Guilty Pleasure 01: Pain Afte...

By dimples_eyebrow

190K 2.8K 263

Ero-romance | R-18 "A night with the bottle of vodka is where it all started." Inside the peaceful province o... More

Disclaimer
Prologue
Pleasure 01
Pleasure 2
Pleasure 3
Pleasure 4
Pleasure 5
Pleasure 6
Pleasure 7
Pleasure 8
Pleasure 9
Pleasure 10
Pleasure 11
Pleasure 12
Pleasure 13
Pleasure 14
Pleasure 15
Pleasure 16
Pleasure 17
Pleasure 18
Pleasure 19
Pleasure 20
Pleasure 21
Pleasure 22
Pleasure 23
Pleasure 24
Pleasure 25
Pleasure 26
Pleasure 27
Pleasure 28
Pleasure 29
Pleasure 30
Pleasure 32
Pleasure 33
Pleasure 34
Pleasure 35
Pleasure 36
Pleasure 37
Pleasure 38
Pleasure 39
Pleasure 40
Pleasure 41
Pleasure 42

Pleasure 31

2.7K 61 5
By dimples_eyebrow

Tahimik lamang akong kumain ng breakfast kasama siya, hindi rin naman siya nagsalita, ngunit hindi ko maiwasan na hindi mag-isip dahil sa nangyayari sa amin. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman sa kanya, hindi pa ako nakakaramdam ng ganito sa buong buhay ko, ang makaramdam ng selos.

I admit that I felt jealous about the woman yesterday and I don't know why. I shouldn't feel jealous because I don't have the right and we're just a fuck buddy. And that would break the rules if my feeling will continue that way. Hindi dapat ako makaramdam ng ganoon, kung puputulin ko na ang mayroon sa amin ni Arthuro hindi ko din naman alam kung ano ang mararamdaman ko tungkol doon. Kung mawawala siya, hindi pa ako nakakapag-adjust dito at siya ang unang tumanggap sa akin dito kung saan wala akong kamalayan na makipagsapalaran dito sa syudad.

I was stocked in between, kung matutuloy ang nararamdaman ko ayaw ko naman siyang masaktan dahil sobrang gulo ng buhay ko, wala pa akong plano sa buhay at hindi ako kagaya niya na may napatunayan na sa buhay, na may kaya siya habang ako ay muling bumabangon at walang kasiguraduhan ang kinubukasan. Kung ititigil ko ang set up naming dalawa ay alam kong masasaktan ko lang din ang sarili ko at mukhang hindi ko kakayanin na mabuhay dito sa lugar na ito kung mangyayari man iyon. Baka kung mangyari man iyon ay hindi ako magdadalawang isip na umuwi ng probinsya at muling ibaon ang sarili ko sa kalungkutan at madami na naman ang madadamay.

Sabay kaming pumunta sa trabaho ni Arthuro, may naghatid ng aming damit, I don't have a choice but to get the dress and dress myself up para maging presentable sa aking trabaho.

Ni isa ay walang umimik sa amin ni Arthuro. Parang tinatrato namin ang isa't isa na parang bula hanggang sa makarating kami sa building.

Parang ito na ang official first day ko dahil wala naman akong masyadong ginawa noong unang araw ko kundi tumunganga at pigilan ang aking iyak dahil lang akala ko ay naloko ako.

The day past and Arthuro treated me professionally, hindi kagaya noong unang araw ko dito sa building niya na parang nakikipaglaro lang siya sa akin.

Hindi ko naman alam na sangkatutak ang aking trabaho ngayon, halos hindi na ako pumikit sa harap ng computer dahil sa pinapa-ayos sa akin na documents, inaayos ko din ang kanyang schedule para sa susunod na linggo, at kailangan ko rin mag book ng restaurants para sa kanyang meeting. Kailangan ko pang ayusin ang mga physical copy ng mga documents into date order.

Tutok na tutok ako sa aking laptop habang pinagpapawisan nang may kumalabit sa akin, isang kasamahan ko at nakita ang pamumula ng kanyang mukha, galing siya sa opisina ni Arthuro.

"Ma'am, kailangan na daw po ni sir ang lunch niya." Ngumiti ito sa akin habang ako ay kaagad na napatingin sa orasan at nakitang magaala-una na.

Napasapo ako ng aking noo at kaagad na tumayo para bumaba at kunin ang pagkain niya.

Mabilis ang kalabog ng aking puso kasabay ng mabilis kong lakad hanggang makarating sa basement kung saan ko kinukuha ang lunch niya kahapon.

Halos manginig ang aking tuhod nang buksan ko ang pintuan ng kanyang opisina. Kaagad na nagsalubong ang aming mga mata at nakita ang malabnaw na tingin nito. Malamig ang kanyang tingin at tila napakasungit ng kanyang mga kilay dahil halos magkasalubong na ito.

Napadasal na lamang ako dahil sa kahihiyan. Kaagad naman siyang lumapit sa akin nang mailapag ang pagkain sa lamesa.

"Hindi na pala ako kakain, I have a meeting early before one, I have to go. Just do your job here, ako na mag-isa. I need the documents later exactly three." Akala ko ay lalapit siya lemesa pero nilagpasan niya lamang ako.

Napaawang ang aking bibig at napatulala sa aking narinig mula sa kanya. Halos kumulo na aking dugo sa inis dahil sa ginawa niya, hindi niya naman sinabing hindi na siya kakain, anong gagawin ko dito?

Hindi pa ako nag-lunch pero ayaw ko namang kainin 'to dahil naiinis ako sa kanya.

I tried to calm myself down as my blood continue to boil up.

Humugot ako ng malalim na hininga, "kasalanan ko 'to kasi late kong kinuha ang lunch niya," I explained it to myself.

Sinubukan ko siyang intindihin pero nairita talaga ako dahil halos madapa na ako sa pagtakbo para kunin ang lunch niya tapos hindi niya lang kakainin?

Irita kong binagsak ang aking puwet sa aking upuan at nagsimulang tinitigan ang sangkatutak na documents na pinapaayos niya. Mukhang hindi ko pa 'to magagawa ng isang araw tapos kailangan na mamaya.

Napasinghap ako at halos mangiyak na nang simulang ayusin 'yon. Pinilit ko aking aking sarili na mag-pokus sa aking trabaho pero minsan ay lumilipad ang aking isipan sa maraming bagay.

Hindi ko pa natatapos ang kanyang pinapagawa nang dumapo ang alas tres. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil wala pa siya at hindi na niya kukunin ang pinapaayos niya o mag-aalala dahil may schedules meeting pa siya mamaya.

Sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi siya ma-contact. Ilang beses ko iyon sinubukan hanggang sa out of coverage na. Hindi na ako mapakali sa aking trabaho dahil hindi pa siya umuuwi. Wala naman siyang sagot sa tawag at text ko, I even tried to send an email be he was not responding.

Nagtanong pa ako sa ibang katrabaho ko kung madalas ba siyang mag-skip ng meeting pero ang sabi nila always present naman daw siya.

Until five in the afternoon came and he was still not back. Nagsisiuwian nadin ang ibang empleyado at iilan nalang ang mga tao.

Mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa pag-aalala, wala pa siya. At bilang secretary at assistant niya dapat alam ko kung nasaan siya. May dalawang meeting siyang hindi napuntahan at tumawag pa sa akin ang secretary ng kanyang ka-meeting dahil hinihintay siya.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan ng limang beses at doon nag-ring ang kanyang cellphone kaso hindi niya sinasagot.

I don't have a choice but to go home alone, nag-text na lang ako sa kanya kung ano ang nangyari, sinabing may na-miss siyang meeting.

Tulala ako buong byahe habang pauwi sa aking apartment, hindi ko maiwasang hindi mag-aalala sa kanya. Hindi ko maayos na nagagawa ang kailangan kong trabauhin sa bahay nang makauwi dahil sa kakaisip sa kanya!

Nilabhan ko na din ang aking damit habang hinihintay ang kanyang reply pero wala akong natanggap ni isang text. Tinawagan ko rin siya kaso hindi niya parin sinasagot ang mga tawag niya.

Hindi na ako maayos na nakatulog sa gabing iyon, inagahan ko na lamang na pumasok para makita kung nasa opisina na ba siya. Maaga namang nagbubukas ang building kaya madali akong nakapasok.

May iilang tao na din ngunit deretso ako sa opisina niya. Tumikhim ako bago ko binuksan ang pintuan, sumalubong sa akin ang tahimik na silid ngunit naka-open na ang aircondition nito at ang pamilyar na pabango ay sumalubong sa akin.

Hinakbang ko papasok ang aking binti hanggang sa tuluyang makapasok. Tiningnan ko kaagad ang lamesa nito at wala naman ang anino niya doon hanggang sa tiningnan ko ang aking gilid kung nasaan ang banyo at doon nakita si Arthuro na nakatayo sa hamba ng pintuan habang naka-krus ang kanyang bisig.

I suddenly met his eyes but his face remained cold.

Tila namutla ang aking mukha kaya yumuko ako ng kaunti para magtago. He looked so fresh, basa pa ang kanyang buhok, mukhang dito naligo o natulog? May kumot akong nakita sa sofa. Hindi ba siya umuwi?

"What?" tanong nito sabay kunot ng kanyang noo.

Hinahanap ka, obvious ba?

"W-wala," sagot ko na lamang.

Tumango lamang siya at naglakad na papunta sa kanyang lamesa.

"I texted you and called you but you're not answering. May na-miss kang meeting kahapon dala—"

"I know," sabat nito sa akin kaya napakurap-kurap na lamang ako. I can't believe him!

I don't want to be a rude employee but I felt so pissed.

Umagang-umaga ang sungit niya sa akin, hindi naman siya ganoon sa akin noon.

Irita ako buong maghapon, tinuloy ko lang ang gawain ko. Mas lalo lamang akong nairita sa bawat oras na dumadaan dahil imbis na sa akin niya mismo sabihin ang utos niya sa akin ay dinadaan niya muna sa iba.

Ayaw niya ba akong kausapin? Nandidiri ba siya sa akin kasi hindi ko nasunod ang rules naming? Na 'no feelings involve'?

Sa buong araw na iyon ay hindi siya lumabas ng kanyang upisina, dinala ko na din sa kanya ang kanyang lunch on time pati ang kanyang snacks at coffee.

Buong araw na iyon ay abala siya, tuwing pumapasok ako ay tutok na tutok ito sa kanyang laptop at desktop, minsan ay may binabasa ito habang minamasahe ang kanyag sentido.

Mukhang stress din dahil magulo na ang kanyang buhok but it made him extra hotter.

Dumating muli ang isang araw at doon siya naging mas abala, palagi siyang lumalabas at tuwing bumabalik ay nakabusangot ang kanyang mukha. Inayos ko lang ang trabaho ko, derederetso na iyon at dumadami na din.

Mukhang may problema siya o ang kanyang kompanya. As his secretary and assistant and I felt so guilty because I don't know the problem of his company. And as his, I can say friend, hindi ko alam kung may problema ba siya o ano. Hindi ko naman siya madaling lapitan dahil simula noong nagkita kami sa opisina niya sa umagang iyon ay ni isang beses ay hindi na niya ako dinapuan pa ng tingin. Tila iniiwasan niya ako o masyado siya abala sa kanyang trabaho.

And Saturday came, leave ko ang Sunday hanggang sa next Monday dahil sa Love na ang papalit sa akin.

Maaga akong nagising sa araw ng Sabado, para naman makapag-ayos ako ng maayos, nakapamili na din ako ng bagong office dress para sa pang araw-araw ko.

Ngunit umaga pa lamang ay tila empyerno na dahil may napagalitan isa sa aming empleyado.

Doon ko unang nagalit si Arthuro, mas lalo pala siyang nakakatakot kung galit, para mahihimatay ka sa takot. Iyak nang iyak ang napagalitan niya, hindi ko naman maintndihan kung bakit siya pinapagalitan pero sa estado ng iyak nang kasamahan ay mukhang may nagawa nga ito.

Noong ginawan ko siya ng kape sa umaga ay nakita ko ang mukha niyang stress na stress mukhang hindi pa natutulog dahil malalim ang kanyang mga mata.

Tutok na tutok siya sa kanyang computer at sa gilid nito ay puno ng papeles, mas marami pa sa inayos ko noong nakaraan.

Mukhang dito ulit siya natulog. He was being so weird for four days already, he was treating me so cold as if I was air, he's not texting me anymore, avoiding me as if he's allergic to me. ang mga mata niya ay hindi na muling sumulyap sa akin and that made me hurt a bit or a lot.

Nasasaktan ako na parang wala nalang sa kanya ang lahat ng pinagsamahan namin, kung gusto niyang itigil na naming ang set up naming bakit hindi niya nalang sabihin? Hindi iyon iiwasan niya ako. Kung nandidiri siya sa akin dahil hindi ko nasunod ang letcheng rules niya puwede niya naman akong sisantehen. Hindi 'yong iiwasan niya ako na madaming tanong sa isip.

Kung may problema man siya bakit hindi niya sabihin sa akin? Hindi niya ba ako pinagkakatiwalaan? Pinagkakatiwalaan ko naman siya ah?

He was not treating me as his secretary and assistant, ni hindi niya ako sinasama sa kanyang mga meeting, ako lang ang nagaayos ng kanyang schedule at binibigay sa kanya araw-araw. Ako lang ang nagbibigay ng pagkain at ibang kailangan niya pero sa nakalipas na apat na araw hindi man lang niya ako kinausap o tinanong.

"Wala ka bang ipapagawa sa akin? O iuutos? Kunti lang ang gagawin ko ngayon araw," finally I had the urge to start a conversation after all the way he treats me.

Naghintay ako ng ilang segundo at alam ko naman na narinig niya ang sinabi ko pero ni kaunting imik ay wala akong nakuha, ni hindi niya ako sinulyapan. Naawa lang ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko, I walked out of the room with heavy heart inside.

How can he ignore me like that? Nakakaasar na siya. Ang sakit na ng ginagawa niya sa akin, tao ako at hindi hangin na hindi niya pinapansin.

Sinubukan ko naman na pigilan ang luha ko pero masyadong akong nasasaktan sa kanyang inaasal sa akin kaya hindi ko napigilan na tumakbo papunta sa banyo para umiyak. Humagulgol ako dahil sa sakit na nararamdaman. Masyado bang masama ang nagawa para itrato niya ako ng ganito?

I cried inside the bathroom since no one was there, I was in front of the mirror watching myself tearing up. Namumula ang aking pisngi at ilong, pati na din ang aking mata dahil sa iyak. Parang sunosuntok naman ang aking dibdib ng paulit-ulit dahil naasar na sa kanya.

I wiped the remaining tears on my cheeks when I heard a knock outside. Mabilis akong naghilamos at pinunasan ang aking mukha bago binuksan ang pintuan, it's one of my co-employee.

Sumapit ang hapon at kumain ako kasama ang aking kasamahan, kasama rin naming ang umiyak kanina at nagkukwento kung bakit siya napagalitan, hindi ko naman ma-proseso ang kanyang kuwento dahil tulala ako dahil maraming tumatakbo sa aking isip.

Nang bumalik kami ay nagpatuloy kami sa aming trabaho, dumeretso ako sa aking cubicle kung saan malapit ang opisina ni Arthuro. Normal naman ang takbo ng opisina sa unang tatlong oras pero nang sumapit ang hapon ay tila tumigil ang aming mundo nang biglang lumabas si Arthruo, may dalang papel papunta sa isang empleyado niya.

Habang ako naman ay nakamasid lang dahil wala na akong trabaho. Sa estado palang ng hakbang niya ay mukhang galit na galitna ito, magkasalubong ang kanyang kilay; mukhang galit na galit.

"What the hell did you do?!" halos mapatayo ako sa gulat nang marinig iyon sa kanya. His voice sounds so frustrated and tired but his action made me anxious.

"S-sorry po," mahinang saad ng lalaki.

"How can you not follow simple instructions?! Ang dali lang ng pinapagawa ko hindi mo pa nagawa. Go there and fix this, you're wasting our time and efforts." Malakas niyang bulyaw sa lalaki at nakitang halos lumuhod na ang lalaking pinagsasalitaan niya habang umiiyak.

Nabahala ako sa action ni Arthuro, I have never seen like this so angry and frustrated. Nakita ko ang pagtitimpi niya pero hindi parin maganda ang ginawa niyang pagsigaw sa empleyado niya.

Tumayo ako at lumapit doon para pigilan siya. Wala na akong paki kung pati ako ay sigawan niya, total parang galit na din naman siya sa akin.

"Bakit kailangan mo siyang sigawan?" humarap ako sa kanya at tila nagulat sa aking ginawa. Sa wakas ay dinapuan na niya ako ng tingin.

Humahagulgol parin ang lalaki habang nakaluhod.

"Puwede mo naman siyang kausapin privately, why you need to shout him in front of us? Para ano? Pahiyain?" napailing ako sa huli. I felt so disappointed.

Pinagmasdan niya lamang ako ng ilang segundo at muling tumalikod. My lips parted because of his action. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makapasok sa loob ng kanyang opisina.

"Ano bang problema mo? Bakit kailangan mong ipahiya 'yung tao." Agad kong sermon.

He turned his attention to me when he seated on his swivel chair, nakatayo lamang ako sa harap niya pagitan naming ang lamesa niya. Umiwas ako pansamantala ng tingin dahil alam kong binabasa niya ang aking isip.

"I lost two million because of him," malamig niyang saad kaya napaharap akong muli.

"Pero mali parin ang ginawa mo."

Suminghap siya at huminga ng malalim, tila pagod na pagod siya.

"I know..." wika nito habang niluluwagan ang kanyang neck tie.

"I'm sorry, I'm just frustrated, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, fuck. Naguguluhan ako." Napakagat labi siya at umiwas ng tingin sa akin. Tahimik ko siyang pinagmasdan at naawa sa lagay niya.

"Kung frustrated ka, frustrated din ako. Kung galit ka man sa akin, sa akin mo nalang idaan ang lahat huwag na sa iba, kung galit ka puwede mo akong sisantehen, kung nandidiri ka na sa akin dahil hindi ko nasunod ang rules natin puwede mo namang itigil pero please, kausapin mo naman ako. Sabihin mo na ayaw mo na ako bilang assistant at secretary mo, sabihin mo na ayaw mo na ang set up natin. Puwede naman 'yon. Para naman hindi puro tanong lang ang nasa isip ko,"

Uminit ang aking mata at kaagad na naglandas ang aking luha.

"Alam mo ang sakit, ni hindi mo ako kayang tingnan sa mata ng matagal, ni hindi mo ako kausapin, dahil ba sinabi kong nagseselos ako? Kitang kita ko ang problema mo pero...pero hindi ko alam kung ako ba o hindi, pero puwede mo naman akong pagkatiwalaan kasi pinagkakatiwalaan naman kita," dagdag ko habang humihikbi.

I wiped my tears using the back of my palm while biting my lower lips trying to avoid sobbing.

"Tangina wala ka ba talagang sasabihin? Kausapin mo naman ako." I almost begged when I didn't hear anything from him.

"I-I'm sorry," mahina niyang saad. Hindi ko siya maaninang dahil muling naglandas ang aking luha.

"I'm sorry hindi ko kaagad sinabi sa'yo, I'm sorry for treating you so cold these past few days, I'm sorry because I can't stare at you sometimes, I...I was just feeling so guilty," mahina niyang saad.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi ko lubos na maunawaan.

"Guilty saan?"

"I'm guilty because I break the rules first, unang segundo palang ng rules natin hindi ko na nasunod. Hindi ko sinabi sa'yo kaagad dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon mo. I am so scared because I might lose you and the time you said you were jealous, I lost it. Mas lalo akong natakot kasi hindi ako naging tapat sa nararamdaman ko sa'yo. Na gusto na kita simula noong maayos pa ang lahat sa buhay mo noong nasa probinsya pa tayo at hanggang ngayon. And I fall for you because you gave me the affection that I've been waiting for my entire life, ikaw lang nagbigay sa'kin,"

"And even if I felt so guilty for falling in love with you, I'm still so pleasured because you never cut our agreements, kontento na ako kahit hanggang fuck buddy lang ako sa'yo, just...just don't leave me, please," nakita ko ang pakinang ng luha sa gilid ng kanyang mata habang sinasabi ang lahat ng salitang iyon.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Kung matutuwa ba ako o matatakot na baka hindi naming kayanin o hindi ko kayanin.

"Sa tingin mo ba hindi ko nararamdaman ang nararamdaman mo ngayon?" It was almost whisper from me.

Finally, I admitted to myself that I also like him.

I saw how his reaction shifted the moment I said those words. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Natatakot lang ako, Arthuro. Hindi pa maayos ang buhay ko para sa'yo, magulo pa, ni wala akong plano sa buhay, nagsisimula palang ako. Inaamin kong gusto kita pero...tingnan mo ako," turo ko sa aking sarili, "nasaan ako ngayon? Wala nang saysay ang buhay ko at ang tanging ginagawa ko nalang ay mabuhay. Habang ikaw..." my voice broke because bitterness keeps creeping inside me.

"Habang ikaw, mayroon na sa iyo ang lahat, may magandang buhay ka na, kaya mong gawin ang lahat ng gusto mo, makakahanap ka ng mas maganda, mas mayama—"

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking pisngi habang patulog na umaagos ang tila walang katapusan na luha.

"Do you really think I already have all? Kulang lang din ako, simula noong bata pa ako, hindi makokompleto ang buhay ko dahil sa mayroon ako ngayon, I will never be completed, but when I have you, I'm contented."

"We are not the same but we're both broken in life, let's help each other and build each other, please?"



------------------------------

Thank you guys for patiently waiting. And those who came here after they saw my vids on tiktok. Thank you guys for the support.

And I can't mention those readers who voted and commented on pleasure 30 because I lost it, I'm so sorry, I will mention next chapter. Comment and vote.

I will also write Arthuro's POV. Marami kayong malalaman. Hihi.

Continue Reading

You'll Also Like

41.1M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...