A Hundred Billion Worth

By reintold

2.8M 80.9K 14.5K

WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some r... More

Disclaimer
Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas
Espesyal na Kabanata

Kabanata 50

41.4K 1.5K 242
By reintold

Kabanata 50

Codrus

Tired. I've never been feeling tired before. My dad treated me and raised me like a princess. What I want? I don't get it because I already have it. Don't need to work my butt out just to earn money.

'Yong paulit-ulit na lang ang mga pangyayari? 'Yon ang nakakapagod. Noong huling nangyari sa'kin 'to ay wala akong nagawa. Did not fight back for myself and mostly for my babies.

Ngayon? Am I going to let this insane woman who happens to be my dad's real daughter do some things against me?

"Ang bobo niyo sa part na naniwala kayo sa kanya noon. Pati ba naman ngayon?" I rolled my eyes like this situation makes me annoy instead of being nervous.

"Anong gusto mo? Paniwalaan ka namin? Kahit kitang-kita ng dalawang mata—"

"May tatlo ba'ng mata?"

Natigilan ang lalaking nagsalita na isa sa mga opisyales nang dahil sa biglang sinabi ko. I don't know him at hindi ko naman kailangang kilalanin ang lahat ng kabilang sa mga opisyales.

I'm so annoyed na halos lahat ng pinagsasasabi ko ay sarkastiko.

"Kitang-kita ng mga mata namin na hawak mo ang baril."

Halos 'di na matigil ang pag-ikot ng mga mata ko.

Yumuko ako at dinampot ang baril sa sa sahig pero 'di ko pa nga nahahawakan ang baril ay may naririnig na akong pagkasa ng iilang baril mula sa banda kung saan nakatayo ang mga opisyales.

"Huwag kang kumilos."

I disobeyed the other man that's one of the officials. Pinagpatuloy ko ang pagdampot ng baril na nasa sahig.

"What the fuck?" Instead of hearing gunshot, narinig ko ulit ang boses ng lalaking nag-utos sa akin na huwag daw akong kumilos.

Why didn't he shot me?

Matuwid akong tumayo matapos kong nakuha ang baril at pinaglaruan ito sa mga daliri ko.

All eyes were on me. Waiting for my next move. I keep my head down and stared at the gun. Chineck ko pa kung may bala pa ba at meron pa nga.

Two bullets.

Saktong-sakto para kay Calla at sa kasintahan ni Kara. Pero hindi ko gagawin 'yon.

To live is to suffer. Hahayaan ko silang mabuhay at magdusa.

After checking the bullets, I raised the gun up and aimed at Lordcan. Nakatutok sa kanya ang nguso ng baril kasabay ng pagtutok ng halos sampung baril sa'kin.

Ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Lordcan but his eyes never left me.

"Khione..." hindi ko nilingon si Monterozo nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Drop the gun, Khione." I didn't obliged Monerov's order.

"What are you doing, Khione?" hindi ko rin tinapunan ng tingin si Gordon.

"Tumahimik nga kayo," tumahimik ang tatlo nang dahil sa simpleng pagsasalita lang ni Villazardo.

Nakakapagtaka. Wala si Kate at Trevino.

Focusing on Lordcan's darkening eyes, kinasa ko ang baril at kasabay no'n ay nadagdagan ng mga baril na nakatutok sa'kin.

"Any last word?" tanong ko kay Lordcan. Hindi rin ako nagpapakita ng ekspresyon sa mukha. My hands were a little bit trembling but rigid.

Alam ko kung ano ang ginagawa ko. Tignan natin kung sino ang hindi makatiis.

I received no response from Lordcan. Nakatitig lang siya sa akin na tila inaalam kung ano ang iniisip ko.

"K. Bye..." I shrugged and was about to pull the trigger but I failed when someone pulled my arms to the other direction the reason why I accidentally pulled the trigger.

Natigilan ako nang nakita kung kanino ito tumama at lumingon sa kaisa-isang taong humila sa braso at kamay ko.

Calla.

I am expecting her to stop me from shooting Lordcan dahil alam kong mahal niya si Lordcan pero hindi ko inaasahang may madadamay dito.

Mariin akong papapikit nang nakita ang pagbagsak ng katawan ni David sa sahig habang nakahawak sa tiyan niyang dumurugo.

I remembered his name. It's David. Ang kasintahan ni Kara.

I was back in my mind when Calla tried to steal the gun from my grip. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa baril upang 'di makuha ni Calla.

"Bitch!" singhal niya sa'kin at sinubukan niya pa nga akong saktan sa paraan ng pagsipa pero 'di niya nagawa nang itinulak ko ang baril sa mukha niya.

"Oh! Sa'yong-sa'yo na!" sabay diin ng baril sa pisngi niya habang pareho kaming nakahawak dito. "Kung gusto mo, kainin mo pa."

Hinihila niya kasi e. Kaya pinaubaya ko na sa kanya pero 'di ko pa rin binibitiwan ang baril.

Mabilis kaming pinaghiwalay ng mga kalalakihang nandito. Walang kaeffort-effort na kinuha ni Villazardo ang baril mula sa mga kamay namin at ibinigay ito kay Lordcan.

"Ilibing niyo ang mga bangkay," sa unang pagkakataon ay narinig ko ang malamig na boses ni Lordcan. "Ibalik niyo si Calla sa mansyon at tumawag kayo ng doktor upang patignan siya," walang kaemo-emosyong utos nito sa mga opisyales na nakahawak sa braso ni Calla na siyang naghiwalay sa'min.

I saw how Calla wickedly smiled at me.

Ano naman ngayon kung may malasakit sa kanya si Lordcan? As if naman totoo 'yon.

Lordcan shifted his look from Calla to me.

"Talian niyo at ipasok sa kotse ko," ang tangi'ng inutos niya kina Gordon na walang nagawa kung 'di ang tumango at sumunod sa utos ng nakakataas sa kanila. "Tomorrow at 12am, officials must be in the conference room for a meeting and discussion about this. Decide what will be her punishment."

Mas lalong lumapad ang ngisi ni Calla  na halos magkamukha na sila ng Cheshire cat ng Alice in the Wonderland.

Lordcan expressionlessly turned his back and walked out of the room but before he left may huling sinabi siya.

"I'll be in my car within fifteen minutes."

Nang nakalabas na si Lordcan ay mabilis akong hinila ng tatlo patungo sa isang kulay itim na sofa kung saan sila nakaupo noon. Pinaupo nila ako sa sofa at nagsimula nang asikasuhin ang inutos ni Lordcan sa kanila. Calla left with the officials at si Villazardo naman ay sumunod kay Lordcan. May iilang opisyales na nanatili rito at inasikaso ang tatlong bangkay.

"Lubid!"

"Gordon, tignan mo nga roon. Baka may lubid."

"Inuutusan mo ba ako?"

Hindi ko na pinakinggan ang pagtatalo ng tatlo nang nakita ko ang isang opisyales na tinakpan ng telang kulay itim ang duguang katawan ng dad ko.

Kahit nagsinungaling siya sa'kin ay tinuring niya pa rin akong parang totoong anak niya. Pero bakit ganito? Sa sobrang sakit ng pagkawala niya ay halos wala na akong maramdaman pa. Wala rin namang tumutulong luha mula sa mga mata ko.

Hindi ibig sabihin ng hindi ako umiiyak ay hindi na talaga ako nasasaktan. Mas doble pa 'yong naramdaman kong sakit dahil di ko mailabas ito kahit sa paraan ng pag-iyak lamang.

How about Calla? Nagawa niya pa ring ngumiti nang dahil sa parusang ipapataw sa'kin kahit nawala na ang totoong ama niya?

Ridiculous.

They tied me up and I didn't even do some acrobatic moves to stop them.

"Pasensya na, Khione. Utos ni boss e," ani Monerov saka inayos ang pagkakatali sa kamay ko. Itinali nila ito sa harap at hindi sa likuran ko. Hindi naman masyadong mahigpit ang pagkakatali nang nakita nila ang pamumula at iilang kalmot sa kamay ko ay naawa sila. Marahil dahil ito sa pakikipag-agawan ko ng baril kay Calla.

"Pati rin ba ang paa?" tanong ni Monterozo nang natapos sa pagtali si Monerov sa kamay ko.

"Wala namang sinabi si Lord na itali rin ang paa?" tumayo si Monerov mula sa pagkakaupo sa gilid ko at nakapameywang na hinarap ang dalawa.

"Paano siya makakalakad 'di ba? Baka barilin tayo ni Lord kapag binuhat natin siya?" Gordon was wondering and being cautious at this situation. Parang ayaw niyang mas lalong magalit si Lordcan.

Sa huli ay hindi nila itinali ang mga paa ko. They panicked as they checked the time and there's only five minutes left.

Hinawakan nila ako sa aking siko at ginabayan ako sa paglalakad palabas ng impyernong 'to. As usual, the hallway was dim and deserted.

The sunlight strike my face when we finally got out of the warehouse-like place. Bumungad sa'kin ang mga kotseng paalis na pero isang kotse lang talaga ang nakakuha ng atensyon ko.

It's Lordcan's car.

Seeing the sight of it irritates me. Kahit mahal ko ang gagong 'yon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Alam ko namang 'di magtatagal 'tong inis ko kaya sulitin ko na.

Gordon opened the front seat's door and gently pushed my back to get me in. Hindi ko na sila pinahirapan pa at pumasok na ako.

They closed the door and left. Nakikita ko ang lungkot sa kanilang mga mata na parang alam na nila kung ano ang susunod na mangyayari sa akin.

I waited for at least three minutes before I caught sight of Lordcan coming out from the huge old door of the warehouse-like building.

Heaving a deep breath, I closed my eyes and leaned my back against the car's seat.

Hindi ko minulat ang aking mga mata hanggang sa narinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto sa may driver's side. Narinig kong pumasok siya at sinara ang pinto.

Nakapagtataka lang dahil ilang minuto na ang lumipas at hindi ko pa rin naririnig ang pagbuhay ng makina ng kotse.

Hindi ako nagtangkang buksan ang aking mata. Hindi rin naman siya nagsalita, pakiramdam ko ay nakatitig siya sa'kin.

I licked my dry lips and said, "How I wish I remember what happened when I was just six months old," nanatiling nakapikit ang aking mga mata. "But I guess all I did that time was to wail and asking for milk."

That's what I thought. Bakit kaya 'di na lang din ako namatay noong mga panahong namatay ang mga magulang ko? They hid me somewhere? Paano ako nahanap ni dad kung gano'n?

I sighed and opened my eyes. Agad na nagtama ang paningin namin ni Lordcan and I'm right. He's staring at me the whole time. 'Di man lang siya nag-iwas ng tingin.

His eyes were empty kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Go on, hurt me like you always do," staring straight in front of the car I say those words I've never said before.

Bumaba ang tingin ko sa kamay kong nakatali when I felt his large hands on mine. He's starting to untie the rope from my wrists. Naestatwa ako sa kinauupuan ko nang dahil sa biglang ginawa niya because I'm not expecting this really.

I am expecting him to hurt me.

The car was tinted kaya walang makakakita kung ano man ang ginagawa namin sa loob but it's useless anyway dahil wala namang tao sa labas. Lahat sila ay nakaalis na.

Mabilis niyang kinalas ang tali sa palapulsuhan ko kaya lumingon ako sa direksyon niya pero 'di ko pa nga siya tuluyang nakaharap ay marahas niya akong sinunggaban ng nagbabagang halik.

His hand ran up my stomach and pushed it hard against the seat to pin and keep me in place. Gumapang ang mga kamay ko sa malapad niyang dibdib at marahan siyang tinulak upang magkaroon ng maliit na espasyo sa pagitan namin. He's so close na halos kapusin na ako ng hangin at dagdagan pa ang walang kupas na paghalik niya sa'kin.

Sinubukan kong umusog ng konti palayo sa kanya at inulit pa ang pag-usog ngunit nang napagtanto niya ang ginagawa kong pag-usog ay hinawakan niya ako sa magkabilang bewang at binuhat.

I found myself sitting on his lap, facing him while his strong arms wrapped around my waist and my cold palms were resting on his shoulders. Tumingala ako nang naramdaman ko ang mga marahas niyang labi sa leeg ko.

"Lordcan..." I called his name in a very unexplainable manner.

He's not going to hurt me? Natural na kasing marahas ang mga labi niya and I know this is not his way of hurting me. Sinubukan niyang maging gentle when I was pregnant pero 'di siya nagtagumpay. He ended up, marahas pa rin.

"Dadaan muna sila sa dahas ko bago ka nila saktan."

He's saying like, dadaan muna sila sa butas ng karayom bago ka nila saktan.

Napapikit ako nang dahil sa sinabi niya because I really wasn't expecting him to do this thing. Akala ko talaga ay maniniwala siya sa mga kasinungalingan ni Calla base sa mga inakto niya kanina.

"Hmm..." kusang umangat ang katawan ko nang naramdaman ko ang mga labi niya sa ibaba ng tenga ko, teasing him to chase me.

"Mukhang tama nga si Villazardo," he planted one last kiss on my jaw before distancing himself from me.

I deliberately opened my eyes to look at him. Mapupungay ang aking mga matang sinalubong ang seryoso niyang mata.

"Your cousin was scary..."

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata nang dahil sa sinabi ko pero agad din 'yong nawala like it's never been there and maybe I am just hallucinating.

"...but, you're the scariest," dagdag ko dahilan kung bakit mas lalong nagkasalubong ang kaniyang medyo makapal na kilay.

"I don't mean to scare you. I just want them to mark in their head the fact that I am the superior among all of them."

That's why he's treating me like I'm just one of the other normal girls out there that should feel scared of him. Alam ko namang mas makapangyarihan ang opisyales kesa sa kanya kasi kailangan ng approval nila bago gumawa ng aksyon si Lordcan. He needs an ally in the officials to support his decision.

Nandiyan naman sila Villazardo pero hindi pa rin sapat 'yon para makuha niya ang loob ng buong opisyal.

"Get ready, we're going to the place where your cousin is," aniya matapos akong hinalikan sa noo.

Get ready raw tapos nakaupo pa rin ako sa hita niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umingay ang makina ng sasakyan. Ibig sabihin ay pinapaandar niya na ito.

"Lordcan? Are you going to drive while I'm sitting on your lap?" wala sa sariling tanong ko nang naramdaman ko ang paggalaw ng sasakyan.

Nakatalikod kasi ako sa manibela kaya hindi ko nakikita ang mga kamay niyang nakahawak doon.

"Yeah."

Marahas akong tumingin sa kanya pero siya ay parang wala lang. He's focusing on the road. "Are you crazy?"

"Just relax, Khione," he didn't even glance down at me. Nakapokus ang kanyang mata sa daan.

I have no choice but to lean my head on his shoulder, don't want to block the sight of the road. Hinampas ko ang isang braso niya nang naramdaman kong pinulupot niya ito sa bewang ko.

"Umayos ka nga, baka maaksidente tayo," saway ko na agad niya namang sinunod. "Alam mo pala kung saan nagtatago ang pinsan ko ba't 'di mo sinabi sa mga opisyales na naghahanap sa kanya?"

"He's busy."

"Busy? Anong gagawin natin do'n? You don't even want me to see Caspian Lordcan and here I am, on the way to him."

Ba't 'di niya nalang kasi sabihin ang totoo? Siguro ay pupunta kami sa pinsan ko upang bigyan ako ng pagkakataon na malaman ang totoo.

He knows the reason why I always get in trouble and it's because I'm seeking for the truth. An answer to behold.

Nasa kanya naman ang totoo tapos ayaw niya pa'ng sabihin kaya ito kami ngayon.

Hindi siya sumagot kaya nainis ako. "Anyway, nasaan si Trevino?"

"Ba't hinahanap mo ang gagong 'yon?" I felt his biceps flexed under my palm.

"Ewan ko sa'yo, Lordcan. Lahat na lang ikinagagalit mo," kahit ramdam ko na ang tensyon sa pagitan namin ay 'di pa rin ako lumayo sa pagkakasandal ko sa balikat niya habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.

"Hindi ako galit," but his voice sounded mad.

"Okay."

A minute of silence before I felt him step on the brake.

"Khione..." tawag nito pero nanatili akong nakayuko sa mga balikat niya at 'di siya pinansin "Fuck. Ba't ikaw naman ang galit ngayon? Ako dapat 'yong magalit dahil sa paghahanap mo kay Trevino."

"Hindi ko siya hinahanap, nagtatanong lang ako," my voice was as calm as the waves. I nuzzled my face against the crook of his neck trying to give him the message that I am not mad.

"This is fucking frustrating." Gusto kong tumawa nang dahil sa pagtitimpi niya. I'm just testing his temper dahil alam kong mabilis siyang magalit pagdating sa usapang kasali si Trevino.

"Ano ba talagang problema mo, Lordcan?" lumayo ako sa kanya at nag-aalalang tumingin sa kanyang mga mata.

"Wala naman akong problema," umiwas siya nang tingin kaya ginawa ko 'yong dahilan upang masasabi kong galit nga talaga siya.

"Ikaw na naman ang galit."

"Oo na, galit ako. Tanginang 'yan," he finally gave in.

At dahil galit nga siya. Akmang aalis na ako sa kinauupuan ko na siyang ang hita niya pero 'di ko nagawa nang pinigilan niya ako sa paraan ng paghawak niya sa magkabilang bewang ko. Tutal ay hininto niya naman ang sasakyan and we're in a deserted road.

"Hindi ibig sabihin na galit ako, aalis ka na."

"Galit din ako," biting my lower lip, napayuko ako.

"Hindi puwede."

"Anong 'di puwede?"

Huminga siya nang malalim na tila sobrang hirap sabihin ang mga salita sa isip niya. "Anong gusto mo'ng gawin ko para 'di ka na magalit?"

'Yon lang pala e. Sa hinaba-haba ng pagtatalo namin ay siya lang din pala ang susuko.

Ngumuso ako at nag-isip ng maaaring gawin niya. "Huwag mo na akong iwan ulit."

His thumb paused from caressing an imaginary circles on my back. He's not expecting me to say those words, sinabi ko 'yon na puno ng takot ang boses ko.

Is he going to create a blockade between us to keep me in the safest place he ever know? Because the place where he's in was life threatening, every corner was screaming death. He's planning on blocking me out of it.

"Iiwan kita pero babalik din naman ako." He's not lying. Nakikita ko sa mga mata niya na nahihirapan siya.

Pinapahirapan ko siya.

Pero 'di naman siguro siya mahihirapan kung mananatili na lang siya at 'di niya ako iiwan.

"Ayoko nang gano'n, Lordcan!"

Napapikit siya nang hinampas ko siya sa kanyang dibdib. Parang inaasahan niya na gano'n ang magiging reaksyon ko.

Patuloy ko siyang sinuntok sa malapad niyang dibdib kahit alam kong 'di naman siya masasaktan. He caught my wrists and held them up to his hot pinkish lips.

"Bitiwan mo'ko!" nagpumiglas ako kahit alam ko naman na 'di rin naman ako makakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak niya sa'kin.

"No."

"Aalis ako, kung aalis ka rin naman."

Halos manginig ang bewang ko nang naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya rito. Sinubukan kong hilahin ang palapulsuhan ko mula sa kanya ngunit hinila niya lang ito palapit sa kanya and he pinned it against his broad chest using only one hand. Nakikita kong lumilitaw ang ugat nito sa braso niya.

I tried to move against his hold pero wala pa ring nangyari.

"Huwag kang malikot," saway nito kaya mas lalo akong nainis. "Just wait til we get there, Khione."

Letting go of my waist, he took a hold of the steering wheel and step on the gas. Nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa palapulsuhan ko, sa takot na baka ay maaksidente kami ay hindi na ako nagtangkang magpumiglas pa.

Paano niya nagawang magmaneho na gamit ang isang kamay lamang?

I have nothing to do but to sit on his lap and take a nap.

Nagising lang ako nang may naramdaman akong kiliti sa leeg ko na parang may humahalik sa bandang 'yon. A kind of kiss that can wake a dead from its cozy casket. Nang minulat ko ang aking mga mata ay tama nga ako ng hinala. It's Lordcan.

"Nandito na tayo," 'yong boses niya ay parang kakagising niya lang mula sa panandaliang pagtulog. Husky and sexy.

Natulog din ba siya sandali bago niya ako ginising?

Ang komportable sa pakiramdam na matulog sa dibdib niya. Nakaupo pa rin ako sa hita niya, 'di ba siya nangangawit? Hindi naman siguro ako mabigat but since kagagaling ko lang sa pagbubuntis ay baka medyo nadagdagan ang bigat ko?

He opened the driver's side door and lift me up na parang papel lang ako sa sobrang gaan. I stand on the ground outside the car nang nailabas na ako ni Lordcan at saka siya lumabas din.

Sumenyas siya na tumalikod daw ako na parang may gusto siyang ipakita sa'kin mula sa likuran ko matapos niyang sinara ang pinto ng kotse.

I did what he wanted me to do.

Bumungad sa'kin ang isang bahay. A dark colored manor house. Malaki ito pero parang wala namang tao at maraming matatayog na puno ang nasa gilid ng sementadong daan. As far as I know, a manor house is a lord's house. 'Yong mga ganito ay madalas makikita sa England.

Saang banda na ba kami ng Pilipinas?

Nandito ba si Caspian Lordcan? O baka naman ay ito 'yong sinasabi ni Lordcan na bahay kung saan siya nanirahan noon?

"Kaninong bahay 'to?"

"Pag-aari ng mga magulang ko."

"Nasaan si Caspian Lordcan?" nakapagtataka lang kasi parang wala namang tao talaga.

"Nasa loob, siguro natutulog na naman ang gagong 'yon."

Natutulog? Madalas ba'ng nandito si Caspian Lordcan? Bakit parang kung makapagsalita si Lordcan tungkol sa kanya ay mukhang since fetus pa silang magkaibigan?

Lordcan's arm securely wrapped around the small of my waist at the back at iginiya ako papunta sa hagdanan upang makapasok na sa nakasarang oak door ng manor house.

The house looked old pero hindi naman madumi. Parang inaalagaan talaga at mukhang halos pangalawang beses sa isang taon pinipinturahan.

Wala nga'ng tao nang pumasok kami. Pinaupo niya muna ako sa isang malinis at malaking kulay puting sofa saka naglakad papunta sa isang pinto medyo malayo sa kinaroroonan ng grand staircase at pumasok.

Who am I? I am Khione. As usual, hindi ako umupo tapos sumunod na lang sa kung saan papunta si Lordcan.

"Fuck you."

"Fuck you."

"What the fuck?"

My eyes widened from the sight of them. Hindi lang si Caspian Lordcan ang narito, may kasama siya.

Sinuri at tinitigan kong mabuti kung sino 'yong lalaking kasama ni Caspian Lordcan sa mahabang mesa. Yes, we're in the dining room.

But this room looked like not a dining room if the long table wasn't there. Sa bawat gilid kasi ang may nakikita akong iilang koleksyon ng baril. The dining room was spacious and elegant. I'm sure that the table was also made of oak.

Hindi pa nga nila ako napapansin, lalo na si Lordcan na nakatalikod at siyang humaharang sa harap ko upang 'di ako makita ng dalawa.

He didn't know that I followed him.

Napatakip ako sa bibig ko nang nakilala ko ang lalaking kasama ni Caspian Lordcan.

It's Trevino.

Nakakapanibago lang kasi iba na 'yong hairstyle niya. Hindi na shoulder length, 'yong buhok niya ngayon ay katulad nang kay Lordcan. Dark. Not that long but messy.

Nagpagupit siya?

I'm not used to this kind of his appearance.

Gano'n pa rin naman ang hitsura ni Caspian Lordcan simula noong nakita ko siya sa torturer's field.

Trevino gave Caspian his middle finger while eating his food. Gano'n din ang ginawa ni Caspian habang kumakain at 'di man lang sumulyap kay Trevino.

"Trevino, Lordcan," nang nagsalita si Lordcan ay walang pakeng iniharap ng dalawa ang kanilang middle finger sa banda kung saan nakatayo si Lordcan nang hindi nila tinatapunan ng tingin at nagpatuloy lang sa pagkain.

Anong nangyayari? Magkaibigan sila? Sa pagkakaalam ko ay madalas na hindi nagkakasundo si Caspian Lordcan at si Lord. Lalo na si Trevino at si Lord.

Ano nang tatawagin ko kay Lordcan ngayong nandito naman ang totoong Lordcan?

"Ano na, fuck boy?"

"Hoy tanga, ang kalat mo'ng kumain."

Bakit ang sakit nilang magsalita sa isa't isa?

"Alam na ni Calla," I can imagine Lord's face while saying that. Base sa tono ng boses niya ay mukhang iritado siya.

Caspian and Trevino's expression on their faces didn't even change a bit. Mukhang alam na nila kung ano ang nangyari.

"Ang hirap din kayang umaktong sunod-sunuran ng matandang 'yon. Akala mo kung sinong gwapo e," reklamo ni Trevino saka uminom ng tubig at nagpatuloy din naman sa pagkain.

Sinong tinutukoy niyang matanda?

"Codrus, buhay pa pala ang mapapangasawa ko? Putangina niyo," halos 'di ko na mabilang ang sunod-sunod na mura ni Caspian.

Kumunot ang noo ko nang narinig ang tinawag niya kay Lordcan.

Codrus. Is it his real surname? Sino naman ang tinutukoy ni Caspian na mapapangasawa niya?

"Inutusan kaming dalawa ni Calla na ipapatay siya noong nasa killer's field kami. Kaso ay mukhang nakawala siya nang nasa lugar pa kami ng mga terorista. Utos ni tandang Zimeon," Trevino explained in a very lazy tone of his voice.

Bakit parang ang pamilyar ng sinabi niya? Noong panahon na nauna na akong pumunta sa killer's field at iniwan si Lordcan sa mga terorista? Si Calla pala 'yong kasama niya sa loob ng pickup tapos ang babaeng tinulungan ko ay ang mapapangasawa ni Caspian?

What the hell?

Sino ba 'yong babaeng 'yon? Noong una ay akala ko siya si Calla. Sobrang hinhin kasi.

Nakakalito. Kung magkaibigan silang tatlo o magkakampi ay ibig sabihin lang nito, matagal nang alam ni Lordcan na buhay talaga si Calla? Noong panahong nasa killer's field kasi kami ay misteryoso pa ang tungkol kay Calla tapos magkasama pala talaga sila ni Trevino noon. We all know that Calla is dead not until the night of bidding.

"Anong ginagawa mo rito?" kung makatanong 'tong sinabing pinsan ko kay Lordcan ay parang pag-aari niya ang bahay.

"Kasama ko si Khione and she's waiting outside kaya umayos kayo."

"Oras na ba, Codrus?" nakakapanibago talaga si Trevino dahil kahit siya ay tinawag na ring Codrus si Lordcan. "Paano si Calla? May karapatan din siyang malaman ang totoo maliban sa mga kasinungalingang sinabi sa kanya ni Zimeon."

"Sa tingin mo ba ay maniniwala siya sa atin? Baka ay mas lalo lang siyang magalit at saktan si Khione." Hindi ko na alam kung ano ang mga pinagsasasabi ng pinsan ko.

I'm going crazy. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, I wanna know what they're talking about. Ano ba talaga ang tinatago nila? Sino ba talaga si Mr. Zimeon sa illegalhood at bakit sinusunod ni Trevino ang mga utos niya noon imbes na susunod sa utos ni Lordcan na siyang mas makapangyarihan kesa kay Mr. Zimeon?

Mukhang kailangan ko na namang ibahin ang gagamitin kong pangalan na itawag kay Lord.

He is a Codrus.

Is it possible that I am a Lordcan? Kaya ba ayaw niyang tawagin ko siya sa pangalang Lordcan dahil parang tinatawag ko na rin ang sarili ko?

Tahimik akong bumalik sa labas at umupo sa puting sofa upang maghintay sa kung kailan sila lalabas.

After ten minutes of waiting the dining room's door opened at akala ko ay lalabas silang tatlo pero isa lang ang lumabas.

My cousin. Caspian Lordcan. Halata talagang magpinsan kami because of our similarities lalo na sa features namin.

"How are you, dear cousin?"

Napairap ako nang dahil sa sinabi niya. Kanina lang ay panay ang mura nila at ang sakit pa'ng magsalita.

"Where's Codrus?"

"Sabi ko na nga ba," he slowly shook his head while smirking at me na parang alam niya na kung paano ko nalaman ang totoong apilyedo ni Lord.

Sino pa ba ang nakakaalam sa totoong surname ni Lord? Villazardo. Sigurado akong alam niya kasi magpinsan nga sila 'di ba?

Pabagsak siyang umupo sa isang sofa na kaharap ko. Nasa pagitan namin ang center table na may fresh flowers na nasa loob ng glass na vase.

"Before I start, let me tell you one thing," saglit niya pang inayos ang suot niyang kulay itim na damit bago ako muling tinignan.

"I've seen Codrus killed half of the illegalhood's seniors just to protect a six months old baby and he was just six years old that time."

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
101K 8.6K 42
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
1.8M 50.8K 43
(COMPLETED) Art Theodore Dela Cuesta is the epitome of perfection for today's generation. Popular with women, the top bachelor in the country, a very...
364K 11.7K 11
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may...