Kabanata 8

2.5K 104 67
                                    

Far

Pagkauwi ko pagkatapos namin kumain ni Ferah ay nag-chat agad ako sa group chat na ginawa ni Dorothy no'ng isang araw lang. Since bati na daw kasi kami ni Ferih ay naisipan niyang gumawa para mas magkaroon ng connection.

Timoteo: Hello HAHAHA sorry. Nagpupumilit si Ferah kanina. Ayaw niya ata akong sumama sa inyo.

Dorothy: Keri lang, Tims. Haha.

Ferih: Yas, oki lang hehe.

Timoteo: Ang cold niyo naman.

Ferih: 🔥Yas, oki lang hehe. 🔥

Dorothy: HAHAHAHAHA

Mag-ta-type na sana ako pero biglang nag-ring ang phone ko. Nagsimula ng group video call si Dorothy. Pumasok agad silang dalawa ro'n kaya sinagot ko na rin agad.

"Bakit parang nagtatampo kayo?" bungad ko at umayos ng upo sa kama ko.

Si Dorothy ay nakaupo sa harap desk niya at nakapatong ang phone niya kung saan. At gano'n din si Ferih.

Nangunot ang noo ni Ferih. "Hindi naman." It was too plain. Nagbabala siya ng dragon seed at seryoso ang mga matang nakatuon do'n.

"Eksena lang si girlie. Charot lang!" Humalakhak si Dorothy kaya mahina akong natawa.

I knew it. Naramdaman ko talagang magtatampo sila. Kaso ang hirap namang hindi pagbigyan ni Ferah. Minsan lang siya mag-crave sa attention ko. Madalas puro ako ang tumatawag sa kaniya o naghahanap sa kaniya. At inalisan na rin ako nina Dorothy kanina.

"Pero kidding aside, okay lang naman, Timo. Paki sabi na lang kay Ferah na kapag may plans na tayo, 'wag muna siyang iskandalosa. Ako na lang ang magiging speaker ni Ferih dahil palaging sinasabi ni Ferih na hayaan ko na lang daw." She rolled her eyes subtly.

Ngumiti ako at naka-focus ang mga mata ko kay Ferih na hindi nagre-react sa mga sinasabi ni Dorothy. Naka-focus lang siya sa binabalatan niya.

I think she's just trying to be considerate. Tina-try niyang intindihin 'yung sitwasyon ko kahit nagtatampo siya. Mas lalo tuloy akong na-guilty.

"'Wag kayo mag-alala. Ililibre ko kayo ng kahit na anong gusto niyo. Bukas. Kakain tayo! Mag-mall pa tayo. Kung gusto niyo!" maligaya kong alok.

Tumingin si Ferih sa screen ng phone niya at tumango. "Sige, sure. Go lang ako. Kaso kailangan sagot mo lahat." Tinaasan niya ako ng mga kilay.

I chuckled softly. "Sure. Kahit anong gusto mo."

Her lips slowly formed a smile. "Okay. Bukas? Anong oras?"

"Agahan natin? Para mas maraming time?" Mas lumawak ang ngiti ko at gano'n din ang ngiti ni Ferih.

Nag-usap pa kami ng kung ano-anong topic. Kinumusta ko ulit si Iñigo kay Ferih. Pero wala siyang gaanong sinabi. Tinatamad na daw siya magkwento kaya ipinagpabukas na namin 'yung kwentuhan.

Nag-sorry rin ako ulit directly kay Ferih after ng group video call namin. Hindi ako mapakali sa ekspresyon niya kanina. Gusto ko rin mas linawin. Ayaw kong may natatanim na naman ako sa kaniya. I want to be considerate as well.

Timoteo: Sorry kanina ulit. Naiwan ko kayo sa ere ni Dorothy :(

Ferih: Okay lang yon, Timoteo. Naiintindihan ko naman.

Timoteo: Sure? Parang hindi okay :(

Ferih: Baliw ka talaga. Okay nga lang. Ano bang gusto mo, hindi okay dapat? Gusto mo ba magtampo ako. Pisti ka.

Timoteo: HAHAHA Sinusure ko lang. Ayaw ko lang na maging insensitive. Gusto lang talaga ako makasama kanina ni Ferah. Wala na rin akong nagawa. Hahabulin ko dapat kayo.

It All Ends Here (The Ravels Inception #1)Where stories live. Discover now