Sea Without Waves (Rebel Seri...

By Ineryss

2.4M 68.5K 19.8K

hhss More

Sea Without Waves
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 8

51.8K 1.8K 577
By Ineryss

Sea Without Waves

Kiss

Nag-impake ako ng mga dadalhin sa gabing iyon. May kumatok sa aking kuwarto. Ilang sandali lamang ay pumasok si Arkaine.

"May lakad ka bukas?" she asked.

I nodded and smiled. Naglakad siya patungo sa aking kama at umupo sa gilid sabay pasada ng tingin sa mga gamit na pinagpapasok ko.

"Draven?" hula niya.

"He doesn't know..." I chuckled.

Nag-angat siya ng kilay. "What do you mean?"

Kumurap ako. "Ah... nakalimutan kong sabihin na inimbita ako ng kaibigan niyang sumama sa lakad nila."

She chuckled. "Nakalimutan o..."

"I'm not his girlfriend, Arkaine. Hindi ko kailangang ipaalam sa kanya lahat ng galaw ko."

Ngumiti siya at tumagilid sa pagkakahiga. I looked at her side profile. Kitang kita kung gaano ka tangos ang kanyang ilong. Mahahaba ang kanyang pilikmata at nagiging anino iyon minsan ng kanyang mga matang maraming itinatagong emosyon.

Sa aming apat, si Arkaine ang masasabi kong secretive. Close kaming lahat ngunit pagdating sa kanya, parang laging may harang.

Tumigil ako sa pag-aayos at dinaganan siya. She groaned. I chuckled and rested my head on her shoulder.

"Daddy's coming..." I whispered.

Ramdam ko ang biglaan niyang paghinahon.

"On your eighteenth birthday?" sinilip niya ang mukha ko.

Tumango ako.

"Sino ang last dance? That's probably your future fiancé..."

Napaahon ang aking ulo at humilig sa kanyang dibdib.

"How about you? Kilala mo na ang sa'yo, hindi ba?"

"Wala namang magagawa si Lola kung ayaw ko."

Humalakhak ako. "Patay ka kay Svetrina!"

Ngumisi si Arkaine. "We are trained to protect ourselves not just physically but also emotionally, Ashtraia. Walang exempted doon. If it will hurt us then we need to be wise and protect ourselves..."

Lumuhod ako sa kanyang pagitan at kiniliti siya.

"And what kind of plan are you talking about huh?"

Humalakhak siya. Isang pihit lamang ay ako na ang kanyang nataob at siya naman ang nakaluhod. Ngumisi ako habang nakatutok sa kanyang leeg ang tatlong matutulis kong kuko.

"I win," I chuckled.

"You sure?"

I traced her other hand. Tumingala ako ng kaonti at nakitang may hawak siyang gamit ko na nakatutok na sa aking ulo. I glared at her.

"Paano mo 'yan nakuha! Pinasok ko na 'yan sa bag ko," reklamo ko at binawi iyon sa kanya.

"While you were busy talking to me," sabi niya sabay alis sa pagkakaluhod sa akin.

Mahirap isahan si Arkaine. She's always careful. Hindi agad mapapatid ng kahit sino.

"May kilala ka bang Sanders?" tanong ko nang maalala ang nabanggit na kaibigan ni Draven.

"Sanders? 'Yung pinaka batang trabahador ni Lola?"

"You know him?"

"Scholar siya. He's one of the farmers. Namamasukan din sa hotel bilang support staff ngunit hindi ako sigurado kung 'yon pa rin ang posisyon niya... 'Yun lang ang alam ko."

Oh? Kaya naman pala familiar at nabanggit ni Trison na nakita na ang loob ng mansyon.

"He's Draven's friend," I said.

"And Trison," she added.

"Kasali ba sa soccer team?"

Umiling siya at tumulong sa pagpapasok ng aking mga gamit. Tinitigan ko siya.

"He's not a football player but a swimmer. Si Draven ang alam ko na nasa team."

As what I discovered. I nodded.

"Si Drystan?" kuryoso kong tanong.

"Basketball."

As usual. Boys. They're fond of it.

Hindi ko na rin naman masyadong inisip ang bagay na 'yon. Sapat na iyong may ideya ako ng kaonti man lang. As if they're all important. Just in case...

Maaga akong umalis kinabukasan. I left while my cousins are still sleeping, lalo na't matagal silang gumising, at si Arkaine naman ay nagmumukmok pa siguro sa kuwarto niya para magbasa ng libro.

Dala ko ang dalawang putahe ng pagkain, dalawang dessert at isang malaking tupperware na klase klaseng prutas ang laman.

Sa bahay ako nila Trison dumeritso pagkatapos ng napagkasunduan. Tanaw na tanaw ko ang mukha ni Draven sa tabi ni Trison at ng isa pang lalake. Nakangising kumaway si Trison habang madilim agad ang ekspresyon ng dalawa sa kanya at sabay pa siyang tiningnan.

They said something to him. Kapwa nilingon ni Trison ang dalawa at humalakhak. Huminto ang van sa tapat nila at naunang lumabas.

"Ashtraia!" bati ni Trison habang nakatingin sa akin ang dalawa.

"Nagpaalam ka?" one of them asked, probably Sanders.

Ngayon na nasabi ni Arkaine sa akin na swimmer siya, pansin ko agad sa kanyang tindig iyon. Hindi nalalayo ang katawan nila ni Draven. Hindi rin nalalayo ang katangkaran.

I nodded. Huminga si Draven at parang dismayado na naman kung makatingin sa akin. I smiled.

"Sorry ang tagal ko!" isang tinig ng babae ang kumuha ng aking atensyon.

Nilingon siya ni Trison. Lumapit ang babae sa gilid ni Draven. He looked at her too.

"Alice..." ngiti ni Trison ngunit ramdam ko ang pagiging hilaw lalo na't kita ko ang itinapon na tingin ni Draven sa kanya.

I saw how Sanders shook his head like he's disappointed.

"Si... Asthraia pala," pakilala ni Trison sa akin.

The girl looked at me and hooked her arm around Draven's arm. Oh?

"Hi! Oh... Ang ganda niyo pala talaga sa personal. May sabi sabi kasi na magaganda ang mga Ferrarin," she chuckled softly.

I smiled a little and looked at Trison. Gagong 'to. Hindi ako in-inform na may babae palang kasama? At sino 'yan? Draven's girlfriend? This asshole!

Wait calm down. Baka naman kaibigan? Childhood friend tapos clingy? O pinsan? Well... maybe.

At ano naman iyon sa akin 'di ba? As if we're in a relationship.

"Bakit ka nagdress at flats, Alice? May kaonting hiking pa naman sa pupuntahan natin na falls," puna ni Trison.

Alice looked at herself. She's wearing a cute dress and flats. May suot din siyang sombrero. She's like Abrielle who's ready for a beach vacation. Always extra.

"Dapat ginaya mo kay Ashtraia," si Trison na tiningnan ang suot ko.

Naka fit denim pants ako. Boots at itim na tank top. Naka high ponytail din ang aking buhok.

"Huh? Ayos naman ah..." she said.

"Stop with the nonsense. Let's fucking go," reklamo ni Sanders at gusto nang umalis.

Nagkatinginan kami ni Draven. I smirked at him. Entertain me huh? You're fucking kidding me, nerdy?

Hinawakan ko ang straps ng aking backpack na suot. Si Trison ang nagpresintang dalhin ang mga pagkain na nasa iisang lalagyan naman lahat kaya hindi mahirap hawakan.

"Ikaw na ang sa front seat, Ashtraia," si Trison na pinagbuksan pa ako ng pinto sa isang Jeep Wrangler.

Umikot si Sanders at nagtungo sa driver's seat. The car looked old ngunit kaonting carwash lang siguro...

Hinila ko ang seatbelt nang makaupo na. Nagsisipasukan na rin ang tatlo sa likuran. Lumingon ako at nakitang nangingiting tumabi si Alice kay Draven na napapagitnaan ng dalawa.

"Bakit wala si Drystan?" I asked.

Ang tamad na nakahilig na si Draven at nasa labas ng bintana ang tingin ay napasulyap sa akin.

"Busy lagi si Kuya Drystan hindi ba, Draven?" si Alice ang nagsalita.

Draven nodded as his eyes drifted to somewhere else. She's calling him Kuya. Ilang taon na ba siya?

Ipinagkibit ko iyon ng balikat at ibinalik ang tingin sa harap lalo na't nagsisimula nang umandar si Sanders.

"Buti hindi nagpumilit sumama ang dalawang makulit?" si Sanders nang bumaling sa akin.

He's probably talking about Ayeselle and Abrielle since they're both playful. Umiling ako.

"They didn't know..."

Tumango siya at ibinalik ang tingin sa harap.

"Dinala mo rin sana ang mga pinsan mo..." si Trison.

Nakita ko ang mga sundalo sa harap. It's probably a checkpoint. Sanders slowed down. Yumuko ang iilang sundalo at sumilip. I smirked.

"Hi boys..."

The critical judgements in their eyes vanished as soon as they saw me. Tinapik ng isa sa kanila ang iilan at sinenyasang hayaan na kaming lumagpas.

"Oh, Ashtraia?" nangingiting bati ng isa sa kanila.

"Don't tell this to my grandma," I said.

Humilig siya sa bintana at sinilip ang loob. Isang pasada sa mga kasama ay tumango rin siya at umatras ng kaonti.

"Ingat sa lakad," aniya.

I nodded and smiled. Nagmanehong muli si Sanders habang sumisinghap si Trison at Alice sa likuran. Kita ko sa salamin ang paghinto ng mga sumunod na kotse at masugid nilang kinilatis.

"Iba talaga pag nabibilang sa makapangyarihang angkan. Nakakaalis agad sa checkpoint," he commented.

It's normal for being wellknown in the whole region of Caraga. Hindi na ako umimik sa bagay na 'yon.

Nakarating din naman kami sa destinasyon. Nagpresinta si Trison na dalhin ang mga pagkaing dala ko. Si Sanders ang humawak sa isa habang umaakyat na kami.

"Kumusta ka naman?" I heard Alice's soft voice.

"Ayos lang," si Draven.

Alice is probably talking about his mother's death. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko ipaparating ang simpatya. It feels illegal. Hindi ko alam kung ikakatuwa niya ba iyon o ano.

Si Trison ang naging kausap ko habang umaakyat kami. We're classmates kaya mas marami kaming topic. Si Sanders ay sumasali minsan. Si Alice at Draven ang laging nabibigyan ng sariling mundo at minsan ay nahuhuli pa.

"Boyfriend mo ba si Conrad?" biglang tanong ni Trison pagkatapos ng iilang topic namin.

"He's my type but no. It takes more than that to pull me as his girlfriend," I chuckled sensually.

Kita ko ang pagsinghap ni Trison. Nananantya ang mga mata niya sa akin.

"'Yung si Mama gusto ng mga kagaya mo..." he said like it's a normal conversation.

Bigla niya akong hinila at itinuro ang maputik na madadaanan ko sana. Tumabi ako ng kaonti sa kanya. Sanders glanced at us when we stop. Umangat lamang ang kilay at nagpatuloy rin sa paglalakad.

Nagkatinginan kaming muli ni Trison.

"Mukha ngang hindi boto sa'yo si Tita para sa akin," asar ko.

Humalakhak si Trison. I copied his reaction and chuckled too.

"May relasyon kayo?" nangingiting tanong ng pamilyar na tinig ni Alice sa aking likuran.

Lumingon ako at nakita silang dalawa. Si Draven ay nakatingin sa kamay ni Trison na nakahawak pa rin sa aking braso at mukhang nakakalimutan niyang kunin paalis.

"Ah hindi!" tanggi ni Trison ngunit matamis ang ngiti sa labi.

"Bagay kayo..." tukso ni Alice at humagikhik.

I only smirked.

Sumabay na ang dalawa sa paglalakad sa amin. Nagpatuloy ang topic namin ni Trison habang naririnig ko rin ang topic nila Draven. He's quiet. Si Alice lang lagi ang nagsasalita at may kinukwento. Si Sanders naman ay nasa harapan at nauuna na.

Pansin ko kung paano ako nililingon ni Draven minu-minuto. Titingnan ko siya pabalik at aangatan ng kilay. He would always looked away and licked his lips problematically, parang hirap sa kung ano mang naiisip niya.

This nerdy, seriously... Tingnan mo nga! Kahit pagporma natotorpe! Nahihirapan! Tapos ang yabang sabihin noong nakaraan na gusto niyang siya lamang ang i-entertain ko? The fuck is he talking about? He's nothing but a beginner who doesn't even know how to flirt!

And he thinks I will help him have it so easily? If he wants my attention then he needs to earn it. He needs to get my full attention. Nakukuha niya naman ngunit hindi ko siya tutulungan sa bagay na iyon. Magkusa siya.

I heard how Alice groaned. Napahinto kami ni Trison at kuryosong lumingon sa likuran lalo na't nahuhuli na naman silang dalawa.

Naabutan ko ang pagyuko ni Draven sa harapan ni Alice, si Alice naman ay nakahawak sa balikat nito habang may kung anong inaalis si Draven sa suot niyang flats. Putikan iyon.

"Ayos lang kami!" ngiti ni Alice at kumaway sa amin.

Bumuntonghininga si Trison at tiningnan ang aking boots. It's muddy but it's fine.

"Sanders! Hintay muna!" sigaw ni Trison kay Sanders na talagang lumalayo at nauuna na, tila ba wala nang pakialam na may kasama pala siya.

Iyon ata ang nagpabagal sa amin. Alice laughed cutely while Draven's trying to clean her flats.

Noong matapos sila ay sumabay muli sa amin. Draven looked at me again like he wants to say something but he couldn't because I am not paying attention.

Pagdating sa bukana ng Falls ay kapansin pansin agad ang katahimikan, ang tanging pagaspas lamang ng tubig pababa ang naririnig.

The water cascaded on both sides of a large rock like a curtain. Malinaw ang tubig at halos naging kulay berde, tila naging salamin sa kabuuan lalo na't napapaligiran ng mga dahon at matatayog na puno.

Kita ko ang pag-aayos ni Sanders sa lamesa habang tumutulong si Alice. Si Trison ay naghuhubad na ng tshirt at mukhang handa nang lumusong sa tubig ano mang oras.

I took my cigarettes out for a smoke. Napansin ko ang paglapit ni Draven sa akin.

He looked at me seriously. Inilagay ko na sa labi ko ang isang sigarilyo habang nakatingin siya sa akin, naninimbang ang ekspresyon.

"Draven!" tawag ni Alice.

Kapwa kami napalingon sa kanya. Abala pa rin si Sanders sa pag a-arrange ng mga pagkain. Si Trison naman ay hindi na mahagilap.

Tumango si Draven at muling bumaling sa akin.

"She's just my childhood friend," he explained like it's necessary.

"Bakit ka nagpapaliwanag? Do you think I'm jealous?" I chuckled.

"Baka sakaling may iba kang isipin. Mas mabuti 'yung malinaw," he said.

Ngumisi ako at muling humithit sa aking sigarilyo. Tiningnan ko ang pagtalon ni Trison sa tubig. Nandoon na rin si Alice na natatawa habang umaatras, tila takot na mabasa.

"I don't mind if you have a girlfriend, Draven. As long as you don't show signals to me. I'm a playgirl but I don't tolerate shits like cheating on your partner."

"Hindi ko girlfriend si Alice," paglilinaw niya. "And I'm sorry if she's clingy. I'll set a boundary if you're not comfortable with it—"

"What for?" kunot-noo ko siyang tiningnan.

"I told you to drop all of your boys and it's unfair if I won't drop mine too..."

"Is he your girl?" I asked.

Umiling siya ng marahan. "Just my... childhood friend."

"Then its not counted. She's your friend. I don't care if you two are close, Draven. I'm not a jealous woman. At mas lalong walang rason para magselos ako kung ano man ang namamagitan sa inyo."

"Walang namamagitan sa amin," he said clearly.

"She likes you. Hindi mo ramdam?"

Nagkasalubong ang kanyang kilay. Tiningnan ko si Alice kaya tiningnan niya rin ito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at natatawang nakipagsabuyan ng tubig kay Trison.

"I only like her as a friend," he explained.

Tumingala ako at marahang binuga ang hinithit na usok ng sigarilyo. Hindi gano'n ka sakit ang tama ng sinag ng araw sa tanghaling iyon.

Nang ibinaba ko ang tingin ay nahuli ko siyang titig na titig sa akin.

Draven looked at me seriously. Inilagay kong muli sa labi ko ang isang sigarilyo.

"Do you hate girls who smoke?" I asked.

"It's bad for your health," he pointed out.

"At hindi magandang tingnan sa babae?" ngisi ko habang kinakalabit na ang hawak na lighter.

"That's not what I'm trying to say. I said it's bad for your health. I didn't say it doesn't look good on you."

"Wala akong nakakahalikan lately. I have nothing to suck aside from this," I said and arched my brow.

Nag-iwas ng tingin si Draven ngunit namumula ng bahagya.

"Kung may kahalikan ka... hindi ka naninigarilyo?" tanong niya sa mahinahong boses.

"Exactly," nangingiti akong humithit sa sigarilyo.

Naninimbang na ang tingin niya sa akin. Tila may naiisip na iba ngunit nahihiya lang sabihin.

I chuckled and shook my head. Wala 'to. Ang yabang noong nakaraang araw tapos ngayon tumitiklop at hindi marunong!

Namulsa siya at iniwas ang tingin.

"I want to replace your cigarettes with my lips," he whispered.

Kinagat ko ang nakangiti kong labi. Hindi ako nagsalita at nagkunwaring walang narinig. Kita ko ang pamumula ng leeg ni Draven nang lumingon siya sa akin at wala akong reaksyon, nasa malayo ang tingin habang humihithit pa rin sa aking sigarilyo.

"Ashtraia," tawag niya.

I looked at him unconsciously, trying to distract myself with something else.

"Hmm?"

"Akin na ang sigarilyo mo," aniya at inilahad sa akin ang kanyang malaking palad.

"Why?"

"I'll replace it..."

Kumunot ang aking noo ngunit nangingiti sa kanyang sinasabi.

I tilted my head cockily and smirked more.

"With what?"

"My lips," kita ko ang pagiging desidido niya.

I arched my brow. Nakangisi kong iginiya ulit ang sigarilyo sa aking labi. Akmang hihithitin iyon ay lumapit na si Draven, ang kamay ay nag-aamba nang kunin ang sigarilyo, ang tingin ay nananantya sa akin.

Marahan niyang kinuha ang sigarilyo sa aking labi. My lips parted for a consent. Kita ko kung paano niya iyon tinitigan saka dahan dahang umakyat sa aking mga mata.

I tiptoed for a bit. Kita ko ang pagyuko ni Draven. I tilted my head. Nangingiti kong hinagod ang dulo ng aking ilong pababa sa kanyang ilong. I saw how his lips parted, how his adam apple moved.

"Do you even know how to kiss to replace my cigarettes with your lips, hmm?" I asked tauntingly.

He nodded slowly. I chuckled softly.

"Can I kiss you?" he asked huskily.

Mas lumandas ang ngiti sa aking labi. Wow. He's asking. It's foreign because it was so gentle. Hindi ganito ang mga nakakahalikan ko. Hindi ganito ka rahan ang hagod ng tinig. Hindi ganito ka lambot makatitig. They're always hungry for me. Always thrilled.

Draven, the nerdy, isn't turned on. He just want to kiss me. Hindi siya mukhang desperado, hindi rin mukhang nagmamadali. He's calm...

He held my chin. Itinulak niya iyon paangat. Binasa ko ang pang-ibaba kong labi habang suot pa rin ang aking ngiti, taliwas sa yumayakap na reaksyon sa mukha ni Draven. He's serious.

Yumuko siyang lalo.

"Can I?" bulong niya sa aking labi, konting galaw nalang ay maglalapat na.

His hot breath kissed my lips and it was enough for me to close my eyes. Oh damn it...

He sighed breathily and I felt how he slowly brushed his lips with mine. Something tickled my stomach. Hindi ko alam kung ano iyon ngunit sigurado ako, dahil iyon sa halik niya.

"Drave—" ang tinig ni Alice ay naputol.

Iginapang ko ang aking kamay sa kanyang leeg at hinalikan si Draven sa paraan ko. He sighed when he realized I kissed back.

Dumilat ako at malamig na tumingin sa banda ni Alice. She looked stunned and offended. Sa kanyang likod, si Trison na namimilog ang mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

497K 18.9K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
11.5K 1K 83
COMPLETED Zurie Solanine Garcia a senior high student, she had a crush for a year on Dammien Israel Sandiego, the cold, private and a person who does...
5.9M 178K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...
864K 32.7K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...