Demigoddess - Daughter of Had...

By erinedipity

283K 9.8K 2.4K

Demigoddess Trilogy - 3/3 ☠ Papa rules the Underworld. The only thing you need to know about that place? No w... More

Demigoddess - Daughter of Hades
i. distraction
ii. big three
iii. fishing
iv. helping hand
v. river styx
vi. underwater
vii. party
viii. calamity
ix. touch
x. true strength
xi. love and death
xii. fields of asphodel
xiii. grief
xv. tattoo
epilogue

xiv. conductor

13.3K 468 78
By erinedipity

note - omgomgomgomg last chapter na susunod tas epilogue na omg matatapos ko na sa wakas lol maraming salamat po sa mga nagbabasa pa nito kung meron pa hahaha thank youuuu~

_____________________________________________


xiv. conductor



;; m e a n w h i l e ;;



"Ano? Eh 'di tama ako?" Hirit ni Stacy.

Kanina pa pinapagalitan ni Stacy si Night habang ginagamot ang mga sugat nito. Sa unang hakbang pa lang nito sa loob ng bahay, alam na ni Stacy ang nangyari sa kapatid at hindi na nagtanong pa. Ipinaupo niya kaagad si Night sa sofa at sinimulang gamutin ang mga sugat nito. Although pwede naman niyang bigyan na lang siya ng ambrosia, mas pinili ni Stacy ang mahirap na paraan para maramdaman at maipagdiinan pa nito ang sakit.


"Sabi naman sa'yo 'di ba? Unang beses pa lang sinabihan na kita pero hindi ka nakinig. Nice one, Night," pagpapatuloy pa nito sabay diin ng bulak sa sugat ni Night.



Hindi na lamang umimik si Night. Alam niyang wala ring saysay ang pakikipagtalo sa kapatid niya. Isa pa, masyado siyang pagod at kung papatulan pa niya si Stacy siguradong tutumba na siya.

Alam ni Night na kasalanan niya ang lahat. Alam niyang kung hindi dahil sa kanya ay hindi mamamatay si Yda. Katulad ni Cato, labis din ang pagkamuhi niya sa sarili at doble-doble ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng minamahal. Kung maibabalik nga lang niya ang lahat eh mas pipiliin na lang niyang hindi na kilalanin pa si Yda para sa ganon eh okay ang lahat. Maayos at masaya si Yda sa piling ng iba at hindi naman broken hearted si Night dahil sa kanya. Subalit, huli na ang lahat. Nangyari na ang mga nangyari at kahit anong gawin niyang pagmumukmok hindi na niya maibabalik ang kahapon lalong-lalo na ang buhay ni Yda.



"Bakit mo ba ginawa 'yun? Anong pumasok sa isip mo?" Tanong ni Kite sa kaibigan. Nakasandal ito sa isang mababang cabinet habang pinagmamasdan ang dalawang magkapatid-pero madalas, kay Stacy lang siya nakatitig.



Noon pa lang nakitaan na ni Kite ng kakaibang talino si Night. Hindi man katulad nung sa kapatid niyang matalino sa Science, Math at kung ano-ano pang academics-'yung kay Night ay iba. Nakikita ni Kite ang kaibigan na isang tactician. Marunong itong dumiskarte at magplano ng mga bagay-bagay. Marunong din itong mag-manipula ng mga tao. Kung kaya't hindi na nagtataka si Kite kung paano nagawa ni Night ang lahat ng iyon. Gusto na lamang niyang malaman kung bakit. Bakit sa ganoong paraan? Bakit kay Goddess Aphrodite pa siya humingi ng tulong kahit saksi siya sa mga nangyaring hindi maganda sa kapatid niya at sa matalik niyang kaibigan nang dahil sa deity na 'yun?



"I saw her being treated like shit, okay? I can't stand that. I want to give her the best because gods know she deserves it," sagot ni Night habang nakatingin sa kawalan. Saglit ding natigil si Stacy sa panggagamot. "Akala ko kaya kong ibigay 'yun lahat sa kanya akala ko pwede akong maging the best para sa kanya pero hindi. I only made it worse."


"You know that I have zero percent tolerance for stupidity, right? And what you did? It's the lowest form of stupidity I have ever encountered. Gods damn it Night! Everybody knows Goddess Aphrodite is batshit crazy, gods!" Hindi na nakayanan pa ni Stacy kung kaya'y dali-dali na itong nag-walk out. Nakahinga naman ng malalim si Night dahil sa wakas eh wala ng dadada sa kanya.



Susundan na sana ni Kite ang girlfriend nang biglang bumukas ang pinto niya't pumasok ang galit na galit na si Dani at biglang sinampal si Night ng sobrang lakas. Hindi nakagalaw si Kite sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Bagay nga talaga kay Dani ang pangalang 'Lightning'. Bakit pa niya pinapalitan 'yun?


Hindi na nagulat si Night sa dahilan. Nagulat lamang ito sa impact ng sampal sa kanya ng matalik na kaibigan.



"Thanks. I really needed one," pabiro pang sabi ni Night kay Dani. Nanatili namang seryoso ang expression ng kaibigan.


"What the fuck, Night? What the fuck?!" Nanggigigil na tanong ni Dani.



Katulad ni Stacy, tutol din si Dani sa pagtanggap ni Night ng tulong mula sa goddess na nagpahirap sa kanilang dalawa. Subalit hindi 'yun ang ikinakagalit ni Dani. Higit pa run ang dahilan.


Naiinis ito kay Night dahil hindi man lang nito sinabi sa kanya ang totoo. Nagsinungaling siya rito. Mahalaga kay Dani ang pagkakaibigan nila ni Night dahil simula pagkabata ay silang dalawa na ang magkasama at pakiramdam niya ay alam na niyang lahat ang tungkol kay Night kaya labis siyang nagulat nang malaman niyang tinanggap ng kaibigan ang offer na tulong ni Goddess Aphrodite.



"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Bakit ka nagsinungaling?" Tanong ni Dani sa kaibigan. Pinipilit nito ang sarili na manatiling kalmado pero napakahirap nung gawin para sa kanya lalo pa't nasa harapan na niya si Night.


"Hindi mo rin naman ako papayagan 'di ba?" Wika ni Night.


"Oo naman. Kasi kung sinabi mo nga sa akin at hindi kita pinayagan hindi mangyayari 'tong lahat! Okay pa sana lahat-lahat!" Sigaw nito sa kaibigan.


"I never lied to you," diretsong sabi ni Night habang nakatingin sa kaibigan. "Nung tinanong mo kung tinanggap ko ba, sinabi ko sa'yo 'yung totoo. Nung unang in-offer sa'kin ni Goddess Aphrodite 'yung tulong ni-reject ko 'yun. Pero nung araw na nakita ko si Yda na sobrang nasasaktan naisip kong kailangan ko 'yung tanggapin," maluha-luhang paliwanag ng binata.



Mas okay na sana kung tinuluyan siya ni Cato kanina para hindi na niya hinahanarap 'yung mga taong na-disappoint niya sa ginawa niyang desisyon. Si Kite, si Stacy, si Dani... lahat sila pare-parehong tingin ang ipinupukol sa kanya. Disappointment. Pero ano pa nga ba? Love makes you do things that you could never imagine. It's the master manipulator of all manipulators.



"I'm sorry," ang tangi na lamang nasabi ni Night sa kaibigan. Nawala na sa kanya si Yda at sa tingin niya hindi na niya kakayanin pa kung pati 'yung pagkakaibigan nila ni Dani ay tuluyan na ring masisira.



Dani felt so betrayed. Bukod dun, natapakan din ang ego niya. Kung sa kanya lang sana unang sinabi ni Night 'yung problema eh 'di sana nakaisip pa siya ng mas magandang paraan. Kaya niya namang tulungan si Night makuha si Yda 'di ba? Pero ano pa nga bang panama niya sa isang deity?



"I don't need that now," sagot ni Dani ukol sa pagsosorry ni Night sa kanya atyaka na siya nagwalk out sa living room at dumiretso sa kwarto ni Stacy.



Nanatili si Kite sa living room. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ni Night at tinapik ang kaliwang balikat nito. Hindi magaling mag-comfort si Kite pero ngayon na halos lahat na ata ng taong mahalaga kay Night eh tinalikuran siya, sa tingin niya ang pagupo niya lang sa tabi ng binata ay sapat na.



"Ano ng balak mo ngayon?" Tanong ni Kite sa kaibigan.


Umiling si Night at ngumiti ng mapait. "Bumalik sa ilalim ng dagat? Hindi ko alam. Masyado na siguro akong nagtagal dito. Oras na para umuwi."



*********



Umupo si Dani sa tabi ni Stacy sa kama nito. Ilang segundo silang hindi nagkibuan at pareho lang nakatingin sa bintanang nasa harapan nilang dalawa. Parehong nagiisip kung anong pwedeng sabihin para ma-break 'yung awkward silence na bumabalot sa kanilang dalawa. Hindi man palaging magkasundo ang mga ideya nilang dalawa, alam nila sa sarili nilang mahalaga ang isa't isa para sa kanila.



"Cherish, Irene, Herod at Hector," panimula ni Dani pagkatapos ay huminga ito ng maluwag. "Umuuwi pa ba 'yung apat na 'yun dito?" Tanong nito sa katabing demigod.


"'Pag minsan oo, kadalasan late. Maaga rin silang umaalis sa umaga kaya hindi ko na sila nakakausap," sagot naman ng dalaga. 'Yun pa ata ang kauna-unahang sagot niya kay Dani na hindi sass o sarcasm.


"Sumali raw sila sa Cheerdance?" Tanong muli ni Dani. Pinagmasdan niya si Stacy at sa ika-isang milyong pagkakataon nasabi niya sa sarili niyang mas maganda talaga siya kesa sa violet-haired girl na nasa tabi niya.


"Oo. Pinagpalit na tayo nung apat na 'yun sa mga ordinaryong taong nakakasalamuha nila," saad ni Stacy na may halong pagseselos sa tono ng pananalita.


"Gods, as if they're a match to us," napaka-arteng pagkakasabi ni Dani. Sa sobrang arte niya gusto na siyang ilublob ni Stacy sa kumukulong tubig. "Atyaka, pati si Herod?" Hindi makapaniwalang sabi ni Dani.


"Yep. As if namang may choice siya. Kung nasaan si Hector nandun din siya," wika ni Stacy.


"Anong gagawing stunt nun doon? Magta-tumbling sa panaginip niya?" Sabi ni Dani. Sabay na nagkatinginan ang dalawa atyaka sabay ring natawa. Pareho kasi nilang na-imagine si Herod at ang iba pa nilang mga kabarkada.



Muling natahimik ang dalawa. Bago para sa kanilang dalawa ang ganitong mga pangyayari. Kahit kailan eh hindi sila natahimik dalawa ng sila lang. Palaging bangayan at barahan. Ngayon, wala kahit alin man sa mga karaniwang ginagawa nila ang nangyayari.



"Sorry. Hindi ko na dapat ni-reto si Night kay Yda," mahina at halos pabulong na pagkakasabi ni Dani kay Stacy.


"Nah. Night is still gonna pursue her even without your help anyway," sagot ng babaeng anak ni Poseidon.



Natahimik ulit silang dalawa. Nanatiling nakatingin sa bintana. Nagiisip ng susunod na sasabihin sa isa't isa. Hanggang sa bigla silang makarinig ng isang boses na nakapagpatalon sa puso nilang dalawa dahil sa gulat. Pareho silang napatingin sa likuran nila at agad na napatayo.


Dressed in his armor, holding his helm-God of War is a very muscular god with a very fearsome face. Naisip ni Dani (at kating-kati nang i-share kay Stacy) na mukha pa lang ng deity na 'yun eh pwede ng pagsimulan ng war. Sobrang perpekto rin kasi nung mukha niya katulad ng ibang gods. 'Yung buhok niya parang buhok nung mga nasa military. As in mukha talagang strikto. Makikita mo rin kaagad 'yung pagkunot ng noo niya may magawa o may masabi ka lang na mali. Ang tindi rin nung hawak niya sa spear niya na baka kapag may nahulog ka lang at nairita siya eh pwede na niyang itarak 'yun sa'yo. Nakakatakot nga talaga siya. Ultimong 'yung cape niya kasing pula ng dugo. Naisip ulit ni Dani na baka ipinangpupunas niya 'yun sa dugo ng mga nakalaban niya kaya ganun kapula. Oo, hindi 'yun ang unang beses nilang makikita ang God of War pero iba kasi 'yung aura niya ngayon. Naka-full battle mode siya at 'yun ang hindi maintindihan ng dalawang demigods.



"Good news. I have a task for the two of you," sabi sa kanila ni Lord Ares. Napanganga naman ang dalawa at sandaling natulala.


"How exactly is that a good news?" Hindi napigilang sambit ni Stacy. Agad naman siyang siniko ni Dani.


"Find Calamity, bring her to me and I'll give you the price that you deserve," walang paligoy-ligoy na sabi sa kanila ng deity. Seryosong-seryoso ito at halatang walang panahon makipagbiruan.


"Why does everyone only care about what people deserve? Why can't they, for once, think about the wants?" Hindi ulit napigilang giit ni Stacy. Siniko ulit siya ni Dani at mas nilakasan na niya ito ngayon.


"Bakit kami?" Natanong na lamang ni Dani. Kapatid ni Dani si Lord Ares pero kahit kailan eh hindi niya pinangarap makipag-close sa kanya. Una, dahil kabit siya ng pinaka-kinamumuhian niyang deity. Pangalawa, nakakatakot lang talaga siya.


"You know what? The demigods we had back in the days don't question anything. They just do our shits," medyo naiirita ng pagkakasabi ng deity.


"Well not in this era," confident na confident na pagkakasabi ni Stacy.


"You are daughters of the two greatest gods. So why not you?" Pagbabalik ni Lord Ares sa tanong kay Dani at bahagyang ngumisi.



Napaisip ang dalawa. Hindi nila gustong makisali sa gulo ng mga gods lalo na kung away ng godly couple na Aphrodite x Ares pero ayaw rin naman nilang i-turn down ang offer ng deity na nasa harapan nila ngayon dahil sa takot na bigla na lang silang tuhugin nito gamit ang spear na hawak niya at i-barbecue sila. Atyaka medyo natutukso rin sila run sa makukuha nila pagkatapos nilang magawa 'yung task.


Nagkatinginan ang dalawang demigods. Hindi nila inaasahang sa tinginan lang ng mga mata nila eh magkakaintindihan na silang dalawa. Ano 'to best friends na kaagad sila?



"Paano kung tinatago siya ni Goddess Aphrodite?" Tanong ni Dani na mabilis namang sinang-ayunan ni Stacy sa pamamagitan ng pagtango.


"My wife might be batshit crazy," panimula ni Lord Ares sabay tingin kay Stacy nang sabihin nito 'yung 'batshit crazy'. Napalunok naman ang dalaga doon. "But she pays her debt especially to me," sagot nito.


"Wife? Kelan kayo nagpakasal?" Hindi naman napigilang tanong ni Dani. Sa pagkakataong 'yun eh si Stacy na ang sumiko sa kasama.


"Anong gagawin mo kay Calamity 'pag nabigay na namin siya sa'yo?" Seryosong tanong ni Stacy.


Pakunwari namang nagisip ang God of War na si Ares. "I could really use a serpent as a pet these days." Natawa naman ang dalawang demigods habang napangisi naman si Lord Ares. Pareho nilang napansin 'yun kaya mabilis silang nagtinginan dalawa. Para silang high schoolers na karapan 'yung crush nilang dalawa.



Nagpaalam na si Lord Ares sa kanilang dalawa. Nang sigurado na silang wala na sa silid ang deity eh tyaka lang nila ipinahayag sa isa't isa ang kilig na nararamdaman nila. Nagtatalon sila't hindi mapigil ang ngiti sa kanilang dalawa.



"Akala ko maka-Lord Apollo ka?" Tanong ni Stacy.


"Ikaw rin naman dati ah!" Sagot naman sa kanya ni Dani. Nagtawanan ang dalawa habang sinasariwa 'yung nakita nilang ngiti mula kay Lord Ares.


"Alam mo sa tingin ko mas lalo na tayong pagiinitan ni Goddess Aphrodite ngayon," pahayag ni Stacy. Patuloy na nagtawanan ang dalawa.



*********



Nang mapagod na silang dalawa eh saglit silang humiga sa kama at nagisip. Naalala nila ang tunay na dahilan kung bakit sila binisita ng war god. Magiisip na sana sila ng plano nang maalala nilang hindi pa nila alam kung nasaan 'yung bruhang anak ng Goddess of Love. Naisip naman kaagad ni Stacy na humingi ng tulong sa boyfriend nitong si Kite bilang siya naman ang anak ng God of the Winds na si Aiolos. Lumipad si Kite para hanapin ang lokasyon ni Calamity at pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay bumalik ito dala-dala ang impormasyong kailangan nila. Nagpumilit sumama si Kite sa misyon nilang dalawa pero ipinaliwanag ni Stacy na sa kanilang dalawa lang ini-atas ang task na 'yun at sinigurado kay Kite na kayang-kaya na nilang dalawa ni Dani ang trabaho. Sa huli, napapayag din nila si Kite. Ipinahiram nito ang kotse nito sa kanilang dalawa.



"Hindi ka ba magpapaalam kay Neon?" Tanong ni Stacy kay Dani.


"Ayoko nang dagdagan problema ni Neon. Alam kong nagmumukmok pa rin siya dahil kay Yda. Maski nga ako ayaw muna niyang makita eh," paliwanag naman ng dalaga. Tumango-tango na lamang si Stacy habang nagmamaneho. "Marunong ka pa lang magdrive? Kelan pa?"


"Matagal na. Gods Dani, do you even learn anything? I'm a genius," buong pagmamalaki ni Stacy sa kaibigan. Napa-irap na lamang si Dani sa kanya at nag-concentrate sa pagtingin sa mga nadadaanan nila.



Sa kabilang bayan pa 'yung kinaroroonan ni Calamity at mahigit isang oras ang byahe patungo roon. Ayon kasi kay Kite, sa kadulu-duluhan pa ng kabilang bayan 'yung tinutuluyan ni Calamity. Hindi na nagtaka sina Dani. Kung ikaw ba naman makapatay ng tao, syempre pipiliin mo talagang pagtaguan 'yung lugar na hindi ka mahahanap. Ang hindi nga lang naisip ni Calamity, demigods sila at ang mga demigods advance sa lahat ng bagay.


Nakatulog si Dani sa sasakyan kaya nung makarating na sila ay ginising siya ni Stacy. Bumaba sila sa tapat ng isang abandonadong orphanage. Napatigil sila sa tapat ng pintuan at pinakiramdaman kung may tao sa loob. Narinig nila ang pagkalampag ng mga pinggan dahilan para makumpirma nilang may tao nga sa loob.



"What are the odds that she's not holding her infamous knife?" Tanong ni Stacy kay Dani.


"Hopefully very high."



Mabilis na nabuksan ng dalawa ang pinto dahil hindi naman ito naka-lock. Hindi siguro inaasahan ni Calamity ang bisita dahil bukod sa abandonado ang tinitirahan niya, malayo pa sa kabihasnan ang lupang kinatitirikan nito.


Nakapasok na sa loob ang dalawa. Sinalubong agad sila ng mga crib na nakaayos magkabilaan. Medyo madilim ang buong paligid dahil halos malapit ng mapundi ang ilaw sa buong bahay. Nang dahil doon, kinabahan ang dalawa habang dahan-dahang naglalakad sa gitna. Idagdag pa ang mga pader at sahig ng buong paligid na kung noon ay puti ngayon ay nangitim-ngitim na sa dumi.


Sa hulihan ay may isang pinto na kung hindi nagkakamali si Stacy ay patungo sa kusinang kinaroroonan ngayon ni Calamity. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Confident si Dani na matatapos nila kaagad ng walang kahirap-hirap ang task na ito, because let's face it, Dani and Stacy-it's like Zeus and Poseidon together. Laban kay Calamity na anak lang ng isang coward goddess? Sigurado na ang panalo nila.


Biglang nadako ang atensyon ni Dani sa isang crib na may nakalagay na isang helm. Isang helm na halos katulad nung kay Lord Ares pero mas maliit. Parang helm na pang-baby. Kinuha 'yun ni Dani at sinuri. May nakita siyang pangalan sa likod nun. Άρης - Ares written in Greek.



"Halika na!" Pabulong na sigaw ni Stacy sa kanya. Nagulat si Dani kung kaya'y nabitawan niya ang helm sanhi para lumikha ito ng ingay. Hinila kaagad siya ni Stacy papunta sa isang comfort room sa isang sulok.


"Stace..." hindi pa rin makapaniwalang sambit ni Dani.


"May plano tayo 'di ba?" Tanong ni Stacy pero hindi na niya hinintay pang makasagot ang kasama. "May problema. Itong lugar na 'to? Itong bayan na 'to? Gods Dani, it's barren! No water at all! Kung magsu-summon ako ng tubig matatagalan pa bago makarating dito," mahinang paliwanag ni Stacy sa kanya. Unti-unti namang nabalik sa realidad si Dani.


"Basta magsummon ka. Kailangan ko lang siyang mahawakan tapos magiging okay na 'di ba?" Sabi ni Dani sa kanya. Tumango si Stacy.



Narinig nila ang mga foot steps ni Calamity. Paikot-ikot siya sa labas at para bang hinahanap sila.



"Nahanap niyo na pala 'tong lugar na 'to," sambit ni Calamity habang nakangisi. Hawak-hawak nito ang helm na nalaglag kanina ni Dani. Iniikot-ikot niya ito sa kamay niya habang palakad-lakad. "Gusto niyo bang malaman kung anong meron sa helm na 'to?" Tanong ni Calamity. Nagkatinginan naman sina Stacy at Dani sa silid. "This is a helm from the God of War himself. Lahat ng gods nagbibigay ng mga-I don't know, you can call it souvenirs-sa mga newborn demigods nila bago nila iwanan 'yung mga baby na 'yun dito," kwento ni Calamity. Napahinto siya sa tapat ng isang crib habang tinititigan ito at sinasariwa ang nakaraan. "'Yung may ari ng helm? Ayaw niyang maging demigod. Hindi niya pinangarap maging demigod kaya iniwan niya 'to rito," rinig na rinig nila Dani at Stacy ang bakas ng pagkalungkot sa boses ni Calamity. Mas lalo tuloy silang naging curious sa kung kanino ba talaga 'yung helm. Bagamat may ideya si Dani, minabuti na lamang niyang manahimik at hintayin ang mga susunod na sasabihin ni Calamity. "Cato owned this helm. Magkasama kami rito sa orphanage na 'to kasama nung ibang mga demigods. Lahat sila nagmamadaling makaalis sa lugar na 'to, lalong-lalo na si Cato."



Sandaling natahimik ang buong paligid. Nagkatinginan sina Dani at Stacy. Pareho nilang pinapakiramdaman si Calamity pero wala silang marinig na kahit ano. Mas lalong kinabahan ang dalawa. Oo, iisa lang 'yung kailangan nilang harapin pero bakit ganito sila kung kabahan? Idagdag mo pa ang impormasyong isang Aphrodite spawn 'yung kakalabanin nila, anong dapat ikatakot? Simple lang, kayang pumatay ni Calamity ng walang kahit ano mang iniintindi. It's not the ability that drives you crazy-it's the will.


Nanatiling handa sina Dani at Stacy sa gilid ng pintuan ng comfort room. Una si Stacy, sunod naman si Dani sa linya. Ilang sandali pa ay naramdaman nila ang paulit-ulit na pagpupumilit ni Calamity na buksan ang pinto ng silid na kinaroroonan nila. Hinila-hila ang door knob, pinagtatadyakan at pinagsasaksak ang mismong pinto-lahat.



"Shit. She has her knife," kalmadong pagkakasabi ni Stacy pero patuloy ang pagpapawis ng buong katawan nito dahil sa nerbyos. Sa ganitong mga pagkakataon, walang magagawa ang 'silver tongue' niya. Hindi niya magagamit ang talino niya. Close-minded si Calamity at hindi nadadala sa mga pakiusap-'yun ang tanda ni Stacy.



Saglit na nataranta ang dalawa ng biglang bumukas ang pinto at makita si Calamity hawak-hawak ang kutsilyo niya. Inilibot ng dalaga ang mga mata nito sa buong kwarto. Bumuhos naman ang mga panalangin nina Dani at Stacy habang natatakpan sila ng pinto nang bumukas ito. Para bang nagpapalakasan ng tibok ang puso nilang dalawa habang hinihintay si Calamity na matagpuan sila.


Hindi na nakapagtimpi pa si Stacy. Mas lalo lang siyang pinapatay ng paghihintay. Hindi niya kayang manahimik na lamang dun habang sumisigaw sa loob niya ang matinding takot. Kailangan niya ng umaksyon.


Sumugod si Stacy. Nagulat si Calamity kung kaya't nagkaroon ng tyansa si Stacy na mahawakan ang kamay ni Calamity na may hawak na kutsilyo. 'Yun ang nabuong plano ni Stacy sa utak niya. Kailangan lang niyang makuha o mailayo sa dalaga ang kutsilyo at ang lahat ay aayon na sa kanilang dalawa ni Dani.


Nagpaikot-ikot ang dalawa. Si Calamity na pilit inaalis ang dalawang kamay ni Stacy na nakakabit sa kanya at si Stacy naman na pilit binubuksan 'yung kamay na 'yun para makuha niya ang kutsilyo o maihulog man lang at masipa papalayo.



"Dani!" Sigaw ni Stacy kay Dani. Sigaw na nangangahulugang kailangan niya ng gumalaw at tulungan siya. Sa sobrang bilis kasi ng mga pangyayari ay sandaling natulala si Dani. Nang sigawan siya ni Stacy dali-dali siyang pumunta sa gilid ni Calamity at inihanda na ang kamay niya para mahawakan ito nang bigla siyang sipain ni Calamity sa tyan. Ito ang hindi alam ng dalawang demigod-hindi nila alam na magaling ding makipagbuno si Calamity, meron o wala man siyang gamit na armas.



Tumilapon si Dani dahil sa lakas ng pagkakasipa sa kanya. Ngayon lang siya nakaramdaman ng ganun katinding sakit kung kaya'y labis-labis ang pagkabigla niya. Hindi niya maintindihan kung paanong ganoon kalakas si Calamity. Anak lang siya ng isang Love Goddess 'di ba?


Nakakita naman ng pagkakataon si Stacy nang maramdaman niyang lumuwag ang hawak ni Calamity sa kamay niya at sa kutsilyo noong sinipa nito si Dani. Kinagat ni Stacy ang kamay ni Calamity na nakahawak sa kutsilyo dahilan para mabitawan niya ito.. Sa unang pagtama pa lang ng kutsilyo sa sahig ay agad-agad na itong sinipa ni Stacy papalayo sa may-ari nito. Napunta ang kutsilyo sa silong ng lumang bathtub. Mangingiti na sana si Stacy nang bigla siyang i-headbat ni Calamity gamit ang sarili nitong ulo. Napabitaw at napalayo siya roon dahil sa sakit. Wala sa control dahil sa sakit si Stacy kung kaya'y madali siyang nasipa sa kanang bahagi ng tadyang ni Calamity.



"Without your powers you two are nothing," pahayag pa ni Calamity sabay pulot ng may hindi kahabaang metal na tubo. Hindi nagsalita si Stacy kahit nakikita na niyang nakatayo sa likuran si Dani. Nagkatinginan silang dalawa saglit pero hindi na nagpahalata pa si Stacy at ibinaling na ang atensyon sa kalabang papalapit na sa kanya. Patuloy pa rin ang pag-summon niya ng tubig habang hinihintay ang magiging kapalaran niya.



Papalapit na si Calamity para hampasin ng tubo si Stacy nang biglang ibato ni Dani 'yung helm na hawak-hawak kanina ng dalaga. Sakto naman iyong tumama sa likod ng ulo ni Calamity. Maliit man 'yun, metal pa rin 'yun at maaring kasing tigas ng metal na nasa armor ng God of War. Halatang nasaktan si Calamity. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Stacy para sigawan si Dani.



"Hold the metal with your two hands!" Sigaw nito kay Dani.



Hindi alam ni Dani kung bakit 'yun pinapagawa sa kanya ni Stacy pero hindi na siya nagisip pa't inatake ang metal na tubo na hawak-hawak ni Calamity. Iiiwas sana niya 'yun pero huli na ang lahat. Nahawakan na ni Dani ang tubo at sumisigaw na sa sobrang sakit ngayon si Calamity.


Alam ni Stacy na electric conductor ang metal na tubong hawak ni Calamity kung kaya't ipinahawak niya 'yun kay Dani na siya namang pinagmumulan ng kuryente.


Napabitaw si Calamity at napaatras ng dalawang beses. Hindi na nito nagawa ang pangatlong atras dahil bigla na lamang bumulwak sa sa pinto ang tone-toneladang tubig. Animo'y kulungang nakapaligid kay Calamity ang tubig na na-summon ni Stacy. Hindi makatakas dahil sa dami ng tubig na nakapaligid sa kanya ang mga sigaw nito. Sinusubukan nitong umahon subalit mas mataas na sa kanya ang tubig. Kinontrol ni Stacy ang tubig na 'yun at gumawa ng isang bilog na kulungan. Para bang fish tank pero walang salamin. Nagkatinginan muli sina Dani at Stacy. Tinanguan ni Stacy si Dani. Hindi maintindihan ni Dani kung paano pero nagkaintindihan sila. Nilapitan ni Dani ang tubig at hinawakan 'yun. Nakuryente si Calamity at tuluyan nang nawalan ng malay. Doon lamang inalis ni Stacy ang tubig na nakapaligid sa kanya at inilipat sa kalapit na bathtub.



"Did we kill her?" Tanong ni Stacy habang tinitignan ang nakahandusay at walang malay na kalaban.


"Nah," sagot naman ni Dani. Napatingin sa kanya si Stacy. "Low voltage," pabiro pang hirit ni Dani sabay pakita ng mga kamay niya. Natawa naman si Stacy at nakipag-appear sa nakalahad ng mga palad ni Dani.



Nasa kasagsagan ng pagpapahinga sina Dani at Stacy nang biglang naglakad papunta sa loob ng silid si Lord Ares. Hindi gaya kanina, naka-suot na lamang ito ng white shirt at pantalon na parang ganoon sa mga nasa military at naka-combat boots. Para itong commander ng isang hukbo at sa unang dating pa lang niya napatayo kaagad ang dalawang demigods na para bang nahuli silang nagpapahinga ng commander nila. Ganoon pa man, hindi pa rin nila naitago ang pagkakilig nang makita nila si Lord Ares.



"Good job, girls. I guess I'll see you tomorrow for your personal fighting training with me," sabi ng deity.



Natulala sina Dani at Stacy dahil sa pagiisip kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Lord Ares. Dahil doon ay hindi na nila napansin ang pagalis nito dala-dala si Calamity.



"Personal training with him?" Tanong ni Stacy.


"'Yun ang... price natin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dani.



Nagkatinginan ang dalawa at sabay na sumilay ang ngiti sa kanilang dalawa hanggang sa nagtuloy-tuloy na sa pagtawa.



"Omgs! We should do this more often together! I mean, pwede tayong tumanggap ng mga task galing sa mga deities tapos bibigyan nila tayo ng price!" Excited na pagkakasabi ni Dani. Kasalukuyan na silang naglalakad papalabas ng lugar.


"Gods, I could get tips from Lord Apollo to improve my dietary supplement," wika naman ni Stacy.


"And I could get a new pair of shoes with wings from Lord Hermes," saad naman ni Dani habang nagwo-wonder.



Nagtawanan ang dalawa pabalik sa kotse. Sa daan ay pinagusapan pa nila kung anong pwede nilang hingiin bilang price sa mga iba't ibang gods pagkatapos ng mga tasks na ipapagawa sa kanila.



*********



;; m e a n w h i l e ;;



Tahimik ang buong paligid sa loob ng Haima maliban lamang sa tunog na nililikha ng pagtama ng mga kamao ni Cato sa punching bag niya.


Ilang araw ng sarado ang Haima kung kaya'y ilang araw na rin siyang walang nakakalabang tao. Gustuhin man ni Cato na may magulpi at mapagbuntunan ng galit, hindi pa siya handa para makakita ng kahit sinong tao sa ngayon. Hindi pa siya handang makipagusap at makisalamuha sa iba.


Mas lalong tumindi ang suntok na binibitawan ni Cato nang mapalitan ang punching bag na nasa harapan niya. Nag-transform 'yun at naging si Lord Ares. Walang kung anong gulat ang naramdaman ni Cato nang makita ang ama. Mas lalo lamang siyang nagalit lalo pa't parang wala lang sa ama niya ang mga suntok na natatamo mula sa anak. Steady lamang itong nakatayo habang sinasalo ang bawat pagtama ng mga kamao nito sa kanya.



"So are you going to be like this forever?" Tanong ng ama nito sa kanya. Hindi sumagot si Cato at nagpatuloy lang sa pagsuntok. "Why don't you just go and find someone else?" Tanong nito sa anak. Kahit sinusuntok na siya sa mukha at sa kung ano-anong parte ng katawan ay tila ba hangin lang 'yun kung ituring niya.



Tumigil sa pagsuntok si Cato. Galit na galit siya sa mundo ngayon at hindi nakakatulong ang panggugulo sa kanya ng ama niya. Kumuha siya ng isa pang punching bag at isinabit iyon. Doon siya nagpatuloy sa pagsuntok.



"There's a way," tukso sa kanya ng ama niya. Napahinto sa pagsuntok si Cato pero hindi pa rin ito lumingon kay Lord Ares. "If Orpheus who was not as brave as you almost saved his love by just playing a song in front of Hades then imagine what else can you do to woo him. You, the son of Ares," sabi nito sa kanya. Naalala naman kaagad ni Cato ang kwento ni Orpheus at ang muntikan na nitong pagkakasalba sa namatay niyang asawa na si Eurydice.



Hindi maitatangging maganda ang ipinapahiwatig ni Lord Ares. Naging interesado kaagad si Cato nung una pa lamang niyang marinig na may paraan. Tanging pride na lamang nito ang pumipigil sa kanya para itanong kung paano maisasakatuparan 'yun.


Pero mahal ni Cato si Yda. Sobra-sobra dahilan para lunukin niya ang pride niya at lumingon sa ama nito. Gagawin lahat-lahat ni Cato para maibalik si Yda. Kahit pa humingi ang tumanggap siya ng tulong galing sa pinaka-kinamumuhian niyang deity.



"So tell me, what can an Ares spawn do to please the God of the Underworld?" Tanong ni Cato kay Lord Ares. Napangisi naman ang God of War at inilahad sa anak ang kanyang ideya.

Continue Reading

You'll Also Like

20.9M 766K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
39.2K 3.1K 21
UNDER REVISION | "With the sleep of the sun, the carnage has begun. . ." Maviel Chione von Heinrich was a herald of madness and enigma. An eternal wa...
55.6K 5.3K 48
Neverwoods never die... "Entertain me, human!" Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader...
4.1K 2 1
(PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) In the year 5021, the President changed civilization to Domnu and there was no escape. People there were divided into thr...