Terra Firma

By malayafics

657 47 81

Ville de Corazon bridge has a place in Kia and Eos' hearts as if it was the connection between them. What if... More

T E R R A F I R M A
P R O L O G UE
U N A
P A N G A L A W A
P A N G A T L O
P A N G - A P A T
P A N G - L I M A
P A N G - A N I M
P A N G - P I T O
P A N G - W A L O
P A N G - S I Y A M
IKALABING - ISA

P A N G - S A M P U

10 2 3
By malayafics

Ikasampung Kabanata:
P A G - A L A L A

E O S

“Raya, dumating ka!” Napatalon ako sa tuwa nang makita ang aking iniibig na naglalakad papalapit sa akin. Halos ilang oras na rin akong naghihintay sa kaniya dito sa tabi ng lawa kung saan madalas kaming magtagpo nang patago. Hindi ko man nais ang ganitong kalagayan sa pagitan naming dalawa, wala akong magagawa dahil malayo ang agwat ng buhay naming dalawa.  Kung sagana si Hiraya, sa karangyaan, ako naman ay kabaliktaran.

“Bakit tila malungkot ka, aking ginoo? Patawad kung naghintay ka nang matagal, nahirapan akong makatakas sa mga bantay.” Hindi ko maiwasang isipin paminsan kung anong nagustuhan sa akin ni Hiraya, ‘di hamak na mas marami siyang magugustuhan na mayaman at makikisig na ginoo, tulad na lamang ni Estefano na balitang balita sa lugar namin na may pagtingin kay Hiraya.

Napailing ako. Hindi ito ang oras para isipin ang ganitong mga bagay lalo na’t kasama ko ngayon ang aking minamahal. Tiyak na matatagalan na naman ang aming pagkikita at makapag-uusap lang kami sa pamamagitan ng mga sulat.

“Eli? May problema ka ba, mahal ko?” tanong muli ni Hiraya.

Maaari ka bang yakapin, binibini? Labis lamang ang pangungulila ko sa inyo.” Tumingin muna siya sa paligid at pinagmasdang maigi kung mayroon bang taong nakamasid dito. Nang masiguro ay nagtungo siya sa ilalim ng malaking puno sa madilim na sulok ng lawa at saka tumango. Hindi na ako nagdalawang-isip at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko namalayang tumulo na ang mga luha ko.

“Bakit, mahal ko?” Tanong ni Raya.

“Natatakot lamang ako, irog,” sagot ko. “Paano kung malaman ng lahat ang tungkol sa atin at paghiwalayin nila tayong dalawa?”

“Eli…” sambit niya. “Hindi ba ay ipinangako natin sa isa’t isang ipaglalaban natin ang pag-ibig na mayroon tayo? Huwag kang matakot, mahal ko, dahil kailanman ay hindi ako bibitaw sa kamay mo. Naiintindihan mo ba?” Kumalas siya sa pagkakayakap mula sa akin at saka sumandal sa balikat ko.

Saksi ang buwan sa pangakong ito, mahal ko.” Lumingon siya sa akin. “Sa mga pagkakataong hindi tayo nagtatagpo, isipin mong ang liwanag nito ay tulad ng pag-ibig ko sa’yo na magsisilbing tanglaw sa kadiliman ng buhay mo.”

“Kakatuwa’t tila ikaw ang lalaki sa atin ngayong gabi,” sambit ko. “Pinagaan mo ang loob ko, mahal ko.”

“Sa pagmamahalang ito, pantay tayo. Walang kasarian, walang kayamanan. Hindi mananaig sa atin ang kahit ano man, ang mahalaga ay iniibig natin ang isa’t  isa.”

Humarap siya sa akin at nagtagpo ang aming mga mata. Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha mula sa kaniyang kilay, sa mga mata niyang makikinang na tulad ng bituin, sa matangos niyang ilong, at sa mapupula niyang labi. Tila may nag-uudyok sa akin na ilapat roon ang akin. Sabay na napapikit ang aming mga mata, tila ba’y may nag-utos noon. Unti-unting naglapit ang aming mga mukha hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagdidikit ng aming mga labi kasabay ng pagdaloy ng kuryente sa buo kong katawan.

“Mahal ko, kung hindi tayo ang itinakda para sa buhay na ito, asahan mong hahanapin kita sa lahat ng lugar, sa lahat ng panahon. Sa bawat pagkakataon, ikaw ang pipiliin ko.” Sambit ko matapos ang mahiwagang pangyayari sa pagitan ng aming mga labi. Tiningnan ko ang kaniyang mga mata at tila tinatangay ako nito sa kaibuturan nito.

Ang mga matang iyon…

"Y-You..."

I saw her mouth uttered something but I couldn't hear it. Para akong binalutan ng mahika sa halu-halong nararamdaman ko nang mapagtanto ang lahat. This is why I felt this strong connection the first time I saw her on that bridge. Things happened so fast and I unconsciously locked her forehead on mine. I suddenly felt guilty for being aggressive but she didn’t budge so I let my emotions take over.

"You... You're here, Hiraya. I found you. I finally... found you," I cried harder as more realizations sank in.

"K-Kilala mo ako?" She replied. She knows it, too?

"Hindi kita naalala noong mga unang beses na makita kita pero ngayong malapit ka sa akin nang ganito, bumabalik na ang lahat sa akin. I... found you under the night sky, my Hiraya."

"B-But... are all of these even real? H-Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, Eos." She looked confused, and so did I. We just met but it feels like we’ve been for centuries together. We just saw each other’s face but hundreds of memories began flashing through our mine. Hindi ko alam kung anong paniwalaan, but I guess, this feeling of longing and love is as strong as the desire to know what’s behind these memories.

"Hindi ko alam kung alin ang totoo pero handa akong alamin lahat. Handa ka rin bang gawin iyon kasama ko?" I said with conviction.

She closed her eyes for a while before reopening it, which made her tears fall even more. It pains me. "Don't cry because of me, Kia. Please..."

"I... am willing to know and discover every single thing about us, Eos. About... you and our unfinished love story." She answered.

I gently kissed her forehead, assuring her that she’s home and she’s safe. I hugged her, a warm one, as if it can ease away the century-worth feeling of longing we have for each other.

“Kia? Eos?” Sabay kaming napabalikwas nang marinig ang boses ni Riva. The atmosphere suddenly became awkward. We wiped each other’s faces at halos hindi alam ang gagawin. Para kaming mga tuod nang datnan kami ni Riva.

“May nangyari ba?” Riva asked. “Hala kayo, nahihiya kayo sa’kin? ‘Wag, ano ba, ako lang ‘to.” Lalong napakunot siya ng noo nang walang tumawa sa biro niya. We just stood there like we were both statues.
“Seryoso ba kayo? Is this a prank? Hey, earth to Eos and Kia? Naiwan lang kayo sandali dito, para na kayong mga tuod diyan.”

“Riva…” Kia finally spoke. “Naniniwala ka ba na pwedeng magkatagpo ang dalawang tao sa ibang panahon?” I almost got choked kahit na wala naman akong kinakain o iniinom.

“Teh ang random mo naman.” Riva stopped, mukhang nag-iisip rin. “Reincarnation? Wala namang scientific basis sa bagay na ‘yan eh. Bakit mo natanong?”

“Si Eos kasi…”

Kia seemed unconscious kaya ako na ang nagtuloy ng sinasabi niya, “I asked Kia kasi. You know, I have this client asking me to paint about reincarnation so I’m asking about her opinion.” There, parang natauhan si Kia at tumangu-tango.

“Oo,” she agreed. “Since nandito ka na rin naman, share your thoughts na rin.”

Tumango-tango si Riva. Mukhang convincing naman ang naging palusot namin ni Kia. I don’t know but I suddenly felt the urge to laugh habang nag-e-explain ng pagkahaba-haba si Riva. I felt bad for not listening to her thoughts and for lying about the client.

“Okay na?” She said after minutes of talking. “I hope I helped. I got to go, may mga bisita pa sa baba. Ni-check ko lang talaga kayong dalawa. Mukhang okay naman kayo so, bye!”

Sabay kaming napabuntong hininga nang makalabas ng kwarto si Riva. Sabay rin kaming natawa sa kagagawan namin.

“Are you okay now?” Tanong ko kay Kia nang humupa na ang tawanan naming dalawa.

“I have never been fine all my life...” She said, smiling at me pero agad rin naman siyang napasimangot. “Ang cheesy, hindi ako ‘yon.”

I smiled at her, “I’m happy that I finally met you in this lifetime, Kia.”

She didn’t respond but instead, she gave me a hug. After crossing that bridge multiple lifetimes, I’m home now.

Continue Reading

You'll Also Like

730K 29.4K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
1.7M 90.2K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.3K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
279K 12.8K 35
With one bullet, the greatest assassin of the 21st century meets her end. As she tries to accept her end, she then open her eyes in a very familiar b...