A Hundred Billion Worth

By reintold

2.9M 81.1K 14.6K

WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some r... More

Disclaimer
Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas
Espesyal na Kabanata

Kabanata 15

43.5K 1.3K 149
By reintold

Kabanata 15

Hush

Curiosity doesn't really kill an innocent cat. I proved that wrong.

Napaigtad ako nang isang malakas na suntok ang narinig ko sa metal na pader matapos ang ilang minutong katahimikan.

Parang hindi ko na nagugustuhan ang mga pinaggagawa ko. Ayokong may madamay sa kahit anumang gagawin ko.

Hindi ko naman kasi alam na may gusto palang magtangka sa buhay ko.

Why would they want me dead?

Napapikit ako habang nilalabanan ang mga luhang nagtangkang mahulog. Gusto kong lumabas at sabihin kay Caspian na hindi ako 'yon, na kasalanan ko kung bakit nadamay pa si Kara.

Pero hindi, dahil alam kong sa oras na makita ako ni Caspian ay hindi n siya papayag na pupunta pa ako sa resthouse kung saan naroon si Kara.

Isa pa.

Hindi ko magugustuhan ang mangyayari sa akin 'pag nalaman niyang hindi ko sinunod ang kagustuhan niya.

"Ano pang hinihintay niyo? Fucking get the helicopter ready!" umalingaw-ngaw ang napakamapanganib na sigaw ni Caspian.

Narinig kong nagmamadaling umalis ang dalawa pero hindi naman umalis si Caspian sa kinatatayuan niya.

I can almost hear his heavy breathing.

Sa madilim na daan ay sumilip ako. Nakita kong isinandal niya ang braso niya sa pader at isinandal din ang noo niya sa kanyang braso.

Kanina naman ah? Chill lang siya habang 'yong mga hackers dito ay halos mamatay na sa kakaayos ng kanilang sistema.

Muli kong isiniksik ang sarili ko sa sulok nang nagmamadaling naglakad si Caspian pabalik sa baba. Kumunot ang noo ko nang narinig ang munting ingay na nahulog ang kung ano.

Nang nakasigurado na akong wala na siya ay lumabas ako at lumuhod sa sahig. Kumapa ako roon dahil medyo madilim dito.

Kung hindi ako nagkakamali ay susi 'yong nahulog.

Napabuntong hininga ako nang tama nga ang hinala ko. It's Caspian's car's keys.

May narinig akong ingay mula sa pinakaitaas ng building. I think the helicopter just landed on the rooftop.

Hinintay ko munang makaalis na ang helicopter bago ako lumabas ng building. Hinayaan kong makita ako ng moving CCTV camera dahil alam kong busy ang lahat sa pag-aayos at pagtingin sa history ng nakunan ng security camera nila.

Madilim na sa labas.

Nakita ko agad ang kotse ni Caspian. Pumasok ako at umupo sa driver's seat.

I know how to drive. My father taught me how.

I turned on the engine. Pinaatras ko 'yong kotse mula sa pagparking nito. I turned the wheel in the other direction and immediately stepped on the gas.

Nang nakarating ako sa kalsada ay mabilis akong napa-brake.

Saan naman ako pupunta?

Biglang pumasok sa isip ko ang kasintahan ni Kara. How can I explain this to him? Baka magalit siya? Sino namang tao ang hindi magagalit nang dahil sa ginawa ko?

Pero hindi ko alam kung saan ang daan papunta ng port.

May nakita akong iilang tao sa unahan ng kalsada kaya pinatakbo ko ulit ang kotse at huminto sa tapat nila.

"Manong? Saan po ang daan papuntang port?" tanong ko sa matandang lalaki na may hawak na beer.

Oo gabi na, nag-iinuman sila.

"Ano y-yon hija? 'Di kita marinig." he hiccuped and drank a cup of beer.

Kasali ba sa kalasingan ang maging bingi? Natatakot tuloy akong uminom. Baka kasi 'pag lasing ako at sinabi ni Caspian na makakaalis na ako, hindi ko marinig. E 'di wala, wala na.

"Sa port ba hija? Dumiretso ka lang doon at lumiko ka sa kanan. Dumiretso ka ulit at lumiko ka sa kanan. May makikita kang malaking gate doon. Sa likod no'n ay ang port." paliwanag ng isang hindi lasing na matandang babae. Mukhang mag-asawa ata sila no'ng lasing na lalaki.

"Salamat po," magalang kong sabi at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Medyo malayo-layo pa naman ang lilikuan ko.

Gusto kong maniwala na ayos lang si Kara. Na sana ay hindi siya sinaktan ng mga taong 'yon. Kung alam ko lang na mangyayari 'to ay sana hindi nalang ako nakipagpalit kay Kara. Siguro ay maililigtas ko pa ang sarili ko sa ibang paraan.

Nanlalamig ang mga pawisan kong kamay na mahigpit na nakahawak sa manibela. Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko.

Mabilis akong nakarating sa sinasabi nilang malaking gate.

Akala ko ay hindi nila ako papasukin ngunit nasa malayo pa nga lang ako ay may nagbukas na sa gate.

Siguro ay kilala na nila ang nagmamay-ari ng kotseng 'to? Akala siguro nila ay si Caspian ang nagmamaneho.

Dumiretso lang ako papasok sa loob at hindi naman nila ako nakita dahil sa tinted ang mga salamin.

Hindi pa ko pa nga maayos na naipark ang kotse ay agad ko ng pinatay ang makina at mabilis na lumabas.

Bumungad sa akin ang madilim na dagat at kalangitan. May iilang ilaw sa paligid at pati na rin sa mga ship o 'di kaya'y mga yacht na nanatiling nakalutang sa dagat.

Mabilis akong lumapit sa kasintahan ni Kara na parang paaalis pa lang sa yacht. Tumawid ako sa plank at mabilis na nakapasok sa yacht.

"M-Ma'am Khione? Ba't nandito po kayo? Bakit suot mo po ang damit ni Kara?" gulantang na napaatras ang kasintahan ni Kara.

"Pupunta ako sa resthouse. Sa isla kung saan dapat sa mga oras na 'to ay nagpapahinga na ako roon," mabilis ko siyang iniwan doon at umakyat na papunta sa bridge ng yate.

Naramdaman kong sinundan niya ako.

"Pero Ma'am Khione, gabi na po at baka ay pagalitan ako ni Sir Lordcan," nababakas sa boses niya ang pag-aalala na baka ay magalit si Caspian.

Galit na 'yon kanina pa.

Alam kong maaring hindi siya papayag sa kagustuhan ko. Wala akong magawa kung 'di ay ang papatakbuhin ang yate na 'to.

Ayokong sabihin sa kanya ang lahat. Malalaman din naman niya 'pag nakarating na kami sa isla.

"Ma'am! Gabi na po! Baka pagalitan po ako!" natatarantang pagpigil niya sa akin pero ginawa ko pa rin.

Hindi naman gumalaw ang yate. Oo nga pala. 'Yong lubid. Nakatali ito upang hindi mapunta kung saan. Parang magjowa lang 'yan. Dapat itali nila ang isa't isa upang hindi na mapadpad sa kung kani-kanino.

Magpapakasal.

So ibig sabihin no'n ay kasal na ang luxury yacht ni Caspian sa port kung saan ito nakatali?

Pinipigilan ako ng kasintahan ni Kara sa pamamagitan ng salita. He didn't touched me. Sobrang taas talaga ng respeto niya sa mga babae. Ba't nagawang iwan ni Kara ang ganitong klaseng lalaki?

Hindi na ako nakapagpigil. Ayoko ma'ng saktan ang ganitong klaseng lalaki pero ayoko rin namang gawin siyang tanga.

"Listen! Nagpalit kami ni Kara, she's in that resthouse and it was attacked by some unknown people! D'you hear me? I want to see if she's okay! Now, you drive the yacht!" ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. I can almost imagine my face turned red in frustration.

Mabilis siyang bumaba at parang may inaasikaso pa upang tuluyang mapakawalan ng port ang yacht.

Naghintay ako sa kanya. Mabilis siyang nakarating at tahimik na pinaandar ang yate. Nagsimula na kaming maglayag papunta sa madilim na dagat. Mabilis, mahangin at madilim.

Nakakatakot ang pinapahiwatig ng dilim.

Isang oras na ang lumipas at hindi pa rin kami nakakarating sa destinasyon namin.

"I'm sorry," I said out of the blue. Parang ito talaga kasi ang kailangan kong sabihin ngayon upang gumaan ang pakiramdam ko.

Kasalanan ko 'to e. Nandamay pa ako ng inosenteng tao.

"Walang may kasalanan nito, Ma'am. Puwera nalang kung alam mo na mangyayari ito kaya ka nakipagpalit sa kanya." seryosong saad niya dahilan kung bakit halos isang pikit lang sa mata ko ay tuluyan ng kumawala ang mga luha pero hindi ako pumikit.

I don't want to cry.

This isn't the time for that. Ang kailangan ko ngayon ay ang lakas ng loob at positibong pag-iisip.

Isang oras ulit ang lumipas at nakikita ko na ang iilang liwanag mula sa isla. Bumaba ako mula sa bridge.

The cold breeze from the ocean at night welcomed me. My hair danced through the wind in an undescribable rythym.

I saw the helicopter's little light from here. It was landed on the resthouse's rooftop.

Nang medyo malapit na kami sa tabing dagat ay inihinto na ng kasintahan ni Kara ang yate. Bumaba siya at may inaasikaso sa gilid ng railings. Isang mabigat na bagay ang ihinulog niya sa dagat na nakatali sa yacht. May isang maliit na bangka upang tuluyang kaming makalapit sa tabing dagat. Medyo malalim pa kasi sa pinaghintuan namin at hindi naman puwedeng lumapit ang yate sa tabing dagat.

Tinulungan niya akong makasakay sa maliit na bangka at pinasuot niya pa ako ng lifejacket nang nakita niya ang takot sa mga mata ko.

Ayokong malunod ulit 'no.

Nang tuluyan na kaming nakasakay dalawa ay nagsimula na siyang magsagwan.

Nang tuluyan na kaming nakarating sa tabing dagat ay mabilis kong hinubad ang lifejacket at agad akong tumakbo papunta sa mabatong hagdan upang makaakyat. Mabilis na sumunod sa akin ang kasintahan ni Kara.

Nanginginig ang kamay ko nang may madaanang katawan ng lalaki na nakahandusay sa gilid ng pinto.

Binuksan ko ang pinto at nagpapasalamat na hindi naman ito naka-lock.

Bumungad sa akin ang makalat na sala at iilang sahig na may bahid ng dugo.

Huminto ang paningin ko sa matipunong lalaking nakatalikod mula sa akin.

Nakakuyom ang mga kamay at halos mapuputol na ang nagpapakitang ugat sa braso niya. Sobrang dilim ng aura niya na katulad ng sa kalangitan sa labas na nakatago ang buwan at mga butuin.

He's looking in front of him.

Parang kanina pa siya nakatayo rito at hindi gumagalaw. Nanatiling nakatingin siya sa isang katawan na nakahandusay sa sahig.

Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang katawan ni Kara. Lifeless and not breathing. Walang bahid ng dugo ang kanyang katawan at nakatalikod siya mula sa amin. Natatakpan ang mukha niya ng kanyang buhok.

Naramdaman ko sa likuran ko na napahinto rin ang kasintahan ni Kara.

Natulala ako at hindi makagalaw.

Mabilis akong nilagpasan ng kasintahan ni Kara nang nakita ang katawan niya.

"Kara!" lumapit siya sa kay Kara at lumuhod. Ihiniga niya ang ulo ni Kara sa hita niya at inayos ang buhok nito upang hindi matakpan ang mukha. "Kara ko..." bahagya niyang niyugyog ang mga balikat ni Kara at nang hindi gumalaw si Kara ay niyakap niya ito. "Nandito na ako, gumising kana..." nababakas sa kanyang boses ng kalungkutan at pagmamakaawa.

Nabaling ang paningin ko sa nakatalikod na katawan ni Caspian. Mas lalo siyang naestatwa sa kanyang kinatatayuan at bahagyang napaatras nang dahil sa nakita.

Mabilis akong naglakad palapit kay Kara at nilagpasan si Caspian. Lumuhod din ako at hinawakan ang kamay ni Kara.

Kahit hindi pa kami masyadong magkakaila ay nasasaktan pa rin ako para sa kanilang dalawa.

Hindi ko na napigilan at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang paghawak ng isang marahas na kamay sa braso ko dahilan kung bakit mabilis akong napatayo.

Akmang yayakapin ako nito ngunit mabilis akong lumayo at umatras.

"T-This! This is all your fault! Your organization! Fields! Enemies! And everything about you is a freaking mistake, Caspian! If only you'd let me leave before this happened!" dinuro ko siya habang patuloy na lumuluha.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang dahil sa mga sinabi ko. Hindi niya alam na may alam na talaga ako.

I'm blaming him.

Why am I blaming him?

Sobrang sakit na ng nararadaman ko, dagdagan pa ng lagnat ko. Hindi ko na alam kung ano ang mga lumalabas sa bibig ko.

I just want the pain to go away.

Bakit hindi nalang ako? Ako sana 'yon e. Ba't nandamay pa ako ng ibang tao?

If only I can turn back time. I would let myself be in this situation and not Kara.

Nagtangkang lumapit si Caspian sa akin at pilit na hinuhuli ang kamay kong dinuduro ko sa kanya. I even pushed his chest using my index finger but it only hurts me more.

Ang tigas ng dibdib niya.

"Hey..." mahinahon niyang sabi at tila nag-iba ang aura niya. Sa paraan ng tono ng boses niya ay parang pinapakalma niya ako.

"N-No! Don't you dare! Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan, Caspian!" my voice roared through the walls.

Hindi niya sinunod ang sinabi ko at mabilis niyang nahuli ang kamay ko. He pulled me closer to him and hugged me tighter more than how he gripped my wrist whenever he's angry before.

"Hush," naramdaman ko ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko. Mas idinikit niya lang ang ulo ko sa dibdib niya.

Pilit kong kumawala mula sa kanya pero parang nagpapatalo na naman ako sa kanya. Hindi ko nagawang manlaban simula no'ng nahawakan niya ang kamay ko.

Wala na akong marinig kung 'di ay ang boses niyang nagpapakalma sa buong sistema ko. Nang unti-unti na akong kumalma ay mas hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa akin. "Sweet..." he murmured softly and carefully like he's afraid that I might break into anger again.

I let my guard down again.

What is he doing to me?

I don't like it. This is all new to me.

My breathing tensed. Sobrang hirap huminga kapag ganito kami kalapit. I relaxed myself in his arms for a moment

I know that he's heartless, ruthless, merciless and everything that's cruel. Pero hindi ko naisip na umabot pa kami sa ganito. 'Yong may mawawalan ng buhay.

Akala ko ay purong laro lang ang lahat.

Natigilan ako nang narinig ang paghikbi ng kasintahan ni Kara. He really love her.

Tinulak ko si Caspian at tumakbo palabas ng resthouse. Hindi ko kayang masaksihan ang nasira kong pagmamahalan ng dalawang tao.

This is just too painful to witness. Natatakot ako na baka ay mangyari rin sa akin ang nangyari sa kanila.

But I know that I deserve it if ever it happen to me.

Huminto ako sa pagtakbo at humarap sa madilim na karagatan nang tuluyan na akong nakarating sa tabing dagat.

The wind changed. It turned harsh when it slapped on my wet face.

Narinig ko ang yabag ng mga paa sa likuran ko. Niyakap ko ang sarili ko at hindi siya nilingon.

"Please do me a favor and leave me alone." I whispered through the wind.

Continue Reading

You'll Also Like

364K 11.7K 11
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may...
924K 56.6K 93
Hello Duology, Book #1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.
3.7M 100K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
861K 22.5K 35
I'm Calixa Lorraine Avenue. Ang hanggarin kulang sa buhay is to finish my study Para makakuha ng magandang trabaho. Pero dahil isa akong tanga! sound...