A Hundred Billion Worth

By reintold

2.8M 80.8K 14.5K

WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some r... More

Disclaimer
Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas
Espesyal na Kabanata

Kabanata 39

36.3K 1K 229
By reintold

Kabanata 39

Conceded

Nakalabas na ako ng hospital.

Hindi talaga mawala sa isip ko 'yong sinabi ng babae sa akin. Bakit kaya 'di niya nalang sabihin sa akin lahat ng nalalaman niya? Minsan ay pakiramdam ko, napaparanoid na ako. Sobrang alerto ko na kasi kahit saan man ako magpunta.

Pinagmasdan ko si Kate na may iniinspeksyon na bagong biling original gold piercing sa kamay niya.

Nandito kami ngayon sa kuwarto ko rito sa mansyon kasama si Kate. Siguro ay inutusan siya ni Lordcan na bantayan ako.

Pakiramdam ko tuloy ay parang bata ang turing ni Lordcan sa akin.

"Kate? Anong oras magsisimula ang meeting ng mga opisyales?" niyakap ko ang kulay puting unan habang nakatingin sa kanya at hinihintay sa magiging sagot niya.

Saglit siyang tumingin sa akin, "Alas dose ng madaling araw," at bumalik din sa pagtitig sa kumikinang na bagay sa kamay niya. 'Di niya pa kasi ito isinuot.

"Ha? Anong klaseng meeting ba 'yan?" bakas sa boses ko ang kuryosidad. Inilapag ko sa gilid ang hawak kong kulay puting unan at inayos ang suot kong kulay puting nightgown.

I got out of bed as the edge of my white nightgown fell down on the floor.

"Masyadong importante ang meeting na 'yon kaya ayaw nilang maistorbo. People sleep at night, that means no one can disturb."

Akala ko mga aswang sila e.

Isinuot ko 'yong kulay puting tsinelas ko bago naglakad papunta sa kulay puting pinto.

"Saan ka pupunta?" her voice sounds so alert na parang anumang oras ay pipigilan na ako sa pagtangkang pa-alis.

I halted and turned my back to face her. She's currently leaning against the painted white high walls of my room. Nawala na ang atensyon niya sa hawak niyang hikaw at napunta na sa akin.

"Illegalhood," kasabay ng pagbanggit ko sa pangalan ng organisasyon nila ay ang pagtayo niya ng matuwid na daig pa ang isang poste.

The expression on her face was mixed with shock and worried. She's wearing her usual attire, a cowgirl-like leather boots, dark jeans and a color black thin cloth off-shoulder with long sleeves na may slits sa gitna ng sleeves.

"Paano mo nalaman ang tungkol diyan?"

This is just so obvious, obvious that they're keeping me in the dark.

Nagkibit balikat ako bilang sagot. Her red lips pursed into a thin line, expressing something I can't point out.

Parang hindi isang magandang ideya ang tungkol sa nalaman ko.

Mariin akong tumitig sa mukha niya, "Do you know the location of the underground world?" at napangiti ako nang nakita ang panibagong ekspresyon niya.

She paled.

Nabitiwan niya ang hawak niyang piercing at tumagingting ito nang nahulog ito sa kulay puting marble na sahig. The noise echoed to the walls because of the screaming silence between us.

"P-Paano—sigurado akong 'di 'to sasabihin sa'yo ni Lordcan. Alam mo ba'ng napakadelikado ng lugar na 'yon? Ikakapahamak mo'ng malaman ang tungkol do'n," halos manginig ang mga labi niya habang sinasabi ang mga salitang 'yon.

Lahat naman ng lugar na napuntahan namin ni Lordcan ay delikado. Ngayon pa ba ako matatakot? Ito na ang huling field na papasukan ko.

Alam ko namang 'di ako papayagan ni Lordcan. Ang ekspresyon pa lamang sa mukha ni Kate ay 'di ko na maipaliwanag kung gaano kadelikado ang lugar na 'yon pero pakiramdam ko talaga ay kailangan kong pumunta roon.

I looked at Kate with my chin up and squared shoulders. "Bakit? Ikaw nga na alam ang tungkol do'n, 'di ka naman napahamak."

"Dahil isa ako sa miyembro ng illegalhood."

"Am I not?"

Muli siyang natahimik. Alam siguro nila na hindi talaga ako isa sa kanila pero pinaniwala nila akong isa nga ako sa kanila.

Gusto kong magalit kay Lordcan. Baka ay pati ang nangyari sa amin ay alam nila?

"Sagutin mo'ko, Kate," maawtoridad kong utos kahit wala naman akong kapangyarihan dito.

She's silent as she stared back at me.

"Oo."

Kasabay ng pagkakasabi niya no'n ay ang marahas na pagbukas ko sa pinto ng aking kuwarto. I stormed out of the room and strode to the glass staircase to go upstairs. To the third floor where Lordcan's office was located.

Nakita ko sila Rolando at Fernando sa labas ng opisina ni Lordcan. Matuwid na nakatayo sa gilid nito.

Wala silang nagawa nang marahas kong binuksan ang pinto at mabibigat ang paghakabang na pumasok sa loob.

Nadatnan ko si Lordcan na nag-iisang nakaupo sa swivel chair niya. May iilang mga folders sa gilid ng desk niya.

I stopped when I looked at his face. He's wearing an eyeglasses while reading something what's in the folder. Maluwang ang necktie niya na parang kanina pa siya naiinitan dito kahit air-conditioned naman ang buong opisina niya.

Lordcan in glasses?

That's new.

His eyes shifted from the white folder to me.

Parang biglang nawala sa isip ko ang kailangan ko rito. Nawala bigla ang naramdaman kong galit nang nakita ang pagod sa kaniyang mga mata. Nabaguhan ako sa hitsura niya ngayon suot ang eyeglasses niya.

He looked more appealing with eyeglasses on.

He massaged his nape and put the folder aside, he then removed his reading, eyeglasses.

Malabo na ba ang paningin niya? Kasing labo ng mga impormasyong nalaman ko.

"What is it, Khione?" I can hear the tiredness from his stern voice. Magkasalubong na naman ang mg kilay nito.

Kahit sobrang abala niya ay nagawa niya pa ring huminto sa mga ginagawa niya upang bigyan lang ako ng kahit konting oras na meron siya.

Hindi ba siya natulog kagabi?

Binura ko sa aking isipan ang lahat ng pag-aalalang nararamdaman ko para sa kanya. Iba ang ipinunta ko rito.

Mamaya na ang landi, self.

The rage came back, nag-iba ang ekspresyon sa mukha ko at napalitan ito ng galit.

I took a deep breath before saying why exactly I'm here, "I'm done with all your lies, Lordcan."

His forehead creased in confusion but his eyes never left me. Mas lalo lang itong tumitig sa akin, lalo na nang dahil sa sinabi ko.

"Tell me. Who are you? Why are you doing this? Why did you lied to me that I'll become a member of your organization if I make love with you? Are you faking it? What do you want from me? Why are you like this? Tell me..." I whispered the last two words when I felt my voice almost cracked. Parang may bumabara sa lalamunan ko.

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa akin. Kaya nagpatuloy ako sa sasabihin ko.

"I'm done. I going to surrender myself just to get out of here," itinaas ko sa ere ang dalawang kamay na parang isang kriminal na nagpapahiwatig ng pagsuko.

Ngumingiti nga ako pero may iniinda naman akong sakit sa puso ko. Yes, I can joke, I can do weird things, I'm doing all of that to forget.

This time, hindi ko na talaga kayang magpanggap pa. Kumakalat na 'yong sakit.

Palagi nalang ba siyang magsisinungaling sa'kin? Gano'n na ba kadali ang magsinungaling? Kasi ako, kapag mahal ko ang isang tao, ang hirap magsinungaling. I can keep a secret but I can't tell a lie. Mas maganda na 'yong may tinatago kesa sa magsisinungaling.

Tumayo siya, kalmado ang paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon. Marahan ang bawat paggalaw niya nang naglakad siya papalapit sa kinatatayuan ko.

He stopped three feet away from me.

"You want to leave?"

"Certainly!"

Ilang minuto kaming nagtitigan at walang ni isa sa amin ang nagsalita kaya napagpasyahan kong umalis nalang. Akmang tatalikod na sana ako ngunit mabilis din akong napaharap sa kanya nang marahas niyang hinila ang braso ko to stop me from walking away.

I tried to get his strong hands off my arm but he just tightened his grip on it.

"Get off!" I hissed as I tried hard to free myself from his grasp.

"What's wrong?"

Hindi ko siya pinakinggan. Nagpatuloy lang ako sa pagpiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko.

Siguro ay nagtataka siya kung bakit bigla akong nagkaganito.

"What's wrong, Khione?" ulit niya nang napagtanto niyang wala talaga akong balak na sagutin siya.

I stopped for a moment. "What's wrong? Everything! You and the illegalhood—"

Hindi niya na ako pinatapos sa pagsasalita nang walang pasabing siniil niya ako ng isang nakakalasing na halik. He kissed me roughly, thoroughly. I felt his strong hands ran down to the small of my back and pushed it closer to him.

Nanlaban ako. I pushed him and pounded on his broad chest while he's busy kissing, sucking, biting and licking my lip.

He may tame me through doing those things. Alam niyang napapaamo ako ng mga halik niya ngunit ngayon ay hindi na ako papayag.

He stopped for a minute and looked into my eyes, "That's your problem huh?" he then continued the unfinished kiss.

Napaatras ang ulo ko nang dahil sa paraan ng paghalik niya sa akin. I grabbed a hand of his white long sleeves clothe nang halos 'di niya ako tinigilan. Napahawak na rin ako sa kulay itim niyang necktie.

Halos 'di na ako makahinga nang dahil sa paraan ng paghalik niya. He felt it kaya mabilis niyang inilayo ang kaniyang mapangahas na mga labi sa akin.

Napasandal ako sa dibdib niya at huminga ng malalim upang makabawi. Hindi man lang siya hiningal sa ginawa niya sa akin.

"Talk, baby, talk." bakas sa kaniyang boses ang tagumpay dahil alam niyang 'di na ko makakapagsalita nang dahil sa ginawa niya.

Naramdaman kong mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko.

Nang nakabawi ako ay buong lakas ko siyang itinulak. "You made me believe that I'm officially a member of illegalhood."

Ayan na naman siya. 'Di na naman nagsalita. Nakatitig lamang sa akin na parang may hinihintay at gustong marinig.

"You lied? You lied." I took a step backwards to put enough distance between us.

Napapikit ako nang naramdaman ko ang pagtangkang tumulo ng mga luha ko. I can tell that I totally looked miserable now. I heaved a deep breath to relax and calm myself, trying to control my anger.

Minsan na siyang nagsinungaling sa akin. Hindi ko masyadong inisip 'yon dahil 'di naman gano'n kasakit ang epekto niya sa akin noon. Bakit ngayong nagtagal ako sa tabi niya ay nag-iba ang lahat?

Noon ay gusto ko pa'ng makatakas at makawala mula sa kanya ngunit ngayon? Ang sabihin pa lang na aalis ako ay 'di ko na halos masabi.

Ang sakit lang malaman na nagsinungaling siya sa akin upang makuha niya ang gusto niya.

Minulat ko ang aking mga mata at kasabay no'n ang pagtama ng paningin namin.

"I don't know what to do now, Lordcan. I wanted to join in your organization to gain information about you but it looks like you're having fun of playing with me. I fought to stop the unstoppable but that's just impossible. You don't know the feeling of being trapped in the dark."

Napalunok ako nang naramdaman ko na parang may bumara sa lalamunan ko.

His face looked stern, so serious that I can't figure out what he might think about what I just said. Kahit bakas pa rin ang pagod sa kanyang mga mata ay nanatili siyang nakatayo at mariing nakatingin sa akin na parang ipinapahayag niyang nakikinig siya at nasa akin ang buong atensyon niya.

His white sleeves was folded up to his elbow kaya kitang-kita ko ang iilang ugat na nagpapakita sa maskuladong braso niya.

"I-I'm sorry. Yes, you bought me pero wala na akong maisip na ibang dahilan upang manatili pa ako rito malaban sa akala ko ay miyembro na ako sa organisasyong ito. Nakuha mo na ang gusto mo 'di ba? Kaya mo ako binili, 'di ba? Dahil gusto mo'ng mapaligaya kita. Maybe it's time for me to go, Lordcan." I stuttered as I tried to make my voice strong. Ayokong pumiyok na siya ang kausap ko.

Totoo naman. 'Yong mga binibili ng mga bilyonaryo sa Red Market ay may limit. 'Pag nakuha na nila ang gusto nila sa isang babae ay malaya ng makakaalis ito. Dad told me that.

"Hindi kita kilala. Pilit ko ma'ng paniwalaan ka ay hindi ko na magawa. Baka 'yong sinabi mo sa aking mamahalin mo'ko ay isang kasinungalingan din?" Muli akong umatras nang humakbang siya ng isang hakbang papalapit sa akin. "Huwag kang lumapit."

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya pero agad din 'yong nawala na parang pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko. Mas lalong naging seryoso ang ekspresyon sa mukha niya.

Hindi ko alam pero pagak akong tumawa nang dahil sa iniisip na baka ay totoo nga'ng nasaktan siya.

That's just impossible.

"I will forget the Bidders, Gamblers, Hackers, Torturers, Killers, Illegalhood and... You."

Ngumiti ako matapos tumawa at sinabi ang mga katagang 'yon. 'Di ko na binanggit pa ang tungkol sa underground world dahil baka magalit siya. Ayon sa kspresyon sa mukha ni Kate ay parang 'di na magandang pakinggan ang salitang 'yon.

Ayoko ng arte. I may be stubborn but I can be serious when it comes to situations like this. Katulad nalang noong nagkasagutan kami ni Dad nang dahil sa pamimilit niya sa akin na ibenta ang sarili ko.

I don't have much information but I still have dignity to myself.

Sa mga oras na 'to ay dignidad na lamang ang panghahawakan ko upang tuluyang makaalis dito at lumayo mula sa kanya.

Hindi ako nagpapadalos-dalos. Nasasaktan man pero gagawin ko pa rin kung ano ang alam kong tama para sa akin.

"Set me free, Lordcan." I whispered when my voice started to fade nang dahil sa parang may bumabara sa lalamunan ko. Naramdaman ko lang ito kapag naiiyak ako.

Imbes na maawa siya sa akin ay mas lalo lang siyang naging seryoso, napalitan 'yon ng galit nang napagtanto niya ang sinabi ko.

Wala na akong magawa kung 'di ang gawin ang isang bagay na kailanman ay pinapangako ko sa sarili kong 'di ko gagawin kahit kanino.

I bended my knees on the floor as my nightgown touched the white marbled floor kasabay no'n ay ang pagtulo ng mabibigat na mga luha mula sa mga mata ko. I bow my head as a sign of respect.

I conceded.

"I-I, Khione Fuego—"

"No, stop." bakas sa kaniyang boses ang pagtutol sa mga ginagawa ko pero rinig ko pa rin ang galit mula roon.

"—relinquish myself to the impostor Caspian Lordcan—"

"I said stop!" his thunderous voice made me stop.

Nanatili akong nakayuko kaya 'di ko makikita kung ano man ang ekspresyon niya ngayon pero alam kong labis na galit ang bumuo sa nakakatakot niyang boses. Nakatitig ako sa kulay puting sahig habang patuloy na umaagos and luha ko.

Nagsisinungaling siya sa akin dahil 'di niya ako pinagkatiwalaan. Bakit ako? Ipinagkatiwala ko sa kanya ang buhay ko nang pumunta kami sa iba't ibang klaseng illegal na lugar.

"A-Ang sakit na, Lordcan. 'Di ka ba naaawa sa akin?" kailanman ay 'di ko inisip na sasabihin ko 'to sa isang tao.

"Bakit nasasaktan ka?" walang pinagbago ang boses niya.

Kahit ako ay hindi ko rin alam kung ano ang sagot sa tanong na 'yan. Wala akong maisip na sagot pero pakiramdam ko ay alam ko talaga ang sagot. 'Di ko nga lang kayang tanggapin.

"Sagot," marahas na utos nito.

I bit my lower lip to stop myself from sobbing. Ayaw kong marinig niya ang paghikbi ko. Natatakpan naman ng iilang hibla ng buhok ko ang aking mukha pero alam kong alam niyang umiiyak ako.

Nainip siya nang 'di ako sumagot kaya muli siyang sumigaw dahilan kung bakit ako nakaramdam ng takot para sa kanya. "Magsalita ka, Khione! Bakit nasasaktan ka—"

"Because I love you!"

Napatakip ako sa bibig ko habang patuloy pa rin sa pagdaosdos ng mga luha sa pisngi ko. 'Di makapaniwala sa naging sagot ko.

Hindi puwede 'to. Hindi.

Kailangan kong makaalis dito. Kailangan kong magpakalayo mula sa kanya. Bakit umamin ako?

Hindi siya nagsalita kaya mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa pinto.

Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit nang hinila ko ang doorknob ay 'di ko ito mabuksan. Natigilan ako nang may naramdamang presensya sa likuran ko. Sobrang lapit nito na parang halos 'di na ako makahinga.

Umangat ang paningin ko sa itaas ng pinto at nakita ang isang malakas na kamay ni Lordcan na nakadikit doon. Pinipigilan ang pagbukas ng pinto.

I thought it was lock. 'Di ko naman kasi ito nilock nang pumasok ako at sinara ito. 'Yong kamay niya pala ang nagpipigil na mabuksan ko ito.

Mas lalo lang tumulo ang mga luha ko nang dahil sa pagpigil niya sa akin na umalis. Mas lalo lang akong nawawalan ng pag-asang makaalis dito. Guto kong umalis habang presko pa ang sakit at nararamdaman ko para sa kanya.

I don't want to go deeper or am I already in the deepest darkest part of it? I felt like I drowned from a shipwreck and reached the seafloor kaya sobrang hirap ng umahon.

"Akala mo ba ay hahayaan kitang umalis ngayong nalaman ko na ang nararamdaman mo?" bulong ng seryosong baritonong boses niya mula sa likuran ko. He's cornering me that made me difficult to escape. "I would let a person live to make you stay. Hindi na ako papatay ng tao kung 'yon ang gusto mo."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I sobbed.

Pinapaikot niya na naman ba ako para masunod ang gusto niyang mangyari? Pinapaniwala niya na naman ako sa mga kasinungalingan niya.

Isipi mo, Khione. 'Di siya nagsabing mahal ka rin niya. Said the voice from the other side of my mind.

Hindi ako nagpaapekto sa sinabi niya at muling hinila ang doorknob ngunit kahit anong gawin ko ay itutulak niya lang ito upang 'di ko mabuksan.

"Huwag kang umalis. Mamahalin pa kita."

Ibig sabihin lang ng sinabi niya ay 'di niya ako mahal. Naghintay ako ng tiyempo upang mabuksan ang pinto kaya nang nakita ko ang kamay niyang bumaba mula sa pagkakadikit nito sa pinto ay agad kong hinila ang doorknob.

I was about to step out but I failed when he grabbed me by the waist and pulled me close to him. Pinulupot niya ang kaniyang mga braso sa bewang ko habang nasa likuran ko siya.

Nanlaban ako but I ended up with him laying on my bed.

Mabilis na lumipas ang araw at gabi na. Kanina ay 'di niya ako pinalabas sa opisina niya. Doon na nga ako kumain ng breakfast, lunch at dinner.

Kanina pa ako nagpaplano kung paano ko siya matatakasan kahit labag man sa kalooban ko ang umalis dito.

Nakatalikod ako sa kanya habang nakapulupot ang mga braso niya sa bewang ko, parehong nakahiga sa malambot at kulay puting kama ko.

The spacious elegant room was dark and cold but he's making it warm the way he cuddled me.

Pinunasan ko ang mga luhang tumakas mula sa mga pagod kong mga mata. Napasinghot ako kaya alam kong alam niya na umiiyak na naman ako.

Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin kahit nakatalikod ako.

"Believe me, I'm scared." he gently whispered as he pulled me closer to him. Siniksik niya ang kaniyang mukha sa buhok ko at hinalikan 'yon.

Tuluyan na akong dinalaw ng antok nang dahil sa pagod at pag-iyak.

Nagising ako, alas tres ng madaling araw na wala na si Lordcan sa tabi ko.

I sat on the bed and rubbed my eyes to clearly see the whole dark room. It's more colder and I felt empty. Napagpasyahan kong lumabas ng silid at biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Kate.

Alas dose ng madaling araw magsisimula ang meeting ng mga opisyales. Sana naman ay may maabutan pa ako roon.

The whole mansion was dark, lights off as I can only see a little gleaming lights from the gargantuan chandelier.

I hurried up to go to the third floor kung saan matatagpuan ko ang convention hall.

Huminto ako sa harap ng pinto nito at idinikit ang kanang tenga sa pinto. May naririnig akong ingay sa loob kaya masasabi kong 'di pa tapos ang meeting nila.

I froze on my spot when I heard his stern voice.

"She's dead. That's impossible."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 50.8K 43
(COMPLETED) Art Theodore Dela Cuesta is the epitome of perfection for today's generation. Popular with women, the top bachelor in the country, a very...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
923K 56.6K 93
Hello Duology, Book #1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.