15 What Ifs [COMPLETED]

By Hadlee_Zircon

1.1K 83 0

Pastel Series ~•~•~ Sa hirap ng buhay, kinailangan ni Dax Allen na sumali sa grupo ng mga big time na magnana... More

BLURB
PROLOGUE
FIRST WHAT IF
SECOND WHAT IF
THIRD WHAT IF
FOURTH WHAT IF
FIFTH WHAT IF
SIXTH WHAT IF
SEVENTH WHAT IF
NINTH WHAT IF
TENTH WHAT IF
ELEVENTH WHAT IF
TWELFTH WHAT IF
THIRTEENTH WHAT IF
FOURTEENTH WHAT IF
FIFTEENTH WHAT IF
EPILOGUE

EIGHTH WHAT IF

40 5 0
By Hadlee_Zircon


EIGHTH WHAT IF

"What if matagal ka na pala nyang niloloko?"

~ Grace Jamero Murro

~~~

ERIC'S POV

"Eric. Eric. Gumising ka na't kakain na." Some annoying guy kept on shaking my arm, wanting a death wish.

I grunted and pushed his hand away from my arm before grabbing my comforter and covering my whole body with it. I thought he would finally stop as I felt the bedside getting lighter but nope. This guy really likes to annoy the hell out of me.

He suddenly pulled the comforter away from me and dive to the left side of my bed. "Tara na! Nagwawala na 'yung dragon sa tyan ko. Hindi ka pa ba nagugutom? Masarap din 'yung niluto ni Tita Evelyn. Paniguradong mas lalo ka lang magugutom kaya tara na!"

I got so irritated that I used all my gathered strength to push him off the bed, resulting in a loud bang on the floor. My eyes were still closed so I could only hear his shuffle movements and groans as he kept on complaining about how his back hurts. Serves him right. It was really a mistake letting anyone enter my life.

He thought I wouldn't know. They thought I wouldn't figure it out. Mom and he made a deal about him befriending me in exchange for money. I heard them a few nights ago, talking about it in the garden. That was even before the first Tekken day. That's why I am having a difficult time trusting his words.

But I could never deny the craving I have for a companion, for a friend, for someone other than my family. Maybe that's why I still try to remove the idea that he's fake when acts like that towards me. I just want to have a friend. But then I always remember that I don't deserve to be happy, therefore, I don't deserve real friendship, and that's the only reason why I'm still not kicking this guy out of our house.

"Leave me alone," I grumbled and let myself curl into a comfortable sleeping position. I don't care if I won't have dinner, as long as I end up more miserable than I already am, then it'll be better.

I thought he would listen to me and leave my room, but then I heard him sigh and went back to sitting on the bed. "Kapag hindi ka pa tumayo riyan, dadalhan kita ng pagkain mo rito tapos susubuan kita. Gusto mo ba 'yun? Ha?"

Even when my eyes are closed, I couldn't help but crease my forehead. Just who in the world does he think he is?

"Isa."

I did not listen to him.

"Dalawa,"

I am completely ignoring his existence.

"Tat—"

"Fine. Hell. Just freaking leave." I sat up and frustratedly wiped my face with my hands before glaring at him. "I'll be there, okay? Just leave and stop being annoying." As usual, he answered me with that annoying grin on his face.

"Okie. Basta sumunod ka ha? Kung hindi, alam mo na ang mangyayari." He finally stood up and walked to the door backwards, his eyes not leaving mine.

I growled at his widening, annoying grin, but he only let out an amused chuckle before completely leaving my room. I just sat there and counted one to fifteen to calm myself before reaching for the wheelchair.

I still struggled to properly and quickly sit there but I did it anyway. I was about to wheel my way towards the door when I caught a glimpse of the picture frame placed on the table near the bathroom door.

It has a picture of me and my dad. The day he first gave me his watch as a birthday gift. I treasured that watch ever since, and I treasured it more when I lost it—when that good-for-nothing thief stole it.

He would've taken the money and everything else, but not the watch. It meant a lot to me. He should've not taken it.

I sighed and shook my head. Dad was probably even more disappointed at me after losing his gift.

I let out another heavy sigh before finally leaving my room and entering the dining area, in which I'm the only one missing.

DAX' POV

Ilang araw ko nang napapansin na panay ang titig ni Eric sa picture frame malapit sa CR sa kwarto niya.

Nito kasing mga nakaraang araw ay sa loob na kami ng kwarto niya tumatambay at nagsasalang ako parati ng mga palabas na alam kong magugustuhan niya base sa sinabi ni Tita Evelyn. At sa mga araw na iyon ay panay ang pagtulala ni Eric sa iisang direksyon ng kwarto. Hindi lang siya basta-bastang tumititig, bumubuntong hininga pa siya na akala mo'y may mabigat na dinadala.

Kaya naman ngayon ay hindi ko na mapigilang mapatingin sa picture frame na iyon at mapatanong kung anong meron doon. Wala si Eric ngayon sa kwarto at kasalukuyang nag-sa-sauna sa kabilang kwarto ng mansyon na ito, kaya naman malaya akong nasa kwarto niya at tinititigan ang picture niya na iyon. Ito rin ata 'yung picture na nakita ko noong unang beses na nandito ako at ito 'yung nagpaalala sa akin ng mukhang iyon ni Eric nung bata pa siya. 'Yun ay kung hindi ako nagkakamali.

Pinicture-an ko na lang ang frame saka balak puntahan si Tita Evelyn sa office room niya nang saktong may nakabangga ako pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ni Eric. Nakita ko pang bumagsak ang phone, na ibinigay sa amin ni Tita Evelyn, sa lapag. Nagmamadali ko iyong pinulot saka nagdasal na sanay walang basag. Bagong-bago pa naman. Napabuga ako ng hangin nang mapansing buhay na buhay pa naman at walag kahit anong basag o gasgas ang phone.

"Oh, my bad. I'm sorry." Napaangat ang ulo ko nang marinig na may nagsalita. Khiena... "It's still working, right? I'm really sorry—Wait, is that Kuya?" Nalipat ang tingin ko sascreen ng phone ko nang mapansing nakatitig siya roon.

Tumango naman ako. "Ahh... Oo. Kasi napansin kong ilang beses at araw na siyang tulala at nakatitig lang sa picture na 'to. Hindi ko naman siya matanong kung anong meron doon at mukhang seryosong-seryoso siya kaya itatanong ko na lang sana kay Tita para naman mabawasan 'yung pag-aalala ko—" Bahagya akong natigilan sa mga sinabi ko. Nag-aalala ako? Ah oo nga pala. Kasi sinabi ni Tita.

Napansin ko naman ang pag-ngiti, pero may halong lungkot, ni Khiena habang nakatitig pa rin sa screen sa phone ko. Nice. Dalawa na ngayon silang tulala sa picture na 'to. "He probably misses Dad." Napabuga naman siya ng hangin. "Plus it's probably connected sa watch na ninakaw last time."

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Titig na titig lang ako kay Khiena. Hindi niya naman ako makikita dahil mukhang focused na focused siya sa picture. Pero 'yung sinabi niya. Relong ninakaw? Hindi kaya...

"The day in that picture was his eleventh birthday." Ngayon naman ay purong saya ang ngiting ipinapakita niya. "Dad gave him his watch that Kuya really adored from the start. Alam naming mahalaga iyon kay Dad kaya naman nang iregalo niya iyon kay Kuya... He was really happy and grateful. He promised Dad that he'll take good care of his watch." Kaya lang napalitan ng malungkot na buntong hininga. "So imagine losing his watch just a few weeks after losing Dad. It must've been really devastating for Kuya."

Hindi ko napansing napatigil ako sa paghinga kung hindi pa tumingin sa akin si Khiena at pilit na ngumiti.

"You don't really have to worry that much kay Kuya. He's just taking it all in." Tiningnan niya ako diretso sa mga mata. "But I do have a request. Make sure to make my Kuya happy. He really needs someone to talk to and be with other than me and Mom, and I'm pretty sure that he's already slowly considering you as an acquaintance, so few more steps and you'll be his friend. Just a little more patience with him I guess."

Tumango lang naman ako dahil hindi ko alam kung ano nang sasabihin ko o isasagot ko. Nagpaalam naman kaagad siya't mauuna na at nanatili akong nakatayo sa tapat ng kwarto ni Eric. Hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa relo na iyon.

Hindi kaya... 'yung relong tinutukoy niya ay... 'yung... 'y-yung ninakaw ko?

Kung ganon...

HAWAK-hawak ko na kasalukuyan ang relong tinutukoy nila. At sigurado na akong iyon nga 'yung relong 'yun. Tinitigan ko kasi 'yung nasa picture at 'yung mismong relo. Plus, ang sabi nila ay nanakaw raw 'yun, tapos mahalagang-mahalaga 'yun kay Eric. Hindi naman siguro niya ilalagay sa vault ang isang relong iyon sa vault habang 'yung iba ay nasa closet niya kung hindi nga 'yun 'yung tinutukoy niya, diba?

Napabuntong hininga na lang ako. Buti na lang din pala at hindi ko binanggit kela Norman ang tungkol sa relong 'to, kundi eh paniguradong pera na ito ngayon.

Muli akong napabuntong hininga. Pero hindi ko naman alam ngayon kung paano ko ibabalik sa kaniya itong relo niya.

Paano kung... "Eric, nakita ko 'tong relong 'to sa labas oh. Sa may gitna ng kalsada, buti na nga lang nakuha ko kaagad bago pa masagasaan eh."

H-Hindi pwede 'yun. Paanong nasa labas eh ilang linggo na ang nakararaan nang magnakaw kami rito?

Eh paano kung... "Eric, regalo ko sa 'yo oh. Nabili ko lang 'yan sa may kanto eh. Ang gandang tingnan tapos mura pa."

Pero hindi rin pwede. Magtataka siya kasi parehong-pareho talaga at sobrang liit naman n mundo kung ganoon.

Eh paano kaya kung iwan ko na lang 'to sa lamesa niya sa kwarto? Pero hindi kaya magtataka rin siya at baka mas lalong pagdudahan ako dahil ako lang naman ang bagong tao sa mansyon nila?

Napabuga ako ng hangin saka napasabunot ng buhok. Hindi ko malaman kung anong dapat gawin. Gusto kong ibalik sa kaniya 'tong relo para naman kahit papaano eh mabawasan na ang lungkot na dinadala niya, pero paano ko gagawin iyon kung ako naman ang manganganib?

Lumabas muna ako ng kwarto ko saka bahagyang sinilip si Ate sa kwarto niya. Tulog na tulog na siya, at paniguradong pagod na pagod siya galing univ tapos trabaho. Kung pwedee ko lang pagaanin ang buhay ni Ate, ginawa ko na. Pero bakit parang lagi na lang akong mas lalong nagiging pabigat kada susubukan ko?

Muli akong napabuntong hininga. Hindi ko na malaman ang gagawin ko. At dala-dala ko ang isip na iyon hanggang sa kinabukasan at nasa loob na ako ng mansyon ulit nila Eric.

Napag-alaman ko palang mas matanda ng dalawang taon si Eric kay Ate, pero mas naging close raw kami noon. At kahit na mas matanda siya sa akin ay mas madalas akong mag-asal kuya pagdating sa kaniya.

Napangiti naman ako nang may maalala kahit kakaunti lang tungkol sa buhay namin noon. 'Yung mga panahong masayang naglalaro lang at walang problema problema, hindi tulad ngayon.

Kaya matatanggap niya pa rin kaya ako kahit aminin ko sa kaniyang isa ako sa mga nagnakaw noon at ako ang kumuha ng relong paborito niya?i

Hindi ko maiwasang kabahan. Hindi lang dahil sa posibilidad na ipakulong niya ako, kundi dahil baka idamay niya si Ate.

Bahala na. Sisiguraduhin kong hindi madadamay si Ate kahit na anong mangyari.

"Oh, Dax. Why are you still there? Did Eric kick you out of his room again?" natatawang bungad ni Tita Evelyn nang makarating siya sa sala.

Agad naman akong umiling. "Ayy hindi po. Inihahanda ko lang po ang sarili ko kung sakaling palayasin na naman niya po ako."

Muling natawa na lang si Tita saka napailing. "Oh well, good luck with that. Oh, and anyway he's not in his room, and I saw him in the garden. Gotta go now. Bye." Kumaway naman si Tita kaya kumaway na lang din ako pabalik.

Huminga ako nang malalim saka nagsimulang maglakad papunta sa garden nila. 

Continue Reading

You'll Also Like

11.4K 317 18
completed. cringe and not well written story ahead:) ♡𝘐 𝘪𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘦 𝘮𝘢𝘯𝘺 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦𝘴𝘦 "𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨𝘴" 𝘩𝘢𝘴 𝘴𝘰𝘮�...
1.9M 60K 76
Alexander, James and Skye were triplets. They were stolen from their family at the age of 4. The family searched for them day and night never giving...
19.2K 448 29
Owen Patrick Joyner was 19 years old and about to start filming for season 1 of 'Julie and The Phantoms.' On the outside He was a bubbly character th...
5.3M 167K 67
Emilia Anderson and Hunter Maddox are completely different but both of them hide secrets that may be key to the reputations they possess. So maybe th...