Our Yesterday's Escape (Unive...

By 4reuminct

43.3M 1.6M 4.2M

UNIVERSITY SERIES #6 Past experiences. Broken hearts. Present tragedy. Those are the things Kierra Ynares fro... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
41
42
43
44
45
EPILOGUE
Last Author's Note

40

694K 26.6K 73K
By 4reuminct


KIERRA


"That's everything. I'm sorry for all the pain I have caused you before..." 


Hindi ko napansing umiiyak na pala siya. Pinunasan niya kaagad ang luha niya gamit ang likod nang kamay at natawa sa sarili, iniisip na mukha na siyang siraulo at umiiyak pa siya sa ganoon... pero hindi ko naman iniisip 'yon tungkol sa kaniya.


"I'm really really sorry for everything I said before. I'm sorry that we ended up like this. This is not the future I imagined us to have years ago." 


Natawa rin ako roon at sinandal ang ulo ko sa pader, nakatingala nang kaunti habang ang kamay ay nagpapahinga sa isang tuhod kong nakataas. 


"I'm sorry," mahinang sabi ko. 


Mukhang nagulat pa siya roon dahil nakita ko sa gilid kong napatingin siya sa akin. "For what?" 


"Nakaka-guilty rin pala magsungit at magtaray... and I also said a lot of shit behind your back all those years. Inaamin ko 'yon." Natawa lang siya sa sinabi ko. "I mean... Seryoso ako. For everything. You were also having a hard time. I said a lot of things before..."


"You do not have to say sorry, Kierra." Narinig ko ulit ang maikling tawa niya. "I deserve the hatred." 


"I was mad, Shan... Mad... But hatred? No... I knew inside me that I was not filled with hatred." 


Natahimik ulit kaming dalawa, parehong nag-iisip. I was thinking... What now? After knowing everything, ano nang gagawin ko? Teka... Bakit may kailangan akong gawin? 


May pinagsamahan naman kami. Hindi ko naman iniisip na magkabalikan kami. Maybe I should stop avoiding him now... and start treating him like a normal person. Pinanghahawakan ko lang talaga noon ang galit ko. May kaunti pa ring galit sa loob ko pero hindi naman katindi ng dati. 


Maybe I was stuck in the past because of that anger... pero hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko dahil iniwan niya ako. Sinaktan niya ako. Nasaktan pa rin ako sa nangyari kahit nalaman ko na ang totoo. 


"Ke, I'm not asking for us to get back together but... If you want to be friends with me, that would be great too..." nagsalita siya. 


Friends sounded funny coming from his mouth. Pwede ba talaga 'yon kahit may past relationship kami? Pero past naman na 'yon. Okay lang talaga sa kaniya 'yon? 


"Wala naman akong... problema roon." Maybe not close friends, just casual friends or neighbors. Hindi ko naman siya kailangan kausapin o samahan sa kahit ano. Kapag nagkikita kami, simpleng batian lang, ganoon. I wasn't planning to be super friends with him because that would be so awkward for both of us. 


"Do you want to learn how to make coffee?" biglang tanong niya. "I miss making coffee..."


"Tuturuan mo ba ako?" Tumaas ang kilay ko. Gusto ko talagang matuto gumawa ng kape, or kahit anong drink na ginagawa niya. "Sakura drink kaya?"


"Fine... I'll teach you how to do that. When are you free?" he smoothly asked. 


"Weekends lang. I'm a busy woman," pagyayabang ko at ngumisi pa. "Come on. Late na. Aabutin na tayo ng araw rito." 


Tumayo ako at pinagpagan ang suot ko. Tumayo rin siya at nag-inat ng braso, sunod ang binti. Tumatanda na talaga siya, huh. Sumakit pa yata ang likod niya at minasahe niya ang balikat niya. 


Pagod na pagod yata siya ngayong araw. Hindi ko alam kung natutulog pa ba siya sa dami ng ginagawa niya. Nakita ko sa condo niya na marami pa siyang box na binabasa roon. Hindi ko kaya 'yong ganoon. Magbasa nang magbasa. Baka masiraan lang ako! Buti okay pa siya. 


Ang sabi niya ay mauna na raw ako at maiiwan muna siya roon para mag-isip. Nakatulog kaagad ako nang mahiga sa kama dahil siguro sa sobrang pagod na rin kakaiyak... pero nawala na 'yong bigat sa dibdib ko. Nawala na 'yong mga iniisip ko gabi-gabi... 'yong mga katanungang walang sagot noon. 


I woke up the next day, not remembering my dream. It wasn't a nightmare. I couldn't remember. I was just glad that I couldn't remember... or maybe I didn't dream at all. Mas okay na 'yon kaysa gumising na parang hinahabol ako. 


When the weekend came, I woke up early to go to the gym. Nagkasabay pa kami ni Shan sa may elevator. It looked like he will go for a run dahil sa outfit niya. 


"Do you want to go to my place later?" he casually asked, not looking at me. Magkatabi lang kami sa may likod ng elevator. 


"For what?" Kumunot ang noo ko. 


"I'll teach you how to make drinks," pagpapaliwanag niya kaagad. Muntik ko nang makalimutan 'yon! Akala ko naman kung ano at magagalit sana ako! 


"Okay, sige... Pagkatapos ko sa gym." 


Awkward akong nagpaalam sa kaniya nang bumaba na ako sa elevator at naiwan siya roon. Sa ibang gym kasi ako magpupunta at siya naman, mukhang tatakbo sa labas. 'Yong nasa isip ko habang nagwo-work out ay 'yong ganap pagkatapos. Naiilang ako sa bago naming set-up! Hindi ako sanay! 


"Grabe, dapat pala pinagpatuloy ko na lang na iwasan siya," bulong ko sa sarili ko. "Mas okay pa 'yon kaysa sa ganito. Ang awkward..." Para akong tangang kinakausap ang sarili ko. 


Tumawag si Sam sa kalagitnaan ng worries ko at in-inform akong dadating na ang wedding invitation niya. Nagulat pa ako dahil akala ko hindi pa sila nagsisimulang magplano para roon. 


Pagkabalik ko sa condo ay nag-shower kaagad ako at binuksan ang wedding invitation niya. Kinuha ko iyon sa mail box. It looked so elegant, kahit sa labas pa lang. 


"Paris?!" sigaw ko at nabitawan pa ang wedding invitation sa gulat. Iyong location kaagad ang nabasa ko!


Naghalungkat kaagad ako sa cabinet para hanapin ang passport ko. VISA! Kailangan ko ng VISA! Nakahinga ako nang maluwag nang makitang matagal pa naman pala ang kasal kaya may oras pa para mag-apply ng VISA.


"What?! Sagot niya ang expenses!" Nahulog lalo ang panga ko. Grabe naman 'to! Pero ang isa ko pang pinroblema ay ang leave ko sa work. Mabuti na lang at five days lang daw kami roon. Kasama ang weekend kaya three days na lang ang leave ko. 


They wanted a small wedding with only their closest loved ones kaya ine-expect kong kaunti lang talaga kami. Masakit din 'yon sa bulsa, 'no! Kahit sabihin ko pang si Samantha Vera at Clyden Ramirez naman 'yan... Masakit pa rin talaga sa bulsa kung marami!


Nag-video call kaagad kaming girls dahil mukhang sabay-sabay namin na-receive ang wedding invitation. 


"Grabe, hindi ka papakabog, ha! Paris, France!" pang-aasar kaagad ni Luna kay Sam. 


"I finally have a reason to go to Paris!" sabi rin ni Eli. "I'm so excited!" 


"I just thought of it and Clyden was like... Why not? Then it happened! Grabe, sobrang stressful pala ng pagpa-plan! Good thing I have a lot of people helping me!" sabi ni Sam sa amin, nakadapa pa sa kama. "I'll take care of your VISAs! I just need the requirements." 


"Kailan ang bachelorette?" tanong kaagad ni Yanna.


"'Yan talaga ang pinakauna, huh?" Napailing si Via. 


"So... Kailan nga?" ulit ko. "Tsaka saan? Itapat n'yo sa weekend, please lang," pagmamakaawa ko na. Ang dami ko pang tatapusin sa trabaho. 


"I don't have a bachelorette party, eh... Sa France na lang tayo mag-celebrate. But I have a bridal shower!" excited na sabi niya. "And yes, Sunday siya so don't worry, working girls!" 


Nakahinga ako nang maluwag doon. Nag-discuss pa kami ng mga fitting for the gown. Hindi ulit sumali si Luna para maging bridesmaid, ganoon din si Eli. Sobrang daming friends pa ni Sam kaya mahaba pa ang listahan para sa bridesmaids. Hindi ko nga lang alam kung sasama sila dahil small wedding lang daw ang gusto niya.


Pagkatapos ng call ay lumabas na ako ng condo at kumatok sa unit ni Shan para lang tingnan kung nakabalik na siya. Hindi ko alam kung bakit inayos ko pa ang buhok at suot ko habang naghihintay. Tiningnan ko kung okay ba ang hitsura ko at kung presentable ako. 


Nagulat tuloy ako nang biglang bumukas ang pintuan dahil nagsasalamin pa ako sa phone ko. Awkward akong napangiti nang makita ko si Shan na nakatingin sa akin. 


"Hello," sabay naming bati. Napaiwas kaagad ako ng tingin. Matagal akong nakatayo roon dahil hindi namin alam ang sasabihin sa isa't isa. Mas sanay akong inaaway ko siya kaysa ganito! 


"Come in. I'm just preparing the ingredients." He opened the door wider so I can go inside. Dahan-dahan akong naglakad papasok hanggang sa isara na niya ulit ang pinto. 


Nagmamadali siyang pumunta sa may kusina, naka-apron pa at inaayos ang mga kailangan para sa drink. Nakita kong may strawberries kaya alam ko na kung anong drink ang uunahin namin. Umupo ako sa mataas na upuan at pinanood lang siyang mag-abala roon. 


"Invited ka sa kasal ni Sam?" Kakatanong ko pa lang noon ay nakita ko na ang envelope sa may gilid ng lamesa. Nabuksan na 'yon kaya alam kong nabasa na niya. "Ito na pala... Pupunta ka?"


"I'm still checking my schedule," sabi niya habang nakatalikod, naghihiwa ng strawberries. 


Tumayo ako para tingnan ang ginagawa niya. Sumandal ako sa may countertop katabi niya at pinagkrus ang braso ko sa dibdib habang pinapanood siya. Mukhang nailang siya at bumagal bigla ang kilos. 


"Okay, it's ready," sabi niya bigla at pumunta sa kabilang table para ilagay roon ang ingredients. Lumapit ulit ako at pinaliwanag naman niya kung ilang takal ng ganito, ng ganyan. Hindi ko masundan ang sinasabi niya kaya tinype ko na lang sa phone ko lahat. Hindi ko naman matatandaan, eh. 


Inabot niya sa akin ang isa pang apron na katulad ng sa kaniya. "This syrup is the secret ingredient here. It's the most important for the overall taste." Pinakita niya sa akin ang jar.


Hinayaan niya akong ilagay sa blender ang ibang ingredients at pinaalalahanan niya pa ako na importante rin daw kung gaano katagal ko ibe-blend. Mukhang seryosong-seryoso siya habang tinuturuan ako kaya hindi ako makapagbiro. 


"Then you pour it in a glass, add the syrup..." Mali yata ang ginawa ko dahil pumunta kaagad siya sa akin at hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. 


Natigilan kaming dalawa at nagkatinginan. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya pero umiwas din ako ng tingin nang igalaw niya ang kamay ko at dahan-dahang nilagay ang syrup paikot. 


"Put the ice," mahinang sabi niya. 


Nilagay ko kaagad ang ice cubes, then I used a straw to stir it. Pina-design niya pa sa akin ang taas using some cherries and sliced strawberries. May edible flower din siyang nilagay sa taas to complete the look, and it was done!


"Taste your work." Inabot niya sa akin ang baso at sumimsim naman ako sa glass straw. 


"Wow..." Amazed na sabi ko. "Ang galing ko! Nagawa ko siya! Ang sarap! Mas masarap pa 'to sa gawa mo!" pagyayabang ko.


Inabot ko sa kaniya ang baso para siya naman ang tumikim. Sumimsim rin siya sa straw at tinikman. Tumingin pa siya sa taas, tila nag-iisip kung pasok na ba sa panlasa niya 'yon. 


"Too sweet, but it depends on who will drink it. Good job!" nakangiting sabi niya sa akin. 


Tuwang-tuwa ako habang iniinom 'yon. Umupo pa ako sa mataas na upuan habang hinahanda niya ang susunod na gagawin. Kape na 'ata 'yon. Nilinis niya ang lamesa at naging abala ulit sa paghugas at pagkuha ng mga basong gagamitin. 


Naubos ko kaagad ang drink bago pa kami magsimula sa kapeng ituturo niya sa akin. It was a mocha frappuccino. 


"Hmm... Ano 'to?" tanong ko at tinaas ang nasa cup. "Tsaka 'to? Tsaka 'to?" sunod-sunod na tanong ko at tinuro ang mga nasa table. 


"I will explain." I giggled when he looked so serious. Kumunot ang noo niya at lumingon sa akin, nagtataka kung bakit ako natatawa. 


It was fun learning how to make the drink. Ang messy ko lang talaga gumawa at panay punas siya ng table, ayaw sa kalat. Noong maglalagay na ako ng whipped cream, lumagpas pa sa baso. I kept on laughing kaya kumuha siya ng whipped cream gamit ang daliri niya at nilagay niya sa tungki ng ilong ko.


"Hey!" sigaw ko, hindi alam kung paano pupunasan dahil marumi rin ang kamay ko. Kinuha ko ang natirang whipped cream at pinunas sa buong pisngi niya, saka ako tumawa. Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan siya ng litrato habang masama ang tingin niya sa akin. 


"Ang kalat mo," sabi niya sa akin pero natatawa rin. Kinuhanan niya pa ako ng picture at pinisil nang marahan ang panga ko gamit ang isang kamay para mapilitan akong humarap sa camera. "Smile!"


I scrunched my nose and sarcastically smiled. Napangiti siya sa resulta ng picture na 'yon. Tinapos ko mag-isa 'yong paglagay ng whipped cream matapos punasan ang mukha ko. Naparami nga lang ang nalagay ko. 


"Ta-da!" proud na sabi ko. "Tikman mo na ang gawa ko!" 


Tinikman niya ulit gamit ang straw at napatango-tango. "You're doing good," pag-agree niya at sumimsim ulit. 


"Hoy, huwag mong ubusin!" Inagaw ko kaagad ang baso kaya muntik na niyang madura iyong nasa bibig niya dahil umiinom pa siya. Tumawa ulit ako at uminom gamit ang straw habang nang-aasar na nakangiti sa kaniya. 


Hinubad niya ang apron niya at nilagay sa gilid. Inabot ko ulit sa kaniya iyong baso nang hindi nakatingin dahil nagpupunas ako ng lamesa pero malapit na pala siya sa akin kaya natapon sa suot niyang white shirt iyong frappuccino. Hindi naman naubos pero nadumihan ang shirt niya.


"Hala, sorry!" sabi ko kaagad. 


"It's okay." Ngumiti pa siya sa akin. "Excuse me." Dumaan siya sa gilid ko at pumunta sa gilid para hubarin ang shirt niya. Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. 


Nilagay niya ang shirt niya katabi ang apron niya at kumuha ng tissue para punasan iyong abs niya dahil doon banda natapon. Napaawang ang labi ko habang pinapanood siya. Umiwas na rin kaagad ako ng tingin. 


Napainom ulit ako sa frappuccino habang siya ay nagpupunas na ngayon ng lamesa, wala pa ring suot pantaas. Napatingin tuloy ulit ako sa kaniya. Mas fit na talaga siya ngayon at kakaiba rin talaga ang back muscles niya. 


"Are you staring at my body, Ke?" Nagulat ako bigla sa tanong niya. Hindi man lang niya ako tiningnan at pinagpatuloy lang ang pagliligpit ng mga ginamit namin. 


"Hindi, ah! Kapal mo naman! Yuck!" Tumalikod kaagad ako at tinulungan siyang maglinis. 


Ano ba, Kierra! Ano ba ang nangyayari sa 'yo?! Okay naman tayo dati, ah! Nabuhay naman tayo nang maayos nang walang iniisip na kung ano-ano! Bakit ngayon pa?! 


Was it because we made out?! Ano ka ba naman, Kierra! Narito ka para gumawa ng kape, okay?! Wala ka nang iba pang dapat iniisip! Bakit mo naman kasi iniintindi pa ang muscles niya?! 


Nang nalinis na at nahugasan na ang lahat, saka lang siya bumalik sa kwarto niya para magpalit ng shirt. Naglalakad lang ako at hinahanap ang C.R. sa may hallway. Saktong lumabas si Shan mula sa kwarto niya, nakabihis na ng dark shirt. 


"Comfort room? I have one inside my room." Binuksan niya ulit ang pinto at tinuro iyong isa pang pinto sa loob. 


Naglakad ako papasok at nilibot ang paningin ko saglit. Ang linis ng kwarto niya, kaso maraming mga papeles na nakalagay sa box. Ang dami niya ring libro sa may side table niya. Baka mahalata niyang nililibot ko ang paningin ko kaya pumasok na lang akong C.R.


Hanggang sa C.R. ay ang linis niya pa rin. Ang bango rin ng air freshener niya. Iba ang ine-expect ko, huh. Hindi amoy men's perfume. Jo Malone pa ang hand wash niya sa C.R. Ang bango, ha. Ito ang gusto kong scent, eh. 


Pagkatapos kong umihi at ma-judge ang C.R. niya ay lumabas na ako. Nakita ko kaagad siyang naghihintay sa may main door ng kwarto niya, nakasandal sa may door frame at nakahalukipkip. 


"I need to go somewhere," paalam niya kaagad sa akin. 


"Oh, it's okay! Don't worry! Aalis na rin naman ako!" nagmamadaling sabi ko, nahihiya dahil baka naaabala ko siya bigla. 


He looked like he was going somewhere important kaya umalis na kaagad ako. It looked urgent. Pagkatapos noon ay nag-asikaso lang kami ng mga kailangan for Sam's wedding. Nag-fit na kami ng gown at may tickets na rin kami at hotel reservation. Pina-process na rin namin ang VISA namin hangga't maaga pa. Sa hotel na tutuluyan namin ang venue ng wedding nila. It was a royal-themed wedding. 


Bumili na rin ako ng ireregalo para sa bridal shower ni Sam. I gave her a new cute lamp and then scented candles. Wala na akong maisip na iba. Ang hirap niyang regaluhan dahil mayroon na siya ng lahat but it was the thought that was important. 


"Thank you, Kierra!" Humalik sa pisngi ko si Sam nang i-abot ko sa kaniya ang regalo ko. "Here! Sit here!" 


It was a cute garden party sa likod ng bahay nila, kasama ang dogs. Everyone was wearing floral dresses. Grabe, hindi ko alam na ang dami ko na palang makikitang artista at model dito. Nang luminga ako sa paligid ay nakita kong kaswal na nag-uusap sina Via at Clea. Sina Giselle at Yanna rin ay nag-uusap at nagtatawanan pa. Luna, Elyse, and Ida were also in a circle. May hawak silang lemonade juice at may pinag-uusapang nakakatawa. Naglakad ako palapit sa kanila para makisali. 


"Hello, Ke!" Bumati kaagad sila sa akin at bumeso. 


"We were just talking about pets! Cute kasi ng dogs!" Elyse informed me para maka-relate ako sa pinag-uusapan nila. May suot din kasing floral-themed ang mga aso at patakbo-takbo sila sa garden, naglalaro. "May pet ka ba before?"


"Hmm, wala... I like cats, though," sabi ko naman. "Pero hindi ko maaalagaan kasi lagi naman akong wala." 


"Oh my gosh, same!" Nakipag-apir sa akin si Ida. "I want to adopt cats also but I'm always at work and traveling! Sayang, right?!" 


Nag-usap-usap lang kami at nakihalubilo na rin sa iba habang hinihintay mag-start ang meryenda. Afternoon ginanap ang bridal shower para hindi masyadong mainit sa garden. Wala namang program. Simpleng salo-salo lang daw at pwedeng mag-message ang gustong mag-message. May microphone naman sa harapan. 


"I love your dress!" sabi sa akin ni Giselle nang magkasalubong kami. 


"Thank you!" nakangiting sabi ko. "You look so pretty!"


"Aw, thank you! Kierra, right? How have you been?" 


Si Giselle lang ang kausap ko noong una hanggang sa sumali na rin si Clea sa amin. She complimented my hair and my makeup. Ang hilig mang-compliment ng mag-bestfriend. Mula roon ay napunta na ang usapan sa lovelife. 


"I'm focusing on my career right now. It's pretty hectic," sabi ni Giselle. "Clea, on the other hand, is still very happy. How about you, Kierra? How's it going?"


"Hmm, focus lang din ako sa work." Ngumiti ako. "Busy na rin..." 


Pagkatapos kong malaman lahat kay Shan, unti-unti na ring nagbabago ang isip ko tungkol sa pagmamahal. I knew... he loved me, although his love brought me pain. I was already moving forward from it. Wala na akong magagawa dahil nangyari na. Nasaktan na niya ako. He said sorry... but we never planned on getting back together. 


I found answers to my questions. Ngayon tuloy ay wala nang masyadong bumabagabag sa isipan ko. However, for some reason, I still felt like... it was not over yet. That there was still something else. May kulang pa pero hindi ko alam kung ano 'yon. 


"That's good din! Quick question... Do you want to be a model?" 


"This woman is really testing her abilities in scouting." Napailing si Clea. "She does that a lot, sorry." Umakbay siya kay Giselle at tumawa. 


The people Samantha invited were surprisingly easy to get along with kahit hindi naman kayo close or kahit hindi kayo magkakilala. She was friends with the nicest and the most genuine people. Iba-iba sila ng personality but you will surely get along. 


The bridal shower did not involve alcoholic drinks, just healthy drinks. Juice, smoothie, ganoon. While eating, some people spoke to the microphone to deliver congratulatory messages to Sam. 


"Girl, pwede ba mag-uwi rito ng food?" bulong sa akin ni Luna. "May dala ka bang Tupperware diyan?"


"Wala, nakalimutan ko," bulong ko rin sa kaniya. "Manghingi ka na lang kay Sam." Hindi ko alam kung seryoso siya o ano pero sinakyan ko na lang ang trip ng pinsan ko. Epekto din ba 'yan ng pagbubuntis? 


"Sarap ng food, 'no? Masarap lalo 'yong pasta. Gusto ko pa." Hindi pa talaga siya natigil. "Sino kaya nagluto ng mga food, 'no? Iha-hire ko kapag may event."


"Tanungin natin si Sam." Tinawag ko si Samantha at lumapit naman siya sa amin. "Sino raw nagluto ng food? Iha-hire daw ni Luna sa events."


"Oh, Clyden cooked the food," nakangiting sabi ni Sam. "I'll ask if you can hire him sa events... Medyo busy siya, eh."


Halos madura ni Luna ang kinakain sa gulat. "Si Clyden pala?! Gagi ka, Sam! Joke lang 'yong hire sa events! Akala ko catering!" 


"No, I can ask!" Nag-insist pa si Sam. Tawa ako nang tawa habang nag-uusap silang dalawa.


Before dinner ay tapos na ang bridal shower. Busog na rin kaming lahat kaya hindi na namin kailangan pang kumain ulit. Sobrang nakaka-enjoy rin talaga 'yong mga simpleng party na ganito. Siguro ay nagsawa na si Samantha at lagi siyang nasa club niya, nawi-witness ang magugulong party na ganoon kaya gusto na niya ng simpleng ganito. 


Halos hindi ko na nakakasalubong si Shan sa condo, mukhang busy. Simula noong bridal shower ay pumasok lang ulit ako sa trabaho at sinubukang tapusin na kaagad ang mga gawain bago kami pumuntang Paris. Si Via ang tour guide namin doon. Marunong siyang mag-French. Marami pa siyang ibang alam na language actually. Kailangan niya raw 'yon matutuhan. 


"I passed!" tuwang-tuwang sabi ko nang makita ang resulta ng VISA ko. We can finally be complete again! Iiyak na lang talaga ako kapag hindi ako nakapasa sa application ko ng VISA. Ayaw kong maiwan! 


Weeks and weeks later ay flight na namin. Excited kaming lahat. Nasa iisang plane lang kami, business class, with the help of the Juarezes. Hindi na pala gumastos si Samantha sa tickets dahil may sponsor na. Regalo na raw ng magkapatid at ni Pres Acel ang plane tickets kay Sam.


Kami-kami lang din naman. Mga closest friends lang talaga. Hindi na kasama 'yong iba at pakiramdam ko busy rin naman ang mga 'yon. Matagal na rin ang limang araw sa ibang bansa. Kinailangan pa nilang asikasuhin ang VISA if ever. 


"You're late!" rinig kong sabi ni Hiro sa pumasok sa eroplano. 


Napalingon ako at nagulat nang makita si Shan na nakasuot ng turtle-neck na white na naka-tuck in sa black niyang pants. Naka-shades din siya at may dalang maliit na maleta. Siya ang pinakahuling dumating kaya pinalakpakan siya ng lahat. Ngumisi lang siya at tinaas ang kamay niya para kumaway sa lahat. 


Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang kasama siya. Hindi ko rin naman tinanong si Sam tungkol doon. Akala ko kasi ay hindi talaga siya makakasama dahil sobrang busy niya. Hindi ko na nga siya nakikitang umuuwi, eh. 


May space sa katabi kong seat at mukhang doon siya uupo. "Hi," bati niya sa akin at ngumiti bago umupo roon sa seat niya. 


"Akala ko hindi ka pwede," sabi ko naman. 


"I'll go home earlier than all of you. I can only stay through the weekend and thankfully, Monday." He took off his shades and playfully winked before settling down. Napairap ako at umayos na rin ng upo. 


It was hard to sleep when everyone was gathered in one area. Tuloy-tuloy na usapan, tawanan, at chismisan sa paligid na parang hindi sila napapagod. Naggagaguhan na lang talaga silang lahat at iniinsulto ang isa't isa sa mga suot. 


"Magpatulog nga kayo!" sigaw ni Arkin sa kanila, pabiro. 


"Wow, siya kasi ang ikakasal!" pang-aasar ni Sevi. "Payag ka noon, doc? Maingay ka raw at hindi nagpapatulog!"


"Uhm, Sevi, Clyden's already sleeping..." sabi ni Sam sa kaniya.


"Pucha, sana all nakakatulog?!" reklamo ko naman. 


Inabutan ako bigla ng headphones ni Shan habang nakapikit siya. Nag-isip pa ako bago ko kuhanin iyon at nakinig na lang ng music. Ang ganda ng noise cancellation ng headphones niya, ah. 


Hinubad ko rin ang headphones nang antukin na. Mabuti na lang talaga at tumahimik na sila bigla dahil nakatulog na ang mga maiingay. Si Luna, Yanna, Haze, Sevi. Iyon ang mga nangunguna. Para kaming mga may fieldtrip. 


Jetlag ang lahat pagka-landing namin sa France at pagkarating sa hotel. Mag-isa na naman ako sa hotel pero iyon talaga ang gusto ko! Ang isang advantage talaga kapag walang partner ay mag-isa sa hotel! I could enjoy the whole room to myself. Hindi naman nila kami pagsasamahin ni Shan! Balita ko ay mag-isa lang din siya sa hotel. Mabuti na lang at hindi nademonyo si Sam.


I took a nap after unpacking my things, then I went down for dinner dahil nag-aya 'yong mga gising na. I sat down in front of Shan who was laughing at what Haze said. 


"Nagbibida ka na naman," sabi ni Clyden at natawa rin si Kalix. 


"You're just jealous because I look like the main character," sagot naman ni Haze. 


"That's enough, prehistoric people. We're in front of the table," pagbabawal ni Kalix sa kanilang dalawa. 


Tumawa ako at uminom ng tubig. Muntik pa akong masamid habang nakikinig sa pagtatalo nila. Naalala ko tuloy sina Luna, Sevi, at Yanna. Ganyan din mag-away ang tatlong 'yon. Nadadamay pa ako minsan. Nakakapikon din ang mga 'yon, eh. 


Nagulat ako nang may marahang sumipa ng upuan ko. Tiningnan ko si Shan na nasa harapan ko at tinaasan siya ng kilay. 


"Do you want to see the Eiffel Tower tonight?" mahinang tanong niya para kami lang ang makarinig habang abala ang iba sa sari-sariling usapan. 


Lumiwanag kaagad ang mga mata ko. "Totoo?" Hindi pa ako makapaniwala. I really wanted to go! Kapag Paris, automatic na Eiffel Tower ang pumapasok sa utak ko. Gusto kong puntahan kahit sino pa ang kasama ko, pero dahil siya lang ang nag-aya... okay na rin. 


"Later," he mouthed then sipped on his wine. 


I finished dinner quickly so I could go back to the hotel room and change clothes. Naging energetic kaagad akong lumabas. Eiffel Tower was the dream! Isa iyon sa mga gusto kong makita at puntahan. 


Noong narinig kong pumasok na sa kaniya-kaniyang kwarto ang lahat ay lumabas na ako at bumaba. Sa lobby, naroon si Shan na nakasuot na ng coat, nakapatong sa suot niya kaninang white turtle-neck at black pants. May dala rin siyang scarf dahil malamig na sa gabi. 


"Let's go," aya niya sa akin. 


Alam niya kung saan pupunta at kung paano. Sumunod lang ako sa kaniya. Marami kaming nilakad hanggang sa matanaw ko na ang tower. Excited ako kaya napabilis ang lakad ko. 


"Come on! Come on!" Hinawakan ko ang kamay ni Shan para hatakin siya at mapabilis ang lakad niya. Sinundan ko lang kung nasaan ang Eiffel Tower hanggang sa makarating na kami sa tapat noon.


Hinihingal ako nang mapatigil sa kakatakbo. My eyes lit up as I looked at the beautiful tower. Hindi mawala ang malaking ngiti sa labi ko habang nakatingala at pinagmamasdan ang mga ilaw na naroon. It was so mesmerizing. Wow...


"So beautiful..." Hindi ko na napigilang bumulong. 


"Right?" sabi niya habang nakatingin sa akin.


"Alam mo ba, pangarap kong sumayaw tapos background 'yong Eiffel Tower," excited na sabi ko sa kaniya at nilagay ang phone sa sahig. Tinayo ko na lang gamit ang bag ko. "For personal use and memories only!" Because I heard may copyright daw 'yong lights. 


I clicked the start button for the video and walked backwards hanggang sa makita na ang buong katawan ko sa video. I smiled at the camera and waved. Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko. 


"Come on, then." Nilahad niya ang kamay niya. "Dance." 


We playfully held each other's hand and then I twirled. Pagkatapos ay umatras ako at umikot ulit hanggang sa nakapalupot na ang kamay niya sa akin. Holding my waist, he lowered me down to the ground, which made me laugh. We looked dumb because there was no music. Kumanta na lang siya para may masabayan daw kami. 


Nang umayos ako ng tayo ay magkalapit na ang mukha namin. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maramdaman ko ang kaba. My heart started beating so fast like a traitor. He stared at me for so long. 


Umiwas din kaagad siya ng tingin at napakagat sa ibabang labi niya. I was still staring at his face as the lights reflected on his eyes. 


"If I could just pretend that I could be a different person tonight," he whispered while looking at the tower. 


"If you could... what would you have done?" tanong ko.


Humarap kaagad siya sa akin at napatitig sa mga mata ko. His gaze slowly went down to my lips. He was thinking about something else. 


"I would have... kissed you in front of the Eiffel Tower," he answered my question. 


My lips slowly formed a painful smile. "And a different me... would have cherished that." 


I saw a hint of pain in his eyes when he looked at me again and held my cheek with his other hand. He caressed my face with his thumb and leaned closer. I looked down and closed my eyes, feeling my heartbeat. 


When I looked up, our lips met. It was like we were both surprised that we accidentally kissed, but none of us moved away. Instead, he put his other hand on my waist, pulling me closer. I closed my eyes and held onto his shoulders, tiptoeing a bit. 


It was a soft feathery kiss that was intimate. I could feel his longing... and mine. But we knew that we couldn't go back to that again. We could never go back to how we were before. 


"I still love you a lot," he whispered when his forehead touched my shoulder. Napabuntong-hininga siya. "I'm sorry..."

________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

859K 29.6K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.7K 157 32
Compilation of some short stories. Includes The Gold Squad, and other love teams. You can request din if you want :) Mature content will be posted in...
127M 4.1M 48
UNIVERSITY SERIES #4. Samantha Vera from Ateneo De Manila University, the epitome of kindness, empathy, grace, and solicitude got her life ruined whe...
13.5M 385K 41
Macario Karangalan Sandoval