SILAKBO

By starjeizing

45.8K 2K 3K

A sudden outbreak of a zombie disease astounded the people in Tierra del Sol. It was the last thing they expe... More

Note
Sypnosis
Prologue
01
02
04
05
06
07
08
09
10
11
12

03

1.9K 140 354
By starjeizing

Chapter 3: Stay Alive

Monica Hernandez.

I was waiting for the creature to bite me not until I heard a gunshot. Agad na bumagsak sa sahig ang umatake sa'kin. Napatulala ako sa kawalan. Ang nanghihina kong braso ay bumagsak sa sahig.

"Another one. Mind-control. Clear."

Hindi agad ako nakatayo. The situation earlier drained the shit out of me. Nararamdaman ko sa katawan ko ang lagkit ng dugo na nanggagaling doon sa lalaki.

Napatitig ako sa katawan niyang bumagsak sa tabi ko. Hindi ko alam pero sa oras na makita ko ang mukha niya, otomatikong gumalaw ang katawan ko para tumayo. My jaw dropped when I saw him lying on the ground. Dead.

"Hey. Move."

Napaigtad ako nang makaramdam ng kamay sa balikat ko. My reflex was too fast. He winced when I twisted his arm, almost breaking his bones.

"Aah! Pota!" ngiwi niya.

"Sino ka?" tanong ko.

Ngayon ko lang nabawi lahat ng umatras na tapang sa'kin kanina. Nawala na ang panginginig sa kalamnan ko. Ang tanging gusto ko na lang ngayon ay mabigyang sagot lahat ng tanong ko.

Mas lalo kong inikot ang kamay niya. Sapat lang para mas madagdagan ang sakit sa braso niya.

"Aray ko! Gago!" daing niya.

"Sino ka?!" pag-ulit ko sa tanong.

He's holding a gun. Rifle. It somewhat reminds me of the twin yesterday. May nabubuo nang konklusyon sa isip ko pero gusto ko pa rin masiguro. This guy knew about the creature who attacked me.

"Jax R-Ramirez— Aray! Wala akong facebook kaya hindi ka pwede magfriend request!" walang kwentang sagot niya.

"Why are you here?!" tanong ko ulit, hindi pa rin binibitawan ang kamay niya.

"Kasali ako sa Roborats— Ang sakit naman gago! Bato ka ba?!"

Pinakawalan ko ang kamay niya at mabilis na inagaw ang rifle para itutok sa kanya. Tumaas ang kamay niya habang may nakakalokong ngisi sa labi.

"Wait, baby. Relax," he smirked his assholest smirk.

"Ano yung Roborats?! Bakit may ganito rito?" I pointed at the creature who looked like a... zombie.

"Baby, put the gun down. I'll explain later," he said in a soft tone. Pero hindi pa rin nawawala ang mapaglarong ngiti.

I scoffed. "Baby-hin mo mukha mo."

He bit his lower lip, chuckling. "Lagi ko naman bine-baby ang mukha ko. You know, kapag mga ganitong mukha pinoprotektahan talaga."

Napangiwi ako nang hawakan niya ang mukha, nakataas ang dalawang kilay at kagat ang pang-ibabang labi. Earlier, I was certain that there's really something weird in this city. Pero dahil sa akto ng lalaking kaharap ko, naiisip ko na baka mga tao na mismo na nakatira rito sa siyudad ang mga weirdo.

Nevertheless, I didn't put the gun down. Nanatili iyong nakatutok sa kanya hanggang sa may isang babae na sumipot. She's wearing an unusual outfit. Crop top, white shorts, and leg harness. May nakasuksok na dalawang baril sa magkabilang hita. Based from what I can see, dalawang calibre 45. She has a sharp gaze.

When she saw me pointing the gun at the guy, mabilis niyang hinugot ang dalawang calibre 45  at itinutok sa akin.

"Who's this?" tanong niya sa lalaki.

"May utang sa'kin," the guy replied.

"Huh?"

"I saved her life, Jen."

It took her a minute to process everything. Nang maramdaman niya sigurong totoo ang sinasabi noong lalaki, ibinaba na rin niya ang baril na hawak. Then, her eyes darted at Jax.

"Tanga mo naman, Jax! Naagawan ka pa ng baril?" Nakapameywang niyang sabi kay Jax. She almost used her palm to hit him.

Jax scratched the back of his head. "Kasalanan ko ba? Maganda, e!"

Jen stared at him with her cold gaze. Umiling-iling siya na para bang pagod na rin siyang sermunan ito. She looks so done.

I stood there, watching them. Nakatutok pa rin ang baril sa kanila. I took a step back when Jen glanced at my direction once again. She heaved a sigh, her arms crossed in front of her chest. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa babaeng 'to.

"Sino kayo? Ano 'to?" tanong ko.

"Ibaba mo muna 'yan, baby. Ipapaliwanag ko sa'yo," panglalandi ni Jax.

Umirap ako sa hangin. Kung pwede ko lang ipukpok sa kanya 'tong rifle na hawak ko, baka nagawa ko na. But they're giving me the aura na parang sanay na rin sila humawak ng baril. Alam kong kayang-kaya nilang agawin sa'kin 'to kapag nakahanap ng tiyempo.

"What's your name?" Jen asked. She tilted her head to the side, probably observing my actions.

I clicked my tongue and rolled my eyes. A brilliant idea popped in my head.

"Bogart."

Jen smirked back. "What a unique name. Okay, Bogart. Put the gun down and we'll explain everything to you."

Bago pa man ako makasagot, narinig ko na ang pagtawag nila Devi sa pangalan ko. Napalingon din sina Jax sa pinanggagalingan ng mga boses.

"So, may kasama ka?" tanong ni Jen.

Umismid ako. Hindi sumagot. Obvious naman siguro, 'di ba? Sino bang tao ang maga-outing mag-isa sa malaking resort?

"Monica!" Devion immediately run towards me. Akala ko'y pipigilan pa noong dalawa.

"Sino kayo?" tanong ni Sandra.

"Ay, gago. Ano 'to?" Nanlaki ang mata ng mga kaibigan ko nang makita ang lalaking nakahandusay sa gilid ng hallway. Naya covered her eyes. Sila Jace naman ay naduwal dahil sa umaalingasaw nitong amoy.

"Gago. Ang baho!" Napatakip si Jace ng ilong.

"What the fuck is happening?" Devion asked, confused. Pabalik-balik ang tingin niya sa'kin at sa dalawang taong nakatayo sa harapan namin.

"Baby... Ibaba mo na," malambing na sambit ni Jax.

My jaw clenched, "No."

Jen shook his head before she fixed the guns on her leg harness. Then, she stared at me with her emotionless eyes.

"That guy who attacked you... was a zombie. Bago lang kayo sa Tierra del Sol?" Para akong nabingi sa narinig. Did she just said 'zombie'?

"Ano?!" gulat na tanong ni Naya.

Napairap sa hangin ang mga kaibigan ko. Mukhang hindi rin benta sa kanila kung anong sinasabi ng mga taong kaharap. I understand, though. We've had enough bullshits already. Kahapon pa kami nawe-weirduhan sa mga taong nandito sa siyudad. Yesterday, the twins told us to leave the city immediately. Tapos ngayon naman, zombie?

So, what now? We just slept then boom, we're in a zombie fucking apocalypse?

Mahinang siniko ni Jen ang lalaki. "Tawagan mo si Atlas."

Tatawagan na sana ni Jax ang tinutukoy na lalaki sa cellphone nang may dumating na isang grupo ng mga kalalakihan. I hate to admit this, especially in this situation, but they all look good. Nangongolekta ba sila ng mga taong artistahin ang mukha? Kung hindi lang ako inatake kanina ng weirdo na lalaki ay baka isipin kong isa silang kpop group.

"Oh, nandito na pala si Nixon! Pre, ikaw nga mag-explain sa kanila. Bobo ako sa ganito, e," umiiling na sabi ni Jax.

The guy who was called as 'Nixon' pushed his glasses up to his nose. Seryoso siyang tumingin sa'min. He's giving me a you-cant-argue-with-me-because-i-know-a-lot-more-than-you energy.

"We're Roborats— I know it sounds weird. I don't like our group's name either. Nabuo kami noong nagsimulang kumalat ang zombie disease sa buong Tierra del Sol," he explained.

Devion scoffed. "Joke time ba 'to? Tapos na halloween, ah."

Ngunit hindi natinag si Nixon. Nagpatuloy siya sa page-explain sa mga nangyayari.

"It was a rabies virus that evolved. We're still finding out what really happened—where it all started—but based on some cases that we found out, nagsimula ito lahat sa rabies," aniya.

Unti-unting nagkaroon ng kalinawan ang isip ko. Everything is starting to make sense. That guy who attacked me... his eyes... the excessive saliva... his eagerness to bite me... lahat ng iyon ay nagsisimula nang magkaroon ng kahulugan.

"Sindikato ba kayo? Ninakawan niyo ba ang resort?" tanong ni Jace, nakahawak sa balikat ni Devion at nagtatago sa likod nito.

Bago pa man makasagot si Nixon, dumating na ang kambal na nakita namin kahapon sa fast food na kinainan namin. They're both holding a rifle.

I knew it.

Magkakakilala sila.

Devion rolled his eyes. "Kayo na naman?"

The serious one smirked. "Missed me?"

"Hi!" sabi noong kakambal nitong palangiti.

"Wait, ha. Hindi ko kasi talaga maintindihan. Ano bang nangyayari? Sino kayo?" tanong ni Naya, nakapameywang na ngayon.

"Atlas Rafael Salvatore. We've been collecting survivors for quite some time now. Ito naman si Atreus, kakambal ko," sabi niya.

"Atreus Ralph Salvatore nga pala. Hello sainyo!" Atreus beamed.

"Hindi namin kayo pipilitin na sumama sa'min. Kayo ang bahala. Pero tingin ko... hindi rin kayo makakaligtas lalo na't iisa lang yata ang marunong gumamit ng baril sa inyo. It'll run out of bullets soon," ani Atlas, nakatingin sa'kin at sa baril na hawak ko.

"So, anong ipinapahiwatig niyo?" matapang na tanong ni Jace.

Atreus raised his hand. "Sama kayo sa'min. Basta kayo, free pass—"

"Tres," Atlas warned him.

"Haha! Sige. Pasensya na, lods." Kumamot sa ulo si Atreus.

"Paano naman kami makakasigurong ligtas kami kasama kayo?" tanong ni Devion.

Kumaway ang maitsurang lalaki para maagaw ang atensyon namin.

"Sam Alonzo nga pala," pagpapakilala niya. "May headquarters kami. Well, not like the ones you see in movies. Old building lang. We're staying there since we... lost our home."

Jace tsked. "Ano namang gagawin namin sa head and shoulders niyo?"

The chinito guy chuckled. "I-shampoo mo."

Nanlaki ang mata ni Jace. "Aba, gago 'to ah! Sino ka para barahin ako?!"

Mabilis siyang inawat nina Devion nang muntik na niyang sugurin ang lalaking nagsalita.

"Hindi porke't singkit ka at gwapo... at maputi... at malinis tignan... at m-mukhang mabango ay hahayaan na kitang barahin ako!" dagdag ni Jace.

Bago pa man tuluyang magkagulo, gumawa na ako ng paraan. I took a deep breath. Ibinaba ko ang hawak na rifle. Tumingin ako kay Atlas na mukhang naghihintay ng sagot.

"Sasama kami."

I heard my friends gasped after hearing what I said. Biglang natahimik ang paligid.

Maybe that's the best decision for now. Hindi naman ako papayag sa sumama sa kanila kung hindi ako inatake noong lalaki. I suddenly remember what I felt before Jax shot him.

Nag-aalala ako para sa kanila. Nangako ako sa mga magulang nila na iuuwi ko sila nang ligtas.

"Monica?!" gulat na sabi nila.

I turned around to face them. I know this idea sounds stupid to them pero sa ngayon ay ito lang ang naiisip kong solusyon.

I sighed. "We have no choice. I don't want to risk our lives."

"Naniniwala ka sa kanila?" tanong ni Sandra.

"Paano kung prank lang 'to?" ani Devion.

Itinuro ko ang lalaking nakahandusay sa sahig.

"That guy attacked me," sagot ko.

Kumunot ang noo ni Naya. "Huh?"

Alam kong mahihirapan silang paniwalaan ako. Maski naman ako noong una. Zombies... apocalypse... I never believed in those things not until now.

"I saw it with my both eyes," sabi ko.

Jace shivered. "S-Seryoso?"

"Ampotsa, Monica. Kapag 'to puro kalokohan—"

The guy moved.

My eyes widen when I saw how the bone of his finger snapped. Gumalaw ang katawan niya na para bang hindi siya tinamaan ng bala kanina. The creature groaned, ready to attack the people around him. Agad siyang pinaputukan ng baril nila Atlas. They shot him in the head. Bumagsak ulit ito sa sahig.

"Let's go. Bago pa man 'yan mabuhay ulit," sabi nila Nixon.

Ngayon, nakanganga na kaming magkakaibigan. Sigurado na ako ngayon. Zombie nga itong kaharap namin. He died once then he died again.

"S-Shit," nanginginig na sabi ni Devion.

"Ngayon, naniniwala na ba kayo sa'min?" tanong noong lalaki sa likod nila Nixon.

Hindi kami nakasagot. Atlas gestured for us to follow them. Walang pagdadalawang-isip kaming sumunod. Halos mag-unahan pa ang mga kaibigan ko para lang makalayo sa hallway.

Therefore, I conclude we're stuck here in Tierra del Sol with the infected humans who'll try to bite us. Kahit ilang beses pa namin silang paputukan ng baril ay hindi sila mamamatay. They'll haunt us until we became like them.

At kung hindi ako nagkakamali, I heard something from Jax earlier. Mind-control. It seems like there are types of zombies too.

"You'll be stuck with us until the apocalypse ends," pang-aasar noong poging lalaki kay Naya.

"No. Uuwi rin kami bukas. May camper van kami!" matapang na sagot ni Naya.

Jen joined the conversation. "Wala na kayong malalabasan. Nagpapapasok sila sa loob ng Tierra del Sol pero hindi nagpapalabas."

"Huh?!" sabay-sabay naming tanong.

"Kung gusto niyong makalabas nang ligtas, I suggest you stick with us." Jen shrugged.

Naiwan kami roon na nakatulala. Another bullshit. Bakit sila magpapapasok sa siyudad pero hindi nagpapalabas? That's the first thing they should do— let the uninfected humans leave. Tsaka, paano ba umabot sa puntong ganito? Dapat umpisa pa lang ay ginawan na nila ng aksyon!

Haji heaved a sigh. "Siguro wala na talaga tayong choice."

Wala na kaming nagawa kung hindi sumunod sa kanila. Kung totoo man na zombie apocalypse nga ang nangyayari, we have to stick with them. They all look capable of fighting. Mukhang marami ring armas.

I scanned the whole resort. Bakit nga ba ngayon ko lang din napansin na kami lang ang tao rito? Maski noong dumaan kami sa reception area, wala na rin ang mga staff.

"Have you checked the rooms?" Atlas asked the guy who was talking with Naya earlier.

"Yes, boss!" sumaludo pa ito. "Wala nang ibang tao bukod sa kanila."

Mataas ang sikat ng araw pero hindi iyon sapat para mawala ang pagkabahala namin. Hindi naman sila aswang para hindi makaatake tuwing umaga. They're zombies and they don't die.

"Don't worry, baby. Kaunti pa lang ang infected sa buong siyudad. Sinusubukan naming patayin sila— or itaboy dahil hindi naman sila namamatay," sabi ni Jax sa tabi ko.

Hindi ako sumagot. Humakbang ako pagilid para lagyan ng distansya ang pagitan namin. He saved me but that doesn't mean I should trust him... or them.

Sa sitwasyon na ganito, trust is the hardest thing to give.

"Stop calling me that and stay away from me," sabi ko sa madiin na tono.

"Woah! Feisty," he smirked.

Nauna na akong maglakad. Ayoko siyang kausapin. Mukha rin namang walang matinong sasabihin. Wala akong panahon para i-entertain ang nonsense jokes niya.

***

Devion Cardinal.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Everything is too much for me to take. Lahat ng impormasyong nalaman ko mula sa kabilang grupo ay masyadong mabigat. How am I supposed to believe that we're stuck in a zombie apocalypse? We came here for vacation pero mauuwi sa ganito?

At mas lalo akong hindi makapaniwala na kasama ko na naman ang kambal. They're annoying. Isang ubod ng sungit at isa namang ubod ng corny. Dapat Ubod Twins na lang ang tawag sa kanila, e.

"Didiretso na tayo sa headquarters," the guy named Evan said, siya iyong nakikipag-usap kay Naya kanina.

But accidentally, nagtama ang mata namin ni Atlas. He gave me an emotionless gaze. Hindi ko alam kung bakit sobrang contradicting ng personality nila ng kakambal niya. Gaya kasi kahapon, noong nasa fast food kami, masungit pa rin siya.

Kaya naman umirap ako. Hindi pwedeng susungit-sungitan niya lang ako.

"Hey."

Nagulat ako nang bigla niya akong ituro gamit ang baseball bat niya. His eyes went down on my lips before he smirked.

"Nice mole."

My jaw dropped.

Dire-diretso siyang lumakad kasama ang mga kaibigan niya. Umakto siyang parang walang nangyari. Maging sila Monica ay sumunod sa kanila pero may nakakalokong ngisi sa labi. They're probably teasing me.

Ew. Hindi ko siya type.

At mukhang sinusubukan talaga ako ni Lord dahil matapos mang-asar ni Atlas, lumapit naman sa'kin ang kakambal niyang si Atreus. Wala ba talagang balak ang dalawang 'to na tantanan ako?

"Tips lang. Zombies hate waters. Hydrophobia," he said, opposite from what I am expecting to hear from him.

Tumingin siya sa pool na nasa gilid namin. "Water can help you survive."

Ngayon, nakuha na niya ang atensyon ko. "What do you mean?"

"Kung sakaling napapaligiran ka na, pwede mong gamitin ang tubig para itaboy sila. But not in all cases since may mga zombies na nahihirapan pa rin kaming i-classify," he answered.

I tried to process what he said. This whole zombie apocalypse thing is giving me a hard time. Hindi ko naman inaakalang ganito pala kahirap. Parang kahapon lang, napapanood ko lang 'to sa movies.

"Ayoko namang mapahamak ang aking shawty," he teased.

Right. Sino ba nagsabing kayang magseryoso nitong Salvatore na papansin? Of course, he will still find the chance to annoy me. Ano bang bago?

Nevertheless, napaisip pa rin ako sa sinabi niya.

"Pero seryoso..." I sighed.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Hindi ka makapaniwala, 'no? Ganyan din kami noong una."

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng resort. We heard distant voices. Nanggagaling iyon sa mga kasamahan naming nauna nang lumabas. Ngayon ko lang napansin na walang hawak na armas si Atreus. Is he using guns to fight? Hindi ko kasi napansin kahapon.

"What about the government? Wala ba silang ginagawa?" kuryosong tanong ko.

He shook his head. "I think ikukulong nila tayo sa loob ng Tierra del Sol hanggang sa tuluyang lumala. That would be easier for them to eliminate the infected."

"What?" kumunot ang noo ko. That's fucked up!

"Kahit umuwi kayo, hindi kayo palalabasin," aniya.

Tumingin siya sa malayo. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o may nakita akong pamilyar na emosyon sa mga mata niya bago siya tuluyang mag-iwas ng tingin.

"Hindi na kayo makakaatras," he added.

"The survival already started..." he glanced at me.

"And all you have to do is stay alive until the end."

Continue Reading

You'll Also Like

770 82 31
Chasing dreams. Past encounters. Unexpected moments. Well, that's what life is. ***** After her tragic experience, Arianne Jade Umali promised...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
14.9K 643 52
Hernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan p...
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.