Nasa work kasi si Papa tapos si Mama namalengke.

Timoteo: Ah okay. Akala ko naliligo siya.

Ferih: Ako ang maliligo na. Bye muna.

"Kanina pa kita tinatanong, Kuya." Napatingin ako kay Karia nang nagsalita ulit siya kaya ibinaba ko na ang phone ko at tinaasan siya ng kilay.

Inalala ko ang tanong niya kanina bago nagsalita, "Ah. . . 'yung sa camp? Hmm, hindi ko alam. Depende sa club. Pero baka naman magkaroon din kapag Grade 10 ka na."

"Kaso ang creepy no'ng nakwento mo about diyan sa kamay mo. Nakakatakot talaga 'yung ibang lalaki. . . or should I say na nakakatakot talaga lahat." Nanginig pa siya na parang nangingilabot habang ngumunguya.

Napatingin ako kay Daddy nang nagsalita siya mula sa harapan ko, "Okay na ba 'yang kamay mo?"

Tumango ako. "Okay naman na po, 'Dy. Wala na rin naman pong sakit. Nililinis ko lang din po at medyo humihilom na rin siya."

Napailing-iling siya. "Anong nangyari do'n sa gumawa niyan?" May kung anong galit sa boses niya.

"Expelled na po. Tinanong po ako kung ipo-proceed ko ba daw siya sa legal counsel at humindi na po ako. Hinayaan ko na lang siyang ma-expel. Nakakaawa rin siya kahit papaano. Baka may pinagdadaanan din."

Nanatiling seryoso si Daddy habang nakatitig sa akin. Suminghap siya. Nakaramdam ako ng kung anong kaba pero mukhang hindi naman siya mag-di-disagree sa sinabi ko.

"That's good. Dapat lang na mag-isip-isip siya. Pagnilayan niya 'yung buhay niya habang bata pa siya. Pagalingin niya 'yung sarili niya sa mga naging trauma niya kaya niya 'yon nagawa." He sounded so serious and somehow. . . emotional.

"Sa tingin ko rin po sa family niya kaya siya naging gano'n. O baka na-expose siya sa mga bagay na hindi pa niya dapat nalalaman. . ." I sighed. I'm trying to read Daddy's expression and he's getting too attached on it.

Natahimik siya at naligaw ang mga mata sa kawalan bago binasa niya ang ibaba niyang labi at saka bumuntonghininga. What's wrong? Bakit parang naging problemado siya dahil do'n sa sinabi niya?

"'Dy, okay ka lang? Para ka pong nasasaktan sa iniisip mo. . ." I sounded really concerned.

Bumilis ang kurap niya at napabaling sa akin. Ngumit din siya bago tumango. "Oo, may naalala lang. Anyway, exam niyo ngayon, 'di ba?"

"Opo."

Tumango lang siya ulit at ngumiti bago binalingan ang pagkain niya. It left me quite an impression. Parang may iniisip si Daddy na mabigat at hindi niya 'yon masabi. It felt like he's carrying it for some time, and somehow it pains him to carry it but he can't do anything about it—because he was obliged to carry it.

Makes me wonder. . . he never opened anything about himself to us. Mula noon, palaging okay si Daddy sa mga mata ko. Never siyang naging mahina sa harap namin ni Karia. He always portrays the role of a father. Somehow, it worries me. It worries me that I'm just sitting right in front of him without knowing what's inside his head.

Pagkatapos kong mag-toothbrush ay nag-chat ako kay Ferih na papunta na ako. Hindi pa rin nag-reply si Ferah dahil baka mamaya ay tuloy-tuloy na rin ang pagkilos niya at hindi na rin nakahawak ng phone.

Nakakunot ang noo ni Ferih habang naglalakad siya papunta sa akin. Nakangiti kasi ako sa hindi ko malamang dahilan. Siguro. . . masaya lang ako. Sa likuran niya ay si Ferah na inaayos pa ang sapatos bago tuluyang naglakad sa gawi namin.

"Si Dorothy daw?" bungad ko kay Ferih na chineck din agad ang phone niya.

Nginitian ko naman si Ferah na kakalapit lang sa tabi ko. Kinurot niya ang braso ko at mahinang natawa. "Bakit?" tanong ko agad habang hinihipo 'yung kinurot niya at bahagyang nakangiwi.

Umiling siya. "Wala lang. 'Yon ang pagbati ko sa 'yo. . ." Mas natawa siya kaya sinundot ko ang tagiliran niya bilang ganti.

Napunta ang mga mata ko sa kapatid nilang si Francisco na naka-uniform na rin pero mukhang mamaya pa ata papasok. Hindi ko rin siya madalas nakikita sa school kaya hindi ko rin siya nakakausap.

"Ano bang sched ng kapatid mo? Bakit hindi siya sumasabay sa atin?" tanong ko kay Ferah.

Ngumuso siya. "Mamaya pa siya onti. At saka ayaw niya pumasok nang mas maaga. Boring daw."

Tahimik lang kami habang naglalakad. Wala rin naman kaming sasabihin. Hanggang sa makarating kami kay Dorothy na nasa tulay na. At saka lang nagkaroon ng ingay pero nawala ulit nang sumakay na kami sa tricycle.

"Himala. . . nag-tricycle tayo?" puna ni Dorothy pagkababa namin sa school.

Mahina akong natawa. "Hindi ko alam. Bigla kayong nagtawag ng tricycle, e."

"Tinatamad kasi ako maglakad," tawa ni Ferih.

"Ngayon na ba daw 'yung exam?" kinakabahan na tanong ni Dorothy habang naglalakad kami.

"Hindi pa. Bukas pa. Kaya makakapag-review pa tayo ngayon para sa lahat ng subject." Si Ferih.

Nag-aral naman na kami ni Ferah no'ng weekends. Pero mas makakatulong din ang gagawing review ngayon. Ang hindi ko lang sure kung nag-aral ba sina Ferih.

"Nag-aral na ba kayo no'ng weekends?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Tumango si Dorothy at pinitik ang buhok niya. "Of course! Kaso hindi kami by partner nag-review. Iba kasi ata set up mo."

Nagkatinginan sila bigla ni Ferih kaya bahagyang pumirmi ang mapang-asar niyang mukha, at saka nag-angat ng tingin sa akin si Ferih sa hindi mabasang ekspresyon.

"Baka mamaya kapag naging kayo na ni Ferah, hindi mo na kayanin kumain mag-isa at mag-aral mag-isa?" Sumimangot siya at parang gustong makidagdag sa pang-aasar ni Dorothy.

Humalakhak ako. "Ah, talaga ba? Kaya pala palagi mo rin ako inaaya mag-aral?" I raised my brows while smiling meaningfully.

Tumikom ang bibig niya at saka ako inirapan. Ngayon nga lang ay hindi niya ako maaya dahil nauuna akong ayain ni Ferah. At kung gusto niya ng kasama ay nandiyan naman si Dorothy. Unless. . . gusto niya pa ng ibang kasama?

Saktong iniisip ko 'yon ay napadpad ang mga mata ko sa naglalakad papunta sa amin. Sina Iñigo. Biglang may nangusap sa akin. . .

Nakaupo nina Enzo sa paborito naming tambayan. Naghiwa-hiwalay na muna kami nina Ferah dahil pupunta rin siya sa mga kaibigan niya.

"Gago, pre! Hindi ko talaga maintindihan 'yung sa Math. Paano ba kasi 'yung formula? Sinusundan ko naman. Baka mali 'yung formula ni Ma'am?" reklamo ni Nestor habang nakatutok sa notebook niya.

Humalakhak kami nina Iñigo. "Sinisi mo pa si Ma'am. Baka mali-mali 'yang ginagawa mo. Zero ka na sa exam, pre. 'Wag ka mag-alala, pupunta na lang kami sa moving up mo next year," sabi ni Iñigo.

Nagtaas ng mga kilay si Nestor at handa ng gumanti. "At least ako. . . may progress sa crush ko. Ikaw? Musta kayo ni Ferih? Okay lang 'yan, invited ka sa kasal namin ni Zyra."

Nananahimik lang kami ni Enzo at nakikitawa sa asaran nitong dalawa naming kaibigan na halatang hindi nag-aral no'ng weekends. Malamang ay dumayo lang 'to si Iñigo ng basketball o hindi kaya ay volleyball at itong si Nestor ay naglaro lang ng games.

Pumalatak si Iñigo at binalingan akong bahagyang nakasimangot. Nag-angat ako ng mga kilay habang nakahalukipkip dahil mukhang lilipat naman sa akin ang topic.

"Pre, 'di ba mahal mo ako? Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako tulungan kay Ferih? Kinalimutan mo na ba lahat ng pinagsamahan natin, ha, Timoteo?" Pinatunog niya pa 'yon na parang nasasaktan nang sobra habang natatawa.

Humalakhak sina Nestor.

Napasinghap ako at bigla kong naalala ang naisip ko kanina. Paano kung tulungan ko na nga 'tong si Iñigo kay Ferih? At least kahit papaano ay hindi na ako mag-aalala para kay Ferih dahil mabuting lalaki naman 'tong si Iñigo. Baka naghihintay lang din kasi siya ng maayos na lalaki.

Hindi na rin naman gusto ni Dorothy si Iñigo. Dahil no'ng tinanong ko siya last time sa camp ay naging gusto niya daw si Iñigo pero iba na ang crush niya ngayon. Kaya rin pala hindi na rin sila gumagawa ng paraan ni Ferih para masilayan 'tong kupal kong kaibigan.

"Sige, pre. Ilalakad kita kay Ferih."

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya. "Seryoso na ba 'yan, pre? Kapag 'yan! Taena ka. Kapag 'yan joke-joke lang, iki-kiss mo pwet ko."

Humalakhak ako. "Gago. Oo nga. Ilalakad na kita. Naisip ko kasi na hindi ka naman na masama para kay Ferih. At para na rin hindi ako masyado hanapin ni Ferih. Hindi na rin niya maalala 'yong misunderstanding namin no'ng last time about sa time. Para hindi na rin niya mapapansin masyado na wala ako sa tabi niya 'pag na kay Ferah ako."

"So, gusto mo akong maging substitute mo? Gusto mong i-take over ko na ang gawain mo bilang best friend niya?" Nakangiwi siya.

Nagsitawanan kami nina Nestor dahil sa reaction ni Iñigo. Pero hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin.

"Napakagago mo talaga, Timo!" singhal niya sa akin pero niyakap ko agad siya habang humahalakhak. Tinataboy niya pa ako.

"Hindi kasi gano'n!"

Umayos na ako ng upo. Nakakunot ang noo niya sa akin.

"Ang ibig kong sabihin. . . mas maganda siguro kung magkaka-boyfriend na rin si Ferih. Wala ako sa posisyon para magdesisyon para sa kaniya pero. . . naisip ko na makakatulong ako sa kaniya at makakatulong din ako sa 'yo. Pero kung ni-reject ka niya ay wala na akong palag do'n."

"Ah, so parang gusto mong ilakad si Iñigo kay Ferih para hindi ka na masyado hanapin ni Ferih? Para kapag busy ka kay Ferah at wala si Dorothy ay hindi niya mafe-feel na mag-isa siya kasi palaging nakadikit sa kaniya 'tong si Iñigo? Gano'n ba?" singit ni Enzo.

Tumango ako. "Oo, kumbaga. . . hindi na ako mag-aalala na uuwi mag-isa si Ferih o uuwi sila ni Dorothy na sila lang. Syempre, malay mo mag-stay pa kami ni Ferah sa school o may puntahan kami after school. At least, sure ako na makakauwi din siya nang ligtas."

Humalakhak si Nestor. "Gusto mong palitan ni Iñigo 'yung presence mo kay Ferih?" Nakataas pa ang mga kilay niya habang pinapaikot ang ballpen gamit ang mga daliri niya.

"Oo, parang gano'n. Pero hindi completely. Kasi best friend ko pa rin si Ferih at magkakaroon pa rin ako ng time kasama sila ni Dorothy. Gusto ko lang na hindi siya mag-longing sa akin kapag busy ako kay Ferah at hindi niya ma-feel na wala ako sa tabi niya."

"Gusto ko 'yon dahilan mo, pre. Pero parang ang sakit naman niyan. Magiging substitute mo lang ako. . ." Seryoso si Iñigo.

Umiling ako. "Hindi nga, pre. Ikaw, may intention kang maging boyfriend ni Ferih at ako ay wala. Ginagawa ko lang 'yung mga 'yon dahil kaibigan ko siya at gusto ko rin na ligtas siya. Tingnan mo na rin 'to bilang isang chance. Na sa susunod ay ikaw na lang ang gagawa lahat no'ng mga ginagawa ko dahil boyfriend ka na niya. Hindi 'yon sa parang papalitan mo ako bilang kaibigan niya o magiging ikaw ang nandiyan kapag wala ako."

Natahimik si Iñigo at napasinghap. "Gets ko na. Ang point mo ay gusto mo akong maging boyfriend ni Ferih para hindi ka na mag-aalala sa kaniya once na na-feel niyang wala ka?"

"Oo, pero hindi naman ibig sabihin no'n na titingnan ka lang ni Ferih bilang kapalit ng presence ko. Kaya 'wag mo isipin na magiging substitute kita. Dahil ang gusto ko ikaw na ang makikita ni Ferih at hindi na ako. Hindi mo pa rin ba gets, pre?" Mahina na akong natawa dahil seryoso pa rin siya. Natakot ako na baka ma-misunderstood niya 'yung sinabi ko.

Ang gusto ko lang naman ay magkaroon na rin ng boyfriend o romantic relationship si Ferih kagaya ko. Para hindi na niya masyado hinahanap sa akin 'yung pagiging lalaking kaibigan niya.

At hindi na niya mafe-feel na wala ako palagi dahil andiyan naman si Iñigo. Hindi na niya maiisip na tini-take for granted ko siya o wala na akong time sa kaniya dahil abala na rin siya kay Iñigo kagaya ko na abala rin kay Ferah. Gusto ko lang tumulong na tanggalin sa isip niya 'yung ino-overthink niya.

Naisip ko na makakatulong ako sa kanilang dalawa. At baka maging chance na rin 'to para kay Ferih na magkaroon na rin nga ng kausap.

Isa pa ay hindi na rin talaga ako mag-aalala na mangyayari ulit 'yung na-corner siya sa playground noon at 'yung nangyari din sa camp. Kasi hindi ko maiiwasan na hindi masyado magtuon kay Ferah dahil nililigawan ko siya at ayaw kong ma-feel ulit 'yon ni Ferih.

Mag-se-spend pa rin naman ako ng time sa kanila, pero at least sa paraan na 'to ay magiging abala na rin si Ferih kay Iñigo. Hindi na niya mapapansin masyado na wala ako at hindi na siya mag-o-overthink.

Mahinang natawa si Iñigo. "Oo, gets ko naman. Naisip ko lang no'ng una na magiging substitute mo ako."

"Gagi, hindi! Ang ibig sabihin kasi ni Timoteo ay gagawin mo 'yung mga ginagawa niya pero hindi bilang kaibigan, kundi bilang manliligaw o boyfriend ni Ferih. Kaya paanong magiging substitute ka!" gatong ni Nestor kaya nagtawanan na rin kami agad.

"Oo, pre. 'Yon nga ang ibig kong sabihin. In-explain ko lang nang mas malawak para maintindihan mo kung bakit kita ilalakad kay Ferih." Natatawa rin ako.

Umiiling-iling pa si Iñigo at mahinang natatawa. "Tangina niyo. Pinagtatawanan niyo pa ako. Ang sakit kaya no'n! Ayaw ko naman maging kapalit lang ni Timoteo. Tapos pag andiyan na si Timoteo, biglang wala na ako."

"Hindi nga, pre! Kulit mo!" singhal ni Enzo kaya mas humalakhak kami dahil bihira lang makigatong si Enzo sa ganitong usapan.

Napahawak na ako sa tiyan ko sa sobrang tawa. Natatawa kasi ako sa reaction ni Iñigo. Para siyang luging-lugi kahit wala pa naman nangyayari.

"Hindi kita sasapawan, baliw! Hahayaan kitang gawin 'yong mga bagay na 'yon bilang boyfriend o manliligaw ni Ferih. Ako ang magiging substitute mo dahil kaibigan lang ako ni Ferih. Kapag wala ka ay ako ang gagawa no'n. Mas gets mo na?" sabi ko at natatawa pa rin.

Tumango na si Iñigo habang bahagyang nakasimangot dahil pinagkakaisahan namin siya.

"Oo na! Gets ko na. Kapag ako naging busy na rin kay Ferih, mami-miss niyo kagwapuhan ko dito."

"Mas maganda nga 'yon, pre, ang sakit mo sa mata e." Nakangiwi si Nestor.

Tinaasan ni Iñigo si Nestor ng gitna niyang daliri. "Motherfucking bullshit ka, Nestor."

"Pero paano kung ni-reject nga ni Ferih si Iñigo?" napatingin kaming tatlo kay Enzo.

Bahagya akong napanguso't napasinghap. "E 'di ouch pain. . ." sabi ko at humalakhak bago inakbayan si Iñigo habang tumatawa.

"Kapag naging girlfriend ko si Ferih, Enzo, akin na lang 'yung sapatos mong bago?" hamon ni Iñigo.

"Ulul! Kahit naman um-oo ako ay hindi ka sasagutin ni Ferih."

Humalakhak kami ni Nestor dahil minsan lang makipag-asaran si Enzo.

"Tama na! Baka mamaya sumasama na loob ni Iñigo sa atin," sabi ni Nestor.

Humawak si Iñigo sa dibdib niya. "Sakit niyo naman. Ayaw niyo man lang ako suportahan. Samantalang kayo suportado kayo kay Timoteo kay Ferah. Oras na siguro para mag-separate na tayo ng mga daan."

Umusog si Nestor kay Iñigo at saka siya nakisali sa pag-akbay kagaya ko. "Suportado ka namin, pre. Kaso do'n tayo sa totoo na hindi ka talaga sasagutin ni Ferih."

Nabatukan ko nga si Nestor at napahalakhak. Akala ko seryoso na!

"Gago ka talaga, Nestor. Encourage naman natin 'tong tropa natin. Kanina pa natin pinagkakaisahan. . ." sabi ko at tinapik-tapik pa si Iñigo sa balikat.

"De joke lang, pre!" Sumeryoso na ang boses ni Nestor at mahinang hinampas si Iñigo sa hita. "Syempre naman, kaya ka nga ilalakad ni Timoteo para i-take 'yung chance mo kay Ferih."

"Oo, pre. Naniniwala naman ako na hindi mahihirapan si Ferih na magustuhan ka. Dahil mabuti kang kaibigan sa amin, ano pa na hindi ka magiging mabuting boyfriend kay Ferih." Nagtaas ako ng kilay sa kaniya.

Seryoso lang si Iñigo habang nakatingin sa akin. Taena, mukhang na-discourage namin siya, ah. Na-guilty tuloy ako. Pakingshet.

"Kapag hindi ka sinagot—e 'di uminom! Iinom natin 'yan." Nakisali na rin si Enzo.

Mahinang natawa si Iñigo. "Tangina niyo. Hindi ko alam kung totoo 'yang mga sinasabi niyo o pinagtitripan niyo na naman ako."

Natawa na rin kami. "Hindi, pre. Seryoso na," sabi ko.

Suminghap si Iñigo. "Iniisip ko lang din kung paano ko siya liligawan. Baka mamaya hindi nga niya ako magustuhan. Baka pumalpak ako."

"Andiyan naman si Timoteo! Ang dami niyang alam kay Ferih."

"Oo, 'tol! Ako bahala sa mga gano'n."

Kinunotan ako ng noo ni Iñigo. "Paano kung ayaw ni Ferih mag-boyfriend pa?"

Nanliit ang mga mata ko. "Ita-try mo nga! Gusto mo siya e, 'di ba? Kaya ka manliligaw. At kung willing ka maghintay kung kailan na siya ready, e 'di hintayin mo! Gano'n 'yon, pre. 'Wag ka matakot mag-risk."

Tumango-tango siya. "Sabagay. Tangina niyo kasi. Pinag-overthink niyo ako. Parang ang saya na nga, e. Ilalakad na ako ni Timoteo tapos biglang!" Natawa siya.

Nakitawa na rin kami. "Joke lang 'yon, pre. Alam mo namang mahal na mahal ka namin." Hinipo pa ni Nestor ang hita ni Iñigo habang nakangiti na parang nang-aakit.

Gumanti rin si Iñigo nang gano'ng ngiti. "Gano'n ba, pre? Saglit tayo mamaya sa CR, ha? Mabilisan lang."

"Pre. . ." may pang-aakit pa lalo ang boses ni Nestor.

"Pre . . ." at gano'n din ang ginawa ni Iñigo.

Humiwalay na ako sa kanila dahil baka ako na ang sunod nilang hipuan. Nabubuang na sila ulit bigla, e.

Babalik na sana sina Enzo at Nestor pag-aaral kaso bigla ulit akong nagsalita, "Iñigo, ayain mo si Ferih mag-aral. Para naman mag-aral ka at hindi ka puro dayo."

Napakunot ang noo niya at saka ako tinuro. "Galing mo talaga, pre! Gusto mo bang sumaglit din mamaya sa CR?" Tumango-tango pa siya bilang pag-aaya.

Humalakhak ako. "Gago."

"Pero, oo. Gagawin ko 'yan. Para ma-inspire din siguro ako mag-aral. Magpapaturo ako sa kaniya. Feeling ko matututo ako. Nakaka-boring kasi magturo 'yung mga teacher natin."

Nag-aral lang ulit kami ro'n saglit dahil ilang oras na lang ay papasok na rin kami sa room. Although, nag-phone lang naman si Iñigo at si Nestor ay sinukuan na 'yung formula na kanina pa namin in-explain sa kaniya ni Enzo. Pero hindi niya pa rin ma-gets.

Tulad ng pinayo ko kay Iñigo ay inabangan niya si Ferih sa classroom namin para ayain na sabay mag-lunch at magpapaturo na rin daw dahil exam nga bukas. No'ng una ay ayaw pa ni Ferih pero pumayag na rin siya dahil kinuntyaba ko na rin si Dorothy. Since gano'n talaga sa una na naghe-hesitate pa pero kalaunan ay magiging okay na rin ang flow niyan.

Sa sumunod na araw ay gano'n ulit ang ginawa ni Iñigo. Nakapag-usap na rin daw sila sa Facebook no'ng gabi kaya hindi na siya nahiya gaano. Pumayag naman din si Ferih kaya natutuwa rin ako lalo. Kasi naging effective 'yung naging idea ko bilang pagtulong sa kaniya at kay Iñigo.

Si Dorothy ang nag-re-report sa akin na going good naman daw dahil mas nagkukwento sa kaniya si Ferih. Kinukumusta ko rin pero tipid lang ang sagot ni Ferih sa akin pero hindi naman cold. Naiinis lang daw siya sa akin na bakit ko ba raw kasi nilalakad si Iñigo sa kaniya pero at the same time ay sinasabi niya na okay naman daw ang kaibigan ko. Mabait at magaan kausap.

Syempre, mas dinadagdagan ko ang chance na magustuhan niya na rin si Iñigo. Kaya kung binida ko nang todo si Iñigo sa kaniya. Sinabi ko lahat sa kaniya kung anong klaseng kaibigan siya sa amin. Sumasang-ayon naman siya.

Nakikita rin naman daw niya 'yon kay Iñigo kahit hindi pa naman sila gano'n katagal nag-uusap.

Natuwa ako sa mga response niya at natuwa rin ako para kay Iñigo. Kinikwento ko rin kay Ferah. Masaya din naman siya pero minsan ay hindi ko na pinapahaba ang kwentuhan namin do'n dahil na-o-off ata siya kapag sinasabi ko 'yon.

Kung gaano naman kaganda ang progress ni Iñigo at ni Ferih ay gano'n din ang progress namin ni Ferah. Mas nagiging comfortable na siya sa akin. Madalas kaming nagvi-video call nang matagal. Nanonood din kami dito sa bahay kaya naipakilala ko na rin siya kina Daddy. Nagde-date rin kami kapag may free time at hindi abala sa school. Nakapag-dinner na rin kami sa bahay nila at na-introduce ko na ang sarili ko kay Tita bilang manliligaw ni Ferah.

Masaya dahil mula sa naging misunderstanding namin ni Ferih ay naging ganito ang aftermath no'n. Mas nagkaroon kami ng progress ni Ferah. Nagkaroon ng chance si Iñigo kay Ferih. At nakakatuwa na mukhang tina-try na rin niya mag-entertain ng lalaki unlike before. Ang mas maganda pa ro'n ay mas naging okay rin ang samahan namin nina Ferih.

Hanggang sa natapos na ang exam week. Back to try outs kami nina Iñigo. Nakakatawa dahil hindi na lang din pumupunta ro'n si Ferih dahil sa akin—dahil ini-invite na rin siya ni Iñigo.

"Mukhang gaganahan ang tropa natin ngayon, ah?" sabi ko kay Enzo at sabay kaming tumingin kay Iñigo na nakangisi rin habang nag-ste-stretching.

Humalahak siya. "Naman! Andito si Ferih, e." Sumulyap pa siya sa gawi nina Ferih kaya napatingin kami ni Enzo.

Tahimik lang silang nanonood nina Ferah kasama si Dorothy. Pero medyo malayo nang onti si Ferah sa kanila.

Biglang nangunot ang noo ni Ferih sa amin bago umirap kaya mahina kaming natawa nina Iñigo.

"Ang ganda, 'no? Kahit nagsusungit." Ngumiti si Iñigo na parang kinikilig.

Binatukan nga ni Enzo. "Amoy nakangiti habang nagsasandok ng kanin, ah?"

Humalakhak ako. "Pabayaan mo na."

"Hindi ka maka-relate dahil wala kang crush," sabi ni Iñigo.

Pumalatak si Enzo. "Ang boring magka-crush. Nakakatamad din magkwento ng buhay. Tapos pag naghiwalay kayo, uulit na naman pagkwento mo sa kasunod. Nakakatamad."

"Ay, pre. . . inaya pala ako ni Ferih pati ni Dorothy na kumain after ng try outs," sabi ko kay Iñigo.

Tumango siya. "Sige, okay lang. Uuwi na rin ako agad. May pinapaasikaso rin sa akin si Papa. Kaso paano si Ferah? Ihahatid mo muna pauwi?"

Gano'n na lang nga. Ihahatid ko na lang muna si Ferah tapos paunahin ko na sina Dorothy sa Siete Parke. Susunod na lang ako.

Pagkatapos ng game ay nagkukwentuhan pa kami sa mga naging eksena at galawan sa court kanina nina Iñigo habang naglalakad kami papunta sa gawi nina Ferih.

"May lakad kayo nina Timoteo?" bungad ni Iñigo kay Ferih.

Nasa harap ko si Ferah at tinanggap ko ang inabot niyang towel sa akin habang nakikinig ako kina Iñigo.

Tumango si Ferih at ngumiti kay Iñigo. "Oo, meron. Inggit ka ba?" Humalakhak siya, "Next time, labas din tayo nina Dorothy."

"Bakit kasama si Dorothy?" pabirong tanong ni Iñigo.

"Gusto ko lang. Any objections?" Tinaasan niya pa ng kilay at masungit pa ang boses niya pero halatang nagbibiro lang naman siya.

Mahina akong natawa. Mukhang hindi makaka-ariba 'tong kaibigan ko kay Ferih. Nangangamoy under.

"Timoteo, tara na! Maraming baon na chika 'tong si Dorothy!" sabi ni Ferih kaya tumango ako habang natatawa.

"May lakad kayo nina Ferih?" Napabaling ako bigla kay Ferah.

Ngumiti ako sa kaniya at saka tumango. "Oo, pero ihahatid na muna kita. Tapos susunod na lang ako sa kanila."

Napataas ang mga kilay ko nang biglang nagbago ang ekspresyon niya. She looks disappointed.

"Ay, aayain sana kitang kumain after ng try outs mo. . ." Ngumuso siya.

Natigilan ako at bahagyang nawala rin ang ngiti. Paano 'to? Kagabi pa namin 'to pinag-usapan nina Dorothy. Baka magtampo sila sa akin o hindi kaya ay baka magtampo rin 'tong si Ferah.

"Bukas na lang tayo kumain, Ferah." Sumimangot din ako at saka siya hinawakan sa magkabila niyang baywang. "Hmm?"

Dismayado pa rin ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Kaya hindi napakali ang kung ano sa sikmura ko. Anong gagawin ko?

"Sige, Timoteo." Napatingin kami ni Ferah sa kanila nang nagsalita si Ferih.

"Kain na kayo ni Ferah. Kami na lang ni Dorothy. Next time na lang tayo kumain. May iba pa namang time." Tipid na ngumiti si Ferih at umiwas agad ng tingin.

Napaawang ang labi ko. Parang sumikip ang dibdib ko sa naging ekspresyon ni Ferih. Kagabi pa kasi namin 'to napag-usapan. . . kaso parang gustong ipilit ni Ferah 'yung gusto niya kaya hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Ayaw kong magtampo sina Ferih.

"Hindi! Kagabi pa natin 'yon napagplanuhan, e. Ihahatid ko na lang muna si Ferah tapos susunod ako sa Siete Parke." Ngumiti ako nang balingan niya ulit ako.

Umiling siya at ngumiti nang malawak. "Hindi na! Baliw! Okay lang. Hindi naman kami nagtatampo. Next time na lang tayo kumain. Kapag free ka na. Iinggitin ka na lang namin ni Dorothy sa group chat dahil hindi ka nakasagap ng tea namin."

Bahagya akong napasimangot. Binalingan ko si Ferah.

"Next time na lang tayo kumain, Ferah. Bukas. Kain tayo. Hmm? Ayaw ko magtampo sina Ferih sa akin. Kagabi pa namin 'to napagplanuhan," bulong ko sa kaniya.

Ngumuso siya. "Sige. . ." pumayag siya pero parang napilitan lang. Mukhang dismayado rin siya.

"Hoy, hindi na! Go lang kayo. Una na kami ni Dorothy, bye!" Tumakbo agad sila ni Dorothy para hindi na ako makasama.

Napakamot ako sa ulo ko. Hahabulin ko sana sila kaso hinawakan ako ni Ferah sa kamay.

"Next time na lang daw kayo. Pagbibigyan ko na kayo next time. Gusto ko lang kasi makasama ka ngayon. . . sorry." Bahagya siyang nakasimangot.

Napasinghap ako at sandaling napapikit. "Ikaw talaga. Baka magtampo na naman 'yon si Ferih sa akin."

"Hindi naman daw. At saka hindi na no'n siguro uulitin 'yong alitan niyo before."

Patago akong napabuntonghininga at napatingin kay Iñigo na seryoso. Umiling siya pero kaagad din na ngumiti nang tipid.

Tinapik na niya ako sa balikat. "Una na ako, pre. Ingat kayo."

Dahil sa ginawang pag-iling ni Iñigo mas lalo kong naisip na magtatampo si Ferih. Kaso namimilit din kasi si Ferah. Baka maging pangit lalo lahat. Pag pumayag ako kay Ferih ay itutulak lang din ako no'n at hindi na talaga magiging maganda 'yung lakad namin. Tapos magtatampo pa 'to si Ferah, since mukhang nagke-crave siya sa atensyon ko ngayon.

Niyakap niya ako agad habang nakaangat ang tingin sa akin. "Sorry na. Bukas na lang kayo kumain nina Ferih." Nakasimangot siya.

Mahina akong natawa at napadpad ang mga kamay ko sa balakang niya. "Oo na. Pag nagtampo sa akin si Ferih, ikaw ang bahala ah!"

She chuckled. "Hindi 'yan! Papayagan na nga kita next time. Pero ngayon kasi gusto kita makasama. Kaya nga nakabihis din ako. . . "

Mukhang ganito na nga ang kalalabasan. Wala na ako magagawa. Mag-sorry na lang ako kina Ferih mamaya. Ililibre ko na lang sila bilang pambawi. Mukhang hindi na rin siguro 'to maiiwasan dahil pinili ko ng magkaroon ng partner. Sana hindi nagtampo sina Ferih.

____

Leave a comment and vote, thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
176K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7.7M 227K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...