Solitude Whilst With You

By hanadjirel

101 0 0

I never knew that the best description of my peace is your existence. Taglish All Rights Reserved © 2022 More

...
Prologue
1
3
4
5

2

9 0 0
By hanadjirel

Arj's POV

Kagat kagat ko ang labi ko habang sinasabayan si Khai na mag lakad, "Akalain mo 'yun, Wala ka ding dalang book. Baka destiny talaga tayo?" Pinagtaas baba-an ko siya ng kilay, sandali siyang tumingin saakin at ngumiwi. Kinilig lang 'yan Arj!

Tumawa lang ako ng hindi siya mag salita. "Saan tayo tatambay niyan?"

"Uuwi na ako," pagkasabi niya no'n ay lumiko siya papunta sa may gate, seryoso ba siya? Uuwi na talaga? Papalabasin naman kaya kami ng may ari ng school na ito? Sa guard, haha!


Sinundan ko lang siya sa paglalakad ng kausapin niya ang guard, lumingon sila pareho saakin, "Tara na, akala ko ba nag lbm ka?"


Pinanlakihan ko siya ng mga mata, ano daw? Nag lbm? Ginawa pa akong dahilan para makalabas putek! Pilit akong ngumiti sa guard at hinimas ang tiyan ko.

"Ah, oo bilisan natin, parang kumukulo na naman." Jusko po! Ano ba 'to nakakahiya, bakit naman kasi ako Ang dinahilan niya at lbm pa talaga ha?!

Nang makaharap ko si Khai ay tinakpan niya ng kamay Ang bibig niya para itago ang pag ngisi niya dahil sa pagpipigil ng tawa. Lumabas na kami at naglakad, kinawayan pa nga kami ng guard.

"Siraulo ka!" Mahina kong kinurot ang tagiliran niya kaya humalakhak siya, tuwang tuwa. Nakakainis! Nakakhiya kaya 'yung sinabi niya! Huhu!

"Bakit naman dinamay mo pa ako! Tsaka lbm? Seryoso ka ba! Putek! Huhu! Nakakahiya!"

"Wag ka na mag reklamo, nakalabas ka na nga." Nakangisi parin siya saakin. Pumunta ako sa harapan niya at saka nag crossarms tsaka siya sinamaan ng tingin, napahinto siya dahil doon at nagtatakang tumingin saakin.

"I hate you Lian Khaiden!" Tinalikuran ko siya at nagmartsa. Narinig ko pang tumatawa siyang tinatawag ako pero hindi ko siya pinansin, bahala ka diyan sa buhay mo! Hmp!

.

Nagulat ako ng hatakin niya ako sa braso at iharap sa kanya, "Paano tayo magkakasundo niyan e sa konting bagay napipikon ka na?"

"Edi wag magkasundo!" Inirapan ko siya.

Nag chuckle naman siya at tinaasan ako ng kilay, "Okay, sayang ililibre pa naman sana kita ng ice cramble sa may central." Bulong niya pero halatang pinaparinig saakin.

Huminto ako at hinarap siya, "Weh? Ililibre mo ko?" Nginitian ko siya ng malaki at kumapit sa braso niya, "Tara na, ano pang hinihintay mo diyan! Hindi ka naman nagsasabi na manlilibre ka pala!" Hinatak ko siya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa pero nagpahatak naman siya saakin. "Kakasabi mo lang na hate mo 'ko diba? Bakit ko naman ililibre ang taong ayaw saakin?"

Binitawan ko siya at nginitian ng matamis na matamis, "May sinabi ba akong ganon? Wala akong matandaan, I like you kaya!"

Bigla akong natulala ng makitang ngumiti siya saakin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, ang gwapo naman! Dagdag pogi points pa 'yung dalawa niyang dimples na lumabas.

Bigla niyang kinurot ang ilong ko tapos ay hinila na ako doon kay manong na nag bebenta ng ice cramble.

"Dalawa pong 20 pesos," inabot ni Khai ang bayad.  "Kuya pwede pong padagdagan po 'yung gatas?" Tumango naman si Kuyang tindero at dinamihan nga ang powdered milk.


Naglakad lakad lang kami ni Khai hanggang sa may sakayan ng jeep, "Akala ko hindi ka kumakain nito," sumubo ako at kumagat sa stick-o dinalawa na kasi ni kuya ang stick-o namin dahil paubos naman na daw ang benta niya, sabagay kanina pa kasi nag uwian ang mga elementary students.

"Hindi naman talaga," tinignan ko siya, halos maubos na niya ang kinakain, ang takaw pala niya, one fourth pa nga lang ang nakakain ko.

"Bakit bumili ka?"

"Basta." Okay, balik na naman po siya sa pag susungit. Binilisan ko nalang ang pagkain ko dahil malapit na kami sa sakayan ng jeep, mahihirapan kasi akong kumain kapag nakasakay na, uuga uga.

"Teka, diba nag ko-kotse ka? Sinusundo ka ng driver mo?" Kasi madalas ko makitang sinusundo siya ng driver niya, mayaman kasi sila.

"Yeah," ang haba talaga niyang sumagot at meaningful, gusto kong maiyak.



"Saan ka nakatira?" Tumingin ako sa kanya, "Bakit? Ihahatid mo ko?" Ngumisi ako tapos ay pinagtaas baba-an ko siya ng kilay.

"Oo," ay pumayag!

"Lakarin nalang natin para marami tayong pag-usapan, malay mo marami tayong mutual, kasama na 'yung feelings, char lang!"

Tipid lang siyang tumango na nagpangiwi saakin, banat 'yun boy, kiligin ka please! Siguro hindi niya na ge-gets 'yung mga banat ko kaya panay tango o kaya ay snob lang ang ginawa niya. May pagka slow din pala siya minsan, sa susunod nga pag babanat ako ay sasamahan ko na ng explanation.





"Wag ka ngang mag isip ng kung ano diyan." Masungit na sabi niya, okay aabi ko nga shatap lang ako, nag me-menopause na kasi 'tong kasama ko. "Ihahatid kita kasi baka kung mapano ka, kunsensya ko pa."




I make face, blah blah blah ang dami niyang dahilan, lokohin pa niya ako, alam ko naman na crush niya din ako. Feeling ko! Haha!  Eh bakit ba? Gusto kong paasahin ang sarili ko. UwU






Pagkarating namin sa tapat ng bahay ko ay nagkasalubong ko si Kuya na palabas ng gate, gulat pa nga siyang napatingin saakin tapos ay dahan dahan siyang tumingin kay Khai ng masama.





"And who are you?"



Lumingon ako kay Khai na nakatingin lang saakin ng nagtataka tapos ay binalingan ng tingin si Kuya na masama parin ang tingin sa kanya, parang wala lang naman ito sa kanya.





"Kuya classmate ko, si Khai, naiwan ko kasi ang book ko ganon din siya, may usapan kasi kami ng teacher namin na pagnakalimutan ang libro ay papalabasin, Wala din siyang libro kaya pinalabas din siya tapos ayun sabay nalang kaming umuwi, hinatid lang niya ako dito dahil baka daw mapano ako at kunsensya pa niya.." hiningal ako doon sa sinabi ko, nakanganga na si Kuya ngayon.



"Anyare sayo?" Kinawayan ko ang mukha niya. "Baliw ka!" Napaigtad ako ng biglang sigaw niya saakin. Bakit sumisigaw 'to bigla, makasigaw ng baliw ha, siya nga ata 'yun e.



"Ewan ko sayo!" Hinarap ko nalang si Khai na pinapanood pala kami ni Kuya, "Gusto mong pumasok sa loob Khai?"





Umiling siya, "No, thanks. I think I should go." Tumango nalang ako at kumaway. "Bye, bye Khai, see you tomorrow!"




"Yeah."


Nang makaalis na si Khai ay lumingon si Kuya saakin ng masama! Ano ba 'to? Baliw na ba? "Umaano ka Kuya?" Nginiwian ko siya.







"Boyfriend mo ba 'yun?" What? Haha! Oo sana! Akala ba ni Kuya ay boyfriend ko si Khai? Porket hinatid lang boyfriend na agad? Minsan talaga ang OA na mag isip ni Kuya.




"Ay Ewan, bahala ka diyan!" Pumasok nalang ako sa loob. Sinalubong ako ng bunso kong kapatid na si Ezra Jaque. Niyakap niya ang mga binti ko, 3 years old palang siya at ang cute cute niya.




"Tate!" Ate daw. Pinantayan ko siya at hinalikan sa pisngi bago ito kurutin. Kiniss din niya ako sa pisngi ng madami kaya natawa ako.






"Magbibihis muna ako, Ez okay?" Tumango siya at nagtuloy na sa paglalaro ng mga cars niya. Nasa gitna na ako ng hagdanan paakyat sa kwarto ko ng maalala sila Cybrix at Myst.



"Shet, hindi pala ako nakapagsabi na uuwi na ako!" Patakbo akong tumakbo papunta sa kwarto ko, Hala! Lagot ako kay Myst sandamakmak na angal ang mangyayari saakin neto. Nakalimutan ko talaga dahil nataranta ako kay Khai.





Kinuha ang phone ko at nakitang isang oras na pala ang nakakalipas sa dismissal. Halos sumabog ang phone ko sa dami ng message galing kay Amethyst.





From: Amyst

San ka na?

Dismissal na

Saan na kayo?

Hoy!

Saan ka na!

Sasabay ka ba?

Saan ka?

Iiwanan na kita

Uuwi na kami

AVERY JAE CHAN

Nakauwi na ako

To: Amyst

Sorry Myst, si Khai kasi bigla akong hinila, mag de-date daw kami kaya nakalimutan ko mag sabi.. sorry na UwU


From: Amyst

Che!

Dinial ko ang number niya, naka tatlong ring palang ng sagutin niya ito.

[Hello, malandi who?] Agad akong natawa "Gaga! Omg! Kinikilig ako Myst! Hinatid niya ako dito sa bahay tapos nilibre pa niya ako ng ice cramble!"






[SML?]




"Sorry na nga e," ngumuso ako kahit na alam kong hindi niya ako makikita. [Char lang, pero sure ka bang nilibre ka niya talaga at hinatid diyan? Mamaya nag imagine ka na naman.] Feeling ko ay naka ngiti siya habang sinasabi iyon.





"Syempre! Nadatnan pa nga kami ni Kuya, napagkamalan pa siyang boyfriend ko, hehe!" Sana nga boyfriend ko nalang, ano kayang feeling na maging girlfriend niya? Ano kayang klaseng boyfriend iyon si Khai, feeling ko may tinatago iyong ka-sweet-an sa katawan.






[Hello? Nakikinig ka ba?!] Nailayo ko ang tenga sa lakas ng sigaw na iyon ni Myst. "Aray naman! Oo nakikinig ako!"





[Oh, ano sinabi ko?] Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang matawa. "Basta, ano 'yun nga gusto kong sampalin ang sarili ko sa sobrang kilig, pakiramdam ko ay para kong bulating inasinan tuwing naalala ko na hinatid ako ng ultimate crush ko!"





Pagkatapos namin magtawagan ay bumaba na ako para mag saing ng kanin, actually wala na kaming parents at si Kuya Aries nalang ang guardian namin, namatay kasi ang papa ko dahil sa car accident na siya namang naging dahilan para ma heart attack ang mama namin. Parehong only child ang mga magulang namin kaya ang Lola at Lolo nalang namin na nakatira sa ibang bansa ang nag bibigay ng sustensto para saamin.








Pagkatapos naming mag hapunan ay pinaiwan ako ni Kuya dahil kakausapin daw niya ako.




"Boyfriend mo?" Nag angat ako ng tingin habang kagat kagat pa ang piraso ng junk food na kinakain ko. "Huh?"





"Hindi ah, ang kulit mo naman Kuya!" Bumusangot ako pero pinagtaasan lang niya ako ng kilay.







"Ayaw ko munang mag bo-boyfriend ka Arj." Sabi pa niya at akmang kukuha sa kinakain ko pero nilayo ko lang ito. "Ih, inaaway mo ako!"





"Isip bata ka?" Napaka seryoso talaga neto ni Kuya, ganyan talaga pag kulang sa love life, bitter.





"Bata pa naman talaga ako, ikaw kasi matanda ka na kaya boring at suplado ka!" Binelatan ko siya ng malaglag ang panga niya sa gulat.





Iniwanan ko na siya doon at umakyat nalang sa kwarto ko. Dumiretso ako sa banyo para maligo na at mag toothbrush. Pagkatapos ay nag skincare na din ako, naka mask pa ako ng lumabas ako sa banyo, umupo ako sa may swivel chair ko at kinuha ang phone ko.





Naisipan kong mag Facebook na muna para mag share ng mga memes, ang dami ko na ngang reactors e, sinearch ko ang pangalan ni Khai, hanggang ngayon ay hindi parin niya ako ina-accept dito at tanging profile lang niya ang na stalk ko, hindi parin siya nag papalit ng profile picture.






Sa Instagram naman ay naka public nga siya kaso wala naman siyang post, wala din, pero Infairness ang dami niyang followers, feeling astista nga lang 'to dahil wala siyang fina-follow kahit isa.







Sinubukan ko siyang I-message. Nakita ko pa nga ang mga past messages ko sa kanya at natawa ng miski seen ay hindi niya ginawa.




Avejae_

Hi bbq!

Kinagat ko ang labi ko at hinintay kung sasagot ba siya kaso ay ilang minuto na akong nag hihintay ay Wala parin siyang reply kaya nag desisyon nalang ako na magtingin ng mga post.







Halos tumili ako ng mag notif saakin na nag reply si Khai,  nanginginig pa ang mga kamay ko ng pindutin ko ito. Humiga ako at ngiting ngiting binasa kaso ay nawala agad ang pagkangiti ko ng makita ang reply niya.





_khaLian

What?



Hindi ba niya sasabihin, ano 'yung bbq? Miss na kita Sana pala tumambay ako diyan sa inyo para nakapag bonding pa tayo ng madami, something like that? Chos!





Avejae_

Wala lang, miss mo ko?

_khaLian

Why would I?


Avejae_

Sungit. Gusto lang kitang kausap ih.

_khaLian

I'm busy, what do you want?

Avejae_

Ikaw sana, ehe.

_khaLian

Tss.

Avejae_

Tss.
Seen 1 minute ago

Avejae_

Psst. Bbq, accept mo na ako sa fb 👉👁️👄👁️👈

_khaLian

Wt! What's wrong with you and your emojis? And why are you calling me bbq?



Avejae_

Bbq
B-bi
B-bi
Q-ko

Baby ko, bbq anu ba!😭

_khaLian

K.

Avejae_

Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kumain na ba ako?

_khaLian

Kumain ka na ba? Okay na?


Parang hindi naman siya napilitang itanong iyon, nakaka touch.

Avejae_

Hehe, tapos na ikaw ba kumain ka na?

_khaLian

Yeah.

Ano 'yun na iyon? Hindi man lang niya tatanungin ano inulam ko? Sino kasabay ko kumain? O kaya ay magagalit siya pag sinabi kong hindi pa ako kumain.

Avejae_

Grabe sakit ng likod ko

_khaLian

?

Avejae_

Kakabuhat ng convo natin.

_khaLian

I really don't know why I'm still replying.

Natawa ako after mabasa ang message niya, nakukulitan na siguro saakin. Nakangiti akong nag type.





Avejae_

Sige aayos na ako, ano bang ginagawa mo?





Pinicturan ko ang notebook ko tsaka isend sa kanya.


Avejae_

Nililipat ko 'yung notes na lesson natin kanina.

_khaLian

Good for you.

Avejae_

Mas good ka for me. Ehe.

Tumawa ako ng malakas bago ko pindutin ang send button, kilig na naman for sure. Haha!

_khaLian

Tch.

Avejae_

Wala ka bang ibang alam sabihin bukod sa Tch at Tss?

_khaLian

Meron naman.

Avejae_

Ano?

_khaLian

Bye.





Ay putek! Ang galeng! Nakanguso akong nag type.



Avejae_

Bye bbq, goodnight sweet dreams! Sana mapanaginipan mo ako! 😘
seen






Tinanggal ko na ang mask ko at nagtalukbong ng kumot tsaka kinagat ko din ito para pigilan ang pagngiti ko, nagwala ako na parang baliw. Kyah! Kinikilig ako, kahit na walang kwenta ang usapan namin ni Khai ay nakakakilig parin, after a year nireplyan na din niya ako.




Solitude Whilst With You
Chapter 2
hanadjirel

Continue Reading

You'll Also Like

46.6K 3.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
1.1M 86.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...