A Hundred Billion Worth

By reintold

2.9M 81.1K 14.6K

WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some r... More

Disclaimer
Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas
Espesyal na Kabanata

Kabanata 13

51K 1.3K 156
By reintold

Kabanata 13

Switched

Nakabihis na ako ng isang normal na pambabaeng damit. It's a white conservative dress. It's below the knees and have a thin loose long sleeves with a pair of white sandals.

I feel like a royal princess with this.

"I'll introduce you to them," pambungad sa akin ni Caspian nang lumabas ako ng banyo matapos maligo at magbihis.

Wala sa sariling tumango ako at napahawak sa noo.

Bakit biglang sumama ang pakiramdam ko? Baka dahil ito sa magdamag na natuyo ng tubig dagat ang damit ko? Dagdagan pa ang pagligo ko sa umaga?

I retreated back my hand away from my forehead when I saw Caspian staring at me again.

"What's wrong?" gusto kong paniwalaan ang pag-aalala sa boses niya pero alam kong pakitang tao lang lahat ng 'to.

Mamaya ay babalik na naman siya sa pagiging marahas.

"Nothing..." I found a hairbrush in the drawer and brushed my hair. Sinundan niya ng tingin ang kamay ko habang patuloy ako sa pagsuklay sa basang buhok.

Nakita ko kung paano sumama ang timpla sa mukha niya. "You showered?" tuluyan ng nag-iba ang boses niya.

Tinatanong pa ba 'yon? Halata namang basa pa ang buhok ko 'di ba?

Hindi na ako nagsalita at gano'n din siya. Nauna siyang lumabas ng kuwarto niyang sobrang kalat. Ano kayang pumasok sa isip niya at bakit ginawa niya 'to? Pampawala siguro sa galit niya.

Sumunod na akong lumabas at nakita siyang pababa na ng hagdan.

Pinagmasdan ko ang suot kong sandals habang pababa ng hagdan. Ang ganda kasi tignan, magkano kaya 'to? Saan niya naman kaya nabili 'to? Gayong nandito naman kami sa isla. O baka naman ay kinuha niya 'to sa loob ng luxury yacht niya?

Nakarating na kami sa dining hall at agad akong tumabi sa bago kong best friend. Umupo naman si Caspian sa inuupuan niya kanina bago pa man kami nabuking.

"Monterozo?" siniko ko ang katabi kong nakasuot na ng bagong pormal na damit pangmayaman. Magmomodel ata 'to saa isang magazine e. Grabe kung pumorma.

"Muntik na akong mamatay, Khione." nakatulalang sabi nito. Akala ko ay seryoso na siya kaya napaseryoso rin ako ngunit bigla siyang ngumiti at siniko rin ako ng mahina.

Naalala kong may itatanong nga pala ako sa kanya.

"Monterozo? Anong nangyari sa paa ni Caspian?" bulong ko habang nakatakip ang bibig kong malapit sa tenga niya.

Umupo ako ng maayos nang naramdaman kong nakatingin pala sa aming dalawa ang apat. Kasali na do'n ang madilim na mga mata ni Caspian.

Hindi pa pala sila nagsisimulang kumain?

"Nataranta kasi siya noong nagising na nawawala ka. Hindi niya namalayan ang bubog ng basag na baso sa sahig. Kaya..."

"Natapakan niya?" tumango siya sa idinugtong ko.

Bigla akong nakaramdam ng konsesya. Natapakan niya 'yong basong aksidenteng nahulog habang kumakain ako.

Kamusta na kaya ang paa niya? Kawawa naman 'yong paa.

'Yong paa lang, hindi 'yong nagmamay-ari ng paa.

"Khione," tawag ng malamig at maawtoridad na boses.

Bumaling ako sa kanya at tinignan siya gamit ang nagtatanong kong mga mata.

"Sit here."

Iiling sana ako pero bigla akong may naalala kaya mabilis akong tumayo at sumunod sa inuutos niya.

Ngayon lang 'to.

Umupo ako sa upuan malapit sa kanya.

Napangiti ako nang maalala kong isa ito sa mga upuang may pagkain na hindi ko ginalaw kanina. Baka naman ay nilagyan ng mga waiter o chef ang pagkain na kinuha ko?

Inilibot ko ang paningin ko at tinignan kung sino ang nakaupo sa upuan kung saan ako kumain kanina.

Caspian at Villazardo ay isa sa mga nabiktima. Walang lamang pagkain ang nasa ilalim ng takip.

Si Monterozo, nakaupo siya sa kung saan ako kumuha ng drumsticks kanina.

Ang suwerte naman ng dalawang loko na sina Monerov at Gordon.

Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba at takot nang sa isang mabagal na paggalaw ay dahan-dahan binuksan ni Caspian at Villazardo ang takip.

Napalunok ako nang tuluyang nakita nila ang nasa plato.

Mabilis na bumaling sa akin si Caspian.

"I knew it," he murmured in a very low tone.

"Tangina, parang hindi naman siya ang pinaparusahan mo, Lord. Ikaw naman ang nagdudusa e," natatawang sabi ni Monterozo at binuksan ang sa kanya. Tinapunan niya agad ako ng nakamamatay na tingin nang nakitang iilang pagkain nalang ang natira sa plato niya.

Nakakatawa ang mukha niya.

"Alam mo? Pagpatuloy mo lang 'yan, Khione." nagsimula ng kumain si Monerov nang nakita ang pagkain sa plato niya.

"Good girl," papuri ni Gordon sa akin at nagsimula na ring kumain.

"Villazardo, Monterozo, Monerov and Gordon. They're part of my business," seryosong pakilala ni Caspian sa apat. Nakatingin lang si Villazardo sa akin nang sinambit ang pangalan niya. Si Monterozo naman ay ngumuso nang dahil sa kaharap nitong iilang pagkain lamang. Nag-thumbs up si Monerov at itinaas lang ni Gordon ang kaniyang kamay na parang nagpapahayag na present siya.

Caspian crossed his arms against his chest and leaned his back on the chair.

"Ihahatid kita sa isa sa mga resthouse ko sa isang malapit na isla mula rito. You'll be staying there while I'm gone." parang planado na lahat ng gusto niyang mangyari.

Iiwan niya ako? Sa isa sa mga resthouse niya?

Malaya na ba talaga ako?

Pero gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa sinasabi niyang problema. Parang ayaw niya pang malaman ko ang tungkol sa sinasabi niyang business.

Alam ko naman na 'yon e.

Magpapaiwan ba talaga ako?

"Where are you going? Hindi ba puwedeng uuwi na lang ako sa amin?"  binuksan ko naman ang nakatakip sa pagkain ko at napangiti.

"No," kasing tigas ng bato na sabi niya. Hindi man lang sinagot ang una kong tanong.

He made up his decisions?

"Saan ba 'yang lugar na 'No'?" I asked sarcastically.

He pursed his lips like he's trying to control his temper.

"Okay," tumango-tango ako na umaaktong susunod sa kagustuhan niya.

"We're leaving after this," anunsyo niya. Kaya pala bihis na bihis sila, pati na rin ako. Kung titignan ay parang pupunta ako sa isang bakasyon pero hindi 'no.

Nang natapos ako sa muling pagkain ay sandali kaming nagpahinga roon bago kami lumabas ng illegal na casino house. Pumunta kami sa tabing dagat at nagulat na lang ako nang nakakita ng limang yate sa 'di kaluyuan.

Sumakay muna kami sa maliit na bangka bago nakarating sa kinaroroonan ng luxury yacht ni Caspian. Sumakay sila sa kani-kanilang mga yacht. Akala ko talaga ay sasabay sila sa amin.

Agad kong nakita ang babaeng nagpupunas ng salamin at ang nagpapaandar ng yacht na nasa bridge na.

"Ilang oras bago tayo makarating sa sinasabi mong malapit na isla?" tanong ko kay Caspian nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng yacht. Kinakausap ko siya na parang walang nangyari.

May nangyari ba?

"Three hours. Rest here. I'll be in the bridge. Someone will accompany you in the island when we get there." instruksyon nito sa akin na parang sa ngayon pa lang ay gusto niya na akong paalisin.

Sino naman 'yang sinasabi niyang accompany ko? Baka mga piranha?

"Hindi mo ako ihahatid?" nginitian ko siya. No one will resist my sweet smile.

"I said, I'll be in the bridge."

After he said that, he immediately go upstairs to the bridge.

Ang sungit talaga.

Kailangan kong mag-isip ng paraan upang hindi ako makaalis dito at napapaniwala si Caspian na talagang umalis nga ako rito.

Sumunod ako sa kanya papunta sa bridge at nakitang nakatayo siya sa gilid ng operator.

"Kailan ang balik mo?" bakit ba ang dami kong tanong? Curios lang talaga e. Napakamisteryoso niya kasi na halos mababaliw na ako sa kakaisip kung ano ang pinagkaabalahan niya.

"Matapos ang isang buwan."

"Talaga?"

"Ang saya mo naman ata?"

Syempre dahil isang buwan kong hindi makikita ang pagmumukha mo kung sakaling hindi ako makapag-isip ng paraan upang manatili rito.

Ilang minuto akong tahimik at nakatingin sa dagat.

The sea is beautiful, if only I could swim.

"I'll teach you how to swim when I come back." nakikita niya siguro sa ekspresyon ko ang iniisip ko. He knew that I don't know how to swim the time he saved me from drowning underwater.

Huwag. Huwag ka ng babalik, baka iba ang maaabutan mo sa loob ng resthouse mo.

Teka. Iba?

Bumaba ang tingin ko sa babae sa labas na may inaayos na lubid sa gilid ng railings. Halos magkasingtangkad lang kami, nakatali ang buhok niya sa milinis na paraan. Pero medyo maluwang ang suot niyang parang uniporme na tagalinis.

Konting kulot lang sa dulo ng buhok niya ay magiging mas magkapareho na kami kapag nakatalikod siya.

Mukhang puwede na siya.

"Caspian? May dala ka bang pera? I don't have money, paano ako makakapamasyal sa mga store ng islang sinasabi mo kung wala akong pera? Gusto ko pa namang magpagawa ng bracelet na personalized. 'Yong may nakaukit na pangalan ko," hindi ako ngumiti at itinaas pa ang palapulsuhan ko upang tignan ito.

Para mas magmukhang kapani-paniwala.

Sigurado naman akong hindi sa isang isolated na lugar niya itinayo ang resthouse na 'yon. Siguro sa medyo isolated na lugar pero meron naman sigurong store sa 'di kalayuan no'n.

"Okay, fifty thousand?" he offered and took his black wallet from his pocket.

Ang kuripot nga naman. Binili niya ako ng isang daang bilyon tapos fifty thousand lang ang ibibigay niya sa akin?

Pero malaki na 'yong fifty thousand. Para sa kanya, barya lang 'yan.

"Do I have bodyguards there?" muli kong tanong upang malaman ko kung mabubuking ba ako ng mas maaga.

O baka naman ay hindi pa lilipas ang isang oras ay huli na naman ako?

"Yes."

Oh patay.

Tumango ako at inabot ang isang cheque na inilahad niya sa akin.

Tatalikod na sana ako at umalis pero may nakalimutan nga pala ako. Magpapasalamat pa ako e.

Hinarap ko siya ulit at ngumiti. I tiptoed and kissed him on the cheek. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko.

Nagulat siguro.

"Thanks," I said and smiled again.

Bumaba ako ng bridge habang pinapaypay sa mukha ko ang isang pirasong papel at nang nakababa na ay itinago ko na ang cheque.

Tumabi ako sa babaeng nag-aayos pa rin ng lubid sa railings. Sumulyap ako sa bridge at nakitang nakamasid si Caspian sa akin.

Nakikipagkaibigan lang e.

Nasa loob na ng bulsa ko ang cheque at tinulungan ang babae sa lubid na pinagkakaabalahan niya.

"Hala, Ma'am! Nakakahiya naman po. Ako na po rito." natatarantang medyo inilayo ng babae ang lubid mula sa akin upang siya na ang gumawa.

"Turuan mo nga ako sa mga ginagawa mo, ano nga pala ang pangalan mo?" seryoso kong tanong habang nakangiti.

"Kara po. Baka mapagalitan po ako, Ma'am." bakas sa boses nito ang takot at pag-aalala.

Takot din pala siya kay Caspian? Anong meron sa demonyong 'yon na may back to back na sungay?

"Papagalitan ko rin siya," taas noo kong sabi at tumingin kay Caspian na nasa bridge at nakamasid pa rin sa akin.

Inirapan ko si Caspian dahilan kung bakit napasinghap ang babae na si Kara.

Hindi naman nagbago ang ekspresyon ni Caspian. Parang isang estatwa lang na hindi ngumingiti. Turuan ko kaya siya kung paano ngumiti? Tutal tuturuan niya rin ako kung paano lumangoy.

"P-Pero Ma'am," kinakabahang sambit nito at natigilan na din sa pag-aayos ng lubid.

"Just call me Kara," kinindatan ko siya na mas lalong nagpalaki ng mga mata niya. Hindi makapaniwala na magkapareho pala kami ng pangalan kahit biro lang naman 'yon.

Isa na si Caspian sa mga taong ang hirap pagsabihan ng biro.

Nayaya ko si Kara sa loob papunta sa silid kung saan ako gumising noong papunta pa lang kami sa isla kung saan ang casino house.

Nakita kong naghiwahiwalay na ng dinaanan ang mga luxury yacht kung saan nakasakay ang mg kaibigan ni Caspian.

Akala ko ay sasama sila kay Caspian? Baka babalik na sila sa kani-kanilang sinasabing field?

Umupo ako sa kulay puting kama at nakatayo naman sa harap ko ang babae na may hawak na walis. Inilibot niya pa ang paningin niya sa buong silid na parang namamangha sa mga nakikitang gamit.

Inilabas ko ang cheque mula sa bulsa ng suot kong white dress.

"Let's have a deal,"

Bumalik ang mga kumikinang niyang mga mata sa akin nang dahil sa sinabi ko.

"Po?" tila naguguluhang sabi nito.

"Let's switch. You'll go to the rest house and someone will accompany you there. Bodyguards. You looked tired, you need to relax." I gave her a kind and sincere smile. Totoo na 'to, mukhang pagod talaga siya at kailangan niya ng isang buwang pahinga. "I'll give you fifty thousand for this plus the resthouse where you'll be staying for a month." inilahad ko sa harap niya ang cheque.

Mas kumislap ang mga mata niya at tumingin sa akin na parang isa akong anghel na nahulog sa bangin at umakyat ulit upang tulungan siya.

Totoo namang nahulog ako sa bangin ah? Sa dagat nga lang ang bagsak ko.

"Pero Ma'am, paano po 'yong mga bodyguards na sinasabi niyo?" biglang napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon sa mukha niya.

"Hindi ako kilala ng mga bodyguards na magbabantay doon. Dalawang bodyguards lang ang nakakilala sa akin. You somewhat symbolizes me. Konting arte lang sa katawan, ayos na." I smiled in assurance. Reassuring her that everything will be fine.

She looked at me incredulously. Parang sobrang hindi kapani-paniwala ang mga pinagsasasabi ko.

"Payag po ako, Ma'am!" masayang tugon nito at medyo itinaas pa ang hawak niyang walis.

"You have one hour to teach me everything about your work here. I have one hour to get you ready." nagkamayan kami at ibinigay ko na sa kanya ang hawak kong cheque.

Dalawang oras lang ang meron kami kaya kailangan naming bilisan.

Lumipas ang dalawang oras at natutunan ko na kung paano mag-ayos, maglinis, magtali at marami pang iba.

May narinig akong bell na galing sa bridge na kumuha ng atensyon namin ni Kara.

Nakaayos na siya at nakapagpalit na kami ng damit. Isinuot ko pa ang kulay itim niyang cap dahil nasa alas tres na ata ng hapon. Hindi naman masyadong mainit pero kailangan ko pa ring matago.

I'm trying to hide my identity for the second time around.

Alam ko na rin kung saan ako matutulog. Sa isang maliit na cabin. Ayos lang, hangga't hindi ako makaalis dito.

I need to stay. I need to know something about him.

"Remember, you are Khione Fuego the time you walked out of this cabin. Don't ever look back." nang naisuot ko na sa kanya ang magarang kulay dilaw na beach hat ay iniharap ko siya sa salamin. "I'm Kara, always at your service Ma'am." natatawa kong pakilala.

Nakikita ko ang sobrang kaba sa mukha niya pero nginitian niya ako.

That's the true Khione Fuego. Kahit takot at kinakabahan na ay ngingiti pa rin.

Nauna na akong lumabas ng sosyal na cabin na 'yon habang dala ang walis. Pumunta ako sandali sa maliit na cabin ko at kinuha ang isang tela at spray na pamunas ng salamin sa labas.

Lumabas ako at nagsimula ng magpunas ng mga salamin malapit sa kung saan dadaan si Kara.

Sa wakas ay nakalabas na si Kara. Nakatalikod siya mula sa bridge kaya ang likod niya lang ang nakikita ni Caspian.

Tumingala ako, sakto lang upang makita si Caspian at bahagyang matataguan ang mukha ko sa suot kong cap.

Natigilan ako sa nakita. Sa paraan ng pagtitig niya kay Kara na akala niya ay ako.

There's something in his eyes. Deep with sorrow and desire.

Can someone tell me what's the meaning of this?

Hindi niya inalis ang titig niya kay Kara hanggang sa nakasakay na ito sa bangka ngunit hindi pa rin lumilingon.

Very good.

Umandar na ang sinakyang bangka ni Kara hanggang sa lumayo ito at dumaong sa tabing dagat. T'saka na muling gumalaw ang luxury yacht ni Caspian.

Au revoir, Kara.

Napayuko ako at pinagpatuloy ang ginagawang pagpunas sa salamin na malinis naman nang nakitang bumaling sa akin ang lalaking nagpapaandar ng yacht na 'to. Baka mahuli pa ako 'no.

I secretly smirked under the protection of my cap from the heat.

Nang tuluyan na kaming nakalayo sa isla ay mas lalong lumapad ang pagngiti ko na halos mapupunit na ang mga labi ko.

Nakita ko si Caspian na bumaba mula sa bridge at pumasok sa cabin niya kung saan kami nagpalit ni Kara ng identity.

Maayos na lahat ng nasa loob at walang naiwan na ebedinsya.

Habang dala ang pamunas at spray ay pumasok ako at huminto sa harap ng bahagyang nakaawang na pinto. Mukha itong nakasara kung nasa malayo lang ako pero hindi. Maririnig ko kung ano man ang ginagawa o sinasabi niya.

Malay mo? Baka minsan niya ng kinakausap ang sarili niya?

"Yes, I'll be visiting the hacker's field. Your field, Monerov." mukhang may kausap siya sa kabilang linya.

Delikado nga 'tong ginagawa ko. Pero hindi naman ako magpapahuli.

Tatalon muna ako sa dagat bago niya pa man malaman na nagpapanggap lang ako.

Hacker's Field? It was under Monerov's management?

Ibig sabihin lang nito ay makikita ko ulit ang pagmumukha ng Monerov na 'yon?

"Monterozo is going to the bidder's field. Specifically at the Red Market." seryosong sabi nito. Hindi ko marinig ang si Monerov sa kabilang linya.

Turn the loudspeaker on please.

Kung si Monterozo ay sa gamblers, si Monerov naman ay sa hackers. Sino naman ang sa bidders, torturers, at killers for hire?

"I'll check the field, I need to fix the organization's system problems. Baka may kinalaman ang hackers do'n kaya hindi ko ma-locate kung anong field ang nagbibigay ng warning," naiimagine ko na ang mukha ni Caspian. Nagkasalubong ang mga magagandang kilay at ang dilim ng aura.

Kailan ba maghihiwalay 'yang magkasalubong niyang kilay? Magjowa nga naghiwalay, kilay niya pa kaya?

"No. She's safe in my resthouse. I bought the resthouse surreptitiously. Walang nakakaalam na pagmamay-ari ko 'yon." and they're talking about me? Bakit ba lagi nalang akong napapasok sa topic nila?

Am I always invading his thoughts? Pinoproblema niya nga talaga ako.

Ang ganda mo kasi, self. Kahit maligo ka pa sa putik 'di talaga mababahiran ang kagandahang taglay mo.

Self-proclaimed eh?

"No. I already broke their organization apart. The torturers skinned and buried them alive."

Natigilan ako sa sinabi niya. Another organization? What he said was just so... Brutal.

Ano 'yong nakikita ko sa kanya noong mga nakaraang araw? Malikmata? Imahenasyon? O talagang ganito siya pagdating sa kaniyang negosyo o kahit na anong illegal na gawain niya?

I witnessed him laughed... And now I'm hearing his brute words.

He's so atrocious.

This is him without me? Even before I came?

Kaya pala takot na takot sa kanya ang lahat? Pero paano nagawang magbiro ng mga kaibigan niya? Siguro ay gano'n talaga sila, matagal ng magkaibigan.

Nakaramdam ako ng matinding takot at kaba. Mas matindi pa kesa sa mga nararadaman ko noon sa kanya.

Totoo ba talaga ang mga sabi-sabi? Na pinapatay niya ang mga babaeng nabili niya sa Red Market noon?

Why am I hearing him saying that I'm safe in that resthouse of him?

This is ridiculous.

Napapikit ako at inalis lahat ng masamang iniisip ko tungkol sa kanya. I don't want to think of someone that way. I don't want to judge him.

Ngayon pa lang ako naghusga. Tinuruan ako ng Mom ko noon na huwag manghusga ng kahit sino dahil hindi ko naman alam kung ano ang pinagdadaanan nila bago sila naging kung ano sila ngayon.

I used to look at people positively.

I don't take problems seriously. Dadaan din 'yan, lalagpasan ka at hindi na babalik. Pero may panibagong problema na naman ang darating na magpapatatag sa'yo ng husto.

We all get through it. Don't live with problems, let the problems live itself. Sooner, solutions will come and problems will leave.

Parang 'yong mga tao lang. Someone will come and go, come and go. It's like a cycle.

"How resilient of them but they can't defeat the nemesis even if they're organization is resilient," his voice is dangerous and thunderous.

Napapikit ako at napahigpit ang paghawak ng spray dahilan kung bakit muntik ko ng idiniin ang mga daliri ko kung saan maaaring makapagpalabas ng tubig. Ang ingay pa naman ng spray.

Mabilis akong pumunta sa maliit na cabin ni Kara nang narinig ko ang mga yabag ng paa ni Caspian palabas ng cabin niya.

Bumalik yata siya sa bridge.

Ilang minuto akong umupo sa maliit na kama at nag-isip. Pilit pinagdudugtong lahat ng narinig ko.

Pero wala talaga akong makuha na punto.

Napatalon ako sa kama nang biglang may kumatok sa pinto.

"Mahal? Mag-usap muna tayo oh. Hindi na naman ako makakatulog nito mamayang gabi na galit ka pa rin sa'kin. Ngayon lang ako pinagpahinga sandali ni Sir Lordcan."

Hala? 'Di naman sinabi ni Kara na magkasintahan pala sila ng operator ng yacht na 'to? 'Yong nagturo sa akin kung paano magmamaniobra ng yacht.

Sana all may ganitong lalaki 'di ba? 'Yong hindi makatulog dahil galit pa rin sa kanya ang kasintahan niya. Sinusuyo niya agad. Kaya pala agad na pumayag si Kara sa gusto ko.

I face palm at napahilamos sa mukha.

Sabi ko nga 'di ba? Kani-kanina lang ay nag-iisip ako tungkol sa problema.

Anong klaseng problema 'tong pinasok ko?

Continue Reading

You'll Also Like

188K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
364K 11.7K 11
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may...
3.7M 100K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...