How to Seduce a Hunk Again [B...

By xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... More

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

Chapter 19: Intruder

16.6K 956 151
By xxxRavenJadexxx

What The Efff talaga! Kailangan talagang may tisod na maganap with matching dikit ng mga labi namin ni Mick? And the worse is, na-witness pa ng malisyosang si Alex 'yun na alam kong nilalagyan niya na niya ng sari-saring kulay at definition. 'Yung paglalapat ng labi namin ni Mick e tumagal lang naman ng isa't kalahating segundo nang biglang umabante ang parteng ulo niya sa mukha ko na nag-fit sa mismong mga lips namin, e agad ko rin namang hinawi ang ulo niya, pero ang Alex na to'y meron na kaagad na reaksyon na obvious naman kung anong gusto niyang iparating.

Hindi ko masyadong maiangat ang sarili ko patayo dahil medyo nakaramdam ako ng pananakit nang bumagsak ang likod ko sa sahig. To the rescue naman si Joaquin upang alalayan ang tulog na tulog na si Zanmiks upang ako'y makatayo. Mabuti na lang e hindi niya ito binigyan ng malisya.

"Ayos ka lang Brad?" tanong niya.

"Okay lang," tugon ko kahit medyo masakit 'yung kanang likuran ko dahil sa pwersa ng pagkakabagsak sa sahig, na pinatungan pa ng napakabigat na katawan ng loko.

"Kaya mo pa ba? Ako na lang ang magbubuhat," boluntaryo niya.

"Hindi, ako na lang. Ayusin mo nalang 'yung Kotse ko sa labas papunta dito."

Agad naman niyang sinunod ang utos ko at biglang lumabas upang kunin ang kotse ko. Inalalayan kong muli si Mick kahit nananakit ang gilid ng likuran ko. Binuhat ko siya na parang sako ng bigas sa pamamagitan ng aking kaliwang balikat. Mabuti na lang at sanay ako sa mabibigat dahil regular akong nagji-gym, di ko lang lubos maisip na si Zanmiks lang pala ang magpapabagsak sa 'kin sa ganung sitwasyon.

"OMG, nakita ko 'yun!" eksaheradng reaksyong muli ni Alex. Tinitigan ko siya ng ubod ng sama na tipong gusto ko na siyang sunugin sa pamamagitan ng maalab kong tingin. Mabuti na lang at wala si Joaquin kaya ipanadama ko sa kanya kung gaano kalupit ang paglisik ng mata ko.

"Pinoprovoke mo na naman ako Alex," madiin kong sabi sa kanya habang aktong lalabas na ng bahay buhat-buhat si Mick. Humarang siyang bigla sa dadaanan ko.

"Ikaw Papa Jace ah?" lungkut-lungkutan niyang sabi na tipong nagpapaawa. "Grabe 'yung galit mo sa 'kin. I could feel it with the way you stare at my gorgeous body."

"Letche!" ani ko na hindi naman ganun kalakasan. "'Wag mo na nga akong matawag na Papa. In the first place, hindi naman kita anak, at mas lalong hindi mo ako tatay!"

Lalo tuloy lumukot ng husto ang mukha niya na parang batang inagawan ng candy. "Ganun? O sige kung ayaw mo ng Papa.... Puppy na lang? Puppy Jace?" sambit niya nang pabiro kahit nasa kainitan kami ng sitwasyon.

"Hindi 'to ang oras para magbiro ka ng ganyan Alex," sabi ko na tila ginagaya ang tiyuhin niya kung paano magalit. "Isa pa, tantanan mo na muna ako."

"At this point of time na isasama niyo 'ko?" rebuttal niya. "My gosh, I don't think I can make tantan to you. Duh?!"

Naaalibadbaran ako sa kanya imbes na matuwa. Kung nuo'y ang sarap niyang sakyan sa kakulagan niya, ngayo'y hindi ko matimplahan ang palabirong mood niya ngayong may sigalot kami ng tiyuhin niya dahil na rin sa kagagawan niya.

"Kahit pinasama ka namin, it doesn't mean na hindi ka pwedeng dumistansya. So please, layo-layo ka muna sa 'kin ng slight para makapag-isip ako ng tama okay?" sambit ko na medyo kalmado.

"Duh?!" hirit na naman niya. "Whether you like it or not, I'm part of your Mission Impossible. Gaya nito, hawak mo si Kuya Mick, sino sa tingin mo ang nakaisip ng planong 'yan? Of course yours truly," ani niyang tila nagyayabang.

"E ano ngayon kung ikaw ang nakaisip ng plano? So proud ka na niyan? Tandaan mo Alex, lahat ng suggestions mo pumalpak kaya ngayon palang....." paputol kong sambit. Ayoko rin naman kaseng mag-isip ng negative kahit suhestiyon ni Alex ang sinunod namin para mapasama siya.

"Ngayon pa lang ano Papa Jace?" pagputol rin niya. "Accept it or not, tinanggap mo pa rin yung suggestions ko wholeheartedly because I know,  may points ang lola mo! At isa pa....  like mo rin 'yun kase isasama natin si Kuya. Kase alam mo na...."

Hindi ko mapigilang mapangiti ng pasarkastiko sa sinabi niya. "Huh?! Ano namang kinalaman ng Kuya mo sa misyon ko? Don't put words into my mouth Alex!"

"Hindi ako naglalagay ng mga salita sa bibig mo," mataray niyang sagot. "I know deep inside your heart, gusto mong makipag-ayos kay Kuya pero wala ka lang guts to even apologize dahil you think it's too late. It's too late to apologize... it's too late... 'yung parang kanta.... ganun!"

Umiiling ako na nangingiti dahil obvious naman na ayun ang iniisip niya..... na gusto ko rin naman na kasama si Mick to reconcile with him anytime. Part of me says, pwede pero the thing is, hindi ko iniisip ang makipag-reconcile sa kanya at this stage. Mas naka-focus ako sa misyon ko na mas kumplikado kesa sa una. Atska, Mick is giving me signals na ayaw na niya so anong reason ko para isiksik ang sarili ko sa taong hindi ako kayang patawarin?

"Sa galit ba naman ng Tiyuhin mo sa 'kin tingin mo mapapatawad niya ako? Kahit ikaw naman talaga 'yung rason kung bakit siya galit sa 'kin? Anong tingin mo?"

Tila napipe si Alex sa sinabi kong pakonsensya sa kanya. Grrrrr... ang hirap talagang maglaro ng Blame game sa kalagitnaan ng kumplikadong misyon.

"But you need to try," sagot niya. "Move on na tayo Jace. Nangyari na ang hindi dapat mangyari. Besides, ayan na siya, buhat-buhat mo. There are 1 Million ways to seduce him.... back to you!"

Nangisi akong muli sa tinuran niya. "Ayan ka nanaman Alex. Iba ang Kuya mo, at iba rin ako. Kung ano mang iniisip mo, sinasabi ko sayo malabong mangyari 'yun."

"Talaga lang ha? I-prove mo nga sa 'kin 'yan? 'Yung naging relasyon niyo nga was impossible to happen pero tingnan mo? History tells it all! Ito na 'yung opportunity Papa... este Puppy Jace na iredeem mo 'yung worth mo sa kanya. That's love. Love moves in mysterious ways, like a candle in the night, like an ocean in summer.... like a flower in the dark, like a shade of grey.... Like you and him, and the entire human race. You and him, and all of the people. You know?"

Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya kaya kibit balikat ko lang na 'di sinang-ayunan ang sinambit niya. "Ewan ko sayo!" sabay walk out ko papalabas ng bahay, this time e hindi na niya ako hinarang.

On the spot, naka-park na sa labas ng gate 'yung kotseng gagamitin namin. All set na kami sa first step namin to fulfil our target mission.

"Sakay na!" pag-anyaya sa 'min ni Joaquin habang siya'y nasa front seat.

"Yehey!" maligayang tugon ni Alex na parang Field Trip lang ang pupuntahan.

Pasakay na sana kami ng kotse nang may biglang dumating na unexpected visitor..... Si Joaquin, ang bespren forever ni Alex (sarcastic mode).

"Uy may lakad kayo? Saan kayo pupunta?" tanong niya sa 'min nang makalapit. Ako nama'y parang napako sa kinatatayuan at nag-iisip ng paliwanang kung saka-sakaling tanungin niya kung bakit buhat-buhat ko itong si Zanmiks. "Teka lang? Si Mick ba 'yan? Anong nangyari sa kanya?" nababahalang sabi niya nang makitang walang malay ang kaibigan niya.

"Peste naman 'to o pag minamalas ka nga naman....." paasar na sambit ni Alex na nasa likuran ko.

"Teka Alex, anong nangyari sa tiyuhin mo? 'Wag mong sabihing????????"

Pansin ko na parang naging Leon si Alex sa hindi ko malamang kadahilanan. Lumapit siya nang bahagya kay Joaquin at nagulat ako sa kanyang ginawa. Bigla ba naman niyang inundayan ng napakalakas na suntok sa mata ang kaawa-awang nilalang na agad nitong ikinatumba.

"Peste kang butete ka! Wrong timing ka bwiset!"

Biglang napasugod ang may itsurang si Joaquin at agad lumabas ng kotse. "Anong nangyari. Sino 'yan?"

"'Yung sugarol na kaibigan ni Kuya," sagot ni Alex. "Tara na nga...."

Pansin kong hindi na tumayo ang kaawa-awang Joaquin. May pagka-amazona rin pala itong si Alex na kayang-kayang patulugin ang isang lalaki via Knock-Out sa isang suntukan lang.

"Hoy! Anong ginawa mo Alex?" tanong ko sa kanya habang akto na siyang pasakay sa kotse.

"Pinatulog ko lang naman. 'Wag niyo na ngang pansinin yan, tara na! Hindi pa patay 'yan! May sa pusa 'yang buteteng 'yan!" pabanas na ani ni Alex.

"Baka napuruhan mo Alex. Dalhin natin sa Ospital!" sabi ko.

"What?! 'Wag na! Sayang ang pera..... atsaka busy ang mga Doctor pag gabi. Wala ng mag-aabalang gamutin 'yan!"

"Oo nga Alex, mukhang napuruhan mo ang isang 'to," sabat ni Joaquin.

"Hindi natin basta pwedeng iwanan 'to dito. Patay ka Alex, baka ito ang dahilan ng pagkakakulong mo," banta ko sa kanya. Lalong kumunot ang nuo niya at napa-cross arm na tipong sinusupladahan pa ang taong inagrabyado niya.

"Leche namang buhay 'to o!" pagalit niyang sambit. "Sige na nga..... ilagay niyo na lang 'yang pesteng buteteng kamukha ni chocolate na 'yan sa likod ng kotse at dalhin na 'yan sa sementeryo este ospital!"

Nagkatinginan kami ni Joaquin na tila hindi pabor sa suhestiyon ni Alex. Unfortunately, ayoko namang magbaby sit sa backseat ng dalawang walang malay na tao kaya sinunod na lang namin ang instruction ng iritableng pamangkin ni Mick na ilagay siya sa likurang bahagi ng Kotse. Nung una'y hindi siya magkasya, ngunit pinagsiksikan na lang namin ang katawan niya para magkasya rito.

"Makahinga pa kaya 'yan?" tanong ko kay Joaquin.

"Oo naman. Talagang ayaw mo ba siyang katabi?" tanong niya sa 'kin.

"Itong isang 'to katumbas na ng isang libong tao samahan mo pa niyan? E paano 'pag nagising silang sabay dalawa, anong gagawin ko?" rason ko. Walang sabi-sabi'y isinara na agad ni Joaquin ang likuran ng kotse at sumakay na rin kami paloob.

Nasa backseat ako habang nasa front seat si Alex while Joaquin naman ay nasa Driver's seat upang magdrive. "Let's go guys!" sambit ni Joaquin habang iniistart ang engine.

Tila nagbago naman ang mood ni Alex from banas na banas to excited. "Yes! Yes! Wohooo! I'm so excited and I just can't hide it.... I know.... I know..." pakanta niyang sabi.

Baliw na nga ang lukaret na 'to. Hindi niya alam baka ibang klaseng adventure nanaman ang mapasok namin taliwas sa bagay na nasa utak niya.

Umariba na kami papunta sa dapat naming puntahan. Wala akong ideya kung anong pwedeng mangyari pero.... bahala na!

Meanwhile, tulog na tulog pa rin si Zanmiks na tipong magalaw ang ulo dahil sa motion na kine-creat ng sasakyan. Hindi ko maiposisyon nang maayos ang ulo niya kaya't inihilig ko na lang ito sa may binata ng kotse.

"Talian na natin ang isang 'to ah? Baka mamaya magising pa 'to," pagpapaalam ko.

"Sige lang Brad!" tugon ni Joaquin habang nagmamaneho.

"Hoy ah? Paggising ni Kuya you know what to do?" sabat ni Alex. "Be your best character!"

Una kong tinalian ang kamay ni Mick papulupot sa kanyang likuran gamit ang lubid. Hindi ko 'to masyadong diniinan para hindi siya gaanong masaktan. Sumunod ay tinakpan ko ang bibig niya gamit ang manipis na panyo.

Ang huli'y tatakpan ko ang mata niya para wala siyang makita kung sakaling magising siya. Napatigil ako sa parteng iyon at tila baga nakonsensyang muli. Sa isip-isip ko'y nagpapatawad muli ako sa kanya. Awang-awa tuloy ako sa kanya pero ito lang talaga ang way para mapagtagumpayan ko ang aking misyon. Involuntary na panggigipit sa kanya. Aminado naman akong may soft spot pa rin ako kay Zanmiks kaya ramdam ko ang pagka-guilty sa ginagawa kong ito.

Matapos kong matalian si Mick, nagulat na lang kami nang biglang makarinig kami ng malakas na kalampag. Galing ito sa likurang bahagi ng kotse kung saan namin isinilid ang nuo'y walang malay na si Joaquin version 1. Mukhang nagkamalay na ang loko.

"Anu ba 'yan ang ingay. Peste talaga!" singhal ni Alex sa naririnig na kalabog.

"Pupunta ba tayo ng Ospital? O sa presinto?" pasarkastikong tanong ni Joaquin. Ako ri'y hindi makapag-isip kung anong gagawin namin. Idideretso sana namin siya ng Ospital tapos iiwanan dun pero mukhang hindi na mangyayari dahil nagkamalay tao na siya.

"Sabi sa inyo e, may sa pusa 'yang buteteng 'yan! Dapat iniwan na lang natin siya dun o kaya itinapon na lang natin siya sa manhole para magkasilbi naman siya sa mga daga!" painis na sabi ni Alex.

"Wala na tayong magagawa, isama na lang natin 'yung isang 'yun," sabi ko.

"No way! No as in...... NOOOOOO with the capital OOOOOO!!!," eksaheradang daing ni Alex.

"Anong magagawa natin? Aminin na lang natin sa kanya kung anong ginagawa natin para tapos na 'yung pagtatago natin."

"He doesn't deserve our explanation!" paangas na reaksyon ni Alex. "Pesteng 'yan ba't di pa mamatay matay.... kainis..."

"What if i-hostage na lang natin siya, gaya ng gagawin natin sa Tiyuhin mo Alex?" suhestiyon ni Joaquin.

"No way. Itapon na lang natin siya sa ilog pasig para mas madali. Bwiset!"

Naririnig namin ang kalabog at pagsigaw ni Joaquin na tila humihingi ng saklolo. Napilitan tuloy kaming umiba ng route kung saan walang masyadong sasakyan at tao. Napunta pa kami sa very isolated place para lang tingnan ang nuo'y nag-iingay na si Joaquin version 1. Ipinark ni Joaquin version 2 ang kotse sa may madilim na parte ng kalsada sabay labas ng kotse.

"Anong gagawin mo Brad?" tanong ko sa kanya.

"Tatakutin ko lang. Anong gusto niyo? Iwan na natin siya dito o isama pa natin?"

"Please iwanan na natin siya dito... iligaw 'yan na parang pusa!" sabat ni Alex.

"Di ka makatao Alex ah?" pangaral ko. "Nadamay lang naman 'yan. Unfair naman kung iwan na lang natin siya dito. Parang wala kayong pinagsamahan ah?"

"Yuck.... Duh?! Ano bang pinagsamahan namin nung buteteng 'yan? Eeeeewwww. My horrible nightmare," paarteng reaksyon niya.

Sumugod si Joaquin sa bandang likuran ng kotse upang tingnan ang katukayo niya. May dala siyang pekeng baril panakot sa nuo'y nagpupumiglas na kaawa-awang nilalang.

"Wag mo 'kong papatayin. Maawa ka sa 'kin Boss.... Parang awa mo na!" rinig kong pasigaw na iyak ni Joaquin.

"Tarantado ka, hindi ako magdadalawang isip na iputok 'tong baril sa ulo mo kung hindi mo isasara ang bunganga mo!" nakakatakot na banta ni Joaquin version 2.

After that, all I hear is silence from Joaquin version 1. Kaya pala'y dahil sinalpakan ni Joaquin version 2 ito ng Tape sa bibig at piniringan din ng panyo sa mata.

"Ayan... wala nang maingay..," pangiting sabi ni Joaquin sabay upong muli sa Driver's seat.

"Sana tinuluyan mo na 'yung buteteng 'yun!" ani Alex na imbyerna pa rin.

"Wag naman. Bad 'yun," ani Joaquin habang iniistart muli ang engine.

Isa... dalawa... tatlo.... hanggang sa pang-apat na attempt para irestart ang engine ngunit hindi  pa rin ito umaandar. Nakasampu na'y wala paring reaksyong ang sasakyan.

"Patay tayo, mukhang naubusan tayo ng Gas," nababahalang sambit ni Joaquin.

"What???????????"- Alex.

"Kaya ayokong ilabas 'yung kotseng 'yan e, madaling maubusan ng gas. May leak ata," sagot ko.

"Paano na 'yan? Ang dilim-dilim dito? Tapos malapit pa tayo sa talahiban. It's so scary here," ani Alex na umaaktong natatakot.

"2am na, malamang dito muna tayo magpalipas ng gabi"- Joaquin.

"Wala ba tayong pwedeng mahingan ng tulong like... S.O.S?"- Alex.

"Kung pwede sana kaso walang signal dito," sambit ko nang makitang zero signal ang aking phone.

"OMG I can't believe this. Kasalanan 'tong lahat ng Joaquin na 'yan e!" pagalit na sambit ni Alex.

"Ako? Ba't naman ako?" pagreact nung katabi niya na akala'y siya 'yung tinutukoy nung isa.

"Of course hindi ikaw, lucky charm ka kaya," pasweet na sabi ni Alex sa katabi niya. "Ang tinutukoy ko is 'yung salot na dugyot na nandudun sa likuran ng kotse. Kung hindi dahil sa pagka-KJ niya e hindi tayo mapapadpad sa lugar na 'to. Ngayon, nganga tayo!"

Lumabas ako ng kotse to check kung may mahihingan kami ng tulong. Kanina pa'y ni-isang sasakya'y wala man lang nagdaraan tapos wala pang signal sa lugar na 'to kaya hopeless kaming makaalagwa ng mga oras na 'yun. Napansin kong may malapit na bahay sa may di kalayuan kaya't naisip kong pumunta muna kami duon upang makiusap na magpalipas ng ilang oras upang matulog hanggang mag-umaga.

Inaya ko 'yung dalawa, kasama si Mick, na buhat buhat ko upang pumunta duon sa bahay na maaari naming paglipasan ng gabi.

"Tao po..... may tao po ba? Tao po?" pagtawag ni Alex sa posibleng naninirahan sa napaka-isolated na bungaloo na 'yun. "Tao po.... tao? Tao po... Tao....," ulit pa niya. "Tao?... aba walang tao? Hayop na lang.... hayop.... may hayop po ba diyan?" pagbibiro pa niya.

"Ang corny mo Alex, 'wag kami," pagbasag ko sa kanya.

"Corny ba? E ba't tumatawa si Joaquin?" pagturo niya dito. "Uy tawa naman siya," sabi niya sa nangingising si Joaquin.

"Natatawa ako kase ang corny!" banat pa niya.

Nang wala pa ring taong sumasagot e sinubukan naming tumuloy sa mismong bahay. Bukas ang pintuan ngunit nang buksan namin ang ilaw ng sala e wala kaming nakitang kagamitan. Baka lumipat na ang tanong nuo'y nakatira dito. Sino ba naman kaseng mangangahas na tumira sa lugar na napaka-isolated, 'yung tipong ang kapitbahay mo'y ilang kilometro ang layo.

"Wow. Walang tao? So..... malaya tayong matulog dito?" ani Joaquin.

"Okay! So.... dalawa ang kwarto. Kayo Jace ni Kuya Mick sa kabilang kwarto, tapos kami ni Joaquin dun sa isa," magiliw niyang sabi na tila gustong gusto pa niyang may kasamang lalaki sa pagtulog. Sabagay, ramdam ko na ang pagkapraning niya kay Joaquin dahil may kagwapuhan din naman ang isang 'to. Parang 'yung pagkapraning lang niya sa 'kin nun na ramdam ko kaagad.

"Okay lang ba na tabi tayo matulog? Malikot akong matulog," pangiting sabi ni Joaquin sa nuo'y pumaparaan na si Alex.

"Ano ka ba," tapik ni Alex sa braso nung isa. "Okay lang 'yun, much better...."

"Much better??!"- Joaquin.

"I mean, much better, kase sabi ng matatanda, athletic daw 'yung mga taong malikot matulog. It only means that you're athletic," sabi pa niya. Teka, wala akong maalalang ganung klaseng kasabihan.

"Ganun ba 'yun?" ani Joaquin na confused.

"Oo naman, kaya okay lang."

Medyo pagod na rin ang katawan ko na parang sobrang maraming nangyari nung araw na 'yun kahit literal na wala pa kaming natutunton kahit isa. Ang bilis ng shifting ng decisions kahit hindi naman talaga pinagplanuhan.

Luckily, sa kwarto namin ni Mick, tanging malambot na kama ang naroroon. Inihiga ko siya sa kama nang paside-view upang hindi madaganan ang kamay niyang tinalian ko ng lubid. Dahil sa awa, minabuti kong tanggalin ang panyong nakatakip sa bibig niya maging ang piring sa kanyang mata. Pansin ko ang pagbakat ng pagkakatali ko sa parte ng mukha niyang iyon.

Humiga ako sa tabi niya upang makapagpahinga na rin. Sumide-view ako patapat sa kanya to see a glimpse of him. Natatawa ako dahil napaka-amo niya. Para siyang tigre na napaamo ng kanyang amo. Pinagmamasdan ko 'yung mukha niya at hindi ko talaga maiwasang makaisip ng kakaiba. Kakaiba in a sense na, parang bumabalik 'yung admiration ko sa kanya. Oh God, ngayon lang talaga ako nag-admire ng ka-gender ko. Ngayon ko lang aappreciate ang salitang gwapo sa ibang lalaki dahil since pagkabata ko, ang alam ko lang gwapo ay ako. Pwera biro.

Nararamdaman ko 'yung hangin na pumaparoot parito sa ilong niya. Napaka-angelic ng mukha niya at saksakan ng gwapo itong si Zanmiks. Kung hindi lang talaga nangyari 'yung failed Date namin e sana nasa next level na 'yung relationship namin. Ang hirap lang talaga 'pag ganito. Nakakapanigabo na nakakaparanoid dahil hindi mo alam kung tama ba o mali 'yung ginagawa niyo.

Pero iba e, iba 'yung pagmamahalan namin ni Mick kahit ilang araw lang nangyari 'yun. In just 15 days or less at nagkaibigan kami. Iniisip ko, paano nangyari 'yun? Anong merong kakaiba sa 'min? Iniisip rin ba niya ang nasa isip ko? Nakakabaliw! Pareho kaming baliw.

Hindi ako makatulog dahil punong abala ako sa pagtitig sa kanyang maamong mukha. Last chance ko na lang ata 'yun dahil pag nagising na siya, hindi ko na maeenjoy 'yung pagiging TAME niya dahil magtatransform na naman 'yan sa pagiging tigre 'pag nalaman niyang kasama niya ako, kaya I wanna feel this moment of observing his innocence.

While I'm enjoying the view and silently smiling, tila biglang kumawala ang puso ko sa aking ribs nang bigla niyang imulat ang kanyang mga mata. Medyo reddish ito na akala mo'y kulang sa tulog, then suddenly he smiled at me.

"Jace?!" mahinang banggit niya sa pangalan ko na halos hindi ko marinig. Ako nama'y parang estatwa na hindi makagalaw dahil sa biglaang pagbukas ng mata niya at biglang tawag sa pangalan ko.

"I LOVE YOU," sambit niya pagkatapos banggitin ang pangalan ko.

What? He said I LOVE YOU to me? Lumambot ang puso ko ngunit hindi pa rin maitago ang kaba ko dahil parang nanaginip lang siya at anytime e magkakaroon na rin siya ng malay at tuluyan nang magising.

At 'yun nga ang nangyari. Binuksan niyang muli ang kanyang mga mata for the second time. This time, ang mga mata niya'y nagtatanong na para bang gustong sabihin e. "What the hell are you doing in my bed?"  Ang pagbukas ng mga mata niya'y hindi na parang isang panaginip, bagkus ito'y literal na siya na. Ako nama'y tila muling naging estatwa na hinahanap ang sarili kung anong magiging reaksyon ko.

Bigla siyang bumangon nang makita niya akong katabi. "Nasaan ako? Anong ginagawa ko? Ba't katabi kita?" sunod-sunod na tanong niya na halatang walang kamalay-malay sa nangyayari sa kanya. 


**


Kung libre ang pagbasa, libre din po ang pagvote at lalo na comment. thanks.

Continue Reading

You'll Also Like

112K 4.9K 72
This is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wr...
87.7K 7.5K 37
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
1M 33.5K 60
Kung magkaboyfriend ka nang isang badboy, Ano ang gagawin mo? Ito ang storya ni Nico kung papaano niya mapapatino ang isang barumbado at basag ulo na...
534K 27.7K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...