Ingkubo

By reveeruary

42.2K 1.1K 189

Wolves, hybrid, and incubus. *** Hindi akalain ni Jackie... More

Ingkubo
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 7

1.3K 44 6
By reveeruary

HINDI maalis ang tingin ni Pollo kay Jackie Jane nasa malayo ang tingin. Pinaalam nila ang dalaga na lumabas sa kakahuyan para sana sa surprise birthday kay Grayson.

Ngunit hindi ito natuloy dahil ang binata ay nakaramdam agad sa plano.

Naka-busangot nakatingin si Accalia kay Grayson habang nakikipagbiruan ang binata sa mga lalaking kaibigan nila.

Tuwang-tuwa si Grayson nahulaan niya na may gagawin plano ang kaniyang mga kaibigan para sa kaniya.

Nasa kakahuyan sila at balak nilang batuhin si Grayson ng mga malalambot na bola at isubsob ang mukha ng binata sa ginawang cake nina Accalia, Jackie Jane at Chepi. Ngunit, naudlot lahat ng iyon dahil sa walang hiyang Grayson.

"Hindi niyo talaga ako maiisahan," proud na saad ni Grayson. "Gago, masyado kang mayabang!" singhal ni Conri.

Mas lalo naman tumawa si Grayson pagkatapos ay kinuha ang malambot na bola at hinagis kay Conri. Namula naman sa inis si Conri at hinagisan din si Grayson.

"Parang sira sina kuya," ani Chepi kay Red. Lumingon ang lalaki sa batang fairy.

Maagang nag matured si Chepi dahil napapalibutan ito ng matatanda at madalang lang makipagkaibigan sa mga kaedaran nito.

Binalik ni Red ang tingin sa dalawang kuya niya na sina Conri at Grayson. Napailing na lang ang nag bi-binatang lalaki.

Hindi na sana papansinin ni Red ang mga ito nang dumako ang paningin niya sa kapatid na si Pollo.

Katabi ni Pollo si Accalia. Mas lalong napa-iling si Red sa nasaksihan. Mga sira talaga.

NAPAHAWAK si Jackie Jane sa dibdib niya dahil sa gulat nang biglang sumulpot sa kaniyang gilid si Pollo. Pauwi na kasi dapat siya sa greenhouse.

"May kailangan ka?" tanong niya. Ang alam kasi ng dalaga ay sa pack house ang diretso ng mga ito.

"Yeah. Pinapakuha sa 'kin 'yong ice cream sa ref niyo. Balak nila manood ng movie."

Tumango si Jackie Jane pagkatapos ay tinuro ang refrigerator sa main house. "Kunin mo na lang di 'yan. Pasabi na hindi na muna ako makakasama."

Aalis na sana si Jackie Jane nang pigilan siya nito. Bumaba ang tingin ng dalaga sa nakahawak na kamay ni Pollo sa kaniyang pulsuhan.

Mabilis niya ito inalis at inangat ng tingin si Pollo. Medyo nagulat pa si Jackie Jane dahil nakatingin na ang binata sa kaniya.

"M-may kailangan ka pa?"

Umayos ng tayo si Pollo. "Are you okay? I mean, kanina pa malalim ang iniisip mo."

"Are you staring at me?"

"N-no! Napadako lang paningin ko sa 'yo. Bakit naman kita titigan? Hindi ka naman si Accalia." Nanlaki ang mata ni Jackie Jane sa narinig pagkatapos ay umiwas siya ng tingin sa binata.

"Inaantok lang ako. Pumunta ka na sa pack house." Tumalikod na si Jackie Jane at nagsimula na mag lakad palayo kay Pollo.

Saglit na tinitigan ng binata ang likuran ng dalaga bago lumabas ng main house at tumungo sa pack house.

TINITIGAN niya ang hubad na likuran ni Caliban habang nakahiga silang dalawa sa kama. Bigla siya nakaramdam ng lungkot. Gusto niya rin mahawakan ang binata kahit nasa waking world na siya.

Ngunit, imposible iyon mangyari. Tanging sa panaginip lang nag e-exist si Caliban. Wala itong physical na anyo katulad nila. Mas lalo tuloy siya nalungkot, hindi para sa kaniya kundi para sa binata.

Gusto kaya ni Caliban maging totoong tao? Gusto kaya nito makalayas sa dream world para makalipat sa waking world?

Ano kaya ang nararamdaman ng binata?

Marami siyang gusto malaman tungkol dito. Ngunit, palagi siya nabibigo dahil hindi nag ku-kwento si Caliban sa kaniya.

"What's wrong?" She froze. Lumingon sa kaniya si Caliban. Sinukbit nito ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kaniyang mukha.

Tinitigan niya ang pulang mata ng binata. Gusto niya pa makilala ito, mayakap, mahalikan at makasama.

Natigilan siya. Binalewala niya ang katanungan kung anong nangyayari sa kaniya.

Kung bakit gano'n na lang ang nararamdaman niya para sa binata. Alam niyang hindi lang dahil sa kapangyarihan nito bilang isang ingkubo. There's something more and she wanted to discover more about it.

Hindi niya hahayaan matakot.

"Nothing. I guess, I'm just tired."

He hummed. Bumaba ang kamay ni Caliban sa kaniyang braso. "No, ang ibig kong sabihin. My physical body was tired." Pilit na ngumiti siya rito.

"I've been sick. Sobrang nag aalala na pamilya ko sa 'kin," she honestly said. Ngayon niya lang din ito nasabi sa binata. Hindi niya alam kung alam ni Caliban ang nangyayari sa physical body niya sa waking world o what.

Ngunit mukhang nasagot na ang katanungan niya dahil umiwas ng tingin sa kaniya si Caliban. Bumitaw din ito sa kaniyang braso.

Nasaksihan niya ang pagdidilim ng mukha nito. Mali ata na sinabi niya ang tungkol sa kaniyang kalagayan.

But she wanted to know more about him. Umaasa siya na sasabihin ni Caliban ang dahilan. Ngunit, umasa lang pala talaga siya.

Because that night, hindi niya inaasahan na it would be the last night he would ever visit her in the dream world.

NAGISING si Jackie Jane na mabigat ang pakiramdam. Hindi na naman siya dinalaw ni Caliban sa kaniyang panaginip. Isang linggo na ang lumilipas. Isang linggo na rin ang lumipas ng kaarawan niya.

Bente uno na siya.

Kung sasamahin ang unang taon na paghahanap ni Caliban sa kaniya. May tatlong taon na ni Jackie Jane nakakasama ang binata.

Ngunit matapos nang gabing 'yon. Hindi na siya ulit nito dinalaw. Sa buong linggo. Umaasa siya na babalikan siya ng binata pero walang Caliban ang dumating.

NAG-AALALA na tinitigan ni Accalia ang kaibigan na si Jackie Jane. Nasa dining area ang dalawa. Pumunta si Accalia sa main house dahil isang linggo na raw hindi kumakain nang maayos ang kaibigan.

Jackie Jane's parents were worried. Kaya, pumunta si Grayson sa bahay nina Conri at Accalia para sabihan ang dalaga sa kalagayan ni Jackie Jane.

Umaasa si Grayson na matutulungan ito ni Accalia. After all, she was her best friend.

"Kumain ka na," mahinahon na saad ni Accalia. Saglit lang na lumingon si Jackie Jane pagkatapos binalik ang tingin sa pagkain nakahain sa kaniyang harapan.

Pinaglalaruan lang ng dalaga ang pagkain at hindi niya sinusubukan kumain man lang.

"May problema ba? You know, you can always tell me, Jane."

Jackie Jane sighed. "Can I go to my room, please?"

Saglit na tinitigan ni Accalia ang kaibigan pagkatapos ay pumayag siya.

Bumalik ang dalawa sa kwarto ni Jackie Jane. Katulad nang kadalasan nilang ginagawa. Sumandal si Accalia sa head board ng kama habang pinatong naman ni Jackie Jane ang ulo sa hita ng kaibigan.

Accalia careless Jackie Jane's hair. She even hummed some children song.

Lumipas ang ilang minuto bago nag salita si Jackie Jane. "He left me."

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Accalia. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaibigan. "Ano ang ibig mong sabihin, Jane? Sino umalis?"

"Cali. I.. I couldn't find him. I don't know where he was." Tuluyan na bumigay sa pag-iyak si Jackie Jane. Isang linggo na niya hinihintay si Caliban bumalik ngunit wala. Hindi siya binalikan nito.

"Sino si Cali, Jane?" naguguluhan pa rin na saad ni Accalia. She couldn't keep up.

Jackie Jane curled up and hugged Accalia's waist. "I miss him, Lia."

"Have you met your mate? Jane?"

"No."

"Ha?" Maraming katanungan ang tumatakbo sa isipan ni Accalia ngunit ni-isa man lang ay walang namutawi sa kaniyang bibig.

"Caliban. He's not my mate but he's the man in my dream."

"Wait, Jane. Hindi kita maintindihan." Hinawakan ni Accalia sa balikat ang dalaga para mapaupo ito at matitigan sa mata.

Natigilan si Accalia. Ngayon niya lang nakita ang kaibigan na gano'n umiyak. Kahit no'ng mag kasakit ang dalaga. Wala. Hindi niya ito nakitaan. Sino si Caliban?

MALALIM ang iniisip ni Accalia nang mabalik siya sa wisyo dahil sa labing humahalik sa kaniyang leeg. Pollo was kissing her.

Nasa kwarto niya silang dalawa ni Pollo. As usual, nag tatago na naman ang dalawa sa mga mata ng kanilang pamilya.

"Pollo," tawag ni Accalia sa binata. He hummed but then continued kissing her neck. "May kilala ka bang Caliban?"

Tumigil si Pollo sa paghalik at pinatitigan siya sa mata. Nakakunot ang noo nito. "Wala. Bakit? Sino 'yon?"

Umayos nang upo si Accalia. Inayos niya rin ang damit nagusot habang nag hihintay sa kasagutan si Pollo.

"I... I think I know what it caused Jane's sickness."

Pollo froze. Lumipas muna ang ilang segundo bago nakasagot ang binata.

"What do you mean, Lia?" Mahahalata sa boses ng binata ang pagkainis at pagkairita. Hindi iyon pinansin ni Accalia.

"An incubus, Pollo. Ang sabi ni Jane, Caliban is the man in her dream—" Huminto sa pagsasalita si Accalia nang biglang tumayo si Pollo sa pagkakaupo.

Pinagmasdan ng dalaga ang namumuti nitong kamao. Inangat ni Accalia ang tingin sa mukha ni Pollo. He was furious.

Why?

"Pollo," she called.

"The Alpha needs to know this," parang venom na saad ni Pollo. Accalia felt scared. Don't tell me. They are—

"I don't think Jane would like that."

"I don't care what she likes! The Alpha needs to know this!" sigaw ni Pollo bago lumabas ng silid ni Accalia.

Huli na nang mapagtanto ni Accalia ang ginawa ng binata. Pollo just fucking stormed outside her room.

They would know their relationship. Fucking shit Pollo!

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 764K 74
ā—¤ SEMIDEUS SAGA #01 ā—¢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
Tipsy By mortred.

Teen Fiction

4K 209 61
Shots Series: #2 That flushed face of yours when you're tipsy is kinda cute. Genre: Teen-Fiction | Epistolary Language: Tagalog-English Status: On...
11.2M 505K 74
ā—¤ SEMIDEUS SAGA #02 ā—¢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
Saving, Rainbow By fei

General Fiction

4.3K 90 10
Dalawang puso pinagtagpo ng pagkakataon. Trigger warning ahead. š—„š—˜š—”š—— š—”š—§ š—¬š—¢š—Øš—„ š—¢š—Ŗš—” š—„š—œš—¦š—ž. Book cover: chichi graphics