A Hundred Billion Worth

Autorstwa reintold

2.9M 81.1K 14.5K

WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some r... Więcej

Disclaimer
Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas
Espesyal na Kabanata

Kabanata 12

45.3K 1.4K 203
Autorstwa reintold

Kabanata 12

Deal

Mas lalo ko lang isiniksik ang katawan ko sa likod ng pinagtataguan kong kurtina.

Kahit huling-huli na ay 'di pa rin lalabas.

Nakakatakot siya, oo, pero mas kinakatakutan ko talaga ang maging ekspresyon ni Caspian.

Ilang minuto akong naghintay at hindi lumabas sa likod ng kurtina. Wala namang biglang humawi sa kurtina upang tuluyang mahuli ako. Ano kayang ginagawa niya?

Gusto kong sumilip ulit ngunit baka makita na naman ako.

Pero sumilip pa rin ako 'no.

Wala na siya.

Nasaan kaya siya?

Inilibot ko ang paningin ko at wala na nga talaga siya. Lumabas ako sa pinagtaguan ko at nakita ko pa ang mga trabahante rito na napatingin sa akin. Yumuko ako at lumapit sa isa sa mga natatakpang plato na may pagkain sa loob.

Binuksan ko 'yong takip at kumuha ng dalawang chicken drumsticks.

Lumabas ako na parang walang nangyari.

Habang nasa daan ako pabalik sa kuwarto kung saan ko iniwan si Monterozo ay papalitpalit ako ng pagkain sa drumsticks. Bale, isang drumstick sa kaliwa at kanang kamay.

Nang nakarating na ako sa second floor ay huminto ako sa gilid ng nakabukas na pinto. Hindi ako nagpakita.

May narinig akong nanunuksong tawanan sa loob at ang malamig na boses na 'yon.

"Yucks, tol. Mahiya ka naman." rinig kong boses ni Gordon.

"Kawawa ka naman, pre." isa pa 'tong si Monerov.

Silang dalawa 'yong tumawa. Wala naman sigurong namatay sa kakatawa 'di ba?

"Rolando! Fernando! Search the area!" tunog kulog ang boses na 'yon na umalingawngaw sa buong silid kaya pati rito sa labas ay sobrang linaw ng pagkakarinig ko no'n. Dagdagan pa ang pinto na nakabukas.

Lumayo ako sa pinto at nagtago sa isang masikip na hagdan malapit dito. Alam kong sa main stairs sila dadaan.

Nakayuko ako at nakatalikod nang narinig ko na dumaan sila sa pinagtataguan ko.

Mga hangal.

"Tama ako e, hindi si Sir Monterozo 'yon!" daldal ni Rolando hanggang sa unti-unti ng lumalayo ang boses nila.

Muli akong lumabas sa pinagtataguan ko at bumalik sa gilid ng pintong nakabukas. Sumandal ako sa dingding at kumagat sa kinakain kong drumstick.

"Nasaan si Villazardo?" tanong ni Monterozo sa mababang boses. Pamilyar na ako sa boses niya.

"Susunod lang daw siya," boses ni Monerov ang sumagot.

Nakarinig ako ng mga nahulog na gamit, hampas, pagkasira ng kung ano, basag ng salamin.

Nakaramdam ako ng takot sa iniisip na baka nagwawala si Caspian. Nawala na rin ang tawanan ng dalawa.

Gusto ko sanang sumilip. Pero natatakot ako. Ito na ba ang oras na kailangan ko ng umalis at magpakalayo-layo rito?

Paano? Lalanguyin ko ang dagat?

Naalala ko, 'di nga pala ako marunong lumangoy.

"Fuck! Paano kung may mangyari na naman sa babaeng 'yon? Nag-iisip ka ba Monterozo?!" parang isang basag na speaker ang boses ni Caspian. Masakit sa tenga.

"Chill lang, Lord."

"Sinong babae ba 'yan? Si Khione?"

Oh, famous na pala ako?

Matagal ka ng famous, self.

Napuno ang kuwarto ng tawanan at ang ingay na nagmula sa mga gamit. Parang nagwawala na naman si Caspian. Tapos pinagtatawanan lang nila? O baka naman ay sinasaktan na niya si Monterozo?

Hindi niya puwedeng saktan ang best friend ko.

Tatalikod na sana ako para makaalis na. Kaya na ni Monterozo ang sarili niya, malaki na 'yon. Ngunit nagulat ako nang hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Bumaba ang tingin ko sa dalawang kamay na mahigpit na nakahawak sa magkabilang braso ko.

Pinilit ako nitong maglakad papasok sa loob ng silid. Para naman akong aswang na magkamayaw sa pagpigil sa sarili upang hindi makapasok sa silid na puno ng mga panakot.

"No! Let me go!" sinubukan kong tumalikod o humarap man lang ngunit parang may kumokontrol sa bawat galaw ko na agad akong napapaharap sa nakabukas na pinto.

Sino ba 'tong pakialamerong 'to?

Hindi naman nagsalita at gamit ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko ay halos napaangat na ako sa sahig nang pilit kong idinikit ang suot kong sapatos sa sahig.

"Oh, hi!"

"'Di niyo naman sinabing lesbian pala 'tong sinasabi niyong model."

Pambungad sa akin nina Gordon at Monerov. Tinapunan ko ng masamang tingin si Gordon na siyang huling nagsalita. Prenteng nakaupo sa isang upuan at nakalagay pa ang mga kamay sa likod ng ulo niya.

Ang kalat ng buong silid ni Caspian. Nakita ko namang parang naliligo na siya ng pawis at nang nagkasalubong ang mga tingin namin, agad naman akong uniwas.

Hawak ko pa rin ang malapit ng maubos na drumsticks sa magkabilang kamay ko.

Nang binitiwan na ako ng taong sapilitan akong pinapasok dito ay parang nanginginig ang mga braso ko sa takot. Pakiramdam ko ay huminto sa pagdaloy ang dugo ko hanggang sa nagpatuloy ito nang binitiwan na niya ako.

Grabe naman siya nakahawak. Anong akala niya sa braso ko? Metal?

Napayuko ako ng kinuha ng kung sino sa likuran ko ang suot kong black hat. My hair immediately fall behind me.

Mas lalo akong natakot nang sumeryoso ang lahat. Wala ng tawanan, pati na rin si Monterozo na mariing nakatingin sa akin.

"I saw her behind the dining hall's curtain." sumbong ng boses lalaki sa likuran ko.

Agad ko siyang nakilala dahil sa sinabi niya.

Villazardo.

Napatingin sa akin ang apat at bumaba ito sa hawak kong drumsticks. Dahil sa sobrang kabang nararadaman ay napakagat ako nito.

Inilahad ko 'yong isang drumstick sa kanila. "Gusto niyo?" maangmaangan kong tanong na parang hindi naman nahuli.

Nahuli na nga ako, aakto pa akong nahuli talaga?

Hindi dapat gano'n.

Parang problema lang 'yan. Problema na nga, pinoproblema pa.

Lumipat ang tingin ko kay Monerov na pinipigilan ang pagtawa pero agad din naman siyang sumeryoso.

Pinagtatawanan niya ba ako?

Bumaling ako kay Caspian na halos hindi na maipinta ang mukha. Ito 'yong kinakatakutan ko e. Pero hindi ako umaktong natatakot. Imbes na yumuko ay nginitian ko siya.

"Pumunta ka sa banyo," utos nito sa akin at agad ko namang narinig ang OA na pagsinghap nila Gordon at Monerov.

"Agad agad?"

"Seryoso, tol? Bilis ah."

Ang mga mukha nila ay parang gulat pa. Anong pinagsasasabi nila?

"Tumahimik kayo o patatahimikin ko kayo?" sa malamig na boses ni Caspian ay tumahimik ang dalawa.

"R.I.P Virginity," Gordon murmured while looking at me.

"Condolence," dagdag naman ni Monerov na parang nananakot pa.

Sino si Virginity? Ba't siya namatay?

Oh well, sana ay tahimik siyang sumakabilang buhay.

Ang malamig na titig ni Caspian ang nagpaggalaw sa akin. Naglakad ako papasok sa banyo at sinara ang pinto ngunit hinayaan kong nakaawang ito ng konti upang marinig ang mga pinagsasasabi nila.

"Leave." It was Caspian's cold and serious deep voice.

"Usap tayo mamaya," walang halong birong sabi ni Monerov.

"Bihis muna ako," boses naman ni Monterozo.

"Kita tayo sa dining hall," ani Gordon.

"Tss." Hulaan ko? Si Villazardo 'yon.

I heard heavy footsteps walked out of the room. Kasunod no'n ay ang pagsara ng pinto.

Umupo ako sa bowl at medyo nakaramdam na ng kati sa balat ko. Dahil siguro sa inilagay kong laman ng unan upang medyo magmukhang lalaki ang katawan ko.

Ito na ang ikinakatakot ko nang bumukas ang pinto ng banyo at pumasok si Caspian na may madilim na aurang nakapaligid sa kanya. Tumayo siya sa harap ko at inilahad ang kamay sa harap ko.

Iginalaw niya ang mga daliri niya na parang isang senyas na isuko ko na ngayon ang hawak kong pagkain.

Nagdadalawang isip pa ako kasi hindi pa kasi ako tapos sa pagkain at baka mamaya ay hindi niya ulit ako papayagang kumain.

Hindi pa nga siya nagsasalita ay ibinigay ko na ang hawak kong pagkain. Wala na talaga akong ibang choice. Busog pa naman ako kung sakaling hindi niya ako pakakainin.

"Unladylike," bulong nito.

Bakit? Nasa panahon ba kami ng kastila para umastang tunay na babae? Hello? I'm in 21st century. Alangan mag-ala Maria Clara ako rito?

Pabebe in other term?

Napanguso ako sa mga iniisip ko.

Napatalon ako sa kinauupuan ko sa gulat nang hinablot niya ang madudungis kong kamay sa marahas na paraan at sapilitang pinatayo.

Hinila niya ako papunta sa isang engrandeng faucet at salamin. He turned it on and then the water immediately came out. Itinapat niya ang kamay ko sa baba ng faucet at siya na mismo ang naghugas no'n.

I was looking at him while he's busy washing my hands. Sobrang seryoso niya sa kanyang ginagawa na parang isa sa paghuhugas ng kamay ko ang priority niya ngayon.

Halos masakop na ng buong kamay niya ang kamay ko dahil sa laki nito. Nasa gilid niya nga lang ako na buti ay umabot pa hanggang balikat niya ang ulo ko.

Sinabunan niya ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kiliti nang hinaplos ng malalaking hinlalaki niya ang palad ko.

Tinignan ko siya sa repleksyon niya sa salamin. Akalain niyong sa ganitong sitwasyon ay may ganitong parte pala sa kanya?

"You're going to pay for this."

"Wala akong pera." Agad akong nakatanggap ng masamang titig mula sa kanya.

"Let's make a deal."

"No deal."

"Ang tigas talaga ng ulo mo," hindi niya na napigilan ang sarili at tuluyan na nga niyang nasabi.

Matamis akong ngumiti sa repleksyon ko. "Thank you," sarkastikong sabi ko.

He took a deep breath like he's gaining all his patience. Nagkasalubong na naman ang mga magaganda niyang kilay. Lagi naman.

Nang natapos siya sa paghuhugas ng kamay ko ay binuhusan niya pa ito ng alcohol. Ang arte niya, sinabunan na nga, nilagyan pa ng alcohol.

Baka gusto niya pang lagyan ng sanitizer?

"You break my rules, I break your pearl. How's that?"

Napanganga at tulala ako sa sinabi niya. Buti hindi vulgar words ang sinabi niya. But pearl? It sounded sweet. 'Yan na ba ang deal na sinasabi niya?

Ano ba 'yan, siya lang ang nakikinabang e.

Ganyan ba talaga ang mga lalaki? 'Yan lang ba ang habol nila? Prove me wrong please.

"What if you break my pearl first?" nakikisabay lang naman ako para motivation niya. Pero kung may makukuha akong maganda sa deal na 'to ay papayag ako.

"Then break my rules."

May mawawala ba sa kanya kung hindi ko susundin ang mga batas niya? Pero sa akin meron, if he ever break my pearl.

"That's not fair," umiling ako. Naramdaman kong binitiwan niya na ang kamay ko.

"The deal?"

"Yes."

Tumitig siya sa akin na parang iniisip kung saan siya nagkamali sa sinasabing deal. Walang mawawalang mahalaga sa kanya, pero sa akin meron.

"Your rules may be important to you, if I break one of it, you still have more but mine? It is the only thing that I treasure since my father sold me." I flashed a bittersweet smile on my face.

Anyway, paano niya nalamang birhen pa ako? I'm a model, people would think I'm a bitch or something badass girl. Iniisip nila na modelo ako at nagpapagalaw ako kahit kanino.

His lips pursed as he looked deep intently into my eyes.

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa mga mata ko na tila may hinahanap siya roon.

I felt his wet index finger under my chin. Tilting it up. Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi at muling tumingin sa mga mata ko.

He let out a deep hot breath and it tickled on my lips.

Was that considered as an indirect kiss?

No way.

Bakit ganito ang mga iniisip ko gayong may pinag-uusapan pa kaming deal?

I felt his arms snaked around my waist and pulled me closer.

Napamura pa ako sa isip ko nang tumama ang ilong ko sa matigas niyang dibdib.

Ba't halos lahat nalang ng katawan ng mga lalaki ay matigas? May matigas, tumitigas at titigas pa.

Bahagya siyang yumuko sa gilid ng ulo ko. Nakaramdam ako ng kiliti sa tenga ko nang isiniksik niya ang dulo ng ilong niya sa doon.

He's like a live voltage. Napapikit ako nang isang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko.

Ba't 'di pa rin ako nanamatay kung gano'n?

Naramdaman kong hinahaplos ng palad niya ang likuran ko.

Not again.

I felt his breathing tense too. Parang hindi lang ako ang naaapektuhan sa posisyon namin ngayon. Kasalanan niya 'to. Lumalapit-lapit pa kasi siya e.

In other circumstances, I would think that he's just being sweet. Pero sa sitwasyong 'to ay hindi ko maisip 'yon. I disobeyed him. Break his rules even if I don't know what rules I'm breaking.

I think he's bribing me but not with the use of money.

We all know that actions can lie too. It's not just words.

Kung sakaling papayag ako sa deal na 'to. Gusto ko 'yong may pakinabang sa akin at hindi lang siya ang nakikinabang. It's like he's offering me a one hundred dollars to do something I don't want but he already have five hundred dollars when I did what he said. Is one hundred dollars is equal to five hundred dollars? No.

Ibig sabihin ay siya lang ang nakikinabang.

We should think before, before and before we agree.

Tatlong beses mo munang isipin upang makasigurado ka. Think about the advantages and disadvantages before doing something because that's what happened to me these past few days. I didn't think about what will happen.

In short, kailangan advance kang mag-isip lagi.

Nabalik ako mula sa malalim na pag-iisip nang naramdaman ko ang paggalaw ng ilong niya sa tenga ko, ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa bewang ko.

I felt his soft hot lips kissed my earlobe.

"Breaking my rules isn't enough for you if ever I break your pearl first?" his voice was husky and even if he's saying other things—I felt like he's calling me.

Calling me to come for him.

I would gladly disobey him.

"Yes," I finally responded when I found my voice.

Natahimik siya sandali kaya hindi rin ako nagsalita. Isang minuto ang lumipas nang tuluyan ko ng narinig ang solusyon sa problema niyang magpapayag sa akin.

"Then break me..."

Papayag na ba ako?

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

364K 11.7K 11
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may...
60.7K 2.5K 44
Sydney Mavis Hermoine is a great and known actress in the Philippines. She have the almost perfect life that each one of us craved for. She have a ha...
188K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
6.9K 240 57
Nyder Christopher Veromonda is known for being a campus heartthrob since its high school days. He's a desirable man and an Ideal. He has a drooling l...