15 What Ifs [COMPLETED]

By Hadlee_Zircon

977 57 0

Pastel Series ~•~•~ Sa hirap ng buhay, kinailangan ni Dax Allen na sumali sa grupo ng mga big time na magnana... More

BLURB
PROLOGUE
FIRST WHAT IF
SECOND WHAT IF
THIRD WHAT IF
FOURTH WHAT IF
FIFTH WHAT IF
SIXTH WHAT IF
EIGHTH WHAT IF
NINTH WHAT IF
TENTH WHAT IF
ELEVENTH WHAT IF
TWELFTH WHAT IF
THIRTEENTH WHAT IF
FOURTEENTH WHAT IF
FIFTEENTH WHAT IF
EPILOGUE

SEVENTH WHAT IF

38 3 0
By Hadlee_Zircon


SEVENTH WHAT IF

"What if yong inaarte or inaasal niya, taliwas sa sinisigaw ng kanyang nararamdaman or puso?"

~ Julian Rubio Cirujano

~~~

DAX' POV

Limang araw. Limang araw ko nang sinusubukang pakisamahan ang lalakeng iyon habang pasimpleng iniiwasan ko siya. Mahirap na at baka maalala niya pa ang tungkol sa pagnanakaw namin. Buti na nga lang at magaling na ang sugat kong kasalanan niya eh.

Pero sa loob ng limang araw na iyon ay halata rin namang iniiwasan niya ako. O sadyang iwas lang talaga siya sa mga tao. Kasi kahit sa mga maid ay hindi rin naman ganoon karami ang interaksyon nila eh.

Sa limang araw pagkatapos kong um-oo sa deal na inilatag ni Tita Evelyn ay bahay, univ, at mansyon ang laging eksena ko. Pagpatak ng alas-otso ng gabi ay uuwi na ako sa amin, inihahatid naman ako ng driver nila Tita. Hindi pa rin kasi pumayag si Ate na lumipat kami kela Tita Evelyn eh, pero pagdating naman sa utang ay bayad na bayad na kami. 'Yung twenty thousand na nakuha ko noon sa operasyon namin noon ay hindi na rin ginamit sa utang dahil buong-buong binayaran iyon ni Tita.

Maliban doon ay mukhang hindi naman na namin pa-problemahin ni Ate ang pagpasok sa univ nang pagod. Kadalasan kasi noon ay nilalakad lang namin iyon lalo na kung kakapusin kami sa budget. Pero ngayon ay mukhang magiging masaya ang pagpasok namin sa univ, kahit na sa part time job ni Ate. Hindi na naman kasi pumayag si Ate na ihatid sundo kami ng isa sa mga driver ni Tita, gamit ang isa sa mga kotse nila, pero pumayag si Ate sa bisikletang ibinigay ni Tita.

Sa totoo lang ay mas natuwa pa nga ako sa bisikleta kaysa sa isipin na inihahatid-sundo kami ng mukhang pang mayaman. Nakakailang kaya 'yung ganoon.

Ay speaking of mayaman na hatid-sundo, nakikita ko na rin madalas si Khiena sa parking lot ng univ tuwing papasok ako. Kapag naman uuwi na ay sabay kami pero hindi pa ganoong nakakapag-usap. Dahil nga sa usapan namin ni Tita Evelyn ay kada matatapos ang klase ko ay didiretso ako sa mansyon nila para kausapin at simulan ang pakikipagkaibigan kay Ericson—which is, hindi talaga madali at all.

So ito na nga at nasa mansyon na naman ako. Nasa loob ako ng recreational room nila at naglalaro ng Tekken mag-isa. Niyaya ko kasi kanina si Ericson pero hindi naman ako pinansin. Parang hindi niya ako nakikita madalas kung umasta siya, pero minsan naman ay sinasamaan niya na lang ako ng tingin lalo na kapag pinipilit ko siya, katulad kahapon. Binibigyan ko siya ng cookies pero hindi naman tinanggap, pilit kong isinusubo sa kaniya iyon kaya lang ang naging resulta ay sinamaan niya ako ng tingin sabay sagi sa tray na hawak ko't may nakapatong na cookies.

Inis na inis din ako sa kaniya nun kaya lang ay inaalala ko na lang ang perang kapalit ng pagiging mabait ko sa lalakeng iyon. Alam kong medyo hindi kagandahan ang motibasyon ko para pakisamahan ang lalakeng iyon pero kasi nagiging praktikal lang naman ako. Ayaw niya sa akin, ayaw ko rin naman talaga sa sa kaniya. Kaya kung wala lang talaga ang kapalit na iyon para sa kinabukasan namin ni Ate ay hinding-hindi ko gagawin ito.

May bigla namang kumatok sa pinto ng recreational room kaya pinause ko muna ang laro saka tumayo at binuksan ang pinto. "Sir Dax, pinapatawag po kayo ni Sir Eric sa kwarto niya po," ani ng isa sa mga maid nila.

Ngumiti naman ako saka tumango. "Sige po. Salamat po."

Bahagya lang siyang yumuko saka tuluyan nang umalis. Binalikan ko naman ang laro ko para patayin na iyon nang tuluyan bago lumabas ng kwarto at tinahak ang kwarto ng lalakeng mas malala pa ang ugali kaysa kay Ate tuwing time of the month niya.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto niya ay agad akong kumatok na parang si Anna sa Frozen para lang pikunin siya. Hindi pwedeng ako lang ang naiirita ha? Bumungisngis naman ako nang may maisip pa akong kalokohan. "Eric? Gusto mo bang gumawa ng taong nyebe? Tara na't maglaro—"

"Just freaking enter and stop being annoying!" sigaw niya naman mula sa loob at halatang galit na galit ang boss niyo. Medyo natigilan naman ako dahil sa loob ng limang araw ay ngayon niya lang talaga ako kinausap.

Napailing naman ako bago binuksan ko naman ang pinto saka ngumisi. "Ba't mo 'ko pinatawag? Miss mo na ako 'no? 'Wag kang ano, nagtatampo pa ako sa pagsasayang mo sa cookies na ginawa ko," pambu-bwis*t ko pa lalo.

Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya gamit ang ilaw na nanggagaling sa lamp shade sa tabi ng kama niya. Halatang inis na inis na siya pero anong magagawa ko? Ininis niya rin ako kahapon. Andaming batang nagugutom tapos sasayangin niya yung cookies? Kaya magdusa siya sa pangpipikon ko.

Tiningnan niya lang naman ako nang masama saka hindi na umimik kaya napabuga na ako ng hangin. "Ano na? Hininto ko yung paglalaro ng Tekken para lang sa 'yo."

Ilang saglit niya pa akong tinitigan nang masama bago umiwas ng tingin. Napailing naman ako saka akmang tatalikod na at lalabas nang muli siyang magsalita. "T-Tekken..."

Napaangat naman ang isa kong kilay saka tuluyang humarap sa kaniya at tiningnan siyang nakatingin sa kung saan. "Ano?"

Bumuga siya ng hangin saka hindi pa rin makatingin sa akin nang diretso. "Tekken. L-Let's play Tekken."

Hindi ko alam pero parang kusang ngumiti ang mga labi ko dahil sa sinabi niya. Agad akong lumapit sa lalakeng iyon saka siya inalalayang makasakay sa wheelchair niya. "Tara na nga."

Agad naman niyang tinabig ang kamay kong aalalay dapat sa likod niya. "Get you hands off me. I can handle myself. I don't need your pity whatsoever," naiirita na naman niyang sabi.

Ang gulo talaga ng mood ng taong ito. Kanina bad mood, tapos shy mode, tapos irritated mode na naman. Napailing na lang ako saka umupo sa gilid ng kama niya dahil nandoon pa rin naman siya. Tiningnan ko siya diretso sa mga mata niya. "Ako? Naaawa sa 'yo? Hindi 'no. Ba't kita kaaawaan eh ang rangya ng buhay mo. Hinding-hindi kayo mamo-mroblema pagdating sa anong pambili ng pagkain, kung saan kukuha ng pera, at kung paano babayaran yung mga bill sa bahay niyo. Hindi rin kayo mamo-mroblemang mag-aral kung sakaling mawala ang scholarship niyo. At higit sa lahat, ba't ako maaawa sa 'yo eh may nanay ka pang makakasama at makakausap." Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko sinasabi sa kaniya ang lahat ng ito. "Pwede ngang nawala ang tatay niyo at alam ko ang sakit nun. Doble pa nga sa akin kasi pati nanay nawala eh."

Mahina akong natawa kahit wala namang nakakatawa, at ewan ko ba pero parang gustong kumawala ng mga luha ko. Naaalala ko sina Mama at Papa. Bigla kong nararamdaman kung gaano ko na sila ka-miss. Kada makikita kong inaalagaan at kinu-kumusta ni Tita Evelyn sina Eric at Khiena, hindi ko minsan mapigilang mainggit.

Huminga ako nang malalim saka siya muling tiningnan. Titig na titig naman siya sa akin at walang emosyong makikita sa pagmumukha niya. "Kaya 'wag kang mag-alala, hinding-hindi kita kaaawaaan. Kasi may mga panahong, mas pipiliin ko pa ang sitwasyon mo kesa sa sitwasyon ko." Pilit ko siyang nginitian saka ako tumayo at naglakad papalapit sa pintuan. Huminto ako nang mahawakan ko ang doorknob. "Maglalaro pa rin tayo ng Tekken kung gusto mo. Nasa recreational room niyo lang ako." Nilingon ko siya saka nginisihan. "Siguraduhin mong mananalo ka dahil sigurado akong dudurugin ko kahit sino ang character na pipiliin mo." Pagkatapos noon ay tuluyan ko na siyang iniwan sa loob at nauna na nga sa recreational room.

HINDI ko alam kung may nag-iba ba pero pakiramdam ko eh meron naman. Simula noong araw na maglaro kami ng Tekken ay iyon na ang naging libangan naming dalawa. Panay pa rin naman ang pagtrato niya sa akin na para bang hangin ako o kaya naman sasamaan niya ako ng tingin, pero nag-i-improve naman na siya. Minsan kasi ay umaabot na ng tatlong sentences ang sinasabi niya kapag kausap niya ako eh. Though karamihan naman doon ay panay reklamo niya lang sa akin tuwing pipikunin ko siya.

At sa totoo lang ay nakakalimutan ko na ang kaba at takot kong mabunyag niya ang tungkol sa pagnanakaw namin. Mas nagiging kalmado na kasi ang pakiramdam ko kahit nasa malapit lang siya at minsan ay para bang hindi ko na alam kung niloloko ko na lang ba ang pakikipagkaibigan ko sa kaniya.

"Tita, pwede pong magtanong?" Kasalukuyan kaming nasa kusina ni Tita Evelyn. Naghahanda kasi siya ng hapunan nila at maaga siyang nakauwi.

Nginitian naman niya ako saka tumango. "Sure, sure. What is it?" aniya habang nagsasandok ng kanin.

Napakamot naman ako ng batok. "Ano-ano po ang mga gusto at ayaw ni Eric?"

Mas lumaki naman ang ngiti ni Tita saka nahinto sa pagkilos at tumingin sa akin. "Hmm... Likes and dislikes? Compared to Khiena who likes books and reading, Ericson loves movies and watching even some random videos. He actually likes animated films for movies and funny or cute animal clips for random videos." Umaktong nag-iisip pa si Tita. "Oh, and he likes jell-os, especially mango." Mahina pang natawa si Tita nang parang may maalala saka bumulong. "And he's actually a fan of Mickey Mouse." Muling humagikgik si Tita.

Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso po?" hindi ko mapigilang tanungin.

Tumango naman siya na parang bata. "Yes, seriously. But don't tell him that I told you about that, okay? He's gonna keep on glaring at me 'til no end. That's for sure."

Mahina naman akong natawa saka muling nagtanong. "Eh yung dislikes niya naman po?"

Umakto ulit na nag-iisip si Tita Evelyn. "Well, dislikes... Hmm... He doesn't like tomatoes. As for the movies, probably not a fan of horror films since he gets bored. But if there's one thing he really really hates, that would be cockroaches. Yep, he's scared of them."

Dahan-dahan naman akong tumango at sinisiguradong tumatatak sa isip ko ang bawat sagot ni Tita. Natigil lang ang pagk-kwentuhan namin nang dumating na si Ate. Dito na talaga kami maghahapunan dahil request iyon ni Tita kasi nga maaga siyang nakauwi.

Pinasundo ni Tita si Khiena sa maid, habang ako naman ang nagpresentang susundo kay Ericson. Nang kumatok ako sa kwarto niya at walang sumagot ay pumasok na ako. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa kama habang hawak-hawak ang ballpen niya at nasa kumot niya ang notebook niya. Isinara ko iyon saka ipinatong sa bedside table niya. Akmang gigisingin ko na siya nang makita kong bahagyang nakabukas ang pangalawang drawer ng bedside table niya.

Isasara ko na rin sana iyon nang may mapansin ako. Napailing na lang ako habang nangingiting isinara ang drawer bago tumingin sa lalakeng natutulog. "Mukha ngang fan ka talaga ni Mickey Mouse," tukoy ko sa keychain ni Mickey Mouse na nasa drawer niya.

Continue Reading

You'll Also Like

546K 19.4K 41
Annabeth "Beth" Henry, a single mother at just 21 years old, cares for little Everly with all that she can. Being on her own, she never had help with...
9.8K 423 20
A determined and passionate soul, Josephine Lambert enlisted in the Nurse Corps stationed with the 101st Airborne. Josephine was skilled, surpassing...
1.7M 55.7K 75
Alexander, James and Skye were triplets. They were stolen from their family at the age of 4. The family searched for them day and night never giving...
17.9K 438 48
Y/N is the younger sister of Haruka Nanase. She was quite close to Makoto, Nagisa, and especially Gou Matsuoka, and her brother, Rin. But She had to...