A Hundred Billion Worth

Af reintold

2.9M 81.1K 14.6K

WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some r... Mere

Disclaimer
Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas
Espesyal na Kabanata

Kabanata 21

43K 1.2K 204
Af reintold

Kabanata 21

Thirteen

The huge old looking door immediately opened without even knocking. Caspian strode inside but I didn't follow.

Parang nag-ugat ang mga paa ko sa lupa at hindi makagalaw. Inilibot ko ang paningin ko at mariing napapikit nang dahil sa mga nakikita.

This place is like a dark abandoned jail. Nakahilera sa gilid ang mga cell. Sobrang dilim pero sapat naman ang iilang ilaw na halos tig-sampung metro ang layo.

Agad akong sumunod kay Caspian nang narinig ko ang tawag niya. Naririnig ko pa rin ang ingay at impit na sigaw na 'yon habang sumusunod kay Caspian.

"Welcome to the torturers' field, Khione."

The place is so spacious and full of cell at the side of the way. Napatakip ako sa bibig ko nang napadaan ako sa isang cell at tumalsik ang dugo ng isang lalaking nakapiring nang hinampas siya ng torturer na may hawak ng latigong may nakasabit na mga pako.

Mabilis ako sumunod kay Caspian nang 'di ko namalayang napahinto pala ako nang dahil sa nakita.

"Keep your eye on the way if you don't like what you're seeing, Khione." Caspian's cold voice is full of authority like he's a king in this terrible castle.

I'm in his territory. I have to be more careful.

Tumataas ang balahibo ko sa katawan nang dahil sa mga nakakapanindig balahibong sigaw na umalingawngaw sa buong paligid. Nakakatakot ito, na kapag narinig mo iyon ay parang nararadaman mo na rin ang sakit na nararadaman nila.

"W-Where are we going?" alam kong kinakabahan na ako pero nagawa ko pa ring magtanong. Mas nakakakaba kasi Ang pagiging sobrang tahimik ni Caspian.

"You're tired, right? You'll be staying in my room here. I'll tour you around after you sleep," hindi siya huminto sa paglalakad habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Ni hindi niya ako nilingon man lang.

Parang dinidistansya niya ang sarili niya sa akin.

Pilit ko namang pinapakalma ang sarili ko. Kahit ano na ang pumapasok sa isip ko. Natatakot ako na baka ay gagawin din ni Caspian ang mga ginagawa ng mga torturers dito sa akin.

I'm part of his organization, anyway. What if he'll torture me? To prove that I'm strong and worthy to have in his organization?

No.

Kalma, self. May kasunduan kayo 'di ba?

Once a week.

Wala naman siyang sinabing torture ah? He only wanted me in his bed. Well? I'm his toy and at the same time a bedwarmer? Dagdagan pa na parang ginawa niya na rin akong secretary o assistant dahil lagi niya naman akong sinasama kahit saan man siya magpunta.

Multitasking tawag diyan.

Hindi ko sinunod ang payo niya at tumingin sa mga taong nakakulong. May iba na nanghihinang nakaupo o nakahiga sa malamig na sahig. Puno ng sugat at pasa. Some are still bleeding like he was just tortured minutes ago. May iba ring natuyo na ang dugo sa katawan.

Karamihan sa mga nakikita ko ay mga lalaki pero natigilan ako sa paglalakad nang nakita ang isang babae sa loob ng isang cell.

Nanghihina siyang nakahiga sa sahig at may iilang natuyong dugo sa paligid niya. May nakita pa akong nakabaon na pako sa paa niya, hindi pa 'yon nakukuha. Nakatakip ang buhaghag na buhok sa mukha niya.

"Caspian!" I shouted while looking at the poor woman. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang dahil sa kaba sa mga nakikita. Isang babae? Pinapahirapan nila?

I saw him in my peripheral vision that he stopped on his track and turned around to face me but I'm facing the cell so I wouldn't know what his expression is.

"What?" malamig na tugon nito sa tawag ko.

"Bakit may babae rito? Sagutin mo'ko!" I demanded. Parang 'di naman takot, pero bahala na. Mas takot 'yong salitang takot sa akin eh.

I heard him frowned.

"He's not a girl," he stated the answer expressionlessly when I turned my head to look at him.

"Anong he's not a girl ka diyan! Pakawalan mo siya! Maawa ka naman sa babae! Ano ba'ng kasalanan niya—"

"He's a transgender," hindi niya na ako pinatapos pa nang agad niyang sinabi ang tungkol sa babaeng sinasabi ko.

Bumalik ang tingin ko sa babae o lalaki, ay basta, transgender. His body figure really looked like a girl, he have boobs and curves with a heavy looking derriere.

I harshly faced Caspian na parang halos nabali ang leeg ko nang nilingon ko siya.

"Still! Her—"

"His," he corrected.

"His! Okay! His! His soul is pure female! Babae pa rin siya! Ang sabi nga nila, totoong babae ang soul nila tapos naligaw lang sila sa loob ng katawan ng lalaki! Babae pa rin siya!" giit ko at tinuro ang babae—lalaki, basta, transgender. "Release her," tuluyan ko na nga akong nakapagdesisyon kung ano talaga siya. She's a transgender woman. Even if she was born as a male, we have to respect her.

"No," matigas na sagot ni Caspian. Biglang nag-iba ang aura niya at mas lalo itong dumilim. He have the upperhand here.

I need to follow his orders.

But I'm not the person who follow his orders. I may not be free but I don't think about being free.

He's caging me. I'm caging myself to him and I feel like I don't have plans to break the cage and be free.

I'm starting to love the cage that he created for me.

"Anong no? I won't take no as an asnwer—!" naputol ako sa pagsasalita nang biglang may sumabat sa usapan.

"S-Sige teh, keri mo 'yan."

Napalingon ako sa transgender. Buhay pa pala. Natutulog siguro at nagising nang dahil sa sobrang ingay ko.

Hindi ko siya pinansin at tinapunan ng masamang tingin si Caspian.

"When are you going to release her? I asked in a very calming tone. Hinay hinay lang, baka maging substitute ako ni bakla. Mahirap na.

"Next week," agad na sagot ni Caspian na nakapagpabuntong hininga sa akin.

Nilingon ko ang transgender na unti-unting umupo mula sa pagkakahiga sa malamig at matigas na sahig.

"Y-You don't need to save me, gurl. Save yourself." makahulugang sabi nito sa akin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na mabilis ang paghakbang ni Caspian palapit sa akin. "G-Gusto kong malaman mo na hindi lang mga lalaki ang pinapahirapan nila rito. T-Tinatago nila ang mga babae, pinapahirapan sa ibang paraan. Ginagahasa—"

"Burn half of his skin."

Naputol sa pagsasalita ang transgender nang dahil sa utos ni Caspian.

Isang marahas na paghila sa braso ko ang nagpaatras sa akin at napalayo sa kulungan.

"No! Stop! Caspian, stop them please!" I pleaded and tried to set free from his grip. Sinubukan ko pang idikit ang mga sapatos ko sa sahig upang hindi niya ako tuluyang mahila pero nahila pa rin ako.

Lumingon ako sa kulungan na 'yon at nakitang may dalawang lalaki ang pumasok na may dalang isang gallon ng gas.

"Caspian! Please! I begging you!" I shouted through my trembling lips.

Umalingawngaw ang isang sigaw mula sa kulungan na 'yon na tuluyang kusang nakapagpatulo ng mga luha ko.

I failed to save her.

Kinakaladkad pa rin ako ni Caspian papunta sa mas madilim na parte ng lugar.

Ayoko pa ring makawala sa kulungang ginawa niya para sa akin pero parang kailangan kong kumawala kung 'di ay hindi na talaga ako makakawala.

My arms slipped from his hold because of some sweat dripping from his and my body.

Mainit dito. Yes, it's spacious but I still feel like it's suffocating me. The darkness is suffocating me.

Nagkaroon ako ng pagkakataong tumakas kaya mabilis akong tumakbo. There's only one way here, walang ibang daan. Walang pasikot-sikot dito. Isang daan lang pero paano naman kaya sa pinakadulo ng daang ito? Siguro ang dami ng pasikot-sikot doon.

Isang daan ng walang hanggan. Parang gano'n.

I didn't look back when I ran as fast as I could.

Save yourself.

It echoed in my head like it's a promise.

"Khione," I heard his voice roared against the walls.

I know that he's following me but unlike me, he's not running.

Pakiramdam ko ay parang ibang Caspian ang kasama ko simula noong pumasok kami sa lugar na 'to. He's so distant. Kanina, ayos naman siya nang nasa loob kami ng kotse ah?

He's the death of me if I didn't save myself.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. I can hear every steps that I take away from him. I can hear my heart beat.

Nang nakarating akon sa harap ng kinakalawang na malaking pinto ay mabilis ko itong pinagsusuntok o sinisipa upang bumukas man lang pero kahit anong gawin ko ay hindi man lang ito gumalaw.

"Khione," his voice was unexpectedly calm like he's trying to stop me through using his soft sides.

No. Hindi na ako magpapaloko sa mga ganyan mo, Caspian. Ginawa mo na 'yan noong panahong nagalit ako sa'yo dahil sa nangyari kay Kara.

"Don't run," his voice was rough but it sounded safe. Sobrang lapit na ng boses niya kaya mabilis akong napalingon.

He's right in front of me. Stood still while staring at me. Hindi siya lumapit sa akin. Parang pati siya ay takot. Takot na baka ay may magawa siya sa akin.

"W-Where—" I inhaled and cleared my throat to gain my voice. "Where did you hide the girls? Tell me please, c-can—can I see them?" Idinikit ko ang likuran ko sa pinto upang mas malayo ako sa kanya.

"No." his face was so lifeless. No expression at all. He looked... Deadly.

"Wala kang puso! Caspian! Akala ko ba ay tungkol sa pera lang ang lahat ng 'to? What is this? Binabayaran ka upang pahirapan ang isang tao? Sino ang nag-utos nito?" I exploded. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang dahil sa mga nasaksihan ko ay parang bumalik ang lahat ng nararadaman ko noon.

Galit at pagkamuhi.

"Yes, they pay me, I pay my torturers to torture the person that my customers wanted to suffer," mas lalo lang nadagdagan ang galit na nararadaman ko para sa kanya. Gano'n nalang ba talaga kahalaga ang pera para sa kanya?

"I can't believe you. You're impossible. This such an inhuman activity. I can tolerate gambling and hacking but this?" Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng buong paligid. "I can't take this, Caspian. Why did you brought me here? To torture me too—?"

"No. You wanted to know me right? This is one of the biggest part of me, Khione. This is me." nakita ko ang ugat sa kaniyang mga braso na nagpapakita na naman. Nagkasalubong ang kaniyang medyo makapal na kilay. His dark hair was messy. "Do you still want to know me? Then, follow me. I wanted to introduce myself, Khione." dagdag niya sa napakaseryosong boses.

All this time? Hindi ko pa pala siya kilala? Ang tagal na naming magkasama pero 'yong totoo ay hindi ko pa rin pala talaga siya kilala.

I wanted to know him but I'm afraid that I might knowing a monster inside him.

Ang mga kamay niya ay mahigpit na nakakuyom na parang pinipigilan niya ang sarili niya. Bakit? Anong pinipigilan niya? Is he trying to stop himself from hurting me?

And I thought that I finally solved the puzzle but I didn't know that I solved the wrong puzzle that I picked from a thousand of puzzles. I chose the wrong image of him.

Hindi ko na naiintindihan. Ang labo.

"I won't hurt you," he said it like it was an oath.

Parang inaasahan niya na talaga na magiging ganito ang reaksyon ko. Parang pinaghandaan niya na ang lahat ng ito.

Hindi ako naniniwala. Ako? 'Di niya sasaktan? Lokohin mo sarili mo, 'wag ako.

"Sinong niloloko mo, Caspian? Ako ba?" I sad sarcastically. Binigyan ko siya ng isang mapait na ngiti.

Ilang minuto kaming tahimik at walang ni isang umiimik sa amin. Bukod sa impit na mga sigaw na umaalingawngaw sa buong paligid nang dahil sa sakit ay wala ng iba pang ingay ang naririnig ko.

I can almost hear his heavy breathing and even mine.

"Gordon." pagputol niya sa katahimikan na namamagitan sa amin hindi niya pa rin inaalis ang mga titig sa akin. Parang pinagmamasdan niya ako, sinusuri at binabantayan kung ano ang susunod kong gawin.

"Lord," Gordon came out from the dark and acknowledge Caspian.

"Bring her to my room," seryosong utos ni Caspian na nakapagpakunot ng noo ni Gordon.

"Ba't 'di ikaw?" gusto ko sanang matawa sa sinabi ni Gordon pero pinigilan ko ang sarili ko. Buwisit na Gordon 'to. Sobrang seryoso nila kanina na nagsasambitan ng mga pangalan tapos bigla siyang ganyan?

"Ayaw niya sa akin," isa pa 'tong si Caspian.

Nababaliw na talaga sila. Magkaibigan nga naman. Ang sarap nilang inuntog sa rehas.

Siguro ay mas pagkakatiwalaan ko pa si Gordon kaya upang makalayo ma rin kay Caspian ay sumunod ako kay Gordon na natatawa pa nang dahil sa sinagot ni Caspian.

Pinunsan ko ang basang mukha ko. Magkahalong pawis at luha ito kaya may iilan na nalalasahan ko na. Ang alat pala.

Tahimik akong nakasunod kay Gordon habang naiwan doon si Caspian na nakatayo pa rin sa kanyang puwesto.

Hindi ko nakayanan ang katahimikan at nagreklamo na. "Tss, ano ba namang klaseng lugar 'to. Ang yaman yaman ng nagmamay-ari wala namang aircon."

"Sa kuwarto niya, meron." sabat nitong si Gordon.

"Sino?"

"Si Lord,"

"Sinong nagtanong?"

Napamura siya nang dahil sa sinabi ko. Hindi niya inakalang may ganitong side pala ako. Akala niya ay puro nalang kalokohan ang mga ginagawa ko.

Hindi ko na alam kung saan kami papunta. Basta't nasa loob pa rin kami. Hindi na ako nagtangkang tumingin pa sa mva kinukulong nila dahil baka ay maulit lang 'yong nangyari kanina. Kawawa naman si Gordon kung gano'n. Siguro, malalabanan ko pa itong si Gordon pero si Caspian? Ang hirap labanan na kapag lumaban ako ay lagi namang talo.

Binuksan ni Gordon ang isang pinto at pinauna akong pumasok pero hindi ako pumasok.

"Mauna ka, baka ikulong mo ako rito." Natawa siya nang dahil sa sinabi ko at naunang naglakad papasok ng kuwarto.

Aalis na sana ako at hindi na tutuloy ngunit isang malamig na baritonong boses mula sa likuran ko ang nakapagpatigil sa akin.

"Get in."

Ang bilis niyang nakarating dito ah? Siguro may shortcut.

Wala akong nagawa ulit at tuluyan ng pumasok sa loob. Medyo madilim pero sapat na upang makita ko ang nasa loob.

Hindi naman nagsinungaling si Gordon at totoong may aircon nga rito.

Nang narinig ko ang ingay ng pagsara ng pinto ay agad kong naramdaman si Caspian sa gilid ko na nilagpasan ako.

"Mamili ka," utos ni Caspian sa akin at itinuro ang iba't ibang klaseng kagamitan sa pagtotorture.

"Bakit?" masungit kong tanong.

"Mamili ka na lang kasi," nakita ko pa kung paano inikot ni Gordon ang kanyang mga mata at agad namang ngumiti nang tinapunan ko siya ng masamang tingin.

Ba't ang hilig nila sa mga ganyan? 'Yong iniikot ang mga mata?

I did. Namili ako.

Nakalagay sa isang glass cabinet ang mga kagamitan nila. Narinig ko ulit ang pagbukas at sara ng pinto na parang may lumabas.

I traced my finger on the glass and stop right on the thing that I choose.

Binuksan ko ang salaming kabinet at kinuha ang bagay na 'yon. Isang latigo. Walang kung anong nakakabit nito. Just a plain latigo.

"Give me a number."

Lumingon ako kay Caspian nang nagsalita siya. Wala na si Gordon. Siya siguro 'yong lumabas.

"09453264—"

"Your favorite number," putol niya sa sasabihin ko.

Napaisip ako kung anong numero ang pinakapaborito ko. May patingin-tingin sa kisame pa akong nalalaman na parang nag-iisip talaga.

Bumaling ako kay Caspian nang tuluyan ko ng naisipan ang paborito kong numero.

"Zero."

"Why?"

"Because it has no value."

"Another number, except zero."

Muli akong nag-isip pero sa pagkakataong ito ay sa kanya na ako nakatingin. Hindi naman masyadong seryoso ang ekspresyon niya. It's like he's just playing.

"Negative one hundred?"

"No negative numbers."

Nag-isip ako ulit. Bakit ba ayaw niya sa mga napipili ko? Siya nalang kaya ang pumili?

"Thirteen." I finally said.

"Why?"

"Because a car accidentally hit me. It was hit and run. When they brought me to the hospital. The doctor announced that I was dead on arrival but my father ordered the doctor to try again and revive me. I opened my eyes for a second life and it happened when I was thirteen." paliwanag ko na parang nagkukuwento na rin. Tinitigan ko siya at pinagmamasdan ang ekspresyon niya.

His muscles flexed. Mas lalong nagpapakita ang mga ugat sa braso niya.

He nodded like my answer satisfied him.

Naglakad siya papunta sa gitna ng silid at hinubad ang kulay itim niyang damit. Nagtataka ako pero hindi ako nagtanong. Tumalikod siya sa akin. Sobrang brosko ng katawan niya at parang halos araw-araw siyang nagbubuhat ng bigas nang dahil sa mga muscles sa katawan niya.

Then my eyes stuck on his scars.

"Thirteen then. Thirteen lashes for me. Do it." utos niya na mas lalong nakapagpalito sa akin.

Napatingin ako sa hawak kong latigo. Hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.

"W-What—"

"Punish me, Khione."

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

861K 22.5K 35
I'm Calixa Lorraine Avenue. Ang hanggarin kulang sa buhay is to finish my study Para makakuha ng magandang trabaho. Pero dahil isa akong tanga! sound...
188K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
1.8M 50.9K 43
(COMPLETED) Art Theodore Dela Cuesta is the epitome of perfection for today's generation. Popular with women, the top bachelor in the country, a very...